You are on page 1of 4

Paghahandog ni

Balagtas
Kay Selya
Mga Tanong Para Kay Selya
1. Anong damdamin ang taglay ng mga saknong ng pag-aalay ni
Balagtas para kay Selya?
2. Bakit kaya ganoon na lamang ang kalungkutan kanyang nadama
nang mabigo siya kay Selya?
3. Ano-anong saknong ang magpapatunay sa labi-labis na
pagmamahal ni Balagtas kay Selya? Paano mo mailalarawan ang uri
ng pagmamahal na inialay niya kay Selya sa iyong sariling
pananalita?
4. Nangyayari pa rin ba ang labis na kalungkutan kapag nawawala ang
isang mahal maging sa kasalukuyang panahon? Maglahad ng mga
patunay.
5. Sa paanong paraan naipakita sa karanasan ni Balagtas na maaring
magbunga ng kabutihan maging ang masaklap na pangyayari sa buhay
ng tao?
6. Paano ba ang tamang pagharap sa kabiguan? Ikaw, paano mo
hinaharap ang mga pagsubok at masasakit na pangyayaring dumarating
sa iyong buhay?
Mga Tanong sa Babasa Nito
1. Paano inilarawan ni Balagtas ang kanyang akda?
2. Ano- anong habilin ang nakapaloob sa mga saknong ng “Sa Babasa
Nito”? Sa paanong paraan maihahalintulad ang bahaging ito sa
Paunang Salita (Preface) ng mga aklat?
3. Bakit kailangan maghabilin ng manunulat para sa kanyang mga
mambabasa?
4. Bakit isa sa hinabilin ni Balagtas na huwag baguhin ang berso ng
kanyang tula?
5. Ano ang mararamdaman mo kung sakaling binago nang walang
paalam o kinuha ng ibang tao ang sarili mong gawa?

You might also like