You are on page 1of 2

DENOTATIBO AT KONOTATIBONG PAGPAPAKAHULUGAN

Parehong tumatalakay sa kahulugan ang denotatibo at konotatibo pero paano ito nagkaiba?
DENOTATIBO-ay ang literal na kahulugan ng salita o parirala o ito ang tawag sa kahulugang hinango o makikita sa
diksyunaryo.
KONOTATIBO- ay ang kahulugan ng salita o parirala ayon sa pagkagamit sa pangungusap o nakadepende sa pangungusap
ang ibig sabihin ng salita o parirala o ito ay pansariling kahulugan ng isa o grupo ng tao sa isang salita.

Halimbawa:
1. BOLA
Denotatibo: isang uri ng bagay na tumatalbog
Pangungusap: Ang bola ay ginagamit sa paglalaro ng mga kabataan.
Konotatibo: pambibiro, mabulaklak na salita
Pangungusap: Huwag kayong magpadala sa bola lalo na sa mga kalalakihan.

2. PAPEL
Denotatibo: bagay na sinusulatan
Pangungusap: Huwag itapon ang papel kahit saan.
Konotatibo: ginagampanan
Pangungusap: Ano nga ba ang papel mo sa buhay?
3. AHAS

Denotatibo: isang uri ng hayop na gumagapang


Pangungusap: Maraming ahas sa masukal na kagubatan.
Konotatibo: traydor, taksil, pekeng kaibigan Pangungusap: Ahas ka! Pinagkatiwalaan pa naman sana kita.

4. BULAKLAK
Denotatibo: bahagi ng halaman
Pangungsap: Nababanguhan ako sa mga bulaklak ng rosas.
Konotatibo: dalaga
Pangungusap: Tulad mong isang magandang bulaklak.

5. ILAW
Denotatibo: ilaw na nasa tahanan
Pangungusap: Pakipatay naman ng ilaw.
Konotatibo: Nanay, Ina
Pangungsap: Maasikaso sa pamilya ang ilaw ng tahanan.

Gawain I : Isulat ang sagot sa patlang sa ibaba.


1. Anu-ano ang dalawang dimensiyon sa pagbibigay-kahulugan?
Sagot:________________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________
2. Paano nga ba natin makikilala ang denotatibo at konotatibong pagpapakahulugan?
Sagot:________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________

Gawain II. Ibigay ang Denotatibo at Konotatibo na kahulugan ng bawat pahayag at gamitin ito sa pangungusap.
Paalala : Maaring gamitin ang cellphone sa pagsaliksik ng kahulugan ngunit iwasan ang pangongopya ng
pangungusap mula sa internet.

MGA PAHAYAG DENOTATIBO KONOTATIBO PANGUNGUSAP


1. Maitim na ulap
ay nagbabantang
mapunit.
2. Kaluwagang-
palad

3. Umakit sa
malaking kamay

4. Papel de bangko

5. Matigas ang loob

6. Dilim

7. Balat-sibuyas

8. Bumulwak ang
wagas na
pagmamahal

9. Nagpapangilo sa
nerbiyos

10. Palad

You might also like