You are on page 1of 8

8

Filipino 8
Ikaapat na Markahan – Modyul 1
Florante at Laura

Pag-aari ng Pamahalaan

1
HINDI IPINAGBIBILI
Suriin
Ngayon, handa ka na bang alamin ang buhay ni Francisco Balagtas? Tuklasin mo kung ano
ang mga pangyayari sa kanyang
pakikipagsapalaran bilang isang makata.

Gawain 1: Halina’t Magbasa!


Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang kanyang maikling talambuhayT ipagpatuloy ang
pagbasa sa Pagbibigay ng Puna.

Talambuhay ni Francisco Balagtas


Si Francisco Balagtas, ay isang kilalang Pilipinong makata at may-akda. Siya ay
kinikilala bilang “Prinsipe ng Manunulang Tagalog” at itinuturing na William Shakespeare
ng Pilipinas para sa kanyang kontribusyon at impluwensya sa panitikang Pilipino. Ang
sikat na romantikong pag-iibigan ng ika-19 na siglo, ang Florante at Laura, ay ang
kanyang pinakamainam na likha.

Si Francisco Baltazar (na may palayaw na Kikong Balagtas o Kiko) ay isinilang


noong Abril 2, 1788 kina Juana dela Cruz at Juan Balagtas, isang maybahay at isang
panday sa Barrio Panginay, Bigaa (na kilala ngayon bilang Balagtas sa kanyang
karangalan), sa lalawigan ng Bulacan. Siya ang bunso ng kanyang mga kapatid na sina
Felipe, Concha, at Nicholasa. Mahirap na pamilya ang mag-anak na Balagtas ngunit
hindi ito naging sagabal sa pangarap ni Francisco makapag-aral sa Maynila.

Noon, ang mga paring Kastila ang pumipili ng mga guro na magtuturo sa mga
batang lalaki at babae sa lalawigan.Inilalagay sa silong ng kumbento ang mga paaralan
upang masubaybayan ng mga kura ang mga bagay-bagay na itinuturo sa mga bata.
Nag-aral si Francisco sa isang parochial school sa Bigaa kung saan pinag-aralan niya
ang mga panalangin at katekismo, Doctrina Cristiyan, Cartilla, Misterio at Trisagio. Ito
ang sitema ng edukasyon na pinaiiral sa panahon ng Kastila sa mga lalawigan.

Kalaunan, si Francisco ay nagtrabaho bilang houseboy para sa pamilyang


Trinidad sa Tondo, Manila kung saan siya ay pinag-aral ng kanyang tiyahin sa Colegio
de San Jose. Noong 1812, nagtapos siya sa degri ng Crown Law, Spanish, Latin,
Physics, Christian Doctrine, Humanities, at Philosophy. Ang kanyang dalawang dating
guro na si Dr. Mariano Pilapil at José de la Cruz na isang bantog na Tondo Poet ang
nagturo sa kanya kung paano magsulat ng mga tula

Hinamon ni Jose de la Cruz si Balagtas upang mapabuti ang kanyang


pagsusulat, at noong 1835 ay natagpuan niya ang kanyang musa na si Maria Asuncion
Rivera nang lumipat siya sa Pandacan. Nagsalita siya tungkol sa kanya sa Florante sa
Laura bilang ‘Celia’ at ‘MAR’. Naging karibal niya kay Celia ang mayamang si Mariano
Kapule na nagpakulong sa kanya ng walang dahilan.

2
Ang kanyang tula ay nakasulat sa Tagalog bagaman sa panahong iyon, ang
Espanyol ay ang dominanteng wika sa pagsulat sa Pilipinas. Pinalaya si Balagtas mula sa
bilangguan noong 1838 at inilathala niya ang Florante at Laura noong panahong iyon.
Naging katulong siya sa Katarungan ng Kapayapaan nang lumipat siya sa Balanga,
Bataan noong 1840, at pagkatapos ng labing anim na taon ay naging Major Lieutenant at
punong tagasalin ng hukuman.
Dalawang taon matapos niyang makilala si Juana Tiambeng ng Orion, Bataan, sila ay
nagpakasal noong Hulyo 22, 1842. Nagkaroon sila ng labing-isang anak- limang lalaki at
anim na babae. Gayunpaman, pito lamang sa kanila ang nabuhay.
Noong 1849, inutos ni Gobernador-Heneral Narciso Claveria na ang bawat
katutubong Pilipino ay magkaroon ng apelyidong Espanyol. Pagkatapos nito ay naging kilala
si Balagtas bilang Francisco Baltazar. Si Balagtas ay nabilanggo sa ikalawang pagkakataon
noong 1856 nang ipahayag ang reklamo ng isang kasambahay na pinutol niya ang buhok
nito. Siya ay napalaya noong 1860 at ipinagpatuloy ang kanyang pagsusulat ng tula.

Namatay si Balagtas noong Pebrero 20, 1862 sa edad na 74. Ang kanyang huling
hangarin ay walang sinuman sa kanyang mga anak ang sumunod sa kanyang mga yapak sa
takot na sila ay dumaan sa parehong mga paghihirap na kanyang dinanas. Sinabi pa niya na
mainam pang maputol ang kanilang mga kamay kaysa ang mga ito ay maging manunulat.

Si Balagtas ay lubos na pinahahalagahan sa Pilipinas na ang Pilipinong termino para


sa debate gamit ang ekstemporanyong taludtod ay ipinangalan sa kanya: ang balagtasan.
Ipinangalan din ang isang paaralang elementarya sa kanyang karangalan, ang Francisco
Balagtas Elementary School (FBES), na matatagpuan sa kahabaan ng Alvarez Street sa
Santa Cruz, Maynila.

.blogspot.com/2017/08/talambuhay-ni-francisco-balagtas.html

Pagbibigay ng Puna
Batay sa isinagawang pag-aara dito sa talambuhay ni Francisco Balagtas, lumilitaw
na ipinanganak na isang makata si Francisco.Nahigitan pa niya si Joseng Sisiw sapagkat
hindi lamang pagtutugma-tugma ng mga salita nagging mahusay si Francisco kundi sa
paghahanay-hanay ng mga salita’t pangungusap, sa pagkakaroon nito ng matayog na
kaisipan at pagtataglay ng mga matalinghagang pananalita.Mapapatunayan ito sa kanyang
mga akda na sinulat lalo na sa akda niyang “Florante at Laura. Pinatotohanan ng mga anak
ni Francisco sa isang tagsulat ang nahabi nitong tula na walang pinagbabatayang
sanggunian kundi ang talas ng kanyang pag-iisip.

Sa pamamagitan ng akdang” Florante at Laura, naipakita ni Francisco ang


kabuktutan ng mga Kastila sa ating bayan at ang maling pananalampalataya na umiiral
noon na binatikos din ni, Burgos, Rizal,Del Pilar at Lopez Jaena sa kanilang mga isinulat na
akda. Sa ating konstitusyon ngayon magkahiwalay ang kapangyarihan ng simbahan at ng
pamahalaan, di tulad noon na ang dalawa ay iisa ang kapangyarihan at kung
nagkakairingan, ang nasususnod ay ang simbahan.

3
Walang ibang relihiyon na umiiral noon kundi ang Iglesya Katolika Apostolika
Romana. Kinontrol ng simbahan ang mga babasahin na dapat ipalimbag noon at hindi ito
maaaring ipalaganap nang hindi muna magdaraan sa Comision Permenente de
Censura.Sa panahong ito, mapapansin na ang paksa o tema ng mga babasahin ay panay
na nauukol sa pananapalataya.Ang sinumang magbasa ng aklat na walang pahintulot sa
Comision ay itinuturing na nakagawa ng isang kasalanang mortal at nagiging isang
excomulgado pa.

Ang “Florante at Laura” ni Balagtas, na isang awit ay nakalusot sa Comision


Penetente de censura sapagkat tumatalakay ito sa kasaysayan ng isang binyagan at di-
binyagan. Sa akdang ito, ipinakita ni Balagtas na ang mga Moro ay may mabuti ring
kalooban at ang mga Kristiyano ay may mga kahinaan din, nagsisiraan at nagpapatayan
din. Lumihis si Balagtas sa karaniwang babasahin noon na ang mga Moro ay pinalitaw na
masama at ang mga Kristiyano ay pawang mabubuti. Kaya mababasa sa “Florante at
Laura” na lahat ng tawo ay nasasaklaw ng Batas ng Langit.

Nagpapakita rin ito ng mga katotohanang pangyayari at higit sa lahat, ito’y


nagtuturo sa mga mambabasa ng kalagayan ng mga Pilipino sa panahon ng
Kastila. Dagdag pa rito upang imulat sa mga Pilipino kung gaano kalala ang paghahari-
harian ng mga mapang-abusong tao at kung gaano kalaganap ang korapsyon noong unang
panahon.

Kahalagahan sa Pagsulat ng akdang Florante at Laura

Mahalagang pag-aralan ang Florante at Laura sapagkat marami kang mapupulot na


aral ditto. Dito mo rin masasalamin ang mga nangyayari sa mga Pilipino at sa ating
bansang Pilipinas noong unang panahon.
Mahalagang pag aralan ang Florante at Laura sapagkat malalaman mo rin dito ang
tungkol sa relihiyon na hindi lahat ng kristiyano at muslim ay magkaaway.Magkaiba man
sila sa paniniwala pero nagkakasundo naman pagdating sa paggawa ng kabutihan. Iyan ay
pinatunayan nina Florante at ang morong si Aladin.
Matutunan mo rin sa Florante at Laura ang wastong pagpapalaki sa anak na huwag
palakihin sa layaw ang isang bata.
Alamin ito nang tama, huwag pabayaan na laging nakadepende lamang sila sa
magulang. Turuan silang tumayo sa sarili nilang mga paa, para pagdating ng araw ay kaya
nilang mabuhay na mag-isa kahit wala na ang mga magulang sa tabi nila.
Ipinakikita rin dito ang kahalagahan ng pag-aaral.Kailangan ng mga sakripisyo
upang ikaw ay matuto,pero lahat naman ng ito ay iyong pakikinabangan pagdating ng araw,
Matututunan mo rin dito ang kahalagahan ng pagkakaibigan. Ang tunay na kaibigan
ay laging nandiyan sa tabi mo at di ka iiwan kahit anong mangyari.Lagi ka niyang
ipagtatanggol.
Matutunan dito ang tunay na pag-ibig na gagawin ang lahat para sa taong iyong
pinakamamahal. Handa kang magsakripisyo masigurado mo lang na ligtas ang taong
minamahal mo.

4
Ang Florante at Laura ay nahahati sa tatlong bahagi:

1. Paghahandog sa babaeng nagpatibok sa puso ni Balagtas na nagbibigay rin


ng kasawian.
2. Bahaging patungkol sa mambabasa.

3. Pinaka simula ng awit

Kabilang si Balagtas sa mga manunulat na naghimagsik laban sa mga


Kastila.Ayon kay Lope K. Santos, may Apat na himagsik si Balagtas. Ito ang mga
sumusunod:

1. Himagsik laban sa maling kaugalian o maling pagpapasunod sa anak.


2. Himagsik laban sa maling pananampalataya.
3. Himagsik laban sa mababang uri ng panitikan.
4. Himagsik laban sa masamang pamahalaan.

Gawain 4:2. Kahalagahan ko, i-tsek mo!

Panuto: Lagyan ng tsek ( √ ) ang patlang sa bawat bilang kung ito ang kahalagahan ng
pag-aaral ng Florante at Laura ayon sa akda.

_______1. Naipakita ni Francisco ang kabuktutan ng mga Kastila sa ating bayan at


ang maling pananalampalataya
_______2. Ipinakita ni Balagtas na ang mga Moro ay may mabuti ring kalooban at
ang mga Kristiyano ay may mga kahinaan din, nagsisiraan at
nagpapatayan din
_______3. Mababasa sa “Florante at Laura” na lahat ng tawo ay nasasaklaw ng
Batas ng Langit.
_______4. Ang paksa o tema ng mga babasahin ay panay na nauukol sa
pananampalataya
_______6. Matututunan mo rin dito ang kahalagahan ng pagkakaibigan. Ang tunay
na kaibigan ay laging nandiyan sa tabi mo at di ka iiwan kahit anong
mangyari.Lagi ka niyang ipagtatanggol.
_______7. Naging karibal niya kay Celia ang mayamang si Mariano Kapule na
nagpakulong sa kanya ng walang dahilan.
_______8. Ang kanyang dalawang dating guro na si Dr. Mariano Pilapil at José de la
Cruz na isang bantog na Tondo Poet ang nagturo sa kanya kung paano
magsulat ng mga tula
_______9. Sa ating konstitusyon ngayon magkahiwalay ang kapangyarihan ng
simbahan at ng pamahalaan, di tulad noon na ang dalawa ay iisa ang
kapangyarihan at kung nagkakairingan, ang nasususnod ay ang
simbahan.
_______10. Ipinakikita rin dito ang kahalagahan ng pag-aaral.Kailangan ng mga
sakripisyo upang ikaw ay matuto,pero lahat naman ng ito ay iyong
pakikinabangan pagdating ng araw

5
Isaisip

Gawain 5.1: Tanong ko, ipaliwanag mo!

Panuto: Upang mas mapalalim pa ang iyong kaalaman tungkol kay Francisco Baltazar,
ipaliwanag ang iyong sagot sa bawat bilang.

1. Bakit nakulong sa ikalawang pagkakataon si Kiko?


______________________________________________________

2. Ilarawan ang kalagayan sa buhay ng mag-anak na Balagtas.

3. Ilahad ang sistema ng edukasyon noon na ipinaiiral ng mga paring Kastila?

4. Paano nakapagpatuloy ng kanyang pag-aaral sa Maynila si Kiko?

5. Magbigay ng isang mungkahi kung paano maaaring makapagtapos ng pag-aaral ang


isang batang mahirap.
________________________________________________________
Susi ng Pagwawasto

6
7
8

You might also like