You are on page 1of 13

Republika ng Pilipinas

KAGAWARAN NG EDUKASYON
Rehiyon I
Sangay ng Ilocos Sur

SARILING
LINANGAN KIT SA
FILIPINO
8
Pamagat ng Aralin :

POPULAR NA BABASAHIN
Kuwarter: 3 MELC NO. : __1___

MELC :
( F8PB-IIIa-c-29 ) Naihahambing ang tekstong binasa sa iba pang teksto batay
sa paksa, layon, tono, pananaw,paraan ng pagkakasulat, pagbuo ng salita,
pagbuo ng pangungusap, pagbuo ng talata.

Pangalan ng Guro-Manunulat: HILDA S. SAVELLA


Paaralan : Cabugao National High School

1
KUWARTER 3
SARILING LINANGAN KIT (MELC #) 1

TUNGKOL SA SARLING LINANGAN KIT

Napakahalagang papel ang ginagampanan ng mga kagamitan sa pagtuturo para sa ikatatamo


nang mas mataas na antas ng karunungan lalo na sa larangan ng edukasyon. Magsisilbing
kasangkapan ang kagamitang ito sa pagkatuto ng mga mag-aaral upang makaagapay sa mga
pagbabago
Ang Sariling Linangan Kit ( SLK ) na ito ay ginawa para sa inyong mga mag-aaral. Layunin
nitong tulungan ka sa iyong pag-aaral. Inaasahan na gagamitin mo ang iyong mga kakayahan at
kahusayan sa pag-unawa at pagsagot sa mga tanong at pagsasanay na naihanda.
Ang Sariling Linangan Kit ( SLK ) na ito ay tumatalakay sa mga popular na babasahin na
kinagigiliwan mong basahin. Nakapaloob dito ang iba’t ibang babasahin o teksto na binubuo ng mga
salita, pangungusap at mga talata. Makapaghahambing ka rin ng mga babasahin o teksto ayon sa
paksa, layon, tono, pananaw, paraan ng pagkakabuo ng mga salita, pangungusap at talata.
Ang layunin ng kagamitang ito ay maisasakatuparan sa tulong at paggabay ng iyong mga
magulang. Panatilihing malinis ang Sariling Linangan Kit at iwasang sulatan ang mga pahina nito.
Inaasahang ibayong pag-iingat ang ilalaan dito. Ariin mong kaibigan ang Sariling Linangan Kit (SLK)
na ito. Ilagay ang iyong mga sagot sa kuwadernong inilaan para sa asignaturang Filipino 8.

Para sa Mga Magulang/Tagapag-alaga


Kayong mga magulang ay mahalagang kaakibat sa edukasyon ng inyong mga anak.
Naiimpluwensiyahan ninyo ang pag-uugali ng inyong mga anak tungkol sa kanilang pag-aaral at
sinusuportahan ninyo sila sa kanilang mga naisin sa buhay. Kayo ay mahalagang koneksyon sa
pagitan ng bahay at paaralan. Ang mga tungkulin ninyo ay hindi nagtatapos sa pagbibigay sa kanila ng
makakain, maiinom, maisusuot, at matitirhan kundi maging sa paghubog sa kanila upang maging
mabuting tao at magkaroon ng magandang kinabukasan. Kaugnay nito, ngayon kayo higit na kailangan
ng inyong mga anak para sila ay matuto at madagdagan ang kanilang kaalaman gamit ang iba’t ibang
pamamaraan na inihahanda ng Departamento ng Edukasyon. Kailangan lamang na sila ay gabayan at
tulungan para sila ay manood, makinig, magbasa, at isagawa ang mga inihandang gawain para sa
kanila.
Sa Sariling Linangan Kit na ito ay tatalakayin at paghahambingin nila ang dalawang teksto ayon
sa paksa, tono, layon, pananaw, at maging ang paraan ng pagkakabuo ng mga salita, pangungusap at
talata ng teksto. Nawa ay magawa nila ang mga naihandang gawain. Alalayan natin silang gamitin nang
wasto at maayos ang linangan kit na ito. Ilagay dapat nila ang kanilang sagot sa kuwadernong inilaan
para sa asignaturang Filipino 8.

KASANAYANG PAMPAGKATUTO: ( MELC )


Pagkatapos ng aralin, inaasahan kong magagawa mo ito nang mahusay.
1. Nakikilala ang tono ng mga bahagi ng teksto. (F8PB-IIIa-c-29)
2. Nasusuri ang maaaring paksa ng mga bahagi ng teksto. (F8PB-IIIa-c-29)
3. Naihahambing ang tekstong binasa sa iba pang teksto batay sa paksa,layon, tono, pananaw,paraan ng
pagkakasulat- pagbuo ng salita, pagbuo ng pangungusap, pagbuo ng talata. (F8PB-IIIa-c-29)

PAGTALAKAY SA ARALIN

Pagganyak

Handa ka na bang tumuklas ng mga bagong kaalaman? Kung gayon, simulan na natin ang iyong
pag-aaral tungkol sa mga panitikang popular.
1. Naisip mo na ba kung paano naiba ang mga panitikan sa kasalukuyan sa mga tradisyunal na uri ng
panitikan?
2. Paano nga ba nagkaroon ng transpormasyon mula sa tradisyunal na panitikang Pilipino tungo sa
panitikang popular? Bakit mahalagang basahin at pag-aralan ang mga panitikang popular?
GAWAIN 1: CROSSWORD PUZZLE
Alam mo ba ang iba’t ibang uri ng panitikan na maituturing nating bahagi ng panitikang popular? Alam
mo rin ba ang iba’t ibang midyum na ginagamit upang maipahatid ang mga ito sa higit na nakararaming
mambabasa? Tukuyin mo ang binabanggit/ inilalarawan ng crossword puzzle sa ibaba. Pagkatapos,
isulat mo ang iyong mga sagot sa mga kahon upang mabuo ang crossword puzzle

2
2
PAHALANG
E
1 sa isang klik lang mundo’y
4 mapapasok na para mag FB, twitter o
magsaliksik pa
1 N E E
3 musika’t balita ay mapakikinggan na.
K Sa isang galaw lang ng pihitan, may Am
E at FM pa!

5 pahayagan ng masa

7 makulay na babasahin na hitik sa


3 A O I
impormasyon

6 PABABA
5 A O 2 pinipilahan ng mga manonood,sa
8 pinilakng tabing ito’y itinatampok

O L 4 elektronikong kagamitan, may


palabas na kinaaaliwan
7 A A N
6 kuwentong higit na maiksi kaysa sa
4I maikling kuwento

8 kuwentong isinalarawan ng mga


dibuhista
S

ALAMIN NATIN:
MGA POPULAR NA BABASAHIN
Masasabing nagpatuloy ang tradisyon sa panitikan sa kabila ng modernisasyon sa pamamagitan ng
pagpasok ng teknolohiya. Marahil, nagkaroon lamang ito ng bagong mukha. Kapansin-pansin sa
kasalukuyan na ang kinawiwilihan ng kabataan na mga babasahin gaya ng komiks, magasin, at dagling
katha ay nauulit lamang ang paksa at tema sa mga akda sa tradisyunal na uri ng panitikan. Kung
susuriin, nagkakaiba lamang sa estilo, pamamaraan at kaalamang teknikal ang panitikang popular.
PAHAYAGAN
Itinuturing na isang uri ng print media na nananatiling buhay at bahagi ng ating kultura. Itinuturing
na malaki ang ginagampanang papel ng mga balita sa pang-araw-araw na pamumuhay ng mga
Pilipino. Upang tayo ay maging bukas at mulat sa mga napapanahong pangyayari ay sinisikap ng bawat
isa na matutukan ang mga pangyayaring nagaganap sa ating paligid o lipunan. Bagamat marami na
ang nagbabasa ng mga balita sa Internet ay marami pa rin ang patuloy na tumatangkilik sa mga
pahayagan dahil sa abot-kayang presyo nito.
Sa pangkalahatan, may dalawang uri ng pahayagan-ang tabloid at ang broadsheet . Ibinibilang na
pahayagang pangmasa ang tabloid dahil sa wikang Filipino o sa ibang diyalekto ito nakasulat bagamat
ang ilan dito ay Ingles ang midyum. Hindi katulad ng broadsheet na ang target na mambabasa ay mga
Class A at Class B. Kaya nga lang, sa ibang tabloid ay mas binibigyang-diin ang tungkol sa sex at
karahasan kaya’t tinagurian itong sensationalized journalism.

3
.

KOMIKS
Ito ay isang grapikong midyum na ang mga salita at larawan ay ginagamit upang ihatid ang isang
salaysay o kuwento.Ito ay ibinibilang ding isang makulay at popular na babasahin na ang layunin ay
magbigay-aliw sa mga mambabasa, magturo ng iba’t ibang kaalaman, at magsulong ng kulturang
Pilipino. Kadalasang naglalaman ang komiks ng kaunting diyalogo sapagkat binubuo ito ng isa o higit
pang mga larawan, na maaaring maglarawan o magbigay-kahulugan sa teksto upang higit na
mapukaw ang atensyon ng mga mambabasa.

KONTEMPORARYONG DAGLI
Isang anyong pampanitikang maituturing na maikling-maikling kuwento.Wala ring nakatitiyak ng
angkop na haba para masabing dagli ang isang akdang pampanitikan. Sa kasalukuyan, sinasabing
nagpapalit-palit ang anyo ng dagli mula sa harap ng pahina ng mga pahayagan hanggang sa maging
nakakahong kuwento sa mga tabloid o tampok na kuwento ( feature story ) sa mga kolum,
pangunahing balita (headline) sa pahayagan, at telebisyon. Sa kasalukuyan, nagkaroon na ng bagong
kahulugan ang dagli. Hindi na ito tinatawag na dagli kundi nagkaroon na ito ng ibang lehitimong
pangalan at katawagan-anekdota, spice - of- life,day -in-the-life, at iba pa.
MAGASIN
Isang uri ng babasahing popular na kinahuhumalingan ng mga Pilipino dahil sa aliw na hatid nito at
mga impormasyong makukuha rito. Hndi nawawala ang Liwayway kung ang pag-uusapan ay ang
paglaganap ng magasin sa Pilipinas. Naglalaman ito ng maikling kuwento at mga nobela na naging
instrumento upang umunlad ang kamalayan ng marami sa kulturang Pilipino. Dinala nito ang panitikan
sa mga kabahayan ng pamilyang Pilipino. Ang pagkahilig ng maraming pamilya sa pagbabasa ng
Liwayway ay nakatulong nang malaki upang higit na mapatibay ang samahan o relasyon ng bawat
pamilya.Dahil sa mabilis na pagbabago ng panahon, unti-unting humina ang produksiyon ng Liwayway.
Nag-iba ang panlasa ng mga Pilipino mula nang magpasukan ang iba’t ibang magasin mula sa iba’t
ibang bansa. Sa kasalukuyan,naririto ang mga nangungunang mga magasin na tinatangkilik ng
maraming Pilipino.

1. CANDY 2. COSMOPOLITAN

3. ENTREPRENEUR 4. FHM (FOR HIM MAGAZINE )

4
5. GOOD HOUSEKEEPING 6. MEN’S HEALTH

7. METRO 8. T3

8. YES!

Ngayong nabatid mo na ang mga iba’t ibang pahayagang popular at mga nangungunang magasin sa bansa.
Alamin naman natin ngayon ang iyong kakayahan sa pagsagot sa mga susunod na gawain pagkatapos basahin
at unawain ang dalawang teksto . Gawin ito sa iyong kuwaderno.

UNANG TEKSTO
Ang Wikang Filipino sa Edukasyong Panteknolohiya
Christian George C. Francisco
Isandaan at walumpu ( 180 )sa humigit- kumulang na anim na libong buhay na wika sa daigdig ay
matatagpuan sa Pilipinas. Ang ganitong sitwasyon ay maituturing na isang penomenong pangwika na
nagaganap sa isang lipunan. Sa katunayan, bawat wika sa mundo ay maikakategorya batay sa uri nito.
May mga wikang intelektuwalisado at malawakang ginagamit sa iba’t ibang antas ng komunikasyong
pasalita at pasulat, halimbawa nito ay ang English, French, Spanish, at German. Samantala, may mga
wika rin na inteltuwalisado subalit limitado ang gamit sa mga bansang mauunlad gaya ng wikang
Korean at Niponggo ( tonal languages kung ituring ang mga ito ). Higit sa lahat, may tinatawag na
papaunlad na mga wika sa mundo na karaniwang matatagpuan sa Asya gaya ng Filipino, Malay, at iba
pa.Tinawag itong papaunlad dahil patuloy itong dinedebelop sa pamamagitan ng mga linggwistikong
pag-aaral hinggil sa kalagayang pangwika sa ating bansa.
Pinatutunayan lamang nito na bawat wika ay may kani-kaniyang papel na ginagampanan sa
tinatawag nating pangkat-wika o speech community. Kung kaya, sa larangan ng linggwistika, walang
tinatawag na superior at/o inferior na wika. Nangangahulugan lamang na ang isang wika ay nararapat
na mabisang tugunan ang pangangailangan ng mga gumagamit nito. Halimbawa, ang paggamit ng
Filipino ay nakatutugon sa mga personal na pangangailangan ng Pilipino. Ang mga pangangailangang
ito ay tumutukoy sa kanyang emosyon, paniniwala, at mga adhikaing nais niyang personal na
maipaabot sa kanyang kapwa. Sa kabilang banda, ginagamit naman natin ang English ( American
English ang tinutukoy ko rito at hindi ang ibang varayti ng English sa mundo) para sa instrumental na
pangangailangan.

5
Sa pamamagitan nito, malayang nagagawa ng mga Pilipino na makipagtalastasan tungo sa
paghahanap ng trabaho sa ibang bansa. Nagsisilbi itong instrumento sa pang-empleyong perspektiba
gayundin naman sa aspektong pansosyalisasyon.
Bunsod ng ganitongsitwasyon ang pagpapakita ng halaga sa pagkakaroon ng sarili o pampersonal
na wika, pambansang wika, at mga wikang global. Marami man ang wika sa buong daigdig gayundin
din sa Pilipinas, hindi maaaring pagkomparahin ang bawat isa. Dahil ang WIKA MO, ang tumutulong
sa iyo upang lubos mong maiparamdam ang nais mo sa pinakamabisang paraan. Bukod pa, hatid din
nito ang kristalido at awtentikong mensahe na hindi kayang maibigay ng kahit na anong banyagang
wika. Ang WIKANG PILIPINO naman ang nagsisilbing wika ng nagkakai sang bansa. Ito rin ang wikang
nagiging daluyan ng mahahalagang impormasyong politikal at sosyal na kayang-kayang maipaabot
anumang antas ng kabuhayan ang iyong kinabibilangan. Ang pagsulong at pagtangkilik sa wikang ito
ang tutulong sa bawat Pilipino na maunawaan ang mga pinakamahihirap na konsepto ng mundo. Higit
sa lahat, ang WIKA NG MUNDO ang siyang nagiging tagapag-ugnay sa mas malawak na
impormasyon. Nagagawa nitong maging kongkreto ang global village kung saan ang bawat tao ay
malayang nauunawaan ang wika, kultura gayundin ang mga paniniwala ng iba’t ibang nasyon.
Gayunpaman, bahagi ng global na kalakaran ang dimensyong teknolohikal na ang bawat kultura sa
mundo ay nagpapakita ng kani-kanilang pekulyaridad sa aspekto ng popular na paniniwala kung saan
bahagi ang pag-aaral ng wika.Sa bahaging ito, malawakang nakikisangkot ang akademiya upang
matugunan ang pangangaila-ngang pedagohikal. Kung kaya, minsan na ring naipahayag ni Tony Blair
na, “ Ang ginawang pagbabago ng teknolohiya sa takbo ng buhay ng tao ay hindi matatawaran lalo na
sa larangan ng edukasyon. Sadyang mawawalang-saysay ang husay at galling ng susunod na
henerasyong propesyonal gaya ng mga titser kung patuloy itong sasandig sa mga propesyonal na
kaparaanan.” Sa katunayan, halos lahat ng bansa sa buong daigdig ay nagpapasiklaban sa tinatawag
na “ battlefields of learning “ nang sa gayon ay huwag silang mahuli kaugnay sa mga bagong kaalamang
hatid ng Information and Communication Technology. Isang halimbawa nito ay ang world wide web (
www ) na tinatayang pinakamalaking imbakan ng impormasyon sa buong mundo. Sa pamamagitan
nito, nagagawa ng tao na maka-akses sa anumang uri ng datos o kaalaman na naisin niya.
Hanggang sa kasalukuyan, patuloy pa ring pinanghahawakan ng mga techie
( eksperto sa teknolohiya ) na ang modernong panahon ay mahigpit na nakasalalay sa mga inobasyong
ihahatid pa ng teknolohiya. Paliwanag nila, ito ay isang komprehensibong paghahanda kaugnay sa iba’t
ibang opurtunidad ng pagkatuto na ang makikinabang ay ang sangkatauhan partikular na ang
akademiya .Hindi na naman bago sa atin ang mga termino gaya ng information age, e-class,
multimedia, e-mail, on-line, distance learning education, cybernetics, webpage, hypermedia, at
marami pang iba. Bagamat may mga ilan pa rin marahil na napabalikwas at hayagang tinatalikuran ang
magandang dulot ng teknolohiya.
Sa ganitong pagkakataon, binigyang-pansin nina Caroll at Witherspoon ( 2002 ) na sa loob ng
klasrum ng bawat eskuwela, lahat tayo ay pawang mga estudyante, nagkataon lamang na ang iba ay
baguhan at ang iba ay eksperto na. Sa kasalukuyang panahon, kitang-kita ito sa bawat klasrum sa
Pilipinas.Kadalasan, ang mga titser ang siyang nalalagay sa alanganing posisyon kapag usaping
teknolohiya na ang nakalatag. Naniniwala naman si Reksten ( 2000 ) na kung magkakaroon ng
pagtutulungan sa paggamit ng teknolohiya, mas magiging madali ang pagkatuto rito. Sa madaling sabi,
ang pagsasanib-puwersa ng titser at ng mga estudyante ay mainam tungo sa mas makabuluhang
talakayang pangklasrum. May kakayahan kasi ang teknolohiya na maiangat ang pag-iisip ng mga
estudyante lalo na kung ito ay maayos na naidisenyo sa kurikulum.
Samantala, sa pag-aaral na isinagawa nina Norton at Wiburg ( 2003 ), ang konsepto ng teknolohiya
ay maitutumbas sa salitang technique na ang na ibig sabihin ay ang tamang paraan ng pagpili at
pagkilala kaugnay sa mga kaparaanang nagagamit ng tao sa kanyang mga gawain. Ang angkop at
tamang pagpili ng teknolohiya na ating gagamitin sa ating mga klase ay nararapat ding isaalang-alang
nang sa gayon ay mas epektibo itong mailapat sa bawat aralin. Nagagawa kasi nito na mas maging
produktibo pa ang kalidad ng edukasyon ng isang lipunan. Bukod dito, mas napabibilis din nito ang
akses ng bawat estudyante at titser sa impormasyon saan mang dako ng daigdig. Ayon nga kay
Villacorta (2003 ), ang edukasyon ay ang pagpapaabot sa mga mag-aaral ng mga kaalaman,
kakayahan at kaugaliang higit na magbibigay sa kanila ng pagkakataong maging produktibo at
makabayang mamamayang makapag-aambag sa kaunlaran ng kanilang lipunan. Ibig sabihin, ang
edukasyon ay ang pagbibigay sa mga mag-aaral ng karunungan bilang produkto o end result ng
kaakuan ng isang indibidwal. Nangangahulugan lamang ito na sinumang tao na sumailalim o sasailalim
sa gawaing ito ay hindi matatakasan ang mga pagbabago sa kanyang paniniwala at mga ideolohiya
sa buhay na makaaapekto hindi lamang sa kanyang sarili bagkus sa lipunang kanyang ginagalawan.
Sa katunayan, marami ng mga pananalig pampagtuturo ang nabago ng modernong panahon na
nagdulot ng malaking impak sa edukasyon. Ilan sa mga ito ay ang sumusunod:

6
1. Linyar tungo sa Hypermedia na Pagkatuto. Pagpapakita ito ng kumbensyonal na pamamaraan
ng pagtuturo gamit ang mga libro at iba pang tradisyonal na parapernalya bilang mga
pangunahing instrumento ng pagtuturo. Samantala, ang hypermedia na paraan ng pagkatuto
ay tumutukoy naman sa gamit ng telebisyon, iba’t ibang larong panteknolohiya gayundin ang
gamit ng Internet sa loob ng klasrum.
2. Simpleng Instruksiyon tungo sa Pagtuklas ng Kaalaman. Ipinapakita naman dito ang
magkatuwang na debelopment ng pagtuturo at pagkatuto.Sa kasalukuyang mga pananalig
ng pagtuturo, mas ninanais na ngayon ng mga estudyante na matuto sila mula sa sarili
nilang mga karanasan at mga pagtuklas. Dahil dito, mas nagiging mabisa at episyente ang
kanilang pagkatuto sapagkat awtentiko ang bawat karanasan nila.
3. Pagtuturong Nakapokus sa Titser tungo sa Pagkatutong Nakasentro sa Estudyante. Gamit ang
mga makabagong teknolohiya, magaganap ang pagtuturong nakasentro sa estudyante dahil
sa kanila nagmumula ang aksiyon o inisyatibo. Subalit, hindi nangangahulugang kaunti na
lamang ang papel ng titser sa loob ng klasrum, bagkus mas magiging malawak pa ito dahil siya
ang magsisilbing gabay ng kabuoang talakayang ilalahad ng mga estudyante.
4. Mula Paaralan tungo sa Panghabambuhay na Pagkatuto. Dito ay binubuwag ang paniniwalang
sa paaralan lamang magsisimula at magtatapos ang pagkatuto, bagkus gamit ang mga
makabagong teknolohiya, dulot ang panghabambuhay na pagkatamo ng mga kaalaman sa
mundo. Nagsisilbi rin itong hamon sa mga estudyante gayundin naman sa mga titser upang
patuloy na tumuklas ng mga bagong kaalaman sa kanilang paligid.
5. Tortyur na Paraan ng Pagkatuto tungo sa Pangkasiyahang Pagkatuto. Isa sa mga makabagong
inobasyon na isinasagawa ng mga paaralan sa kasalukuyang panahon ay kung paano
matututo ang mga estudyante sa paraang napahahalagahan nila ang bawat sandaling
pananatili nila sa loob o labas man ng klasrum. Sabi nga, “ teachers are also enteratainers.”
Ang entertainment ay malaki ang naitutulong upang ma-motivate sa pag-aaral ang mga
estudyante.
Ang Paniniwalang Titser bilang Tagapaghatid ng Impormasyon tungo sa Pagiging
Facilitator. Sa panahon ng impormasyon, nararapat na malinaw ang papel ng titser na siya ay
hindi lamang simpleng tagapaghatid ng impormasyon
sa mga estudyante. Nararapat niyang panghawakan na siya ay facilitator na gagabay at
magsisilbing consultant ng kaalaman sa klasrum.
Tinatayang ang mga nabanggit na pagbabago ay ang mga modernisadong perspektibo ng
edukasyon sa modernong panahon. Bagamat ang ilan sa mga ito ay lantaran na rin namang
nagagamit ng maraming titser sa kasalukuyan. Gayunpaman, hindi rito nagtatapos ang ating
gawain, bagkus, nararapat pa ring maglaan ng pagtataya o ebalwasyon kung mahusay bang
nagamit ang teknolohiya sa isang particular na aralin.
Sa puntong ito, makikita ang kahalagahan ng integrasyon ng teknolohiya sa wika partikular
sa aspektong pansarili, panlokal, at pangglobal na. Higit pa, sa kalakarang global kung saan
lubos ang kontribusyong inihahatid ng Information and Communications Technology. Ito ang
bumubuo isang lipunang lubos na pinahahalagahan ang konseptong teknolingguwal. Kung
saan, pinalalakas ang ugnayan ng mga wikang ginagamit katuwang ang lantarang pakikilahok
sa global village.
Sa huli, isang katotohanan na kung ang isang lipunan ay marunong magpahalaga sa kung
anumang wikang mayroon sila ay isang lipunang naniniwala sa pag-unlad ng kanilang
kabuhayan at kaakuhan.
Maraming salamat!

Source: Hinalaw sa Pluma 8,mp 341-345

IKALAWANG TEKSTO

Tulungan ang mga nagugutom na Bayani

Hindi pa tapos ang kalbaryo ng mga “ Bagong Bayani “ at nagsisimula pa lamang dahil sa matinding
epekto ng COVID- 19. Unang napabalita ang mga miserableng kalagayan ng mga Overseas Pinoy
Workers sa Abu Dhabi at Dubai sa United Arab Emirates (UAE ) na naistranded dahil sa lockdown.

7
Karamihan sa kanila, pinaalis na sa mga tinitirhan dahil sa kontrata. Isang OFW sa Dubai ang pinutulan
ng kuryente ng may-ari ng apartment o villa dahil tapos na ang kontrata sa pagtira. Iyak nang iyak ang
OFW dahil sobrang dilim ng bahay at halos nangangapa siya. Ayon sa lalaking OFW, nakatakda na
talaga siyang umuwi, pero inabutan ng lockdown. Walang flight pauwi ng Pilipinas. Ang ibang OFW’S
na inabutan ng lockdown sa Abu Dhabi ay nakikiigib na lang ng tubig sa mosque. Wala na rin daw tubig
sa kanilang tinitrhan dahil pinutol na rin sapagkat tapos na ang kontrata nila sa apartment. Ang isang
babaing buntis ay labis na nag-aalala dahil buntis siya. Kapag hindi pa raw siya nakasakay ay baka
hindi na siya payagan dahil sa kalagayan. Ayaw niyang manganak sa Abu Dhabi dahil mahal ang
gastos sa panganganak doon at isa pa wala na rin siyang pera.
Sa huling balita, nakauwi na rin ang stranded na OFW’S sa Dubai at Abu Dhabi dahil tumugon ang
Department of Labor and Employment (DOLE) , Overseas Workers and Welfare Administration (
OWWA ) at ang POLO. Ngayon, mga OFW’s naman sa Riyadh, Saudi Arabia ang nasa miserableng
kalagayan dahil hindi umano sila sinusuwelduhan ng kompanya. Dahil wala na silang malapitan,
namumulot na lamang sila ng pagkain sa basurahan. Bukod daw sa walang suweldo, hindi man lamang
sila binibigyan ng face mask, sanitizer, at iba pang gamit para maprotektahan ang sarili laban sa
COVID-19. Humihingi sila ng tulong sa gobyerno.
Nang kapanayamin naman sa radyo si Labor Sec. Silvestre Bello III, sinabi naman nito na hindi
pinababayaan ng kompanya ang mga OFW. Pinasuweldo na raw ang mga ito ayon sa POLO. Mas
makabubuti kung personal na makakausap ni Sec. Bello ang mga apektadong OFW’s para malaman
ang katotohanan. Mahirap kung basta lamang siya makikinig sa mga sabi ng kanyang mga tauhan sa
Riyadh.Tiyakin ang kalagayan nila dahil nakakaawa naman ang mga OFW. Malaki ang mga naitutulong
ng mga “ Bagong Bayani “ sa ekonomiya ng bansa. Hindi sila nararapat na magkalkal sa basurahan
para lang may makain.

Source: Hinalaw sa https//www.philstar.com>editoryal

GAWAIN 1 : Sarbey-Tseklist
Lagyan ng tsek ( / ) ang mga babasahing popular sa iyo.

PAHAYAGAN KOMIKS MAGASIN MGA AKLAT

Broadsheet __ Aliwan __ Liwayway __ Noli Me Tangere


__ Inquirer __ Pantastik __ Yes! __ El Filibusterismo
__ Manila Bulletin __ Halakhak __ FHM __ Bibliya
__ Philippine Star __ Pugad Baboy __ Candy __ Florante at Laura
__ Manila Times __ Captain America __ T3 __ Ibong Adarna
__ Business Mirror __ Archie __ Men’s Health __ Mga aklat ni Bob
__ Marvel __ Metro Ong
Tabloid __ Super __ Entrepreneur __ Mga aklat ni Eros
__ Abante __ Manhwa Korean __ Cosmopolitan Atalia
__ Taliba Comics __ Good __ Anotolohiya ng
__ Pilipino Mirror Housekeeping Maikling Kuwento
__ Pilipino Star Ngayon __ Kalipunan ng
__ Tempo Dagling Katha

Source: Gabay ng Guro: Modyul 3, pahina 19

GAWAIN 2: Sagutin mo pa ang mga tanong sa ibaba upang lubusang malaman ang iyong
pang-unawa sa aralin.
1. Bakit may tinatawag na papaunlad na mga wika sa mundo na karaniwang matatagpuan sa
Asya gaya ng Filipino, Malay, at iba pa.
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
2. Paano mo mapatutunayan na ang bawat wika ay may kani-kaniyang papel na ginagampaan
sa tinatawag nating pangkat-wika o speech community?
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

8
3. Ano-ano ang mga patunay na nakararanas ng miserableng kalagayan ang mga OFW sa
iba’t ibang bansa?
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

Gawain 3 : Paghambingin !
Pagkatapos basahin ang dalawang teksto, paghambingin ang mga ito batay sa katangiang nakatala
sa graphic organizer sa ibaba.

Ang Wikang Filipino sa Tulungan ang mga


Edukasyong naguguton na “ Bayani “
Panteknolohiya

Batay sa Paksa

Batay sa Layon

Batay sa Tono

Batay sa Pananaw

Batay sa
Pagkakasulat

Batay sa Pagbuo ng
salita

Batay sa Pagbuo ng
pangungusap

Batay sa Pagbuo ng
talata

Source: Hinango sa Pluma, pahina 356

9
PAGLALAGOM

ISAISIP:
Paksa ng isang kwento / teksto
* tungkol saan ang nilalaman ng teksto
* tumutukoy sa kabuoang ideya, kaisipan o nilalaman nito.
Layon ng teksto-tumutukoy sa mga kaisipang nais sabihin ng may-akda sa mga mambabasa. Ang mga
kaisipang ito ay may tiyakang kaugnayan sa sarili sa isang tiyak na personalidad at sa kalahatan.
Tono- tumutukoy sa naghaharing damdamin ng teksto. Maaari itong malungkot, masaya, nagagalit, natutuwa,
nanghihinayang, nagmamakaawa at iba pa. Nakikilala ang mga ito sa pamamagitan ng pagsusuri sa mga tiyak
na salitang ginamit ng manunulat.
* tumutukoy sa saloobin ng may-akda sa paksang kanyang isinulat. May mga may-akda na nagagawang magaan
ang paglalahad sa isang seryosong paksa. Ang tono ay maaaring mapagbiro o mapanudyo, masaya o
malungkot, seryoso at sarkastiko.
Pananaw ng teksto (point of view)
*ito ay tinatawag ding punto de vista. Sa maluwag na pagtuturing, masasabing ito ay paraan ng pagtanaw ng
manunulat sa kanyang akda. Gayunman, sa pagtalakay ng anomang akda o teksto, ito ang sumasagot sa tanong
na “Sino ang nagsusulat o nagkukuwento?”

Sa pamamagitan ng pananaw, nakikilala ng mambabasa ang nilikha ng naglalahad at ng pangyayaring


inilalahad, at kung gaano ang nalalaman ng naglalahad. Ang pananaw na gagamitin sa teksto o akda ay
nakadaragdag ng kawilihan sa pag-unawa nito. Ang pananaw ng awtor ay makikita sa pamamagitan ng mga
panghalip na ginamit sa teksto.

Paraan ng Pagkakasulat- makikita ng mga mambabasa ang istilo ng sumulat sa paggamit ng mga salita,
pagbuo ng pahayag at istruktura ng teksto tulad ng paraan ng pagsisimula, pagpapalawak at pagwawakas.
Maaari ring ito ay nagpapaliwanag, naglalahad, nagsasalaysay, naglalarawan o di kaya ay nangangatuwirano
nagbibigay-impormasyon.

Pagbuo ng salita, pagbuo ng pangungusap at pagbuo ng talata


-Kung nasususulat ba sa wikang Filipino, simple at karaniwan ang mga salita at pagkakabuo ng mga
pangungusap, madaling maunawaan, paggamit ng mga salitang ginagamit sa impormal na komunikasyon o
konsepto ng pananaw/ pormal na pananalita kung maligoy ba, may kaisahan ba ang mga talata, magulo o
maayos ang pagkakalahad ng talata.

APLIKASYON
Nadagdagan ba ang iyong kaalaman mahal kong mag-aaral? Muli nating sukatin ang iyong abilidad at
kakayanan sa pagsagot sa mga Gawain. Isulat ang iyong mga sagot sa iyong kuwaderno.

Gawain:
Tono: : Kilalanin ang tono ng mga sumusunod na bahagi ng teksto
1. Yaman din lang na di mo ako pinakikinggan, maaari ka ng umalis dito sa palasyo!
2. Hindi ba puwedeng dito ka na lang? Sayang naman, kasi gusto ko, palagi kang nandito
sa tabi ko.
3. Sanay tapos ka na ng iyong pag-aaral kung naging mabuting mag-aaral ka.
4. Ang buhay ay puno ng pagsubok at pighati.
5. Talaga? Uuwi na ang tatay? Kailan? Sino ang kasama niya? Buti naman.
Paksa: Suriin ang maaaring paksa ng mga sumusunod na bahagi ng teksto.
1. Dapat mong unahin ang iyong pag-aaral bago ang paglalakwatsa. .
2. Kadalasan ang mga batang masunurin sa mga magulang at may takot sa Diyos ang
nabibiyayaan.
3. Dapat palagi tayong mag-ehersisyo para lumakas ang ating katawan.
4. Ang pagmamahal ng isang ina ang pinakadakila sa lahat.
5. Napakaraming problema at pighati ang maaaring pagdaanan ng mga tao.

10
PAGTATAYA

GAWAIN 1

Panuto: Ibigay kung anong popular na babasahin ang inilalarawan ng mga sumusunod na
pahayag.
1.Isang grapikong midyum na ang mga salita at larawan ay ginagamit upang ihatid ang isang salaysay
o kuwento.
2.Isang uri ng babasahing popular na kinahuhumalingan ng mga Pilipino dahil sa aliw na hatid nito at
at mga impormasyong makukuha rito.
3. Isang uri ng print media na nananatiling buhay at bahagi ng ating kultura.
4. Isang anyong pampanitikang maituturing na maikling-maikling kuwento.
5.Kadalasang naglalaman ito ng kaunting diyalogo sapagkat binubuo ito ng isa o higit pang mga
larawan, na maaaring maglarawan o magbigay-kahulugan sa teksto upang higit na mapukaw ang
atensiyon ng mga mambabasa.

GAWAIN 2
Panuto: Ibigay kung anong magasin ang tinutukoy ng mga sumusunod.
1. Ang magasin tungkol sa balitang showbiz.
2. Magasin tungkol sa fashion, mga pangyayari, shopping at mga isyu hinggil sa kagandahan ang
nilalaman nito.
3. Tinatalakay nito ang mga kagustuhan at at suliranin ng kabataan.
4. Ito ay magasing naglalaman ng mga artikulong makatutulong sa mga taong may negosyo o nais
magtayo ng negosyo.
5. Ito ay magasing pangkababaihan.

GAWAIN 3
Panuto: Tukuyin mo ang tiyak na layon ng teksto batay sa mensaheng isinasaad ng mga
pahayag. Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Sa panahon ng information and communications technology,nararapat na
maging malinaw sa isipan ng mga titser na siya ay hindi lamang simpleng tagapaghatid ng
impormasyon kundi isang facilitator na gumagabay at nagsisilbing consultant ng kaalaman sa
klasrum.
a. nagpapaalala b. naglalarawan c. nagpapabatid d. nagbibigay-puri
2. Kabataan, laging isipin na ang paggamit ng makabagong teknolohiya,lalo na ang Internet
ay may negatibong epekto sa buhay ng kabataan.
a.nangangaral b. nagsusuri c. nagtatanong d.nagbibigay ng babala

3. Sadyang mahuhusay ang mga programang ipinatutupad ng pamahalaan upang ganap na


maiayos ang mga problemang kinakaharap ng bansa patungkol sa edukasyon.Karapat-
dapat lamang na bigyang-pugay ang kalihim ng kagawaran.
a.nagpapaalala b. nang-uuyam c. nagbibigay ng payo d.nagbibigay ng
pagkilala

4. Ganda naman ng katalo ko, namumula ‘pag napikon, binibini nasasaad, basahin din sa
Konstitusyon, pangalawang wika nati’y Ingles iha,nanduru-
on katuwang ng iyong dilang nilulumot na ng panahon.
a.nagtatampo b. nagbibigay-payo c. nag-uuyam d. nagtatanong

5. Sa kasalukuyan, hindi na bago sa atin ang mga terminong gaya ng


information age,e-class,multimedia,at e-mail,on-line/distance learning
education, cybernetics, web page , hypermedia,at marami pang iba.
a. nagsasalaysay b. naglalarawan c. nangangatuwiran
d. nagpapaalala

11
TONO - masaya dahil sa tulong ng teknolohiya, mas mapadadali at mas magiging produktibo ang pag-aaral ng
mga estudyante.
-malungkot dahil sa kabila ng kanilang pagsasakrispisyo sa ibang bansa,nakararanas pa sila ng kalbaryo
12
at paghihirap
PANANAW- mula sa may-akda , malaking tulong ang teknolohiya sa pagtuturo gamit ang wikang Filipino at ang
wikang Ingles maging ang ibang wika .Mahalaga ang integrasyon ng teknolohiya sa wika partikular sa aspetong
pansarili, panlokal,a pangglobal na.
- Ang mga OFW ay mga bagong bayani na dapat pahalagahan at hindi dapat kinakaligtaan.Sila ay
dapat tulungan ng ating pamahalaan kasi malaki ang kanilang ambag sa pag-angat ng ating
ekonomiya.
Batay sa Pagkakasulat- pormal ang pagkakalahad ng teksto, naglalahad ito ng mga usapin tungkol sa
kahalagahan ng paggamit ng sariling wika at ng wikang Ingles sa pagtuturo sa tulong na rin ng makabagong
teknolohiya.
- Naglalahad ang pagkakabuo ng teksto.Parang nakikipag-usap lamang ang teksto sa kanyang mga
mambabasa.
Pagkakabuo ng mga salita,- pormal ang mga salitang nagamit,hindi pangkaraniwan ang ilan sa mga terminong
nagamit.
- Maraming mga pangkaraniwang salita ang nagamit. Magaan lamang ang pagkakagamit ng mga
salita bagaman ang usapin ay seryoso.Madaling maintindihan ang mga salitang nagamit.
Pagkakabuo ng pangungusap – magkakaugnay ang mga pangungusap.Hindi rin maligoy ang paglalahad ng
mga pangungusap.
- Madaling maunawaan ang pagkakabuo ng mga pangungusap.Hindi maligoy ang mga
pangungusap na nagamit.
Pagkakabuo ng talata- may kahabaan ang pagkakabuo ng mga talata pero may kaisahan at detalyado ang
mga kaisipan.Maayos ang pagkakalahad ng mga talata.
- Maikli ang pagkakabuo ng mga talata at madaling maunawaan.Maayos din ang
pagkakalahad ng mga talata.
Aplikasyon :
TONO
1. nagagalit
2. nanghihinayang
3. nanghihinayang
4. seryoso
5. masaya
Pangganyak:
1. Ang tradisyunal na panitikang Pilipino ay salalayan ng buhay, at ang panitikang popular ay pamamaraan
ng pamumuhay.
2. Bunsod ng pagpapalitang kultural, kapangyarihan ng teknolohiya, at pangangailangan ng pamayanang
global, nagkaroon ng transpormasyon ang panitikang Pilipino mula tradisyotradisyonal tungo sa pagiging
popular.
Gawain 1 : Crossword Puzzle
1. INTERNET 3. RADYO 5. TABLOID 7. MAGASIN
2. PELIKULA 4.TELEBISYON 6. DAGLI 8. KOMIKS
MAIKLING TALAKAYAN
Gawain 1 : Sarbey- Tseklist!
Ang mga sagot ay nakadepende sa pananaw at opinyon ng mga mag-aaral.
Gawain 2: ( mga posibleng sagot )
1. papaunlad dahil patuloy itong dinedebelop/nililinang sa pamamagitan ng mga linggwistikong pag-aaral hinggil
sa kalagayang pangwika sa ating bansa.
2. Sa larangan ng linggwistika, walang tinatawag na superior at/o inferior na wika. Nangangahulugan ito na ang
isang wika ay nararapat na mabisang tugunan ang pangangailangan ng gumagamit nito.Hal. ang paggamit ng
Filipino ang nakatutugon sa mga personal na pangangailangan ng mga Filipino.
3. pinaalis sila sa bahay na tinitirhan
- may pinutulan ng kuryente
- may nakikiigib ng tubig sa mosque
- may pinutulan ng tubig dahil tapos na ang kontrata sa apartmrnt
Gawain 3 : Paghahambing ( mga posibleng sagot )
PAKSA – ang pagsusulong ng paggamit ng makabagong teknolohiya sa pagpapabuti ng edukasyon
- ang mga paghihirap at nakaaawang kalagayan ng mga OFW sa ibang bansa dahil sa COVID 19
LAYON- nararapat na isaalang-alang ang angkop at tamang pagpili ng teknolohiya na gagamitin sa ating klase
nang sa gayon ay mas epektibo itong mailapat sa aralin.
- damayan at huwag pabayaan ang mga OFW.
Susi sa Pagwawasto
13
PAKSA
1. Kahalagahan ng Pag-aaral
2. Pinagpapala ang mga Taong Mabubuti
3. Pangalagaan ang Sarili
4. Walang Katumbas ang Pagmamahal ng Isang Ina
5. Ang Buhay ay Hindi Madali
PAGTATAYA
Gawain 1:
1. Komiks 2. Magasin 3. Pahayagan 4.Kontemporaryong Dagli 5. Komiks
Gawain 2
1. Yes! 2. Metro 3. Candy 4. Entrepreneur 5. Cosmopolitan
Gawain 3
1. A 2. A 3. D 4. C 5. D

You might also like