You are on page 1of 36

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO

GRADO 8
IKAAPAT NA MARKAHAN
ARALIN 4.5
Panitikan : Florante at Laura
a. Ang Pagdating ng Moro sa Gubat
b. Paghahambing sa Dalawang Ama Sak-
c. Sa Harap ng Panganib nong
d. Ang Pagtatagumpay ng Bagong Marte 69-
e. Habag ng Moro 205
f. Ang Paglingap ng Persyano
Bilang ng Sesyon: 8

MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO SA BAWAT DOMAIN

PAG-UNAWA SA NAPAKINGGAN (PN) F8PN-IVd-e-35


 Nasusuri ang mga katangian at tono ng akda batay sa napakinggang
mga bahagi
PAG-UNAWA SA BINASA (BN) F8PB-IVd-e-35
 Naipaliliwanag ang sariling saloobin/impresyon tungkol sa
mahahalagang mensahe at damdaming hatid ng akda
PAGLINANG NG TALASALITAAN (PT) F8PT-IVd-e-35
 Nabibigyang-kahulugan ang mahihirap na salitang mula sa aralin batay
sa denotatibo at konatatibong kahulugan
PANONOOD (PD) F8PD-IVd-e-35
 Naibabahagi ang nadarama matapos mapanood ang isang music video
na may temang katulad ng aralin
PAGSASALITA (PS) F8PS-IVd-e-37
 Nabibigkas nang madamdamin ang mga sauladong berso ng Florante
at Laura-gladys
PAGSULAT (PU) F8PU-IVd-e-37
 Naisusulat ang ilang saknong tungkol sa pag-ibig sa anyo ng isang
makabuluhang tula
WIKA AT GRAMATIKA (WG)F8WG-IVd-e-37
 Nalalapatan ng himig ang isinulat na orihinal na tula na may tamang
anyo at kaisahan.

Ikaapat na Markahan | 85
TUKLASIN
I. LAYUNIN

PAGSASALITA (PD) F8Pd-IVd-e-35


 Naihahambing ang nadarama matapos mapanood ang isang music
video na may temang katulad ng aralin.

II. PAKSA

Panitikan : Florante at Laura


a. Ang Pagdating ng Moro sa Gubat
b. Paghahambing sa Dalawang Ama
Wika : Tula
Kagamitan : laptop, projector, mga pantulong na biswal, aklat ng
Florante at Laura, Pinagyamang Pluma 8
Bilang ng Araw: 2 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

1. Gawaing Rutinari
 Panalangin at Pagbati
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik-aral

2. Presentasyon ng Aralin
Panitikan : Florante at Laura
a. Ang Pagdating ng Moro sa Gubat
b. Paghahambing sa Dalawang Ama

3. Pagbuo ng Pokus na Tanong


Mungkahing Estratehiya : AKLAT NG KATANUNGAN

tanong tanong tanong

Ikaapat na Markahan | 86
Pokus na Tanong ng Aralin 4.5
 Bakit mahalaga ang pagtulong sa mga nangangailangan nang walang
hinihinging kapalit?
 Paano nakatutulong ang tula sa pagpapahayag ng damdamin o saloobin
ng tao?

4. Motibasyon
A. Mungkahing Estratehiya : NOW SHOWING
Panonood ng Music Video ng FPJ “Ang Probinsiyano” theme song
“Huwag ka Nang Umiyak” ni Gary Valenciano.

Gabay na Tanong:
Batay sa mensaheng dala ng awiting pinakinggan o pinanood,
paano nga ba dapat harapin ang mga problema,suliranin o
pagsubok?

 Pag-uugnay ng gawain
 Pagpapabasa ng “Ang Pagdating ng Moro sa Gubat”
saknong(69-79) at “Paghahambing sa Dalawang
Ama”(saknong 80-106)

ANG PAGDATING NG MORO SA GUBAT

69
Nagkataong siyang pagdating sa gubat
ng isang gererong bayani ang tikas,
putong na turbante ay kalingas-lingas
pananamit moro sa Persyang siyudad.

Ikaapat na Markahan | 87
70
Pinigil ang lakad at nagtanaw-tanaw,
anaki'y ninitang pagpapahingahan,
di kaginsa-ginsa'y ipinagtapunan
ang pika't adarga't nagdaop ng kamay.

71
Saka tumingala't mata'y itinirik
sa bubong ng kahoy na takip sa Langit,
istatuwa manding nakatayo'y umid,
ang buntunghininga niya'y walang patid.

72
Nang magdamdam-ngawit sa pagayong anyo,
sa puno ng isang kahoy ay umupo,
nagwikang "O palad!" sabay ang pagtulo
sa mata ng luhang anaki'y palaso.

73
Ulo'y ipinatong sa kaliwang kamay
at saka tinutop ang noo ng kanan;
isang mayroong ginugunamgunam--
isang mahalagang nalimutang bagay.

74
Malao'y humilig, nagwalang-bahala,
di rin kumakati ang batis ng luha;
sa madlang himutok ay kasalamuha
ang wikang: "Flerida'y tapos na ang tuwa!"

75
Sa balang sandali ay sinasabugan
yaong buong gubat ng maraming "Ay! Ay!"
na nakikitono sa huning mapanglaw
ng panggabing ibong doo'y nagtatahan.

76
Pamaya-maya'y nabangong nagulat,
tinangnan ang pika't sampu ng kalasag;

Ikaapat na Markahan | 88
nalimbag sa mukha ang bangis ng furias--
"Di ko itutulot!" ang ipinahayag.

77
"At kung kay Flerida'y iba ang umagaw
at di ang ama kong dapat na igalang,
hindi ko masabi kung ang pikang tangan--
bubuga ng libo't laksang kamatayan!

78
"Bababa si Marte mula sa itaas
at kailalima'y aahon ang Parcas;
ang buntunghininga niya'y walang patid.

79
"Sa kuko ng lilo'y aking aagawin
ang kabiyak niring kaluluwang angkin;
liban na kay ama, ang sinuma't alin
ay di igagalang ng tangang patalim.

PAGHAHAMBING SA DALAWANG AMA

80
"O, pagsintang labis ng kapangyarihan,
sampung mag-aama'y iyong nasasaklaw;
pag ikaw ang nasok sa puso ninuman,
hahamaking lahat masunod ka lamang!

81
"At yuyurakan na ang lalong dakila--
bait, katuwira'y ipanganganyaya;
buong katungkula'y wawal-ing-bahala,
sampu ng hininga'y ipauubaya.

82
"Itong kinaratnan ng palad ko linsil
salaming malinaw na sukat mahalin

Ikaapat na Markahan | 89
ng makatatatap, nang hindi sapitin
ang kahirapan kong di makayang bathin."

83
Sa mawika ito luha'y pinaagos,
pika'y isinaksak saka naghimutok;
nagkataon namang parang isinagot
ang buntunghininga niyaong nagagapos.
Paghahambing sa Dalawang Ama

84
Gerero'y namangha nang ito'y marinig,
pinagbaling-baling sa gubat ang titig;
nang walang makita'y hinintay umulit,
di man nalao'y nagbangong humibik.

85
Ang bayaning Moro'y lalo nang namaang,
"Sinong nanaghoy sa ganitong ilang?"
lumapit sa dakong pinanggagalingan
ng buntunghininga't pinakimatyagan.

86
Inabutan niya'y ang ganitong hibik:
"Ay, mapagkandiling amang iniibig!
bakit ang buhay mo'y naunang napatid,
ako'y inulila sa gitna ng sakit?

87
"Kung sa gunita ko'y pagkuru-kuruin
ang pagkahulog mo sa kamay ng taksil,
parang nakikita ang iyong narating...
parusang marahas na kalagim-lagim.

88
"At alin ang hirap na di ikakapit
sa iyo ng Konde Adolfong malupit?
ikaw ang salamin - sa Reyno - ng bait,
pagbubuntunan ka ng malaking galit.

Ikaapat na Markahan | 90
89
"Katawan mo ama'y parang namamalas
ngayon ng bunso mong lugami sa hirap;
pinipisan-pisan at iwinawalat
ng pawa ring lilo'y berdugo ng sukab.

90
"Ang nagkahiwalay na laman mo't buto,
kamay at katawang nalayo sa ulo,
ipinaghagisan niyong mga lilo
at walang maawang naglibing na tao.

91
"Sampu ng lingkod mo't mga kaibigan
kung kampi sa lilo'y iyong nang kaaway;
ang di nagsiayo'y natatakot namang
bangkay mo'y ibao't mapaparusahan.

92
"Hanggang dito ama'y aking naririnig,
nang ang iyong ulo'y itapat sa kalis;
ang panambitan mo't dalangin sa Langit,
na ako'y maligtas sa kukong malupit.

93
"Ninanasa mo pang ako'y matabunan
ng bangkay sa gitna ng pagpapatayan,
nang huwag mahulog sa panirang kamay
ng Konde Adolfong higit sa halimaw.

94
"Pananalangin mo'y di pa nagaganap,
sa liig mo'y biglang nahulog ang tabak;
nasnaw sa bibig mong huling pangungusap
ang Adiyos bunso't buhay mo'y lumipas.

95
"Ay, amang ama ko! kung nagunamgunam--
madla mong pag-irog at pagpapalayaw,

Ikaapat na Markahan | 91
ipinapalaso ng kapighatian--
luha niring pusong sa mata'y nunukal.

96
"Walang ikalawang ama ka sa lupa
sa anak na kandong ng pag-aaruga;
ang munting hapis kong sumungaw sa mukha,
sa habag mo'y agad nanalong ang luha.

97
"Ang lahat ng tuwa'y natapos sa akin,
sampu niring buhay ay naging hilahil;
ama ko'y hindi na malaong hihintin
ako't sa payapang baya'y yayakapin."

98
Sandaling tumigil itong nananangis,
binigyang-panahon luha'y tumagistis
niyong naawang morong nakikinig...
sa habag ay halos magputok ang dibdib.

99
Tinutop ang puso at saka nagsaysay,
"Kailan," aniya, "luha ko'y bubukal
ng habag kay ama at panghihinayang
para ng panaghoy ng nananambitan?

100
"Sa sintang inagaw ang itinatangis,
dahilan ng aking luhang nagbabatis;
yao'y nananaghoy dahil sa pag-ibig
sa amang namatay na mapagtangkilik.

101
"Kung ang walang patid na ibinabaha
ng mga mata ko'y sa hinayang mula--
sa mga palayaw ni ama't aruga--
malaking palad ko't matamis na luha.

Ikaapat na Markahan | 92
102
"Ngunit ang nanahang maralitang tubig...
sa mukha't dibdib kong laging dumidilig,
kay ama nga galing datapuwa't sa bangis,
hindi sa andukha at pagtatangkilik.

103
"Ang matatawag kong palayaw sa akin
ng ama ko'y itong ako'y pagliluhin,
agawan ng sinta't panasa-nasaing
lumubog sa dusa't buhay ko'y makitil.

104
"May para kong anak na napanganyaya,
ang layaw sa ama'y dusa't pawang luha?
hindi nakalasap kahit munting tuwa
sa masintang inang pagdaka'y nawala!"

105
Napahinto rito'y narinig na muli
ang pananambitan niyong nakatali,
na ang wika'y "Laurang aliw niring budhi,
paalam ang abang kandong ng pighati."

106
"Lumagi ka nawa sa kaligayahan,
sa harap ng di mo esposang katipan;
at huwag mong datnin yaring kinaratnan
ng kasing nilimot at pinagliluhan.

Sanggunian: www.florante_laura/blogspot.com

ANALISIS

1. Matapos mabasa ang akda,ano ang damdaming naghari sa inyo?

2. Ibigay ang mensaheng nais iparating ng saknong 79 “O, pagsintang


labis ng kapangyarihan sampung mag-ama’y iyong nasasaklaw pag
ikaw ang nasok sa puso ninuman, hahamaking lahat masunod ka
lamang”?

Ikaapat na Markahan | 93
3. Kung ihambing mo ang iyong ama,kanino mo siya ihahalintulad,sa
ama niFlorante o sa ama ni Aladin?

4. Bakit dapat maging huwaran ang isang ama sa kanyang anak/mga


anak?

ALAM MO BA NA…
Ang isang ama ay sinasabing haligi ng tahanan,may paninindigan sa
sarili at nagsisilbing huwaran ng pamilya.
Makikilala mo sa araling ito si Aladin,isang gererong Moro at prinsipe
ng Persya na dumating sa kagubatanng kinaroroonan ni Florante dala rin ng
isang problema.Inagawng sariling amang si Sultan Ali-Ad ang pinakamamahal
niyang siFlerida subalit sa halip na gantihan ang amang nang-agaw sa
kanyang kasintahan ay minabuti niyang maglagalag na lang sa
kagubatan.Malaki ang kanyang paggalang sa ama kaya’t masakit man sa
kalooban ay siya naang nagparaya.
Narinig ni Aladin ang mga panaghoy ni Florante. Hinanap at nakita niya
ang binata subalit hindi niya agad nilapitan sa Florante.Binanggit ni Florante
ang kahabag-habag na pagkamatay ng pinakamamahal na amang si Duke
Briseo sa kamay ni Adolfo.Isa-isa ring binalikan ni Florante ang pagmamahal,
kabutihan at kabaitan ng kanyang ama.
Pagkatapos nito’y si Aladin naman ang nakaalala sa kanyang
ama.Kabaliktaran ng kanyang amang si Sultan Ali-Abad ang ama ni
Florante.Naging malupit ang kanyang ama.Hindi tulad ni Florante pawang
kalungkutan at pagdurusa ang naranasan ni Aladin sa piling ng ama.

ABSTRAKSYON
Mungkahing Estratehiya:Kahon ng Pag-asa
Isulat sa loob ng kahon ng regalo ang nais mong iparating na mensahe sa
iyong ama.

Ikaapat na Markahan | 94
APLIKASYON
Panunood ng Music Video “Aking Ama” ni Lil Coli

Ano ang iyong


nadarama
pagkatapos
mapanood ang music
video?

Sanggunian: Youtube August 18, 2012

IV. KASUNDUAN
1. Bilang isang anak, ano-ano ang mga bagay na kayang mong
isakripisyo para sa inyong magulang?

2. Basahin ang aralin 11 “Sa Harap ng Panganib” ph.70-72 sa aklat


na Florante at Laura.

Ikaapat na Markahan | 95
LINANGIN
I. LAYUNIN

PAG-UNAWA SA NAPAKINGGAN (PN) F8PNd-e-35


 Nasusuri ang mga katangian at tono ng akda batay sa napakinggang mga
bahagi.

PAG-UNAWA SA BINASA (PN) F8PB-IVd-e-35


 Naipaliliwanag ang sariling saloobin / impresyon tungkol sa
mahahalagang mensahe at damdaming hatid ng akda.

PAGLINANG NG TALASALITAAN (PT) F8PT-IVd-e-35


 Nabibigyang - kahulugan ang mahihirap na salitang mula sa aralin batay
sa denotatibo at konotatibong kahulugan.

II. PAKSA

Panitikan : Florante at Laura


Sa Harap ng Panganib saknong (106-124)
Ang Pagtatagumpay ng Bagong Marte(Saknong 125-
143 )
Wika : Tula
Kagamitan : Pinagyamang Pluna 8,aklat ng Florante at
Laura ,pantulong na biswal at mga larawan
Bilang ng Araw: 1

III. PROSESO NG PAGKATUTO

1. Gawaing Rutinari
 Panalangin at Pagbati
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik-aral

2. Presentasyon ng Aralin
Florante at Laura
Sa Harap ng Panganib saknong (107-124)
Ang Pagtatagumpay ng Bagong Marte (Saknong 125- 143)

Ikaapat na Markahan | 96
AKTIBITI
3. Motibasyon
Mungkahing Estratehiya : A MINUTE TO WIN IT!
Paunahan ang bawat kalahok sa pagbuo ng larawang ginupit
tungkol kay Florante sa harap ng panganib sa dalawang leon; kung
sino ang mahuhuli sa pagdikit nito sa pisara ang siyang
mailiminate.

 Pag-uugnay sa aralin.

4. Paglinang ng Talasalitaan
Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod na salita na may
salungguhit sa pariralasa denotatibo at konotatibong pakahulugan.

Mga parirala Denotasyon Konotasyon


1.kung nagbangis ka Nagtaksil traydor
man at nagsukab sa akin
2.sa kaawa-awang nagdadala nasakop
kinubkob ng hirap
3.ang tinatangisang giliw Iniiyakan pighati
na nagsukab
4.Moro’y di tumugot Di tumigil di pumayag
hanggan di nasapit
5.namangha nman ang nagugulat humahanga
magandang kiyas

 Pagpapabas sa saknong 107-141

Ikaapat na Markahan | 97
SA HARAP NG PANGANIB

107
"Kung nagbangis ka ma't nagsukab sa akin,
mahal ka ring lubha dini sa panimdim
at kung mangyayari hanggang sa malibing,
ang mga buto ko, kita'y sisintahin."
Sa Harap ng Panganib
108
Di pa natatapos itong pangungusap,
may dalawang leong hangos ng paglakad,
siya'y tinutungo't pagsil-in ang hangad,
ngunit nangatigil pagdating sa harap.

109
Nangaawa mandi't nawalan ng bangis
sa abang sisil-ing larawan ng sakit;
nangakatingala't parang nakikinig
sa di lumilikat na tinangis-tangis.

110
Anong loob kaya nitong nagagapos,
ngayong nasa harap ang dalawang hayop,
na ang balang ngipi't kuko'y naghahandog--
isang kamatayang kakila-kilabot!

111
Di ko na masabi't luha ko'y nanatak,
nauumid yaring dilang nangungusap;
puso ko'y nanlambot sa malaking habag
sa kaawa-awang kinubkob ng hirap.

112
Sino'y di mahapis na may karamdaman
sa lagay ng gapos na kalumbay-lumbay;
lipos ng pighati saka tinutunghan
sa laman at buto niya ang hihimay!

Ikaapat na Markahan | 98
113
Katiwala na nga itong tigib-sakit
na ang buhay niya'y tuntong na sa guhit;
nilagnat ang puso't nasira ang boses,
di na mawatasan halos itong hibik.

114
"Paalam, Albanyang pinamamayanan
ng kasam-at lupit, bangis, kaliluhan;
akong tanggulan mo'y kusa mang pinatay,
sa iyo'y malaki ang panghihinayang.

115
"Sa loob mo nawa'y huwag mamilantik
ang panirang talim ng katalong kalis;
magka-espada kang para nang binitbit
niring kinuta mong kanang matangkilik.

116
"Kinasuklaman mo ang pangako--
sa iyo'y gugulin niniyak kong dugo;
at inibig mo pang hayop ang magbubo
sa kung itanggol ka'y maubos tumulo.

117
"Pagkabata ko na'y walang inadhika
kundi paglilingkod sa iyo't kalinga;
di makailan kang babal-ing masira,
ang mga kamay ko'y siyang tumimawa.

118
"Dustang kamatayan ang bihis mong bayad;
dapuwa't sa iyo'y magpapasalamat
kung pakamahali't huwag ipahamak
ang tinatangisang giliw na nagsukab.

119
"Yaong aking Laurang hindi mapapaknit
ng kamatayan man sa tapat ng dibdib;

Ikaapat na Markahan | 99
paalam, Bayan ko, paalam na, ibig,
magdarayang sintang di manaw na isip!

120
"Bayang walang-loob, sintang alibugha,
Adolfong malupit, Laurang magdaraya,
magdiwang na ngayo't manulos sa tuwa
at masusunod na sa akin ang nasa.

121
"Nasa harap ko na ang lalong marawal,
mabangis na lubhang lahing kamatayan;
malulubos na nga ang iyong kasam-an,
gayundin ang aking kaalipustaan.

122
"Sa abang-aba ko! diyata, O Laura...
mamamatay ako'y hindi mo na sinta!
ito ang malapit sa lahat ng dusa,
sa akin ay sino'ng mag-aalaala!

123
"Diyata't ang aking pagkapanganyaya,
di mo tatapunan ng munti mang luha;
kung yaring buhay ko'y mahimbing sa wala,
di babahaginan ng munting gunita!

124
"Guniguning ito'y lubhang makamandag,
agos na luha ko't puso ko'y maagnas
tulo kaluluwa't sa mata'y pumulas,
kayo aking dugo'y mag-unahang matak.

125
"Nang matumbasan ko ang luha, ang sakit
nitong pagkalimot ng tunay kong ibig,
huwag yaring buhay ang siyang itangis
kundi ang pagsintang lubos na naamis."

Ikaapat na Markahan | 100


ANG PAGTATAGUMPAY SA BAGONG MARTE

126
Sa tinaghuy-taghoy na kasindak-sindak,
gerero'y hindi na napigil ang habag,
tinunton ang boses at siyang hinanap,
patalim ang siyang nagbukas ng landas.

127
Dawag na masinsi'y naglagi-lagitik
sa dagok ng lubhang matalas na kalis;
moro'y di tumugot hanggang di nasapit
ang binubukalan ng maraming tangis.

128
Anyong pantay-mata ang lagay ng araw
niyong pagkatungo sa kalulunuran;
siyang pagkataas sa kinalalagyan
nitong nagagapos na kahambal-hambal.

129
Nang malapit siya't abutin ng sulyap
ang sa pagkatali'y linigid ng hirap,
nawalan ng diwa't luha'y lumagaslas,
katawan at puso'y nagapos ng habag.

130
Malaong natigil na di nakakibo,
hininga'y hinabol na ibig lumayo;
matutulog disin sa habag ang dugo,
kundangan nagbangis leong nangagtayo.

131
Naakay ng gutom at gawing manila,
nag-uli sa ganid at nawalang-awa;
handa na ang ngipi't kukong bagong hasa
at pagsasabayan ang gapos ng iwa.

132

Ikaapat na Markahan | 101


Tanang balahibo'y pinapangalisag,
nanindig ang buntot na nakagugulat;
sa bangis ng anyo at nginasab-ngasab,
Puryang nagngangalit ang siyang katulad.

133
Nagtaas ang kamay at nangakaakma
sa katawang gapos ang kukong pansira;
nang darakmain na'y siyang pagsagasa
niyong bagong Marteng lumitaw sa lupa.

134
Inusig ng taga ang dalawang leon,
si Apolo mandin sa Serp'yente Piton;
walang bigong kilos na di nababaon
ang lubhang bayaning tabak na pamutol.

135
Kung ipamilantik ang kanang pamatay
at saka isalag ang pang-adyang kamay,
maliliksing leon ay nangalilinlang,
kaya di nalao'y nangagumong bangkay.

136
Nang magtagumpay ang gererong bantog
sa nangakalabang mabangis na hayop,
luha'y tumutulong kinalag ang gapos
ng kaawa-awang iniwan ng loob.

137
Halos nabibihay sa habag ang dibdib,
dugo'y nang matingnang nunukal sa gitgit;
sa pagkalag niyang maliksi'y nainip
sa siga-sigalot na madlang bilibid.

138
Kaya ang ginawa'y inagapayanan,
katawang malatang parang bagang bangkay;
at minsang pinatid ng espadang tangan

Ikaapat na Markahan | 102


walang awang lubid na lubhang matibay.

139
Umupo't kinalong na naghihimutok,
katawang sa dusa hininga'y natulog;
hinaplos ang mukha't dibdib ay tinuptop,
nasa ng gerero'y pagsaulang-loob.

140
Doon sa pagtitig sa pagkalungayngay
na kanilang kalong kalumbay-lumbay,
nininilay niya at pinagtatakhan
ang dikit ng kiyas at kinasapitan.

141
Namamangha naman ang magandang kiyas,
kasing-isa't ayon sa bayaning tikas;
mawiwili disin ang iminamalas
na mata, kandungan sa malaking habag.

Sanggunian: www.florante_laura/blogspot.com

 Pangkatang Gawain

1 2 Mungkahing Estratehiya
Mungkahing Estratehiya
Live interview with Boy Abunda Star Magic in Aksyon!
Suriin ang panloob at panlabas na Isatao ang naghaharing
katangian ni Florante at Aladin damdamin ng pangunahing
tauhan sa akda.

3 Mungkahing Estratehiya 4 Mungkahing Estratehiya


Face to Face Panel Discussion
Ipaliwanag ang sariling saloobin Hanapin sa mga saknong ang
tungkol sa mahalagang mensahe at mga salitang may denotasyon at
damdamin ng akda. konotasyong pakahulugan

Ikaapat na Markahan | 103


RUBRIKS SA PANGKATANG GAWAIN
BATAYAN Napakahusay Mahusay Di-gaanong Nangangailangan
Mahusay ng Pagpapabuti

Lubos na Naipahatid ang Di-gaanong Di naiparating ang


Nilalaman naipahatid ang nilalaman o naiparating nilalaman o
at Organisasyon ng nilalaman o kaisipan na ang nilalaman kaisipan na nais
mga Kaisipan o kaisipan na nais iparating o kaisipan na iparating sa
Mensahe nais iparating sa manonood nais iparating manonood (1)
(4) sa manonood (3) sa manonood
(4) (2)
Lubos na Kinakitaan ng Di-gaanong Di kinakitaan ng
kinakitaan ng kasiningan ang kinakitaan ng kasiningan ang
kasiningan ang pamamaraang kasiningan ang pamamaraang
Istilo/Pagkamalikhain pamamaraang ginamit ng pamamaraang ginamit ng
(3) ginamit ng pangkat sa ginamit ng pangkat sa
pangkat sa presentasyon pangkat sa presentasyon (0)
presentasyon (2) presentasyon
(3) (1)
Lubos na Nagpamalas Di-gaanong Di nagpamalas ng
nagpamalas ng pagkakaisa nagpamalas pagkakaisa ang
Kaisahan ng Pangkat ng pagkakaisa ang bawat ng pagkakaisa bawat miyembro
o Kooperasyon ang bawat miyembro sa ang bawat sa kanilang
(3) miyembro sa kanilang miyembro sa gawain (0)
kanilang gawain (2) kanilang
gawain (3) gawain (1)

 Presentasyon ng Presentasyon ng bawat pangkat.

 Pagbibigay ng feedback ng guro at mag-aaral.

 Pagbibigay ng iskor at pagkilala sa natatanging pangkat na


nagpakita ng kahusayan sa ginawang pangkatan batay sa rubriks
na ibinigay ng guro.

ANALISIS

1. Sa iyong palagay,maituturing bang bayani ng kanyang bayan si


Florante?Ano-ano ang makapagpatunay ng kanyang kabayanihan?

2. Tama ba ang ginawang pagtulong ni Aladin sa isang taong itinuturing


na kaaway ng kanilang lahi?

3. Anong damdamin ang namayani sa iyo para sa tauhan ng marinig mo


ang kanyang hinaing na mga kasawian sa buhay?

4. Naniniwala ka bang may mga taongtumutulong na taos sa puso ang


kanilang tunay na hangarin?Ano ang iyong damdamin sa mga ito?

Ikaapat na Markahan | 104


5. Paano nabibigyang kahulugan ang mahihirap na salitang mula sa aralin
batay sa denotatibong kahulugan?

 Pagbibigay ng input ng guro.

ALAM MO BA NA…

Ang denotasyon ay pagpakahulugan ng mismong tinutukoy ang


ibinibigay o literal na pagpapakahulugan samantalang ang konotasyon ay
mas malalim na pagpapakahulugan at ang kahulugan ay maaaring
ibataysakaranasan; ipinahiwatig o konoteytib ang kahulugan.
Sanggunian:Tudla para sa G7p.143

Sa mga panaghoy ni Florante ni Florante ay pamamaalam na ang


naririnig mula sa kanya.Nagsasaad siya ng pamamaalam kay Laura nang
biglang dumating ang dalawang leong akmang sisila sa kanya.Subalit
himalang huminto ang mga ito at tila naaawang tumitig at nakikinig sa
kanya.Nagpaalam din siya sa bayan niyang Albanya.Nabanggit niya ang
kanyang hinanakit hindi lamang sa kanyang bayan at kundi maging kay
Laura dahil inaakala niyang tinalikuran na siya ng dalaga sa harap ng
kamatayan.

Hindi na natiis ni Aladin ang matinding awa sa narinig na panaghoy kay


hinanap niya ang pinagmulan nito.Nang makita niya’y nagdalawang isip
siyang tumulong agad sapagkat isang kristiyano nakalabang mortal ng
Morong tulad nya pala ang nakatali.Subalit saglit lang ang kanyang naging
pag-alinlangan dahil nakita niyang nakahanda na ang dalawang leon upang
silain ang kaawa-awang nakatali.Kanyang sinugod at pinatay ang mga
ito.Pagkatapos ay tinulungan niyaang binatang noon ay wala ng malay at
tilaisa ng bangkay.Hinaplos niya ang mukha at dibdib nito upang damhin
kung humihinga pa.Nag-alala man sa kalagayan ng binata,napayapa siya
nang magsimulang kumilos at makitang buhay pa ito at papagising na.

Sanggunian: Pinagyamang Pluma 8,Alma M. Dayag et .al

Ikaapat na Markahan | 105


ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya: PICTURE KONEK


Paunahan ng paglalagay ng tamang sagot sa mga patlang base sa
nakapaskil na larawan.

Si____________ay kahabag-habag na _____________ sa loob ng


gubat ng di kaginsa-ginsay dumating si___________________at iniligtas
siya sa dalawang_______ na leon.
Pagsagot sa pokus na tanong 1: Mahalaga ang pagtulong sa mga nanga-
ngailangan ng walang hinihiling na kapalit dahil dito masusukat ang kagan-
dahan ngkalooban ng isang tao.

APLIKASYON

Mungkahing Estratehiya : BRAINSTORMING


Ipaliwanag ang sariling saloobin/impresyon tungkol sa mahaha-
lagang mensahe at damdaming hatid ng akda.

Hindi Kristiyano si Aladin subalit isinasabuhay niya ang sinasabi ng


Bibliya sa Mateo 5:44”Ngunit ito naman ang sinasabi ko,ibigin ninyo ang
inyong mga kaaway at ipanalangin ninyo ang mga umuusig sa inyo”.
Sanggunian: Pinagyamang Pluma 8,Alma M.Dayag et.al

Ano ang masasabi mo sa mensaheng ito?


Ano ang magagawa mo upang maisabuhay rin ang mensaheng ito?

EBALWASYON

Panuto : Isulat ang letra ng wastong kahulugan ng sumusunod na


matatalinhagang ekspresyon sa denotatibong
pakahulugan.
1.Lipos ng pighati saka tinutunghan.
a. kalungkutan
b. karangyaan

Ikaapat na Markahan | 106


c. kasakiman
d. kasiyahan

2.Bayang walang loob sintang alibugha


a. traydor
b. masama
c. kahihiyan
d. tagapagtanggol

3.Sa dagok ng lubhang matalas na kalis.


a. espada
b. balute
c. kutsilyo
d. gulok

Panuto : Piliin ang letrang tamang kasagutan sa damdaming


nais pahiwatig.
4. Ano ang nagtulak kay Aladin upang harapin ang taong nanaghoy?
a. galit
b. selos
c. hinanakit
d. awa

5.Bakit labis na nag-alala si Aladin sa nakitang kalagayan ni Florante?


a. Larawan ng kawalan ng pag-asa
b. Punong hinanakit ang nasasalamin sa kanyang kabuuan.
c. Kalunos-lunos ang sinapit ni Florante sa kamay ni Konde Adolfo
d. Lahat ng nabanggit

SUSI SA PAGWAWASTO
1.A 2.B 3.C 4.D 5.D

INDEX OF MASTERY
Seksyon Bilang ng Mag-aaral Indeks

IV. KASUNDUAN

1. Magsaliksik tungkol sa mga Batangueño namay malaking naiambag sa


pagsulong at pag-unlad ng Batangas.

2. Ano ang tula at uri ng tulang pasalaysay?

Ikaapat na Markahan | 107


PAUNLARIN
I. LAYUNIN

PAGSASALITA(PS)F8PS-IVd-e-37
 Nabibigkas nang madamdamin ang mga sauladong berso ng Florante at
Laura.

WIKA AT GRAMATIKA (WG) F8WG-IVd-e-37


 Nalalapatan ng himig ang isinulat na orihinal na tula namay tamang anyo
at kaisahan.

II. PAKSA
Panitikan : Florante at Laura
a. Habag ng Moro
b. Ang Paglingap ng Persyano (mula saknong 142-170)
Kagamitan : laptop, projector, mga pantulong na biswal
Bilang ng Araw: 1Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

1. Gawaing Rutinari

 Panalangin at Pagbati
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik-aral

2. Presentasyon ng Aralin
Panitikan : Florante at Laura
a.Habag ng Moro
b.Ang Paglingap ng Persiyano

AKTIBITI
3. Motibasyon
Mungkahing Estratehiya : VIDEO CLIP
Ipapanood ang video ng tulang “Pag-ibig sa Tinubuang
Lupa” ni Andres Bonifacio

Ikaapat na Markahan | 108


 Pag-uugnay ng naunang gawain sa aralin.
 Pagpapabasa nang may damdamin mula saknong 142-170

HABAG NG MORO

142
Gulung-gulong lubha ang kaniyang loob,
nguni't napayapa ng anyong kumilos
itong abang kandong na kalunus-lunos,
nagising ang buhay na nakakatulog.

143
Sa pagkalungayngay mata'y idinilat,
himutok ang unang bati sa liwanag;
sinundan ng taghoy na kahabag-habag;
"Nasaan ka Laura sa ganitong hirap?"

144
"Halina, giliw ko't gapos ko'y kalagin,
kung mamatay ako'y gunitain mo rin."
pumikit na muli't napatid ang daing,
sa may kandong namang takot na sagutin.

145
Ipinanganganib ay baka mabigla,
magtuloy mapatid hiningang mahina;
hinintay na lubos niyang mapayapa
ang loob ng kandong na lipos-dalita.

Ikaapat na Markahan | 109


146
Nang muling mamulat ang nagitlaanan,
"Sino? sa aba ko't nasa Morong kamay!"
ibig na iigtad ang lunong katawan,
nang hindi mangyari'y nagngalit na lamang.

147
Sagot ng gerero'y "Huwag kang manganib
sumapayapa ka't mag-aliw ng dibdib;
ngayo'y ligtas ka na sa lahat ng sakit,
may kalong sa iyo ang nagtatangkilik.

148
"Kung nasusuklam ka sa aking kandungan,
lason sa puso mo ang hindi binyagan
nakukutya akong di ka saklolohan
sa iyong nasapit na napakarawal.

149
"Ipinahahayag ng pananamit mo,
taga-Albanya ka at ako'y Persyano;
ikaw ay kaaway ng baya't sekta ko,
sa lagay mo ngayo'y magkatoto tayo.

150
"Moro ako'y lubos na taong may dibdib
at nasasaklaw rin ng utos ng Langit;
dine sa puso ko'y kusang natititiknatural
na ley-ing sa aba't mahapis.

151
"Anong gagawin ko'y aking napakinggan
ang iyong pagtaghoy na kalumbay-lumbay,
gapos na nakita't pamumutiwanan
ng dalawang ganid, ng bangis na tangan."

152
Nagbuntunghininga itong abang kalong
at sa umaaaliw na Moro'y tumugon,

Ikaapat na Markahan | 110


"Kung di mo kinalag sa puno ng kahoy,
nalibing na ako sa tiyan ng leon.

153
"Payapa na naman disin yaring dibdib,
napagkikilalang kaaway kang labis;
at di binayaang nagkapatid-patid
ang aking hiningang kamataya't sakit.

154
"Itong iyong awa'y di ko hinahangad,
patayin mo ako'y siyang pitang habag;
di mo tanto yaring binabatang hirap,
na ang kamatayan ang buhay kong hanap."

155
Dito napahiyaw sa malaking hapis
ang Morong may awa't luha'y tumagistis;
siyang itinugon sa wikang narinig
at sa panlulumo'y kusang napahilig.
Ang Paglingap ng Persiyano

156
Anupa't kapwa hindi nakakibo
di nangakalaban sa damdam ng puso;
parang walang malay hanggang sa magtago't
humilig sa Pebo sa hihigang ginto.

157
May awang gerero ay sa maramdaman,
malamlam na sinag sa gubat ay nanaw,
tinunton ang landas na pinagdaanan,
dinala ang kalong sa pinanggalingan.

158
Doon sa naunang hinintuang dako
nang masok sa gubat ang bayaning Moro,
sa isang malapad, malinis na bato,
kusang pinagyaman ang lugaming pangko.

Ikaapat na Markahan | 111


159
Kumuha ng munting baong makakain,
ang nagdaralita'y inamong tumikim,
kahit umaayaw ay nahikayat din
ng sabing malambot na pawang pang-aliw.

160
Naluwag-luwagan ang panghihingapos,
sapagka't naawas sa pagkadayukdok,
hindi kinukusa'y tantong nakatulog,
sa sinapupunan ng gererong bantog.

161
Ito'y di umidlip sa buong magdamag,
sa pag-aalaga'y nagbata ng puyat;
ipinanganganib ay baka makagat
ng ganid na madlang nagkalat sa gubat.

162
Tuwing magigising sa magaang tulog,
itong lipos-hirap ay naghihimutok,
pawang tumitirik na anaki'y tunod
sa dibdib ng Morong may habag at lunos.

163
Nang magmamadaling-araw ay nahimbing,
munting napayapa sa dalang hilahil;
hanggang sa Aurorang itaboy ang dilim,
walang binitiwang himutok at daing.

164
Ito ang dahilang ipinagkasundo,
limang karamdamang parang hinahalo;
ikinatiwasay ng may dusang puso,
lumakas na muli ang katawang hapo.

165
Kaya't nang isabog sa sansinukuban
ang doradong buhok ng masayang araw,

Ikaapat na Markahan | 112


nagbangong hinaho't pinasalamatan
sa Langit ang bagong lakas ng katawan.

166
Sabihin ang tuwa ng gererong hayag,
ang abang kinalong ay biglang niyakap;
kung nang una'y nukal ang luha sa habag,
ngayo'y sa galak na ang inilagaslas.

167
Kapos ang dila kong magsaysay ng laki
ng pasasalamat nitong kinandili;
kundangan ang dusa'y sa nawalang kasi
ay napawi disin sa tuwang umali.

168
Sapagka't ang dusang mula sa pag-ibig
kung kahit mangyaring lumayo sa dibdib,
kisapmata lamang ay agad babalik
at magdaragdag pa sa una ng bangis.

169
Kaya hindi pa rin halos dumadapo
ang tuwa sa lamad ng may dusang puso
ay itinakwil na ang dalitang lalo
at ang tunod niya'y siyang itinimo.

170
Niyapos na muli ang dibdib ng dusa,
hirap yatang bathin ng sakit sa sinta!
dangan inaaliw ng Moro sa Persya,
natuluyang nanaw ang tangang hininga.

Sanggunian: www.florante_laura/blogspot.com

Ikaapat na Markahan | 113


 Pangkatang Gawain

1 Mungkahing Estratehiya 2 Mungkahing Estratehiya


BIGKASIN KO, IKILOS N’YO SING IT!
Halina, giliw ko’t gapos ko’y Kumatha ng tula ng pag-ibig na
kalagan mamamatay ako’y gunitain may sukat (12 pantig) at lagyan
mo rin pumikit na muli’t napatid ang ng tugma. Pagkatapos lapatan ng
daing sa maykandong namang himig.
takot na sagutin”

Mungkahing Estratehiya Mungkahing Estratehiya


3 DULAWIT 4 SABAYANG PAGBIGKAS
Isadula kung paano inaruga ni Pumili ng limang saknong sa
Aladin si Florante sa loob ng gubat aralin at bigkasin ng may
na sinasaliwan ng awiting ‘Huwag damdamin lapatan ng aksyon.
ka ng Umiyak”ni Gary V.

 Presentasyon ng bawat pangkat


 Pagbibigay ng feedback
 Pagbibigay ng iskor at pagkilala sa natatanging pangkat na
nagpakita ng kahusayan sa ginawang pangkatan batay sa
rubriks na ibinigay ng guro.
RUBRIKS SA PANGKATANG GAWAIN
BATAYAN Napakahusay Mahusay Di-gaanong Nangangailangan
Mahusay ng Pagpapabuti
Nilalaman Lubos na Naipahatid ang Di-gaanong Di naiparating ang
at naipahatid ang nilalaman o naiparating ang nilalaman o
Organisasyon nilalaman o kaisipan na nilalaman o kaisipan na nais
ng mga kaisipan na nais iparating kaisipan na nais iparating sa
Kaisipan o nais iparating sa manonood iparating sa manonood (1)
Mensahe sa manonood (3) manonood (2)
(4) (4)
Lubos na Kinakitaan ng Di-gaanong Di kinakitaan ng
kinakitaan ng kasiningan ang kinakitaan ng kasiningan ang
kasiningan ang pamamaraang kasiningan ang pamamaraang
Istilo/Pagkama pamamaraang ginamit ng pamamaraang ginamit ng pangkat
likhain ginamit ng pangkat sa ginamit ng sa presentasyon
(3) pangkat sa presentasyon pangkat sa (0)
presentasyon (2) presentasyon (1)
(3)
Lubos na Nagpamalas ng Di-gaanong Di nagpamalas ng
Kaisahan ng nagpamalas ng pagkakaisa ang nagpamalas ng pagkakaisa ang
Pangkat o pagkakaisa ang bawat pagkakaisa ang bawat miyembro sa
Kooperasyon bawat miyembro sa bawat miyembro kanilang gawain
(3) miyembro sa kanilang sa kanilang (0)
kanilang gawain (2) gawain (1)
gawain (3)

Ikaapat na Markahan | 114


ANALISIS

1. Bakit kailangang may sukat at tugmaan ang tradisyunal na tula tulad ng


kay Francisco Balagtas Baltazar?

2. Dapat bang lapatan ng himig ang mga saknong sa Florante at Laura?

3. Sa iyong palagay,dapat bang matutunan ng mga mag-aaral ang


madamdaming pagbigkas ng tula?

4. Kung ikaw ang pamimiliin,aling uri ng tula ang nais mo,tradisyunal o


malayang taludturan? Bakit?

 Pagbibigay ng input ng guro.

ALAM MO BA NA…

Ang Tula ay anyong panitikan na binubuo ng mga taludtod at


nagpapahayag ng damdamin ng isang tao.Ito’y nagpapahayag ng
magagandang kaisipan at pananalita sa pamamagitan ng taludtod.Ang
kalipunan ng mga taludtod ay tinatawag na taludturan o saknong.Ito’y
nagpapahayag ng damdamin o kaisipan gamit ang mga maririkit na
salita.
Ang Tulang Pasalaysay ay naglalarawan ng mga
mahahalagang tagpo o pangyayari sa buhay na matatagpuan sa mga
taludtod na nagsasalaysay ng isang kwento.
Ang Awit ay nagtataglay ng labindalawang pantig sa bawat
taludtod.Higit na masigla ito kaysa korido.May malambing at marikit na
pangungusap at nangangailangan ng malalim na kaisipan .Ang
halimbawa nito ay ang tulang Florante at Laura.

Sanggunian: Ang Batikan ni Wilma G. Agnes et.al p.21

ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya: JUMBLE WORDS


Pag-ugnayin ang mga salita upang makabuo ng isang kaisipan
ayon sa iyong naunawaan sa araling tinalakay.

Tula anyo panitikan tatudtod

damdamin nagpapahayag tao

Ikaapat na Markahan | 115


Pagsagot sa Pokus na Tanong Blg.2: Malaki ang maitutulong ng tula sa
pagpapahayag ng damdamin o saloobin ng isang tao sapagkat sa
pamamagitan ng mga maririkit na salita at matalinhagang pagpapahayag nito
nailalabas mo ang nilalaman ng iyong puso.

APLIKASYON

Mungkahing Estratehiya : ALA-EH! ALA UY!


Kumatha ng dalawang saknong ng tula na may temang “pagmamahal
sa sariling atin” na may sukat at tugma .Ang tulang Batangueno ay
pinamagatang “ALA EH! ALA UY! Ang mapipiling likha ay ipabigkas
sa klase.

EBALWASYON

Panuto : Suriin ang pangunahing kaisipang taglay ng mga


saknong sa ibaba.Piliin ang tamang letra ng wastong kasagutan.

”Para ng halamang lumaki sa tubig


Daho’y nalalanta munting di madilig
Ikinaluluoy ang sandaling init
Gayon din ang pusong sa tuwa’y maniig”
1. Kanino inihahambing ang anak sa saknong na ito?
a. Halaman
b. Dahon
c. Init
d. puso

“ Pag-ibig anaki’y aking nakilala


Di dapat palakhin ang bata sa saya,
At sa katuwaa’y kapag namihasa
Kung lumaki’y walang hihinting ginhawa”
2. Ano ang angkop na tugma sa saknong na ito?
a. Aabb
b. Aaaa
c. Abab
d. abbc

“ Ang laki sa layaw,(wan) karaniway hubad


Sa bait at munit sa hatol ay salat,
Masaklap na bunga ng maling paglingap

Ikaapat na Markahan | 116


Habag ng magulang sa irog na anak”.
3. Ano ang ibig sabihin ng saknong na ito?
a. ibigay ang lahat ng gusto ng anak
b. mahalin ng labis ang anak
c. ang isinasama ng anak ay nasa pagpapalaki ng magulang
d. nasa huli ang pagsisisi

“ Sa taguring bunso’t likong pagmamahal


Ang isinasama ng bata’y nunukal
Ang iba marahil ay kapabayaan
Ng dapat na magturong tamad na magulang.”
4. Sa saknong na ito,sino ang dapat sisihin sa pagkaligaw
nang landas ng mga anak?
a. magulang
b. ang sarili
c. mga nag-aruga
d. mga taong nakapaligid sa anak

5. Bakit tulang pasalaysay ang tawag sa mga saknong na inyong nabasa?


a. naglalarawan ng mga tauhan.
b. nagbibigay aral
c. nagbibigay aliw sa mga mambabasa
d. nagsasalaysay ng mga pangyayari mula sa simula hanggang
wakas.

SUSI SA PAGWAWASTO
1. A 2. B 3.C 4.A 5.D

INDEX OF MASTERY
Seksyon Bilang ng mag-aaral Indeks

IV. KASUNDUAN
1. Magsaulo ng dalawang saknong nanagmula sa mga Gintong
Kaisipan sa Florante at Laura at ito’y bigkasin bukas sa harap ng
klase.

Ikaapat na Markahan | 117


ILIPAT
I. LAYUNIN

PAGSULAT (PU) F8PU-IVd-e-37


 Naisusulat ang ilang saknong tungkol sa pag-ibig sa anyo ng isang
makabuluhang tula.

II. PAKSA

Pagsulat ng Awtput 4.5


Kagamitan : Pantulong na biswal, pahayagang pangkampus
Sanggunian : Florante at Laura ,Dolores F. Jamero et. al. Ph.209-
211
Bilang ng Araw : 1 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

1. Gawaing Rutinari
 Panalangin at Pagbati
 Pagtatala ng Liban
 Pagpapasa ng Takdang Aralin
 Balik-aral

AKTIBITI
2. Motibasyon
Mungkahing Estratehiya : DUGTUNGANG
PAGPAPABIGKAS

“Datapwat sino ang tatarok kaya


Sa mahal mong lihim Diyos na dakila
Walang mangyayari sa balat ng lupa
Di may kagalinga’y iyong ninanasa

“O,pagsintang labis ng kapangyarihan


Sampung mag-ama’y iyong nasasaklaw
Pag ikaw ang nasok sa puso ninuman
Hahamaking lahat masunod ka lamang”

“At yuyurkan na lalong dakila


Bait katuwira’y ipanganganyaya

Ikaapat na Markahan | 118


Buong katungkula’y wawalang-bahala
Sampu ng hininga’y ipauubaya”.

“Sapagkat ang mundo’y bayan ng hinagpis


Mamamaya’y sukat tibayan angdibdib
Lumaki sa tuwa’y walang pagtitiis
Anong ilalaban sa dahas ng sakit?”

 Pag-uugnay sa susunod na gawain.

 Pagbibigay ng input sa pagsulat ng komentaryong


panradyo.

3. Pagtalakay sa awtput sa tulong ng GRASPS

G R A S P S

GOAL Nakasusulat ng ilang saknong tungkol sa pag-ibig sa


anyo ng isang makabuluhang tula.
Ikaw ay nagnanais na magiging manunulat sa
ROLE
pahinang Lathalain sa “Ang Dahong Ginto” ang
Opisyal na pahayagang Pangkampus ng BANAHIS.

Mga staffer ng pahayagan,mga manunulat,mga


A U D I E N CE
gurong tagapagsanay at hurado.

Magkakaroon ng paligsahan sa pagsulat ng tula.Ito


SITUATION
ay gaganapin sa isang silid-aralan ng BANAHIS.
Ang mananalong obra ay ilalathala sa pahayagang
pangkampus ng paaralan.

P R O DU C T Tradisyonal na tula na may sukat (labindalawang


pantig), may tugma , apat na saknong na may
temang Pag-ibig.

Mga Pamantayan 5 4 3 2 1
S T A N D AR D May kaangkupan sa paksa
Nailalapat ang damdamin na
may sukat at tugma
May orinalahidad at
pagkamalikhain

Ikaapat na Markahan | 119


LEYENDA
20 – 25 ---------- Napakahusay
15 – 20 ---------- Mahusay
10 – 15 ---------- Katamtamang Husay
5 – 10 ---------- Hindi mahusay
0–5 ---------- Nangangailangan ng rebisyon

 Pagkuha ng mga awtput na ginawa ng bawat mag-aaral.

IV. KASUNDUAN

1. Bilang isang kabataan, paano mo mahihikayat ang iyong mga kamag-


aaral na patuloy na tangkilikin ang radyo sa kabila ng pag-usbong ng
social media?

2. Magbigay ng mga pamagat ng mga paborito mong panoorin sa


telebisyon. Humanda sa pag-ulat nito sa klase.

Ikaapat na Markahan | 120

You might also like