Professional Documents
Culture Documents
Class
Pangalan
Number
Baitang at
Petsa
Seksyon
Panuto: Bumuo ng pangungusap na ginagamitan ng pang-ugnay ayon sa paksa at uri nito. Marapat na bumuo ng
pangungusap na tambalan at hindi payak.
1. Pagpapaalam sa magulang
2. Pagsalungat ng pamahalaan sa
lotto
3. Pagbubukod ng malakas at
mahina;may-kaya at mahirap at
iba pa.
4. Pagdaragdag ng impormasyon
5. Pagsunod sa patakaran
6. Pagbanggit ng sanggunian
KASANAYAN: Natutukoy ang pang-ugnay para sa lohika at makatuwirang pagsasaayos ng mga
pangungusap
Panuto: Punan ng angkop na pang-ugnay ang patlang upang magkaroon ng pagkakaugnayan ang mga
pangungusap sa mga talata. Nasa ibaba ang kahon ng pagpipilian na angkop na pang-ugnay
Ang tao ay hindi nilikha para mag-isa. Kailangan ng bawat isa ng makakasama o kaagapay sa buhay.
__________ sa kanila ay ang ating kaibigan. ___________ sa lahat, sa maraming nilalang, ang kaibigan ang
taong lalong malapit sa ating puso. Siya ang taong gusto nating makasama sa pamamasyal, sa mga gawain at
iba’t ibang karanasan.
__________ na ang kaibigan ay bahagi ng ating buhay. Sa panahon ng tagumpay, nais nating ibahagi ito
sa kaniya. ______________, inaasahan natin ang tunay na kaibigan sa panahon ng kalungkutan at kabiguan.
______________ ito sinusukat ang tibay ng pagkakaibigan at hindi lamang sa sandali ng kaligayahan.
_____________ na kapamilya ang ating karamay, may higit tayong hinihinging pag-unawa at pagdamay ng
isang tunay na kaibigan. At sa maraming pagkakataon, kung ang kaibigan ay hindi naging matapat sa
pakikipagkaibigan at ang kapamilya ang nanatiling karamay, ________________ siya na iyong kapamilya ang
iyong matibay na kaibigan.
Sinasabi na mahirap makita ang tunay na kaibigan. Upang makita at mahanap ang isang tunay na
kaibigan, gawin mom una ito sa iyong sarili bilang halimbawa ng isang mabuting kaibigan. ____________
kung mabuti kang kaibigan sa iyong kapwa,maituturing na isang hiyas ng perlas ang iyong relasyon sa isa’t isa.