You are on page 1of 20

8

Edukasyon
sa
Pagpapakatao
Ikalawang Markahan – Modyul 3:
Ang Pakikipagkaibigan
(Ikatlong Linggo – Ikaapat na Linggo)
MODYUL 3: ANG PAKIKIPAGKAIBIGAN

Alamin

Layunin :
A. Nasusuri ang kahulugan ng pakikipagkaibigan batay sa sariling
karanasan;
B. Natutukoy ang mga taong itinuturing na kaibigan, ang mga
natutuhan mula sa mga ito at mga kabutihang naidulot ng mga ito;
C. Nahihinuha ang kabutihang dulot ng pagpapanatili ng mabuting
pakikipagkaibigan bilang pagpapaunlad ng pagkatao,
pakikipagkapwa at pagtatamo ng mapayapang lipunan;
D. Napapahalagahan ang pagkakaibigan batay sa tatlong uri nito.

Subukin (Pre-Test)
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang titik ng
tamang sagot at isulat ito sa inyong sagutang papel.
1. Ang mga sumusunod ay naglalarawan sa pananaw ni Aristotle sa
pagkakaibigan, MALIBAN sa ito ay _____.
A. hindi pumapanig sa kabutihan ng lahat
B. laging tinitingnan ang kabutihan ng bawat panig
C. nag-aangat sa antas ng buhay tungo sa positibong ugnayan ng
lipunan.
D. sumisimbolo mula sa pagmamahal ng mga taong malalim na
nakikilala ang pagkatao sa kaniyang sariling pananaw
2. Ano ang pangunahing dapat na mapagyaman upang maging possible
ang pagbuo ng malalim na pagkakaibigan?
A. Paglinang ng talento.
B. Pagpapayaman ng pagkatao.
C. Pagpapaunlad ng mga kakayahan.
D. Pagpapabuti ng pisikal na katangian.
3. Ang mga sumusunod ay kahalagahan ng mabuting
pakikipagkaibigan, MALIBAN sa _____.
A. hindi lamang ito isang pakikitungo sa kapuwa kundi isang
pagbabahagi ng sarili
B. nakatugon ito sa personal na intensyon katulad ng tulong o pabor
na
makukuha sa iba
C. bunga ito ng pagsisikap na dalisayin at patatagin ang ugnayan sa
pangmatagalang panahon
D. nararamdaman ito mula sa inspirasyong nagmumula sa taong
1
naniniwala at nagtitiwala sa atin
4. Upang maingatang hindi masira ang magandang layunin sa
pagkakaibigan sa katapat na kasarian, dapat isaalang-alang ang
_____.
A. pagsuporta sa mga mithiin ng bawat isa
B. paglilinaw sa kanilang mga limitasyon bilang magkaibigan
C. pagkontrol sa posibleng atraksyon na makamit mula sa kaibigan
D. paggalang sa katangian at kahinaang taglay ng kanilang
sekswalidad
5. Itinuturing na birtud ang pagkakaibigan dahil _____.
A. sa paulit-ulit na pagdanas nito
B. lahat ng pagkakaibigan ay mabuti
C. nagpapahalaga ito para sa katarungan ng kaibigan
D. ito ay nagpapahalaga sa katarungan at pagbahagi ng sarili sa
kapuwa
6. Ang pagkakaibigang ito ay nabuo batay sa pagkagusto at paggalang
sa isa’t isa. Ito ay pagkakaibigang nakabatay sa _____.
A. kabutihan C. pangangailangan
B. kasiyahan D. sarili
7. Ang mga taong malapit sa ating puso at madalas nating nilalapitan
lalo
na sa oras ng ating pangangailangan.
A. Kaaway C. Kakilala
B. Kaibigan D. Kapitbahay
8. Isang uri ng pagkakaibigan na nabuo dahil sa kasiyahang nadarama
sa
tuwing kayo ay magkakasama. Ito’y pagkakaibigang nakabatay sa
_____.
A. kabutihan C. pangangailangan
B. kasiyahan D. sarili
9. Ang _____ ay nangangahulugang pagkakaroon ng ugnayan sa isang
tao
dahil sa pagmamahal at pagpapahalaga.
A. pagbabarkada C. pakikipag-ugnayan
B. pagkakaibigan D. pagpapakilala
10. Ang pinakamababang antas ng pagkakaibigan dahil sa kulang ito sa
pagpapahalaga at kabutihan. Ito’y pagkakaibigang nakabatay sa
_____.
A. kabutihan C. pangangailangan
B. kasiyahan D. sarili

Panimulang Aral
Sa nakaraang aralin ay tinalakay ang halaga ng
pakikipagkapuwa. Tiyak na nauunawaan mo na, na likas sa isang tao
ang maghanap ng kapuwa na kaniyang makakaugnayan dahil siya ay

2
likas na panlipunang nilalang. Ngunit ang ating ugnayan sa ating
kapuwa ay nagkakaiba ng lalim at lawak. Ang simpleng magkakilala ay
maaaring maging malalim na magkaibigan sa hinaharap dahil sa
pagsisimula ng mas malalim na ugnayan.

BFF, Friendship, Bess, Fret, Megs, P’re o Repapips… Paano mo


man tawagin ang isang taong itinuturing mong kaibigan, alam nating
ginagawa natin ito kasi may halaga siya sa iyo na nakaaangat sa iba
mo pang kakilala o kasama. Kung kaya, ang mga katanungang katulad
ng ano ba ang halaga ng isang kaibigan para sa iyo at kung bakit
mahalagang bumuo ng mas malalim na ugnayan sa isang kaibigan ay
bibigyan natin ng kasagutan sa araling ito.

ARALIN 1: ANG KAHULUGAN NG PAKIKIPAGKAIBIGAN


(IKATLONG LINGGO)

Balikan (Review)

Magbigay ng mga paraan upang iyong maisabuhay ang


pakikipagkapuwa sa mga sumusunod:

PAMILYA:
____________________________________________________________
PAARALAN:
__________________________________________________________
LIPUNAN:
____________________________________________________________

Tuklasin at Suriin

Panuto:
1. Isusulat niyo ang pangalan ng iyong pinakamatalik na kaibigan sa
bilog na nasa gitna.
2. Isulat niyo naman ang mga katangiang iyong nagustuhan sa kaniya
sa loob ng mga parihaba.

3
Panuto: Pagnilayan ang iyong mga sagot sa itaas. Sagutin ang mga
sumusunod na tanong at isulat ito sa inyong sagutang papel.
1. Batay sa gawain, ano ba ang pakiramdam ng pagkakaroon ng isang
kaibigan? Ipaliwanag ito.
2. Ano kaya sa tingin mo ang mahalagang sangkap ng pagkakaibigan?
Napapatatag ba nito ang ugnayan niyo sa isa’t-isa? Ipaliwanag ang
sagot.
3. Para sa iyo, ano ba ang kahulugan ng “pagkakaibigan”?
Basahin ito:
Ayon sa Webster’s Dictionary, ang pagkakaibigan ay nangangahulugan
ng pagkakaroon ng ugnayan sa isang tao dahil sa pagmamahal (affection) at
pagpapahalaga (esteem). Mahalagang maunawaan na ang pagkakaibigan ay
hindi isang damdamin, bagkus isang pasiya dahil ito ay nangangailangan ng
malinaw na hangarin. Hindi ito ibinabatay lamang sa simpleng pagkagusto
at sa kagalakan dahil sa presensiya ng isang tao. Ang kaibigan ay hindi basta-
basta mahahanap, hindi maaaring pagkakita mo sa isang tao ay
mararamdaman mo na magiging malapit kayo sa isa’t-isa. Dumadaan ito sa
isang mahaba at masalimuot na proseso.
Ayon kay Aristotle (de Torre, 1980), natural na hangarin ng isang tao
na makipagkaibigan sa kaniyang kapuwa. Likas itong dumadaloy sa isang
tao dahil likas sa kaniya ang magmahal. Walang sinuman ang pipiliing
mabuhay nang walang kaibigan kahit pa nasa kaniya na ang lahat ng
mabubuting bagay. Kaya niyang makabuo ng ugnayan sa lahat ng taong
kaniyang nakakasalamuha ngunit hindi lahat ng ito ay maaari niyang maging
kaibigan.

4
Kung kaya’t dapat na unawain na kailangan ang pagsisikap upang tumagal
ang pagkakaibigan. Ang pagsisikap ng sinuman na aalagaan ang ugnayan sa
isang kaibigan ang nagpapatingkad ng halaga ng isang samahan.

Isaisip

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong at isulat ito sa sagutang


papel.
1. Bakit itinuturing na isang pasiya ang pakikipagkaibigan?
2. Madali ba ang proseso ng paghahanap ng isang tunay na kaibigan?
Ipaliwanag ang iyong sagot.

Isagawa:

Panuto: Sa isang long bondpaper, gumawa ng isang sariling kasabihan o


slogan tungkol sa “PAKIKIPAGKAIBIGAN”.

Batayan ng Pagpupuntos:

⮚ Orihinalidad - 10 puntos
⮚ Akma sa Tema - 10 puntos
⮚ Kalinisan ng Pagkagawa - 5 puntos
Kabuuan 25 puntos

Halimbawa:

Pangalan: ____________________ Baitang at Seksiyon: __________

Sa Pagkakaibigan…
HINDI MAHALAGA KUNG SINO ANG GUSTO MONG
MAKASAMA.
ANG MAHALAGA AY ANG TAONG NANDIYAN PARA
SUPORTAHAN AT DAMAYAN KA.

5
Ngayon, Ikaw Naman!

Pangalan: ____________________ Baitang at Seksiyon: __________

Karagdagang Gawain

Panuto: Kumpletuhin ang pahayag batay sa iyong konsepto ng


pakikipagkaibigan. Isulat ito sa iyong sagutang papel.

1. Para sa akin, masarap sa pakiramdam ang magkaroon ng mga


kaibigan dahil
__________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
___

2. Upang magiging matatag ang aking ugnayan sa aking mga kaibigan,


ang gagawin ko ay
_________________________________________________________
_____________________________________________________________________
___

6
ARALIN 2: MGA URI NG PAGKAKAIBIGAN

Balikan (Review)
Panuto: Piliin sa kahon at punan ng tamang salita ang patlang sa
pangungusap. Isulat ito sa iyong sagutang papel.
Mahaba Pasiya Pagmamahal Pagkakaibigan Hangarin
Damdamin Mahahanap Pagpapahalaga Pagkagusto Ugnayan

Ayon sa Webster’s Dictionary, ang __________ ay nangangahulugan ng


pagkakaroon ng __________ sa isang tao dahil sa __________ at __________.
Mahalagang maunawaan na ang pagkakaibigan ay hindi isang __________,
bagkus isang __________ dahil ito ay nangangailangan ng malinaw na
__________. Hindi ito ibinabatay lamang sa simpleng __________ at sa
kagalakan dahil sa presensya ng isang tao. Ang kaibigan ay hindi basta-basta
__________, hindi maaaring pagkakita mo sa isang tao ay mararamdaman mo
na magiging malapit kayo sa isa’t-isa. Dumadaan ito sa isang __________ at
masalimuot na proseso.

Tuklasin at Suriin

Panuto: Basahin at suriin ang sitwasyon sa ibaba, pagkatapos ay sagutin


ang mga sumusunod na katanungan at isulat sa iyong sagutang papel.

Nagsimula ang pagkakaibigan nina Zeny at Cely sa paaralang kanilang


pinapasukan. Nagustuhan ni Cely ang pagkamasayahin, makuwento, at
maaalalahanin ni Zeny. Masaya sila sa kanilang relasyon bilang magkaibigan
at magkaklase. Habang tumatagal mas nakilala ng dalawa ang isa’t isa; ang
mabubuting katangian pati na rin ang ilang kapintasan. Para kay Cely, lubos
at walang kondisyon ang kaniyang pagmamalasakit sa kaibigan. Subalit
nang tumagal, napansin niya na kapag natataasan niya ang iskor ni Zeny sa
kanilang
Mga pagsusulit, naiinis ito. Kapag ang kanilang guro ay pumupuri sa
tanong:
magagandang gawaing naipamalas ni Cely, sa ibang kaklase sumasama si
1. Ano
Zeny. ang pangunahing
Nasasaktan dahilan
si Cely pero ng hindi
wala siyang magandang
lakas ng loob napakikitungo
sabihin ito ni
kay
Zeny. Angsa
Zeny lahat ng kaniyang saloobin ay sinasarili na lamang niya.
kaibigan?
2. Kung ikaw si Cely, hahayaan mo bang magpatuloy ang hindi
magandang pakikitungo ni Zeny sa iyo? Ipaliwanag ang iyong sagot.
3. Anong hakbang ang gagawin mo upang magiging maayos ang ugnayan
niyo ni Zeny?

7
Basahin ito:

Ikaw ba ay may mga kaibigan? Paano ba ang ugnayan niyo sa isa’t isa?
Hinahangad niyo ba ang kabutihan para sa isa’t-isa? Lagi nating isaisip na
ang paghahangad ng mabuti para sa isang kaibigan at para sa kaniyang
kapakanan ang pinakamataas na antas ng pagkakaibigan. Mahalaga na
bigyang-pansin ang tatlong uri ng pagkakaibigan ayon kay Aristotle na siyang
makakatulong upang masuri ang pagkakaibigang iniaalay sa iyo ng iyong
mga piling kaibigan. Ang mga ito ay:

1. Pagkakaibigang nakabatay sa pangangailangan. Ito ay


pagkakaibigang inilalaan sa isang tao dahil sa pangangailangan ng
isang tao rito. Ito ay napakababaw na uri ng pagkakaibigan, kulang ng
kabutihan, katarungan, pagmamahal, at pagpapahalaga.
2. Pagkakaibigang nakabatay sa pansariling kasiyahan. Ito ay nabuo sa
pagitan mo at ng isa o mahigit pang tao na masaya kang kasama o
kausap. Maaari itong maglaho kapag nakita ang mga katangiang
maaaring hindi mo magugustuhan o kaya naman ay kapag nawala na
ang kasiyahan na ibinibigay nito sa iyo.
3. Pagkakaibigan na nakabatay sa kabutihan. Ang ganitong uri ng
pagkakaibigan ay nabubuo batay sa pagkagusto (admiration) at
paggalang sa isa’t isa. Ang ganitong uri ng pagkakaibigan ay tumatagal,
katulad ng pagiging pangmatagalan na birtud at pagpapahalaga.
Ang mas malalim at makabuluhang pagkakaibigan ay nabubuo sa
pagitan ng mabubuting tao na kapwa nagtataglay ng mga birtud at
pagpapahalaga. Sa ganitong pagkakataon, dahil ang magkaibigan ay kapwa
mabuti, ang kanilang pagkakaibigan ay kapwa nakatutulong sa paglago ng
bawat isa.

Isaisip
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Isulat ang iyong sagot
sa sagutang papel.

1. Batay sa tatlong uri ng pagkakaibigan, alin sa tingin mo ang


pinakamataas na uri? Ipaliwanag.
2. Bakit kaya hindi lalago ang pagkakaibigan kung ito ay nakabatay
lamang sa pangangailangan?

8
Isagawa
Panuto: Isipin ang iyong pinakamatalik na kaibigan. Punan ang mga
impormasyong hinihingi sa ibaba.

PROFILE NG AKING KAIBIGAN


Pangalan ng Kaibigan: ________________________________ Edad:______________
Saan kayo unang nagkakilala: _____________________________________________
Katangiang nagustuhan mo sa kaniya: _____________________________________
Mga bagay na madalas niyong ginagawa: ___________________________________
Masaya ka ba na nakilala mo siya? __________ Bakit? _______________________
____________________________________________________________________________
Ano ang kaya mong gawin para sa kaniya? _________________________________

Karagdagang Gawain

Panuto: Basahin ang bawat pangungusap. Isulat sa sagutang papel ang


TAMA kapag ang pangungusap ay tama, at MALI kung ito naman ay mali.

__________ 1. Mas makabuluhan ang pagkakaibigan kapag ito ay nakabatay


sa kabutihan.
__________ 2. Isang malaking hamon sa pagkakaibigan ang mapanatili ang
maayos na samahan sa pamamagitan ng alitan.
__________ 3. Bawat isa ay nangangailangan na magsikap upang maging
makabuluhan ang pagkakaibigan.
__________ 4. Mababa ang uri ng pagkakaibigan kapag ito ay nakabatay
lamang sa pangangailangan.
__________ 5. Hindi malalim at makabuluhan ang pagkakaibigan kapag ito ay
naghahangad ng kabutihan para sa isa’t isa.
__________ 6. Nakapagpababa ng pagkatao ang pagkakaroon ng isang tunay
na kaibigan.
__________ 7. Madaling mahanap ang isang tunay na kaibigan.
__________ 8. Imposibleng mahanap ang isang pangmatagalan at wagas na
pagkakaibigan.
__________ 9. Nasa mataas na uri ang pagkakaibigan kapag ito ay nakabatay
sa kabutihan.
__________ 10. Ang pagkakaibigang nakabatay sa kabutihan ay kulang sa
pagpapahalaga at pagmamahal.

9
ARALIN 3: MGA KONSEPTO NG PAKIKIPAGKAIBIGAN
SA SARILI AT KAPWA
(IKA-APAT NA LINGGO)

Balikan (Review)
Sa nakaraang aralin, isa sa mga paksa na natalakay ay ang
kahalagahan ng kabutihan bilang pinakamataas na antas ng pagkakaibigan.
Natalakay rin dito na ang paghahangad ng mabuti sa ating kapuwa ay
makakatulong sa paglago ng bawat isa.

Tuklasin at Suriin

Panuto: Basahin at unawain ang mga Konsepto ng Pakikipagkaibigan.

Ang pagkakaibigan ay nakakaimpluwensya sa maraming aspeto ng


buhay ng isang tao. Siguro ay maituturing lamang natin itong isang
ordinaryong ugnayan, ngunit malaki ang epekto nito hindi lamang sa ating
sarili kundi maging sa iba. Narito ang iba’t ibang konsepto ng pagkakaibigan:

1. Pakikipagkaibigan Tungo sa Matatag na Pagkakakilanlan at


Kaganapan ng Pagkatao

Ang pagkakaibigan ay isang makapangyarihang ugnayan.


Nakapagdudulot ito ng positibo, makatotohanan, at matibay na
pundasyon ng ating pagkakakinlanlan at pagkatao. Sa aklat ni Joy Carol
(2008) na The Fabric of Friendship, tinukoy niya ang maraming bagay na
naidudulot ng pagkakaibigan sa pagpapaunlad ng ating pagkatao. Ang
mga ito ay:

a. Nakalilikha ito ng mabuting pagtingin sa sarili.


b. Natutuhan kung paano maging mabuting tagapakinig.
c. Natutukoy kung sino ang mabuti at di mabuting kaibigan sa
pamamagitan ng mga tunay na kaibigan.
d. Natutuhang pahalagahan ang mabuting ugnayan sa pakikipagkaibigan
sa kabila ng ilang hindi pagkakaintindihan.
e. Nagkakaroon ng mga bagong ideya at pananaw sa pakikipagkaibigan.

2. Pakikipagkaibigan Tungo sa Paglinang ng Pakikipagkapuwa

Sa mas malawak na katuturan ng pakikipagkaibigan, hindi lamang ang


pagkatao ng bawat indibidwal kundi pati na rin ang kasanayan sa

10
pakikipagkapuwa. Dahil walang sinuman ang nagnanais na mamuhay
nang walang kaibigan, ang lahat ng tao ay nagsisikap upang magkaroon
nito. Kung kaya ang lahat ay nagsisikap upang makabuo nang malalim na
ugnayan sa isang kaibigan.

3. Pakikipagkaibigan Tungo sa Pagtamo na Mapayapang Lipunan

Ang pagkakaibigan ang pinakamataas na eskpresyon ng panlipunang


kalikasan ng tao at ito rin ang pinakamatibay na pundasyon ng anumang
lipunan. Naniniwala si St. Augustine na unti-unting magiging perpekto
ang isang lipunan kung may malalim at makabuluhang pagkakaibigan.

Isaisip
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong at isulat ito sa sagutang
papel.

1. Ano-ano ang tatlong mahahalagang konsepto ng pagkakaibigan?


2. Ano-ano ang limang bagay na naidudulot ng pakikipagkaibigan sa
pagpapaunlad sa iyong pagkatao?
3. Bakit itinuturing na isang matibay na pundasyon ng anumang lipunan
ang pakikipagkaibigan?

Isagawa
Panuto:
1. Makikita sa ibaba ang checklist ng mga palatandaan na nagpapatunay
ng pagsasabuhay ng pakikipagkaibigan ayon kay Isaacs (2001).
2. Suriin kung iyong tinataglay ang sumusunod na palatandaan. Lagyan
ng check (✔) sa tapat ng bawat aytem kung ito ay iyong taglay at lagyan
naman ng ekis (X) kung hindi.

Mga Palatandaan Ako ito! Hindi Ako ito!


1. Lahat ng bagong kakilala ay maaari kong
maging kaibigan sa hinaharap.
2. Upang mabuo ang pagkakaibigan, kailangang
may pagkakatulad at iisa ang hilig.
3. Interesado ako sa kabuuang pagkatao ng
aking kaibigan.
4. Naniniwala akong mahalaga na mayroong
regular na pakikipag-ugnayan sa mga pinipiling
maging kaibigan.

11
5. Nauunawaan ko na ang pagkakaibigan ay
tataas batay sa dami ng pagpapalitan ng tanong
sa siyang maglalapit sa amin
6. Alam ko na ang pakikipagkaibigan sa katapat
na kasarian ay mayroong limitasyon.
7. Nauunawaan ko na upang maging mabuting
kaibigan, kailangan naming magsikap na
mapagyaman ang ilang mga birtud ng
pagkakaibigan.
8. Nagpapakita ako ng pagmamalasakit sa aking
kaibigan sa maraming paraan.
* ang nakuha mong iskor sa gawaing ito ay hindi nararapat na bigyan ng negatibong
impresyon.

Paraan ng Pagmamarka
Bilangin ang kabuuang iskor sa kolum sa AKO ITO. Tingnan sa ibaba
ang interpretasyon sa bilang ng iskor upang matukoy ang antas ng iyong
pagsasabuhay ng tunay na pakikipagkaibigan.
Interpretasyon ng Iskor
0 – 2: Hindi pa naisasabuhay ang tunay na pakikipagkaibigan.
3 – 4: Nangangailangan ng paglinang sa kakayahan sa pagsasabuhay ng
tunay
na pakikipagkaibigan.
5 – 6: May kasanayan sa pagsasabuhay ng tunay na pakikipagkaibigan.
7 – 8: Napakabuti sa pagsasabuhay ng tunay na pakikipagkaibigan.

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na gabay na tanong at isulat ito sa


iyong sagutang papel.
1. Batay sa iyong sagot sa tsart, ano ang natuklasan mo sa iyong sarili?
2. Paano mo malinang ang iyong kakayahan sa pakikipagkaibigan?
3. Ano ang matatamo sa isang lipunan kapag iyong isasabuhay ang
pakikipagkaibigan?

Karagdagang Gawain

Panuto: Basahin ang bawat pangungusap. Isulat sa iyong sagutang papel


ang TAMA kung ito ay tama, at MALI kung ito ay mali.

__________1. Ang pagkakaibigan ay bunga ng pagbibigayan at pagtanggap.


__________2. Nabuo ang pagkakaibigan kahit walang birtud ng pagpapahalaga
sa isa’t isa.
__________ 3. Ang pangunahing katangian ng isang tunay na kaibigan ay ang
pagkakaroon ng kakayahang palaguin ang kaniyang pagkatao.

12
__________ 4. Sa pagkakaibigan, natatamo ng tao ang matatag na ugnayan at
pagkakakilanlan.
__________ 5. Madali ang landas patungo sa paghahanap ng isang tunay na
kaibigan.
__________ 6. Sa pagkakaibigan, ang mga suliranin ay maaaring maging
instrumento upang mapatatag ang isang samahan.
__________ 7. Kapag walang kaibigan na nagtitiwala sa iyong kakayahan,
napapataas nito ang antas ng pagpapahalaga.
__________ 8. Ang pagkakaibigan ay isa sa mga paraan upang makita ang
yaman ng iyong pagkatao.
__________ 9. Ang tunay na pagkakaibigan ay nagbibigayan nang may
hinihingi na kapalit.
__________ 10. Nalinang ang ating kakayahang umunawa kapag bukas ang
ating isipan na makinig sa sinasabi ng ating kaibigan.

ARALIN 4: MGA SANGKAP NG PAGKAKAIBIGAN

Balikan (Review)
Sa nakaraang aralin, natalakay ang iba’t-ibang konsepto ng
pakikipagkaibigan. Naalala niyo pa ba ang mga ito? Ano-ano ang mga ito?

Tuklasin at Suriin

Panuto: Suriin ang diwa ng kanta na pinamagatang “TAG-ULAN” ng After


Image.
Maaring mapakinggan ang kanta gamit ang link na ito:
(https://www.youtube.com/watch?v=Fyoksz4uA2E)

13
TAG-ULAN
By: After Image

Minsan ika'y nag-iisa, walang makasama, 'di malaman saan tutungo


Naghahanap, nag- iisip kung saan babaling
Dito sa mundong mapaglaro

At tuwing ika'y nalulumbay, 'di makakita, Nais mo na may makasama


Sa iyong lungkot akala mo ika'y nag-iisa, Narito ako't kapiling ka,
Kung nais mong ika'y lumuha, Ako'y makikinig sa bawat salita

Koro:
Kapag umuulan bumuhos ang langit sa 'yong mga mata
Kapag mayro'ng unos ay aagos ang luha
Ngunit 'di ka mag-iisa, kaibigan

Kay rami nang mga tanong sa iyong isipan, nais mo lamang ay


malaman
Bakit nagka-gano'n ang nangyari sa 'yong buhay
Tanong mo man sa akin, 'di ko alam
Handa akong maging tanggulan, sa tuwing sasapit sa 'yo ang tag-ulan

(Ulitin ang Koro)

Ako'y naririto, naghihintay lamang sa 'yo


Tumawag ka't ako ay tatakbo sa piling mo, kaibigan
Kaibigan... Kaibigan...

(Ulitin ang Koro)

Kaibigan... Kaibigan... Kaibigan...

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong at isulat ito sa inyong


sagutang papel:
1. Sa iyong palagay, ano kaya ang tinutukoy na “tag-ulan” sa kanta?
2. Bilang isang kaibigan, bakit kaya mahalaga na ikaw ay nandiyan sa
tuwing nakakaranas ng unos ng buhay ang iyong kaibigan?

Basahin at Unawain

Sa bahaging ito ay ating pag-usapan kung ano ba talaga ang pangunahing


sangkap ng pagkakaibigan na siyang kinakailangan upang
mapagtagumpayan ng isang tao ang pagbuo ng pagkakaibigan. Iyong basahin
ang mga sumusunod hango sa aklat ni James at Savary na The Heart of
Friendship (1976).

14
1. Presensya. Ang pagkakaibigan ay lumalago dahil sa presensiya ng isa’t
isa. Iba ang kasiyahan na nararamdaman kapag alam mo na ang iyong
kaibigan ay palaging nariyan lalo na sa mga panahon na kailangan mo
siya.
2. Paggawa ng bagay nang magkasama. Ang paggawa ng maraming
bagay nang magkasama ay daan upang magkaroon ng oras para sa
isa’t isa.
3. Pag-aalaga. Ang pag-aalaga ay nangangahulugang pagtulong sa
kaibigan sa kaniyang pag-unlad at paglago. Ito ay lumilitaw sa mga
gawaing nagpapakita ng mainit na pagtanggap at pag-aruga sa isa’t isa.
4. Katapatan. Ang katapatan ay hindi nararapat na sumusalungat sa
pagiging pribado ng buhay ng isang tao. Ang matapat na kaibigan ay
may pahintulot na masabi sa isa’t isa ang kanilang tunay na saloobin
nang hindi mabibigyan ng hindi magandang kahulugan.
5. Kakayahang mag-alaga ng lihim at pagiging tapat. Ang isang tunay
na kaibigan ay nakahandang ingatan ang lihim sa isa’t isa. Mahalaga
ito upang tunay na makuha ang tiwala ng isang kaibigan.
6. Pag-unawa sa nilalaman ng isip at damdamin ng iba. Ang pag-unawa
ay nangangahulugang paglagay sa sarili sa sitwasyong kinalalagyan ng
kaibigan. Ito ay nangangailangan ng malinaw na komunikasyon o
ugnayan.
7. Pagpapatawad. Ang paghingi ng kapatawaran ay hindi kahinaan kundi
kalakasan ng isang tao. Kailangan ang lakas ng loob sa pag-amin ng
kamalian. Ang mabuting pagkakaibigan ay marunong tumanggap sa
katotohanan, handang ipakita ang kababaang-loob at magpatawad.

Mahalagang pagsikapan ng lahat na maisabuhay ang mga sangkap ng


pagkakaibigan na natalakay sa itaas kung tunay na ninanais na magkaroon
ng malalim at pangmatagalang pagkakaibigan. Ang pagbuo ng pagkakaibigan
ay hindi madaling proseso, maraming pagsubok ang daraan, maraming mga
suliranin ang kailangang harapin at maraming sakit na mararamdaman.

Isaisip
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan at isulat sa sagutang
papel.

1. Ano-ano ang mga mahahalagang sangkap ng pagkakaibigan?


2. Bakit kailangang isasabuhay ang mga sangkap ng pagkakaibigan?

15
Isagawa
Panuto: Mula sa mga sangkap ng pagkakaibigan, magbigay ng paraan upang
iyong maisasabuhay ang mga ito. Kopyahin sa sagutang papel ang tsart at
isulat ang iyong sagot.

Sangkap ng Pagkakaibigan Pagsasabuhay


Halimbawa: Sa tuwing may problema ang
Presensiya aking kaibigan, agad ko siyang pupuntahan
upang siya ay damayan.
Paggawa ng bagay nang
magkasama
Pag-aalaga

Katapatan
Kakayahang mag-alaga ng
lihim at pagiging tapat
Pag-unawa sa nilalaman ng
isip at damdamin ng iba
Pagpapatawad

Pangkalahatang Pagsubok

Panuto: Basahin ang bawat katanungan. Piliin ang titik ng tamang sagot at
isulat sa iyong sagutang papel.

1. Ang mga sumusunod ay mahahalagang katangian upang mapanatili


ang magandang ugnayan sa kaibigan, MALIBAN sa pagiging ____.
A. maalalahanin C. masaya
B. mapagmataas D. tapat
2. Nabalitaan mong malaki ang problema ni Mark dahil sa nakakuha siya
ng bagsak na marka sa Math sa unang markahan. Bilang isang
kaibigan at kaklase, ano kaya ang maaari mong magawa para sa
kanya?
A. Tutulungan ko siya sa pamamagitan ng pagpapakopya sa susunod
na pasulit sa Math.
B. Pagsasabihan at sisisihin siya sa naging resulta dahil hindi siya nag-
aral nang mabuti.
C. Maglilingkod bilang "tutor" upang mas mauunawaan niya ang aralin.
D. Pagtawanan ang pagiging mahina niya sa klase.

16
3. Upang maingatang hindi masira ang magandang layunin sa
pagkakaibigan sa katapat na kasarian, nararapat na isaalang-alang
ang _____.
A. pagsuporta sa mga mithiin ng bawat isa
B. paglilinaw sa kanilang mga limitasyon bilang magkaibigan
C. pagkontrol sa posibleng atraksyon na makamit mula sa kaibigan
D. paggalang sa katangian at kahinaang taglay ng kanilang
sekswalidad
4. Ano ang pangunahing dapat na mapagyaman upang magiging
possible ang pagbuo ng malalim na pagkakaibigan?
A. Pagpapayaman ng pagkatao C. Pagpapaunlad ng kakayahan
B. Pagpapabuti ng personalidad D. Simpleng ugnayang
interpersonal
5. Si Andrew at Michael ay matalik na magkaibigan. Napabalitang
nagkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan dahil lamang sa isang
maliit na bagay. Isang araw habang nagkaroon ng pagtitipon,
nagkasalubong ang tingin ng dating magkaibigan na siyang hudyat na
sana ng kanilang pagbabati. Kung ikaw ang nasa posisyon nina
Michael at Andrew, ano ang pinakamabisang tugon mo sa sitwasyon?
A. Lilingon at magpapanggap na hindi ko nakita ang dating kaibigan.
B. Lalapit sa kaniya at makipagplastikan para matapos na ang
drama.
C. Ibabalik ang dating samahang nasayang sa pamamagitan ng
paghingi ng kapatawaran.
D. Lalapitan ang dating kaibigan, kakausapin at sisisihin siya sa
nangyaring hindi pagkakaunawaan.
6. Masasabi mong makabuluhan ang pagkakaibigan kapag _____.
A. naiaangat nito ang antas ng buhay sa positibong paraan
B. napapaunlad ang sarili habang may ibang nasasaktan
C. may taong handang magbuwis ng buhay
D. nakakasakit ka ng damdamin ng iba
7. Ang mga sumusunod ay kahalagahan ng mabuting
pakikipagkaibigan, MALIBAN sa _____.
A. nakatugon ito sa personal na intensyon katulad ng tulong o pabor
na makukuha sa iba
B. hindi lamang ito isang pakikitungo sa kapuwa kundi isang
pagbabahagi ng sarili
C. bunga ito ng pagsisikap na dalisayin at patatagin ang ugnayan sa
pangmatagalang panahon
D. nararamdaman ito mula sa inspirasyong nagmumula sa taong
naniniwala at nagtitiwala sa atin
8. “Ang tunay na pagkakaibigan ay dumadaan muna sa ilang matinding
pagsubok bago ito ganap na malinang sa malalim na antas ng
pakikipag-ugnayan”. Ang pangungusap na ito ay _____.
A. tama, bahagi ng pagkakaibigan ang iba't-ibang uri ng hidwaan
B. mali, hindi lahat ng kaibigan ay dumadaan sa ganitong dramahan

17
C. mali, minsan ay hindi nagiging magkaibigan ang dalawang taong
nagkasakitan ng loob
D. tama, nakikilala ng lubos ang kaibigan kapag nakararanas ito ng
krisis na may kaugnayan sa pagkakaibigan
9. Hindi madaling hanapin ang isang tunay na kaibigan dahil _____.
A. hindi lahat ay mananatiling tapat at totoo sa iyo
B. lahat sila ay kwalipikado kaya mahirap pumili ng isa
C. pinagbabatayan ang antas ng buhay upang magkaroon ng kaibigan
D. nandiyan lamang sila sa tuwing mayroon kang tagumpay na
natatamasa
10. Paano mo mapapanatili ang maayos na ugnayan sa iyong kaibigan?
A. Siraan siya sa harap ng maraming tao.
B. Suportahan siya sa kaniyang mga ginagawa kahit na ito ay mali.
C. Humingi ng suhol tuwing mayroon kang nagawang pabor sa
kaniya.
D. Tulungan siya sa kaniyang mga problema nang hindi hihingi ng
anumang kapalit.

Mga Sanggunian:

Agapay, R.B. (2008). Ethics and the Filipino. Mandaluyong City: National Book
Store.

Babor, E. R. (2006). Ethics: the Philosophical discipline of action. Manila: Rex


Book Store, Inc.

Corpus. R. M. et al. (2007). Ethics: Standard of human conduct. Intramuros,


Manila Philippines: Mindshaper’s Co. Inc.

Gomez, F.O.P. (1991). Social Ethics: doctrine of life. Manila: Social Research
Center and UST Press.

Isaacs, D. (2001). Character Building: Portland Oregon: Four Courts Press

Mc Ginnis, A.L. (2000). The friendship factor. Diliman Quezon City


Philippines:
Kadena Books Claretian Publications Inc.

Montemayor F. M. (2008). Ethics: the philosophy of life. Mandaluyong City


Philippines: National Book Store.

Pogrebin, L.C. (1987). Among friends. California USA: Mc Graw-Hill Book


Company.

Reyes, R. C. (2009). Ground and norm of morality. Quezon City: Ateneo de


Manila University Press.

18
Ilang Konseptong Ibinatay sa Web:

http://www.gradesaver.com/aristotles-ethics/study-guide/section8
http://www41.homepage/villona.edu/donald.burt/friendship/04.htm
http://www.canlearn.com/guides/5-5139.pdf

Susi sa Pagwawasto

ARALIN 1: ARALIN 2: ARALIN 3:


KARAGDAGANG KARAGDAGANG GAWAIN KARAGDAGANG GAWAIN
GAWAIN 1. TAMA 1. TAMA
1. Answers may vary 2. MALI 2. MALI

2. Answers may vary 3. TAMA 3. TAMA


4. TAMA 4. TAMA
5. MALI 5. MALI
6. MALI 6. TAMA
7. MALI 7. MALI
8. MALI 8. TAMA
9. TAMA 9. MALI
10. MALI 10. TAMA

19

You might also like