You are on page 1of 18

9

Filipino 9
Ikaapat na Markahan – Modyul 4
MGA ANGKOP NA
SALITA/EKSPRESYON SA
PAGLALARAWAN AT PAGLALAHAD
NG SARILING PANANAW

NegOr_Q4_Filipino9_Module4_v2
Filipino – Ikasiyam na BaitangAlternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan – Modyul 4: Mga Angkop na Salita/Ekspresyon sa
Paglalarawan at Paglalahad ng Sariling Pananaw
Ikalawang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban samodyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng EdukasyonKalihim: Leonor Magtolis Briones


Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Mayeth D. Carbajosa, Regiepe Y. Cabanas
Editor: Corazon S. Despojo, Crispina P. David
Tagasuri: Roshelle G. Abella, Lucille T. Folio, Janeth A. Celin,
Vincent Gee R.Abrasado, Crispina P. David
Tagalapat: Wendell Calingacion
Tagapamahala: Senen Priscillo P. Paulin, CESO V Rosela R. Abiera
Fay C. Luarez, TM, Ed.D., Ph.D. Maricel S. Rasid
Adolf P. Aguilar, CESE Elmar L. Cabrera
Nilita L. Ragay, Ed.D.
Renante A. Juanillo, Ed.D.

Inilimbag sa Pilipinas ng
Department of Education –Region VII Schools Division of Negros Oriental

Office Address: Kagawasan, Ave., Daro, Dumaguete City, Negros Oriental


Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117
E-mail Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-
aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay
sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang
itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng
mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung
sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang
tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-
aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan
niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit
sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng
pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at
pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit
pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang
bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung
sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM
na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa
kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

i
ALAMIN

Magandang araw! Kumusta na ang araw mo? Muli na naman tayong


magkakasama at inaasahan kong natulungan ka ng mga naunang modyul na
ginawa ko para sa iyo.

Sa modyul na ito, matututuhan mo ang tungkol sa pananaliksik, mga dapat


isaalang-alang sa pagsasagawa at pagtatala sa mga nalikom mong datos mula
saginawang pananaliksik.

Sa pag-aaral ng modyul na ito, sana’y matututuhan mo ring pahalagahan


ang pananaliksik lalong lalo na ang mga etika sa pagsasagawa nito.

Sa katapusan ng modyul na ito, inaasahan na ikaw ay:

• Nagagamit ang mga angkop na salita / ekspresyon sa: paglalarawan,


paglalahad ng sariling pananaw, pag-iisa-isa, pagpapatunay.
(F9WG-Iva-b-57)

MGA TIYAK NA LAYUNIN

Sa araling ito, inaasahang ikaw ay:

1. Nakikilala ang mga salita o ekspresyon na angkop sa paglalarawan o


paglalahad ng opinyon;
2. Nakagagamit ng mga angkop na salita/ ekspresyon sa paglalarawan,
paglalahad ng sariling pananaw, pag-iisa-isa atpagpapatunay sa loob ng
talata;
3. Napahahalagahan ang paggamit ng mga salita o ekspresyon naangkop sa
paglalarawan o paglalahad ng opinyon at ang pagbibigay ng mga patunay.

1 NegOr_Q4_Filipino9_Module4_v2
SUBUKIN

Panuto: Basahin ang mga pahayag sa bawat aytem. Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Ito ang dalawang uri ng paglalarawan na ginamit sa akda.


A. obhektibo at subhektibo C. karaniwan at obhektibo
B. subhektibo at masining D. simple at karaniwan

2. Ito ang pangunahing layunin ng karaniwang paglalarawan.


A. nakaguguhit ng isang larawan sa bond paper
B. makabuo ng masaklaw na larawan sa isipan ng mambabasa sa
pamamagitan ngtiyak na pagdetalye sa katangian ng inilalarawan
C. makabuo ng malinaw na larawan sa isipan ng mambabasa sa
pamamagitan ngtiyak na pagdetalye sa katangian ng inilalarawan
D. pukawin ang guni-guni o imahinasyon ng mambabasa

3. Ito naman ang pangunahing layunin ng masining na paglalarawan.


A. nakaguguhit ng isang larawan sa bond paper
B. makabuo ng masaklaw na larawan sa isipan ng mambabasa sa
pamamagitan ngtiyak na pagdetalye sa katangian ng inilalarawan
C. makabuo ng malinaw na larawan sa isipan ng mambabasa sa
pamamagitan ngtiyak na pagdetalye sa katangian ng inilalarawan
D. pukawin ang guni-guni o imahinasyon ng mambabasa

4. Ito ay gumagamit ng mga tayutay o matatalinghagang pahayag upang maging


masining o malikhain ang paglalarawan.
A. obhektibo B. subhektibo C. karaniwan D. payak

5. Ang paraan ng paglalarawan na ito ay walang kaugnayan sa sariling opinyon


atdamdamin ng naglalarawan.
A. obhektibo B. subhektibo C. masining D. payak
6. Ang mga sumusunod ay mga paraang nagpapatunay maliban sa isa. Alin dito?
A. sikolohikal B. lohikal C. patiyak D. pasaklaw
7. Sa paraang ito ay ginagamit na batayan ang mga bagay na may pagkakatulad
opagkakapareho.
A. sikolohikal B. lohikal C. patiyak D. pasaklaw
8. Sa paraang ito ang ipinahahayag na pagpapatunay ay mula sa maliliit na kaisipan
odetalye patungo sa malaking kaisipan.
A. Sikolohikal B. lohikal C. patiyak D. pasaklaw

2 NegOr_Q4_Filipino9_Module4_v2
NegOr_Q4_Filipino9_Module4_v2
Para sa bilang 9-13
Panuto: Piliin mula sa mga pahayag sa loob ng kahon ang tinutukoy sa bawat aytem.

Sumasalungat ako Sumasang-ayon Sa totoo lang

Gusto kong sabihin Batay sa obserbasyon

9. Ginagamit ang pahayag na ito kung ang patunaay ay nagmula sa


pagmamasid atpagsusuri.
10. Ang pahayag na ito ay ginagamit upang ipakita ang tunay na gusto o nais
batay sapagtitimbang-timbang.
11. Ito ay ginagamit upang bigyang tuon ang pagnanais na ipagtanggol ang
pananaw.
12. Ang pahayag na ito ay naglalahad ng pagsang-ayon.
13. Tumataliwas naman ang pahayag na ito sa pangungusap.

Para sa bilang 14-15


Panuto: Piliin ang angkop na pahayag upang mabuo ang diwa ng pangungusap.

14. , si Crisostomo Ibarra ang optimistikong pananaw ni Dr.


JoseRizal sa nobelang Noli Me Tangere.
A. Sa akin pong palagay C. Gusto ko pong sabihin
B. Batay po sa aking obserbasyon D. Sa totoo po lamang

15. , mas gusto ko ang tauhang si Elias kaysa kay Ibarra.


A. Sa akin pong palagay C. Gusto ko pong sabihin
B. Batay po sa king obserbasyon D. Sa totoo po lamang

3 NegOr_Q4_Filipino9_Module4_v2
TUKLASIN

Panuto: Basahin ang usapan sa ibaba at sagutin ang mga tanong.

MODULAR MODALITY
(Isinulat ni Corazon Despojo)

Isang araw, nag-video call ang tatlong magkaklase na sina Ana, Lyn at
Ben.

Napag-usapan nila ng kanilang mga karanasan sa Modular Modality.

Ben: Kumusta na kayo Ana at Lyn? Natapos n’yo na bang sagutang ang mga
gawain sainyong modyul?
Ana: Naku, Ben! Hindi pa ako tapos.
Lyn: Ganun din ako. Pero susubukan ko itong tapusin mamaya.Ben: Ah! Ganun
ba. Pareho pala tayo.
Ana: Dapat nating matapos ito dahil maaga pa itong ihahatid ng ating mga
magulangbukas.
Ben: Bakit pa kasi kailangang mag-momodyul?
Lyn: Ang modular modality ang kadalasang ginagamit ng mga paaralan sa ating
baranggay. Bihira lamang dito ang nag-online learning dahil sa mahinang
koneksiyon sa internet. Ito rin ang angkop na modality sa ating baranggay.
Ana: Sumasang-ayon ako sa iyo Lyn na mas angkop ang modular modality dito
kaysaibang modalities.
Lyn: Ikaw Ben, anong gusto mong modality?
Ben: Kung ako ang tatanungin, gustong-gusto ko sana ang online learning dahil ito
aymas madali, hindi nakababagot at mas high-tech ang dating.
Ana: Tama ka riyan, Ben.
Lyn: Sa palagay ko, imposibleng magagamit natin ang online learning sa ating
baranggay. Unang-una, gaya ng sinabi ko kanina, wala tayong sapat na
koneksiyon sa internet. Ikalawa, hindi lahat ng mga mag-aaral ay may
cellphoneo gadgets na puwedeng pang-online learning.
Ben: May punto rin kayo sa mga sinabi ninyo.
Ana: O, ano pa ang hinihintay natin? Sagutan na natin ang mga gawain sa modyul
nang maibalik na ito bukas n gating mga magulang.
Ben, Lyn, Ana: Paalam!

Sagutin ang mga tanong.


1. Sino-sino ang nag-uusap?
2. Tungkol saan ang kanilang mga pinag-uusapan?
3. Para kay Lyn, bakit imposible ang online learning sa kanilang baranggay?
4 NegOr_Q4_Filipino9_Module4_v2
4. Ano-anong mga ekspresyon sa usapan ang ginamit ang nagpapakita ng
pagsang-ayon at pagpapahayag ng opinyon?
5. Nakatutulong ba ang paggamit sa mga ekpresyong ito sa iyong
pakikipagkomunikasyon?

SURIIN

Nakatutulong ang paglalarawan upang lubusang ipamalas sa nakikinig o


bumabasa ang hugis o anyo ng kabuuan ng isang tao, bagay, o pangyayari.
Nangangailangan ito ng mabuting sangkap upang makabuo ng maayos at malinaw
na larawan sa imahinasyon at isipan ng mambabasa. May dalawang uri ng
paglalarawangginagamit sa akda: (1) karaniwan o obhektibo at (2) masining
o subhektibo.

1. Karaniwang Paglalarawan
• Pangunahing layunin nito ang makabuo ng malinaw na larawan sa isipan ng
mambabasa sa pamamagitan ng tiyak na pagdetalye sa katangian ng
inilalarawan.
• Walang kaugnayan ito sa sariling opinyon at damdamin ng naglalarawan.

Halimbawa:
Ang lahat ng paningin ay nakatuon sa kagandahan ni Maria Clara, na
nakasuot ng isangmarangyang kasuotan at nangniningningang mga alahas na
diyamante at ginto.

Paliwanag:
Karaniwang paglalarawan kay Ma. Clara ang inilahad, tanging ang
nakikita lamang ang binanggit gaya ng lantad na kagandahan ng kaniyang
mukha, karangyaan ng kaniyang suot at ningning ng mga alahas.

2. Masining na Paglalarawan
• Layunin ng paglalarawang ito na pukawin ang guni-guni o imahinasyon
ngmambabasa.
• Ginagamit sa paglalarawan ang mga tayutay o matatalinghagang pahayag
upangmaging masining o malikhain ang paglalarawan.

Halimbawa:
"Magdasal tayo! Magdasal tayo! Araw ngayon ng mga patay. Buhay na
mga tao ang mgailaw na iyan. Ipagdasal natin ang mga anak ko." –Sisa

5 NegOr_Q4_Filipino9_Module4_v2
Paliwanag:
Ito ay pahayag ni Sisa. Ang binanggit niyang patay ay hindi tumutukoy
sa mga namayapa, sapagkat ang tiyempong ito ay araw ng pista ng San
Diego kung kaya't inaasahang masaya ang lahat. Ang patay ay ang
kalagayan ng mga aping Pilipino, bagamat buhay ay mistulang patay na
namumuhay sa impluwensya at pang-aalipin ng mga Kastila.

Mga salita o ekspresyong maaaring gamitin sa magalang na paglalahad ng


sarilingpananaw:

Sa akin pong palagay, si Crisostomo Ibarra ang optimistikong pananaw ni Dr. Jose
Rizalsa nobelang Noli Me Tangere.
• Ginamit ang salita/ekspresyong sa aking palagay o opinyon upang
mailahad angpananaw hinggil kay Ibarra.

Sa akin pong pananaw, tunay na isang matalino o henyo si Pilosopo Tasyo


dahilnakikita niya ang malalim na kahulugan ng mga bagay.
• Ginamit ang salita/ekspresyong sa aking pananaw upang mailahad ang
pananawhinggil kay Pilosopo Tasyo.

Batay po sa aking obserbasyon, mas katawa-tawa ang mga pangyayari sa Noli


MeTangere kaysa sa El Filibusterismo.
• Ginamit ang salita/ekspresyong batay sa aking obserbasyon na
nangangahulugangmula sa pagmamasid at pagsusuri.

Kung ako po ang tatanungin, ang mga prayleng katulad nina Padre Damaso at
PadreSalvi ay hindi nararapat tularan ng mga alagad ng simbahan sa kasalukuyan.
• Ginamit ang salita/ekspresyong kung ako ang tatanungin sa paglalahad na
huwaggayahin ang mga nabanggit na tauhan.

Sa totoo po lamang, mas gusto ko ang tauhang si Elias kaysa kay Ibarra.
• Ginamit ang salita/ekspresyong sa totoo lamang upang ipakita ang tunay na
gusto onais batay sa pagtitimbang-timbang.

Gusto ko pong sabihing isang ulirang ina si Sisa dahil sa kabila ng lahat ay nais pa
rinniyang mabuo ang kanilang mag-anak.
• Ginamit ang salita/ekspresyong gusto ko pong sabihin upang bigyang-tuon
angpagnanais na ipagtanggol ang pananaw.

Sumasang-ayon po ako sa ginawa ni Elias na hindi niya dinamay si Ibarra sa sigalot


ngkanilang mga angkan.
• Nagbabadya ng pagsang-ayon o pag-ayon sa isang tauhan ang pangungusap
dahil sasalita/ekspresyong sumasang-ayon ako.

6 NegOr_Q4_Filipino9_Module4_v2
Sumasalungat po ako sa tinuran ni Padre Damaso na sadyang tamad ang mga
Indio.
• Tumataliwas o kumokontra naman ang pananaw sa pangungusap na tamad
ang mgaIndio dahil sa salita/ekspresyong sumasalungat ako.

Ipagpaumanhin po ninyo, ngunit lubos kong kinatutuwaan sina Donya Victorina


atDonya Consolacion.
• Nagpapahiwatig din ng pagsalungat ang pangungusap datapwa’t mas
maingat at magalang lamang dahil sa paggamit ng ekspresyong
ipagpaumanhin ninyo, ngunit...

Sa pangkalahatan po, tunay ngang sinasalamin ng Noli Me Tangere ang ating


lipunan.
• Nagbibigay ng pangkalahatang pananaw ang pangungusap hinggil sa nobela
dahil saekspresyong sa pangkalahatan.

Higit na magiging magalang ang paglalahad ng sariling pananaw kung gagamit


ng“po/ho at opo/oho.

Isang paraan ng pagsisiwalat sa katotohanan ang pagpapatunay. Ang


kasanayang ito ay mahalagang matamo ng isang taong nais umangat sa karaniwan.
Nagiging daan ito sa pakikipag-unawaan sa kapwa. Layunin nitong patunayan ang
isangpalagay o bagay na dapat o di-dapat paniwalaan o gawin. Naglalayon din itong
manghikayat.

May tatlong paran ng pagpapatunay tulad ng mga sumusunod:

1. Paraang lohikal --- isinasagawa sa estilong pagtutulad o paghahambing.


Ginagamit na batayan ang mga bagay na may pagkakatulad o pagkakapareho.

Halimbawa, sa pahayag na “Ang kapalaran nina Ibarra at Elias ay tulad ng gulong


na patuloy sa pag-ikot,” kailangang patunayan kung bakit pinagtulad ang
kapalaran nila sa gulong na tuloy-tuloy sa pag-ikot.

2. Paraang Patiyak o Induktibo--- ipinahahayag ang pagpapatunay mula sa maliliit


nakaisipan o detalye patungo sa malaking kaisipan. Ang pagbubuo ng ng maliliit
na detalye o kaisipan batay sa maraming kauring kaisipan at hindi lamang iisa.

3. Paraang Pasaklaw o Deduktibo --- nagsisimula sa malaking kaisipang patungo


sa maliliit na kaisipan.

Anuman ang mga paraan sa pagpapatunay, maaaring gamitin ang mga


salita o ekspresyong tulad ng mga sumusunod: pinatutunayan, isang patunay,
bilangpagpapatunay, sa katunayan, pinatotohanan, nagpapatibay, at marami pang
iba.

7 NegOr_Q4_Filipino9_Module4_v2
PAGYAMANIN

GAWAIN 1

A. Panuto: Muling balikan ang usapan sa Subukin na pinamagatang Modular


Modality, at sagutan ang grapikong pantulong sa ibaba.
Salungguhitan ang mga ekpresyon sa paglalarawan ta paglalahad
ng opinyon na ginamit sa pangungusap.

MODULAR MODALITY

Mga Pangungusap
na nagpapahayag
ng pagsang-ayon

Mga pangungusap
na nagpapahayag
ng opinyon

Mga patunay na
imposible ang online
learning sa kanilang
baranggay

Mga paglalarawan ni
Ben sa online
learning

8 NegOr_Q4_Filipino9_Module4_v2
B. Panuto: Basahin ang mga pahayag sa loob ng kahon.

Ben: Kung ako ang tatanungin, gustong-gusto ko sana ang online learning
dahil ito ay mas madali, hindi nakababagot at mas high-tech ang dating.

Anong uri ng paglalarawan ang ginamit sa pahayag ni Ben? Bakit?


Sagot:
________________________________________________________________
________________________________________________________________
_______________________________________________________________.

Lyn: Sa palagay ko, imposibleng magagamit natin ang online learning sa


ating baranggay. Unang-una, gaya ng sinabi ko kanina, wala tayong
sapat na koneksiyon sa internet. Ikalawa, hindi lahat ng mga mag-aaral
ay may cellphone o gadgets na puwedeng pang-online learning.

Anong paraan ng pagpapatunay ang ginamit ni Lyn sa kanyang pahayag? Bakit?

Sagot:
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
_________________________________________________________________.

ISAISIP

May maraming pagkakataon sa iyong buhay na


nais mong magpahayag ng iyong opinyon at pagsang-
ayon. Upang magawa mo ito, maaari mong gamitin ang
mga ekspresyong sa palagay ko, sa totoo lang, gusto
kong sabihin, batay sa aking obserbasyon sumasang-
ayon ako at iba pa. Kung nais mong patunayan ang isang
bagay, maaring gamitin ang lohikal, deduktibo atinduktibo
na paraan. Ang obhektibo at subhektibo naman ay maari
mong gamitin kung gusto mong maglarawan ng isang
bagay.

9 NegOr_Q4_Filipino9_Module4_v2
ISAGAWA

Panuto: Pumili ng isa sa mga isyu. Sumulat ng talata na nagpapahayag ng mga


patunaytungkol sa napiling isyu at ginagamitan din ng mga ekspresyon
sapagpapahayag ng opinyon at paglalarawan.

1. Pagpapaliban ng klase taong 2020-2021.


2. Face to face class.
3. Paggamit ng blended learning na paraan ng pagtuturoOnline class.

Narito ang rubriks na gagamitin sa pagbibigay ng puntos.

RUBRIKS SA PAGSULAT NG TALATA NAGBIBIGAY PATUNAY,


NAGLALARAWAN AT NAGBIBIGAY-OPINYON

Pamantayan 4 3 2 1
Nilalaman Malinaw na Malinaw na Hindi- Hindi malinaw
malinaw na nailalahad gaanong nanailahad ang
nailahad ang angnapiling malinaw na napiling isyu
napiling isyu isyu nailahad ang
napiling isyu
Paggamit ng Lahat ng mga Halos lahat ng Iilan lamang sa Hindi angkop
angkop na salitang mga salitang mga salitang angmga salitang
salitang naglalarawan naglalarawan naglalarawan naglalarawan at
naglalarawan atekspresyon atekspresyon atekspresyon ekspresyon sa
atnagbibigay- sa pagibigay sa pagibigay sa pagibigay pagibigay ng
opinyon ng opinyon ay ng opinyon ay ng opinyon ay opinyon ay
angkop angkop angkop angkop
Mga patunay Lahat ng mga Halos lahat ng Iilan lamang sa Lahat ng mga
tungkol sa patunay ay mga patunay ay mga patunay ay patunay ay hindi
isyu makatotohanan ay makatotoha- hindi makatotohanan
atangkop sa nan at angkop makatotohanan atangkop sa
napiling isyu sanapiling isyu at angkop sa napiling isyu
napiling isyu

Wastong Lahat ng mga Halos lahat ng Marami-rami Halos lahat ng


baybayng mga salita ay tama mga salita ay angmga salitang mga salita ay
salita at gamit ang baybay at tama ang maliang baybay maliang baybay
ng bantas tama ang lahat baybayat tama at ang bantas na at ang bantas na
ngbantas na ang lahat ng ginamit. ginamit.
ginamit bantas na
ginamit.

Kabuuan: 12 puntos

10 NegOr_Q4_Filipino9_Module4_v2
TAYAHIN

I. Panuto: Basahing maigi ang mga sumusunod na pahayag. Piliin ang titik ng
tamang sagot.
1. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang hindi tama tungkol sa
paglalarawan?
A. Ito ay nagbibigay ng malawak at di-tiyak na larawan sa isipan ng
mambabasaat nakikinig.
B. Nakatutulong upang lubusang ipamalas sa nakikinig o bumabasa ang
hugis oanyo ng kabuuan ng isang tao, bagay, o pangyayari.
C. Nangangailangan ito ng mabuting sangkap upang makabuo ng maayos at
malinaw na larawan sa imahinasyon at isipan ng mambabasa.
D. Ito ay may dalawang uri ng paglalarawang ginagamit – karaniwan at
masining.
2. Ang pangunahing layunin nito ang makabuo ng malinaw na larawan sa isipan
ng mambabasa sa pamamagitan ng tiyak na pagdetalye sa katangian ng
inilalarawan.
A. subhektibo B. obhektibo C. masining D. simple
3. Ang ginagamit sa paglalarawan sa uring ito ay ang mga tayutay o
matatalingha- gang pahayag upang maging masining o malikhain ang
paglalarawan.
A. payak B. obhektibo C. masining D. karaniwan

4. Ito ay isang paraang ng pagsisiwalat sa katotohanan.


A. pagsasalaysay C. pagbibigay ng opinyon
B. panghihikayat D. pagpapatunay

5. Alin sa mga sumusunod ang hindi tama tungkol sa pagpapatunay.


A. Layunin nitong punahin ang nakikita sa paligid at magbigay ng sariling
opinyon
B. Ito ay naging daan sa pakikipag-unawaan sa kapwa.
C. Layunin nitong patunayan ang isang palagay o bagay na dapat o di-dapat
paniwalaan o gawin.
D. Ito ay mahalagang matamo ng isang taong nais umangat sa karaniwan.

II. Panuto: Basahing maigi ang mga pahayag. Isulat ang salitang TAMA kung ang
pahayag ay tama at MALI naman kung hindi.

_ 6. Sa paraang lohikal, isinagawa ang estilong pagtutulad o


paghahambing.
_ 7. Ginagamit na batayan ang mga bagay na may pagkakatulad o
pagkakapareho sa paraang patiyak.
11 NegOr_Q4_Filipino9_Module4_v2
_ 8. Sa paraang induktibo, ipinahahayag ang pagpapatunay mula sa maliit
nakaisipan o detalye patungo sa malaking kaisipan.
_ 9. Ang pagbubuo ng mga maliliit na detalye o kaisipan batay sa maraming
kauring kaisipan at hindi lamang iisa.
_10. Sa paraang lohikal, nagsisimula sa malaking kaisipang patungo sa
maliliitna kaisipan.

III. Panuto: Punan ng mga angkop na salita o ekpresyong maaaring gamitin sa


magalang na paglalahad sng sariling pananaw.

11.____________, ang isinasatao ni Crisostomo Ibarra sa nobelang Noli Me


Tangere ay si Dr. Jose Rizal.
12.____________, masasabi kong hindi naging maganda ang resulta kay
Crisostomo Ibarra sa natuklasan tungkol sa pagkamatay ng kanyang ama.
13.____________, ngunit nakaaaliw ang kinikilos ni DOnya Victorina kahit
nagpupumilit siyang magmukhang Kastila.
14.____________, sa ginawang pagdadabog ni Padre Damaso sa harap ng
hapag-kainan ng napunta sa kanya ang isang ulo at isang pakpak sa tinola.
15.____________, tunay ngang sinasalamin ng Noli Me Tangere ang ating
lipunan.

KARAGDAGANG-GAWAIN

Pagkatapos matutuhan ang tungkol sa pagpapatunay at mga


angkop na salita o ekspresyon sa paglalarawan at paglalahad ng opinyon
napagtanto kong ___________________________________________

______________________________________________________________

______________________________________________________________

______________________________________________________________

____________________________________________________________.

12 NegOr_Q4_Filipino9_Module4_v2
SUSI SA PAGWAWASTO

13 NegOr_Q4_Filipino9_Module4_v2
MGA SANGGUNIAN

Badayos, P.B. et al."Komunikasyon sa Akademikong Filipino" Valenzuela City: Mutya


Publishing House, Inc. 2002
Reyes, Lorna T. at Solano, Constancia A. "Noli Me Tangere ni Dr. Jose P. Rizal" Metro
Manila: Vibal Publishing House, Inc. 2002

14 NegOr_Q4_Filipino9_Module4_v2
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Schools Division of Negros Oriental


Kagawasan, Avenue, Daro, Dumaguete City, Negros Oriental

Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117


Email Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Website: lrmds.depednodis.net

You might also like