You are on page 1of 32

Damdaming inilalarawan sa Tono, Indayog, Emosyon at Talinghaga

sa Pagbigkas o Pagbasa ng mga saknong sa Florante at Laura

________________________

Isang Tisis na iniharap sa Fakulti ng

Bulacan State University

Lungsod ng Malolos, Bulacan

________________________

Bilang Pangangailangan

Sa Degring Master sa Sining ng Edukasyon

Medyor sa Pagtuturo ng Filipino

_________________________

ni:

Vhenalyn Julian Teppang

2019
Kabanata I

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NG PAG-AARAL

Panimula

Ang Panitikan ay bahagi na ng pag-aaral sa buhay ng isang tao,

makikita dito ang kultura na kinabibilangan ng bawat isa at inilalarawan din

ang buhay na sumasalamin sa bawat indibidwal. Sa aklat nina Semorlan,

Mariño at Fernadez (2014), winika nilang ang panitikan ay pumapaksa sa

lahat. Anu man ang iyong katayuan sa buhay mahirap ka man o mayaman,

gayundin ang kapaligiran na makikita at umiikot sa buhay na nilikha ng

Diyos, sumasalamin din sa pagbasa ng panitikan ang mga damdaming

nakapaloob sa bawat salita, pahayag o pangungusap batay sa mga obra

maestra ng manunulat, dagdag pa nila na kahit mga bagay na di kayang

abutin ng paningin basta’t maabot ng isip at damdamin ay panitikan.

Ayon kay Hon. Azarias batay sa aklat na Panitikan at Rizal tungo

sa paglinang at pag-unlad ng kulturang Filipino nina Godoy at San Andres

(2010) ang panitikan ay binubuo ng iba’t ibang damdamin dahil sa mga

karanasan sa lipunang ginagalawan ng isang tao; sa pamumuhay, sa

lipunan, pamahalaan at gayundin sa pananampalataya ng tao sa Diyos na

lumikha sa kaniya dagdag pa nito inilalarawan din dito ang maayos na

pagpapahayag ng saloobin at pagpapadama tulad ng pagmamahal, poot,

ligaya, lungkot, pag-asa at pangamba.


Ito ay mga babasahin o nasusulat na mga tala na mayroon

pinakamabuting kaisipan at namamayaning emosyon na pumapaksa sa

pang-araw-araw na buhay ng tao, may tungkulin din itong magpasya sa

matayog na pamumuhay upang makabigay ng pagkakataong makita at

makasalamuha ang marunong na kapwa-diwa.

Isa sa mga suliranin na nararanasan ng mga guro ay ang

usaping pagbabasa, dala na marahil na makabagong panahon kasabay ng

naglalabasang makabagong teknolohiya na isa sa mga nagiging malaking

sagabal sa pagkatuto ng bawat mag-aaral. Gayun paman nariyan ang Guro

upang gumawa ng paraan. Isa sa mga gawain nila ang mag-isip ng

estratehiya upang makatugon sa problemang kinakaharap ng mga mag-

aaral. Lalo na sa usaping tula, nahihirapan ang mga mag-aaral na umintindi

ng mga malalalim na salita , kung paano ang tamang intonasyon sa

pagbasa, ang indayog ng pananalita at damdamin na nais ipadama ng Obra

Maestra.

Kaligiran ng Pag-aaral

Isa sa mga akdang pampanitikan na nagdala ng malaking

impluwensiya ay ang Florante at laura ni Francisco Baltazar na may

malaking bahagi na ginagampanan sa pag-aaral ng panitikang patula. Dito


malilinang ang emosyon o damdamin na nais iparamdam ng may-akda sa

pamamagitan ng pagbigkas ng mga ilang saknong ng tula.

Ayon sa manunulat-kritiko sa ingles na si Adrian E. Cristobal,

si Balagtas ay isang makatang pambansa na naglarawan ng langit,

purgatory, at impyerno ng mga Pilipino sa kaniyang panahon sa ilalim ng

kapangyarihang kolonyal. Naipakita niya sa tulong ng Florante at Laura na

ang Tagalog ay wikang makakasangkapan sa pagsulat ng dakilang tulang

epiko.

Batay sa aklat na Florante at Laura ni Ongoco (2014) Ang

Florane at Laura ay mabisang maituturo lamang kung ang magtuturo ay

may sentidong makahistoriko. Ang pagtuturo ng akdang ito ni Balagtas ay

pagtuturo ng histori ng Pilipinas noong kaniyang panahon. Maaaring

mabigyan ng panimulang pakikipag-kilala ang mga mag-aaral sa mataas ng

paaralan sa mitolohiya ng mga Griyego at Romano. Ang ang pagtuturo ng

awit na ito ay isang ekskursyon sa anyo at kaalaman ng tulang katutubo.

Maaaring mabigyan ng panimulang pakikipag-kilala ang mga

bata sa mataas na paaralan sa mitolohiya ng mga Griyego at Romano. At

ang pagtuturo ng awit na ito ay isang ekskursyon sa anyo at kaalaman ng

tulang katutubo.
Si Francisco “Balagtas” Baltazar ay maituturing na isa sa mga

unang nagtanim ng binhi ng nasyonalismo at isa sa mga Pilipinong unang

nagbigay ng malaking pagpapahalaga sa panulaan. (Ongoco, 2014)

Sa ika-anim at pangwakas na saknong ng “ Sa Babasa Nito” –

ang maituturing na paunang salita sa Florante at Laura - ay nabanggit ni

Francisco Balagtas ang isang “Sigismundo” na ayaw niya diumanong sundan

ang naging kapalaran. (Almario, 2014)

Ganito ang buong naturang saknong:

Hanggang dito ako, O nanasang pantas,

Sa kay Sigesmundo’y huwag ding matulad,

Sa gayong katamis wikang masasarap

Ay sa kababago ng tula’y umalat.

Si Sigesmundo ay isang makatang maingat sa pagsulat ng obra

maestrang tula. Paulit-ulit niyang binabago ang kaniyang tula upang

mapaganda pa at maiwasto. Ngunit sa kababago lalo itong sumasama.

Ang isang makata ay may angking kakayahan sa pagtula.

Kusang dumadaloy ang sining sa kaniyang panulat. At kadalasan, ang ganda


ng tula ay hindi umaayon sa tuntuning panggramatika. Kapag laging iaayon

sa gramatika ang damdamin ng tula, ang katutubong sining ng tula ay

nagkakaroon ng mga balakid. Sa halip na sumasarap pa ay lalo itong

tumatabang o umaalat ang tula.

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong malaman ang

damdaming inilalarawan ng tono, indayog sa pagbasa ng Florante at Laura.

Nararamdaman pa ba ng isang mag-aaral ang tunay na diwa ng kaniyang

binabasa? May damdamin pa bang nakapaloob sa pagbasa ng isang mag-

aaral lalo na sa kaniyang pag-aaral? O maaaring hindi na napapansin ang

bawat damdamin na nakapaloob, sa kadahilang unti-unti nang nawawala

dahil sa kawalan ng isang inspirasyon upang maipagpatuloy ang nasimulang

pagpapayaman sa pagbasa ng obra o panitikan.

Kung kaya’t dahil dito ang mananaliksik ay nagsasagawa ng

isang pag-aaral upang matukoy ang damdaming naglalarawan sa pagbasa

ng isang obra maestrang tula.

Paglalahad ng Suliranin

Ang pag-aaral na ito na may paksang Damdaming inilalarawan

sa Tono, Indayog at Emosyon sa Pagbigkas o Pagbasa ng mga saknong sa

Florante at Laura ay naglalayong tugunan ang mga sumusunod na suliranin:


1. Anong mga piling saknong ang nangingibabaw sa Florante at laura

batay sa mga sumusunod:?

a. Makadiyos

b. Makatao

c. Makakalikasan

d. Makabansa

2. Paano makatutulong ang mga iba’t ibang uri ng damdamin na natagpuan

sa mga piling saknong ng Florante at Laura sa paghubog sa pagkatao ng

mga mag-aaral sa Ika- 8 Baitang?

Haypotesis

Batay sa inilahad na mga suliranin, inaasahang matuklasan na:

1. Mayroong iba’t ibang damdamin ang nakapaloob sa mga piling

saknong ng Florante at Laura.

2. Matutuklasan ang tono at indayog ng pagbasa sa mga piling

saknong ng Florante at Laura.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Makakatulong ang pananaliksik na ito sa sumusunod na

maaaring magamit nila sa kanilang pag-aaral, pakikipag-ugnayan o sa

buhay. Maaari nilang gamitin ang mga nakalap na impormasyon na

madadagdag sa panibagong kaalaman.


Estudyante o Mag-aaral. Ang pag-aaral na ito ay magiging

batayan kung ang lahat ng mga mag-aaral ay magkakaroon ng malaking

kaalaman sa kahalagahan ng Pagbasa sa obra maestrang Florante at Laura.

Dito muling mabubuhay ang pagkilos na matagal nang nahimbing sa piling

ng mga mag-aaral, lalong-lalo na sa pagbasa, muling sisigla ang bawat

mag-aaral sa pagbigkas ng tula kasabay ng iba’t ibang damdaming

namamayani sa obra.

Mapagtatanto ng isang indibidwal na mag-aaral na sa pagbasa ay

kinakailangan ang paggamit ng masusing pag-unawa sa bawat pahayag na

naibubulas ng ating mga bibig. Malalaman ito sa pamamagitan ng pag-alam

sa tamang pasalita at mga suprasegmental na pumapaloob sa mga salita,

upang matukoy ang indayog at tono. Gayun din sa damdamin na nakapaloob

sa bawat saknong.

Layunin nito na matulungan ang bawat isa, kung mapapansin natin

ang mga mag-aaral sa panahon ngayon walang interes sa pagbasa dahilan

sa hindi nila tunay na napagtatanto kung ano ba ang kahalagahan nito sa

kanilang buhay.

Mga Guro. Sa pamamagitan ng resulta ng pag-aaral na ito

malalaman ng mga guro kung anu-anong damdamin ang nangingibabaw sa


mga piling saknong ng obra maestra. Ang Filipino ay hindi lamang isang

asignatura o wika na pinag-aaralan, maaaring paghusayan pa at paigtingin

ang pag-aaral nang magamit sa mataas na antas sa anumang larangan lalo

na sa usaping intelektuwal upang makaagapay sa hamon ng Globalisasyon.

Mga Magulang. Sa pag-aaral na ito, malalaman ng mga

magulang kung ano ang pananaw ng kanilang mga anak sa kahalagahan ng

pagbasa ng isang tula ito rin ay magiging gabay ng mga magulang sa

kanilang mga anak na malaki ang ginagampanan ng mga magulang sa

pagpapalaki ng kanilang mga anak kung kaya’t nararapat lamang na

makialam at maunawaan ang pag-aaral na ito.

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay magpopokus sa Akademikong Pagganap ng

mga mag-aaral sa Pagtuturo ng asignaturang Filipino obra maestrang

Florante at Laura sa Baitang 8 sa isang Mataas na Paaralan sa Lungsod ng

Quezon. Masasaklaw nito ang Dalawang Kwarter sa parehong Taong

Pampaaralan (2018-2019).
Ito ay limitado sa mga aralin na may kaugnayan sa asignaturang

Filipino tungo sa Pagbasa ng mga piling saknong ng Florante at Laura. Ito ay

isasagawa sa mga piling pangkat lamang na may 40 mag-aaral sa loob ng

silid-aralan.
Kabanata II

TEORETIKAL NA BALANGKAS

Marami ang Pag-aaral at Literatura, Lokal man o Banyaga na

nagkaroon nang masusing pag-eeksperementong Pangteorya, dito

matatalakay ang mga lokal at kaugnay na literatura.

Mga Kaugnay na Teorya

Ang pag-aaral na ito na mayroon paksang Damdaming

inilalarawan sa tono, indayog, at emosyon sa pagbigkas o pagbasa ng mga

saknong sa Florante at Laura ay ibinatay sa mga teoryang nakalap.

Sa teoryang Talaan ng mga layuning pangkaugalian na mayroong

tatlong domeyn ni Benjamin Bloom (1956). Una ang pangkabatiran,

pangalawa ang pandamdamin at ang panghuli ay ang saykomotor o pag-

uugnay ng kaisipan at kilos/ pangkasanayan. Ang teoryang pangkabatiran at

pandamanin ang pokus ng pananaliksik. Ang pangkabatiran ay

kinapapalooban ng pagsisiyasat at kasanayan sa termonolohiya na aralin sa

mga talasalitaan, komprehensyon sa pag-unawa ng mga teksto at analisis

na iisa-isahin ang importanteng bahagi ng nabasa upang ipakita ang daloy


ng impormasyon sa kritikal na pagbasa. Gayundin ang pag-unawa upang

magamit ang abstraktong pagkilala sa isang kasanayan tulad ng paghinuha

ng maaaring maging epekto ng paggamit ng mga salita sa tekstong

babasahin. At ang kritikal na pagbasa na nasa bahagi ng Analisis ng

kabatiran na domeyn ay obhektibong makita ang parte ng isang kabuuang

tulad ng deduktibong pamamaraan upang makuha ang impormasyon sa

haypotesis.

Ayon kina Corpuz B at Salandanan G sa bersyon ni Trogo 2017.

Ang mga teoryang ito ay ginamit upang makita na ang kaugnayan ng

pangkabatiran sa pagbasa tungo sa pandamdamin ng teskto, ito rin ay

maaaring makaapekto sa kasanayan ng mga mag-aaral at kahusayan sa

obra maestra.

Isa pang teoryang Theory of Valuation ni Dewey na ipinaliwanag

pang higit sa bersyon ni Faerna (2019), ang teoryang ito ay kadalasang nag-

aalala sa pagpapabuti ng tao at pagsulong ng mga gawi ng pag-iisip at

paghatol na mas malamang na magreresulta sa bago at mas mahusay na

mga anyo ng indibidwal at buhay panlipunan. Tulad ng sa tulang Florante at

Laura ito ay naglalayong magpakita ng kabutihan sa mga mambabasa upang

maisulong ang tamang gawi ng isang indibidwal.


Sa pag-aaral na ito ay pinagbatayan din ang isa pang teorya na

Reading fiction and emphaty mula kina Mar, Oatley at Peterson (2006), sa

mundong ito ng sanaysay nakararanas tayo ng isang kunwari o realidad at

totoong emosyon bilang tugon sa mga salungatan sa relasyon ng mga

tauhan sa kuwento. Naging gabay ng mananaliksik ang paniniwalang ito ni

Mar sa pagsusuri ng mga tauhan sa Florante at Laura upang madama nang

lubusan ang damdamin na nais ipahiwatig ng bawat isa, gayundin sa

pagsusuri bawat saknong maging sa pagtukoy ng kahulugan ng mga salitang

ginamit.

Lumilitaw naman sa binangit ni Djikic (2008), ang partikular na

pakikihalubilo sa mga naratibong babasahin o piksyon at mental na pagtulad

sa mga karanasan sa panlipunan na kinakatawan ay maaaring mapabuti o

mapanatili ang mga kasanayan sa panlipunan lalo na ang makiramdam sa

kapaligiran at ang pagkakaroon ng pang-unawa sa lipunan.

Isang paraan na makatutulong sa mga mag-aaral tungo sa

paglalarawan ng iba’t ibang damdaming natatago sa hiwaga ng obra

maestrang florante at laura, matukoy ang tono, indayog at talinhaga na nais

ipabatid ng may-akda na si Balagtas.


Kaugnay na Literatura

Inilahad sa bahaging ito ang mga kaugnay na panitikang pinagbatayan

upang makita ang mga impormasyon ng mananaliksik sa pag-aaral na ito.

Isa sa mga anyo ng panitkan ay ang patula, ito ay ang masining na

pinagsama-samang salita upang makabuo ng taludtod na may sukat at

tugma. Tulad ng tula ay isang obra maestra ng isang makatang manunulat.

Ito ay isang Obra maestra sapagkat nanggagaling ito sa karanasan na

nakikita sa kaniyang paligid, maaaring iyon ay maganda o pangit,

makatotohanan man o hindi. Ang tula ay maaaring nalikha dahil sa mga

nag-uugnay sa tao upang maibahagi ang kanilang prinsipyo na

nakakapagpatatag sa bawat damdamin at isipan ng tao.

Isa sa mga layunin ng tula ay makapagbigay ng aral, magturo sa

bawat isa at magbigay din ng kasiyahan. Iba-iba ang tema ng tula mayroong

damdaming lubhang saya, lungkot o kapighatian. Lalo itong gumaganda sa

bawat salita na nililikha ng isang makata na mangagaling sa puso patungo

sa isipan na nailalabas sa panulat. Gumagamit din sila ng mga talinghaga

upang hindi lubusan ang pagpapakita ng mga pahayag, nagtataglay ito ng

mga kahulugang bumubuo sa diwa ng mga mambabasa upang gisingin ang

diwang uhaw o sabik kung kaya’t sinuri ng mananaliksik ang ilang saknong

sa Florante at Laura bilang isang tula upang matukoy ang iba’t ibang
damdaming naglalarawan sa tono, indayog, emosyon at talinghaga upang

maibahagi sa mga mag-aaral ang diwa at mensahe na nais ipabatid sa obra

maestro ni Balagtas.

“Ang tula sa silong ng ating langit ay katas ng isang bulaklak na

mahalimuyak at marikit na di lamang nag-aalay ng bango sa pananamyo

kundi naman ng pangarap at guniguni sa diwa at sa panimdim”. Ang tulang

iyan ay may isang katangiang sariling-sarili, gaya ng patunay ni Rizal, isang

taong gaya ng alam nating lahat dalubhasa sa panulaan at nag-ukol ng

matinding pag-aaral sa kalikasan ng mga tula. Mangyari na ang tulang

tagalog ay kakambal ng pag-ibig at kagandahan, kabuhol ng lambing at

pagmamahal, kakawing ng lumbay at ng panibugho.

May tula na sa Pilipinas bago pa dumating ang mga kastila, ang mga

Pilipino ay inanak at pinaghele sa tula, at kung ano ang ganda at lambing ng

ating mga tanawin ay siya ring lambing at ganda ng ating mga tula. Ang tula

ay kagandahan, may diwa, katas, larawan at kabuuan ng tnang kariktang

nakikita sa silong ng alin pa mang langit. Ang pagkagiliw sa ganda at ang

pagkahilig sa tula ay katutubo lamang sa isang baying may sariling malig o

kultura. Ragalado sa bersyon ni Zafra (2013)


Nang dumating ang mga Kastila sa ating bayan, panitikan ang

nagsilbing paraan upang madaling mapalaganap at maipamulat ang

Kristiyanismo sa mga katutubo. Upang matugunan naman ang kanilang hilig

na mas maaliw. Pumasok ang mga anyong panitikan na tinatawag na awit at

Korido. Naging kilala ang mga ito, at naging mainam natagapag-ugnay sa

mga manunulat at mambabasa. Dahil dito, ipinalagay ng mga dayuhan na

ang mga ito ay ligtas at nakakatuwang libangan.

Ang awit at korido ay mga akdang nasa anyong patula. Ang sa

saknong ng mga ito ay may natatanging bilang o sukat at may

magkakasintunog o magkakatugmang mga pantig. Ang Korido ay salaysay

sa pakikipag-ibigan at pakikipagsapalaran ng isang tauhang malabayani na

punung-puno ng kababalaghan. Ang awit naman ay salaysay sa pakikipag-

ibigan at pakikipagsapalaran ngunit ang mga tauhan at walang sangkap na

kababalaghan. (Mahilom, 2010)

Ayon sa tesis ni Agustin (2017), ang awit marahil ay madaling

tinanggap ng mga Filipino noong unang panahon dahil Malaki ang hawig nito

sa epiko na may mga bayaning pambihira at kahanga-hangang dinanas. Ang

awit ay pumalit sa epiko na nagsasalaysay ng mga maningning na Gawain

ng mga bayani sa iba’t ibang lupain. Madaling maunawaan kung bakit

hinalinhan ng awit ang epiko; una, dahil sa hilig ng tao sa anumang bago at
ang ikalawa ang kahiligan ng mga Filipino sa mga kuwento ng pag-ibig.

Ginamit din ito ng simbahang katoliko upang ituro at paunlarin ang bagong

relihiyon.

Ayon kay Osorio sa tesis ni Trogo (2017), ang pagpapaunlad sa

pagkahilig sa pagbasa ay isang paraan na makatutulong sa paglago ng ating

kamalayan ayon sa artikulong isinulat ni Bong Osorio, isang manunulat ng

dyaryong Philippine Star. Sinabi na ang pagbasa ay nagpapalawak ng ating

pagtingin sa mundo sa atin na nagbibigay ng oportunidad na makita pa ang

iba pang katotohanan at bahagi ng mundo, ang paggawa ng isang bagay sa

ibang kaparaanan ng sa ganoon tayo at hindi nakakulong sa mga limitasyon

ng ating sariling mundo. May kakayahan ang pagbabasa na mabuksan ang

kamalayan sa mundo at makuha ang kaalaman na makatutulong sa isang

tao na umunlad (Philippine Star, A4, 2001).

Sa mundo ng pagbabasa sa obrang Florante at Laura madarama ang

katotohanan sa pamamagitan ng pabasa sa mga saknong upang maihayag

ang iba’t ibang damdamin na nakapaloob, ikaw ay makapapasok sa

talinghaga ng tula at ito ang magiging instrumento sa pagbukas ng ating

kamalayan sa kapaligiran, tulad ng karanasan ng isang tao.


Ayon sa tesis ni Deguidoy (2013), ang kakayahan sa pagbasa

at wastong pagsasalita ay nagsisilbing ugat ng karunungan. Ang karunungan

ay magiging daan tungo sa pagtuklas ng marami pang kaalaman na

magsisilbing gabay at susi sa isang maayos na komunikasyon. Ito ang

pangunahing kaalaman sa iba’t ibang larangan sa buhay.

Pag-unawa ang pagtukoy sa kahulugan ng binabasa, may iba’t ibang

pagtuklas ng kahulugan, pagtatanong at pagrereleyt sa nabasa na o dating

kaalaman. Sa paggamit ng iba’t ibang paraan sa pagbabasa madaling

mauunawaan ang binabasang teksto tulad ng tula madarama mo ang

damdamin na nakapaloob sa bawat saknong.

Sa Saykolinggwistikong Teorya, ang impormasyong biswal na

nakuha ng mata mula sa teksto ay inihahatid ng utak kung saan pinoproseso

upang mabigyang-kahulugan sa tulong ng dating kaalaman (prior

knowledge) ng wika at nilalaman. Kahusayan sa pagbasa ang tawag sa

maayos, mabilis at tamang pagbasa sa teksto. Nababasa ang teksto sa iba’t

ibang paraan, nabibigyan ng buhay at napakikilos ang guni-guni. Mahusay

rin ang pagbabasa kung alam niyang gawing masigla at buhay ang binabasa.

Nababasa ang tamamg bantas tulad ng tuldok, tandang panannong, tandang

padamdam at iba pa. Madali niyang maunawaan ang binabasa at nababasa

nang malakas na may pag-unawa sa teksto.


Sa pag-aaral ni Constantino mula sa tesis ni Deguidoy (2013), ang

pagbasa ay nakapakumplikadong proseso ng pag-unawa sa isang nakasulat

n pahayag batay sa pagkilala sa mga salita, naging karanasan at naipong

kaalaman, at sa kakayahang mahulaan ang mangyayari. Nangangailangan

ng kumbinasyon ng pakikinig at pagmamasid.

Binanggit din niya ang mga atityud ng epektibong pagbasa. (1)

Pagiging Alerto – lagging inaalam kung ano ang sinasabi ng awtor at paano

sinabi. (2) May Fleksibilidad – may malawak na kaalaman at kasanayan sa

pagbasa at pag-iisip na nagagamit ang mga ito depende sa sinasabi ng

awtor at paano ito sinasabi, (3) Nakapagsasarili – nakagagawa ng sariling

pangangatwiran, pagsusuri at paghuhusga, at pagtatasa. Binigyang

kahulugan din niya ang mambabasa bilang isang kognitibong pananaw na

kung saan aktibong mambabasa na bumubuo ng kahulugan sa pamamagitan

ng integrasyon / pagsama-sama ng umiiral at bagong kaalaman at malayang

paggamit ng mga estratehiya upang mapaunlad, mamonitor, magabayan, at

mapanatili ang pag-unawa at magaling na mambabasa, kaalaman sa facts,

direktang karanasan, sopistikadong interpretasyon, krikital at alam iugnay

sa labas ng eskuwelahan ang teksto.

Sa disertasyon ni Delupio sa bersyon ni Hernandez (2019),

masasalamin sa tula ang saloobin, ideolohiya at paniniwala ng mga tao


hinggil sa kanilang lipunang kinabibilangan. Ang mga nasabing mga ideya ay

hihimayin sa bawat taultod, mga kataga at salita na makikita sa mga tula.

Sa pagbabalik tanaw sa ma naisulat na tula, higit nating mauunawaan ang

adhikain na ipinaglaban ng mga makatang Pilipino. Sa muling pagbabasa ng

mga taludtod ng tula ay lalong mabibigyan ng pagkakataon na mangusap at

marinig ang mga piniping tinig ng samahan na naging bahagi ng ating

nakaraan at kasaysayan.
Tesis Paglinang sa kasanayang pagbasa ng mga mag-aaral sa

pamamagitan ng mga karagdagang babasahin sa unang antas

tersarya.

Ricardo F. Deguidoy Jr. 2013

Sa Saykolinggwistikong Teorya, ang impormasyong biswal na nakuha

ng mata mula sa teksto ay inihahatid ng utak kung saan pinoproseso upang

mabigyang-kahulugan sa tulong ng dating kaalaman (prior knowledge) ng

wika at nilalaman. Kahusayan sa pagbasa ang tawag sa maayos, mabilis at

tamang pagbasa sa teksto. Nababasa ang teksto sa iba’t ibang paraan,

nabibigyan ng buhay at napakikilos ang guni-guni. Mahusay rin ang

pagbabasa kung alam niyang gawing masigla at buhay ang binabasa.

Nababasa ang tamamg bantas tulad ng tuldok, tandang panannong, tandang

padamdam at iba pa. Madali niyang maunawaan ang binabasa at nababasa

nang malakas na may pag-unawa sa teksto.


Sa pag-aaral ni Constantino mula sa tesis ni Deguidoy (2013), ang

pagbasa ay nakapakumplikadong proseso ng pag-unawa sa isang nakasulat

n pahayag batay sa pagkilala sa mga salita, naging karanasan at naipong

kaalaman, at sa kakayahang mahulaan ang mangyayari. Nangangailangan

ng kumbinasyon ng pakikinig at pagmamasid.

Binanggit din niya ang mga atityud ng epektibong pagbasa. (1)

Pagiging Alerto – lagging inaalam kung ano ang sinasabi ng awtor at paano

sinabi. (2) May Fleksibilidad – may malawak na kaalaman at kasanayan sa

pagbasa at pag-iisip na nagagamit ang mga ito depende sa sinasabi ng

awtor at paano ito sinasabi, (3) Nakapagsasarili – nakagagawa ng sariling

pangangatwiran, pagsusuri at paghuhusga, at pagtatasa. Binigyang

kahulugan din niya ang mambabasa bilang isang kognitibong pananaw na

kung saan aktibong mambabasa na bumubuo ng kahulugan sa pamamagitan

ng integrasyon / pagsama-sama ng umiiral at bagong kaalaman at malayang

paggamit ng mga estratehiya upang mapaunlad, mamonitor, magabayan, at

mapanatili ang pag-unawa at magaling na mambabasa, kaalaman sa facts,

direktang karanasan, sopistikadong interpretasyon, krikital at alam iugnay

sa labas ng eskuwelahan ang teksto.


Batayang Konseptwal ng Pag-aaral

Sinimulan ng mananaliksik ang pag-aaral sa pamamagitan ng

paghahanda at pagsusuri sa mga saknong ng Florante at Laura sa

pamamagitan ng pagbasa sa mga ito. Ginamit na gabay ang mga kaugnay

na teorya sa pag-aaral upang pagbatayan sa pagtuturo ng Obra Maestra.

Gumamit ng mga ilang pagsusulit sa mga mag-aaral upang Makita ang

kahusayan at kabisaan ng pagtuturo ng Obra Maestrang Florante at Laura.

Ang pamamaraan na ginawa ng mananaliksik ay pagpapabasa sa

mga ilang saknong ng Florante at Laura upang lubusang maihayag ang

damdaming nakapaloob sa bawat saknong. Matapus ang pagpapabasa sa

Obra Maestra ay sinagutan ng mga mag-aaral ang pagsusulit na inihanda ng

mananaliksik upang mataya ang kabisaan ng pagbasa ng tula sa

pamamagitan ng tono, indayog, emosyon at talinghaga.

Paghahanda Pamamaraan Kinalabasan

I.Mga saknong sa I. Pagpapabasa sa Iba’t ibang damdamin


Florante at Laura Obra Maestra batay na mailalarawan sa
sa mga sumusunod: pabasa ng obra
II. Pagsusuri sa mga
maestrang Florante at
saknong na a. Tono
Laura
kinapapalooban ng b. Indayog
mga sumusunod: c. Emosyon
d. Talinghaga
a. Makadiyos
II. Pagsusuri sa mga
b. Makatao
saknong na
c. Makakalikasan kinapapalooban ng
damdamin
d. Makabansa
Pigura Blg 1. Damdaming inilalarawan sa Tono, Indayog, Emosyon

at Talinghaga sa Pagbigkas o Pagbasa ng mga saknong sa Florante

at Laura
Pagsusuri ng mga Piling Tula sa iba’t ibang panahon na

nakapagpamulat sa kamalayang panlipunan kaugnay ng

kasalukuyang kaganapan

Hernandez 2019

Sa disertasyon ni Delupio (2013), masasalamin sa tula ang saloobin,

ideolohiya at paniniwala ng mga tao hinggil sa kanilang lipunang

kinabibilangan. Ang mga nasabing mga ideya ay hihimayin sa bawat taultod,

mga kataga at salita na makikita sa mga tula. Sa pagbabalik tanaw sa ma

naisulat na tula, higit nating mauunawaan ang adhikain na ipinaglaban ng

mga makatang Pilipino. Sa muling pagbabasa ng mga taludtod ng tula ay

lalong mabibigyan ng pagkakataon na mangusap at marinig ang mga

piniping tinig ng samahan na naging bahagi ng ating nakaraan at

kasaysayan.

Ang disertasyon ni Tenorio (2006) ay nagsasaad na ang realistikong

kaganapan ang siyang dapat maging nilalaman ng ating panitikan sapagkat

sa pamamagitan ng ganitong pamamaraan ay naipakikita ang tunay na

kahulugan ng buhay. Mahalagang mabigyan ng kaukulang pansin sa panulat


ang magkakatunggali o mga kabalintunaan ng buhay upang mabigyan ng

katuturan ang panulatan. Sapagkat higit nitong nabibigyan ng katuturan ang

ating buhay sa pamamagitan ng pag-iral ng mga magkakatunggaling

kaganapan na tayo lang mismo ang higit na makauunawa.

Lalim ng pagpapakahulugan sa nasyonalismo: Mga kaalaman at

damdaming bunga ng pagtuturo at pag-aaral ng Noli Me tangere at

El Filibusterismo Carmina H. dafrosa Enero 2019

Social Learning Theory. Ito ang teorya ni Bandura (1986) na

nagsasaad na ang pagkatuto ay nakukuha sa pakikisalamuha sa kapwa, sa

kapaligiran at sa damdamin o mga karanasan. Nagbibigay diin ito sa mga

impluwensyang maaring makuha ng isang mag-aaral sa pamamagitan ng

obserbasyon, panggagaya (imitation) at pagmomodelo (modeling).

Ipinakikita rin dito na ang pagpapahalaga ng isang mag-aaral ay

naiimpluwensyahan ng kaniyang pakikisalamuha at ito ang magbubunsod ng

pagbabago o pagpapanatili ng mga kaasalang taglay niya.

Ang teoryang ito ay ginamit na saligan ng mananaliksik upang

maipakita ang kahalagahan ng mga gawaing pampaaralan na

nakaiimpluwesnya sa pagpapahalaga ng mga mag-aaral. Batid ng lahat na


mas malaking bahagi ng oras ng mga kabataan ay ginugugol sa paaralan at

ang kanilang pakikisalamuha ay madalas na nagaganap dito. Ang Teoryang

ito ay magbibigay diin sap ag-aaral ukol sa gampanin ng paaralan na

lumikha o maglatag ng mga gawaing magbubunsod ng pagkatuto ng mag-

aaral sa pamamagitan ng pakikisalamuha at pakikisangkot sa kapwa at

maging sa paligid na kaniyang ginagalawan. Naniniwala ang mananliksik na

edukasyon ang pinakambisang pamamaraan upang maikintal,

mapanumbalik at mapasigla ang diwa ng nasyonalismo sa mga kabataan sa

pamamgitan ng pagiging malay sa mga suliraning panlipunan.


https://teksbok.blogspot.com/2010/09/awit-at-korido.html

Sa akalat ni De Laza (2016) “Huwag kang magbasa, gaya ng

mga bata, upang libangin ang sarili o gaya ng mga matatayog ang
panagarap, upang matuto”. Magbasa ka upang mabuhay.” Winika ito ni

Gustave Flaubert, isang manunulat na Pranses na siyang nagpaunlad ng

realismong pampanitikan sa Pransya at sumikat sa kaniyang akda na

Madame Bovary (1857). Ang pananaw na ito ay nagpapahiwatig na bukod sa

mga layunin ng pagbasa upang malibang at matuto, mas malalim at

malawak pa ang naibibigay ng gawaing ito. Sa paglalarawan ni Flaubert, ang

pagbabasa ay upang mabuhay. Ibigsabihin mahalaga ang proseso ng

asimilasyon ng anumang binabasa sa buhay ng isang tao. Sa Pagbabasa ng

tulang Florante at Laura malilibang ka sa pamamagitan ng mga talinghaga

habang ikaw ay matututo tulad ng mga realidad ng buhay.

Hindi sapat na nakakapagbigay lamang ng impormasyon ang

isang teksto o kaya ay naaaliw tayo nito, bagkus kailangang mabuhay tayo

batay rito. Binibigyan tayo ng pagbasa ng iba’t ibang paraan kung paano

uunawain at susuriin ang mundo, at mula sa pagsusuring ito, tinatangka

nating baguhin ang realidad batay sa kung ano ang ideyal.

Ayon sa aklat na Metodolohiya ni Badayos (2008)

You might also like