You are on page 1of 11

Mataas na Paaralang Ramon Magsaysay (Cubao)

Daang Ermin Garcia, Brgy. Pinagkaisahan


Lungsod ng Quezon

Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas


Sta. Mesa, Maynila

Banghay-Aralin

Filipino 8
Inihanda ni:

VIA MARIE L. ROXAS


Gurong Nagsasanay, PUP

Pinatnubayan ni:

GNG. ADNESS M. CASAUAY


Gurong Tagapagsanay (RMCHS)

Sinuri ni:

BB. DULCE S. VALENZUELA


Masteradong Guro II, Kagawaran ng Filipino

Binigyang-pansin nina:

FLORIAN L. RUIZ, Ph. D


Puno, Kagawaran ng Filipino

LEVITA U. RAMOS, Ph. D


Punungguro IV, RMCHS
Mala-Masusing Banghay-Aralin sa Pagtuturo ng Filipino 8

I. KASANAYANG PAMPAGKATUTO
A. Nasasagot ang paunang pagsusulit tungkol sa mga Mahahalagang Tauhan, Kay Selya at Sa
Babasa Nito ng Florante at Laura
B. Nakabubuo ng salita o pangungusap sa akronim na ALAY
C. Nabibigyang-kahulugan ang mga malalalim na salita sa akda
D. Natutukoy ang mga mahahalagang tauhan sa Florante at Laura
E. Nababatid ang nilalaman at mensahe ng Kay Selya at Sa Babasa Nito
F. Natitiyak ang mahahalagang konseptong nakuha ng mga mag-aaral tungkol sa Mga Tauhan,
Kay Selya, at Sa Babasa Nito ng Florante at Laura
G. Nasasagot ang mga Pokus na Tanong
H. Naihahalintulad ang sarili sa tauhan ng Florante at Laura

II. PAKSANG-ARALIN
A. Panitikan: Florante at Laura (Aralin 2) – Ang Mahahalagang Tauhan ng Florante at Laura
Kay Selya at Sa Babasa Nito

B. Sanggunian: Ruiz, F.L. et al. (2015) “Ang Batikan (Grade VIII)”


Baisa-Julian, A.G. et al. (2015) “Pinagyamang Pluma 8”
Blanca, C.D. et al. (2017) “Florante at Laura”

C. Kagamitan: laptop at projector

III. YUGTO NG PAGKATUTO


A. TUKLASIN
Gawain 1: Paunang Pagsubok
Sagutin ang sumusunod na mga tanong:
1. Sino ang tauhang karibal ni Adolfo sa pag-ibig kay Laura?
a. Aladin c. Florante
b. Antenor d. Sultan Ali-Adab
2. Ang tauhang nang-agaw ng trono ni Haring Linceo at nagpapatay kay Duke Briseo ay
si _________.
a. Adolfo c. Heneral Miramolin
b. Hari ng Krotona d. Heneral Osmalik
3. Ang Prinsesa ng Albanya at anak ni Haring Linceo ay si __________.
a. Flerida c. Prinsesa Floresca
b. Laura d. Sultana ng Persya
4. Ang pinaghandugan ng Florante at Laura na sumasagisag sa M.A.R. ay si __________.
a. Juana c. Selya
b. Mariana d. Zapira
5. Ang tanging tagubilin ni Balagtas sa babasa ng Florante at Laura:
a. Hinihiling na pakamahalin ito
b. Tawanan at hamakin ang akda
c. Huwag papalitan ang berso
d. Gayahin ang sigesmundo

Gawain 2: Pagganyak
Bumuo ng sariling salita o pangungusap mula sa akronim na ALAY. Kung isang salita
lamang ang itutumbas sa bawat titik, pagsama-samahin ito at gumawa ng makabuluhang
pangungusap.

Akronim
A _________________________
L _________________________
A _________________________
Y _________________________
Pangungusap:
______________________________
_____________________________________
_____________________________________

Gawain 3: Pahapyaw na Pagtalakay sa mga Pokus na Tanong


1. Bakit mahalaga ang muling pagbangon pagkatapos ng kabiguan?
2. Bakit mahalagang tuparin ang mabubuting tagubilin ng mga taong malalapit sa iyo?

Gawain 4: Paglalahad ng Inaasahang Produkto at Pamantayan sa Pagmamarka


Isulat sa kalahating bond paper o colored paper, pahalang
I. Sagutin ang Tanong: Sa mga tauhan ng Florante at Laura, sino ang maihahalintulad mo
sa iyong sarili? Maaaring sa pisikal na aspeto o ugali. Ipaliwanag sa pamamagitan ng
paglalarawan kung sa pisikal na aspeto inihalintulad ang sarili at paglalahad ng senaryo
kung tungkol naman sa ugali. (Hindi bababa sa 10 pangungusap)

PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA
Pamantayan Bahagdan
Nilalaman 35%
Pagkamalikhain 30%
Wastong Gamit ng mga Salita at Bantas 20%
Kalinisan at Kaayusan 15%
Kabuoan 100%

Gawain 4: Takdang-Aralin
Basahin ang Kay Selya at Sa Babasa Nito. Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.
Isulat sa filler.
A. Bigyang kahulugan ang mga sumusunod na salita:
1. pagsaulan
2. hilahil
3. namamanglaw
4. bubot
5. dustain
B. Sagutin ang mga sumusunod na tanong:
Para sa “Kay Selya”
1. Ano-anong damdamin ng may-akda ang nangingibabaw sa mga saknong nito?
Ipaliwanag ang sagot.
2. Anong mabuting bagay ang ibinunga ng kalungkutang nadama ni Balagtas
nang mabigo siya sa pag-ibig?
3. Ihambing ang pag-iibigang Kiko at Selya sa mga paborito mong tambalan sa
teleserye sa kasalukuyan. Gawin ito sa tulong ng venn diagram.

A C B

Para sa “Babasa Nito”


1. Paano inilarawan ni Balagtas ang kaniyang akda?
2. Anu-ano ang mga tagubilin ni Francisco Baltazar sa tatangkilik ng kaniyang
tula?
3. Sa iyong palagay, bakit mahigpit ang bilin ni Balagtas na huwag baguhin ang
kaniyang tula?

B. LINANGIN
Gawain 1: Balik-Aral

Hulaan kung sino ang tinutukoy ng


sumusunod na mga pahayag:

A F
1. Siya’y matapang at magiting na lalaki N R L
T E O
Umiibig nang tapat sa isang binibini
O T A G
Inagaw ng isang nais maging hari

D A L
O D A L
I N O
2. Hindi kalahi, hindi kauri
I O
Nagligtas sa kapwa niya naapi
E A I
3. Isa siyang prinsesang kahali-halina R D
L A
Lahat humahanga, nagmahal sa kaniya F U A

D A A
4. Amang kasintahan ng anak ay inagaw O D A L
Tuloy ay tila ba higit pa sa halimaw A N I
B O

E L O

5. Taksil at kalabang mortal L F A D

O U A
Nang mahigitan sa husay at popularidad sa pag-aaral

Gawain 2: Pagganyak
HulaRawan: Huhulaan ng mga mag-aaral ang love team name ng mga sikat na tambalan
sa Pilipinas. Paunahang sasagot ang mga mag-aaral sa sandaling ipakita ito ng guro.

LizQuen JaDine
KathNiel

BiGuel JoshLia

Gawain 3: Paglinang ng Talasalitaan


Mula sa popsicle sticks na mayroong mga pangalan ng mga mag-aaral, bubunot ng
sampung mag-aaral ang guro na siyang sasagot sa mga talasalitaang ibibigay. Ang bawat
talasalitaan ay bibigyang-kahulugan at sariling pangungusap ng mga mag-aaral na nabunot.

1. pagsaulan A A I N L A L H A N

halimbawa: Masarap pagsaulan ang mga masasayang alaala kasama siya.

2. hilahil S I L R U N A I N

halimbawa: Iba’t ibang hilahil sa buhay ang pinagdaraanan ng tao


araw-araw.
3. namamanglaw N O L N L U A G U K T

halimbawa: Namamanglaw ang kaniyang mga mata nang lisanin siya ng


kaibigan.

4. bubot H A L I W

halimbawa: Batid ni Elsa na bubot pa ang kaalaman niya tungkol sa


teknolohiya.

5. dustain A H P I I N

halimbawa: Hilig ni Adolfo na dustain ang mga taong may kapansanan.

Gawain 4: Pagpapabasa sa Akda (Binigay itong takda sa mga mag-aaral.)

Gawain 5: Pagtalakay sa Nilalaman ng Akda


Mga Gabay na Tanong:
Para sa “Kay Selya”
1. Ano-anong damdamin ng may-akda ang nangingibabaw sa mga saknong nito?
Ipaliwanag ang sagot.
2. Anong mabuting bagay ang ibinunga ng kalungkutang nadama ni Balagtas
nang mabigo siya sa pag-ibig?
3. Ihambing ang pag-iibigang Kiko at Selya sa mga paborito mong tambalan sa
teleserye sa kasalukuyan.
Para sa “Babasa Nito”
1. Paano inilarawan ni Balagtas ang kaniyang akda?
2. Anoq-ano ang mga tagubilin ni Francisco Baltazar sa tatangkilik ng kaniyang
tula?
3. Sa iyong palagay, bakit mahigpit ang bilin ni Balagtas na huwag baguhin ang
kaniyang tula?

Gawain 4: Pangkatang-Gawain

PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA
Pamantayan Bahagdan
Nilalaman 50%
Kahusayan at Kaayusan ng Pagtatanghal 30%
Kooperasyon 20%
Kabuoan 100%
Pangkat 1: Pagsasagawa ng monologo sa tatlong napiling tauhan sa Florante at
Laura
Sa pamamagitan ng monologo, ipakikita ng tatlong mag-aaral ang mga katangian
ng napiling tauhan at iuugnay ito sa kanilang sarili. Ang bawat monologong gagawin ay
hindi lalagpas sa dalawang minuto kada mag-aaral.
 Sa mga tauhang nabanggit, sino ang tumatak sa inyong isipan? Bakit?

Pangkat 2: Pagtatanghal ng isang dula-dulaan kaugnay sa Kay Selya


Sa pagtatanghal ng dula-dulaan, ibubuod at ipakikita ng mga mag-aaral ang mga
nangibabaw na damdamin ng may-akda sa mga saknong nito. Ang pagtatanghal ay
magtatagal lamang ng tatlong minuto.
 Sa kasalukuyang panahon, makikita pa ba ang ganitong klaseng pag-
ibig? Bigyang patunay ang sagot.

Pangkat 3: Pagguhit ng poster tungkol sa kabuuan ng Sa Babasa Nito


Sa pamamagitan ng poster, ipakikita ng mga mag-aaral ang kabuuan ng tulang
ito. Isasalaysay ang mga tagubilin ni Francisco sa tatangkilik ng kaniyang tula at
ipaliliwanag ng isang kapangkat ang kabuuang kaisipan o mensahe ng tula sa maikli at
malinaw na pamamaraan.
 Bakit mahalagang tuparin ang tagubiling makabubuti hindi lamang sa iyo
kundi maging sa ibang tao?

Pangkat 4: Pagbubuod ng naging aralin sa anyong jingle rap


Ang jingle na gagawin ay naglalaman ng kabuuang pangyayari at mensahe ng
talakayan simula sa Kay Selya hanggang sa Sa Babasa Nito. May laya ang mga mag-aaral
na kumuha ng tono sa mga nauna nang kanta at lalapatan na lamang ng sariling liriko.
Tatagal lamang ng tatlong minuto ang pagtatanghal na ito.
 Sa inyong jingle na ginawa, nahikayat niyo ba ang mga tagapakinig na
sundin ang mensaheng nakapaloob ditto? Pangtwiranan.

Gawain 5: Paglalahad ng Sintesis ng Aralin

1. May mabuti bang bagay na naidulot kay Francisco


ang kabiguan? Ipaliwanag.

2. Ano ang mararamdaman mo kung ang isang bagay


na pagmamay-ari mo na ipinahiram mo sa iba ay
babaguhin o kaya’y aangkinin ng iba?
C. PAGNILAYAN AT UNAWAIN
Gawain 1: Balik-Aral

Wit Lang!

Pipili ang bawat pangkat ng dalawang kinatawan sa kanilang grupo. Magkakaroon ng


una at ikalawang set ng mga kalahok. Ang bawat set ay mayroong tig-isang kinatawan
sa bawat grupo, ganoon din ang ikalawang set. Sa pagsisimula ng laro, bibigyan ng tig-
iisang marshmallow ang mga kalahok. Pagkatapos nito ay babanggitin na ng guro ang
tanong. Kapag natapos ang bilang na “isa, dalawa, tatlo” ng guro, saka lamang kakainin
ng mga kalahok ang hawak na marshmallow. Ang kalahok na unang makaubos sa
marshmallow nang walang tira ang may pagkakataong sagutin ang tanong. Kung sinong
kalahok ang may pinakamaraming puntos o naitamang sagot ang tatanghaling panalo
at makakatanggap ng papremyo.

Mga Tanong:
1. Siya ang mapagmahal na ina ni Florante. Maaga niyang inulila si Florante sapagkat
namatay siya habang nag-aaral pa lang ang anak.
Sagot: Prinsesa Floresca
2. Kahulugan ng salitang “bubot”
Sagot: Hilaw
3. Babaeng tinutukoy ni Baltazar na “Selya”
Sagot: Maria Asuncion Rivera
4. Taglay ng “Sa Babasa Nito”
Sagot: Mga habilin ni Balagtas para sa babasa ng kaniyang akda
5. Kahulugan ng salitang “hilahil”
Sagot: Suliranin
6. Isa siyang gererong Moro ng Persya. Naging kaagaw niya ang kaniyang ama sa
kasintahang babae.
Sagot: Aladin
7. Pinsan ni Florante na nakapagligtas ng kaniyang buhay mula sa isang buwitre noong
siya ay sanggol pa lamang.
Sagot: Menalipo
8. Ayon kay Florante, sa kaniyang isinulat sa “Sa Babasa Nito”, ayaw niyang matulad
ang mga mambabasa kay ________?
Sagot: Sigesmundo
9. Tawag sa mga diwata ng kalikasan na karaniwang inilalarawan bilang magaganda,
masayahin, at mahilig sumayaw at umawit.
Sagot: Nimpas
10. Patron ng musika
Sagot: Sta. Cecilia
Gawain 2: Paglilinaw sa mga Konseptong Natutuhan
FB, FB, ‘Pag May Taym!: Sa tabi ng isang malaking larawan ng fb post, tatayo ang mga
mag-aaral upang magbigay ng isa sa mga saknong sa Kay Selya o Sa Babasa Nito na
kaniyang naibigan at nais ipaskil sa kaniyang fb account sa araw na ito. Ipaliliwanag niya sa
klase kung ano ang mahalagang kaisipan na nakapaloob dito at ang dahilan kung bakit niya
ito napili.

Gawain 3: Pagbibigay ng Pagsasanay


Isulat sa isang kalahating papel, pahalang
I. Lagyan ng tsek () ang lahat ng kahong nagtataglay ng kaisipang bahagi ng ating
binasa at ng ekis () kung hindi.
Mula sa “Kay Selya”
☐1. Ang pag-aalaala ni Balagtas sa masasayang sandaling magkasama sila ng
pinakamamahal niyang si Selya.
☐2. Ang pagpapakasal nina Balagtas at ni Selya.
☐3. Ang paglikha sa walang kamatayang awit bunga ng labis na kalungkutan dahil
sa kabiguan sa pag-ibig.
Mula sa “Sa Babasa Nito”
☐4. Ang paghahabilin ni Balagtas na huwag babaguhin ang berso ng awit.
☐5. Ang pagsasabing kung may malabong bahagi, suriin munang mabuti.
☐6. Ang hiling na gumawa ng palabas o pelikulang hango sa mensahe ng awit.
II. Suriin ang pangunahing kaisipang taglay ng saknong na nasa ibaba. Ibigay ang iyong
sariling pagpapakahulugan sa isinasaad ng saknong na ito.
“Ngayong namamanglaw sa pangungulila,
Ang ginawa kong pag-aliw sa dusa,
Nagdaang panaho’y inaalala,
Sa iyong larawa’y ninitang ginhawa.”
- Kay Selya, saknong 5

Gawain 3: Pagsagot sa Pokus na Tanong


1. Bakit mahalaga ang muling pagbangon pagkatapos ng kabiguan?
2. Bakit mahalagang tuparin ang mabubuitng tagubilin ng mga taong malalapit sa iyo?
Gawain 4: Paglalahad ng Sintesis
Buuin o kumpletuhin ang mga pahayag.
Natutuhan ko sa araling ito ang _______________________________
________________________________________________________
Sisikapin kong ____________________________________________
________________________________________________________
Simula ngayon, pipilitin ko ng _______________________________
________________________________________________________
D. ILIPAT
Gawain 1: Balik-Aral

Ano-ano ang natutunan niyo sa talakayan natin noong huling


pagkikita?

Gawain 2: Paglalahad ng Inaasahang Produkto


I. Sagutin ang Tanong: Sa mga tauhan ng Florante at Laura, sino ang maihahalintulad mo
sa iyong sarili? Maaaring sa pisikal na aspeto o ugali. Ipaliwanag sa pamamagitan ng
paglalarawan kung sa pisikal na aspeto inihalintulad ang sarili at paglalahad ng senaryo
kung tungkol naman sa ugali. (Hindi bababa sa 10 pangungusap)

Gawain 3: Paglalahad ng Pamantayan sa Pagmamarka


PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA
Pamantayan Bahagdan
Nilalaman 35%
Pagkamalikhain 30%
Wastong Gamit ng mga Salita at Bantas 20%
Kalinisan at Kaayusan 15%
Kabuoan 100%

Gawain 4: Pagbabahagi at Pagbibigay-puna sa Natapos na Produkto

Gawain 5: Paglalahad ng Sintesis

Ano ang aral o iyong repleksyon na


natutunan sa ating aralin?

IV. TAKDANG-ARALIN
Basahin ang “Sa Isang Madilim, Gubat na Mapanglaw” (Saknong bilang 1-10) at “Bayang
Nagdurusa” (Saknong bilang 11-26)
Mga Gabay na Tanong:

1. Bakit labis ang paghihinagpis ni Florante? Ano-anong bagay ang kaniyang


ipinagdadalamhati?
2. Bakit maging sa Panginoon ay tila may hinanakit siya? Makatwiran ba ang nadarama
niyang ito? Ipaliwanag.
3. Kung ikaw ang nasa katulad na kalagayan ng kay Florante, ano ang gagawin mo upang
hindi lubusang maglaho ang iyong pag-asa?
4. Sa ano-anong pangyayari naman sa kasalukuyang panahon maaaring iugnay ang
sitwasyong ito?
5. Naniniwala ka bang may katapusan ang pagdurusa ng isang tao? Patunayan ang sagot.

You might also like