You are on page 1of 2

.

Isa ang Pilipinas sa mga bansang may pinakamaraming wika sa buong daigdig. Maliban sa pambansang
wikang Filipino, kasama nang mahigit sa sandaang katutubong wika. Sinasalita rin ang mga wikang
banyaga tulad ng Ingles, Mandarin, Fookien, Cantonese, Kastila, at Arabe.
Ang mga katutubong wika sa Pilipinas ay napapaloob sa pamilya ng mga wika na kung tawagin ay mga
wikang Austronesyo. Ang mga ito ay ang pangkat ng mga wika na ginagamit ng mga tao mula sa Tangway
ng Malay hanggang sa mga watak-watak na pulo ng teritoryong Polynesia sa karagatang Pasipiko.
Tinatayang ito ang may pinakamalaking pamilya ng mga wika sa buong daigdig. Ngunit mas maraming
wika ang kasapi ng pamilyang ito, maliliit lamang ang bilang na pangkalahatan ng mga taong gumagamit
nito.
Sa mga katutubong wika sa kapuluang Pilipinas, ang mga sumusunod ay tanyag at malimit gamitin sa
bawat rehiyon ng bansa;

 Filipino: Ang pangunahing wika sa bansa. Ito ay nakasalig sa pangunguna ng Tagalog kasunod ng iba
pang umiiral na mga pagbigkas sa Pilipinas.
 Tagalog: Pangunahing wika ng mga naninirahan sa Katimugang bahagi ng Luzon. Sinasalita ng 24%
ng kabuuang bilang ng mga Pilipino sa buong kapuluan. Taal na gamit sa mga lalawigan
ng Cavite, Laguna, Bataan, Batangas, Rizal, Quezon (kilala rin sa tawag na CALABARZON).
Ginagamit rin ito sa mga lalawigan ng Mindoro, Marinduque, Romblon, at Palawan (kilala rin sa tawag
na MIMAROPA). Ito rin ang pangunahing wika ng Pambansang Punong Rehiyon na siyang kabisera
ng bansa.
 Ilocano: Kilala rin sa tawag na Iloko. Pangunahing wika ng mga naninirahan sa Hilagang Luzon. Gamit
sa Rehiyon 1 at 2.
 Panggasinan: Gamit sa lalawigan ng Pangasinan at ilang bahagi ng Hilagang Luzon at Gitnang Luzon.
 Kapampangan: Pangunahing wika ng mga naninirahan sa Gitnang Luzon.
 Bikolano: Pangunahing wika ng mga naninirahan sa Timog-Silangang Luzon.
 Sebwano: Tinatawag ding Bisaya. Pangunahing wika ng Lalawigan ng Cebu, Silangang
Negros, Bohol at malaking bahagi ng Mindanao. Tinatayang sinasalita ng 27% ng kabuuang
populasyon ng bansa.
 Hiligaynon: Tinatawag ding Ilonggo. Gamit sa mga lalawigan sa pulo ng Panay at Kanlurang Negros.
 Waray-Waray: Gamit sa Silangang Visayas tulad ng mga lalawigan sa mga pulo ng Samar at Leyte.

1
2

You might also like