You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
National Capital Region
Schools Division Office of Quezon City
IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN 2
TAONG PANURUAN 2022-2023

Pangalan: ______________________________________Iskor: _________


Baitang at Pangkat: _______________________ ____Petsa: _________
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat aytem. Isulat ang
letra ng wastong sagot sa inyong sagutang papel.
_____1. Alin sa sumusunod ang halimbawa ng yamang tubig?
A. kabibe B. manok C. palay D. prutas
_____2. Ang sumusunod ay halimbawa ng yamang- lupa maliban
sa__________.
A. isda B. mais C. manok D. punongkahoy
_____3. Napaliligiran ng tubig ang komunidad ni Mang Kanor.
Maraming mapupulot na iba’t ibang kabibe sa mga tubig dito.
Kung ikaw si Mang Kanor, ano ang maaari mong gawin sa mga
kabibe upang makatulong sa iyong pamilya?
A. Itatapon na lamang ang mga kabibeng nakukuha sa
paligid ng tubig.
B. Gawing kwintas, palamuti ang mga nakukuhang kabibe.
C. Huwag pansinin ang mga nakukuhang kabibe
D. Paglaruan ang mga napupulot na kabibe.

_____4. Ang sumusunod ay nagpapahayag ng pakinabang sa


kapaligiran maliban sa isa. Alin ito?
A. Nagbibigay ng sakit
B. Maaring gawing kabuhayan
C. Nagbibigay ng hanapbuhay
D. Maaaring pagkunan ng pagkain
_____5. Alin sa sumusunod ang hindi tumutukoy sa suliraning
pangkapaligiran?
A. deforestation
B. problema sa basura
C. sariwa at malinis na hangin
D. polusyon sa hangin at tubig
_____6. Dahil sa patuloy na pagputol ng mga puno sa kagubatan ay
unti-unti na itong nauubos. Anong suliraning pangkapaligiran ang
tumutukoy dito?
A. climate change C. desertification
B. deforestation D. La Nina

_____7. Napapansin ni Mabel na hindi na sariwa ang hangin na


kaniyang nalalanghap. Anong suliranin ito?
A. deforestation C. polusyon sa hangin
B. desertification D. polusyon sa tubig

_____8. Bakit tayo nakararanas ng mga suliraning pangkapaligiran?


A. dahil sa pangangalaga ng mga tao sa kapaligiran
B. dahil sa wastong paggamit ng likas na yaman
C. dahil sa pag- iingat ng mga tao sa kapaligiran
D. dahil sa maling paggamit ng likas na yaman
_____9. Napanood ni Eva na patuloy ang pagdumi ng mga ilog at
dagat sa kanilang lungsod. Ano ang maaari niyang gawin?
A. itapon ang basura sa ilog o dagat
B. huwag makiisa sa programa tungkol sa kalinisan
C. ipagpatuloy ang pagtatapon ng basura kahit saan
D. pagbawalan ang pagtatapon ng basura sa katubigan

_____10. Ang patuloy na pagtaas ng bilang ng populasyon sa


komunidad ay nangangahulugang patuloy din ang paggamit ng
mga tao sa ating likas na yaman. Ano ang posibleng madadagdag
na mga suliranin ng komunidad?
A. Suliraning pangkapaligiran katulad ng polusyon, global
warming at iba pa.
B. Pagtugon sa pangunahing pangangailangan ng pamilya.
C. Pagbibigay ng hanapbuhay sa bawat pamilya.
D. Kawalan ng badyet ng bawat pamilya.

_____11. Bilang isang mamamayan, paano ka makikibahagi upang


mapangalagaan ang likas na yaman?
A. Isagawa ang wastong paghihiwalay ng mga basura na
nabubulok at hindi nabubulok.
B. Abusuhin ang paggamit sa mga likas na yaman upang
higit na matugunan ang pangunahing pangangailangan.
C. Piliin lamang ang nais sundin sa mga alituntunin ng
komunidad.
D. Ipagwalangbahala ang mga programa ng komunidad.
______12. Sagana sa yamang tubig ang komunidad nina Mang
Adan. Marami siyang nahuhuling isda dito. Paano niya
mapapahalagahan ang mga yamang-tubig?
A. Gumawa ng isang programa na magpapanatili ng kalinisan
ng yamang tubig tulad ng “Mahalin at Linangin, Yamang
Tubig ay Kalingain.”
B. Gumamit ng lambat na may katamtamang butas.
C. Gumamit ng dinamita sa panghuhuli ng isda.
D. Gumamit ng lambat na may maliliit na butas.

______13. Anong programa ang iyong maaaring gawin upang


mapanatili ang kalinisan ng anyong tubig?
A. Kampanya na magpapatibay ng pagbabawal sa pagtatapon
ng basura sa anyong-tubig.
B. Programang magbibigay ng hanapbuhay sa pamilya.
C. Kampanya sa pagbabawal gumamit ng plastic.
D. Programa kontra sa droga.

______14. Sa isang bulubundukin naninirahan ang pamilya nina


Marco. Pagtrotroso ang pangunahing hanapbuhay ng mga
naninirahan dito. Ano ang maaring gawin ni Dennis sa
pira-pirasong kahoy na nakukuha niya dito?
A. gamitin sa pagluluto ang mga pira-pirasong kahoy
B. Putol-putolin at ihagis sa bakanteng lupa
C. Ipamalo sa mga hayop
D. Ipagwalang bahala

______15. Bilang isang mamamayan, ano ang dapat mong gawin sa


mga likas na yaman na makikita sa inyong komunidad?
A. Panonoorin ang mga pinuno ng komunidad sa paraan ng
pag-aalaga nito.
B. Hahayaan kong alagaan ng mga nakakatanda.
C. Pababayaan ko ito.
D. Aalagaan ko ito.
_______16. Ako ay isang batang mag-aaral sa ikalawang baitang.
Ang aking magagawa bilang isang mag-aaral ay _________.
A. Makikibahagi ako sa mga programa ng pangangalaga sa
kapaligiran ng komunidad.
B. Tatahimik lamang ako sa mga nakikita kong nagsusulat sa
pader at nagtatapon ng basura sa daan.
C. Itatapon ko sa kanal ang basura upang maging malinis
ang kalsada.
D. Ako ay aasa sa mga lider ng paaralan.

______17. Ano ang maaring programa ng isang lider ng komunidad


upang mapagyaman ang pagtatanim o pagsasaka ng mga
naninirahan sa lambak?
A. Magkaroon ng paligsahan na maipapakita ang
mayamang pamamaraan ng masaganang pag-aani ng
kanilang pagsasaka.
B. Paggamit ng mga pataba na hindi makakabuti sa
kalusugan.
C. Ipagbili sa mataas na halaga ang kanilang mga ani.
D. Ipagdamot ang kaalaman sa pagpapayaman ng
sakahan.

_______18. Dahil sa programang “Gulayan sa Paarala” ni Sir Raul,


maraming mag-aaral ang natuwa sa sari-saring bunga na inaani
nito. Paano ka makakatulong sa pag_aalaga ng “Gulayan sa
Paaralan” ?
A. Magdidilig sa Gulayan
B. Pipitasin ko ang mga bunga na walang nakakakita.
C. Aapakan ko ang mga pananim.
D. Maglalaro kami ng aking kaibigan na malapit sa gulayan.

______19. Isang mahusay na lider ang namumuno sa Barangay Sais.


Dahil dito siya ay nagpagawa ng isang palaruan para sa mga bata.
Ano ang iyong tungkulin bilang bata dito?
A. Susundin ko ang mga alituntunin at paalala sa
pagpapanatili ng kaayusan at kalinisan ng pook palaruan.
B. Gagawin kong tambayan ng aking pamilya.
C. Magtatapon ako ng basura sa paligid.
D. Susulatan ko ang mga ito.
______20. Habang kayo ay namamasyal sa tabing- dagat, napansin
mong may mga balat ng kendi sa paligid. Ano ang gagawin mo?
A. Hahayaan ko lang ang mga ito.
B. Pupulutin ang mga ito at itatapon.
C. Sisipain ko ito hanggang mapunta sa tubig.
D. Gugupitin ko ito ng maliliit hanggang at ikakalat sa dagat.

______21. Bilang bata, alin sa mga sumusunod ang hindi mo dapat


gawin upang makatulong sa pangangalaga ng kapaligiran?
A. Tumulong sa paglilinis sa paglilinis ng iyong kapaligiran, sa
inyong tahanan o paaralan
B. Sa inyong bahay at paaralan, huwag magkalat kung
saan saan.
C. Itapon ang basura sa tamang basurahan
D. Magkalat kahit saan.

______22. Alin sa mga sumusunod ang maaaring mangyari kung ikaw


ay makikiisa sa mga programang pangkapaligiran?
A. Babaho ang paligid
B. Lalong dudumi ang paligid
C. Magiging malinis ang paligid
D. Madaragdagan ang mga kalat sa paligid

______23. Ang pamilyang Mendoza ay nagsisimba sa pook


sambahan o simbahan. Sino ang namumuno dito?
A. barangay tanod C. pari/ imam/ pastor
B. kapitan D. principal

______24. Araw araw ay maagang pumapasok si Beth sa paaralan.


Sino ang namumuno dito?
A. kapitan B. pari C. prinsipal D. tanod

______25. Alin sa sumusunod ang namumuno sa isang barangay?


A. barangay tanod C. pari
B. kapitan D. principal

______26. Ang sumusunod ay kahalagahan ng pagkakaroon ng


mabuting pinuno maliban sa ____________.
A. Nagkakaroon ng kaayusan
B. Nagkakaroon ng kaunlaran
C. Nagkakaroon ng kaguluhan
D. Nagkakaroon ng katahimikan
_______27. Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng kahalagahan ng
pakikipagtulungan ng mga tao sa pinuno maliban sa isa. Alin ito?
A. Nagiging magulo ang komunidad
B. Nagiging maunlad ang komunidad
C. Nagiging maayos ang proyekto ng pinuno
D. Nagiging matagumpay ang isang komunidad

______28. Alin sa sumusunod ang hindi dapat taglayin ng isang


pinuno?
A. maka- Diyos C. makatao
D. makabansa D. makasarili

______29. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng mabuting


paglilingkod?
A. Si Rita na palaging umaasa sa mga tao
B. Si Roy na nagpapabayad nang sobra sa mga tao
C. Si Mila na iniisip ang kapakanan ng mga tao
D. Si Benny na hindi pumapasok araw araw

______30. Bakit mahalaga ang isang pinuno sa isang komunidad?


A. Upang maging magulo ang komunidad
B. Upang maging maingay sa komunidad
C. Upang maging maayos at ligtas ang komunidad
D. Upang mag-away away ang mga tao sa komunidad

You might also like