You are on page 1of 8

8

Filipino 8
Ikaapat Markahan – Modyul 4
Florante at Laura

alaa
n
I LI
ah
am B IB
AG
P
ng
ri N
1 g-a
a
P I
Pa I I
N D
HI
Aralin Leksyon 6: Dalawang Uri ng
4 Ama

Alamin

Para sa Mag-aaral
Tungkol saan ang modyul na ito?
Alam mo ba na may iba’t ibang uri ng ama? Gusto mo bang malaman kung ano ano ang
mga ito? Kung gusto mo, paano mo siya tatanggapin?
Ang modyul na ito ay naglalaman ng Leksyon 6: Dalawang Uri ng Ama. Ito ay magagamit
natin sa pagkakaroon ng kaalaman kung anong uri ng ama mayroon tayo. Makatutulong din
ito sa paghubog sa inyong pagkatao kung paano ninyo maiintindan ang mga ikinikilos at
ginagawa ng inyong ama para sa iyo at sa inyong pamilya.

Tuklasin

Alam mo ba na mayroong iba-ibang paraan ang mga tao sa pagharap sa mga


pagsubok sa buhay? Para sa iba ito ay nagsisilbing gabay nila sa pagtamo ng magandang
hinaharap. Sa mga mag-aaral na katulad mo, ang karaniwang pagsubok sa buhay ay kung
papaano makahabol sa “deadlines” ng iyong mga proyekto. Kung minsan ang dahilan ng
pagkakaroon ng mga pagsubok ay upang matugunan ang pangangailangan sa pag-aaral
bilang bahagi sa pagtatamo ng kasanayan

Gawain 3: Kwento Mo, Isulat Mo!


Panuto: Isulat sa patlang ang iyong sagot.

Paano mo hinaharap ang mga pagsubok na dumarating sa iyong buhay?


__
______________
__
__
____________________

1
Suriin

Gawain 4: Halina’t Magbasa!


Ihanda ang sarili na tumuklas ng isang bago at makabuluhang aralin. Hayaang
mahasa ang iyong kakayahan sa panitikan. Kung kaya simulan na natin ang pag-aaral.

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na mga saknong.

Aralin 6: Dalawang Uri ng Ama

May mga magulang na pinaghahandaan ang kinabukasan ng kanilang mga anak.


Sa kabilang dako, may mga magulang din na pabaya sa kanilang mga anak kaya
napapariwara ang buhay ng mga ito.
Tuklasin sa araling ito kung anong uri ng mga magulang ang inilarawan ng makata
sa tula.
69
Nagkataong siyang pagdating sa gubat 74
ng isang gererong bayani ang tikas, Malaoý humilig, nagwalang-bahala,
putong na turbante ay kalingas-lingas di rin kumakati ang batis ng luha;
pananamit Moro sa Persyang siyudad. sa madlang himutok ay kasalamuha
ang wikang, “Fleridaý tapos na ang tuwa!”
70
Pinigil ang lakad at nagtanaw-tanaw, 75
anakiý ninitang pagpapahingahan, Sa baling sandal ay sinasabugan
di kaginsa-ginsaý ipinagtapunan yaong buong gubat ng maraming “Ay! Ay!”
ang pika’t adarga’t nagdaop ng kamay. na nakikitono sahuning mapanglaw
ng panggabing ibong dooý nagtatahanan,
71
Saka tumingala’t mataý itinirik 76
sa bubong ng kahoy na takip sa langit, Mapamaya-mayaý nagbangong nagulat,
estatuwa manding nakatayo’t umid, Tinangnan ang pika’t sampu ng kalasag;
ang butonghininga niyaý walang patid Nalimbag sa mukha ang bangis ng furias
“Di ko itutulot!” ang ipinahayag.
72
Nang magdamdam-ngawit sa pagayong- 77
anyo, “At kung Fleridaý iba ang umagaw
sa puno ng isanng kahoy ay umupo, at di ang ama kong dapat na igalang,
nagwikang “O palad!” sabay ang pagtulo hindi ko masabi kung ang piking tangaý
sa mata ng luhang anakiý palaso. bubuga ng libo’t laksang kamatayan!
73
Uloý ipinatong sa kaliwang kamay 78
at saka tinutop ang noo ng kanan; “Bababa si Marte mula sa itaas
anakiý mayroon ginugunamgunam, sa kaylalimaý aahon ang Parcas;
isang mahalagang nalimutang bagay. buong galit ila ay ibubulalas,
yayakagin niring kamay kong marahas!

79
2
“Sa kuko ng liloý aking aagawin “Kung sa gunita koý pagkuru-kuruin
ang kabiyakniring kaluluwang angkin; ang pagkahulog mo sa kamay ng taksil,
liban na kay ama, ang sinuma’t alin parang nakikita ang iyong narrating . . .
ay di igagalang ng tangang patalim. parusang marahas na kalagim-lagim.

80 89
“O, pagsintang labis ng kapangyarihan, “At alin ang hirap na di ikakapit
sampung mag-amaý iyong nasasaklaw; sa iyo ng Konde Adolfong malupit?
pag ikaw ang nasok sa puso ninuman, ikaw ang salamin – sa Reyno – ng bait,
hahamaking lahat masunod ka lamang! pagbubuntunan ka ng malaking galit.

81 90
“At yuyurakan na ang lalong dakila— “Katawan mo amaý parang namamalas
bait, katuwiraý ipanganganyaya; ngayon ng bunso mong lugami sa hirap;
buong katungkulaý wawal-ing-bahala, pinipisan-pisan at iwinawalat
sampu ng hiningaý ipauubaya. ng pawa ring lilo’t berdugo ng sukab.

82 91
”Itong kinaratnan ng palad kong linsil “Sampu ng lingcod mo’t mga kaibigan
salaming malinaw na sukat mahalin kung kampi sa liloý iyo nang kaaway;
ng makatatatap, nang hindi sapitin ang di nagsaiyoý natatakot namang
ang kahirapan kong di makayang bathin.” bangkay moý ibao’t mapaparusahan.

83 92
Sa mawika ito luhaý pinaagos, “Hanggang dito, amaý aking naririnig,
pikaý isinaksak saka naghimutok; nang ang iyong uloý itapat sa kalis;
nagkataon naming parang isinagot ang panambitan mo’t dalangin sa Langit,
ang buntunghininga niyaong nagagapos. na akoý maligtas sa kukong malupit.

84 93
Gereroý namangha nang itoý marinig, “Ninanasa mo pang akoý matabunan
pinagbaling-baling sa gubat ang titig; ng bangkay sa gitna ng pagpapatayan,
nang walang makitaý hinintay umulit, nang huwag mahulog sa panirang kamay
di man nalaoý nagbagong humibik. ng Konde Adolfong higit sa halimaw.

85 94
Ang bayaning Moroý lalo nang namaang, “Panalangin moý di pa nagaganap,
“Sinong nananaghoy sa ganitong ilang?” sa liig moý biglang nahulog ang tabak;
lumapit sa dakong pinanggagalingan nasnaw sa bibig mong huling
ng buntunghininga’t pinakamatyagan. pangungusap
ang Adiyos bunso’t buhay moý lumipas.
86
Inanbutan niyaý ang ganitong hibik: 95
“Ay, mapagkandiling amang iniibig! “Ay, amang ama ko! kung
bakit ang buhay moý naunang napatid, nagunamgunam –
akoý inulila sa gitna ng sakit? madla mong pag-irog at pagpapalayaw,
ipinapalaso ng kapighatian –
luha niring pusong sa mataý nunukal.

87 96

3
“Walang ikalawang ama ka sa lupa 101
sa anak na kandong ng pag-aaruga; “Kung ang walang patid na ibinabaha
ang munting hapis kong sumungaw sa ng mga mata koý sa hinayang mula –
mukha, sa mga palayaw ni ama’t aruga –
sa habag moý agad nanalong ang luha. malaking palad ko’t matamis na luha.

97 102
“Ang lahat ng tuwaý natapos sa akin, “Ngunit ang nanahang maralitang tubig . ..
sampu niring buhay ay naging hilahil; sa mukha’t dibdib kong laging dumidilig,
ama koý hindi na malaong hihintin kay ama nga galing datapuwa’t sa bangis,
akoý sa payapang bayaý yayakapin.” hindi sa andukha at pagtatangkilik.

98 103
Sandaling tumigil itong nananangis, “Ang matatawag kong palayaw sa akin
binigyang-panahon luhaý tumagistis ng ama koý itong akoý pagliluhin,
niyong naaawang Morong nakikinig, agawan ng sinta’t pagnasa-nasaing
sa habag ay halos magputok ang dibdib. lumubog sa dusa’t buhay koý makitil.

104
99 “May para kong anak na napanganyaya,
Tinutop ang puso at saka nagsaysay, ang layaw sa amaý dusa’t pawing luha?
“Kailan,” aniya, “luha koý bubukal Hindi nakalasap kahit munting tuwa
ng habag kay ama at panghihinayang sa masintang inang pagdakaý nawala.”
para ng panaghoy ng nananambitan?

100
“Sa sintang inagaw ang itinatangis,
dahilan ng aking luhang nagbabatis;
yaoý nananaghoy dahil sa pag-ibig
sa amang namatay na mapagtangkilik.

Isagawa
Panuto: Pumili ng isang saknong sa itaas na nagpapahayag ng pinakamasaklap na
pangyayari sa buhay ng isang anak sa piling ng kanyang ama. Ipaliwanag/Patunayan ang
iyong sagot at isulat ito sa iyong sagutang papel.

_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_____________________________________________.

4
Ang tayutay, o figures of speech sa wikang Ingles, ay ang mga salitang ginagamit upang
gawing makulay, matalinghaga, kaakit-akit, at mabisa ang isang pahayag.
Ano ang mga uri at halimbawa ng tayutay?

A. Pag-uugnay o Paghahambing
1. Simili o Pagtutulad (Simile)
Ito ay nagpapakita ng pagtutulad ng dalawang magkaibang bagay sa
pamamagitan ng mga katagang tila, kagaya, kasing-, sing-, ga-, katulad,
anakiý, animo, para, parang, para ng, kawangis ng, gaya ng, at iba pang mga
kauring kataga.
Halimbawa:
“Siya ay katulad ng kanyang amang mapagpapatawad.”

2. Metapora o Pagwawangis (Metaphor)


Ito ay tiyak na paghahambing ngunit hindi na ginagamitan ng pangatnig
ginagamitan ng mga katagang kagaya, katulad at mga kauri.
Halimbawa:
“Ang mga mata ni Oscar ay bituing nagniningning sa kalangitan.”

3. Pagpapalit-saklaw (Synecdoche)
Ito ay nagbabanggit sa isang bahagi o konsepto ng kaisipan upang tukuyin
ang kabuuan. Maaari rin na ang kabuuan ay katapat ng isang bahagi.
Halimbawa:
“Libu-libong tao ang umaasa saýo.”

B. Paglalarawan
1. Pagmamalabis o Eksaherasyon (Hyperbole)
Ito ay lubhang pinapalabis o pinapakulang ang kalagayan o katayuan ng
isang tao, bagay, pangyayari, kaisipan, damdamin at iba pang katangian. Ito
rin ay gumagamit ng eksaherasyon.
Halimbawa:
“Nagliliyab sa galit si Jose dahil sa napaslang nitong kalabaw.”

2. Apostrophe o Pagtawag (Apostrophe)


Ito ay ang pakikipag-usap sa isang karaniwang bagay na para bang ito ay
isang buhay na tao na malayo o naroon at kaharap gayong wala naman.
Halimbawa:
“Ulan, kami ay lubayan ngayong araw.”

3. Eksklamasyon o Pagdaramdam (Exclamation)


Ito ay isang pagpapahayg o paglalabas ng matinding damdamin.
Halimbawa:
“Isa kang salot sa ating lipunan!”

4. Paradoks o Paradoha (Paradox)

5
Ito ay ang paglalahad ng pagsalungat sa karaniwan na kalagayan o
pangyayari ngunit kung masusing iisipin ay nagpapahayag ito ng
katotohanan.
Halimbawa:
“Kung sino pa ang matanda ay siya pang parang bata.”

5. Oksimoron o Pagtatambis (Oxymoron)


Ito ay nagtataglay ng mga salitang nagsasalungatan upang lalong
mapatingkad o mapansin ang bias ng pagpapahayag.
Halimbawa:
“Ang batang malungkott ay sumaya nang Mmakita ang kanyang
magulang.”

C. Pagsasalin ng Katangian
1. Personipikasyon o Pagtatao (Personification)
Ito ay ginagamit upang bigyang-buhay ang mga bagay sa pamamagitan ng
mga salitang nagsasaad ng kilos.
Halimbawa:
“Lumuluha na naman ang mga ulap.”

D. Pagsasatunog
1. Paghihimig o Onomatopeya (Onomatopoeia)
Ito ang pagpapahiwatig ng ma kahulugan gamit ang tunog o himig ng mga
salita.
Halimbawa:
“Dumagundong sa buong gusali ang lakas ng kulog kagabi.”

2. Aliterasyon o Pag-uulit (Alliteration)


Ito ay pag-uulit ng mga salita o parirala upang bigyang-diin ang isang
pahayag.
Halimbawa:
“Malaya na ang Pilipinas! Malaya laban sa mga umaalipusta. Malaya
sa mga kadenang gumagapos.”

(https://gabay.ph/tayutay/

Isagawa
Performance Task

Gawain 7: Maging Makata!

Buksan ang iyong isipan at gamitin ang kaalamang natutuhan upang maisagawa ang
gawaing itinakda.
Panuto: Sumulat ng isang saknong ng tula na may apat na tuludtod,may sukat at tugma na
may temang pag-ibig. Gumamit ng ilang tayutay sa pagbuo ng iyong tula.

6
PAMANTAYAN
20 Puntos 15 Puntos 10 Puntos 5 Puntos
Ang tulang Ang tulang Ang tulang nabuo Ang tula ay di
nabuo ay talaga nabuo ay ay bahagyang naging
ng organisado, organisado, organisado, maingat organisado, hindi
maingat na maingat na na naisulat nang maayos ang
naisulat,talagan naisulat, may bahagayang pagkakasulat,
g malikhain, malikhain, kaingatan, hindi malikhain,
wasto at wasto at bahagyang hindi wasto at
talagang angkop sa malikhain, may hindi angkop sa
naangkop sa napiling tema. kawastuhan at napiling tema.
napiling tema. bahagyang may
kaangkupan sa
napiling tema.

You might also like