You are on page 1of 19

The Way Review Center

Ikaaapat na Markahang Pagsusulit: Final Pointers


Grade 8
I. Karunungang Bayan
II. Paghahambing
III. Ang Pinagmulan ng Marinduque
IV. Bantuagn
V. Uri ng Pang-abay
VI. Panitikan
A. Tula
B. Balagtasan
K. Sarswela
D. Sanaysay
E. Maikling Kuwento
VII. Gramatika
A. Mga Hudyat ng Pagsang-ayon at Pagsalungat
B. Wastong Anyo ng Pandiwa sa Iba’t- Ibang Aspekto
K. Kaantasan ng Pang-uri
D. Iba’t- Ibang Paraan ng Pagpapahayag
VIII. Mga Dapat Maipabatid sa mga Social Media User
IX. Mga Popular na Babasahin
X. Dokumentaryong Panradyo at Pantelebisyon
XI. Antas ng Wika
XII. Iba’t- Ibang Estratehiya ng Pangangalap ng Datos o Impormasyon sa Pagsukat
XIII. Panunuring Pampelikula
XIV. Talambuhay ni Francisco Balagtas
XV. Florante at Laura
A. Mga Tauhan
XVI. Mga Hudyat ng Konsepto ng Pananaw
XVII. Mga Hudyat ng Kaugnayang Lohikal
XVIII. Anak ( Mga Bantas)
XIX. Ako’y Isang Mabuting Pilipino
XX. Mga Alituntunin sa Pagbabaybay
XXI. Global Warming: Kababalaghan o Katotohanan

The Write Way Review Center


Ikaapat na Markahang Pagsusulit: Mga Tanong
FILIPINO 8
Pangalan: _________________________________________________________ Petsa: _______________________ Iskor: ________________

I. KARUNUNGANG BAYAN
KAALAMAN: PAGPILI
A. Panuto: Basahin, unawain, at bilugan ang titik ng sagot sa mga sumusunod na pahayag (15 puntos).
1. Ang idyoma o sawikain ay .
a. May kahulugang hindi maaaring makuha o maunawaan sa literal na kahulugan nito.
b. Isang pagpapahayag na kusang nalinang at nabuo sa linggwaheng Filipino.
c. May taglay na mga bagay na pangkultura: malarawan, mapagbiro, mapagpatawa at panliteral na
pagpapahiwatig na kahulugan.
d. Mga salita o payag na nagtataglay ng talinhaga.
2. Alin sa mga ito ang idyoma?
a. Nagbabatak ng buto
b. Nasa Diyos ang awa, Nasa tao ang gawa
c. Ang magalang na sagot ay nakapapawi ng poot.
d. Pag di ukol ay di bubukol.
3. Alin sa mga ito ang salawikain?
a. Nagsaulian ng kandila
b. May krus ang dila
c. Mabulaklak ang dila
d. Daig ng maagap ang masipag
4. Sabi ni Julia sa asawa, “Itaga mo ito sa bato. Kahit hindi nila ako tulungan, aangat ang ating kabuhayan”.
a. Mananaga si Julia
b. Tutuparin ni Julia nang walang sala ang kanyang sinabi.
c. Pupukpukin ni Julia ang bato.
d. Tatagain ni Julia ang bato.
5. Bakit importante ang sawikain at salawikain?
a. Hindi naman importante ang mga ito.
b. Ang mga ito ang nagpapaalala sa atin tungkol sa mayamang tradisyon ng Pilipino.
c. Wala sa nabanggit
d. Nakakaaliw ang mga ito.
6. Kung gusto mong maglubid ng buhangin, huwag sa harap ng mga taong nakakakilala sa iyo dahil mabibisto
ka nila.
a. Magsabi ng katotohanan
b. Magsinungaling
c. Maglaro sa buhangin
d. Magpatiwakal
7. Bakit hindi ka makasagot diyan? Para kang natuka ng ahas.
a. Namumutla
b. Nangangati
c. May ahas na nakapasok sa bahay
d. Hindi makakibo
8. Puro balitang kutsero ang naririnig ko sa kapitbahay nating iyan. Ayoko na tuloy maniwala sa kanya.
a. balitang sinabi ng kutsero
b. balitang walang katotohanan
c. balitang makatotohanan
d. balitang maganda
9. Walang magawa ang mga kapitbahay naming makakati ang dila kaya’t maraming nagagalit sa kanila.
a. may sakit sa dila
b. daldalera o daldalero
c. may singaw
d. nakagat ang dila
10. Hindi maiiwasang makaranas ng bagyo sa buhay ang mga tao.
a. problema
b. malakas na pag-ulan
c. rumaragasang baha
d. walang magandang hinaharap
11. Makapitong pinag-isipan ng President ang mga bagay na iyon bago niya isinakatuparan.
a. Katalinuhan
b. Pinag-usapan
c. Pinag-isipan
d. Debate
12. Malayo ang mararating ng batang matalas ang isip.
a. naglalakbay ang isip
b. matalino
c. nakakasugat
d. nakakahiwa
13. Matigas ang ulo ng anak na hindi napaluluha.
a. hindi nadidisiplina
b. nakatunganga
c. Binibigyan ng kendi upang hindi umiyak.
d. napuwing
14. Umalis ang binatang ang mukha ay nasa talampakan dahil sa masasakit na salitang kanyang natanggap
mula sa datu.
a. mabuting kalooban
b. nagpasiyang magtanan
c. di masusukat na lakas
d. nakaramdam ng matinding pagkapahiya
15. Dulot ng di-matingkalang kapangyarihan ng pag-ibig, ang dalaga ay buong tapang na binagtas ang
kaparangan para hanapin ang kasintahan.
a. di masusukat na lakas
b. nagkaisang magdesisyong gawin ang isang bagay
c. pabibihag ng buhay
d. hindi mahuli-huli

KAALAMAN: PAGTUKOY
B. Panuto: Basahin at unawain ang bawat pahayag. Isulat ang tamang sagot sa patlang bago ang bilang ayon sa hinihingi ng
bawat sitwasyon (10 puntos).
1. Isang ilaw na walang kamatayang tumatanglaw sa kabihasnan ng tao.
2. Nagsasalaysay ito tungkol sa pinagmulan ng mga bagay-bagay.
3. Isang mahabang tulang pasalaysay na inaawit o binibigkas na nagsasaad ng
kabayanihan at mahiwagang pangyayari sa buhay ng tao.
4. Ang maayos na pagkasuno-sunod ng mga tagpo o eksena sa mga akdang tuluyan.
5. Kwentong nagsasalaysay ng tradisyong Pilipino na karaniwan ay tungkol sa mga
diyos at espiritu.
6. Pahayag na may sukat at tugma na kalimitang ginagamit na pangkulam o
pangontra sa kulam at masasamang espiritu.
7. Kaisa-isang plato, kita sa buong mundo.
8. Nagtago si Pedro, labas din ang ulo.
9. Maliit na bahay, puno ng mga patay.
10. Isang balong malalim, puno ng patalim.

KAALAMAN: PAGHAHANAY
C. Panuto: Basahin ang bawat pangungusap. Tukuyin ang tiyak na salitang binabanggit ng bawat pahayag sa Hanay A. Piliin
ang iyong sagot mula sa Hanay B. Titik lamang ang isulat sa linya (10 points).
A
1.Ito ay nakaugalian nang sabihin at nagsisilbing batas at tuntunin ng kagandahang-asal ng ating mga
ninunong naglalayong mangaral at umakay sa mga kabataan sa pagkakaroon ng kabutihang asal.
2.Nagtataglay ng talinhaga sapagkat ito ay may nakatagong kahulugan.
3.Karaniwang ginagamit sa panunukso o pagpuna sa kilos ng isang tao.
4.Mga pahulaan sa pamamagitan ng paglalarawan.
5.Ito ay nasa anyong tuluyan na kalimitang gumigising sa isipan ng mga tao upang bumuo ng isang
kalutasan sa isang suliranin.
6.Mga pahayag na may sukat at tugma na kalimitang ginagamit o pangontra sa kulam, engkanto at
masasamang espiritu.
7.Epiko ng mga Iloko
8.Epiko ng mga Maranaw
9.Epiko ng Magindanaw
10. Ito ang tawag sa mga usapan ng mga tauhan.
B
a. Sawikain
b. Biag ni Lam-Ang
c. Kasabihan
d. Diyalogo
e. Salawikain
f. Bugtong
g. Palaisipan
i. Indarapatra at Sulayman
j. Bulong

PAG-UNAWA: PAGPILI
D. Panuto: Basahin at unawain ang mga karunungang-bayang ipinamana sa atin ng ating mga ninuno. Tukuyin kung anong
mahalagang kaisipan ang nais ipahiwatig nito. Bilugan ang titik ng tamang sagot (10 puntos/ 2 puntos sa bawat bilang).
1. Pag may isinuksok, may madudukot.
a.Tiyak na may magagastos ang taong marunong mag-impok.
b.Madalas ay inilalagay ng mga Pilipino ang pera sa alkansiya para pag dumating ang oras ng
pangangailangan ay may magagasta.
c.Umuunlad ang mga bangko dahil sa mga perang iniipon ng mga tao.
2. Kung anong taas ng paglipad, siyang lakas ng pagbagsak.
a.Madalas bumabagsak sa buhay ang taong sobrang taas ang pangarap.
b.Ang taong mapagmataas ay kadalasang siyang nakararanas ng matinding pagbagsak.
c.Hindi masamang mangarap ng mataas, huwag lamang sa paraang pag-isipan ng masama ang
kapwa.
3. Ngayon kakahigin, ngayon tutukain.
a.Maagang magtrabaho upang buhay ay umasenso.
b.Kung kailan lamang kailangan ang isang bagay ay doon lamang kikilos upang makamit ito.
c.Kailangang magtrabaho upang may makain.
4. Ang mahirap kunin ay masarap kainin.
a.Mas masarap lasapin at makamtan ang isang bagay na pinaghirapan.
b.Masarap kumain ng isang pagkaing mamahalin at mahirap kunin.
c.Ang masarap na kanin ay mahirap kunin.
5. Kapag maaga ang lusong ay maaga ang ahon.
a.Lumusong nang maaga upang makaahon sa buhay at matamo ang tagumpay.
b.Matutong umahon sa anumang pagsubok na iyong nilusong.
c.Kapag maagang nagsimula tiyak na maaga niya ring matatapos.

PAGLALAPAT: MALAYANG PAGSAGOT


E. Panuto: Basahin at unawain ang mga karunungang-bayang makikita sa talahanayan. Ilahad ang iyong sariling kuro- kuro
kung ito ay may katotohanan o may batayan o walang katotohanan o kathang-isip lamang. Lagyan ng tsek (√) ang iyong napiling
sagot at saka ito ipaliwanag (15 puntos/3 puntos bawat bilang).
Pamantayan: 1 – Tamang kahong malagyan ng tsek
2 – Wasto at sapat ang ibinigay na paliwanag
3 puntos
May katotohanan/ Walang katotohanan/
KARUNUNGANG-BAYAN May Batayan Walang Batayan PALIWANAG
1. Pung, pung, kasili,
ipinanganak sa kabibe. Ano ang
anak? Babae.

2. Ang maniwala sa sabi-sabi ay


walang bait sa sarili.

3. Ubos- ubos biyaya, bukas


nakatunganga.

4. Kung ano ang itinanim, siya


ring aanihin.

5. Isda ko sa Mariveles, Nasa


loob ang kaliskis.

PAGLALAPAT: MALAYANG PAGSAGOT


F. Panuto: Isulat sa paraang baybayin ang mga sumusunod na salita at parirala (10 puntos/ 2 puntos bawat bilang).
1. MAGANDANG BATA

2. MAALIWALAS

3. MAITIM NA TUBIG

4. PAGBUBUKLOD NG PAMILYA

5. DALAGANG BUKID

II. PAGHAHAMBING
PAGSUSURI: PAGTUKOY
Panuto: Basahin at suriin ang bawat pangungusap. Salungguhitan ang paghahambing na ginamit sa bawat bilang. Isulat sa
linya kung anong uri ito ng paghahambing (10 puntos).
1. Ang buhay noon ay mas simple kompara sa komplikadong buhay ngayon.
2. Higit na mahaba ang oras ng pag-aaral ngayon sa paaralan kompara dati.
3. Magsimbait kami ng aking Nanay, sabi ng aking lola.
4. Di gaanong marunong magtrabaho sa bahay ang kabataan ngayon kung ihahambing sa
kabataan noon.
5. Parehong maganda ang aking Nanay at lola dahil magkamukha sila.

III. ANG PINAGMULAN NG MARINDUQUE


PAGSUSURI: TAMA O MALI
A. Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Isulat M kung may katotohan o nangyari sa tunay na buhay ang
pahayag at ang MK kung hindi makatotohanan o likhang-isip lamang. Isulat ang sagot sa patlang bago ang mga bilang (5 puntos).
1. May mga magulang na pinanghihimasukan ang buhay ng mga anak maging sa pagpili ng
kanilang mapapangasawa.
2. May mga dalagang tumitingin sa dami ng kayamanan o sa antas o estado sa buhay ng
manliligaw.
3. Ang magkasintahang sina Mutya Marin at Garduque ay naging isang islang maganda bunga ng
kanilang wagas na pagmamahalan.
4. Pagtalon sa pusod ng dagat ng magkasintahan habang magkatali ang mga kamay bilang
patunay ng kanilang wagas na pagmamahalan.
5. Di pagtanggap sa isang tao dahil sa mababang kalagayan nito sa buhay o lipunan.

PAGSUSURI: MALAYANG PAGSAGOT


B. Panuto: Suriin ang sumusunod na mga pahayag sa kuwento. Pagsunod-sunurin ang mga pahayag sa pamamagitan ng
pagsulat ng titik A hanggang J sa patlang bago ang bilang (10 puntos).
1.Nagliwaliw sa kaparangan si Mutya Marin sa pagbabaka sakaling matagpuan ang minamahal na
binata.
2.Ikinulong ni Datu Batumbakal si Mutya Marin sa itaas ng tore upang hindi ito magkaroon ng
pagkakataong makipagkita sa binata.
3.Pinagbawalan ni Datu Batumbakal si Garduque na makipagkita sa kanyang anak.
4.Nagtungo si Garduque sa halamanan ngunit hindi niya masumpungan dito ang dalaga.
5.Maraming binata mula sa mga karatig lugar ang humanga sa ganda at husay ni Mutya Marin.
6.Lumitaw ang isla sa gitna ng karagatan at pinangalanan nila itong Marinduque na hinango sa
pangalan nina Marin at Duque.
7.Nagkasundo ang magkasintahang magpatihulog sa karagatan sa halip na mahuli sila nang buhay ng
mga humahabol sa kanila.
8.Nagtanan ang magkasintahan sakay ng bangka at naglayag sa karagatan.
9.Nagsisi si Datu Batumbakal nguni’t huli na.
10. Ang Marinduque ngayon ay isang pulong may magaganda at matulaing tanawin.

IV. BANTUGAN
PAGSUSURI: PAGKILALA
A. Panuto: Basahin at unawain ang bawat pahayag. Kilalanin ang tinutukoy ng bawat pahayag at isulat sa patlang ang
sagot (10 puntos).

1. Siya ang prinsepeng nagtataglay ng naiibang katapangan at kakisigan na halos lahat ng


kadalagahan ay naakit sakanya.
2. Siya ang haring labis na naiinggit sa kanyang kapatid kaya ipinag-utos niyang bawal makipag-
usap ang sinuman sakanya.
3. Anong uri ng ibon ang pumasok sa loob ng konseho na nagbigay kaalaman na ang bangkay na
napadpad ay bangkay ni Bantugan?
4. Saang kaharian napadpad ang bangkay ni Bantugan?
5. Ito ang kahariang kinalakhan ni Prinsepe Bantugan.
6. Siya at ang kanyang hukbo ang lumusob sa kaharian ni Bantugan at Haring Madali.
7. Ang prinsesang naguluhan dahil hindi nila kilala ang bangkay na natagpuan sa pinto ng
kanilang kaharian.
8. Ano ang tema ng Bantugan?
9. Saang lugar binawi ni Haring Madali ang kaluluwa ng kanyang kapatid?
10. Saan nagmula ang epiko ni Prinsepe Bantugan?

V. URI NG PANG-ABAY
PAGSUSURI: PAGTUKOY
A. Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Salungguhitan ang ginamit na pang-abay sa pangungusap at
isulat sa patlang kung ito ay ingklitik, panggaano, pamaraan, panlunan o pamanahon (10 puntos).
1. Mabilis na tinutugis niya ang kanyang kalaban.
2. Lubhang nagalit si Adlaw.
3. Kapag nagtatagpo sila, sumisidhi raw ang poot ni Adlaw kay Bulan.
4. Noong unang panahon ay may nag-isang dibdib na dalawang nilalang na nangangalang Bulan
at Adlaw.
5. Ang mga taong nakabasa ng alamat ay dumami nang isang daang porsiyento.

PAGBUO: MALAYANG PAGSAGOT


B. Panuto: Bumuo ng pangungusap ayon sa hinihinging uri ng pang-abay na napag-aralan (5 puntos).
1. Pamanahon:

2. Panlunan:

3. Pamaraan:

4. Panggaano:

5. Ingklitik:

VI. PANITIKAN
KAALAMAN: MARAMING PAGPIPILIAN
Panuto: Basahing mabuti ang mga pangungusap. Isulat ang titik ng tamng sagot sa patlang sa bawat bilang
(15 puntos).
1. Itinuturing itong bahagi n gating kalinangan at kasaysayan. Dito natin ibinabahagi an gating
damdamin, saloobin at kultura.
a. Agham
b. Panitikan
k. Kasaysayan
2. Sa dalwang anyo ng panitikan, alin ang nakasulat sa mga saknong at kadalasang may sinusunod na
sukat at tugma?
a. Patula
b. Malaya
k. Prosa
3. Isa itong mahabang tulang pasalaysay na inaawit o binibigkas na nagsasaad ng kabayanihan.
a. Tula
b. Balagtasan
k. Epiko
4. Bukod sa pagsulat ng “Impeng Negro”, nagtamo rin siya ng ikalawang gantimpala sa Gawad Palanca
noong 1962.
a. Rogelio Sicat
b. Graciano Lopez Jaena
k. Jose Rizal
5. Sinu-sino ang tatlong kilalang pinakatanyag na repormista o mga ulo ng Kilusang Propaganda?
a. Rizal, Del Pilar, Jaena
b. Jaena, Rizal, Jacinto
k. Bonifacio, Mabini, Luna
6. Dito hinango ang walang kamatayang nobelang “Noli Me Tangere”.
a. Ebanghelyo ni San Juan
b. Ebanghelyo ni San Lukas
k. Ebanghelyo ni San Pedro
7. Alin sa mga akda ni Dr. Jose Rizal ang tumutuligsa sa katamaran ng mga Pilipino?
a. Ala Juventud Filipina
b. Mi Ultimo Adios
k. La Indolencia de los Filipinos
8. Kilala siya bilang dakilang orator at nanguna sa pagbuo ng pahayagang “La Solidaridad”.
a. Graciano Lopez Jaena
b. Marcelo H. Del Pilar
k. Antonio Luna
9. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga sagisag panulat ni Marcelo H. Del Pilar?
a. Pupdoh
b. Dolores Manapat
k. Taga – ilog
10. Kaninong akda ang “Noche Buena”, “Por Madrid”, at “Impressiones”?
a. Emilio Jacinto
b. Apolinario Mabini
k. Antonio Luna
11. Siya ay itinuturing na “Ama ng Demokrasyang Pilipino”.
a. Apolinario Mabini
b. Jose Rizal
k. Andres Bonifacio
12. Sino si Emilio Jacinto?
a. Utak ng Himagsikan
b. Dakilang Lumpo
k. Utak ng Katipunan
13. Ito ang karugtong na nobela ng Noli Me Tangere.
a. Dasalan at Tocsohan
b. Caiingat Cayo
k. El Felibusterismo
14. Ito ay itinuturing na “Panahon ng Kadiliman” sa ating bansa ng mga manunulat.
a. Panahon ng Hapones
b. Panahon ng Kastila
k. Panahon ng Amerikano
15. Ito ang pumalit sa sarswela noong panahon ng mga Amerikano.
a. Bodabil
b. Krusada
k. Epiko

A. TULA
KAALAMAN: PAGKILALA
Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pahayag at tukuyin ang mga salitang inilalarawan. Isulat ang mga sagot sa patlang (20
puntos).
1. Isang akdang pampanitikang naglalarawan ng buhay, hinango sa guni-guni, pinararating sa
ating damdamin at ipinapahayag sa pananalitang may angking aliw – iw.
2. Tumutukoy ito sa bilang ng mga pantig sa bawat taludtod ng saknong.
3. Ito ang pagkakaroon ng pare – parehong tunog sa dulo.
4. Ito ay sadyang paglayo sa paggamit ng mga pangkaraniwang salita.
5. Paghahambing ng dalawang magkaibang bagay na ginagamitan ng mga pariralang “Katulad
ng” o “gaya ng”.
6. Naghahambing ito ngunit ito ay tiyakan.
7. Lubha nitong pinalalabis o pinakukulang ang tunay na kalagayan.
8. Pagbibigay – katangian ng isang tao sa walang buhay.
9. Pagbanggit sa bahagi bilang pagtukoy sa kabuoan.
10. Ito ay mga salitang binabanggit sa tula na nag – iiwan ng malinaw at tiyak na larawan sa isipan.
11. Ito ang mga salitang may kahulugan sa mapanuring isipan ng mambabasa.
12. Ito ay tumutukoy sa pilimpiling mga salita, kataga o talinhaga.
13. Ito ang taludtod na pinangkat sa dalawahan.
14. Ang taludturang ito ay binubuo ng labing – apat na taludtod.
15. Tawag ito sa taludturang may anim na taludtod.
16. Ito ay tumutukoy sa pagkakapangkat – pangkat ng mga taludtod.
17. Ito ang taludturang may apat na pangkat.
18. Ito ang katutubong kayarian ng tulang Pilipino.
19. Tinatawag din itong free – verse sa Ingles.
20. Uri ito ng tula na may sukat subalit walang tugma.

B. BALAGTASAN
KAALAMAN: PAGKILALA
Panuto: Kilalanin ang elemento ng balagtasan na tinutukoy sa bawat pahayag. Piliin ang sagot sa kahon at isulat sa patlang (10
puntos).
1. Ito ang makatang namamagitan sa dalawang panig.
2. Sila ang mga makatang nagtatalo sa balagtasan.
3. Sila ang nagbibigay ng hatol sa mga paglalahad ng mga katwiran.
4. Tinataglay nito ang tugma, sukat at indayog.
5. Ito ang sining ng pagbigkas na siyang nagbibigay – kariktan.
6. Ito ang pinakatema o isyung pinangangatwiranan ng dalawang makata.
7. Tawag sa iisang tunog ng mga huling pantig.
8. Tawag ito sa bilang ng pantig.
9. Tumutukoy ito sa mahalagang kaisipan sa balagtasan.
10. Ang paksang ito ay kadalasang tumutukoy sa isyu sa pamahalaan at pamamalakad nito

paksa
sukat
tugma
mensahe
lakandiwa
mambabalagtas
manonood
indayog
politika
pinagkaugalian
tauhan

K. SARSWELA
PAG–UNAWA: TAMA O MALI
Panuto: Basahing mabuti ang mga pangungusap. Isulat ang T kung ang pangungusap ay Tama at M kung ito ay Mali sa patlang
(10 puntos).
1. Ang sarswela ay isang komedya o melodramang may kasamang awit at tugtog.
2. Kilala si Severino Reyes sa taguring Lola Basyang.
3. Akda ni Juan Abad ang Kahapon, Ngayon at Bukas.
4. Ang dulang trahedya ay nagwawakas na malungkot.
5. Kapag puro tawanan lamang kahit walang saysay, ito ay saynete.
6. Dulang sadyang namimiga ng luha nag melodrama.
7. Ang parodya ay mapanudyo at mapagbatikos.
8. Ang isang dula ay proberbyo kapag ang pamagat ay hango sa mga bukambibig.
9. Ang katawa – tawa at magaan sa loob ay komedya.
10. Itinuturing na isang dulang panlibangan ang saynete.

D. SANAYSAY
PAG–UNAWA: TAMA O MALI
Panuto: Unawain ang ipinapahayag sa bawat bilang. Isulat ang Tama kung ito ay makatotohanan at Mali kung hindi (5 puntos).
1. Isang paglalahad ng sariling opinyon o kuro – kuro tungkol sa isang bagay ang sanaysay.
2. Ang salitang essay ay nanggaling sa salitang Pranses na “essayer” na ang ibig sabihin ay “sumubok” o
“tangkain”.
3. Nagsimula ang sanaysay sa Asya sa pangunguna ni Confucius na sumulat ng Analects.\
4. Nakilala si Yushida Kenko sa kathang “Mga Sanaysay sa Katamaran”.
5. Karaniwang hinahati ang kabuoan ng sanaysay sa talo: panimula, pamagat at wakas.

E. MAIKLING KUWENTO
PAG–UNAWA: PAGHAHANAY
Panuto: Ihanay ang mga pahayag sa Hanay A sa tinutukoy na mga elemento sa Hanay B. Isulat lamang ang titik sa patlang (10
puntos).

Hanay A
1. Ang maayos at wastong pagkakasunod ng mga pangyayari.
2. Nagsasaad kung saan dapat talakayin nag paksa.
3. Ang isyung kinakaharap ng pangunahing tauhan.
4. Pang – isipang iniikutan ng mga pangyayari.
5. Tumutukoy sa kulay ng damdamin.
6. Ang usapan ng mga tauhan.
7. Ang paglalabanan ng pangunahing tauhan at mga kasalungat nito.
8. Kinalabasan ng paglalabanan ng mga tauhan.
9. Pinakamataas na uri ng pananabik.
10. Ang paglakad o pag – unlad ng kuwento.

Hanay B
a. Galaw
b. Kasukdulan
k. Kakalasan
d. Pagtutunggali
e. Salitaan
f. Banghay
g. Paningin
h. Suliranin
i. Paksang Diwa
j. Himig

VII. GRAMATIKA
PAGLALAPAT: MALAYANG PAGSAGOT
Panuto: Basahin ang mga pahayag. Isaayos ang mga ginulong letra upang malaman ang kasagutan sa bawat bilang (5 puntos).
1. Ito ay pahayag na nangangahulugang tumatanggi sa isang ideya. SLUGNAPGAAT
2. Ito ay nangangahulugan ding pagtanggap. APG-AYNOSNAG
3. Tumutukoy ito sa mga salitang naglalarawan. NGAP-RIU
4. Ito ang dahilan ng isang pangyayari. NIASH
5. Tinatalakay rito ang mga salik na nakakaapekto sa isang sitwasyon. SURIPAGRUSI

A. MGA HUDYAT NG PAGSANG-AYON AT PAGSALUNGAT


PAGSUSURI: MALAYANG PAGSAGOT
Panuto: Suriin ang pahayag sa bawat bilang. Lagyan ng mukhang nakangiti () kung ito’y nagpapahayag ng pagsang –
ayon at mukhang malungkoy () kung pag – salungat (5 puntos).
1. Lubos akong nananalig sa sinabi mong maganda ang buhay rito sa mundo.
2. Ayaw kung maniwala sa mga taong nagsasabing higit na maganda ang buhay ngayon kaysa noon.
3. Hindi totoo ang paniniwalang iyan, napakahirap ang mabuhay sa mundo.
4. Talaga palang may mga taong negatibo ang pananaw sa buhay.
5. Maling – mali ang kanyang tinuran. Walang katotohanan ang pahayag na iyan.

B. WASTONG ANYO NG PANDIWA SA IBA’T IBANG ASPEKTO


PAGBUO: MALAYANG PAGSAGOT
Panuto: Punan ang patlang ng wastong aspekto ng pandiwang kokompleto sa diwa nito. Isaalang – alang ang salitang ugat sa
loob ng panaklong at isipin ang akmang panlaping makadiwa sa pagsagot (5 puntos).
(gising) 1. Maaga akong kahapon upang pumunta sa lugar na pagdarausan ng paligsahan.
(bakit) 2. Mamaya ay ako roon upang ipasa ang nabuo kung dula.
(basa) 3. Ngayon ay ko itong muli upang matiyak na maayos ang pagkakasulat nito.
(hayag) 4. Bukas ay na ang magwawagi sa paligsahan.
(usap) 5. Kanina lamang ay ko ang aking guro at nasabi niyang malaki ang pag – asa kong
magwagi.

K. KAANTASAN NG PANG-URI
PAGBUO: MALAYANG PAGSAGOT
Panuto: Gumawa ng paghahambing sa sumusunod. Gamitin ang mga pang – uri at kaantasang hinihingi sa loob ng panaklong
upang makabuo ng pangungusap (2 puntos bawat bilang).
Pamantayan: Tamang gamit ng malaki at maliit na titik, at bantas – 1 puntos
Wastong kaantasang ginamit – 1 puntos
1. Amerika at Hapon (maunlad: pahambing na magkatulad)

2. bahay ninyo at bahay ng kaibigan mo (malaki: pahambing na pasahol)

3. tatay mo at lahat ng tatay sa mundo (malambing: pasukdol)

4. nanay mo at nanay sa isang komersiyal sa telebisyon (maputi: pahambing na palamang)

5. perlas (makinis: lantay)

D. IBA’T IBANG PARAAN NG PAGPAPAHAYAG


PAGTATAYA: MALAYANG PAGSAGOT
Panuto: Siyasatin ang mga pangungusap. Lagyan ng tsek () kung ito’y nagpapakita ng katangian ng isang paglalahad o
pagpapahayag at ekis (x) kung hindi (5 puntos).
1. Maaaring makasulat ng isang magandang paglalahad ang isang taong may limitadong kaalaman.
2. Ang pagpapaliwanag, pagbibigay-kaalaman o pakahulugan ay katangian ng isang paglalahad.
3. Mahalaga ang pagpanig sa isang proposisyon kapag naglalahad.
4. Mas nagiging epektibo ang paglalahad sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga tiyak at
makatotohanang halimbawa.
5. Madaling maikintal sa isip ng mambasa o tagapakinig ang paglalahad sa pamamagitan ng sanhi at
bunga.

VIII. MGA DAPAT MAIPABATID SA MGA SOCIAL MEDIA USER


KAALAMAN: PAGPILI
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pangungusap. Bilugan ang titik ng tamang kasagutan (5 puntos).
1. Sa panahon ng Information and Communications Technology, nararapat na maging malinaw sa isipan ng mga guro na siya ay hindi
lamang simpleng tagapaghatid ng impormasyon kundi isang facilitator na gumagabay at nagsisilbing konsultant ng kaalaman sa
klasrum.
a. nagpapabatid b. nagpapaalala
k. nagbibigay ng papuri d. naglalarawan
2. Mga kabataan, laging isipin na ang paggamit ng makabagong teknolohiya lalo na ang internet, ay may positibo at negatibong epekto
sa mga buhay ng kabataan.
a. nangangaral b. nagbibigay ng babala
k. nagsusuri d. nagtatanong
3. Sadyang mahuhusay ang mga programang ipinatutupad ng pamahalaan upang ganap na maisaayos ang mga prolemang kinahaharap
ng bansa patungkol sa cyber-bullying. Karapat-dapat lang bigyang-pugay ang taong nagsulong nito.
a. nagbibigay ng pagkilala b. nagbibigay ng payo
k. nang-uuyam d. nagtatanong
4. Huwag kaligtaang maging responsable at etikal sa paggamit ng Sosyal medya. Laging isaisip ang mga netiquette na dapat gawin ng
bawat netizen.
a. nagtatampo b. nagbibigay-payo
k. nang-uuyam d. nagpapaalala
5. Sa kasalukuyan, hindi na bago sa atin ang mga terminong gaya ng Information Age, e-class, multimedia at email, online/distance
learning education, cybernetics, web page, hypermedia, at marami pang iba.
a. nagsasalaysay b. naglalarawan
k. nang-uuyam d. nagpapaalala

IX. MGA POPULAR NA BABASAHIN


KAALAMAN: PAGPIPILI
Panuto: Basahing mabuti ang mga pahayag. Bilugan ang titik ng tamang sagot (15 puntos).
1. Anong popular na babasahin ang isang uri ng print media na maaaring mabili sa bangketa? Ito ay may dalawang uri: ang tabloid at
ang broadsheet.
a. magasin b. pahayagan k. broadsheet
2. Ang target na mambabasa nito ay ang mga Class A at B.
a. tabloid b. broadsheet k. magasin
3. Ibinibilang ang pahayagang ito na pangmasa.
a. broadsheet b. tabloid k. komiks
4. Isang grapikong midyum na ang mga salita at larawan ay ginagamit upang ihatid ang isang salaysay.
a. komiks b. tabloid k. broadsheet
5. Ang “Liwayay” ay isang halimbawa ng aling popular na babasahin?
a. tabloid b. broadsheet k. magasin
6. Ito ay isang magasing pangkababaihan.
a. Candy b. Cosmopolitan k. T3
7. Tinatalakay nito ang mga kagustuhan at suliranin ng kabataan.
a. Candy b. FHM k. Entrepreneur
8. Aling magasin ang naglalaman ng mga artikulong makatutulong sa mga taong may negosyo?
a. Candy b. Entrepreneur k. Cosmopolitan
9. Ano ang FHM?
a. Candy b. For Him Magazine k. T3
10. Alin sa mga sumusunod ang para sa mga abalang ina?
a. T3 b. Men’s Health k. Good Housekeeping
11. Isang magasin para sa mga gadget.
a. T3 b. Cosmopolitan k. Candy
12. Magasin tungkol sa fashion.
a. Metro b. FHM k. Candy
13. Dito mababasa ang mga balitang showbiz.
a. Cosmopolitan b. Times k. Yes!
14. Karaniwang tinatalakay rito ang tungkol sa mga isyu ng kalusugan.
a. Men’s Health b. Times k. Yes!
15. Isang anyong pampanitikang maituturing na maikling-maikling kuwento.
a. dagli b. komiks k. tula

X. DOKUMENTARYONG PANRADYO AT PANTELEBISYON


PAG-UNAWA: TAMA O MALI
Panuto: Basahin at unawain ang bawat pahayag. Isulat ang Tama kung ang pahayag ay totoo at Mali kung hindi sa linya (10
puntos).
1. Isa sa itinuturing na mahalagang midyum sa larangan ng broadcasting ay ang telebisyon.
2. Saglit na natigil ang pamamayagpag ng telebisyon noong panahon ng paghahari ng Batas Militar.
3. Ang dokumentaryong pantelebison ay isang programa na naglalayong maghatid ng kumprehensibo, mapanuri at
masusing pinag-aralang proyekto.
4. Kilala sa larangan ng dokumentaryong pantelebisyon ang mga batikang mamamahayag na sina Che-Che Lazaro,
Jessica Soho, Kara David, Jay Taruc at iba pa.
5. Ilan sa tanyag na dokumentaryong pantelebisyon sa bansa ay ang Reporter’s Notebook, S.O.C.O. at Krusada.
6. Ang taguri sa manuskrito ng isang audio-visual material na ginagamit sa broadcasting ay tinatawag na iskrip.
7. Ang nilalaman ng komunikasyon na gagamitin sa media tulad ng radio ay walang iskrip.
8. Ang iskrip ay ginagamitan ng print medium.
9. Gumamit ng malalaking letra sa pagsulat ng diyalogo.
10. Sa programang panradyo ay kailangang sabihin ng mga tauhan ang lahat ng nangyayari sa eksena dahil hindi naman
ito nakikita ng nakikinig.

XI. ANTAS NG WIKA


PAGLALAPAT: MALAYANG PAGSAGOT
A. Panuto: Tukuyin ang isinasad ng bawat pahayag. Piliin ang sagot sa loob ng kahon (10 puntos).
Pormal Kolokyal Di-Pormal Balbal Banyaga

Lingua franca Pampanitikan Wika Lalawiganin In- na- in


______________1. Ito ay antas ng wika na istandard at kinikilala/ginagamit ng nakararami.
______________2. Ito ay antas ng wika na karaniwan, palasak, pang araw-araw, madalas gamitin sa pakikipag-usap at
pakikipagtalastasan.
______________3. Ito ay mga salitang mula sa ibang wika na walang katumbas na salita sa wikang Filipino.
______________4. Ito ay ginagamit ng mga malikhain manunulat.Ang mga salita ay karaniwang malalim, makulay at masining.
______________5. Ito ay ginagamit ng mga tao sa particular na pook o lalawigan, makikilala ito sa kakaibang tono o punto.
______________6. Ito ay pang araw-araw na salita, maaring may kagaspangan nang kaunti,maari rin itor refinado ayon sa kung sino ang
nagsasalita. Ang pagpapaikli ng isa,dalawa o higit pang titik sa salita.
______________7. Sa Ingles ito ay slang. Nagkakaroon ng sariling codes, mababa ang antas na ito; ikalawa sa antas bulgar.
______________8. Ito ay wikang ginagamit ng karamihan sa isang bansa; sa Pilipinas ang Filipino ang lingua franca ng mga tao.
______________9. Ito ay nahahati sa iba’t ibang kategorya sa antas na ginagamit ng tao batay sa kanyang pagkatao, sa lipunang kanyang
ginagalawan, lugar na tinitirhan, panahon, katayuan at okasyong dinadaluhan.
______________10. Ang kahulugan ng salitang balbal na ito ay “naaayon o uso”.

PAGSUSURI: PAGTUKOY
B. Panuto: Basahin at suriin ang bawat pangungusap. Salungguhitan ang nagamit na antas ng wika at isulat sa patlang kung ito ay
balbal o kolokyal (2 puntos bawat bilang upang maging 20 puntos).
1. Ewan ko ba sa mga taong ayaw tumanggap ng pagbabago.
2. Si tatay ay sikyo ng Coca-Cola Company.
3. Lispu pala ang trabaho ng kanyang ina.
4. Ngayon ang pista ng Poong Nazareno.
5. Pwede bang kumain muna tayo kasi tomguts na ako?
6. Mabait talaga ang aking erpat.
7. Nasan ka na ba? Kanina pa kita hinihintay.
8. Napakapraning mo talaga kahit kalian.
9. Bumili ka nga ng isang kahang yosi.
10. Kanino kaya ang napakagandang tsikot na ito?

PAGSUSURI: PAGTUKOY
K.Panuto: Tukuyin ang mga salitang naibigay kung saang impormal na salita ito nabibilang. Piliin ang sagot sa loob ng kahon. Isulat
ang tamang kasagutan sa patlang (13 puntos).
Lalawiganin Balbal Kolokyal Banyaga

1. tugang
2. erpat
3. ewan
4. Spaghetti
5. hanep
6. KSP
7. ngarud
8. Square root
9. nasan
10. apay
11. dako
12. videotape
13. gatbi

XII. IBA’T IBANG ESTRATEHIYA NG PANGANGALAP NG DATOS O IMPORMASYON SA PAGSULAT


PAGSUSURI: PAGTUKOY
Panuto: Tukuyin kung anong estratehiya ng pangangalap ng mga datos o impormasyon sa pagsulat ang isinasaad ng bawat bilang.
Piliin ang sagot sa loob ng kahon. Isulat ang tamang kasagutan sa patlang (10 puntos).

Obserbasyon Imersyon Pagbabasa Interbyu

Questioning Sounding-out Friends Brainstorming Journal


1. Naisasagawa ito sa pamamagitan ng malayang pakikipag talakayan sa isang maliit na pangkat hinggil sa isang paksa.
2. Ito ay isang paraan ng pangangalap ng impormasyon sa pamamagitan ng pagmamasid sa mga bagay-bagay, tao,
pangkat at pangyayari.
3. Kadalasang ginagamit sa propesyong ito ang pagtatanong na kinapapalooban ng 5Ws at IH.
4. Magagawa ito sa pamamagitan ng pagkonsulta sa mga libro sa iba pang materyales mula sa aklatan o internet.
5. Madalas itong ginagamit sa pagsulat ng mga sulating siyentipiko.

6. Ito ay pagkuha ng impormasyon sa pamamagitan ng ng pakikipanayam sa taong malaki ang karanasan at awtoridad sa
paksang inihahanap ng mga impormasyon.
7. Ito ay talaan ng mga pansariling gawain, repleksiyon, mga naiisip o nadarama at kung ano-ano pa.
8. Paraan ng pangangalap ng impormasyon hinggil sa isang tiyak na paksa sa pamamagitan ng pagpapasagot ng
questionnaire sa isang grupo ng mga respondent.
9. Isinasagawa ito sa pamamagitan ng paglapit sa kasambahay, kaibigan, kapit bahay o kasama sa trabaho upang
magsagawa ng pakikipagtalakayan sa kanila hinggil sa isang paksa.
10. Ito ang paglalagay ng isang sarili sa isang karanasan o Gawain upang makasulat hinggil sa karanasan o gawaing
kinapapalooban.

XIII. PANUNURING PAMPELIKULA


PAGTATAYA: PAGTUKOY
A. Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap. Salungguhitan at piliin sa loob ng panaklong ang tamang sagot (7 puntos).

1. Ang (kwento, tema) ay ang istorya o pangyayari kung saan umiikot ang pelikula.
2. Ang (tema, pamagat) ay panghatak at naghahatid din ng pinakamensahe ng pelikula.
3. (Tauhan, Tema) ang gumaganap at nagbibigay buhay sa kwento ng pelikula.
4. Ang (diyalogo, tema) ang paksa, diwa kaisipan at pinakapuso ng pelikula.
5. Ang (diyalogo, cinematography) ay ang mga salitang binabanggit ng mga tauhan sa kwento.
6. (Cinematography, Kuwento) ang matapat na paglalarawan sa pelikula.
7. Ang (aspektong teknikal, cinematography) ay kinabibilangan ng paglalapat ng tunog sa pelikula.

PAGTATAYA: MALAYANG PAGSAGOT


B. Panuto: Sagutin ang mga tanong (10 puntos).
Pamantayan:
4 puntos: Nilalaman
3 puntos: Kaayusan
2 puntos: Tamang bantas
1 puntos: Kalinisan

1. Ano ang naging epekto ng telebisyon sa buhay ng mga Pilipino?

XIV. TALAMBUHAY NI FRANCISCO BALAGTAS


KAALAMAN: PAGPILI
Panuto: Basahin ang bawat pangungusap. Piliin at bilugan ang titikng tamang sagot sa bawat bilang (20 puntos).
1. Saan ipinanganak si Francisco Balagtas?
a. Bulacan b. Batangas k. Maynila
2. Ano ang taguri kay Francisco Baagtas?
a. Anak ng Pasig
b. Prinsepe ng Makatang Tagalog
k. Ama ng Wikang Pambansa
3. Sino ang ama ni Francisco Balagtas?
a. Juan Balagtas b. Jose Balagtas k. Jojo Balagtas
4. Ano ang palayaw ni Francisco?
a. Francisco b. ikong k. Kiko
5. Saan manilbihan si Francisco bilang utusan upang makapag-aral?
a. Pasig b. Tondo, Maynila k. Bataan
6. Siya ang naging guro ni Francisco sa San Juan De Letran na kilalang manunulat ng Pasyon.
a. Padre Mariano Pilapil b. Padre Damaso k. Padre Burgos
7. Siya ang unang dalagang bumihag sa puso niya.
a. Magdalena Maria b. Maria De Honor k. Magdalena Ana Ramos
8. Siya ang dalawang nakilala ni Balagtas sa Pandacan na naging kasintahan niya.
a. Juana Dela Cruz
b. Maria Asuncion “Selya” Rivera
k. juana Tiambeng
9. Siya ang babaeng napangasawa ni Balagtas sae dad na 54.
a. Magdalena Ana Ramos
b. Maria Asuncion “Selya” Rivera
k. juana Tiambeng
10. Kailan namatay si Balagtas?
a. ika-20 ng Marso, 1862 b. ika-20 ng Pebrero, 1862 k. ika-20 ng Mayo, 1862
11. Siya ang ina ni Francisco Balagtas.
a. Juana Dela Cruz b. Juana Tiambeng k. Juana “Ana” Ramos
12. Kailan isinilang si Francisco Balagtas?
a. Perbrero 23, 1782 b. Marso 16, 1787 k. Abril 2, 1788
13. Ito ng bats ng pananampalataya.
a. Teolohiya b. Canonoes k. Epicureanismo
14. Anu-ano ang mga napag-aralan ni Balagtas sa San Juan De Letran?
a. Humanidades, Teologia, at Filosofia
b. Gramatica Castellana at Gramatica Latina
k. Geografia y Fisica at Doctrina Christiana
15. Kilala rin siya bilang Huseng Sisiw.
a. Jose Dela Cruz
b. Jose Rizal
k. Juju Cruz
16. Siya ay mula sa isang may kaya at makapangyarihang pamilya na naging karibal ni Kiko sa pag-ibig si Selya.
a. Jose Dela Cruz b. Mariano Pilapil k. mariano “nanong” Kapule
17. Ilan ang anak ni Florante kay Laura?
a. tatlo b. apat k. lima
18. Saan niya tinapos ang Florante at Laura?
a. Tondo, Maynila b. Vigan, Ilocos Sur k. Udyong, Bataan
19. Sa kanya nanilbihan si Florante upang matustusan ang kanyang pag-aaral.
a. Donay Trinidad b. Donya Trining k. Donya Dinossa
20. Siya ang nagpakulong kay Florante dahil sa paratang na pinutulan niya ng buhok ang isang babaeng utusan.
a. Tenyente Mayor b. Juez de Sementre k. Alferez Lucas

XV. FLORANTE AT LAURA


KAALAMAN: MALAYANG PAGSAGOT
Panuto: Basahin at suriin ang bawat pangungusap. Lagyan ng tsek (/) ang lahat ng kalagayang panlipunang naganap sa
panagong ito at ekis (x) naman kung hindi (10 puntos).
1. Mahigpit ang ipinatupad na sensura kaya’t ipinagbawal anh mga babasahin at palabas na
tumutuligsa sa kalupitan ng mga Espanyol.
2. Ang karaniwang tema ng suliranin sa panahong iyon ay tungkol sa relihiyon at paglalaban ng mga
kristiyano ay Moro.
3. Ang sinumang nais sumulat aymay kalayaang isulat ang anumang paksa o temang magustuhan niya.
4. Marami sa mga nalathalang aklat sa panahong ito ay mga diksiy onaryo at aklat pangramatika.
5. Lantaran ang ginawang pagtuligsa ni Balagtas sa pagmamalabis ng mga Espanyol.
6. Karamihan sa mga nagsisisulat sa panahong ito ay gumagamit ng wikang Espanyol.
7. Naging maluwag, makatarungan, at makatao ang ginawang pamamahala ng mga Espanyol sa ating
bansa.
8. Ang mga Pilipino ay labis na nasiyahan sa ilaim ng kapangyarihan ng mga Espanyol.
9. Ang mga manunulat ay gumamit ang mga nasyonalismong kakikitaan ng pailalim na diwa ng mga
nasyonalismo.
10. Ipinnagbawal ang mga babasahin atpalabas na tumutuligsa sa pagmamalabis at kalupitan ng mga
Espanyol.

A. MGA TAUHAN
PAG-UNAWA: PAGHAHANAY
Panuto: Basahin at unawain ang mga pahayg sa Hanay A at hanapin sa Hanay B kung sinong tauhan ng Florante at Laura
ang tinutukoy ng mga ito. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang (15 puntos).
Hanay A
1. Siya ang mabuting kaibigan ni Florante at naing kanang kamay niya sa digmaa.
2. Siya ang gurong gumabay at nagturo ng maraming bagay kay Florante.
3. Ang mapagmahal na ina ni Florante na anak ng hari ng Krotono.
4. Ang butihing ama ni Florante at tagapayo ni Haring Linceo.
5. Ama ni Laura at hari ng Albanya.
6. Siya ang magiting na heneral ng hukobo ng Albanya at nagpabagsak sa 17 kaharian bago siya
nalinlang ni Adolfo at naipatabon sa gubat.
7. Siya’y magandang dalagang hinangaan at hinangad ng maraming kalalakihang tulad nina Adolfo at
Emir.
8. Isang taksil at nagin kalabang mortal ni Florante mula nang mahigitan siya nito sa husay at
popularidadsa Atenas.
9. Ang pinsan ni Florante na nakapagligtas sa buhay niya mula sa isang buwitre noong siya’y saggol pa
lamang.
10. Ama ni Adolfo na taga-Albanya.
11. Siya ang kasintahan ni Aladin na nakapagligtas kayLaura sa kamay ni Adolfo.
12. Isang gererong Moro at Prinsepe ng Persiya na nakapagligtas kay Florante sa dalwang ababangis na
leon sa kagubatan.
13. Gobernador ng mga Moro na nagtangka kay Laura.
14. Malupit na ama ni Aladin at siya ring naging kaagaw niya sa kasintahang si Flerida.
15. Magiting na heneral ng Persiya na namuno sa pananakop sa Krotona subalit natalo at napatay ni
Florante.
Hanay B
a. Prinsesa Floresca
b. Konde Adolf
k. Emir
d. Haring Linceo
e. Sultan Ali-Adab
f. Menandro
g. Menalipo
h. Florante
i. Aladin
j. Antenor
l. Flerida
m. Duke Briseo
n. Henral Osmalik
o. Konde Sileno
p. Laura

PAGLALAPAT: PAGPILI
A.1. Panuto: Basahin ang bawat pangungusap. Bigyang-kahulugan ang matatalinghagang salitang nasalungguhitan. Piliin at isulat
ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang (5 puntos).
1. Ang Florante at Laura ay hitik na htik sa mgaaral at pagpapahalagang makagagabay sa pang-araw-araw nating pamumuhay.
a. punumpuno b. mabungang-mabunga k. mahusay na mahusay
2. Si Nanong kapule ay mula sa isang may kayang pamilya kaya naging madali sa kanyang gawan ng paraang mapabilanggo ang
karibal sa pag-ibig.
a. tanyag b. mayaman k. mapagmataas
3. Si Balagtas ay binawian ng buhay noong ika-20 ng Pebrero taong 1862 sa edad na 74.
a. nagkasakit b. namatay k. nagdusa
4. Sa isang kisap-mata’y ang lahat ng kanyang pinaghirapan.
a. sa sandaling panahon b. sa pagkurap ng mata k. sa mahabang panahon
5. Ito’y isang akdang hindi maibabaon sa hukay kailanman.
a. makakalimutan b. matatandaan k. maipagmamalaki

PAGSUSURI: MALAYANG PAGSAGOT


A.2. Panuto: Buoin ang analohiya sa pamamagitan ng pagsulat ng tamang termino sa patlang. Piliin ang sagot sa loob ng kahon (10
puntos).
1. pagsaulan: pagbalikan; mahahagilap: ___________________
2. pinanganganiban: ___________________; karalitaan: kahirapan
3. ___________________: pag-iibigan; hilahil: Sulirann
4. taghoy: daing ng taong lumuluha; naaba: ___________________
5. ___________________: musa; malumbay: malungkot
6. pintakasi: ___________________; dilidili: alaala
7. irog: mahal; pantas: ___________________
8. dustain: ___________________; mawatas: maunawaan
9. syerpe: ahas; ___________________ halimaw na mukhang butiki
10. nalimbag: ___________________; panibugho: pagseselos

eksperto
naaapi
mahahanap
nasulat
mutya
kinatatakutan
basiliko
suyuan
laitin
sinasamba

PAGBUO: MALAYANG PAGSAGOT


A.3. Panuto: Ayusin ang mga ginulong titik sa bawat bilang upang matukoy ang tamang terminong ipinapahayag ng mga
pangungusap sa kanan nito. Isulat ang sagot sa patlang bago ang bilang (5 puntos).
1. ANERIS Mga diwata ng mga katubigan at karagatang sinasabing nagtataglay ng malamyos na
tinig at karaniwang kariringgan ng atatamis na awitin.
2. GELAROYA Ginagamit ang istilng ito upang maitago ang tunay na kahulugan ng ga salita sa
pamamagitan ng simbolo.
3. REBORNE Isang maliit at madilim na butas sa isang lawa sa timog Italya na pinaniniwalaang pintuan
ng impyerno.
4. CIARNSO Isang tauhan sa itolohiyang Griyego na umibg sa kanyang sariling repleksiyon.
5. SHARPIA Mga nilalang sa mitolohiyang Griyego na mya katawagang tulad ng sa isang ibon, may
pakpak. at matutulis na kuko subalit may mukhang tulad ng sa isang babae.

XVI. MGA HUDYAT NG KONSEPTO NG PANANAW


PAGBUO: MALAYANG PAGSAGOT
Panuto: Punan ang patlang ng tamang hudyat ng konsepto ng pananaw upang mabuo ang diwa ng pangungusap (5 puntos).
1. ____________________ World Health Organization (WHO), ang nangungunang sarili ng pagkamatay sa mga
lalaki ay kanser sa baga.
2. ____________________ batas, dapat ay magbayad tayo ng tamang buwis.
3. ____________________, mas marespeto ang mga bata noon kaysa ngayon.
4. ____________________ aking napag-aralan, ang Pilipinas ay dating konlonyal ng Espanya.
5. ____________________, and bahay ay nakabatay sa mga bagay na iyong pinipili o pinanniniwalaan.

XVII. MGA HUDYAT NG KAUGNAYANG LOHIKAL


PAGBUO: MALAYANG PAGSAGOT
Panuto: Bilugan ang ekspresong hudyat na ginamit sa bawat pangungusap at isulat sa patlang ang uganayang lohikal na
kinabibilangan nito (2 puntos bawat bilang sa kabuuang 10 puntos).
1. Ang karapatan ng ga bata ay dapat nating isulng sapagkat parami na nang parami ang mga batang
nabibiktima ng pag-aabuso.
2. Kung hindi sana matigas ang kanilang mga ulo ay maganda na ang kanilang buahy ngayon.
3. Hindi ako sigurado sa aking nakita kata’t hindi ko alam kung tutulungan ko ba ang mga batanf ito o
hindi.
4. Upang mawasan ang problema ay kailangang gumawa ng hakbang ang pamahalaan.
5. Sa pamamagitan ng pagtutulungan ng lahat masusugpo ang problemang ito.

XVIII. ANAK (MGA BANTAS)


PAGTATAYA: TAMA O MALI
Panuto: Islulat sa linya kung TAMA o MALI ang pagkakagamit ng mga bantas sa bawat bilang (5 puntos).
1. Mateo 25:21 (Bersikulo sa Bibliya)
2. suntok-suntukan
3. Cruz, Juancho
4. Watson Building, 1610 J, P, Laurel. Street, San Miguel; Maynila
5. “Hindi ko kilala ang tinutukoy mo.” sagot ng matandang guro.

XIX. AKO’Y ISANG MABUTING PILIPINO


PAGTATAYA: PAGTUKOY
Panuto: Basahin ang bawat pangungusap. Ibigay ang tamang terminong ipinapahayag ng mga ito. Isulat ang sagot sa
patlang (5 puntos).
1. Ito ay isang maikling pahayag tungkol sa isyu o paksang maaaring masulat nang tuluyan o patula.
2. Isang uri ng pagpapahayag na ginagamit upang makahikayat o makahimok, magbigay ng
impormasyon at direksyon sa madla tungkol sa isang serbisyo, produkto o paniniwala.
3. Isang paraan ng pag-awit na tila binibigkas ngunit may kasamang ritmo.
4. Ito ay sinasabng modernong balagtasan.
5. Ito ay isang paraan ng pagpapahayag ng damdamin,pananaw, kultura, at pangarap sa buhay.

XX. MGA ALITUNTUNIN SA PAGBABAYBAY NA PASULAT


PAGTATAYA: MALAYANG PAGSAGOT
Panuto: Hiramin at baybayin nang wasto ang mga salita sa bawat bilang ayon sa alituntuning napag-aralan (5 puntos).
1. calle =
2. telepono =
3. graduation =
4. island =
5. coke =
XXI. GLOBAL WARMING: KABAALAGHAN A KATOTOHANAN
PAGTATAYA: MALAYANG PAGSAGOT
Panuto: Magbigay ng saliling pananaw/saloobin/reaksyon para sa tanong sa ibaba (5 puntos).
Pamantaya: 3 puntos – nilalaman
2 puntos – kalinisan at kaayusan
5 puntos

 Kung ikaw si Inang Kalikasan, anong mensahe ang ipaaabot mo sa mga taong walang pakundangang sumusira sa kapaligiran?

Inihanda ni: Mentor Jeff


Good luck and God bless
The Write Way Review Center
Ikaapat na Markahang Pagsusulit: Mga Sagot
FILIPINO 8
Inihanda ni: Mentor Jeff

425 puntos
I. A. 15 points
1. d
2. a
3. d
4. b
5. b
6. b
7. d
8. b
9. b
10. a
11. c
12. b
13. a
14. d
15. b
B. 10 puntos
1. Panitikan
2. Alamat
3. Epiko
4. Banghay
5. Kwentong Bayan
6. Bulong
7. Araw/Buwan
8. Pako
9. Posporo
10. Bunganga
C. 10 puntos
1. E
2. A
3. C
4. F
5. H
6. J
7. B
8. G
9. I
10. D
D. 10 puntos
1. a
2. b
3. a
4. a
5. a
E. 15 puntos
1. Walang Katotohanan/ Walang Batayan
Ito ay halimbawa ng bugtong
2. May Katotohanan/ May Batayan
Hindi lahat ng mga naririnig o sinasabi ng iba ay dapat paniwalaan.
3. May Katotohanan/ May Batayan
Gastos ng gastos ng pera para sa wala: Sa mga susunod na araw, wala nang perang pambili ng mga bagay
na importante.
4. May Katotohanan/ May Batayan
Ang mga bagay na pinag-gagawa mo ay babalik o magbubunga rin ng maarimong ikaasenso o ikalagapak.
5. May Katotohanan/ Walang Batayan
Ito ay halimbawa ng bugtong
F. 10 puntos
1. MAGANDANG BATA
2. MAALIWALAS
3. MAITIM NA TUBIG
4. PAGBUBUKLOD NG PAMILYA
5. DALAGANG BUKID

II. 10 puntos
1. mas- pahambing na di-magkatulad (Palamang)
2. higit – Pahambing na di-magkatulad (Palamang)
3. magsimbait - Pahambing na -magkatulad
4. Di-gaanong - Pahambing na di-magkatulad (Pasahol)
5. Parehong- Pahambing na magkatulad

III. A. 5 points
1. M
2. M
3. MK
4. MK
5. M
B. 10 puntos
1. C
2. E
3. B
4. D
5. A
6. H
7. G
8. F
9. I
10. J

B. 10 puntos
1. MALI
2. MALI
3. TAMA
4. MALI
5. MALI
6. TAMA
7. TAMA
8. TAMA
9. TAMA
10. TAMA

IV. A. 10 puntos
1. Prinsepe Bantugan
2. Haring Madali
3. loro
4. Kaharian ng Lupang nasa pagitan ng dalawang dagat
5. Bumbara
6. Haring Miskoyaw
7. Prinsesa Datimbang
8. Selos at inggit
9. langit
10. Mindanao

V. A. 10 puntos
1. mabilis-pamaraan
2. lubhang- panggaano
3. raw- ingklitik
4. noong unang panahon- pamanahon
5. isang daang porsiyento- panggaano
B. 5 puntos
1. Naganap ang krimeng pagpatay kahapon.
2. hindi na sila kasya sa kanilang tahanan.
3. NMasayang nagkukwento si lola ng nakaraan niya.
4. Ang populasyon sa Pilipinas ay lumobo ng dalawampung porsiyento.
5. Makikita rin ang paniniwala at kultura ng isang pamayanan sa pamamagitan ng alamat.

100 puntos
VI. 15 puntos
1. b
2. a
3. k
4. a
5. a
6. a
7. k
8. a
9. k
10. k
11. k
12. k
13. k
14. a
15. a

A. 20 puntos
1. Tula
2. Sukat
3. Tugma
4. Talinghaga
5. Pagtutulad
6. Pagwawangis
7. Pagmamalabis
8. Pagsasatao/Pagbibigay-katauhan
9. Pagpapalit – saklaw
10. Larawang - diwa
11. Simbolismo
12. Kariktan
13. Kopla
14. Soneto
15. Sextet
16. Taludturan
17. Quatrain
18. May sukat
19. Malayang Taludturan
20. Di – Tugmaang Taludturan

B. 10 puntos
1. Lakandiwa
2. Mambabalagtas
3. Manonood
4. Pinagkaugalian
5. Indayog
6. Paksa
7. Tugma
8. Sukat
9. Mensahe
10. Politika
K. 10 puntos
1. T
2. T
3. M
4. T
5. M
6. T
7. T
8. T
9. T
10. T

D. 5 puntos
1. Tama
2. Tama
3. Tama
4. Tama
5. Mali

E. 10 puntos
1. f
2. g
3. h
4. i
5. j
6. e
7. d
8. k
9. b
10. a

VII. 5 puntos
1. Pagsalungat
2. Pagsang - ayon
3. Pang - uri
4. Sanhi
5. Pagsusuri

A. 5 puntos
1. 
2. 
3. 
4. 
5. 

B. 5 puntos
1. gumising
2. babalik
3. binabasa
4. ihahayag
5. kausap

K. 10 puntos
1. Magkasing – unlad ang Amerika at Hapon.
2. Di – gaanong malaki ang bahay naming kompara sa bahay ng kaibigan ko.
3. Pinakamalambing ang tatay ko sa lahat ng tatay sa mundo.
4. Di – hamak na mas maputi ang nanay ko kaysa sa nanay sa isang komersiyal sa telebisyon.
5. Ang makinis na perlas ay ibinigay sa akin.

D. 5 puntos
1. x
2. 
3. x
4. 
5. 

100 puntos
VIII. 5 puntos
1. b
2. b
3. a
4. b
5. a
IX. 15 puntos
1. b
2. b
3. b
4. a
5. k
6. b
7. a
8. b
9. b
10. k
11. a
12. a
13. k
14. a
15. a
X. 10 puntos
1. T
2. T
3. T
4. T
5. T
6. T
7. M
8. T
9. M
10. T
XI. A. 10 puntos
1. Pormal
2. Di- Pormal
3. Banyaga
4. Pampanitikan
5. Lalawigan
6. Kolokyal
7. Balbal
8. Lingua Franca
9. Wika
10. In-na-in
B. 20 puntos
1. Ewan- kolokyal
2. sikyu- balbal
3. Lispu- balbal
4. pista- kolokyal
5. tomguts- balbal
6. erpat- balbal
7. nasan- kolokyal
8. praning- balbal
9. yosi- balbal
10. tsikot- balbal
K. 13 puntos
1. Lalawiganin
2. Balbal
3. Kolokyal
4. Banyaga
5. Balbal
6. Balbal
7. Lalawiganin
8. Banyaga
9. Kolokyal
10. Lalawiganin
11. Lalawiganin
12. Banyaga
13. Balbal
XII. 10 puntos
1. Brainstorming
2. Obserbasyon
3. Questioning
4. Pagbabasa
5. Pageeksperimento
6. Interbyu
7. Journal
8. Pagsasarbey
9. Sounding-out Friends
10. Imersyon
XIII. A. 7 puntos
1. Kwento
2. Pamagat
3. Tauhan
4. Tema
5. Diyalogo
6. Cinematography
7. Aspektong teknikal
B. 10 puntos (Halimbawang Sagot)
Binago ng telebisyon ang paraan ng pagpapahayag natin sa mga kwento o aral ng buhay. Dulot na rin ng pagsulong ng modernisasyon at teknolohiya
ay nabuo ang telebisyon na higit na nagbigay- kulay at larawan sa mga pangyayari sa ating paligid gamit ang mga ilaw at kamera. Ang dokumentaryong
pantelebisyon ay maituturing na isang uri ng sining na ang pangunahing layunin ay magbigay ng mga tiyak at totoong impormasyong gigising sa isip at
damdamin ng isang tao patungkol sa isang isyu.

XIV. 20 puntos
1. a
2. b
3. a
4. k
5. b
6. a
7. k
8. b
9. k
10. b
11. a
12. k
13. b
14. a
15. a
16. k
17. b
18. k
19. a
20. k
XV. 10 puntos
1. /
2. /
3. x
4. /
5. x
6. /
7. x
8. x
9. /
10. /
A. 15 puntos
1. f
2. j
3. a
4. m
5. d
6. h
7. p
8. b
9. g
10. o
11. l
12. i
13. k
14. e
15. n
a.1. 5 puntos
1. a
2. b
3. b
4. a
5. a
a.2. 10 puntos
1. mahahanap
2. kintatakutan
3. suyuan
4. naaapi
5. mutya
6. sinasamba
7. eksperto
8. laitin
9. basiliko
10. nasulat
a.3. 5 puntos
1. SIRENA
2. ALEGORYA
3. ABERNO
4. NARCISO
5. HARPIAS
XVI. 5 puntos
1. Ayon sa
2. Alinsunod sa
3. Para sa akin
4. Batay sa
5. Sa aking pananaw
XVII. 10 puntos
1. sapagkat - sanhi at bunga
2. kung - kondisyon at resulta
3. kung - kondisyon at resulta
4. upang - paraaan at layunin
5. Sa pamamagitan - paraan at layunin
XVI. 5 puntos
1. TAMA
2. TAMA
3. TAMA
4. MALI
5. MALI
XIX. 5 puntos
1. Islugan
2. Patalastas
3. Rap
4. fliptop
5. Awit
XX. 5 puntos
1. kalye
2. telepono
3. gradweysyon
4. ayland
5. kok
XXI. 5 puntos
Kung ako si Inang kalikasan, ang mensaheng ipaaabot ko sa mga taong walang pakundangang sumisira sa kapaligiran ay “Saan niyo gustongpatirahin
ang mga anak, kapatid, kapamilya at ang susunod niyong lahi kung patuloy niyo akong sinisira? Marahil sa tanong na ito ay mapag-isip at baka ito rin ang
gigising sa kanilang kamalayan na mali ang kanilang ginagawa

You might also like