You are on page 1of 20

8

Filipino 8
Ikaapat na Markahan – Modyul 1:
Talambuhay Ni Francisco Balagtas,
Kaligirang Pangkasaysayan, At Mga
Tauhan Sa Florante At Laura
Filipino – Ikawalong Baitang

Alternative Delivery Mode


Ikaapat na Markahan – Talambuhay Ni Francisco Balagtas, Kaligirang Pangkasaysayan,
At Mga Tauhan Sa Florante At Laura
Unang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng
akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Kalihim: Leonor Magtolis Briones


Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat : Editha M. De Guzman


Editor : Ferdinand A. Torres, Melchora N. Viduya
Tagasuri : Ferdinand A. Torres, Melchora N. Viduya, Helen O. Custodio,
Catalina H. Casillan, Wilma DG. Macatbag,
Roberto Z. Barongan, Magdalena C. Manaoat
Tagaguhit : Amado II A. Caragay
Michael Lorenz J. Roy

Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education - Rehiyon ng Ilocos (Calasiao, Pangasinan)


8
Filipino 8
Ikaapat na Markahan – Modyul 1:
Talambuhay ni Francisco
Balagtas, Kaligirang
Pangkasaysayan, at mga Tauhan
ng Florante at Laura

i
Paunang Salita

Ang Florante at Laura na bahagi ng modyul na ito ay buong-ingat na binuo ng


mga may-akda upang malinang at maisabuhay ng mga mag-aaral ang katuparan o
kasagutan sa apat na himagsik ni Francisco “Balagtas” Baltazar na masasalamin sa
kanyang walang-kamatayang awit na Florante at Laura; ang himagsik laban sa
malupit na pamahalaan, ang himagsik laban sa hidwaang pananampalataya, ang
himagsik laban sa mga maling kaugalian, at ang himagsik laban sa mababang uri ng
panitikan.
Sa pag-aaral ng mga kabataang Pilipino sa obra maestra ni Balagtas gamit
ang modyul na ito ng Florante at Laura ng para sa ikawalong baitang ay hindi
lamang nila mauunawaan ang literal na kahulugan ng awit kundi higit sa lahat ay
maiuugnay nila ang bawat pangyayari sa binasa sa kasalukuyang kalagayan ng
ating bansa at ng mga Pilipino. Bukod sa maingat na nasunod at napagyaman pa
nag bawat istandard at kompetensing itinadhana ng K to 12 Dokumentong
Pangkurikulum sa Filipino ng Kagawaran ng Edukasyon ay tiniyak ng mga may-
akdang magiging hitik ito sa pagsasanay at gawaing angkop sa kakayahan at interes
ng mga mag-aaral upang nag pagkatuto ay maging integratibo, makabuluhan,
napapanahon, kawili-wili, nakakalilinang ng kritikal at mapanuring pag-iisip at
nakapaghahanda sa mga mag-aaral sa mga pagsubok at realidad ng totoong buhay.
Higit sa lahat, ang mga pagsasanay na inilaan sa bawat aralin ay tumutugon sa mga
pagtatayang nakapaloob sa Most Essential Learning Competencies na lubhang
mahalaga upang maging ganap at makabuluhan ang pagkatuto ng mga mag-aaral at
makapaghahanda sa kanila sa mga hamon ng totoong buhay. Pinagaan din ang
paglalahad ng mga kabanata kung saan ang magkakaugnay na kabanata o bahagi
ay pinag-isa na lamang sa isang aralin upang higit na maging ganap o buo ang
pagkaunawa ng mga mag-aaral.

ii
Aykons sa Modyul

Ang parteng ito ay


naglalaman ng mga
kasanayang pampagkatuto
Alamin kailangang matamo ng
mag-aaral.
Dito masusukat ang mga
natutunan mo na sa
paksang tatalakayin.
Subukin
Sa parteng ito,
mababasa/malalaman ang
ikokonektang talakayan sa
Balikan paksang natalakay.

Paunang gawain o
paglalahad ng paksa.

Tuklasin

Pagpapalalim ng
kaalamang natutunan sa
paksang tinalakay.
Suriin

Karagdagang kaalaman at
mga kasanayan/ gawain na
magbibigay katuturan para
Pagyamanin sa dagdag impormasyon
.
Gawaing ginawa para
maproseso ang mga
natutunan sa paksa.
Isaisip

Mga gawaing mag-uugnay


sa tunay na buhay ng mga
Isagawa
mag-aaral. (Performance
ii
task)

Maikling pasulit dito


nasusukat ang pag-unawa
ng mag-aaral sa paksang
Tayahin tinalakay.

Karagdagang Gawain sa
pagpapalawak ng aralin.

Karagdagang Gawain

iii
Modyul 1 Talambuhay Ni Francisco
Ikaapat na Balagtas, Kaligirang
Markahan Pangkasaysayan, At Mga
Tauhan Ng Florante At Laura

Alamin

Isang masayang pagbati ang sumasaiyo dahil ibang paksa na naman ang iyong
matutunan ngayon.
Pag-aaralan mo na ngayon ay tungkol sa akdang Florante at Laura.. Sa bahaging
ito, aalamin at matutuhan mo ang panitikang popular noong panahon ng Espanyol.
Sa modyul na ito, kailangang maunawaan ang mga impormasyong inilahad
tungkol sa akdang isinulat ni Francisco Balagtas na pinamagatang Florante at
Laura.
Ang mga layunin sa pag-aaral na ito ay;
a. Nahihinuha ang kahalagahan ng pag-aaral ng Florante at Laura batay
sa napakinggang pahiwatig sa akda. F8PN-Iva-b-33
b. Natitiyak ang kaligirang pangkasaysayan ng akda sa pamamagitan ng:
kalagayan ng lipunan sa panahong nasulat ito, pagtukoy sa layunin ng
pagsulat ng akda, pagsusuri sa epekto ng akda pagkatapos itong isulat.
F8PB-Iva-b-33
c. Nailalahad ang damdamin o saloobin ng may-akda gamit ang wika ng
kabataan. F8WG-Iva-B-35

Inaasahan na sa pagtatapos sa araling ito, ikaw ay ganap na may


natutunan at naunawaan ang tungkol sa sarsuwela bilang bahagi ng ating
panitikan.

1
Pangkalahatang Panuto

Ngayong hawak mo na ang Modyul na ito, gawin ang mga sumusunod:

1. Basahin at sundin ang panuto sa bawat paksa.


2. Itala ang mga kaukulang punto na nagangailangan ng masusing kasagutan.
3. Gawin ang mga Gawain sa Modyul nang may pag-unawa.
4. Sagutin ang lahat ng mga katanungan sa bawat gawain.

Para sa Guro

1. Ilahad at ipaunawa sa mag-aaral ang bawat paksa sa Modyul.


Ipagawa sa mga mag-aaral ang mga Gawain nang may tiwala sa
sarili.

2. Bigyan ng tuntunin ang mga mag-aaral na sagutin ang mga gawain


sa Alamin upang suriin ang kanilang kaalaman sa paksang
tatalakayin.

3. Ipagawa ang gawaing Tuklasin para sa masusing pag-unawa ng


mga mag-aaral sa kahalagahan ng pag-aaral sa paksa.

4. Ipabasa sa mga mag-aaral ang Suriin. Hayaan silang tuklasin ng


may pag-unawa ang mga paksang tatalakayin sa modyul.

5. Ipasagot ang Pagyamanin. Suriing mabuti kung lubos na


nauunawaan ng mga mag-aaral ang paksang tinalakay. Palalimin
ang kanilang pag-unawa sa pamamagitan ng pagsagot sa
mga katanungang nasa Isaisip.

6. Ipagawa ang gawaing Isagawa bilang bahagi ng pagsasakatuparan


at aplikasyon sa pangkalahatang pagkatuto mula sa mga paksang
natutunan sa modyul na magagamit sa pang-araw-araw na Gawain.

7. Gawin ang karagdagang Gawain na inilaang ng guro upang


mapalawak ang kaalaman.

2
Relax ka lang! Sa bahaging ito, masusubok kung gaano na
kalawak ang kaalaman mo sa talasalitaan. Huminga ka
muna ng malalim at sagutin mo ang kasunod na gawain.

Subukin

Gawain 1
A. Sa gawaing ito, aalamin natin ang mga dati mong kaalaman sa talasalitaan.
Basahin at unawain ang bawat pahayag na ginamitan ng talasalitaan. Isulat
sa sagutang-papel ang titik ng tamang kahulugan nito.

1. Ang Florante at Laura ay hitik na hitik sa mga aral at pagpapahalagang


makagagabay sa pang-araw-araw nating pamumuhay.
A. punumpuno
B. mabungang-mabunga
C. mahusay na mahusay
D. lahat ng nabanggit

2. Si Nanong Kapule ay mula sa isang may kayang pamilya kaya naging madali
sa kanyang gawan ng paraang mapabilanggo ang karibal sa pag-ibig.
A. tanyag
B. mayaman
C. mapagmataas
D. titik b lamang

3. Si Balagtas ay binawian ng buhay noong ika-20 ng Pebrero taong 1862 sa


gulang na 74.
A. namatay
B. nagkasakit
C. nagdusa
D. lahat ng nabanggit

4. Sa isang kisap-mata’y nawala ang lahat ng kanyang pinaghirapan.


A. sa sandaling panahon
B. sa pagkurap ng mata
C. sa mahabang panahon
D. wala sa nabanggit

5. Ito’y isang akdang hindi maibabaon sa hukay kailanman.


A. makalilimutan
B. matatandaan
C. maipagpalit

3
Tuklasin
Sa araling ito, mababasa mo ang talambuhay ni “Kiko” o Francisco Balagtas.
Masasalamin mo sa kasaysayan ng kanyang buhay – ang mga pinagdaanan niyang
humabi at nagbigay-daan upang maisulat niya ang kanyang pinakadakilang akda.
Mababasa mo rin dito ang kalagayan ng ating lipunan at ang kaligirang
pangkasaysayan nang isulat niya ang awit gayundin ang mga pangunahin at iba
pang tauhang magbibigay ng buhay sa akda. Ang lahat ng ito ay makatutulong at
makapaghahanda sa iyo upang higit mong mapahalagahan ang isang dakilang
panitikan ng lahi- ang Florante at Laura.

Suriin

Sa bahaging ito, babasahin mo ang talambuhay ni Francisco Balagtas.


Kailangang unawain ito upang masagot mo ang susunod na gawain.
Handa ka na ba?

Talambuhay Ni Francisco Balagtas

Si Francisco “Balagtas” Baltazar, ay isang


kilalang Pilipinong makata at may-akda. Siya ay kinikilala
bilang "Prinsipe ng Manunulang Tagalog" at itinuturing na
William Shakespeare ng Pilipinas para sa kanyang
kontribusyon at impluwensya sa panitikang Pilipino. Ang
sikat na romantikong pag-iibigan ng ika-19 na siglo, ang
Florante at Laura, ay ang kanyang pinamainam na likha.

Si Francisco Baltazar (na may palayaw na Kikong Balagtas o Kiko) ay


isinilang noong Abril 2, 1788 kina Juana dela Cruz at Juan Baltazar sa Barrio
Panginay, Bigaa (na kilala ngayon bilang Balagtas sa kanyang karangalan), sa
lalawigan ng Bulacan. Siya ang bunso ng kanyang mga kapatid na sina Felipe,
Concha, at Nicholasa.

Nag-aral si Francisco sa isang parochial school sa Bigaa kung saan pinag-


aralan niya ang mga panalangin at katekismo, at kalaunan ay nagtrabaho bilang
houseboy para sa pamilyang Trinidad sa Tondo, Manila kung saan siya ay pinag-
aral ng kanyang tiyahin sa Colegio de San Jose. Noong 1812, nagtapos siya sa
degree ng Crown Law, Spanish, Latin, Physics, Christian Doctrine, Humanities, and
Philosophy. Ang kanyang dalawang dating guro na si Dr. Mariano Pilapil at José de
la Cruz na isang bantog na Tondo Poet ang nagturo sa kanya kung paano magsulat
ng mga tula.

4
Hinamon ni Jose de la Cruz si Balagtas upang mapabuti ang kanyang
pagsusulat, at noong 1835 ay natagpuan niya ang kanyang musa na si Maria
Asuncion Rivera nang lumipat siya sa Pandacan. Nagsalita siya tungkol sa kanya sa
Florante sa Laura bilang 'Celia' at 'MAR'.

Si Balagtas ay pinabilanggo Mariano Capule, isang maimpluwensya at


mayamang lalaking kalaban niya sa pagmamahal kay Celia. Habang nasa kulungan
ay isinulat ni Balagtas ang kanyang makasaysayang piraso ng Florante at Laura na
inspirasyon ang mga elemento ng kanyang kasalukuyang buhay.

Ang kanyang tula ay nakasulat sa Tagalog bagaman sa panahong iyon, ang


Espanyol ay ang dominanteng wika sa pagsulat sa Pilipinas. Pinalaya si Balagtas
mula sa bilangguan noong 1838 at inilathala niya ang Florante at Laura noong
panahong iyon.

Naging katulong siya sa Katarungan ng Kapayapaan nang lumipat siya sa


Balanga, Bataan noong 1840, at pagkatapos ng labing anim na taon ay naging Major
Lieutenant at punong tagasalin ng hukuman.

Dalawang taon matapos niyang makilala si Juana Tiambeng ng Orion,


Bataan, sila ay nagpakasal noong Hulyo 22, 1842. Nagkaroon sila ng labing-isang
anak- limang lalaki at anim na babae. Gayunpaman, pito lamang sa kanila ang
nabuhay.
Noong 1849, inutos ni Gobernador-Heneral Narciso Claveria na ang bawat
katutubong Pilipino ay magkaroon ng apelyidong Espanyol. Pagkatapos nito ay
naging kilala si Balagtas bilang Francisco Baltazar. Si Balagtas ay nabilanggo sa
ikalawang pagkakataon noong 1856 nang ipahayag ang reklamo ng isang
kasambahay na pinutol niya ang buhok nito. Siya ay napalaya noong 1860 at
ipinagpatuloy ang kanyang pagsusulat ng tula.

Namatay si Balagtas noong Pebrero 20, 1862 sa edad na 74. Ang kanyang
huling hangarin ay walang sinuman sa kanyang mga anak ang sumunod sa kanyang
mga yapak sa takot na sila ay dumaan sa parehong mga paghihirap na kanyang
dinanas. Sinabi pa niya na mainam pang maputol ang kanilang mga kamay kaysa
ang mga ito ay maging manunulat.

Si Balagtas ay lubos na pinahahalagahan sa Pilipinas na ang Pilipinong


termino para sa debate gamit ang ekstemporanyong taludtod ay ipinangalan sa
kanya: ang balagtasan. Ipinangalan din ang isang paaralang elementarya sa
kanyang karangalan, ang Francisco Balagtas Elementary School (FBES), na
matatagpuan sa kahabaan ng Alvarez Street sa Santa Cruz, Maynila

Kaligirang Pangkasaysayan Ng Florante At Laura

Isinulat ng isa sa mga pinakadinadakilang manunulat sa kasaysayan ng


Pilipinas na si Francisco ‘Baltazar’ Balagtas ang awit na Florante at Laura. Isinulat
ito ni Balagtas noong 1838 o nang siya ay edad 50 na. Sinasabi ng mga historyador

5
na ang orihinal na bersiyon ng awit ay naisulat ni Balagtas sa wikang Tagalog
habang ang mga unang kopya naman na muling inilathala ay nasa wikang Filipino at
English na. Nawasak daw ang orihinal na kopya ng gawa ni Balagtas ngunit
nakapagtago naman daw ang isang palimbagan ng kopya na ginagamit na batayan
hanggang ngayon. Ayon din sa mga eksperto ng kasaysayan, ang Florante at Laura
ay hango sa kuwento ng pag-ibig ni Balagtas. Siya raw si Florante habang si Laura
naman ay ang sinisinta niyang si Maria Asuncion Rivera. Hindi naman nakatuluyan
ni Balagtas si Asuncion at nakasal ang dalaga sa isang Mariano Capule na naging si
Adolfo sa pamosong awit ni Balagtas. Ang masukal na kagubatan na kinaroroonan
ni Florante ay hango naman sa gubat ng Quezonaria. Hindi rin Florante at Laura ang
tunay na pamagat ng akdang ito Balagtas. Ito ay mayroong buong pamagat
na “Pinagdaanang Buhay ni Florante at ni Laura sa Kahariang Albanya: Kinuha sa
madlang cuadro historico o pinyurang nagsasabi sa mga nangyari nang unang
panahon sa imperyo ng Gresya, at tinula ng isang matuwain sa bersong Tagalog.”

(https://www.panitikan.com.ph/kaligirang-pangkasaysayan-ng-florante-at-
laura-buod)

Mga Tauhan sa Florante at Laura


1. Florante – tagapagtanggol ng Albanya at isang mabuting anak ni Duke Briseo
2. Laura – anak na babae ni Haring Linseo ng Albanya; iniibig ni Florante
3. Aladdin / Aladin – anak ni Sultan Ali-Adab ng Persiya, isang moro na nagligtas at
tumulong kay Florante
4. Flerida – kasintahan ni Aladin na inagaw ng kanyang amang si Sultan Ali-Adab
5. Haring Linseo – hari ng Albanya, ama ni Laura
6. Sultan Ali-Adab – sultan ng Persiya, ama ni Aladin
7. Prinsesa Floresca – ina ni Florante, prinsesa ng Krotona
8. Duke Briseo – ama ni Florante; kapatid ni Haring Linceo
9. Adolfo – kalaban ni Florante, tinawag na mapagbalat-kayo; malaki ang galit kay
Florante
10. Konde Sileno – ama ni Adolfo
11. Menalipo – pinsan ni Florante na nagligtas sa kanya noong siya ay sanggol pa
lamang mula sa isang buwitre
12. Menandro – matalik na kaibigan ni Florante, pamangkin ni Antenor; nagligtas kay
Florante mula kay Adolfo.
13. Antenor – guro ni Florante sa Atenas
14. Emir – Moro/Muslim na hindi nagtagumpay sa pagpaslang kay Laura
15. Heneral Osmalik – heneral ng Persiya na lumaban sa Crotona
16. Heneral Miramolin – heneral ng Turkiya
17. Heneral Abu Bakr– Heneral ng Persiya, nagbantay kay Flerida.

LAURA FLORANTE FLERIDA ALADIN


6
Pagyamanin
Nagustuhan mo ba ang iyong binasa? Naunawaan mo ba
ito? Ngayon ay susukatin na ang iyong pagkakaunawa sa binasa sa
pamamagitan ng pagsagot sa sumusunod na gawain.

Gawain 2: (Aralin 1)
Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong. Isulat ito sa iyong sagutang papel.
1.Sa anong uri ng pamilya nagmula si Balagtas? Paano siya nakapag-aral sa kabila
ng kanilang kalagayan sa buhay?
___________________________________________________________________
2. Kanino ipinadala si Kiko ng kanyang ina noong siya ay nasa edad na upang mag-
aral?
___________________________________________________________________
3. Ano- anong pasakit at kabiguan ang napagdaanan niya? Ano ang ibinunga sa
kanya ng mga kabiguang ito?
___________________________________________________________________
4. Sa iyong palagay, paano nakatulong kay Balagtas ang mga pinagdaanan niya
upang maging mas mahusay siyang makata at manunulat? Ipaliwanag.
___________________________________________________________________
5. Bilang isang mamamayang Pilipino, ano ang nararamdaman mo para kay
Balagtas na nag-iwan sa atin ng isang panitikang patuloy na binabasa at nagbibigay
hindi lamang ng kasiyahan sa pagbabasa kundi magagandang aral din?
___________________________________________________________________
6. Bakit mahalagang magkaroon ng isang huwarang dapat tularan lalo na ang mga
kabataang tulad mo?
___________________________________________________________________
Gawain 2: (Aralin 2)
1.. Ano ang kalagayan ng bansa sa panahong isinulat ni Balagtas ang awit na
Florante at Laura?
___________________________________________________________________
2. Ano-ano ang naging layunin ni Balagtas sa pagsulat niya ng Florante at Laura?
___________________________________________________________________

7
3. Bakit kinailangan niyang gumamit ng alegorya sa kanyang obra maestrang
Florante at Laura?
___________________________________________________________________
4. Ano-anong apat na himagsik ang masasalamin sa Florante at Laura ayon kay
Lope K.Santos? Sa paanong paraan ipinakita ng akda ang mga himagsik na ito?
___________________________________________________________________
5. Paano kaya nakaimpluwensiya sa panulat ng ating mga bayaning sina Rizal at
Mabini ang akdang Florante at Laura?
___________________________________________________________________

Isaisip
Ang Florante at Laura ay isang akdang nabibilang sa genre na tinatawag na
awit o romansang metrikal. Ito ay isang tulang pasalaysay na may tig-aapat na
taludtod sa bawat saknong kung saan ang bawat taludtod ay may lalabindalawahing
pantig. Ang dulong tugma nito ay isahan. Ang Florante at Laura ay binubuo ng 399
saknong at tulad ng karaniwang awit o romansang metrikal, ang mga tauhang
gumaganap ay nabibilang sa mga dugong bughaw ng sinaunang panahon.
Sa simula ng awit ay ipinakita ang tagpuan bilang isang madilim at
mapanglaw na gubat. Sa paggalaw ng mga pangyayari at pagsasalaysay ni Florante
ay makikitang ang kabuoan ng awit ay naganap sa Kaharian ng Albanya. Isa-isa ring
nailahad ang mga tauhang nagbigay-buhay at kulay sa kabuoan ng awit.
Makatutulong sa higit na pag-unawa ng isang mambabasang tulad mo kung
iyo munang kikilalanin ang mga tauhan at ang mga papel na ginagampanan ng
bawat isa sa walang kamatayang Florante at Laura.

Isagawa

Gawain 3
Panuto: Ang Florante at Laura ay isang alegorya. Nakatago sa mga pangyayari ang
mensahe at simbolismong kakikitaan ng pagtuligsa sa kalagayang panlipunan sa
panahong nasulat ito. Lagyan ng tsek ang lahat ng kalagayang panlipunang
naganap sa panahong ito.
Mahigpit ang ipinatutupad na sensura kaya’t ipinagbabawal ang mga babasahin
at palabas na tumutuligsa sa kalupitan ng mga Espanyol.
Ang karaniwang tema ng mga sulatin sa panahong iyon ay tungkol sa relihiyon at
paglalaban ng mga Kristiyano at Moro.

8
Ang sinumang nais sumulat ay may kalayaang isulat ang anumang paksa o
temang magustuhan niya.
Marami sa mga nalathalang aklat sa panahong ito ay mga diksiyonaryo at aklat
panggramatika.
Lantaran ang ginawang pagtuligsa ni Balagtas sa pagmamalabis ng mga
Espanyol.
Karamihan sa mga nagsisulat sa panahong ito ay gumagamit ng wikang
Espanyol.
Naging maluwag, makatarungan, at makatao ang ginawang pamamahala ng
mga Espanyol sa ating bansa.

Gawain 4
Panuto: Ano-ano ang naging layunin ni Balagtas sa pagsulat ng walang kamatayang
Florante at Laura? Lagyan ng tsek ang lahat ng iyong sagot.
Maihayag ang apat na himagsik na naghari sa puso ni Balagtas kaugnay ng
pamamahala ng mga Espanyol.
Makabuo ng isang akdang maiaalay kay “Selya” o Maria Asuncion Rivera, ang
babaeng minahal niya nang labis.
Makabenta nang marami at yumaman sa pamamagitan ng salaping kikitain sa
kanyang walang kamatayang akda.
Maisalin ang kanyang akda sa iba’t ibang wika at mabasa sa iba’t ibang bansa.
Mailahad ang malabis na sakit, kabiguan, kaapihan, himagsik, at kawalang
katarungang naranasan niya sa lipunang kanyang ginagalawan.

Tayahin

Gawain 5
Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang salitang tinutukoy sa bawat bilang. Isulat ang titik
ng
tamang sagot sa iyong sagutang-papel.

a. Florante at Laura d. Panginay, Bigaa, Bulacan g. 72


b. Francisco Balagtas e. Maria Asuncion Rivera h. 399
c. Abril 2, 1788 f. Magdalena Ana Ramos i. 179

9
1. Kapanganakan ni Francisco Balagtas.
2. Ang may-akda ng Florante at Laura.
3. Lugar kung saan isinilang si Kiko.
4. Ang babaeng unang nagpatibok ng puso ni Kiko.
5. Ang babaeng kapilas ng puso ni Kiko.
6. Akdang isinulat ni Francisco Balagtas.
7. Kabuoang bilang ng saknong sa akdang Florante at Laura.
8. Gulang nang yumao si Francisco “Kiko” Balagtas.

B. Isulat ang apat na himagsik ni Francisco “Kiko” Balagtas sa pagkatha ng akdang


Florante
at Laura.

9.__________________________________________________________________
10._________________________________________________________________
11._________________________________________________________________
12._________________________________________________________________

C. Iugnay ang mga pahayag na nasa Hanay A sa mga tauhang tinutukoy sa Hanay
B. Isulat
ang titik ng tamang sagot.

A B
______13. Pangunahing tauhan sa akdang Florante at Laura a. Laura
______14. Tauhang kinikilala bilang buhong sa kasaysayan
ng Florante at Laura b. Florante
______15. Ang babaeng ipinaglaban at pinakasalan ni Florante
sa akda. c. Konde Adolfo
d. Menandro

Karagdagang Gawain

Gawain 6

Sa binasang teksto ay nalaman mo ang ilang pangyayaring umiral sa ating


bansa sa panahon ng Espanyol na siya ring panahon kung kailan isinulat ni
Francisco Baltazar ang Florante at Laura. Maglahad ka ng sariling pananaw,
damdamin, at ng gagawin mo para sa sumusunod na pangyayari.

A. Para sa mahigpit na sensura sa mga akda o palabas kung saan tanging mga
diksyonaryo, moro-moro, at mga aklat panrelihiyon ang nalilimbag na babasahin.

• Ang pananaw o damdamin tungkol dito ay


______________________________________________________________
• Kung mangyayari ang ganitong sensura sa kasalukuyang panahon ay

10
______________________________________________________________

B. Para sa hindi mabuting pamumuno at kalupitan ng mga dayuhang Espanyol sa


mga Pilipino
• Ang pananaw o damdamin ko tungkol dito ay
______________________________________________________________
• Kung mangyayari ang ganitong pamumuno sa kasalukuyang panahon ay
______________________________________________________________

C. Para sa mga Pilipinong mas pinipiling sumulat sa wikang Espanyol kaysa


gumamit ng sariling wika
• Ang pananaw o damdamin ko tungkol dito ay
______________________________________________________________
• Kung mangyayari ang ganitong pamumuno sa kasalukuyang panahon ay
______________________________________________________________

D. Para sa hukom na humahatol at nagpapakulong nang hindi naman talaga


nagbigay ng tamang paglilitis o due process o kaya;y salapi ang namamayani sa
pagpapasiya sa halip na katotohanan, mga ebidensiya at saksi ang umiral.
• Ang pananaw o damdamin ko tungkol dito ay
______________________________________________________________
• Kung mangyayari ang ganitong pamumuno sa kasalukuyang panahon ay
______________________________________________________________

Magaling! Binabati kita. Nagawa mong lampasan ang mga gawain. Maging
handa sa susunod na gawain.

11
Susi ng Kasagutan

Modyul 1- Florante at Laura Tayahin


Gawain 1 Subukin Gawain 5
A. A
1. A 1. C
2. B 2. B
3. B 3. D
4. A 4. E
5. A 5. F

Pagyamanin 6. A
Aral 1 & 2 7. H
B. Nasa guro ang pamantayan sa bahaging ito. 8. G

Gawain 3 (Isagawa) B.

9. Himagsik laban sa malupit


Na pamahalaan
X 10. Himagsik laban sa hidwaang
pananampalataya
X 11. Himagsik laban sa maling
kaugalian

12. Himagsik laban sa mababang


Gawain 4 uri ng panitikan

13. B

14. C
X 15. A
X

12
SANGGUNIAN
Aklat:
Pinagyamang Pluma 8 Pahina: 394-414 May-akda: Alma M. Dayag
Online
(https://www.panitikan.com.ph/kaligirang-pangkasaysayan-ng-florante-at-laura-buod:

Google.com/search?gs_ssp=eJzj4tTP1TcwNjAxMDJg9NJIKs1PUchLVyhJzEnMTSr
NSKxUyMtUSCtKzEvOLE7OV0gCiqeXJBYDALDzEcA&q=buod+ng+talambuhay+ni
+f

https://www.google.com/search?q=tauhan+sa+florante+at+laura&oq=tahan+sa+f&aq
s=chrome.1.69i57j0i13l9.9256j0j7&sourceid=chrome&ie=UTF-8

https://www.pinterest.ph/pin/15481192452190334/
https://bayaningfilipino.blogspot.com/2017/08/talambuhay-ni-francisco-balagtas.html

Magaling! Binabati kita. Nagawa mong


lampasan ang mga gawain. Maging handa sa
susunod na gawain.

13
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education — Bureau of Learning Resources (DepEd- BLR)
Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex
Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

You might also like