You are on page 1of 16

Republic of the Philippines

Department of Education
Regional Office IX, Zamboanga Peninsula

8 Zest for Progress


Z Peal of artnership

Edukasyon sa Pagpapakatao
Ikalawang Markahan - Modyul 4:
Pakikipagkaibigan Tungo sa Sariling
Pagkakilanlan

Pangalan ng Mag-aaral: ___________________________


Baitang at Seksyon: ___________________________
0
Paaralan: ___________________________
ALAMIN

Ano nga ba ang halaga ng isang kaibigan sa iyo? Bakit mahalagang bumuo ng malalim na
ugnayan sa isang kaibigan? Paano magkakaroon ng malalim na ugnayan sa isang kaibigan? Ito
at marami pang ibang tanong ang sasagutin sa aralin na ito. Magkakaroon ng malalim na
talakayan tungkol sa pakikipagkaibigan.

Sa modyul na ito ay matutukoy ang pinakamahalagang mensahe na dapat maunawaan at


maipamalas ng mag-aaral.

6.3 Nahihinuha na:


a. Ang pakikipagkaibigan ay nakatutulong sa paghubog ng matatag na pagkakakilanlan at
pakikisalamuha sa lipunan.
b. Maraming kabutihang naidudulot ang pagpapanatili ng mabuting pakikipagkaibigan: ang
pagpapaunlad ng pagkatao at pakikipagkapwa at pagtatamo ng mapayapang
lipunan/pamayanan .
c. Ang pagpapatawad ay palatandaan ng pakikipagkaibigang batay sa kabutihan at
pagmamahal. Nakatutulong ito sa pagtamo ng integrasyong pansarili at pagpapaunlad ng
pakikipagkapwa. (EsP8PIId6.3)
6.4 Naisasagawa ang mga angkop na kilos upang mapaunlad ang pakikipagkaibigan (hal.:
pagpapatawad) (EsP8PIId6.4)

1
BALIKAN
Gawain: “Ako at Ang Mga Kaibigan Ko”
Panuto: Gumuhit ng mga bilog batay sa dami ng iyong mga kaibigan(kasama ka sa bilang ng
bilog).
Pulang Kahon: Sa bahaging ito ay isusulat ang magkakatulad na katangian ng dalawang tao.
Dilaw na Kahon:Sa bahaging ito ay isusulat ang mga natatanging katangian na iyong/ kanilang
tinataglay.
Itim na kahon:Sa bahaging ito ay isusulat ang mga magkaparehong katangian na taglay ng
lahat.

a. Bakit mahalagang masuri ang pagkakaiba at pagkakatulad ng mga katangian ng


magkakaibigan? Ipaliwanag.

2
TUKLASIN
Gawain 1:
Panuto:
1. Ngayon naman ay balikan ang lahat ng iyong mga naging kaibigan noon at ngayon.
Maaring ito ay simulan mula noong ikaw ay bata. Balikan mo ang sinumang kaibigan na
iyong naaalala. Malalim man o mababaw ang pagkakaibigan na inyong nabuo,
mahalagang maisama ang lahat dito.
2. Lumikha ng timeline at ilapat ang pangalan ng iyong mga kaibigan dito. Ang pagtaas o
pagbaba ng linya ay ibabatay sa antas o lalim ng iyong nabuong pagkakaibigan sa kanila.
Magsasagawa ka ngayon ng paghahambing sa nagging antas ng iyong turing sa kanila
bilang kaibigan. May inihandang halimbawa para sa iyo:

Pangalan ng kaibigan at tao


na siya ay iyong naging
kaibigan

Halimbawa: Ronaldo (2005)

1. Matapos itong maisa-isa ay isulat mo naman sa babang bahagi nito ang dahilan o mga
dahilan kung bakit mo sila naging kaibigan.

Pangalan ng kaibigan at tao


na siya ay iyong naging
kaibigan

Halimbawa: Ronaldo (2005)

3
SURIIN

Ang pakikipagkaibigan
BFF, Frienship, Pre o Repapips… Paano mo man tawagin ang isang tao na
itinuturing mong kaibigan, alam ko ginagawa o sinasabi mo ito kasi may halaga siya sa
iyo na nakaaangat sa iba mo pang kakilala o kasama.

Kaibigan,, ito ang turing mo sa kanila. Maasahan, masasandalan o takbuhan,


maraming puwedeng paglalarawan, maraming mapag-uusapan at maraming mga hindi
malilimutang karanasan mula sa inyong pagsasama. Ito yata ang hanap ng lahat ng tao,
isang tunay na kaibigan. Kasaama k aba rito? Naghahanap ka rin ba ng tunay na
kaibigan o maaaring nakatagpo kana? Alinman ditto, mahalaga sa iyo ang aralin na ito.
Sa pamamagitan nito ay madaragdagan ang iyong kaalaman tungkol sa tunay na
kahulugan, uri, halaga ng pakikipagkaibigan. Halika! Sabay nating hukayin ang yaman
ng pakikipagkaibigan.

Ayon sa Webster’s Dictionary, ang pagkakaibigan ay nangangahulugan ng


pagkakaroon ng ugnayan sa isang tao dahil sa pagmamahala (affection) o
pagpapahalaga (esteem).

Mahalagang maunawaan na ang pagkakaibigan ay hindi isang damdamin, bagkus


isang pasiya dahil ito ay nangangailagan ng malinaw na hangarin. Hindi ito ibinabatay
lamang sa simpleng pagkagusto at sa kagalakan dahil sa presensya ng isang tao. Ang
kaibigan ay hindi basta basta mahahanap, maaaring pagkakita mo sa isang tao ay
mararamdaman mo na magiging malapit kayo sa isa’t isa. Dumadaan ito sa isang
mahaba at masalimuot na proseso.

Si Aristotle, isang griyegong pilosopo, ay nagbigay ng makabuluhang pananaw sa


pakikipagkaibigan. Ang sabi niya, ―Ang tunay na pakikipagkaibigan ay sumisibol mula
sa pagmamahal ng mga taong malalim na nakilala ang pagkatao sa pananaw ng sarili at
iba. Ito’y isang natatanging damdamin para sa espesyal na tao na mas higit ang halaga
sa isang ordinaryong kakilala lamang. Hindi ito pumapanig sa kabutihan ng iisa kundi
para sa isa’t isa. Naiaangat nito ang antas ng buhay tungo sa positibong ugnayan ng
isang lipunan.

4
PAGYAMANIN
Gawain 2:
Panuto:
1. Makikita sa ibaba ang tseklis ng mga palatandaan na nagpapatunay ng pagsasabuhay
ng pakikipagkaibigan ayon kay (Isaacs, 2001)
2. Suriin kung iyong tinataglay ang sumusunod na palatandaan na palatandaan. Lagyan
ng tsek (/ ) sa tapat ng bawat aytem kung ito ay iyong taglay at lagyan naman ng ekis
(x) kung hindi.

Mga Palatandaan Ako ito Hindi ako ito


1. Lahat ng bagong kakilala ay pinaniniwalaan kong
maaari kong maging kaibigan sa hinaharap.
2. Upang mabuo ang pakikipagkaibigan kailangang
may pagkakatulad at iisang interes o hilig.
3. Interesado ako sa aking kaibigan sa kabuuan ng
kaniyang pagkatao at hindi lamang sa mga bagay na
kami ay may pagkakatulad.
4. Naniniwala akong mahalaga na mayroong regular na
pakikipag-ugnayan sa mga pinipiling maging
kaibigan.
5. Nauunawaan ko na ang kalidad ng pagkakaibigan
ay tataas batay sa dami ng pagpapalitan ng mga
tanong na maglalapit sa isa’t isa at magbubukas sa
kanilang sarili at maging sa kanilang
magkaparehong interes na makilala sa isa’t isa.
6. Mulat ako na ang pakikipagkaibigan lalo na sa
katapat na kasarian ay mayroong limitasyon.
7. Nauunawaan ko na upang maging mabuting
kaibigan ako sa aking kaibigan at upang maging
mabuting kaibigan din sila sa akin, kailangan
naming magsumikap na mapagyaman ang ilang mga
birtud.
8. Nagpapakita ako ng pagmamalasakit sa aking
kaibigan sa maraming paraan (Hal. Pagbisita sa
kaniya kapag maysakit, hindi nagsasalita ng
masama laban sa kaniya, atbp.)
Paraan ng Pagmamarka
Bilangin ang kabuuang iskor ng kolum sa AKO ITO at HINDI AKO ITO.

Tingnan sa ibaba ang paglalarawan / interpretasyon sa bilang ng iskor upang matukoy ang
antas ng iyong pagsasabuhay ng tunay na pakikipagkaibigan.
Paglalarawan / Interpretasyon ng Iskor

0-2 – Hindi pa naisasabuhay ang tunay na pakikipagkaibigan

3-4 – Nangangailangan ng paglinang sa kakayahan sa pagsasabuhay ng tunay na


pakikipagkaibigan.
5-6 – May kasanayan sa pagsasabuhay ng tunay na pakikipagkaibigan

7-8 – Napakabuti sa pagsasabuhay ng tunayy na pakikiipagkaibigan

5
Ang nakuha mong iskor sa Gawain na ito ay hindi nararapat na bigyan ng negatibong
interpretasyon. Ang layunin ng gawaing ito ay upang tulungan kang tayahin ang iyong
kakayahan at maging bukas ka sa pagbabago. May magagawa ka pa upang ito ay mapaunlad.
Kasabay ng unti-unting pag-unlad ng kakayahan dito ay makikita mo ang unti-unti ring paglago
ng iyong ugnayan sa iyong mga kaibigan. Kilos na kaibigan!

Panuto: Pumili sa mga sumsunod na Gawain, basahin at unawain ang mga inilaang panuto
para sa pang indibidwal na Gawain.

Basahin at unawaain ang sanaysay na ―Pakikipagkaibigan Tungo sa Paglinang ng


Pakikipagkapwa.

Pakikipagkaibigan Tungo sa Paglinang ng Pakikipagkapwa

Sa mas malawak na katuturan ng pakikipagkaibigan, hindi lamang ang pagkatao


ng bawat indibidwal ang umuunlad kundi pati na rin ang kasanayan sa
pakikipagkapwa. Dahil walang sinuman ang nagnanais na mamuhay nang walang
kaibigan, ang lahat ng tao ay nagsisikakap upang magkaroon nito. Kung kaya ang
lahat ay nagsisikap upang makabuo nang malalim na ugnayan sa isang kaibigan.

Ang pagkakaibigan ay bunga ng pagbibigay at pagtanggap. Hindi makabubuo


nang malalim na ugnayan kung hindi matututo ang tao na maglaan ng panahon,
pagmamahal, sakripisyo at isabuhay ang mga birtud at pagpapahalaga. Dahil
ditto, natututo ang isang tao na ilayo ang kanyang atensyon sa kanyang sarili
lamang dahil natututo siyang magbigay para sa kaniyang kapwa. Ito ang simula
ng pakikipagkapwa, ang tanggapin na may ibang tao maliban sa iyong sarili at

Pangalawang Pangkat- Brainstorming


Panuto: Unawain ang mga teksto at pagkatapos ay ipresenta nila ito.

Basahin at unawaain ang sanaysay na ―Pakikipagkaibigan Tungo sa Paglinang ng


Pakikipagkapwa.

Pakikipagkaibigan Tungo sa Pagtatamo ng Mapayapang Lipunan


Ang pagkakaibigan ang pinakamataas na ekspresyon ng panlipunang kalikasan
ng tao at ito rin ang pinakamatibay na pundasyon ng anumang lipunan.
Naniniwala si St. Augustine na unti-unting magiging perpekto ang isang lipunan
kung ito ay magiging lipunan ng malalim at makabuluhang pagkakaibigan.

Napakahirap, napakalungkot at miserable ang buhay kung wala tayong kaibigan.


Ang tao kapag nag-iisa ay hindi lubos na natutugunan ang kaniyang sariling
pangangailangan para mabuhay. Hindi rin niya makakayanang gumawa ng mga
paraan upang mapaunlad niyang mag-isa ang kaniyang pangkaisipan at moral
na kakayahan. Kaya nga, iniukol ng Diyos ang tao upang mamuhay kasama ng
kaniyang kapwa na makakatulong sa pagtugon ng kaniyang pangangailangan sa
lipunang kinabibilangan.

6
Ikatlong Pangkat- Cooperative Learning
Panuto: Unawain ang mga teksto at pagkatapos ay ipresenta nila ito.

Pang-indibidwal: Basahin at unawaain ang sanaysay na ―Pagpapatawad: Batayan


ng Kabutihan
Ikaapat at Pagmamahal.
na Pangkat – Concept Map
Pagpapatawad: Batayan ng Kabutihan at Pagmamahal
Minsan, kahit iniingatan ang magandang ugnayan ng pagkakaibigan dumadating
sap unto ng hindi pagkakaunawaan. Sumasang-ayon k aba dito? Sabi nga ni
George Washington, ―Ang tunay na pagkakaibigan ay dumadaan muna sa ilang
matitinding pagsubok bago ito ganap na malinang sa malalim na antas ng
pakikipag-ugnayan.‖ Hindi nga natin makikilala nang lubos ang mga kaibigan
kung hindi natin mararanasan ang ilang krisis kaugnay sa pakikipagkaibigan.
Lahat ay nagkakamali.

Ang paghingi ng kapatawaran ay hindi kahinaan kundi kalakasan ng isang tao.

Kailangan ang lakas ng loob sa pag-amin ng kamalian. Ang mabuting kaibigan ay


marunong tumanggap sa katotohanan, handing ipakita ang kababaang-loob at
magpatawad. Sapagkat nararapat lamang na sabihin at tanggapin na ang isa sa
atin ay nagkamali, makabubuti sa pakiramdam na malaman natin na ang isang
kaibigan ay may pagnanais na maiayos at mapanatili ang binuong pagkakaibigan
sa matagal na panahon.

Ikaapat na Pangkat – Concept Map

Mga Sangkap ng Pagkakaibigan


Panuto: Gamit ang Concept Map, itala ang mga Sangkap ng Pagkakaibigan.

Presensiya ?

Mga Sangkap ng
Pagkakaibigan ?
?

7
ISAISIP
1. Graphic Organizer: Ang Pakikipagkaibigan
2. Gamit ang Grapgic Organizer sa ibaba, ipahayag ang nahihunuha mong batayang
konsepto sa pakikipagkaibigan. Ano ang kabutihang maidudulot ng pakikipagkaibigan?
Bakit mahalaga ang pagpapatawad? Isulat sa kuwaderno ang sagot.

_______________________________________
_______________________________________
_______________________________________
Ang pagkakaibigan ay _______________________________________
__

______________________________________
______________________________________
______________________________________
______________________________________

Ang pagpapatawad ay _____________________________________


Ang pagpapatawad ay
______________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

8
ISAGAWA
Isabuhay Mo!
Wanted: Bestfriend
Panuto:
1. Gumawa ng isang Wanted: Bestfriend Poster.
Gawin ito sa ikaapat na bahagi ng isang cartolina.
2. Maari itong lagyan ng mga larawan na nagpapakita ng mga pangyayari na nais mong
maranasan sa isang kaibigan (hal. Nagbabasa sa library, naglalaro ng chess na
magkasama, nagpapasaya ng mga bilanggo o mga matatanda sa home for the aged, o
nagsisimba nang magkasabay.)
3. Itala rito ang mabubuting katangian na iyong hinahanap sa isang matalik na kaibigan.
4. Gamitin ang pagiging malikhain sa paggawa nito.
5. Maaring ibahagi ang ginawang panawagan sa social networking site tulad ng facebook,
twitter, at iba pa. Maaari din naming ilagay ito sa silid-aralan.
6. May inihandang halimbawa sa iyo.

Halimbawa ng Wanted:
Friendship Poster batay sa
paglalarawan

Halimbawa: May larawan ng


dalawang magkaibigan na sabay sa
pagsimba o pagpasok sa paaralan

Nakasulat sa ibaba ang


magagandang katangian:

Hal: maunawain, matulungin,


mahusay maglaro ng chess at iba pa

9
TAYAHIN
Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Piliin ang pinakaangkop na sagot at
isulat ang titik sa iyong sagutang papel.
1. Ang sumusunod ay naglalarawan sa pananaw ni Aristotle sa pagkakaibigan maliban sa:
A. Hindi pumapanig sa kabutihan ng iisa kundi para sa isa’t isa
B. Nag-aangat ng antas ng buhay tungo sa positibong ugnayan ng lipunan
C. Sumisimbolo mula sa pagmamahal ng mga taong malalim na nakikilala ang pagkatao
sa kaniyang sariling pananaw
D. Natatanging damdamin para sa espesyal na tao na mas higit ang halaga kaysa sa
isang ordinaryong kakilala lamang
2. Ano ang pangunahing dapat na mapagyaman upang maging possible ang pagbuo ng
malalim na pagkakaibigan.
A. Pagpapayaman ng pagkatao
B. Simpleng ugnayang interpersonal
C. Pagpapaunlad ng mga kakayahan
D. Pagpapabuti ng personalidad
3. Ang sumusunod ay kahalagahan ng mabuting pakikipagkaibigan maliban sa
A. Ang pakikipagkaibigan ay hindi lamang isang pakikitungo sa kapwa kundi isang
pagbabahagi ng sarili
B. Ang pakikipagkaibigan ay nakatutugon sa personal na intensiyon ng tulong o pabor
na makukuha sa iba
C. Ang pakikipagkaibigan ay bunga ng pagsisikap na dalisayin at patatagin ang ugnayan
sa pangmatagalang panahon
D. Ang pakikipagkaibigan ay nararamdaman mula sa inspirasyong nagmumula sa taong
naniniwala at nagtitiwala sa atin
4. Sa panahon ng kabataan likas na umuusbong ang pakikipagkaibigan sa katapat na
kasarian kagaya sa kaparehong kasarian. Upang maingatang hindi mabuwag ang
magandang layunin sa pagkakaibigan sa katapat na kasarian nararapat na isaalang
alang ang:
A. ―Paglilinaw sa kanilang mga limitasyon ng ugnayang maiangat na binuo
B. Paggalang sa katangian at kahinaang taglay ng kanilang seksuwalidad
C. Pagsuporta sa mga mithiing nais makamit mula sa pakikipagkaibigan
D. Pagkontrol sa posibleng atraksiyon na makamit mula sa pakikipagkaibigan

Para sa bilang 5-7. Basahin at suriin ang sitwasyon sa ibaba:


Nagsimula ang pagkakaibigan nina Zeny at Cely sa paaralang kanilang pinapasukan.
Nagustuhan ni Cely ang pagkamasayahin, makuwento, at maalalahanin ni Zeny. Masaya sila
sa kanilang relasyon bilang magkaibigan at magkaklase. Habang tumatagal mas nakilala ng
dalawa ang isa’t isa; ang mabubuting katangian pati na rin ang ilang kapintasan. Para kay
Cely, lubos at walang kondisyon ang kaniyang pagmamalasakit sa kaibigan. Subalit ng
tumagal, napansin niya na kapag natataasan niya ang iskor ni Zeny sa kanilang pagsusulit,
naiinis ito. Kapag ang kanilang guro ay pumupuri sa magagandang gawaing naipamalas ni
Cely, sa ibang kaklase sumasama ang huli. Nasasaktan si Cely pero wala siyang lakas ng
loob sabihin it okay Zeny. Ang lahat ng kaniyang saloobin ay sinasarili na lamang niya.

10
5. Kung ikaw si Cely ano ang pinakamakatwirang hakbang upang maging malinaw ang
katayuan ng kaniyang pakikipagkaibigan kay Zeny?
A. Makipagkaibigan sa iba at balewalain ang kaibigang naiinggit sa kaniya
B. Ipagpatuloy ang pananahimik hanggang kaya pang tiisin ang ugali ng kaibigan
C. Ipakita kay Zeny na hindi siya apektado sa negatibong kilos at asal na ipinamamalas
sa kaniya
D. Maglaan ng sapat na panahon sa pakikipag-usap nang matapat kaugnay sa
negatibong asal/ugali ng kaibigan
6. Ano ang pangunahing dahilan ng hindi magandang pakikitungo ni Zeny sa kaniyang
kaibigan?
A. Hindi niya mahal ang kaniyang kaibigan
B. May nabubuong kompetisyon sa kanilang dalawa
C. Isa lang sa kanila ang sumisikat at napapansin sa klase
D. Nagsasawa na siya sa kabaitang ipinakikita ng kaibigan
7. Mula sa kuwento ng pagkakaibigan nina Zeny at Cely, alin sa sumusunod na konsepto
ang angkop dito?
A. Ang tunay na pagkakaibigan ay bunga ng pagsisikap na dalisayin at patatagin ang
ugnayang namamagitan.
B. Lahat ng pagkakaibigan ay may mabuti at di mabuting naidudulot sa tao subalit ang
mga ito’y maaaring maging dahilan n gating paglago.
C. Ang pagkakaibigan ay pagbabahagi ng sarili na hindi naghihintay ng kapalit sa mga
bagay na hatid ng pakikipag-ugnayan sa kapwa.
D. Sa pagpili ng kaibigan, kailangan nating bumuo ng pamantayan at inaaasahan sa
kanila na makakatulong sa pagpapabuti ng pagkatao.
8. Matagal nang inuunawa ni Lyka ang pagiging palaasa ni Jovelle. Madalas sa klase, si
Lyka ang kinokopyahan ng mga takdang aralin ng kaibigan. Minsan, sinabi nito kay
Jovelle na mas makabubuting pag-aralan niya nag awing mag-isa ang mga preoyekto at
iba pang Gawain sa klase ngunit hindi pa rin niya ito ginawa. Kaya, nagpasiya si Lyka na
hindi na siya magpapakopya sa kaibigan. Mula noon, hindi na siya pinansin ni Jovelle.
Anong uri ng pagkakaibigan ang ipinakitang halimbawa ni Jovelle?
A. Pagkakaibigang nakabatay sa pangangailangan
B. Pagkakaibigang nakabatay sa pansariling kasiyahan
C. Pagkakaibigan na nakabatay sa kabutihan
D. Pagkakaibigang nakabatay sa kakayahang interpersonal

9. Ang sumusunod ay naidudulot ng pakikipagkaibigan sa pagpapaunlad ng ating pagkatao


maliban sa:
A. Nakalilikha ito ng mabuting pagtingin sa sarili
B. Nagkakaroon ng mga bagong ideya at pananaw sa pakikipagkaibigan
C. Natutuhang pahalagahan ang mabuting ugnayan sa pakikipag-kaibigan sa kabila ng
ilang di pagkakaintindihan
D. Natutukoy kung sino ang mabuti at di mabuting kaibigan sa pamamagitan ng
obserbasyon sa sariling ugnayan at ugnayan ng iba

10. Bakit itinuturing na birtud ang pagkakaibigan?


A. Dahil lahat ng pagkakaibigan ay mabuti
B. Dahil makakamit lamang ang tunay na pagkakaibigan dahil sa pauli-ulit na pagdanas
dito

11
C. Dahil ito ay nagpapahalaga sa katarungan at halaga ng pagbabahagi ng sarili sa
kapwa
D. Dahil ito ay nagpapahalaga sa pagbabahagi ng sarili sa kapwa
11.Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagpapaunlad ng pakikipag-uganayan sa
kaibigan?
A. Paggalang sa pagiging indibidwal.
B. Pagtulong sa kaibigan sa lahat ng oras.
C. Pagmamahal sa kaibigan nang hindi bukal sa kalooban.
D. Pagpapatawad sa kaibigan

12.Paano mapanatili ang isang makabuluhan at matatag na pakikipagkaibigan?


A. Kailangan ang pagsasabuhay ng pagmamahal nang hindi nag-aantay ng kapalit.
B. Pagpapahalaga sa kaibigan
C. Pagmamahal sa kaibigan
D. lahat ng nabanggit

13. Bakit itinuturing na birtud ang pakikipagkaibigan?


A. Dahil lahat ng pagkakaibigan ay mabuti
B. Dahil makakamit lamang ang tunay na pagkakaibigan dahil sa pauliy-ulit na pagdanas
ditto
C. Dahil dito ay nagpapahalaga sa katarungan at halaga ng pagbabahagi ng sarili sa kapwa
D. Dahil ito ay nagpapahalaga sa pagbabahagi ng sarili sa kapwa
14. Paano makakabuo ng malalim na ugnayan sa isang kaibigan?
A. Unawain na ang pagkakaibigan ay hindi isang damdamin, bagkus isang pasiya dahil ito
ay na nangangailangan ng malinaw na hangarin.
B. Kung ang pagkakaibigan ay bubuuhin sa pamamagitan ng isang malalim na uganyan ng
tao na hindi nakabatay sa kanilang mga malalim na aspekto ng kanilang mga katangian
kundi nakabatay sa kaniloang mga katangian kundi sa mas malalim na aspekto ng
kanilang pagkatao.
C. Dapat pagsikapan ng sinuman na alagaan ang ugnayan sa isang kaibigan
D. Magbigay ng sapat na oras sa isa’t isa
15. Ang sumusunod ay naidudulot ng pakikipagkaibigan sa pagpapaunlad n gating pagkatao
maliban sa:
A. Nakakalikha ito ng mabuting pagtingin sa sarili. Nagkakaroon ng mga bagong ideya at
pananaw
B. Natutuhang pahalagahan ang mabuting ugnayan sa pakikipagkaibigan sa kabila ng ilang
di pagkakaintindihan
C. Natutukoy kung sino ang mabuti at di mabuting tao
D. Nagiging makasarili at mapagmataas

12
SUSI SA PAGWAWASTO
15.D
14.B
13.C
12.D
11.A
10.C
9. B
8. C
7. C
6. D
5. B
4. C
3. C
2. D
1. A
Tayahin

Sanggunian:

 Kagawaran ng Edukasyon, Edukasyon sa Pagpapakatao 8 Modyul para sa Mag-aaral,


DepEd-BLR, Unang Edisyon 2013, pp 137

13
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Nulma Halan
SST-I, Basilan NHS, Isabela City Division
Editor: Aimee A. Torrevillas,SST-III
Tagasuri: Aimee A. Torrevillas,SST-III
Tagaguhit:
Tagalapat:
Tagapamahala: Julieto H. Fernandez, OIC-SDS
Maria Laarni T. Villanueva, OIC-ASDS
Eduardo G. Gulang, SGOD Chief
Henry R. Tura, CID Chief
Elsa A. Usman, LR Supervisor
Violeta M. Sta. Elena, ADM Module Coordinator

14
Region IX: Zamboanga Peninsula Hymn – Our Eden Land
Here the trees and flowers bloom Gallant men And Ladies fair Cebuanos, Ilocanos, Subanons, Boholanos, Ilongos,
Here the breezes gently Blow, Linger with love and care All of them are proud and true
Here the birds sing Merrily, Golden beams of sunrise and sunset Region IX our Eden Land
The liberty forever Stays, Are visions you’ll never forget
Oh! That’s Region IX Region IX
Our..
Here the Badjaos roam the seas Hardworking people Abound, Eden...
Here the Samals live in peace Every valleys and Dale Land...
Here the Tausogs thrive so free Zamboangueños, Tagalogs, Bicolanos,
With the Yakans in unity

My Final Farewell
Farewell, dear Fatherland, clime of the sun caress'd Let the sun draw the vapors up to the sky,
Pearl of the Orient seas, our Eden lost!, And heavenward in purity bear my tardy protest
Gladly now I go to give thee this faded life's best, Let some kind soul o 'er my untimely fate sigh,
And were it brighter, fresher, or more blest And in the still evening a prayer be lifted on high
Still would I give it thee, nor count the cost. From thee, 0 my country, that in God I may rest.

On the field of battle, 'mid the frenzy of fight, Pray for all those that hapless have died,
Others have given their lives, without doubt or heed; For all who have suffered the unmeasur'd pain;
The place matters not-cypress or laurel or lily white, For our mothers that bitterly their woes have cried,
Scaffold or open plain, combat or martyrdom's plight, For widows and orphans, for captives by torture tried
T is ever the same, to serve our home and country's need. And then for thyself that redemption thou mayst gain

I die just when I see the dawn break, And whe n the d ark nig ht wr ap s the gr ave y ar d a r ound
Through the gloom of night, to herald the day; With only the d e ad in the ir v ig il to s e e
And if color is lacking my blood thou shalt take, B re ak not m y re p os e or the m ys tery p r of ound
Pour'd out at need for thy dear sake And pe rc hanc e thou m ays t he ar a s ad hym n re s ound
To dye with its crimson the waking ray. ' T is I, O my c ountry, r aising a s ong unto the e .

My dreams, when life first opened to me, And ev e n my g rav e is r em em be re d no m ore


My dreams, when the hopes of youth beat high, Unm ark 'd by ne ve r a c r os s nor a stone
Were to see thy lov'd face, O gem of the Orient sea Le t the plow s we ep thr oug h it, the sp ade tur n it o' er
From gloom and grief, from care and sorrow free; That m y as hes m ay c arp e t e ar thly f loor,
No blush on thy brow, no tear in thine eye. B ef ore into nothing nes s at las t the y are b lown.

Dream of my life, my living and burning desire, The n will ob liv ion br ing to me no c ar e
All hail ! cries the soul that is now to take flight; As ove r thy v ale s and p lains I s we e p;
All hail ! And sweet it is for thee to expire ; Thr ob b ing and c le anse d in thy s p ace and air
To die for thy sake, that thou mayst aspire; With c olor and lig ht, with s ong and lame nt I f are ,
And sleep in thy bosom eternity's long night. Ev e r re p e ating the f aith that I k ee p .

If over my grave some day thou seest grow, M y F athe rland ad or' d, that s ad ne ss to my sor r ow le nd s
In the grassy sod, a humble flower, B e lov ed F ilip inas, he ar now m y las t g ood -b y!
Draw it to thy lips and kiss my soul so, I g ive the e all: p are nts and k indr ed and f r ie nd s
While I may feel on my brow in the cold tomb below F or I g o wher e no s lav e be f or e the op pr es s or b e nds ,
The touch of thy tenderness, thy breath's warm power. Whe r e f aith c an ne ve r kill, and God r e ig ns e ' er on hig h!

Let the moon beam over me soft and serene, F are well to y ou all, f r om m y s oul tor n away,
Let the dawn shed over me its radiant flashes, F rie nds of m y c hild hood in the home disp oss e ss ed !
Let the wind with sad lament over me keen ; Giv e thanks that I re s t fr om the we ar is om e d ay !
And if on my cross a bird should be seen, F are well to the e, too, s we e t f rie nd that lig hte ne d m y way;
Let it trill there its hymn of peace to my ashes. B e lov ed cre ature s all, f are well! I n d e ath ther e is re s t!

I Am a Filipino, by Carlos P. Romulo


I am a Filipino–inheritor of a glorious past, hostage to the uncertain I am a Filipino, child of the marriage of the East and the West. The
future. As such I must prove equal to a two-fold task–the task of East, with its languor and mysticism, its passivity and endurance,
meeting my responsibility to the past, and the task of performing was my mother, and my sire was the West that came thundering
my obligation to the future. across the seas with the Cross and Sword and the Machine. I am of
I sprung from a hardy race, child many generations removed of the East, an eager participant in its spirit, and in its struggles for
ancient Malayan pioneers. Across the centuries the memory comes liberation from the imperialist yoke. But I also know that the East
rushing back to me: of brown-skinned men putting out to sea in must awake from its centuried sleep, shake off the lethargy that has
ships that were as frail as their hearts were stout. Over the sea I see bound his limbs, and start moving where destiny awaits.
them come, borne upon the billowing wave and the whistling wind, I am a Filipino, and this is my inheritance. What pledge shall I give
carried upon the mighty swell of hope–hope in the free abundance that I may prove worthy of my inheritance? I shall give the pledge
of new land that was to be their home and their children’s forever. that has come ringing down the corridors of the centuries, and it
I am a Filipino. In my blood runs the immortal seed of heroes–seed shall be compounded of the joyous cries of my Malayan forebears
that flowered down the centuries in deeds of courage and defiance. when first they saw the contours of this land loom before their eyes,
In my veins yet pulses the same hot blood that sent Lapulapu to of the battle cries that have resounded in every field of combat from
battle against the first invader of this land, that nerved Lakandula Mactan to Tirad Pass, of the voices of my people when they sing:
in the combat against the alien foe, that drove Diego Silang and ―I am a Filipino born to freedom, and I shall not rest until freedom
Dagohoy into rebellion against the foreign oppressor. shall have been added unto my inheritance—for myself and my
The seed I bear within me is an immortal seed. It is the mark of my children and my children’s children—forever.‖
manhood, the symbol of dignity as a human being. Like the seeds
that were once buried in the tomb of Tutankhamen many thousand
years ago, it shall grow and flower and bear fruit again. It is the
insignia of my race, and my generation is but a stage in the
unending search of my people for freedom and happiness. 15

You might also like