You are on page 1of 30

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO

GRADO 8
IKAAPAT NA MARKAHAN
ARALIN 4.4
Panitikan : Florante at Laura
a. Kay Selya
b. Puno ng Salita
c. Masamang Kapalarang Sinapit Saknong 1-68
d. Panibugho Sa Minamahal
e. Paggunita sa Nakaraan
Wika : Tayutay
Bilang ng Araw : 4 Sesyon

MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO SA BAWAT DOMAIN

PAG-UNAWA SA NAPAKINGGAN (PN) (F8PN-IVc-d-34)


 Nailalahad ang mahahalagang pangyayari sa napakinggang
aralin.
PAG-UNAWA SA BINASA (PB) (F8PB-IVc-d-34)
 Nasusuri ang mga pangunahing kaisipan ng bawat kabanatang
binasa.
PAGLINANG NG TALASALITAAN (PT) (F8PT-IVc-d-34)
 Nabibigyang kahulugan ang : -matatalinghagang ekspresyon
- tayutay - simbolo
PANONOOD (PD) F8PD-IVc-d-34
 Nailalahad ang sariling karanasan o karanasan ng iba na
maitutulad sa napanood na palabas sa telebisyon o pelikula na
may temang pag-ibig, gaya ng sa akda.
PAGSASALITA (PS) F8PS-IVc-d-36
 Nabibigkas nang madamdamin ang isinulat na monologo tungkol
sa iba’t ibang damdamin.
PAGSULAT (PU) (F8PU-IVc-d-36)
 Naisusulat sa isang monologo ang mga pansariling damdamin
tungkol sa:
-pagkapoot -pagkatakot -iba pang damdamin.
WIKA AT GRAMATIKA (WG) (F8WG-IVc-d-36)
 Nagagamit ang ilang tayutay at talinghaga sa isang simpleng
tulang tradisyunal na may temang pag-ibig.

Ikaapat na Markahan | 55
TUKLASIN
I. LAYUNIN

PANONOOD (PD) F8PD-IVc-d-34


 Nailalahad ang sariling karanasan o karanasan ng iba na maitutulad
sa napanood na palabas sa telebisyon o pelikula na may temang pag-
ibig, gaya ng sa akda.

II. PAKSA

Panitikan : Florante at Laura


a. Kay Selya
b. Puno ng Salita
c. Masamang Kapalarang Sinapit Saknong 1-68
d. Panibugho Sa Minamahal
e. Paggunita sa Nakaraan
Wika : Tayutay
Kagamitan : Laptop, projector, makukulay na pantulong na
Biswal, aklat ng Florante at Laura
Sanggunian : Pinagyamang Pluma 8, Florante at Laura
Bilang ng Araw : 1 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

1. Gawaing Rutinari
 Panalangin at Pagbati
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng takdang Aralin
 Balik-aral

2. Presentasyon ng Aralin

Panitikan: Florante at Laura


a. Kay Selya
b. Puno ng Salita Saknong
c. Masamang Kapalarang Sinapit 1-68
d. Panibugho Sa Minamahal
e. Paggunita sa Nakaraan
Wika : Tayutay

Ikaapat na Markahan | 56
3. Pokus na Tanong
Mungkahing Estratehiya : ILAW NG KATANUNGAN
Isulat sa loob bumbilya ang mga katanungan tungkol sa mga inilahad na
aralin upang magliwanag ang gagawing talakayan.

tanong tanong tanong

Sanggunian: (larawan) http://i.dailymail.co.uk/i/pix/2014/01/26/article-2546363-


1AFB247500000578-934_306x423.jpg

Pokus na Tanong ng Aralin 4.4


 Bakit hindi dapat katakutan ang mga kabiguan sa buhay?
 Anong kahalagahan ang naidudulot ng paggamit ng tayutay sa tula?

AKTIBITI
4. Motibasyon

Mungkahing Estratehiya : OTWOL FLASHBACK

CLARK & LEAH - LDR

Sanggunian:
https://www.youtube.com/watch?v=cl7wpBHJ05k

Gabay na Tanong:
Ano-anong sariling karanasan o karanasan ng iba ang maitutulad sa
napanood na palabas sa telebisyon o pelikula?

 Pag-uugnay ng gawain sa bagong aralin.


 Pag-uugnay ng gawain sa bagong aralin.
 Pagpapabasa ng “Kay Selya”.

Ikaapat na Markahan | 57
KAY SELYA

1
Kung pagsaulan kong basahin sa isip
ang nangakaraang araw ng pag-ibig
may mahahagilap kayang natititik
liban na kay Selyang namugad sa dibdib

2
Yaong Selyang laging pinanganganiban,
baka makalimot sa pag-iibigan;
ang ikinalubog niring kapalaran
sa lubhang malalim na karalitaan.

3
Makaligtaan ko kayang di basahin,
nagdaang panahon ng suyuan namin?
kaniyang pagsintang ginugol sa akin
at pinuhunan kong pagod at hilahil?

4
Lumipas ang araw na lubhang matamis
at walang matira kundi ang pag-ibig,
tapat na pagsuyong lalagi sa dibdib
hanggang sa libingan bangkay ko'y maidlip.

5
Ngayong namamanglaw sa pangungulila,
ang ginagawa kong pang-aliw sa dusa,
nagdaang panaho'y inaalaala,
sa iyong larawa'y ninitang ginhawa.

6
Sa larawang guhit ng sa sintang pinsel,
kusang inilimbag sa puso't panimdim
nag-iisang sanlang naiwan sa akin,
at di mananakaw magpahanggang libing.

Ikaapat na Markahan | 58
7
Ang kaluluwa ko'y kusang dumadalaw
sa lansanga't nayong iyong niyapakan;
sa ilog Beata't Hilom na mababaw,
yaring aking puso'y laging lumiligaw.

8
Di mamakailang mupo ang panimdim
sa puno ng manggang naraanan natin;
sa nagbiting bungang ibig mong pitasin,
ang ulilang sinta'y aking inaaliw.

9
Ang katauhan ko'y kusang nagtatalik
sa buntunghininga nang ikaw'y may sakit,
himutok ko noo'y inaaring langit,
paraiso naman ang may-tulong silid.

10
Nililigaw ko ang iyong larawan
sa Makatang Ilog na kinalagian;
binabakas ko rin sa masayang do'ngan,
yapak ng paa mo sa batong tuntungan.

11
Nagbabalik mandi't parang hinahanap
dito ang panahong masayang lumipas:
na kung maliligo'y sa tubig aagap,
nang hindi abutin ng tabsing sa dagat.

Sanggunian: http://floranteatlaurastory.blogspot.com/2011/07/pag-aalay-unang-bahagi-
ng-florante-at.html

ANALISIS

1. Anong damdamin ang makikita sa mga saknong ng pag-aalay ni


Balagtas para kay Selya?

2. Bakit kaya ganoon na lamang ang kalungkutang kanyang nadama


nang mabigo siya kay Selya?

3. Masasabi bang labis-labis na minahal ni Balagtas ang kanyang si


Selya? Ano-anong saknong ang magpapatunay nito?

Ikaapat na Markahan | 59
4. Nangyayari pa rin ba ang labis na kalungkutan kapag nawawala
ang isang minamahal sa kasalukuyang panahon? Magbigay ng
mga patunay na pansariling karanasan o karanasan ng iba.

5. May mabuti bang ibinunga ang kalungkutang nadama ni Balagtas


nang mabigo siya sa pag-ibig?

 Pagbibigay ng Input ng Guro

ALAM MO BA NA…

Mababasa sa mga saknong ng araling ito ang pagbabalik-tanaw ni


Balagtas kay Selya, ang babaeng minahal niya nang labis subalit naging
dahilan ng pinakamalaki niyang kabiguan sa pag-ibig. Inaalala niya rito
ang matamis na sandal ng kanilang pag-iibigan, subalit tulad ng isang awit
ay nagwakas at ang tanging naiwan ay mapait na gunita ng bigong pag-
ibig. Sa tindi ng sakit ay halos ninais ni Balagtas na nawala na rin sa
mundo nang sila’y maghiwalay. Subalit ang kabiguang ito ay siya ring
nagbigay daan sa paglikha niya ng walang kamatayang obra-maestra, ang
Florante at Laura.

Sanggunian: Pinagyamang Pluma 8, Alma M. Dayag, et. Al.

ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya : Mr. Kupido


Panain ang pusong nagtataglay ng mga salitang may kaugnayan sa
aralin pagkatapos ay bumuo ng konsepto gamit ang mga salitang
napili mo.

Bahagi ng Love at first kabiguan Harapin at


buhay sight gawing

Ng kabutihan Gabay sa Puppy love Sa pag-ibig


at kadakilaan paggawa na dapat

Sanggunian: (larawan) https://cdn.vectorstock.com/i/composite/15,75/black-and-white-heart-


symbol-vector-1341575.jpg

Ikaapat na Markahan | 60
Bahagi na ng buhay pag-ibig ang kabiguan na dapat harapin at
gawing gabay sa paggawa ng kabutihan at kadakilaan.

APLIKASYON

Mungkahing Estratehiya : I-POST MO SA WALL KO!


I-post sa isang puting papel ang larawan ng isang taong iyong
hinahangaan. Pagkatapos ay sumulat ng tula ng pagmamahal o
paghanga sa kanya na may kaakit-akit na pamagat, 4 na taludtod sa
bawat saknong at may tugma.

IV. KASUNDUAN

1. Ano-ano ang dapat gawin ng isang kabataang tulad mo kapag


nakakaharap sa mga kabiguan sa buhay?

2. Basahin ang Saknong 1-68 sa pahina 24-49, Florante at Laura.


Humanda sa talakayan.

Ikaapat na Markahan | 61
LINANGIN
I. LAYUNIN
PAG-UNAWA SA NAPAKINGGAN (PN) (F8PN-IVc-d-34)
 Nailalahad ang mahahalagang pangyayari sa napakinggang
aralin.

PAG-UNAWA SA BINASA (PB) (F8PB-IVc-d-34)


 Nasusuri ang mga pangunahing kaisipan ng bawat kabanatang binasa.

PAGLINANG NG TALASALITAAN (PT) (F8PT-IVc-d-34)


 Nabibigyangkahulugan ang : -matatalinghagang ekspresyon
- tayutay - simbolo

II. PAKSA
Panitikan : Florante at Laura
a. Kay Selya
b. Puno ng Salita
c. Masamang Kapalarang Sinapit Saknong 1-68
d. Panibugho Sa Minamahal
e. Paggunita sa Nakaraan
Wika : Tayutay
Kagamitan : Laptop, projector, makukulay na pantulong na
Biswal, aklat ng Florante at Laura
Sanggunian : Pinagyamang Pluma 8, Florante at Laura
Bilang ng Araw : 1 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO


1. Gawaing Rutinari
 Panalangin at Pagbati
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng takdang Aralin
 Balik-aral

2. Presentasyon ng Aralin
Panitikan: Florante at Laura
a. Kay Selya
b. Puno ng Salita Saknong
c. Masamang Kapalarang Sinapit 1-68
d. Panibugho Sa Minamahal
e. Paggunita sa Nakaraan
Wika : Tayutay

Ikaapat na Markahan | 62
AKTIBITI
1. Motibasyon
Mungkahing Estratehiya : LIWANAG SA DILIM
Iguhit o itala ang mga taong nagsisilbing liwanag o tanglaw ninyo sa
madilim na pagsubok ng buhay.

PAGSUBOK
SA BUHAY

 Pag-uugnay ng naunang gawain sa gagawing pagbasa.

2. Paglinang ng Talasalitaan
Mungkahing Estratehiya : PUNO NG KAHULUGAN
Itambal ang angkop na bahagi ng puno na nagtataglay ng
tamang kahulugan ng mga salita sa saknong ng Florante at
Laura.

Febo burok Talu- araw


nan

lugami baluti Mala-


taksil
rosas

panan- Mala-
lilo malining galang
man

Sanggunian: (larawan) https://thumbs.dreamstime.com/x/none-18523160.jpg


https://s-media-cache-
ak0.pinimg.com/236x/db/50/93/db5093c359e834345c2cd7b8450d4039.jpg

Ikaapat na Markahan | 63
 Pagpapanood/Pagbasa ng Saknong 1-68

PUNO NG SALITA

1
Sa isang madilim, gubat na mapanglaw,
dawag na matinik ay walang pagitan,
halos naghihirap ang kay Febong silang
dumalaw sa loob ng lubhang masukal.

2
Malalaking kahoy ang ang inihahandog
pawang dalamhati, kahapisa't lungkot;
huni pa ng ibon ay nakalulunos
sa lalong matimpi't nagsasayang loob.

3
Tanang mga baging namimilipit
sa sanga ng kahoy ay balot ng tinik;
may bulo ang bunga't nagbibigay-sakit
sa kanino pa mang sumagi't malapit.

4
Ang mga bulaklak ng nagtayong kahoy,
pinakamaputing nag-uungos sa dahon;
pawang kulay luksa at nakikiayon
sa nakaliliyong masangsang na amoy.

5
Karamiha'y Cipres at Higerang kutad
na ang lilim niyon ay nakasisindak;
ito'y walang bunga't daho'y malalapad
na nakadidilim sa loob ng gubat.

6
Ang mga hayop pang dito'y gumagala,
karamiha'y Sierpe't Basilisco'y madla,
Hiena't Tigreng ganid na nagsisisila
ng buhay ng tao't daiging kapuwa.

Ikaapat na Markahan | 64
7
Ito'y gubat manding sa pinto'y malapit
ng Avernong Reyno ni Plutong masungit;
ang nasasakupang lupa'y dinidilig
ng Ilog Cocitong kamandag ang tubig.

8
Sa may gitna nitong mapanglaw na gubat,
may punong Higerang daho'y kulay pupas;
dito nagagapos ang kahabag-habag,
isang pinag-usig ng masamang palad.

9
Baguntaong basal na ang anyo't tindig,
kahit natatali-kamay paa't liig,
kundi si Narciso'y tunay na Adonis,
mukhang sumisilang sa gitna ng sakit.

10
Makinis ang balat at anaki'y burok
pilikmata'y kilay-mistulang balantok;
bagong sapong ginto ang kulay ng buhok,
sangkap ng katawa'y pawang magkaayos.

Sanggunian: http://floranteatlaurastory.blogspot.com/2011/07/kabanata-1-
pasimula.html#uds-search-results

ANG MAPAIT NA KAPALARANG SINAPIT

11
Dangan doo'y walang Oreadas Nimfas,
gubat ng Palasyo ng masidhing Harpias,
nangaawa disi't naakay lumiyag
sa himalang tipon ng karikta'y hirap.

12
Ang abang uyamin ng dalita't sakit-
ang dalawang mata'y bukal ang kaparis;
sa luhang nanakit at tinangis-tangis,
ganito'y damdamin ng may awang dibdib.

13
"Mahiganting langit! bangis mo'y nasaan?
‘ ngayo'y naniniig sa pagkagulaylay;
bago'y ang bandila ng lalong kasam-an
sa Reynong Albania'y iwinawagayway.

Ikaapat na Markahan | 65
14
"Sa loob at labas ng bayan ko sawi,
kaliluha'y siyang nangyayaring hari,
kagalinga't bait ay nalulugami,
ininis sa hukay ng dusa't pighati.

15
"Ang magandang asal ay ipinupukol
sa laot ng dagat na kutya't linggatong;
balang magagaling ay ibinabaon
at inililibing na walang kabaong.

16
"Nguni ay ang lilo't masasamang-loob
sa trono ng puri ay iniluluklok;
at sa balang sukab na may asal-hayop,
mabangong insenso ang isinusuob.

17
"Kaliluha't sama ang ulo'y nagtayo
at ang kabaita'y kimi't nakayuko;
santong katuwira'y lugami at hapo,
ang luha na lamang ang pinatutulo.

18
"At ang balang bibig na binubukalan
ng sabing magaling at katotohanan,
agad binibiyak at sinisikangan
ng kalis ng lalong dustang kamatayan.

19
"O, taksil na pita sa yama't mataas!
O, hangad sa puring hanging lumilipas!
ikaw ang dahilan ng kasam-ang lahat
at niring nasapit na kahabag-habag!

20
"Sa korona dahil ng Haring Linceo
at sa kayamanan ng Dukeng Ama ko,
ang ipinangangahas ng Konde Adolfo
sabugan ng sama ang Albanyang Reyno.

21
"Ang lahat ng ito'y maawaing Langit,
Iyong tinutungha'y ano't natitiis?
mula Ka ng buong katuwira't bait,
pinapayagan Mong ilubog ng lupit.

Ikaapat na Markahan | 66
22
"Makapangyarihang kanan Mo'y ikilos,
papamilantikan ang kalis ng poot;
sa Reynong Albanya'y kusang ibulusok
ang Iyong higanti sa masamang-loob.

23
"Bakit Kalangita'y bingi Ka sa akin,
ang tapat kong luhog ay hindi Mo dinggin?
diyata't sa isang alipusta't iring,
sampung tainga mo'y ipinangunguling?

24
"Datapuwa't sino ang tatarok kaya
sa mahal Mong lihim, Diyos na dakila?
walang nangyayari sa balat ng lupa,
di may kagalingang Iyong ninanasa.

25
"Ay! di saan ngayon ako mangangapit!
saan ipupukol ang tinangis-tangis,
kung ayaw na ngayong dinigin ng Langit
ang sigaw ng aking malumbay na boses!

Sanggunian: http://floranteatlaurastory.blogspot.com/2011/07/kabanata-2-ang-mapait-na-
sinapit.html

PANIBUGHO SA MINAMAHAL

26
"Kung siya mong ibig na ako'y magdusa,
Langit na mataas, aking mababata;
isagi mo lamang sa puso ni Laura--
ako'y minsan-minsang mapag-alaala."

27
"At dito sa laot ng dusa't hinagpis,
malawak na lubhang aking tinawid,
gunita ni Laura sa naabang ibig,
siya ko na lamang ligaya sa dibidib.

Ikaapat na Markahan | 67
29
"Sa pagkagapos ko'y kung gunigunihin,
malamig nang bangkay akong nahihimbing;
na tinatagisan ng sula ko't giliw,
ang pagkabuhay ko'y walang hangga mandin.

30
"Kung apuhapin ko sa sariling isip,
ang suyuan namin ng pili kong ibig;
ang pagluha niya kung ako'y may hapis,
nagiging ligaya yaring madlang sakit.

31
"Nguni, sa aba ko! sawing kapalaran!
ano pang halaga ng gayong suyuan ...
kung ang sing-ibig ko'y sa katahimikan
ay humuhilig na sa ibang kandungan?

32
"Sa sinapupunan ni Konde Adolfo,
aking natatanaw si Laurang sinta ko;
kamataya'y nahan ang dating bangis mo,
nang di ko damdamin ang hirap na ito?"

33
Dito hinimatay sa paghihinagpis,
sumuko ang puso sa dahas ng sakit;
ulo'y nalungayngay, luha'y bumalisbis,
kinagagapusang kahoy ay nadilig.

34
Magmula sa yapak hanggang sa ulunan,
nalimbag ang bangis ng kapighatian;
at ang panibugho'y gumamit ng asal
na lalong marahas, lilong kamatayan.

35
Ang kahima't sinong hindi maramdamin,
kung ito'y makita magmamahabagin;
matipid na luha ay paaagusin,
ang nagparusa ma'y pilit hahapisin.

36
Sukay na ang tingnan ang lugaming anyo
nitong sa dalita'y hindi makakibo,
aakayin biglang umiyak ang puso,
kung wala nang luhang sa mata'y itulo.

Ikaapat na Markahan | 68
37
Gaano ang awang bubugso sa dibdib
ng may karamdamang maanyong tumitig,
kung ang panambita't daing ay marinig
nang mahimasmasan ang tipon ng sakit?

38
Halos buong gubat ay nasasabugan
ng dinaing-daing lubhang malumbay,
na inuulit pa at isinisigaw
sagot sa malayo niyong alingawngaw.

39
"Ay! Laurang poo'y bakit isinuyo
sa iba ang sintang sa aki'y pangako;
at pinagliluhan ang tapat na puso,
pinaggugulan mo ng luhang tumulo?

40
"Di sinumpaan mo sa harap ng Langit
na di maglililo sa aking pag-ibig?
ipinabigay ko naman yaring dibdib,
wala sa gunita itong masasapit!
Sanggunian: http://floranteatlaurastory.blogspot.com/2011/07/kabanata-3-panibugho-at-
pagmamahal.html

PAGGUNITA SA NAKARAAN

41
"Katiwala ako't ang iyong kariktan,
kapilas ng langit anaki'y matibay;
tapat ang puso mo't di nagunamgunam
na ang paglililo'y nasa kagandahan.

42
"Hindi ko akalaing iyong sasayangin
maraming luha mong ginugol sa akin;
taguring madalas na ako ang giliw,
mukha ko ang lunas sa madlang hilahil.

Ikaapat na Markahan | 69
43
"Di kung ako'y utusang manggubat
ng hari mong ama sa alinmang Ciudad,
kung ginagawa mo ang aking sagisag,
dalawa mong mata'y nanalong ng perlas?

44
"Ang aking plumahe kung itinatahi
ang parang korales na iyong daliri,
buntunghininga mo'y nakikiugali
sa kilos ng gintong ipinananahi.

45
"Makailan Laurang sa aki'y iabot,
basa pa ng luha bandang isusuot;
ibinibigay mo ay naghihimutok,
takot masugatan sa pakikihamok.

46
"Baluti't koleto'y di mo papayagang
madampi't malapat sa aking katawan,
kundi tingnan muna't baka may kalawang
ay nanganganib kang damit ko'y marumhan.

47
"Sinisiyasat mo ang tibay at kintab
na kung sayaran man ng taga'y dumulas;
at kung malayo mang iyong minamalas,
sa gitna ng hukbo'y makilala agad.

48
"Pahihiyasan mo ang aking turbante
ng perlas, topasyo't maningning na rubi;
bukod ang magalaw na batong d'yamante,
puno ng ngalan mong isang letrang L.

49
"Hanggang ako'y wala't nakikipaghamok,
nag-aapuhap ka ng pang-aliw-loob;
manalo man ako'y kung bagong nanasok,
nakikita mo na'y may dala pang takot.

50
"Buong panganib mo'y baka nagkasugat,
di maniniwala kung di masiyasat;
at kung magkagurlis nang munti sa balat,
hinuhugasan mo ng luhang nanatak.

Ikaapat na Markahan | 70
51
"Kung ako'y mayroong kahapisang munti,
tatanungin mo na kung ano ang sanhi;
hanggang di malining ay idinarampi
sa mga mukha ko ang rubi mong labi.

52
"Hindi ka tutugot kung di matalastas,
kakapitan mo nang mabigyan ng lunas;
dadalhin sa hardi't doon ihahanap
ng ikaaaliw sa mga bulaklak.

53
"Iyong pipitasin ang lalong marikit,
dini sa liig ko'y kusang isasabit;
tuhog na bulaklak sadyang salit-salit,
pag-uupandin mong lumbay ko'y mapaknit.

54
"At kung ang hapis ko'y hindi masawata,
sa pilikmata mo'y dadaloy ang luha;
napasaan ngayon ang gayong aruga,
sa dala kong sakit ay di iapula?

55
"Halina, Laura ko't aking kailangan
ngayon, ang lingap mo nang naunang araw;
ngayon hinihingi ang iyong pagdamay--
ang abang sinta mo'y nasa kamatayan.

56
"At ngayong malaki ang aking dalita
ay di humahanap ng maraming luha;
sukat ang kapatak na makaapula,
kung sa may pagsintang puso mo'y magmula.

57
"Katawan ko ngayo'y siyasatin, ibig,
tingnan ang sugat kong di gawa ng kalis;
hugasan ang dugong nanalong sa gitgit
sa kamay ko, paa't natataling liig.

58
"Halina, irog ko't ang damit ko'y tingnan,
ang hindi mo ibig dumamping kalawang:
kalagin ang lubid at iyong bihisan,
matinding dusa ko'y nang gumaan-gaan.

Ikaapat na Markahan | 71
58
"Halina, irog ko't ang damit ko'y tingnan,
ang hindi mo ibig dumamping kalawang:
kalagin ang lubid at iyong bihisan,
matinding dusa ko'y nang gumaan-gaan.

59
"Ang mga mata mo ay iyong ititig
dini sa anyo kong sadlakan ang sakit,
upang di mapigil ang takbong mabilis
niring abang buhay sa ikapapatid.

60
"Wala na Laura't ikaw na nga lamang
ang makalulunas niring kahirapan;
damhin ng kamay mo ang aking katawan
at bangkay man ako'y muling mabubuhay!

61
"Nguni, sa aba ko! Ay, sa laking hirap!
wala na si Laurang laging tinatawag!
napalayu-layo't di na lumiliyag,
ipinagkanulo ang sinta kong tapat.

62
"Sa abang kandunga'y ipinagbiyaya
ang pusong akin na at ako'y dinaya;
buong pag-ibig ko'y ipinanganyaya,
nilimot ang sinta'y sinayang ang luha.

63
"Alin pa ang hirap na di sa akin
may kamatayan pang di ko daramdamin?
ulila sa ama't inang nag-angkin,
walang kaibiga't nilimot ng giliw.

64
"Dusa sa puri kong kusang siniphayo,
palasong may lasong natirik sa puso;
habag sa ama ko'y tunod na tumimo,
ako'y sinusunog niring panibugho.

65
"Ito'y siyang una sa lahat ng hirap,
pagdaya ni Laura ang kumakamandag;
dini sa buhay ko'y siyang magsasadlak
sa libingang laan ng masamang palad.

Ikaapat na Markahan | 72
66
"O, Konde Adolfo, inilapat mo man
sa akin ang hirap ng sansinubukan,
ang kabangisan mo'y pinasasalamatan,
ang puso ni Laura'y kung di inagaw."

67
Dito naghimutok nang kasindak-sindak
na umalingawngaw sa loob ng gubat;
tinangay ang diwa't karamadamang hawak
ng buntunghininga't luhang lumagaslas.

68
Sa puno ng kahoy na napayukayok;
ang ibig ay supil ng lubid na gapos;
bangkay na mistula't ang kulay ng burok
ng kanyang mukha'y naging puting lubos.

Sanggunian: http://floranteatlaurastory.blogspot.com/2011/07/kabanata-4-pag-alala-sa-
nakaraan.html

 Pangkatang Gawain

1 Mungkahing Estratehiya 2 Mungkahing Estratehiya


S.O.C.O.
MOCK TRIAL
Ilahad ang mahalagang
Suriin ang pangunahing kaisipan
pangyayari sa
napakinggan/nabasang aralin. ng “Puno ng Salita”.

3 Mungkahing Estratehiya
PERA O BAYONG?
4 Mungkahing Estratehiya
PANTOMINA
GAMESHOW
Isadula ang mga mahahalagang
Bigyang kahulugan ang mga
pangyayari mula sa Saknong 1-
matatalinhagang ekspresyon o
68.
simbolo na ginamit sa akda.

Ikaapat na Markahan | 73
RUBRIKS SA PANGKATANG GAWAIN
BATAYAN Napakahusay Mahusay Di-gaanong Nangangailangan
Mahusay ng Pagpapabuti
Nilalaman Lubos na Naipahatid ang Di-gaanong Di naiparating
at Organisasyon naipahatid ang nilalaman o naiparating ang nilalaman o
ng mga Kaisipan nilalaman o kaisipan na ang nilalaman kaisipan na nais
o Mensahe kaisipan na nais iparating o kaisipan na iparating sa
(4) nais iparating sa manonood nais iparating manonood (1)
sa manonood (3) sa manonood
(4) (2)
Istilo/Pagkamalik Lubos na Kinakitaan ng Di-gaanong Di kinakitaan ng
hain kinakitaan ng kasiningan ang kinakitaan ng kasiningan ang
(3) kasiningan ang pamamaraang kasiningan ang pamamaraang
pamamaraang ginamit ng pamamaraang ginamit ng
ginamit ng pangkat sa ginamit ng pangkat sa
pangkat sa presentasyon pangkat sa presentasyon
presentasyon (2) presentasyon (0)
(3) (1)
Kaisahan ng Lubos na Nagpamalas ng Di-gaanong Di nagpamalas
Pangkat o nagpamalas ng pagkakaisa ang nagpamalas ng pagkakaisa
Kooperasyon pagkakaisa ang bawat ng pagkakaisa ang bawat
(3) bawat miyembro sa ang bawat miyembro sa
miyembro sa kanilang miyembro sa kanilang gawain
kanilang gawain (2) kanilang (0)
gawain (3) gawain (1)

 Presentasyon ng bawat pangkat.

 Pagbibigay ng feedback ng guro at mag-aaral.

 Pagbibigay ng iskor at pagkilala sa natatanging pangkat na


nagpakita ng kahusayan sa ginawang pangkatan batay sa
rubriks na ibinigay ng guro.

ANALISIS

1. Bakit labis ang paghihinagpis ni Florante? Isa-isahin ang mga


pangyayari/bagay na kanyang ipinagdadalamhati.

2. Kung ikaw ang nasa kalagayan ni Florante, ano ang gagawin mo


upang hindi lubusang maglaho ang iyong pag-asa?

3. Paano mo ilalarawan si Laura bilang isang kasintahan batay sa


mga nagugunita ni Florante patungkol sa kanya?

4. Sa ano-anong pangyayari sa ating kasaysayan maaring iugnay ang


gubat na mapanglaw at ang pagkakatali ni Florante sa puno ng
Higera?

Ikaapat na Markahan | 74
 Pagbibigay ng input ng guro.

ALAM MO BA NA…
Mababasa sa araling ito ang pag-aalala ni Florante sa
pinakamamahal niyang si Laura na siyang nagbibigay lakas at pag-asa sa
kanya. Ngunit ang mga alaalang ito ay nasasalitan ng selos o panibugho
sa pag-iisip na si Laura’y masaya na sa piling ni Adolfo. Subalit sa muling
pagliliwanag ng isipan ay nababatid niyang dakila ang pag-ibig ni Laura
para sa kanya kaya’t hinihingi niya ang pagdamay ng dalaga sa kanyang
kalagayan. Gayunpama’y muli’t muling nagbabalik ang kawalang pag-
asang ipinakikita ng pagkayukayok niya habang nakagapos.

Sanggunian: Pinagyamang Pluma 8, Alma M. Dayag et. al

ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya : CONCEPIC CHART


Buuin ang konsepto o ideya ng aralin sa pamamagitan ng pag-
uugnay-ugnay ng aralin.

iwanan

Pagsagot sa Pokus na Tanong Blg. 1. Mahalagang maging matatag sa


gitna ng mga pagdurusang nararanasan dahil lahat ng pagsubok ay may
katapusan at ang Diyos ay di tayo pababayaan.

APLIKASYON

Mungkahing Estratehiya : I-ADVICE GANDA MO!


Pagpapanood ng isang video clip at ang mga mag-aaral ay magbibigay
ng payo sa mga dapat maging gawi ng nakararanas ng ganoong
pagsubok.

Ikaapat na Markahan | 75
EBALWASYON

Panuto : Isulat ang letra ng wastong kahulugan ng


sumusunod na simbolong ginamit sa akda.

1. Ang balang bibig na pinagmumulan ng katotohanan.


a. ang mga taong mapanira sa kanilang kapwa at nagkukuwento
tungkol sa buhay ng may buhay.
b. Ang mga taong nagsasabi o naglalahad ng katotohanan tungkol sa
pagmamalabis ng mga mananakop.
c. Ang mga Espanyol na naglalahad ng plataporma ng kanilang
pamumuno sa bansa.
d. Ang mga bata na di mapipigilan sa pagsasabi ng totoo.

2. Ang mga syerpe’t basilikong gumagala sa gubat


a. Mananakop na nag-aabang upang makagawa nang masama sa
mga Pilipino.
b. Mababangis na hayop gubat na anumang oras ay handing sumila o
pumatay.
c. Sakit o karamdamang maaring dumapo sa sinuman.
d. Kaibigang pinagtitiwalaan na magtataksil sa likuran.

Panuto : Suriin kung alin ang hindi mahalagang pangyayaring


nakalahad sa saknong na binasa.

3. Mula sa Kabanata 1- Gubat na Mapanglaw


a. Ang pakikipag-usap ni Florante sa namayapang ina at
pinakamamahal na ama.
b. Labis na sakit at kabiguang dinaranas niya dahil sa kataksilan ni
Adolfo.
c. Pagbabalik-tanaw sa mga alaala ng kanyang pagkabata.
d. Nadaramang panibugho ni Florante sa inaakalang kasiyahan nina
Adolfo at Laura.

4. Mula sa Pag-aalay Kay Selya


a. Ang pag-alala ni Balagtas sa masasayang sandaling magkasama
sila ng pinakamamahal niyang si Selya
b. Pagpapakasal nina Balagtas at Selya
c. Paglikha ng walang kamatayang awit bunga ng labis na
kalungkutan dahil sa kabiguan sa pag-ibig
d. Paghahandog ng tula kay MAR

Ikaapat na Markahan | 76
5. “Datapwat sino ang tatarok kaya?
Sa mahal mong lihim Diyos na dakila,
Walang mangyayari sa balat ng lupa,
Di ma’y kagalingang iyong ninanasa”
Ang pangunahing kaisipan ng saknong na nabasa mula sa Kabanata
1- Gubat na Mapanglaw ay:
a. Kapag may pinagdaraanang problema ay humingi ng tulong sa
nakaalam ng lahat ng bagay, ang Diyos.
b. Mawalan ng pag-asa kapag hindi na kaya ang pinagdaraanang
problema.
c. Lahat ng suliranin ay may solusyon.
d. lahat ng nabanggit

SUSI SA PAGWAWASTO

1. B 2. A 3. C 4. B 5.A

INDEX OF MASTERY
Seksyon Bilang ng Mag-aaral Indeks
Diligence
Discipline
Courage
Courtesy
Devotion

IV. KASUNDUAN

1. Punan ang talahanayan sa ibaba ng mga pangyayari sa tunay na


buhay, gayundin sa tema ng isang napanood na palabas na maiiugnay
m osa mga pangyayaring hango sa akda.
MGA PANGYAYARI KAHAWIG SA KAHAWIG SA
SA FLORANTE AT NAPANOOD KONG KARANASAN KO O
LAURA TELESERYE/PELIKULA NG ISANG KAKILALA
KO.

2. Magsaliksik sa iba pang uri ng tayutay. Isulat ito at ang mga


halimbawa nito sa kwaderno.

Ikaapat na Markahan | 77
PAUNLARIN
I. LAYUNIN

WIKA AT GRAMATIKA (WG) (F8WG-IVc-d-36)


 Nagagamit ang ilang tayutay at talinhaga sa isang simpleng tulang
tradisyunal na may temang pag-ibig.

II. PAKSA

Wika : Tayutay (simile, metaphor)


Kagamitan : Pantulong na biswal, mga larawan mula sa google
Sanggunian : Florante at Laura
Bilang ng Araw: 1 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

1. Gawaing Rutinari

 Panalangin at Pagbati
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik-aral

2. Presentasyon ng Aralin

Tayutay na Simile at Metapor

AKTIBITI

3. Motibasyon
Mungkahing Estratehiya: THINK-PAIR & SHARE
Humanap ng kapareha at pagbahaginan kung ano ang
tayutay na simile at metapor.
 Pag-uugnay ng naunang gawain sa aralin.

 Pagbasa muli ng Saknong 1-68.

 Pangkatang Gawain
Basahin ang mga saknong sa tula sa masining na
pamamaraan.

Ikaapat na Markahan | 78
Mungkahing Estratehiya Mungkahing Estratehiya
1 HIMIG PASKO 2 KUNDIMAN
Makinis ang balat at anaki'y
burok Baguntaong basal na ang anyo't
pilikmata'y kilay-mistulang tindig,
balantok; kahit natatali-kamay paa't liig,
bagong sapong ginto ang kulay kundi si Narciso'y tunay na
ng buhok, Adonis,
sangkap ng katawa'y pawang mukhang sumisilang sa gitna ng
magkaayos. sakit.

Mungkahing Estratehiya Mungkahing Estratehiya


3 ROCK
4 RAP
Katiwala ako’t ang iyong kariktan Ang aking plumahe kung itinatahi
Kapilas ng langit anaki’y matibay, Ng parang kolares ng iyong
Tapat ang puso mo’t di daliri,
magunamgunam Buntong hininga mong
Na ang paglililo’y nasa nakikiugali
kagandahan. Sa kilos ng gintong panahi.

RUBRIKS SA PANGKATANG GAWAIN


BATAYAN Napakahusay Mahusay Di-gaanong Nangangailangan
Mahusay ng Pagpapabuti
Kasiningan Lubos na Nagpakita ng Di-gaanong Di nagpakita ng
(4) nagpakita ng kasiningan sa nagpakita ng kasiningan sa
kasiningan sa pagbigkas ng kasiningan sa pagbigkas ng
pagbigkas ng tula (3) pagbigkas ng tula (1)
tula.(4) tula (2)
Istilo/Pagkamalik Lubos na Kinakitaan ng Di-gaanong Di kinakitaan ng
hain kinakitaan ng kasiningan ang kinakitaan ng kasiningan ang
(3) kasiningan ang pamamaraang kasiningan ang pamamaraang
pamamaraang ginamit ng pamamaraang ginamit ng
ginamit ng pangkat sa ginamit ng pangkat sa
pangkat sa presentasyon pangkat sa presentasyon
presentasyon (2) presentasyon (0)
(3) (1)
Kaisahan ng Lubos na Nagpamalas ng Di-gaanong Di nagpamalas
Pangkat o nagpamalas ng pagkakaisa ang nagpamalas ng pagkakaisa
Kooperasyon pagkakaisa ang bawat ng pagkakaisa ang bawat
(3) bawat miyembro sa ang bawat miyembro sa
miyembro sa kanilang miyembro sa kanilang gawain
kanilang gawain (2) kanilang (0)
gawain (3) gawain (1)

 Presentasyon ng bawat pangkat.

Ikaapat na Markahan | 79
 Pagbibigay ng feedback ng guro at mag-aaral.

 Pagbibigay ng iskor at pagkilala sa natatanging pangkat na


nagpakita ng kahusayan sa ginawang pangkatan batay sa
rubriks na ibinigay ng guro.

ANALISIS

1. Ano-ano ang napansin ninyo sa kayarian ng mga saknong ng tula?

2. Nakatulong ba sa akda ang mga tayutay na ginamit sa akda?

3. Basahin ang nagpapakita ng tayutay at ibigay ang uri nito.

 Pagbibigay ng Input ng Guro

ALAM MO BA NA…
Ang tayutay ay salita o isang pahayag na ginagamit upang bigyan
diin ang isang kaisipan o damdamin. Sinasadya ng pagpapayahag na
gumagamit ng talinghaga o di-karaniwang salita o paraan ng
pagpapahayag upang bigyan diin ang kanyang saloobin.

MGA URI NG TAYUTAY


 Simili o Pagtutulad - di tiyak na paghahambing ng dalawang
magkaibang bagay. Ginagamitan ito ng mga salitang: tulad ng, paris ng,
kawangis ng, tila, sing-, sim-, magkasing-, magkasim-, at iba pa. Ito ay
tinatawag na Simile sa Ingles.

 Metapora o Pagwawangis - tiyak na paghahambing ngunit hindi na


ginagamitan ng pangatnig.Nagpapahayag ito ng paghahambing na
nakalapat sa mga pangalan, gawain, tawag o katangian ng bagay na
inihahambing. Ito ay tinatawag na METAPHOR sa Ingles.

Sanggunian: https://tl.wikipedia.org/wiki/Tayutay

 Pagbibigay ng sariling pangungusap ng mga mag-aaral


gamit ang metaphor at simile.

Ikaapat na Markahan | 80
ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya : MAZE RUNNER


Tulungan si Florante na tahakin ang wastong landas gamit ang mga
salitang na bubuo sa konsepto ng araling tinalakay.

nakatutulong
Simile at metapor
tayutay
Mahirap
tula maintindihan

maganda
Labis masining

Higit
Gubat na
Mapanglaw

Pagsagot sa Pokus na Tanong Blg. 2. Higit na nagiging masining at


maganda ang isang tula kapag ginagamitan ng tayutay tulad ng simile at
metaphor.

APLIKASYON

Mungkahing Estratehiya : ON MY OWN


Sumulat ng isang tradisyunal na tula na may temang pag-ibig gamit
ang mga tayutay na simile at metaphor o talinhagang napagtalakayan.

EBALWASYON

Panuto: Kilalanin kung ang mga sumusunod na saknong mula sa


tula ay:
A. Simile
B. Metapor

Ikaapat na Markahan | 81
1.Kapagka ang baya’y sadyang
umiibig 2.Mula ng ikaw ay isinilang
Ako ang nag-alaga at gumabay
Sa kanyang salitang kaloob ng
Nagkaisip at namulat sa
langit
katotohanan
Sanlang kalayaan nasa ring Kaya isang bukas na aklat sa iyo
masapit katulad ng ibong ang aking buhay.
himpapawid.

3.Para ng halamang lumaki sa


4.Kung tatanawin mo sa
tubig
malayong pook
Daho’y nalalanta munting ‘di
Ako’y tila isang nakadipang krus
madilig
Sa napakatagal na pagkalunod
Ikinaluluoy ang sandaling init
Parang hinahagkan ang paa ng
Gayundin ang pusong sa tuwa’y
Diyos.
maniig!

5.Akalain kong may natagong


lihim
Subalit ng aking matanto
Ang dumating na balita
Ay isang punyal sa aking dibdib.

SUSI SA PAGWAWASTO
1. A 2. A 3. B 4.A 5. B
INDEX OF MASTERY
Seksyon Bilang ng Mag-aaral Indeks

IV. KASUNDUAN

1. Gamit ang tayutay na simile at metaphor, sumulat ng isang tulang


Malaya para sa iyong paboritong guro.
2. Sumipi ng isang iskrip ng batuhan ng linya ng paborito mong artista
sa kanyang pinatampok na pelikula, humanda sa pagmomologo
nito sa klase.

Ikaapat na Markahan | 82
ILIPAT
I. LAYUNIN

PAGSULAT (PU) (F8PU-IVc-d-36)


(1) Naisusulat sa isang monologo ang mga pansariling damdamin
tungkol sa: Pagkapoot, Pagkatakot, Pagkatuwa, Pagkalungkot, at
iba pang damdamin

II. PAKSA

Pagsulat ng Awtput 4.4


Kagamitan : Pantulong na biswal, larawan mula sa google
Sanggunian : Pinagyamang Pluma 8 Elma M. Dayag et. al.
Bilang ng Araw : 1 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

1. Gawaing Rutinari
 Panalangin at Pagbati
 Pagtatala ng Liban
 Pagpapasa ng Takdang Aralin
 Balik-aral

AKTIBITI
2. Motibasyon
Mungkahing Estratehiya : ARTE MO!
Ang mga mag-aaral ay magsasagawa ng monologo sang-ayon sa
damdaming mabubunot nila sa fish bowl na inihanda ng guro.

masaya nagitla wasang mangha

nahihiya malungkot Naliligaw-gawan malungkot

Sanggunian: (larawan) http://i62.tinypic.com/2a01dug.jpg

 Pag-uugnay sa susunod na gawain.


 Pagpapanood ng halimbawang monologo.

Ikaapat na Markahan | 83
 Pagbibigay ng input at halimbawa ng guro sa pagsulat ng
monologo.
 Pagtalakay sa Awtput sa tulong ng GRASPS

G R A S P S
Nakasusulat ng isang monologong nagpapakita
GOAL
ng pansariling damdamin tulad ng galit o lungkot.

Ikaw ay nagnanais na maging miyembro ng


ROLE
Dulaan o Theatro BANAHIS.

Mga hurado, guro at kapwa kamag-aaral.


A U D I E N CE

Pipili ng best actor at Actress para sa lalahukang


SITUATION
Dulaang Pangmusikal.

P R O DU C T Monologo na nagpapakita ng pansariling


damdamin tulad ng galit, lungkot o tuwa.

Mga Pamantayan 5 4 3 2 1
S T A N D AR D Maliwanag at nalapatan ng
wastong damdamin ang
monologo.
Naiangkop ang damdaming
ginamit sa diwa ng isinulat
na monologo.
Kawili-wili at nakahihikayat
ang monologo.
LEYENDA 2 – Di-mahusay
5 – Napakahusay 1 – Sadyang di-
4 – Mahusay mahusay
3 – Katamtamang Husay
 Pagkuha ng mga awtput na ginawa ng bawat mag-aaral.
 Pagtatanghal ng monologo ng ilang mag-aaral na
kinakitaan ng magandang iskrip.

IV. KASUNDUAN
1. Ano-anong mga damdamin ang namayani sa iyo habang sumusulat
ka ng isang monologo Nakatulong ba ito upang makapagpahayag
ka ng iyong sarili?

2. Ipagpatuloy ang pagbasa ng sunod na kabanata ng Florante at


Laura mula saknong 69-170. Humanda sa talakayan.

Ikaapat na Markahan | 84

You might also like