You are on page 1of 12

8

Filipino 8
Ikaapat na Markahan – Modyul 6
Florante at Laura

ILI
n
alaa
ah B
gP
am
G BI
r in
N A
-aa I
Pa
g
I IP
I ND
H
1
Modyul Aralin:7Ang Kabataan ni Florante
6 (Ikaanim na Linggo)

Alamin

Binabati kita! Sapagkat napagtagumpayan mo ang mga naunang gawain sa aralin.


Handa ka na bang tumuklas ng mga bago at sariwang kaalaman sa susunod na aralin?
Tara! Tayo na!

Matutunan mo sa modyul na ito ang mahahalagang kaisipan hinggil sa mga


mahahalagang papel na ginagampanan ng mga magulang sa mga anak.

Balikan

Ayos! Ang galing mo! Gayong nasagot mo na ang subukin, ngayon naman ay
susubukan natin ang iyong galing sa nagdaang leksyon.

Gawain 2 Tayo’y magbabalik-tanaw!

Panuto: Bigyan ng sariling pagpapakahulugan ang pariralang mabuting


pakikipagkapwa batay sa iyong sariling pagkakaintindi. Kompletuhin ang concept map
sa ibaba.

MABUTING PAKIKIPAGKAPWA

Tuklasin
Alam kong masisiyahan ka habang binabalikan mong muli ang iyong natutunan
na sa nagdaang module.
Alam mo rin ba na malaki ang ginagampanang tungkulin ng mga magulang sa
kanilang anak sapagkat sila ang nagsisilbing gabay sa paghubog ng wastong pag-
uugali ng mga kabataan? Handa ka na bang malaman kung bakit? Kung handa ka na,
2 si Florante ng kanyang mga magulang.
ay hali na at tuklasin natin kung paano pinalaki
Gawain 3: Tara, usap tayo!

Panuto: Isulat sa patlang ang iyong sagot.


Sa iyong murang gulang ngayon, ano sa palagay mo ang mga tungkulin ng
mga magulang dapat gampanan sa kanilang mga anak?

_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

3
Suriin
Binabati kita! Alam kong marami ka ng kaalamang natuklasan sa nagdaang
gawain, ngayon ay gawin ang susunod na hamon sa ibaba.

Narito ang aralin 9 ng Florante at na magpapayaman ng iyong kaalaman tungkol sa


kabataan ni Florante.

Gawain 4 Basahin mo na Ako


Panuto: Basahin ang tula nang may pag-unawa at gawin ang gawain 4.2
pagkatapos mabasa ito.

Aralin. 9 Ang Kabataan ni Florante


Saknong Blg. 174-Saknong Blg. 204

174
“Sa isang dukado ng Albanyang siyudad,
doon ko nakita ang unang liwanag,
yaring katuha’y utang kong tinanggap
sa Duke Briseo, ay ama kong liyag!

175
“Ngayon nariyan ka sa payapang bayan,
sa harap ng aking inang minamahal,
Prinsesa Florescang esposa mong hirang,
tanggap ang luha kong sa mata’y nunukal.

176
“Bakit naging tao ako sa Albanya,
bayan ng ama ko, at di sa Krotona,
masayang Siyudad na lupa ni ina?
disin ang buhay ko’y di lubhang nagdusa?

177
“Ang ama ko’y pribadong tanungan
ng Haring Linceo sa anumang bagay;
pangalawang puno ng sangkaharian,
may gintong ugali at iginagalang.

178
“Kung sa kabaita’y uliran ng lahat
at sa katapanga’y pang-ulo sa siyudad;
walang kasingdunong magmahal sa anak,
umakay, magturo sa gagawing dapat.

4
179
“Naririnig ko pa halos hanggang ngayon,
malayaw na tawag ng ama kong poon,
noong ako’y batang kinakandung-kandong,
taguring ‘Florante, bulaklak kong bugtong.

180
“Ito ang ngalan ko mulang pagkabata,
nagisnan sa ama’t inang nag-andukha;
pamagat na ambil sa lumuluha-luha
at kayakap-yakap ng madlang dalita.

181
“Buong kamusmusa’y di na sasalitin,
walang may halagang nangyari sa akin
kundi ng sanggol pa’y kusang daragitan
ng isang buwitreng ibong sadyang sakim.

182
“Ang sabi ni ina ako’y natutulog
sa bahay sa kintang malapit sa bundok;
pumasok ang ibong pang-amoy ay abot
hanggang tatlong legwas sa patay na hayop.

183
“Sa sinigaw-sigaw ng ina kong mutya,
nasok ang pinsan kong sa Epiro mula;
ngala’y Menalipo – may taglay na pana –
tinudla ang ibo’t namatay na bigla.

184
“Isang araw namang bagong lumakad,
noo’y naglalaro sa gitna ng salas
may nasok na Arco’t biglang sinambilat
kupidong diamanteng sa dibdib ko’y hiyas.

185
“Nang tumuntong ako sa sa siyam na taon,
palaging gawa ko’y mag-aliw sa burol;
sakba’t ang palaso’t ang busog na kalong,
pumatay ng hayop, mamana ng ibon.

186
“Sa tuwing umagang bagong naglalatag
ang anak ng araw ng masayang sinag,
naglilibang ako sa tabi ng gubat,
madla ang kaakbay ng mga alagad.

5
187
“Hanggang sa tingal-in ng sandaig-digan
ang mukha ni Pebong hindi matitigan
ay sinasagap ko ang kaligayahan
handog niyong hindi maramot na parang.

188
“Aking tinitipon ang ikinakalat
na masayng bango ng mga bulaklak,
inaaglahi ko ang laruang palad,
mahinhing amiha’t ibong lumilipad.

189
“Kung ako’y mayroong matanaw na hayop
sa tinitingalang malapit na bundok,
biglang ibibinit ang pana sa busog,
sa minsang tudla ko’y pilit matutuhog.

190
“Tanang samang lingkod ay nag-aagawan,
unang makarampot ng aking napatay;
ang tinik sa dawag ay di dinaramdam,
palibhasa’y tuwa ang nakaakay.

191
“Sukat maligaya sinumang manood
sa sinuling-suling ng sama kong lingkod;
at kung masundan ang bangkay ng hayop,
ingay ng hiyawan sa loob ng tumok.

192
“Ang laruang busog ay kung pagsawaan,
uupo sa tabi ng matuling bukal,
at mananalamin sa linaw ng kristal
sasagap ng lamig na iniaalay.

193
“Dito’y mawiwili sa mahinhing tinig
ng nangagsasayang Nayada sa batis;
taginting ng Lirang katono ng awit,
mabisang pamawi sa lumbay ng dibdib.

194
“Sa tamis ng tinig na kahalak-halak
ng nag-aawitang masasayang Nimfas
naaanyayahan sampung lumilipad –
sarisaring ibong agawan ng dilag.

6
195
“Kaya nga’t sa sanga ng kahoy na duklay,
sa mahal na batis na iginagalang
ng bulag na hentil ay nagluluksuhan,
ibo’y nakikinig ng pag-aawitan.

196
“Anhin kong saysayin ang tinamong tuwa
ng kabataan ko’y malawig na lubha:
pag-ibig ni ama’y siyang naging mula,
lisanin ko yaong gubat na payapa.

197
“Pag-big anaki’y aking nakilala,
di dapat palakhin ang bata sa saya;
at sa katuwaa’y kapag mamihasa,
kung lumaki’y walang hihinting ginhawa.

198
“Sapagka’t ang mundo’y bayan ng hinagpis,
mamamaya’y sukat tibayin ang dibdib;
lumaki sa tuwa’y walang pagtitiis…
anong ilalaban sa dahas ng sakit?

199
“Ang taong magawi sa ligaya’t aliw,
mahina ang puso’t lubhang maramdamin;
inaakala pa lamang ang hilahil
na daratna’y, di na matutuhang bathin.

200
“Para ng halamang lumaki sa tubig,
daho’y malalanta munting di madilig;
ikinaluluoy ang sandaling init,
gayundin ang pusong sa tuwa’y

201
“Munting kahirapa’y mamalakhing data,
dibdib palibhasa’y di gawing magbata;
ay bago sa mundo’y bawat kisapmata,
nang tao’y mayroong sukat ipagdusa.

202
“Ang laki sa layaw karaniwa’y hubad
sa bait at muni’t sa hatol ay salat;
masaklap na bunga ng maling paglingap,
habag ng magulang sa irog na anak.

7
203
“Sa taguring bunso’t likong pagmamahal,
ang isinasama ng bata’y nunukal;
ang iba’y marahil sa kapabayaan
ng dapat magturong tamad na magulang.

204
“Ang lahat ng ito’y kay amang talastas,
kaya nga ang luha ni ina’y hinamak;
at ipinadala ako sa Atenas –
bulag na isip ko’y nang doon manunulat.”

Gawain 5.1 Istorya mo, ilahad mo!


Aba ang galing! Ang husay mong gumuhit. Ngayong tapos ka na sa pagguhit
alam kong handa ka na rin susunod na hamon. Basahin ang panuto sa gawain 5 at
gawin ito. Simulan na!

Panuto: Ilahad ang mamahalagang pangyayari sa aralin gamit ang story map sa
.
ibaba. Gamit ang estratehiya ng: Simula, Pataas na aksyon, Kasukdulan, kakalasan,
at wakas. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Narito ang halimbawa ng story map:

Pamagat

.
Simula

Pataas na aksyon

Kasukdulan

Kakalasan

Wakas

8
Isaisip
Ang husay mo talaga! Ngayon ay gawin ang gawain 7 na inilaan. Basahin nang
maayos ang panuto.

Gawain 6 Iugnay mo

Panuto: Suriin ang banghay ng tula batay sa:

1. Kaugnayan sa sariling karanasan


___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

2. Sariling interpretasyon
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Isagawa

Malugod kitang binabati dahil napagtagumpayan mo na naman ang gawain 7.


Gawain. 7 Reaksyon mo, isulat mo!
Panuto. Sa kahon sa ibaba, isulat mo ang iyong reaksyon hinggil sa napanood
na programang pantelebisyon na may kinalaman sa araling ito.

_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
________________________________________

9
Susi ng Pagwawasto

Gawain 1
1. /
2. X
3. X
4. X
5. X
Gawain 2
Posibleng sagot ng mga mag-aaral

magalang sa pananalita
igalang ang
respetuhin angkarapatan
kapwa ng bawat isa isaalang-alang
pakitunguhanang
ng maayos angng
kapakanan kapwa
kapwa

Gawain 3
Posibleng sagot ng mga mag-aaral
MABUTING PAKIKIPAGKAPWA
Tungkulin ng mga magulang ibigay ang pangunahing pangangailangan ng mga anak
gaya ng tahan, damit, pagkain at higit sa lahat ang edukasyon.

Gawain 4.2
Posibleng sagot ng mga mag-aaral

10

Gawain 7
Gawain 5
Posibleng sagot ng mga mag-aaral Pamagat
Ang Kabataan
Simula ni Florante
Isinalaysay dito ang
kamusmusan ni
Florante gayundin
ang kanyang mga Pataas na
karanasan aksyon
Noong siya
ay ipinadala
sa atenas ay
Kasukdulan
labis
Noong
kanyang
makaramdam
hinanakit.
na ng labis na
pagkalungkot
si Florante sa
kanyang
magulang. Kakalasan
Noong mabanggit
na ni Florante na
sana ay huwag
bayaang lumaki
sa layaw ang mga
anak dulot ng
maling pag-aruga
ng mga
magulang.
Wakas
Nais ni Florante
na sana ay
madisiplina ng
maayos ng mga
Gawain 6 magulang anak.
Posibleng sagot ng mga mag-aaral
1. Maging mabuting anak sa mga magulang at sumunod sa mga payo.
2. Mas mainan na sundin ang payo ng mga magulang sapagkat sila ang mga mas
nakakaalam kung ano ang ikabubuti sa atin.
Gawain 7
Posibleng sagot ng mga mag-aaral
Pelikulang Anak nina Claudine Baretto at Vilma Santos.
Dito ay ipinapakita na talagang gagawin ng mga magulang kahit ano. Kagaya ng ginawa
ni Vilma Santos na nag-abroad siya para sa pamilya. Tiniis niya ang pangulila sa pamilya
para lang mabigyan ng magandang bukas.
Gawain 8
Posibleng sagot ng mga mag-aaral

11
1. K 6. F 10. M
2. C 7. H.
3. J 8. F
4. I 9. B
5. D

Gawain 9
Posibleng sagot ng mga mag-aaral

Ang pelikulang ito ay kuwento ng magulang na nagtatrabaho sa ibang bansa


upang maiahon sa kahirapan ang pamilya. Sa pagpapatuloy ng istorya nito ay unti-
unti na pa lang nalalayo ang loob nito sa magulang ang kanyang anak na si Claudine
Baretto at ito hindi namamalayan ng ina na si Vilma Santos.
Sa pagpapatuloy ng kuwento ay umuwi ng Pilipinas ang ina sa kasabikang makita
ang mga anak sanhi ng matagal na pagkawalay ng mga ito sa kanya. Nang dumating
na sa bansa ang ina ay laking gulat na lang niya na hindi ito pinapansin ng anak na si
Claudine. Kaya nang mag-usap ang mag-ina ay doon na nalaman nila ang kanilang
hinanakit sa isa’t isa
Sa huli ay nagkaayo ang mag-ina.

Aral sa kuwento:
Ang pelikulang Anak na pinagbibidahan nina Claudine Baretto at Vilma Santos ay
Kuwentong kakitaan ng aral ng mga magulang at anak. Ito ay kuwento na dapat
pagnilayan ng bawat isa sapagkat ito ay tumitimo sa puso’t isip. Ipinapakita rito na ang
mga magulang ay handang magsugal ng buhay alang-alang sa kapakanan anak.
Sa mga anak, dapat pagnilayan nila ang mga sakripisyo na ginagawa ng mga
magulang sapagkat ang mga pagkayod na ito ay tanging laan lamang para sa kanila.

12

You might also like