You are on page 1of 5

Salamat po sa iyo (name of the previous speaker).

Lubos akong
nalulugod na ako ay nagkaroon ng pagkakataong makapagsalita sa
harap ninyong lahat. Hindi ako mandalas na magsalita sa harap ng
maraming tao kaya naman pinaghalong kaba at saya ang
nararamdaman ko ngayon. Ako nga pala si (name ko). Sa mga
kapwa ko magsisipagtapos, sa aming mga guro, sa aming mga
magulang, sa aming punungguro Gng. Connie Marie Balignasay at
sa ating guest speaker, magandang hapon po sa ating lahat. Lahat
naman tayo ay naranasan nang mag-aral at naging mag-aaral na rin,
kaya di lingid sa ating kaalaman na ang pagiging mag-aaral ay
talagang mahirap, lalong-lalo na ngayong may pandemya. Akala ko
talaga noon mga ilang linggo lamang ang pandemya at
magpapatuloy ang harap-harapang klase sa susunod na buwan,
ngunit mali ako. Di ko inakalang aabot ito ng humigit ng dalawang
(2) taon. Ang nakalipas na taon, noong taong panuruan (dalawang
libo, dalawampu hanggang dalawang libo dalawangput-isa) 2020-
2021 at ang taong ito, 2021-2022, ay isang mahirap na mga taon
para sa aming mga estudyante dahil sa pandemya. At para rin sa
aming mga magulang at aming mga guro. Hindi ko akalain na ang
pag-aaral ng nag-iisa ay napakahirap, at nakakapagod. Noong harap-
harapang klase, sa tingin ko noong mahirap, at walang hihigit pa sa
hirap nito. Ito ang sinasabi ko hanggang naranasan ko ang mag-aral
ng nag-iiisa. Mahirap silang pareho ngunit iba talaga ang hirap kung
nag-iisa kang nag-aaral. Sana hindi ko na maranasan yon. Pero
tignan naman natin kahit mahirap, ipinagpatuloy natin ang mag-aral.
Kailangan mong magsumikap, kailangan nating magsumikap para
makamit ang pangarap. Ang tagumpay ay nagmumula sa
pagsusumikap. Yan ang sinasabi nila. Ngunit hindi palaging ganoon
ang mangyayari. May mga taong swerte lang, kaya minsan di talaga
patas ang buhay. Tulad ng tula ni Eku Mcread, ang binasa namin
noong nasa ika-walong baitang kami (Grade , sinabi niya na, give
me a gift of a lifetime, give me a dream, a door of opportunity. I will
trive. Nangangahulugan ito na kahit ang mga taong nagsusumikap
ay hindi palaging nagtatagumpay, maliban kung may pintuan ng
pagkakataon o oportunidad na naghihintay sa kanila. Ito ang
reyalidad sa ating mundo, na sa gulang nating ito alam na natin.
Hindi palaging totoo na ang pagsusumikap ay nagreresulta ng
kaligayahan o positibong kaganapan. Ngunit hindi ibig sabihing
hindi na tayo magsusumikap; kailangan pa rin natin magsumikap.
Kaya huwag nating masyadong sisihin ang ating sarili kung tayo ay
nabigo, mabibigo o kung di makamit ang pangarap, dahil hindi natin
kontrolado ang mga bagay-bagay o pangyayari. Kaya kung nabigo o
hindi matupad ang ating gusto, maghintay lamang tayo dahil lahat
tayo ay may sariling panahon. Ang hirap paniwalaan na nasa ikaapat
na taon na tayo ng highschool at huling taon na sa junior highschool.
Parang kailan lang nang una nating nakilala ang mga variable na x
and y. Tinatanong pa natin noon kung bakit x and y pa, sa dami ng
ibang letra. Sabi nila noong nasa elementarya, mahirap daw ang
highschool, na iiyakan mo ang mga tanong na di mo masagot-sagot.
Naniniwala ako dito, totoo naman. Naalala ko noon bago ako
maghighschool natatakot ako dahil di ko alam kung magkakaroon
ba ako ng mga kaibigan, kung sino ang aking mga magiging mga
kaklase at siyempre mga guro. Nung elementary tayo madalas
nating marinig na seryoso at strikto ang mga highschool teachers,
unlike the elementary teachers. At ngayong naranasan na natin, alam
na natin na may kabuluhan ito ngunit masaya rin naman kasama ang
mga highschool teachers, well at least in my experience. Ang mga
guro ay tao rin, mga taong may sariling problema sa buhay, kaya
ang pagiging mabuting mag-aaral ay ang pinakamagandang paraan
na magagawa natin para sa kanila. At paano tayo matututo kung
hindi sila mahigpit at sino ang magseseryoso sa kanila kung hindi
sila seryoso, di ba? Ngunit seryoso, ang ating mga guro ay mahusay,
napakahusay, at alam kong sobrang nagpapasalamat tayo para sa
mga kaalaman at karanasan na kasama natin sila at ibinahagi nila sa
atin. Maraming salamat sa aming mga guro, sa aming mga
mapagmahal na mga magulang, salamat po sa walang sawang
suporta niya sa amin simula pa nang una. At nagpapasalamat din
ako sa mga kapwa ko estudyante at ngayon kapwa ko
magsisipagtapos, na nakasama kong naglakbay sa junior highschool.
Nawa'y tayong mamuhay sa ating ninanais na buhay at magkaroon
ng mabuting kalusugan. Salamat sa lahat, magandang hapon po.

Lubos akong nalulugod na ako ay nagkaroon ng pagkakataon na


makapagsalita sa harap ninyong lahat. Hindi ako madalas na
magsalita sa harap ng maraming tao, kaya naman pinaghalong kaba
at saya ang nararamdaman ko ngayon. Sa ating panauhing
pandangal, Gng. David James Aniñon, mga kapwa ko
magsisipagtapos, aming mga guro, aming mga magulang, at ang
aming punungguro , Gng. Connie Marie Angelie Mae P. Balignasay,
magandang hapon po sa ating lahat. Lahat naman tayo ay naranasan
nang mag-aral, at naging mag-aaral na rin, kaya di lingid sa ating
kaalaman na ang pagiging mag-aaral ay talagang mahirap, lalong-
lalo na ngayong may pandemya. Akala ko talaga noon, mga ilang
linggo lamang ang pandemya, at magpapatuloy ang face-to-face
classes sa susunod na buwan, ngunit mali ako. Di ko inakalang
aabot ito ng halos dalawang taon. Ang mga nakalipas na taong
panuruan ay mga taong mapanghamon para sa atin at pati na rin sa
ating mga magulang at mga guro. Hindi ko akalain na ang pag-aaral
nang nag-iisa ay napakahirap at nakakapagod. Noon ay mahirap na
sa tingin ko ang face-to-face classes hanggang naranasan ko ang
mag-aral nang nag-iisa. Mahirap silang pareho ngunit iba talaga ang
hirap ng modular learning. Pero tignan naman natin, kahit mahirap,
ipinagpatuloy natin ang mag-aral, at ngayon ay magtatapos na tayo
sa Junior High School.. Kailangan nating magsumikap upang
makamit ang ating mga pangarap. "Ang tagumpay ay nagmumula sa
pagsusumikap", iyan ang sinasabi nila. Kailangan pa rin natin
magsumikap. Huwag nating masyadong sisihin ang ating sarili,
kung tayo ay nabigo, mabibigo o kung di makamit ang pangarap,
dahil hindi natin kontrolado ang mga bagay-bagay o pangyayari.
Kaya kung nabigo o hindi matupad ang ating gusto, maghintay
lamang dahil lahat tayo ay may sariling panahon. Mahirap
paniwalaan na tapos na pala tayo ng Junior High School. Parang
kailan lang nang una nating nakilala ang mga variable na x and y.
Tinatanong pa natin noon kung bakit x and y pa, sa dami ng ibang
letra. "Stressful" kung ito ay ilarawan natin noon ngunit ang
kagandahan nito ay mas napalapit tayo sa ating mga kaklase.
Nagtutulungan tayo kung paano gawin at sagutin ang mga tanong.
Handa nating ituro sa isa't isa ang mga hakbang na dapat isagawa
upang masolusyonan ang isang problema. Sabi nila noong nasa
elementarya, mahirap daw ang highschool, na iiyakan mo ang mga
tanong na di mo masagot-sagot. Naniniwala ako dito, totoo naman.
Naalala ko, bago ako mag-high school, natatakot ako dahil di ko
alam kung magkakaroon ba ako ng mga kaibigan, kung sino ang
aking mga magiging mga kaklase, at siyempre ang aking mga
magiging guro. Noong nasa elementarya tayo madalas nating
marinig na seryoso at istrikto ang mga guro sa sekondarya. Ngayong
naranasan na natin, alam na natin na may kabuluhan ito ngunit
masaya rin naman kasama ang mga guro sa sekondarya, well, at
least, in my own experience. Ang mga guro ay tao rin, mga taong
may sariling problema sa buhay, kaya ang pagiging mabuting mag-
aaral ay ang pinakamagandang paraan na magagawa natin para sa
kanila. Paano tayo matututo kung hindi sila maghihigpit at sino ang
magseseryoso sa kanila kung hindi sila seryoso, di ba? Ngunit sa
totoo lang, ang ating mga guro ay napakahusay, at alam kong labis
ang pasasalamat natin para sa mga kaalaman at karanasan na kasama
natin sila at ibinahagi nila sa atin. Nais kong ibahagi sa inyo ang isa
sa aking mga karanasan. Sabi nila ang tagumpay ay nagmula sa
pagsusumikap at iyon nga ang itinatak ko sa aking isipan. Sa mga
gawain at responsibilidad na maiaatang sa akin ay lagi kong
ibinubuhos ang aking buong lakas at kakayahan. Laking tuwa ang
nadarama ko sa tuwing nagbubunga ang aking mga paghihirap.
Kagaya ninyo hindi laging matamis ang aking mga karanasan. May
mga pagkakataong ibinubuhos ko ang lahat ng aking makakaya
ngunit tila wala akong nakakamit. Bagaman naranasan ko ang mga
ito, hindi ako nagpatinag bagkus ay tumayo akong muli at nanatiling
matatag. Kaya sa araw na ito ay akin nang nakamit ang bunga ng
aking pagsusumikap. Ang pagsusumikap ngunit mabibigo ay isang
magandang pangyayari pa rin dahil ang pagkabigo ay magdadala ng
maraming aral. Muli, gusto kong pasalamatan ang ating panauhing
pandangal sa pagtanggap ng imbistasyon at pagbibigay ng
inspirasyon, sa aming mga guro, salamat po sa walang sawang
paggabay sa amin, sa aming mga mapagmahal na mga magulang,
salamat po sa hindi matawarang suporta niyo sa amin simula pa
noong una. Nagpapasalamat din ako sa mga kapwa ko mag-aaral at
ngayon kapwa ko magsisipagtapos, na nakasama kong naglakbay sa
Junior High School. Nawa'y, tayo ay mamuhay sa ating ninanais na
buhay at magkaroon ng mabuting kalusugan. Salamat sa lahat,
magandang gabi po!

You might also like