You are on page 1of 8

Sangay ng mga Paaralang Lungsod

SEKSYON NG SEKUNDARYANG FILIPINO

Maynila

MATAAS NA PAARALANG CAYETANO ARELLANO

BANGHAY-ARALIN SA PAGTUTURO NG FILIPINO VIII

IKAAPAT NA MARKAHAN- UNANG LINGGO

Aralin 1- Ang Kaligirang Pangkasaysayan ng Florante at Laura

Baitang at Pangkat: VIII- 4, 3, 6, 15, 14 Petsa: Enero 20, 2014

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN

Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa Aralin 1:

- “Ang Kaligirang Pangkasaysayan ng Florante at Laura”

MAHALGANG TANONG

- Bakit isinulat ni Balagtas ang Florante at Laura?

KAKAILANGANING PAG-UNAWA

- Isinulat ni Balagtas ang Florante at Laura bunga ng malungkot


niyang karanasan sa larangan ng pag-ibig at upang pailalim niyang
mailarawan ang kawalang katarungan sa panahon ng pananakop ng
mga Espanyol.

INAASAHANG PRODUKTO/ PAGGANAP

- Ang mga mag-aaral ay nakapaglalahad ng maaaring damdamin at


saloobin ni Balagtas sa kalagayan ng bansa at ng Florante at Laura
sa kasalukuyan.

1
MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO

Pag-unawa sa Binasa

- Naiisa-isa ang mga konsepto ng nabasang teksto gamit ang Hot Seat

Pagsasalita

- Nakagagawa ng batas ukol sa mga paraan sa pagsupil ng katiwalian sa


lipunan
- Nakapaglalahad ng mga dahilan sa pag-aaral ng Florante at Laura
- Nakapagsasadula ng patalastas ayon sa panghihikayat na mag-aral ng
Florante at Laura
- Nakapagbibigay-pananaw ukol sa pahayag na “Ang panulat ay higit na
makapangyarihan kaysa tabak.” sa pamamagitan ng isang debate

Pagsulat

- Nakasusulat ng liham bilang si Balagtas hinggil sa kalagayan ng bansa


at ng Florante at Laura ngayon panahon
- Nagagamit ang kolokasyon sa isinulat na liham

PAMAMARAAN:

A. Panimula
Isulat sa mga kahon ang mga nalalaman niyo sa awit at korido.

Awit Korido

2
Paano sila nagkakatulad?
-
Paano sila nagkakaiba?
-
Konkulsyon
-

B. Pagganyak
Punan ng mga impormasyon ang Slam Book ni Balagtas.

Pangalan:
Palayaw:
Kaarawan: Zodiac Sign:
Kamatayan: Edad:
Address:
Paaralan:
Paboritong Asignatura:
Paboritong Kasuotan:
Paboritong Pagkain:
Paboritong Kulay:
Paboritong Kasabihan:
Mga Magulang:
Mga Naging Kasintahan:
Asawa:
Mga Anak:
Mga Naging Katungkulan:
Mga Isunulat na Akda:

C. Paglinang ng Talasalitaan
Isa sa paglinang ng talasalitaan ang Pag-uugnayan ng mga
Salita (Word Association). Hindi lamang kayarian at gamit ng salita

3
ang dapat na binibigyang-pansin natin sa pagpapakahulugan.
Mahalga ring mapag-aralan at masuri ang kaugnayan ng mga salita
sa iba pang salita upang magkaroon tayo ng ideya sa kabuuan ng
kahulugan nito. Isa sa halimbawa nito ang:

 Kolokasyon- ito ang pag-uugnay ng salita sa iba pang


salita upang makabuo ng iba pang kahulugan.

Bigyang kahulugan ang mga salitang nasa loob ng bilog. Gamitin sa


pangungusap ang mga salitang nasa loob ng bilog.

Pusong
mamon

Atake sa Kabiyak
PUSO
puso ng puso

Pusong
bato

PANGUNGUSAP:

4
Hanapbuhay

Buhay- Bagong-
BUHAY
reyna buhay

Buhay-
alamang

PANGUNGUSAP:

5
Himig-
Pilipino

Kulturang- Bihis-
PILIPINO
Pilipino Pilipino

Pilipinong-
Pilipino

PANGUNGUSAP:

D. Pagsususring Pampanitikan

Sa pamamagitan ng Hot Seat, sagutin ang mga tanong ukol sa binasang


teksto.

UNANG TANONG: IKALAWANG TANONG:

Bakit iba ang istilo ng Ano ang inspirasyon ni Balagtas sa


pakikipaghimagsik ni Balagtas sa pagsulat ng Florante at Laura?
ibang rebede? Ano sa tingin mo ang
pinakaepektibong paraan ng
pagrerebelde?

6
IKATLONG TANONG: IKAAPAT NA TANONG:

Ano ang tunay na himagsik ni Paano mo maiuugnay ang Florante


Balagtas? Nakatulong ba ito sa at Laura sa kasulukuyan?
kanyang pagsulat ng obra-maestra?

IKALIMANG TANONG: IKAANIM NA TANONG:

Ano ang ibig sabihin ng Ano sa tingin mo ang iniisip ni


pangungusap na “Si Balagtas ay Balagtas habang isinusulat niya ang
hindi isang makatang bayan kundi kanyang obra maestra? Bakit Niya
isang aral na makata”? Ipaliwanag ito isinulat? Patunayan ang sagot.
ang sagot.

E. Pagbibigay- input ng guro


- “Ang Kaligirang Pangkasaysayan ng Florante at Laura”
- Pahina 2-4 ng Kayumanggi sa Florante at Laura
F. Pangkatang Gawain
Pangkat 1- Gumawa ng 5 batas ukol sa mga paraan sa pagsupil ng
katiwalian sa lipunan.
Pangkat 2- Maglahad ng dahilan kung bakit dapat pag-aralan ang
Florante at Laura gamit ang bawat letra ng salitang Balagtas
Pangkat 3- Magsadula ng isang komersyal kung paano mahihikayat ang
kapwa mag-aaral sa pagbabasa ng Florante at Laura.
G. Pag-uulat ng bawat pangkat
H. Pagbibigay- ebalwasyon ng guro
I. Pagsusulit

Ibigay ang hinihingi ng bawat bilang.

1. Ano ang buong pamagat ng obra maestra ni Francisco Baltazar?

7
2. Saan nakatuon ang pakikibaka ni Balagtas sa kanyang
paghihimagsik?
3. Anong genre ng panitikan nabibilang ang obra maestra ni Balagtas?
4. Binubuo ng ilang pantig ang bawat taludtod ng obra maestra ni
Balagtas?
5. Magbigay ng isang salitang nabuo mula sa kolokasyon at gamitin ito
sa makabuluhang pangungusap. Salungguhitan ang kolokasyong
ginamit.
J. Sintesis
Magtanghal ng isang debate ukol sa paninindigan ng klase sa pahayag
na “Ang panulat ay higit na makapngyarihan kaysa tabak.”
K. Takda
1. Magsulat ng liham bilang si Balagtas tungkol sa kalagayan ng bansa
at ng Florante at Laura sa kasalukuyan. Gumamit ng hindi bababa sa
5 kolokasyon at salungguhitan ang mga ito.
2. Basahin at sagutan ang pahina 8-14.

You might also like