You are on page 1of 22

8

Filipino
Ikaapat na Markahan-Modyul 4:
Ang Tagapagligtas
(Florante at Laura)
Filipino – Ikawalong Baitang
Ikaapat na Markahan – Modyul 4:
Ang Tagapagligtas (Florante at Laura)
Unang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan.
Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o
trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng
karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa
paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-
aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan
nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Norma A. Limsan
Editor: Lorna C. Ragos at Cristy C. Agudera
Tagasuri: Julieta C. Lavisores, Elisa C. Fuentes
Tagalapat: Norma A. Limsan
Tagapamahala:

Josephine L. Fadul – Schools Division Superintendent


Melanie P. Estacio - Assistant Schools Division Superintendent
Christine C. Bagacay – Chief – Curriculum Implementation Division
Cristy S. Agudera – Education Program Supervisor – Filipino
Lorna C. Ragos - Education Program Supervisor
Learning Resources Management

Inilimbag sa Pilipinas ng
Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon XI - Sangay ng Lungsod ng Tagum
Tanggapan: Energy Park, Apokon Road, Tagum City
Telefax: (084) 216-3504
Sulatroniko: tagum.city@deped.gov.ph
8

FILIPINO
Ikaapat na Markahan-Modyul 4:
Ang Tagapagligtas
( Florante at Laura )
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda
para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan.
Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang
maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang
itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy
na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang
magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at
tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang
tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang
nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin.
Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula
sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat
pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May
susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga
sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na
magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na
ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag
susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul.
Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa
kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-
unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga
tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral
kahit wala sila sa paaralan.

ii
Aralin Ang Tagapagligtas
(Florante at Laura)

Alamin Natin

Magandang araw sa iyo!

Mga minamahal naming mga mag-aaral, naranasan mo na bang

tumanggap ng tulong mula sa isang dayuhan na ang pananampalataya ay

kontra sa sarili mong paniniwala? Ano kaya ang mararamdaman mo o ang

magiging reaksyon mo kung ang buhay mo‘y mailigtas ng isang taong kalaban

mo sa relihiyon?

Halina’t ating patuloy na lalakbayin ang kuwento ng isang makisig na

lalaki nang mangyari ito sa kanya.

Pag-aaralan mo sa modyul na ito ang ikalawang bahagi ng Florante at

Laura, ang itinuturing na pinakapopular na awit. Awit na hindi ito iyong

kinakanta, ito ay isang mahabang tulang pasalaysay.

Narito ang mga tiyak na kasanayang inaasahang matatamo sa modyul

na ito:

1. Nailalarawan ang tagpuan ng akda batay sa napakinggan


(F8PN-Ivf-g-36);
2. Nailalahad ang mga mahahalagang pangyayari sa aralin
(F8PB-Ivf-g-36).

1
Subukin Natin

Ngayong nasa ikalawang bahagi na tayo ng ating pag-aaral ng

Florante at Laura, aalamin muna natin kung ano na ang alam mo sa ngayon,

kaugnay ng nilalaman sa modyul na ito.

Panuto: Piliin ang titik nang tamang sagot at isulat ito sa sagutang papel.

1. Nakadama ng ____ si Aladin nang makita si Florante.


A. habag B. lungkot C. tuwa D. galit

2. Ginamit ito ng Moro sa paghawan ng dawag sa gubat.


A. kalis B. espada C.pala D. kutsilyo

3. Dahil sa taglay na lakas at tapang ni Aladin ang dalawang leon ay__


A. umamo B. tumakbo C. namatay D. umiyak

4. Ang gerero at ang baguntao ay magkalaban sa ___


A. relihiyon B. debate C. pag-ibig D. pulitika

5. Ang gererong Moro ay hindi binyagan. Ang pariralang may salungguhit


ay nangangahulugang____
A. hindi Kristiyano B. hindi Muslim
C. hindi Buddhista D. hindi Protestante

2
Aralin Natin

HALINA’T BUMASA!

Bago natin ipapatuloy ang pag-aaral sa modyul na ito babasahin muna


natin ang isang buod sa unang bahagi ng tulang pasalaysay ng Florante at
Laura.
Sa gitna ng gubat, may dalawang pusong nananaghoy dahil sa sinapit
ng kanilang mga pusong sugatan. Subalit higit na mas malakas ang panaghoy
ni Florante kung kaya’t narinig siya ni Aladin. Narinig ni Aladin ang
pamamaalam ni Florante kay Laura. Hinangad na lamang niya na ang
masayang pagsasama nina Laura at Adolfo. Kasalukuyang nasa ganoong
sitwasyon si Florante nang biglang dumating ang dalawang mababangis na
leon. Subalit tumigil lamang ang mga ito sa kanyang harapan at tila nakatitig
na handang makinig sa lahat ng kanyang karaingan. Nagpatuloy siya sa
kanyang pagtangis. Ang kanyang panaghoy sa Albanya ay ganoon na lamang.
Nanghihinayang siya ngayon dahil pinaghaharian ito ng kasamaan sa
pamumuno ni Adolfo. Ikinalulungkot din niya na hindi na matutupad ang
kanyang pangarap mula pagkabata na mapaglingkuran at maipagtanggol ang
kanyang bayan. Sa huli, naibulalas niya ang itinatago niyang sama ng loob
sa kanyang bayan dahil ni isa sa mga kaibigan ni Duke Briseo ay wala man
lang tumulong upang mabigyan siya ng disenteng libing sa kabila ng kanyang
pagsisilbi sa kanilang bayan hanggang sa kanyang huling hininga. Gayundin
ang pag-aakala na pinagtataksilan siya ni Laura kaya’t lalong sumidhi ang
kanyang pananaghoy na nakabalisa sa isipan ni Aladin. Hinanap ni Aladin
ang nagmamay-ari ng naririnig niya ang tinig dahil sa awa.
(Halaw mula sa PINTIG ng Lahing Pilipino (Alinsunod sa K to 12 Curriculum)

3
o Naunawaan mo ba ang akdang iyong nabasa? Sa pamamagitan ng
pakikinig ay nagiging daan ito upang mapukaw ang ating imahinasyon.
Ang isang akdang naisalaysay nang maayos kagaya ng Florante at
Laura, habang tayo ay nagbabasa ay naglalakbay rin ang ating
imahinasyon. Ang mga detalyeng nakasaad ay parang lapis na
nakakabuo ng imahe sa ating isipan. Nawa’y naunawaan mo ang iyong
napakinggan habang ito’y iyong binabasa. Kung naintindihan mo
mailalarawan mo ang anyo ng tagpuan.

Sa Antas ng iyong Pag-unawa


o Ang gawaing ito ay naglalayong masukat ang iyong nauunawaan
tungkol sa nilalaman ng iyong akdang binasa.
Panuto: Pumili ng (5) limang pangungusap upang makagawa ng isang
paglalarawan sa tagpuan na iyong binasa at napakinggan. Isulat sa
sagutang papel ang mga bilang ng pahayag ng napili mong sagot.

(1.) Ang pangyayaring nakatali si Florante sa puno ng higera at handang


sunggaban ng dalawang mabangis na leon ay naglalarawan ng isang
mabangis na gubat ang buhay sa mga walang kalaban-laban.
(2.) Sa awit ipinakita na kahit “hindi binyagan” o “Moro” ay may pusong
matulungin at sumusunod sa utos ng langit
(3.) Hindi hadlang ang relihiyon sa pagtulong sa kapwa, Moro man o
Kristiyano o kahit ano pa ang iyong relihiyon hindi ito dapat maging sagabal
sa pagiging mabait natin sa ating kapwa tao.
(4.) Kapangyarihan ng pag-ibig, kahit nakaharap na sa kamatayan,
kapakanan pa rin ni Laura ang hangad ni Florante.
(5.) Ang mga pangyayaring isinalaysay ni Balagtas sa awit ay di na maiuugnay
sa kasalukuyang panahon.
(6.) Katapangan at katatagan ang ipinamalas ng baguntao.
(7.) Naghinanakit ang baguntao habang nakaharap sa kamatayan dahil wala
siyang hinangad kundi paglingkuran ang bayan.
(8.) Kaliluhan ang siyang naghahari sa Albanya na siyang dahilan ng labis na
paghihinagpis ng baguntao.
(9.) Nagpapakita ng paghahati ng antas ng lipunan ng mayaman at mahirap.
(10.) Ang tao ay isinilang na likas na mabuti.

4
Gawin Natin

Sa bahaging ito ipagpapatuloy na natin ang ating pag-aaral sa Florante


at Laura. Malalaman mo na rin kung sino ang tagapagligtas. Sa bawat
saknong na iyong mababasa ay may mga salitang mahirap maunawaan.
Tumingin lamang sa ibabang bahagi nang sa gayon ay mabigyan ka ng
kalinawan sa mga salita. Handa ka na ba? Simulan na natin.

126 Sa tinaghoy-taghoy na kasindak-sindak,


gerero’y hindi napigil ang habag,
tinunton ang boses at siyang hinanap,
patalim ang siyang nagbukas ng landas.

(tinunton – hinanap, patalim – punyal;kutsilyo)

127 Dawag na masinsi’y naglagi-lagitik


sa dagok ng lubhang matalas na kalis,
Moro’y di tumugot hanggang di nasapit,
ang binubukalan ng maraming tangis.

(dawag – gubat; masukal; di – tumugot – di tumigil)

129 Nang malapit siya’y abutin ng sulyap


ang sa pagkatali’y linigid ng hirap,
nawalan ng diwa’t luha’y lumagaslas,
katawan at puso’y nagapos ng habag.

( habag – awa, lumagaslas – pumapatak, umaagos)

• Mula sa tatlong saknong iyong nabasa ano ang naramdaman ng gerero


sa kanyang narinig na panaghoy?
Tama, pagkahabag o awa kaya hindi na natiis ni Aladin, hinanap
niya ang pinagmumulan nito.
• Bakit lumuluha si Aladin?
Napaluha siya sa kanyang nasilayan na kahabag-habag na
kalagayan ng baguntao.

5
134 Inusig ng taga ang dalawang leon,
Si Apolo mandin sa Serpyente Piton;
walang bigong kilos na di nababaon
ang lubhang bayaning tabak na pamutol.

( Apolo – prinsipe ng mga Musa at nagturo ng musika, tabak – gulok, espada)

135 Kung ipamilantik ang kanang pamatay


at saka isalag ang pag-adyang kamay,
maliliksing leon ay nangalilinlang,
kaya di nalao’y nangagumong bangkay.
( isalag – maliitin , nangalilinlang- naisahan, naloko )

• Ano ang nangyari sa kasunod na dalawang saknong?


Muntik nang silain ng dalawang leon ang lalaking nakagapos,
tamang tama siyang pagdating ng gerero. Dahil sa angking
katapangan ng gerero napatay niya ang mga ito sa pamamagitan ng
kanyang tabak.

136 Nang magtagumpay na ang gererong bantog


sa nangakalabang mabangis na hayop,
luha’y tumutulong kinalag ang gapos,
ng kaawa-awang iniwan ng loob.
( bantog – sikat,popular kinalag – tinanggal)

138 Kaya ang ginawa’y inagapayan,


Katawang malata’y para nang bangkay
At minsang pinatid ng espadang tangan
Walang awing lubid na lubhang matibay.
(inagapayan – inalalayan , pinatid – pinutol)

• Ano kaya ang nangyari pagkatapos mapatay ng gerero ang dalawang


leon?
Kinalasan niya ang lubid na nakatali sa baguntao at kinalong niya
ito. Nang magmulat ang kanyang mga mata, ito’y nabigla sa
kanyang nakita.

6
• Ano itong natuklasan niya?( Basahin mo ang saknong 146)
146 Nang muling mamulat ay nagitlahanan
Sino? ” Sa aba ko’t nasa Morong kamay!”
Ibig na iigtad ang lunong katawan,
Nang hindi mangyari’y nangalit na lamang.
( nagitlahanan – nagulat, iigtad – babangon )

• Bakit ganito ang naging reaksyon ng baguntao nang masilayan niya ang
gerero na siyang nagligtas sa kanya?
Hindi siya makapaniwala sa kanyang nakita. Nagulat siya kasi,
kalaban ng bayan niya at pananampalataya ang Morong nagligtas sa
kanya.
• Ano kaya ang naging sagot ng gerero?
147 Sagot ng gerero’y “Huwag na manganib
pumayapa ka’t mag-aliw ng dibdib,
ngayo’y ligtas ka na sa lahat ng sakit,
may kalong sa iyo ang nagtatangkilik
( nagtatangkilik – tumutulong)

Sinabi ni Aladin na ligtas na si Florante, maging payapa na siya.


Ipinadama ng gerero na sila’y di magka-away.

148 “Kung nasusuklam ka sa aking kandungan,


lason sa puso mo ang hindi binyagan,
nakukutya ako na hindi ka saklolohan,
sa iyong nasapit na napakarawal.
( nasusuklam – nagagalit napakarawal – napakasama)

• Binanggit sa saknong ang salitang “hindi binyagan” ano ang ibig


sabihin nito?
Ang kahulugan nito ay di Kristiyano na ang tinutukoy nito ay si Aladin.
Kahit ayaw siya ni Florante hindi niya hahayaang mamatay si
Florante. Hindi pilit ang pagtulong ni Aladin bagkus kusang loob niya
itong ginawa.

7
149 “Ipinapahayag sa pananamit mo,
taga – Albanya ka at ako’y Persyano;
ikaw ay kaaway ng baya’t sekta ko
Sa lagay mo ngayon’y magkatoto tayo.

( sekta – relihiyon , magkatoto – magkaibigan)

150 “ Moro ako’y lubos na taong may dibdib


at nasasaklaw rin ng utos ng Langit
dini sa puso ko’y kusang natititik
natural na leing sa aba’y manipis.

( lei – salitang Espanyol para sa batas o utos , natititik – nakaukit


mahapis – mahabag , maawa)

• Ipinaliwanag ni Aladin sa baguntao na kahit magkaiba ang kanilang


pananampalataya, saklaw din siya ng batas ng langit at dapat lamang
tumulong sa mga taong nangangailangan. Sinabi niya na taos – puso ang
kanyang pagliligtas sa binata.

151 “ Anong gagawin ko’y aking napakinggan


ang iyong pagtaghoy na kalumbay-lumbay,
gapos na nakita’t pamumutiwan
ng dalawang ganid, na bangis ng tangan.

• Sa mga saknong na ito, nagpamalas ang gerero ng pagtulong na tunay.


Pinatunayan ng Moro na walang kinikilalang relihiyon ang pagtulong.
Ngunit hindi natuwa ang baguntao sa Moro, ito ang kanyang naging
tugon.
• Basahin ang saknong 154.

154 “Itong iyong awa’y diko hinahangad,


patayin man ako’y siyang pitang habag,
di mo tanto yaring binabatang hirap,
na ang kamatayang ang buhay kong hanap”
( hinahangad – hinihingi o hinihiling )

Sa sobrang sama ng loob sa sinapit ng pagkamatay ng kanyang ama


at sa Albanya at sa pag-ibig niya kay Laura. Sinabi ng baguntao na
hindi awa ang kanyang kailangan kundi mas pipiliin niya ang
kamatayan.

8
• Paano inalagaan ng gerero ang baguntao?
• Alamin at basahin sa mga sumsunod na saknong.
161 Ito’y umidlip sa buong magdamag,
sa pag-aalaga’y nagbata ng puyat,
ipinanganganib ay baka makagat,
ng ganid na madlang naggala sa gubat
( umidlip – natulog , magbata – nagtiis)

162 Tuwing magigising sa maagang tulog


itong lipos-hirap ay naghihimutok,
pawing tumitirik na anaki’y tunod,
sa dibdib ng Morong may habag at lunos.

163 Nang magmamadaling araw ay nahimbing,


munting napayapa sa dalang hilahil,
hanggang sa Aurorang itabo’y ang dilim,
walang binitiwang hiumutok at daing.

( hilahil – alalahanin , Aurora – Ayon sa mitolohiyang Romano siya ang Diyosa ng


bukang liwayway)
Magdamag na hindi natulog ang gerero at binantayan niya ang
baguntao, nag-alala siya baka may lumapit na hayop at kagatin ito.
Sa tuwing magigising ang baguntao madalas itong umungol, bawat
iyak ng baguntao ay nakaramdam ng pagkaawa ang gerero.

• Ngayong gising na ang baguntao, isinalaysay niya sa gerero ang kanyang


buhay.
• Basahin ang kasunod na saknong.

174 “ Sa isang dukado ng Albanyang s’yudad,


doon ko nakita ang unang liwanag.
yaring katauha’y utang kong tinanggap,
sa Duke Briseo, Ay, Ama kong liyag!
( liyag – minamahal )
Ipinakilala na ng baguntao ang kanyang ama, si Duke Briseo, mahal
na mahal niya ang kanyang mapagkandiling ama. Ibig sabihin ng
mapagkandili ay, mapagmahal.
Siya ay may “dugong bughaw” sapagkat anak siya ng isang duke.

9
176 “ Bakit naging tao ako sa Albanyang
bayan ng ama ko at di sa Crotona
sa masayang s’yudad na lupa ni Ina?
disin ang buhay ko’y di lubhang nagdusa.
( Crotona – isang siyudad sa Gresya sa may dakong Italya)

Isinalaysay niya na taga Crotona ang kanyang ina, at ang ama naman
niya ay taga Albanya kung saan dito siya isinilang at nagkaisip. Isang
masayang lugar ang Crotona at ninais niya na sana doon na lang siya
isinilang. Hindi sana niya sinapit ang sobrang hirap na dinananas
niya ngayon.
• Ano kaya ang naging trabaho ng kanyang ama sa Albanya?
• Ipagpatuloy mo ang iyong pagbabasa sa mga saknong.
177 “ Ang dukeng ama ko’y pribadong tanungan
ng Haring Linseo sa anumang bagay,
pangalawang puno sa sangkaharian,
hilagang-tungo ng sugo ng bayan.

• Ang ama ng baguntao ay ang tagapayo ng Haring Linseo

179 “Naririnig ko pa halos hanggang ngayon,


palayaw na tawag ng ama kong poon,
noong ako’y batang kinakandung-kandong,
taguring Floranteng bulaklak kong bugtong.
• Sa saknong na ito, nagpakilala na ang baguntao, siya si Florante
ang nag-iisang anak ng Duke Briseo
• Naalala ni Florante ang kanyang kabataan, na mahal na mahal
siya ng kanyang ama. Hindi niya makalimutan na ang kanyang ama
ang nagbigay ng kanyang palayaw, tinawag siyang “Floranteng
bulaklak kong bugtong. Ibig sabihin nito ay nag-iisang anak.

Buod ng bawat saknong ng paksang tinalakay:

Ang pagliligtas ni Aladin kay Florante ay sumisimbolo sa kapayapaan

At pagkakaisa ng magkaibang paniniwala. Magkaiba man ang kanilang sekta

o paniniwala hindi ito naging hadlang upang tulungan ni Aladin si Florante.

Nangangahulugan ito ng tunay na pagkakapatiran. Hinanap kaagad ni Aladin

ang kinaroroonan ng boses. Tamang tama lamang ang kanyang pagdating

10
nang biglang sugurin ng mga leon si Florante. Nakipaglaban si Aladin sa

mabangis na leon sa pamamagitan ng kanyang sibat hanggang sa ang mga

ito’y mamatay. Kinalag ni Aladin ang mga gapos at inalagaan niya si Florante

hanggang sa ito ay magkamalay.

Nang magising si Florante, laking gulat niya nang malamang nasa

kandungan siya ng Moro. Hindi siya makapaniwala na ang taong nagligtas sa

kanya ay kalaban sa paniniwala. Inalagaan siya ng moro hanggang sa

manumbalik ang kanyang lakas.

Sanayin Natin

Pagkatapos mong basahin ang mga mahahalagang saknong ng ating

aralin, marahil naging malinaw na sa iyo ang tunay na pagtulong ng gererong

dumating sa gubat. Ang pagtatagpo ng dalawang magkaibang lahi na ang

Morong gerero na si Aladin at ang baguntao na si Florante. Upang mapagtibay

pa ang iyong mga nalalaman sa paksang ito, subukin mong gawin ang ilan

sa mga gawain.

Panuto: Piliin sa hanay B ang tao o bagay na inilalarawan sa hanay A.

Isulat ang sagot sa sagutang papel.

A B

___ 1.dibdib na nabibiyak sa awa ( A.) Aladin

___ 2. Sa may kalong ( B.) Florante

___ 3.natural na lei ( C.) Laura

___ 4. taong may dibdib ( D.) Batas ng Lipunan

___ 5. labis ang kanyang pagtangis ( E.) Utos ng Langit

11
Tandaan Natin

Kumusta ka? Madali mo bang nasagot ang naunang gawain?


Napakahusay! Kung sa palagay mo ay hindi pa sapat ang iyong mga
natutuhan sa ating aralin, makakatulong ang mga susunod na gawain. Sa
mga gawaing ito mas mapalalim pa ang iyong pag-unawa sa ating paksang
tinalakay.

Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang tamang salita/parirala na


ipupuno sa patlang upang mabuo ang pangungusap. Titik lamang ang
isulat sa sagutang papel.

(A.)mahina ang puso’t lubhang maramdamin,

(B. ) habag o awa

(C.) sisilain na ito ng 2 leon,

(D.) nasasaklaw din ng Utos ng Langit

(E.) Moro

(F.) pagtulong na tunay

(G.) katapangan

1. Ang baguntao ay nabigla sa kanyang nasilayan dahil siya ay ___

2. Nang makita ni Aladin ang kinalalagyan ni Florante, nakaramdam siya


ng_______

3. Sinabi ni Aladin na kahit siya ay isang Moro, siya ay _____

4. Hindi nakatiis na di-tulungan si Florante dahil sa nakita niya ito na____

5. Naipakita ni Aladin ang kanyang______ nang tulungan niya ang binatang


tumatangis.

12
Suriin Natin

Binabati kita! Ang galing mo, malapit mo ng maisakatuparan ang pag-

unawa sa paksang aralin natin. Panatilihin mo pa ang iyong kasipagan sa

pagsagot. Palalawakin pa natin ang iyong kaalaman sa pagsagot sa mga

tanong. Sa puntong ito aalamin naman natin ang galing mo sa pagsasaayos

ng mga pangyayari sa Florante at Laura na ating tinalakay.

Panuto: Isaayos ang mga pangyayari ayon sa wastong pagkakasunud-sunod.

Isulat ang titik A, B, C, D at E . Titik A ang una at E naman ang huli. Isulat

ang iyong sagot sa sagutang papel.

1.___ Nakarinig ang gerero ng buntunghininga kaya hinanap niya ito.

2.___ Dalawang leon ang nakita niyang handang sisilain ang isang

baguntaong nakagapos.

3.___ Nailigtas ng gerero ang baguntao nang mapatay ang dalawang leon,

kinalag nito ang lubid na nakagapos sa baguntao.

4.___ Dumating ang gerero sa gubat na bayani ang tikas may hawak siyang

pika at adarga.

5.___ Nawalan ng malay ang baguntao at nang magmulat ng mata ay nabigla

ito nang malaman isang Moro ang tumulong sa kanya .

13
Payabungin Natin

Natutuwa ako dahil natapos mo ang mga gawain at alam kong marami ka na
ring natutunan sa ating aralin. Siguro nasasabik ka nang matapos ang
modyul na ito. Palalawakin pa natin ang iyong kaalaman sa pamamagitan ng
isa pang gawain. Bibigyan ka ng gawain na susukat sa iyong kasanayan sa
paglalahad ng mga mahahalagang pangyayari sa bawat aralin.
o Bawat kabanata ay naghatid ng mahahalagang pangyayari, katibayan
ito na makabuluhan at karapatdapat itong basahin. Alin sa mga ito ang
tumatak sa iyong puso at isipan na masasabi mong mahalagang matutunan
ng kabataang kagaya mo?

Panuto: Nasa loob ng ulap ang mga kabanata sa buhay ng ating mga
tauhan na si Florante at Aladin. Isulat sa ibaba ang mahahalagang
pangyayari buhat sa mga saknong na iyong nabasa sa aralin. Maaari mong
balikan at basahing muli ang mga nakasaad na saknong.

1.) ANG PAGDATING 2.) ANG 3.) ANG


NG MORONG PAGKALINGA NG
GERERO
PAGKALIGTAS
ISANG MORO
NG LALAKING
Saknong 126- 129 Saknong 161- 163
NAKAGAPOS
Saknong 134- 138

Mahahalagang Pangyayari:
1.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
2.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
3.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

14
Pagnilayan Natin

Ako’y natutuwa na sapagkat nailalahad mo ang mga mahahalagang


pangyayari sa bawat kabanata ng buhay ni Aladin at Florante. Sa
pagkakataong ito, nasa huling bahagi na tayo ng ating modyul, alam kong
handa ka ng maisalin ang iyong mga natutuhan sa tunay na buhay.
Panuto: Ngayon, ibahagi mo ang iyong naging karanasan sa pagtulong sa
kapwa. Ano ang naging epekto nito sa iyong pagkatao? Susulat ka ng isang
maikling sanaysay o “essay” tungkol sa paksa sa ibaba. Pumili lamang ng
isang paksa na nakatala sa ibaba. Ang sanaysay ay bubuuin ng dalawang (2)
talata o “paragraph”. Sa bawat talata ay may tigtatlo o tiglilimang
pangungusap.
Mga mungkahing paksa:
1. Kapwa Ko… Mahal Ko.
2. Pagtulong na Tunay
3. Bukas-palad at bukas sa loob na pagtulong
o Gamitin ang rubrics sa ibaba para magabayan ka sa pagbuo ng iyong
sanaysay.

Pamantayan 5 4 3 2 Kabuuan
Napakahusay Mahusay Katamtaman Nangangailangan
ng pagsasanay
NILALAMAN Malinaw at Maliwanag ang Maliwanag ang Hindi nakatuon sa 5
maayos ang ideyang inilahad ngunit paksa ang mga
ideyang inilahad inilahad may ideya na ideyang inilahad
at pumukaw ng lumihis sa at hindi
damdamin ng paksa maliwanag.
mambabasa
GRAMATIKA Mahusay ang Mayroong 1-5 Mayroong 6-10 Higit sa 10 ang 5
pagkakagamit pagkakamali pagkakamali mali sa gramatika
ng mga salita at sa gramatika o sa gramatika o at bantas
hindi kakitaan bantas bantas
ng pagkakamali
maging sa
gramatika o
bantas
ORGANISASYON Lohikal at Naipakita ang Lohikal ang Walang patunay 5
mahusay ang debelopment pagkakaayos na organisado ang
pagkakasunod ng mga talata ng talata pagkalahad ng
sunod ng mga subalit hindi subalit ang sanaysay
ideya makinis ang mga ideya ay
pagkakalahad hindi ganap na
nadebelop
KABUUAN 15PUNTOS

15
16
Pagnilayan Natin
Ang pagpapasiya ay
nasa guro gamit ang
rubriks
Suriin Natin
Payabungin
1. B Tandaan Natin
Natin
2. C 1. E
2. B
Ang pagpapasiya 3. D 3. D
ay nasa guro 4. C
4. A
5. F
5. E
Sanayin Natin
Aralin Natin Subukin
1. A
Mga bilang na: Natin
2. B
1, 2, 3, 4 at 7 1. A
3. E
2. B
4. A 3. C
4. A
5. B 5. A
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian:

• K to 12 Most Essential Learning Competencies for


Filipino Grade 8 Fourth Quarter
• https:// dokumen.tips Modyul ng Florante at Laura

17
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon XI - Sangay ng Lungsod ng Tagum


Tanggapan: Energy Park, Apokon Road, Tagum City
Telefax: (084) 216-3504
Sulatroniko: tagum.city@deped.gov.ph
18

You might also like