Professional Documents
Culture Documents
ME Fil 8 Q4 1801 - AK
ME Fil 8 Q4 1801 - AK
Filipino
●
Gabay sa Pagwawasto
Sagutin Natin
1. Sino ang sumulat ng “Florante at Laura”? Ang “Florante at Laura” ay isinulat ni
Francisco “Balagtas” Baltazar.
2. Sino-sino ang mga bayaning Pilipino na sinasabing humugot ng inspirasyon sa
“Florante at Laura”? Sinasabing sina Jose Rizal at Apolinario Mabini ang humugot ng
inspirasyon sa akda ni Balagtas.
3. Ano-ano ang kahalagahan ng pag-aaral ng “Florante at Laura”? Ilan sa mga
kahalagahan ng pag-aaral ng Florante at Laura ay ang pagkamayaman nito sa mga
aral, pagsalamin nito ng kasaysayan ng bansa, at pagbibigay-gabay nito sa
pamumuhay.
Subukan Natin
Paano mo magagamit ang mga kaalamang matututuhan sa mga akdang pampanitikan sa
iyong buhay? Dahil mayaman ito sa mga praktikal na aral na maaaring magamit sa
pang-araw-araw na buhay ng mga tao, mainam itong maging gabay at panuntunan sa
pakikipagkapwa ng bawat isa sa atin.
1
\’’
Filipino
●
Isaisip Natin
Sa iyong sariling pamamaraan, paano mo maibabahagi sa mas nakararami ang kahalagahan
ng pagbabasa, pag-aaral, at talakayan hinggil sa nilalaman ng “Florante at Laura”? Iba-iba
ang magiging sagot ng mga mag-aaral.
Pag-isipan Natin