You are on page 1of 25

8

Filipino
Ikalawang Markahan – Modyul 5
Maikling Kuwento at Ang Pang-uri at
Kaantasan Nito

Tinipon at Inayos ni:

FELIBETH S. SALADINO HINDI


Guro I
Sangay ng mga Paaralan ng Lungsod
Batac
Filipino Baitang 8
.

1
Nilikom at Muling Isinaayos na Modyul
Ikalawang Markahan – Modyul 5: Maikling Kuwento at Ang Pang-uri at
Kaantasan Nito
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa ano mang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa
man, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwneto, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabras sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit
sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Ang anomang
gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal
na may-akda ng mga ito.
Walang ano mang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antoni
Bumuo sa Pagsulat ng Modyul
Tagalikom: Felibeth S. Saladino
Editor: Mark Louie P. Duldulao Joycelyn B. Aspili
Hazel Bacnat Rochelle C. Dulig
Tagasuri: Aubrhey Marie R. Oasay, PhD Susan M. Aspili
Blesilda B. Antiporda John Ernest L. Medrano
Tagadisenyo sa Pabalat ng Modyul: Iris Gale T. Castro
Tagaguhit: Kenneth Irving Alexander T. Diric
Tagapamahala: Joel B. Lopez, EdD, CESO V Marilou B. Sales, EdD
Annie D. Pagdilao, EdD Aubrhey Marie R. Oasay, PhD
Jhon Rey D. Ortal, EdD
Susan M. Aspili

Inilimbag ng Sangay ng mga Paaralan ng Lungsod Batac


Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon I

Office Address: # 16S Quiling Sur, City of Batac, 2906 Ilocos Norte, Philippines
Telephone No.: (077) 677-1993
Website: www.csdbatac.com
E-mail: batac.city@deped.gov.ph
Paunang Salita
2
Para sa Tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 8 na Nilikom at Muling Isinaayos
na Modyul 5 para sa araling Maikling Kuwento at Ang Pang-uri at Kaantasan Nito

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mga mag-aaral sa


mapatnubay at malayang pagkatuto sa mga gawain ayon sa kanilang kakayahan,
bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mga mag-aaral upang makamit
ang mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kailangan mo ring subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaang isinasagawa ang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahang mahikayat at magabayan mo ang mag-aaral
habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa Mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino 8 na Nilikom at Muling Isinaayos na


Modyul 5 para sa araling Maikling Kuwento at Ang Pang-uri at Kaantasan Nito.

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin.


Sa pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
gumawa ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na ikaw,
bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga kaugnay
na kasanayan. Ang tagumpay mo sa aspektong pang-akademiko ay nakasalalay sa
iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.


Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong mabigyan ka ng mga makabuluhang pagkakataon para
matuto.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng marka o sulat
ang alinmang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot
sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
nakapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago simulan ang bawat pagsasanay.
4. Isaalang-alang ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain
at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa ibang pagsasanay.

3
6. Ibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy pagkatapos sagutin
ang lahat ng gawain.

Kung may bahagi sa modyul na nahihirapan kang gawin, huwag mag-alangang


magtanong sa iyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka ring humingi ng tulong sa
iyong mga magulang, sa nakatatandang kapatid o sa sinomang kasama sa bahay.
Laging tandaan na hindi ka nag-iisa.
Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makabuluhang pagkatuto at makakakuha nang malalim na pang-unawa sa mga
kaugnay na kompetensi. Kaya mo ito!

4
Alamin
Ang kabuoan ng Modyul na ito ay naglalayong palawakin ang kaalaman
at kaisipan tungkol sa isang maikling kuwentong pinamagatang Saranggola na
isinulat ni Efren R. Abueg.

Mapag-aaralan sa araling ito ang isang panitikang namayani noong panahon


ng mga Amerikano, Komonwelt, at kasalukuyan na kung saan ay higit na naging
maningning dahil sa nabigyan ng pagkakataong maging malaya ang mga
manunulat sa kanilang pagsulat.

Inaasahan na matutuhan mo lahat ang mga inihandang aralin sa modyul na


ito. Ito ay nahahati sa mga sumusunod na aralin:
Aralin 1: Maikling Kuwento (Ang Saranggola)
Ang Pang-uri at Kaantasan Nito

Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto (MELC)


 Naiuugnay ang mga kaisipan sa akda sa mga kaganapan sa sarili,
lipunan, at daigdig. (F8PB-IIg-h-27)
 Nabibigyang-katangian ang tauhan batay sa napakinggang/nabasang
paraan ng kanilang pananalita.(F8PN-IIg-h-26)
 Naipaliliwanag ang sariling kaisipan at pananaw nang malinaw at
makabuluhan. (F8PS-IIg-h-28)
 Nabibigyang-katangian ang piling tauhan sa maikling kuwento gamit
ang mga kaantaan ng pang-uri (F8WG-IIg-h-28)

Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul, inaasahang magagawa mo ang


mga sumusunod:
1. masasagot ang mga tanong tungkol sa maikling kuwento at tekstong
tinalakay;
2. mabibigyang-katangian ang mga tauhan batay sa paraan ng kanilang
pananalita;
3. matutukoy ang mga elemento ng maikling kuwento;
4. matutukoy ang mga pang-uri at ang kaantasan nito;
5. makabubuo ng paghahambing gamit ang mga pang-uri; at
6. maibabahagi ang sariling kaisipan at pananaw nang malinaw at
makabuluhan.

1
Subukin
Bilang pagsisimula, sagutan mo ang mga tanong sa ibaba
upang mataya ang iyong kahandaan sa paksa.

Gawain 1: Paunang Pagtataya


Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Isulat sa sagutang papel
ang
letra ng wastong sagot.

1. Ito ang kauna-unahang koleksiyon ng mga kuwento ni Efren Abueg.


A. Agos C. Kampay
B. Bugso D. Mapalad

2. Ito ay isang uri ng masining na pagsasalaysay na maikli ang kaanyuan at ang


diwa ay napapalaman sa isang buo, mahigpit, at makapangyarihang
balangkas na inilalahad sa isang paraang mabilis ang galaw.
A. Tula C. Nobela
B. Dula D. Maikling Kwento

3. Anong tawag sa elemento ng maikling kuwento na nagsasaad kung saan


dapat talakayin ang paksa at kung sinong tauhan ang dapat maglahad ng
mga pangyayaring makikita at maririnig?
A. Himig C. Paningin
B. Banghay D. Suliranin

4. Ito ay kaantasan ng pang-uri na naglalarawan lamang ng isa o payak na


pangngalan o panghalip.
A. Lantay C. Pasukdol
B. Pasahol D. Pahambing

5. Ito ang pang-isiping iniikutan ng mga pangyayari sa akda. Noong una, ang
diwa ay nangangahulugan ng moral lesson subalit ngayon iyon ay walang ibig
sabihin kundi ang mahalagang pang-isipin ng akda (significant idea).
A. Banghay C. Suliranin
B. Paningin D. Paksang-diwa

6. Ano ang tawag sa isa pang elemento ng maikling kuwento na tumutukoy sa


paglakad o pag-unlad ng kuwento mula sa pagkakalahad ng suliranin
hanggang sa malutas ang suliraning ito sa wakas ng katha?
A. Galaw C. Kakalasan
B. Salitaan D. Pagtutunggali

2
7. Ito ay kaantasan ng pang-uri na ginagamit sa pagtutulad ng dalawang
pangngalan o panghalip.
A. Lantay C. Pasukdol
B. Pasahol D. Pahambing

8. Ito ay nasa pinakadulong digri ng kaantasan. Ito ay maaaring positibo o


negatibo. Ang paglalarawan ay masidhi kung kaya maaaring gumamit ng mga
katagang sobra, ubod, tunay, talaga, saksakan ng-, hari ng- at kung minsa’y
pag-uulit ng pang-uri.
A. Lantay C. Pasukdol
B. Pasahol D. Pahambing

9. Siya ay isa sa mga iginagalang na nobelista, kuwentista, mananaysay, at


kritiko ng kaniyang panahon. Siya rin ang editor at bumuo ng mga
antolohiyang gaya ng Mga Piling Akda ng KADIPAN at iba pa.
A. Efren Abueg C. Severino Reyes
B. Amado Hernandez D. Ildefonso Santos

10. Ang malumanay na pangangaral ay maituturing pa ring epektibong paraan ng


pagdidisiplina sa anak. Ano ang kasalungat ng ng nasalungguhitang salita?
A. Maayos C. Pasigaw
B. Magalang D. Mahinahon

11. “Ayoko nang mag-aral, Inay. Tipid, pagtitiis, kahihiyan lamang ang dinaranas
ko rito. Bakit ako ginaganoon ni Itay? Gusto ba niya akong pahirapan?” Ang
anak ay:
A. Maunawain C. Puno ng galit
B. Mapagmalaki D. Mapagbintang

12. Ito ay tumutukoy sa kulay ng damdamin. Ang himig ay maaaring mapanudyo


mapagpataw, at iba pang magpapahiwatig ng kulay ng kalikasang damdamin.
A. Himig C. Paningin
B. Galaw D. Pagtutunggali

13. “Nagunita niya ang mga bagay na itinuro sa kaniya ng kaniyang ama tungkol
sa pagsisikap at pagtitiyaga.” Ano ang kahulugan ng salitang nasalungguhitan
batay sa pagkakagamit sa pangungusap?
A. Naitala C. Nabanggit
B. Naalala D. Nalimutan

3
14. “Isang malaking bundok ang nawala sa aking dibdib nang dinggin ng Diyos
ang aking panalangin.” Ano ang kahulugan ng salitang nasalungguhitan batay
sa pagkakagamit sa pangungusap?
A. Problema C. Mataas na lugar
B. Kalukohan D. Uri ng anyong lupa
C.
15. “Ang makulay na guryon ay magandang pagmasdan.” Anong uri ng
kaantasan ng pang-uri ito ang nasalungguhitan?
A. Lantay C. Palamang
B. Pasukdol D. Pahambing

Isang malugod na pagbati! Matagumpay mong nasagutan ang mga


Aralin
Maikling Kuwento at Ang
katanungan tungkol sa maikling kuwento at ang pang-uri at kaantasan nito.

5
Kaya sa puntong ito, atin nang paunlarin pa ang iyong kaalaman at isipan
Pang-uri at Kaantasan Nito
tungkol sa mga paksang ito.
Ang iyong dating kaalaman ay makatutulong sa iyo upang mahusay mong
maisagawa ang gawain sa bahaging balikan.

Balikan

Gawain 2: Iguhit mo ako!


Panuto: Gumuhit ng isang bagay na para sa iyo ay maaaring maging simbolo o
larawan ng isang taong masaya, matagumpay, at kontento sa buhay.
Ilagay
ito sa kahong makikita sa ibaba at pagkatapos sa tapat nito ay ilahad ang
iyong maikling paliwanag para dito.

SIMBOLO PALIWANAG

4
Tuklasin

Alam mo ba na…?

Si Efren Abueg ay isa sa mga iginagalang na nobelista, kuwentista,


mananaysay, at kritiko ng kaniyang panahon. Kabilang sa kaniyang mga
aklat ang Bugso, ang kaniyang kauna-unahang koleksiyon ng mga kuwento.
Siya rin ang editor at bumuo ng mga antolohiyang gaya ng Mga Piling Akda
ng KADIPAN (1964); Mga Agos sa Disyerto (edisyong 1965, 1974, at 1993);
at MANUNULAT: Mga Piling Akdang Pilipino (1970).

Humakot ng parangal si Abueg tulad ng Don Carlos Palanca Memorial


Awards for Literature (1959, 1960, 1963, 1967, at 1974); Timpalak ng
KADIPAN, unang gantimpala (1957); Pang-alalang Gawad Balagtas (1969);
Timpalak Pilipino Free Press (1969); Gawad ng Pambansang Alagad ni
Balagtas (1992) mula sa Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas (UMPIL);
Timpalak Liwayway sa Nobela (1964), 1965, at 1967).

Siya rin ay sumulat at nag-edit ng maraming sangguniang aklat na


ginagamit magpahanggang ngayon sa kapwa pribado at pampublikong
paaralan, mula elementarya hanggang kolehiyo. Bukod ditto, malimit ilahok
ang kaniyang mga kuwento sa mga teksbuk na isinulat ng ibang awtor.
Iyong basahin ang isa sa kaniyang mga akdang tiyak na hihipo sa iyong
puso bilang isang anak, ang isa sa mga maikling kuwentong kaniyang
isinulat na pinamagatang “Saranggola.”

MGA ELEMENTO NG MAIKLING KUWENTO

Ang maikling kuwento ay isang uri ng masining na pagsasalaysay na maikli


ang kaanyuan at ang diwa ay napapalaman sa isang buo, mahigpit at
makapangyarihang balangkas na inilalahad sa isang paraang mabilis ang galaw.
Ang kahulugang ito ay pinasimple ni Genoveva Edroza-Matute nanagsabing, “ang
maikling kuwento ay isang maikling kathang pampanutikan na nagsasalaysay ng
pang-araw-araw na buhay na may isa o ilang tauhan, may isang pangyayari, at
may isang kakintalan.”

5
Narito ang mga elemento ng mailing kuwento:

1. Banghay- ang maayos at wastong pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.


2. Paningin- Nagsasaad kung saan dapat talakayin ang paksa at kung sinong
tauhan ang dapat maglahad ng mga pangyayaring makikita at maririnig niya.
3. Suliranin (Problem)- Ang problemang kinakaharap ng pangunahing tauhan at
ang kalutasan nito sa katapusan ng akda.
4. Paksang-diwa (Theme)- Ito ang pang-isiping iniikutan ng mga pangyayari sa
akda. Noong una ang diwa ay nangangahulugan ng moral leson subalit ngayon
iyon ay walang ibig sabihin kundi ang mahalagang pang-isipin ng akda
(significant idea).
5. Himig (Mood)- Ito ay tumutukoy sa kulay ng damdamin. Ang himig ay maaaring
mapanudyo, mapagpatawa, at iba pang magpapahiwatig ng kulay ng kalikasang
damdamin.
6. Salitaan (Dialogue)- ang usapan ng mga tauhan. Kailangang ang diyalogo ay
magawang natural at hindi artipisyal.
7. Pagtutunggali (Conflict)- Ito ang paglalaban ng pangunahing tauhan ng
kaniyang mga kasalungat na maaaring kapwa tauhan, o ng kalikasan, o ng
damdamin na rin niya.
8. Kakalasan (Disentangle)- Ito ang kinalabasan ng paglalaban ng mga tauhan
sa akda.
9. Kasukdulan (Climax)- Ito ang pinakamataas na uri ng pananabik. Sa bahaging
ito ng akda ay humigit-kumulang malalaman na kung magtatagumpay o
mabibigo ang pangunahing tauhan sa paglutas niya sa kaniyang suliranin.
10. Galaw (Action)- Tumutukoy ito sa paglakad o pag-unlad ng kuwentto mula sa
pagkakalahad ng suliranin hanggang sa malutas ang suliraning ito sa wakas ng
katha.

Kumusta ka? Nawa’y nasa maayos at komportable kang lugar ngayon upang
lalo mong maunawaan ang maikling kuwentong iyong babasahin.

Suriin
6
Panuto: Basahin at unawain ang maikling kuwento.

Saranggola
Ni Efren R. Abueg
Rading, Paquito, Nelson…
pakinggan ninyo ang kwentong
ito. May isang lalaki, walong
taong gulang. Humiling siya sa
kanyang ama ng isang guryon.
“Anak, ibibili kita ng
kawayan at papel. Gumawa ka
na lamang ng saranggola,” wika
ng ama.
“Hindi ako marunong,
Tatay,” anang batang lalaki.
“Madali ‘yan. Tuturuan
kita,” sabi ng ama at tinapik sa
balikat ang anak.
Bumili nga ito ng papel at
kawayan at tinuruang gumawa
ng saranggola ang anak.
“Tatay… ibili mo ako ng guryon,” sabi uli ng bata sa ama.
“Anak, pag-aralan mo na lamang mapalipad ang saranggola nang mataas.
Madadaig mo ang taas at tagal ng lipad ng guryon!”
Nainis ang bata sa kanyang ama.
“Kinakantyawan ako sa bukid, Tatay,” anang bata. “Anak daw ako ng may-
ari ng kaisa-isang istasyon ng gasolina sa bayan… bakit daw kay liit ng saranggola
ko!”
Nagtawa ang ama at tinapik na naman sa balikat ang anak.
Tinuruan nga ng ama ang bata ng higit na mataas na pagpapalipad ng
saranggola, pati na ang pagpapatagal niyon sa kalawakan. Nalagpasan nga ng
saranggola niya ang ilang guryon. Ang iba namang guryon na lumipad nang
pagkataas-taas ay nalagutan ng tali at nagsibagsak, bali-bali ang mga tadyang,
wasak-wasak.
Minsan sa pagpapataas ng lipad ng kanyang saranggola, napatid ang tali
niyon. Umalagwa ang saranggola. Hinabol nilang mag-ama iyon at nakita nilang
nakasampid sa isang balag.
“Tingnan mo…hindi nasira,” nagmamalaking wika ng ama. “Kung guryon
‘yan, nawasak na dahil sa laki. Kaya tandaan mo, ang taas at tagal ng
pagpapalipad ng saranggola ay nasa husay, ingat at tiyaga. Ang malaki ay madali
ngang tumaas, pero kapag nasa itaas na, mahirap patagalin doon at kung
bumagsak, laging nawawasak.”

7
Nakalimutan na ng batang iyon ang tungkol sa saranggola nang maging
katorse anyos siya. May iba na siyang hilig; damit, sapatos, malaking baon sa
eskwela, pagsama-sama sa mga kaibigan.
“Anak… dalawang sapatos lamang ang gagamitin mo sa pasukang ito. Kung
masira, saka na papalitan. Magtitipid ka rin sa damit at huwag kang gasta nang
gasta. Hindi madaling kitain ang salapi,” pagunita ng kanyang ama.
“Kawawa nga ako, Tatay,” katwiran ng bata. “Anak ako ng tanging may-ari
ng istasyon ng gasoline at machine shop sa bayan natin, pero ang itsura ko…
parang anak ng pobre.”
“Disente ka naman, a. Malinis ang damit mo, husto ka sa mga gamit sa
eskwela at husto ka rin sa pagkain. Hindi dapat sobra sa mga pangangailangan
ang isang kabataang tulad mo. Hindi natututuhan ang pagtitipid.”
Hindi naunawaan ng bata ang paliwanag ng ama at nagkaroon siya ng
hinanakit dito. Tinipid siya sa lahat ng bagay, hinigpitan sa pagsama-sama sa mga
kabarkada at madalas, pinatatao sa istasyon ng gasolina at pinatutulong sa
machine shop kung araw na walang klase.
“Pinahihirapan talaga ako ng Tatay,” puno ng hinanakit ang tinig na
pagsusumbong ng bata sa ina. “Kaisa-isa pa naman akong anak, ang turing niya sa
akin… parang ampon!”
“Hindi totoo ang sinabi mo, anak,” malumanay na sansala ng kanyang ina sa
paghihinanakit niya sa ama. Alam mo mataas ang pangarap niya para sa iyo.”
“Bakit? Ano ang gusto niya para sa akin?”
“Ibig niyang maging mahusay kang inhinyero.”
Hindi na kumibo ang bata at hindi rin napawi ang hinanakit niya sa ama.
Gayunman, hindi siya makapaghimagsik dito. Iginagalang niya ito at pati ang
kanyang ina.
Nang labingwalo na siya napagkaisahan ng kanyang mga barkada na
kumuha sila ng commerce.
“Mabuti ‘yon. Magsama-sama tayo sa isang unibersidad,” mungkahi ng isa
sa limang magkakaibigan.
Pumayag siya. Ngunit nang kausapin niya ang ama, tumutol ito.
“Inoobserbahan kita, anak. Hindi mo hilig ang commerce. Palagay ko
mechanical engineering ang bagay sa iyo. Tanungin mo ang iyong ina.”
Masama man ang loob, sumangguni pa rin siya sa ina.
“Hindi sa kinakampihan ko ang iyong ama, anak. Pero sa tingin
ko….engineering nga ang bagay sa iyo. May machine shop tayo…sino ba ang
magmamana niyon kundi ikaw?”
Nasunod ang kanyang ama at napilitan siyang tumiwalag sa kanyang
barkada. Napag-isa siya sa pag-aaral sa lunsod at ngayong binata na siya, hindi na
hinanakit kundi paghihimagsik sa ama ang kanyang nadarama.
“Ayoko nang mag-aral, Inay,” sabi niya sa kanyang ina nang dalawin siya
nito sa dormitoryo. “Tipid, pagtitiis, kahihiyan lamang ang dinaranas ko rito. Bakit
ako ginaganoon ni Itay? Gusto ba niya akong pahirapan?”

8
Pinayapa ng kanyang ina ang kanyang kalooban.
“Magtiwala ka sa amin, anak. Wala kaming gagawin ng iyong ama kundi
makabubuti sa iyong hinaharap.”
“Makabubuti ba sa akin ang magmukhang basahan at magdildil ng asin?”
“Makabubuting matuto kang magtiis. Pagkatapos mo naman ng pag-aaral at
magtagumpay ka sa hanapbuhay, magiging magaan sa iyo ang lahat.”
“Bakit kailangan ko pang magtagumpay? Hindi ba’t ipamamana ninyo sa
akin ni Itay ang ating kabuhayan?”
“Totoo iyan, anak…pero paano mo mapauunlad ang ating kabuhayan kung
hindi mo alam ang mga hirap sa pagtatayo niyan?”
Hindi maintindihan ng binata ang sinabi ng kanyang ina, subalit naisip niyang
makapagtitiis pa siya. Isinubsob na lamang niya ang ulo sa pag-aaral.
Nakatapos naman ng inhinyerya ang binata. Hindi siya pangunahin sa klase,
ngunit sa pagsusulit sa gobyerno, nakabilang siya sa nangungunang unang
dalawampu.
“Ngayon anak…bibigyan kita ng limampung libong piso. Gamitin mo sa
paghahanapbuhay,” sabi ng kanyang ama nang makuha na niya ang lisensiya
bilang mechanical engineer.
Namangha siya.
“Akala ko…ako na ang hahawak ng ating machine shop pagkatapos ko ng
pag-aaral,” nawika niya sa ama.
“Bata pa ako, anak. Kaya ko pang mag-asikaso ng hanapbuhay na iyan.
Saka ibig ko, magpundar ka ng sariling negosyo.”
“Bakit pa, Itay? Mayroon na tayong negosyo.”
“Mabuti na ‘yong makatindig ka sa sarili mong mga paa.”
Tinanggap niya ang halagang ipinagkaloob ng ama. Humiwalay na rin siya
ng tirahan sa mga magulang.
“Alam kong malaki ang hinanakit mo sa iyong ama. Gayunman, ibig kong
isaisip mong, ang kinabukasan mo ang lagi niyang inaalala.”
Ngunit may lason na sa kanyang isip. Hindi na siya naniniwala sa sinabi ng
kanyang ina. Naging lubos ang paghihimagsik niya sa kanyang ama.
Nagtayo siya ng isang machine shop sa dulo ng kanilang bayan. Agad-agad
siyang pinagsadya ng kanyang ama.
“Bakit hindi pa sa ikatlong bayan ka nagtayo ng machine shop?
Magkukumpetensiya pa tayo rito.”
“Akala ko ba’y bahala na ako sa buhay ko, Itay?”
Natigilan ang kanyang ama. Saka napapailing, nag-iwan pa ito ng salita
bago lumisan.
“Kung sa bagay…mabuting magturo ang karanasan!”
May isang taon ding nagtiyaga ang binata sa pamamahala ng kanyang maliit
na machine shop sa dulong bayan. Kakaunti ang kanyang parokyano dahil higit na
malaki ang machine shop ng kanyang ama at mahusay ang mga tauhan nito.

9
Nagkautang tuloy siya ng labindalawang libo sa mga kinukunan niya ng materyales.
Nang hindi siya makabayad, inilit ang mga makinang kanyang ginagamit.
“Nabigyan na kita ng pang-umpisang puhunan. Hindi ka sumunod sa
mungkahi ko na umiwas sa kumpetisyon. Subukin mo namang maghanap ng
puhunan sa sarili mong pagsisikap.”
Noon nagsiklab ang binata. Nakalimutan niya ang paggalang sa mga
magulang. Dumabog siya sa harap ng ama.
“Ano kayong klaseng ama? Bakit ninyo natitiis ang inyong anak? Kasiyahan
ba ninyong makitang nahihirapan ako?”
“Ibig kong matutuhan mo ang lahat ng nangyayari sa buhay na ito. Hindi
madali ang mabuhay sa mundo, anak.”
“Hindi ba kaya may mga magulang ay para gumaan ang buhay ng mga
anak?”
“Ang ikagagaan ng buhay ng mga anak ay wala sa mga magulang kundi
nasa mga itinuturo nila sa mga ito.”
Nagkahiwalay ng landas ang mag-ama. Naglayas ang binata nang hindi man
lamang nagpaalam kahit sa ina. Nagpalipat-lipat sa kung saan-saang trabaho
hanggang pagkaraan ng limang taon, nakaipon siya ng sampung libong piso at
nakabili ng maliit na machine shop. Kumuntrata siya ng paggawa ng tambutso sa
isang auto assembler at kumita siya nang malaki. Sa loob ng tatlong taon, gumawa
na rin ang machine shop niya ng mga partes ng kotse.
Ang dugo ay dugo, anang kasabihan, kaya dinadalaw ang lalaki ng kanyang
may edad nang ina. Isang araw, dumating ito sa kanilang bahay, gaya ng dati may
pasalubong sa tatlong apong lalaki.
“Ibig ng Itay mong makita ang kanyang mga apo, pero hindi siya makadalaw
dahil sa hinanakit mo,” sabi ng kanyang ina.
“Kinalimutan ko na, Inay, na nagakaroon ako ng ama!”
Umiyak ang kanyang ina.
“Kung gayon… baka hindi na kayo magkita, anak!” nawika nito bago umalis.
Sa tindi ng hinanakit, hindi pa rin niya binigyang-halaga ang bulalas na iyon
ng kanyang ina. Nagpakagumon siya sa trabaho, naghanap pa ng mga bagong
kontrata hanggang sa loob pa ng dalawang taon, kilala na ang kanyang machine
shop sa Pasay. Isang araw, hindi niya dinatnan ang kanyang asawa at tatlong anak
sa bahay.
“Nasaan sila?” usig niya sa katulong.
“Umuwi ho uli sa probinsya. Patawirin daw ho ang inyong ama!”
“Umuwi uli? Bakit, lagi ba sila roon?”
Tumango ang tinanong na katulong.
“May dalawang ulit na hong regular silang nagpupunta roon. Dinadalaw ang
inyong matanda.”
May poot na sumiklab sa kanyang dibdib. Nanlambot siya sa galit. Ngunit sa
pagkaunawang patawirin ang kanyang ama, nagbalik sa kanyang isip ang

10
masasayang sandali sa piling nito. Nagunita niya ang pagpapalipad nila ng
saranggola.
“Wala sa laki ng saranggola ang pagpapalipad at pagpapatagal niyon sa
itaas, nasa husay, tiyaga at ingat iyan!”
Magdamag siyang hindi mapalagay. Lagi niyang naiisip ang sinabing iyon ng
kanyang ama. Kinabukasan, sakay ng kanyang kotse, nagbalik siya sa bayang
sinilangan.
“Patay na siya!” bulalas ng kanyang asawang umiyak sa kanyang dibdib.
May nabugnos na moog sa kanyang puso. Nahalinhan ng pagsisisi ang
hinanakit. Nilapitan niya ang ina at sa pagkakayakap dito, umiyak siya nang
marahan, kasamang nagdadalamhati ang lahat ng himaymay ng kanyang laman.
“Huwag kang umiyak… namatay siyang walang hinanakit sa iyo.” Anas ng
kanyang ina.
“Wa-walang hinanakit?”
“Oo, anak… dahil natupad na ang pangarap niya. Nasa itaas ka na. At sabi
niya sa akin, pati sa asawa mo… nakatitiyak siya na makapananatili ka roon.”
Nang lapitan niya ang kabaong ng ama at tunghayan ang mga labi nito,
parang lumundag ang kanyang puso at humalik sa pisngi ng yumao. Kasunod
niyon, nagunita na naman niya ang pagpapalipad nila ng saranggola.
“Wala sa laki ng saranggola ang pagpapalipad at pagpapatagal niyon sa
itaas. Hayaan mo… tuturuan kita!” paliwanag na ama.
Rading, Paquito, Nelson…tandaan ninyo ang kwentong iyan. Kwento ‘yan
namin ng inyong namatay na lolo. Kwento naming dalawa.

Magaling! Binabati kita sapagkat alam kong naintindihan mo nang mabuti ang
binasa mong akda.
Ngayon ay magkakaroon ka ng maikling pagsasanay tungkol dito.

Pagyamanin

11
Gawain 3: Sagutin mo!!
Panuto: Basahin at sagutin ang mga tanong tungkol sa tekstong tinalakay. Isulat ito
sa isang buong papel.

1. Sa iyong palagay, ano ang layunin ng may-akda sa pagsulat niya ng akdang


“Saranggola”?
______________________________________________________________
______________________________________________________________
2. Ano ang pinakapaksang-diwa ng akdang binasa? Bakit mahalagang
mapalutang ito sa pagsulat ng maikling kuwento?
______________________________________________________________
______________________________________________________________
3. Bakit mahalagang pag-aralan ang maikling kuwento? Paano makatutulong
ang mga aral na taglay nito sa pagharap sa pang-araw-araw na hamong
nararanasan natin sa buhay?
______________________________________________________________
______________________________________________________________
4. Sa iyong palagay, kung ang isang kuwento ay walang suliranin, magiging
kapana-panabik kaya ito? Bakit?
______________________________________________________________
______________________________________________________________
5. Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataong ilarawan ang iyong buhay sa
pamamagitan ng pagkokompara nito sa isang bagay tulad ng “saranggola” na
naglarawan sa uri ng buhay na itinuro ng ama sa anak, saan mo kaya ito
ihahalintulad? Bakit?
______________________________________________________________
______________________________________________________________

Gawain 4: Suriin mo!


Panuto: Suriin ang katangian ng tauhan batay sa paraan ng kanilang pananalita o
binitiwang pahayag. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat ito sa buong
papel.
1. “Kinakantiyawan ako sa bukid, Tatay. Anak daw ako ng may-ari ng kaisa-
isang estasyon ng gasolina sa bayan… bakit daw kayliit ng saranggola ko?”
Ang anak ay:
A. Magagalitin C. Mapagmalaki
B. Mapanumbat D. Puno ng hinanakit

2. “Anak, dalawang sapatos lamang ang aggamitin mo sa pasukang ito. Kung


masira, saka na papalitan. Magtitipid ka rin sa damit at huwag kang gasta
nang gasta. Hindi madaling kitain ang salapi.” Ang ama sa pagkakataong iyon
ay maituturing na:
A. Palasumbat C. Mapagbintang
B. Mapagpaalala D. Mapagtanim ng galit

12
3. “Pinahihirapan talaga ako ni Tatay. Kaisa-isa pa naman akong anak, ang
turing niya sa akin ay parang ampon.” Ang anak ay may damdaming:
A. Mapagmataas C. Mapangarapin
B. Mapagbintang D. Puno ng hinanakit

4. “Ayoko ng mag-aral, Inay. Tipid, pagtitiis, kahihiyan lamang ang dinaranas ko


rito. Bakit ako ginaganoon ni Tatay? Gusto ba niya akong pahirapan?” Ang
anak ay:
A. Maunawain C. Puno ng galit
B. Mapagpaalala D. Mapagtanim ng galit

5. “Magtiwala ka sa amin, anak. Wala kaming gagawin ng iyong ama kundi


makabubuti sa iyong hinaharap.” Ang ina ay:
A. Selosa C. Maawain
B. Malupit D. Magagalitin

Isaisip

PANG-URI AT KAANTASAN NITO

Pang-uri ang tawag sa mga salitang naglalarawan o nagbibigay-turing sa mga


pangngalan at panghalip.
Ito ay may kaantasan at kasidhian.

 Lantay- Ito ay naglalarawan lamang ng isa o payak na pangngalan o


panghalip.
Halimbawa: Ang makulay na guryon ay magandang pagmasdan.

 Pahambing- Ang pang-uring ginagamit sa pagtutulad ng dalawang


pangngalan o panghalip. Ito ay may dalawang uri.

 Magkatulad- Ang paghahambing kung patas sa katangian ang


pinagtutulad. Ginagamit dito ang panlaping ka-, magka-, sing-, gaya,
tulad, at iba pa.
Halimbawa: Magkasing-yaman ang mag-ama sa kuwento.

 Di Magkatulad- Ang paghahambing kung nagbibigay ito ng diwa ng


pagkakait, pagtatanggi o pagsalungat.

o Palamang- May higit na positibong katangian ang


inihahambing sa bagay na pinaghahambingan. Naipakikita ito

13
sa pamamagitan ng paggamit ng mga salitang lalo, higit, di
hamak, mas, at iba pa.
Halimbawa: Ang ganitong panuntunan ay maaaring
maging daan ukol sa lalong maunlad na kabuhayan.

o Pasahol- Kapag may higit na negatibong katangian ang


pinaghahambingan. Gumagamit ng di gaano, di gasino, di
masyado.
Halimbawa: Di gaanong istrikto ang anak kompara sa
ama.

 Pasukdol- Nasa pinakadulong digri ang kaantasan ng pasukdol. Ito ay


maaaring positibo o negatibo. Ang paglalarwan ay masidhi kung kaya
maaaring gumamit ng mga katagang sobra, ubod, tunay, talaga, saksakan
ng __, hari ng __, at kung minsa’y pag-uulit ng pang-uuri.
Halimbawa: Pinakamaganda ang panuntunang ito na nagbigay-daan
sa lalong maunlad na kabuhayan.

Ayos ka lang ba? Huwag kang mag-alala dahil malapit mo nang


matapos ang modyul na ito. Muli kitang hinihikayat na sagutin ang ilang
pagsasanay na nasa ibaba at maging handa ka sa mas malalim na
pagsasanay. Galingan mo!
Gawain 5: Hanapin mo!
Panuto: Salungguhitan ang mga pang-uring makikita sa bawat pangungusap at
isulat
sa linya ang kaantasan nito. Isulat ito sa buong papel.
_______________1. Magsimbait ang aking nanay at tatay.
_______________2. Ang aking ama ay saksakan ng sipag.
_______________3. Ang aking ina ay masasabi kong ulirang ina.
_______________4. Mataas na mataas ang pagtingin ko sa kanila.
_______________5. Ang aking magulang ay sobrang mapagmahal.

Gawain 6: Ihambing mo!


Panuto: Gumawa ng paghahambing sa mga sumusunod. Gamitin ang mga pang-uri
at kaantasang hinihingi sa loob ng panaklong. Isulat ito sa buong papel.
Halimbawa: Amerika-Hapon
(maunlad: pahambing na magkatulad)
Sagot: Magkasing-unlad ang Amerika at Hapon.

1. bahay niyo at bahay ng kaibigan mo: (pahambing na pasahol)


____________________________________________________________
2. tatay mo: sa lahat ng tatay sa mundo (pasukdol)
____________________________________________________________
3. nanay mo: nanay sa isang komersiyal sa telebisyon (pahambing na
palamang)

14
____________________________________________________________
4. ikaw: kapatid mo (magkatulad)
____________________________________________________________
5. perlas (lantay)
____________________________________________________________

Isagawa

Gawain 7: Punan mo!


Panuto: Sa akdang iyong binasa ay inihalintulad ng may-akda ang buhay sa isang
saranggola, iugnay ang mga kaisipang ito sa iyong sarili, sa lipunan, at
maging sa mundo gamit ang dayagram sa ibaba. Isulat ito sa buong papel.

SARANGGOLA

Pag-uugnay sa
Sarili

Pag-uugnay sa
Lipunan

Pag-uugnay sa
Mundo

Tayahin

Gawain 8: Pangwakas na Pagtataya

15
Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Isulat sa buong papel ang
letra ng wastong sagot.

1. Ito ang pang-isiping iniikutan ng mga pangyayari sa akda. Noong una, ang
diwa ay nangangahulugan ng noral lesson subalit ngayon iyon ay walang ibig
sabihin kundi ang mahalagang pang-isipin ng akda (significant idea).
A. Banghay C. Suliranin
B. Paningin D. Paksang-diwa

2. Ano ang tawag sa isa pang elemento ng maikling kuwento na tumutukoy sa


paglakad o pag-unlad ng kuwento mula sa pagkakalahad ng suliranin
hanggang sa malutas ang suliraning ito sa wakas ng katha?
A. Galaw C. Kakalasan
B. Salitaan D. Pagtutunggali

3. Ito ay kaantasan ng pang-uri na ginagamit sa pagtutulad ng dalawang


pangngalan o panghalip.
A. Lantay C. Pasukdol
B. Pasahol D. Pahambing

4. Ito ay nasa pinakadulong digri ng kaantasan. Ito ay maaaring positibo o


neagtibo. Ang paglalarawan ay masidhi kung kaya maaaring gumamit ng mga
katagang sobra, ubod, tunay, talaga, saksakan ng __, hari ng __ at kung
minsa’y pag-uulit ng pang-uri.
A. Lantay C. Pasukdol
B. Pasahol D. Pahambing

5. Siya ay isa sa mga iginagalang na nobelista, kuwentista, mananaysay, at


kritiko ng kaniyang panahon. Siya rin ang editor at bumuo ng mga
antolohiyang gaya ng Mga Piling Akda ng KADIPAN at iba pa.
A. Efren Abueg C. Severino Reyes
B. Amado Hernandez D. Ildefonso Santos

6. Ang malumanay na pangangaral ay maituturing pa ring epektibong paraan ng


pagdidisiplina sa anak. Ano ang kasalungat ng ng nasalungguhitang salita?
A. Maayos C. Pasigaw
B. Magalang D. Mahinahon
7. “Ayoko nang mag-aral, Inay. Tipid, pagtitiis, kahihiyan lamang ang dinaranas
ko rito. Bakit ako ginaganoon ni Itay? Gusto ba niya akong pahirapan?” Ang
anak ay:
A. Maunawain C. Puno ng galit
B. Mapagmalaki D. Mapagbintang

16
8. Ito ay tumutukoy sa kulay ng damdamin. I maaaring mapanudyo
mapagpataw, at iba pang magpapahiwatig ng kulay ng kalikasang damdamin.
A. Himig C. Paningin
B. Galaw D. Pagtutunggali

9. “Nagunita niya ang mga bagay na itinuro sa kaniya ng kaniyang ama tungkol
sa pagsisikap at pagtitiyaga.” Ano ang kahulugan ng salitang nasalungguhitan
batay sa pagkakagamit sa pangungusap?
A. Naitala C. Nabanggit
B. Naalala D. Nalimutan

10. Ito ang kauna-unahang koleksiyon ng mga kuwento ni Efren Abueg.


A. Agos C. Kampay
B. Bugso D. Mapalad

11. Ito ay isang uri ng masining na pagsasalaysay na maikli ang kaanyuan at ang
diwa ay napapalaman sa isang buo, mahigpit, at makapangyarihang
balangkas na inilalahad sa isang paraang mabilis ang galaw.
A. Tula C. Nobela
B. Dula D. Maikling Kwento

12. “Pinakamaganda si Ana sa apat na anak ni Aling Maria.” Anong uri ng


kaantasan o kasidhian ang ginamit sa pangungusap?
A. Lantay C. Pahambing
B. Pasahol D. Pasukdol

13. Siya ang nagbigay ng pinasimpleng kahulugan ng salitang “maikling


kuwento”.
A. Efren Abueg C. Severino Reyes
B. Amado Hernandez D. Genoveva Edroza-Matute

14. Ito ang tawag sa mga salitang naglalarawan o nagbibigay-turing sa mga


pangngalan at panghalip.
A. Pandiwa C. Pangatnig
B. Pang-uri D. Pang-ukol

15. “Maganda ang saranggola na binili ng aking tatay.” Anong uri ng kaantasan o
kasidhian ang ginamit sa pangungusap?
A. Lantay C. Pahambing
B. Pasahol D. Pasukdol

Mahusay! Napagtagumpayan mo nang tapusin ang modyul na ito.


Binabati kita nang malugod dahil lubos ang aking paniniwala na marami ka
17
na namang natutunan. Ipagpatuloy lang!
Karagdagang Gawain
Gawain 9: Kaya ko ito!

Panuto: Batay sa mga larawan sa ibaba, bumuo ng mga pangungusap na may


pang-uring lantay, pahambing at pasukdol tungkol sa mga tauhan sa kuwentong
tinalakay.

1. Lantay
 ___________________________________________________
 ___________________________________________________
2. Pahambing
a. Magkatulad
 _____________________________________________
 _____________________________________________
b. Pasahol
 _____________________________________________
 _____________________________________________
c. Palamang
 _____________________________________________
 _____________________________________________
3. Pasukdol
 __________________________________________________
 __________________________________________________

Susi sa Pagwawasto

Subukin Tayahin
1. D 1. D
2. B 18 2. A
3. C 3. C
4. A 4. D
5. D
Pagyamanin
Gawain 4
1. D
2. B
3. D
4. C
5. C

Sanggunian
Aklat:
Julian, Ailene et.al. Pinagyamang Pluma. Quezon City Avenue. Phoenix
Publishing House Inc. 2017.

Guimarie, Aida M. Pinagyamang Wika at Panitikan.Quezon City. Vibal Group,


Inc.2018.

19
20
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Kagawaran ng Edukasyon - Rehiyon I
Sangay ng mga Paaralan ng Lungsod Batac

16S Quiling Sur, City of Batac


2906 Ilocos Norte, Philippines
Telephone No: (077) 677-1993
Website: www.csdbatac.com
E-mail: batac.city@deped.gov.ph

21

You might also like