You are on page 1of 16

Filipino

Ikatlong Markahan Modyul 4


Ikaapat na Linggo
Alamin Natin

Isa sa pinakalaganap na libangan ng mga Pilipino sa kasalukuyan ay


ang pakikinig ng radio. Ayon nga sa marami, ito ay nagsisilbing kasalo na nila
sa kanilang almusal, tanghalin, at hapunan. Tila hindi kumpleto ang kanilang
araw kung wala nito. Ang radyo ay itinuturing na go-anywhere medium, ng
pamamahayag sapagkat ito ay naririnig ng mga tao kahit habang sila ay
naglalakad, nagbibiyahe, nagmamaneho, nagtatrabaho, o namimili.
Sa kasalukuyan, itinuturing na isa sa pinakamalakas makahikayat at
makaimpluwensiya sa isip at damdamin ng mga tao ang mass media.
Nakapaloob sa mass media ang larangan ng broadcast na kinapapalooban
ng radyo at telebisyon.
Sa pagtatapos ng modyul na ito, inaasahan na ang mga mag-aaral ay:
● Nabibigyang-kahulugan ang mga salitang ginagamit sa radio
broadcasting F8PT-IIId-e-30
● Naisusulat nang wasto ang isang dokumentaryong panradyo
F8PU-IIId-e-31
● Nagagamit ang mga angkop na ekspresyon sa paghahayag ng
konsepto ng pananaw (ayon, batay, sang-ayon sa, sa akala, iba pa)
F8WG-IIId-e-31

Subukin Natin

Sagutin ang mga sumusunod na katanungan upang masukat ang


lebel ng iyong kaalaman sa tatalakayin nating aralin. Bilugan ang
titik ng tamang sagot sa bawat bilang.

1. Ito ang itinuturing na mekanismo ng pagbabago ng kulturang Pilipino.


A. komiks C. mass media
B. telebisyon D. magasin
2. Ito ay isang ng Print Media na nanatiling buhay at bahagi ng ating
kultura. Ang salitang maysalungguhit ay tumutukoy sa..
A. komiks C. magasin
B. pahayagan D. dagli
3. Ang sumusunod ay mga bahagi ng komentaryo maliban sa isa.
A. simula C. tauhan
B. katawan D. wakas
4. Isa sa mga ginagamit na paraan ng pangangalap ng impormasyon ay
ang pabibigay ng..
A. pagkain C. tubig
B. questionnaire D. damit
5. Isang uri ng teknolohiya na pinahihintulutan ang pagpapadala ng mga
signals sa pamamagitan ng modulation ng electromagnetic waves na
may frequency na mas mababa kasysa sa liwanag.
A. radyo C. pelikula
B. internet D. laptop
6. Si Mang Cardo ay nawalan ng kuryente dahil pinutol ang linya nito para
sa paghahanda sa paparating na bagyo sa kanilang lugar. Ano ang
pwedeng gamitin niya para masundan ang balita sa bagyo?
A. telebisyon C. pahayagan
B. cellphone D. radyo
7. Ang _____ ang tawag sa tumatanggap ng impormasyon mula sa
nagsasalita
A. sender C. receiver
B. messenger D. deliverer
8. Ang __________ ay hindi kailanman naging hadlang sa
pagtatagumpay.
A. komiks C. magasin
B. pahayagan D. dagli
9. Isa sa mga naihahatid ng radyo na nagdudulot ng aliw sa
marami.
A. musika C. komentaryo
B. balita D. editoryal
10. Siya ang kasama ni Rony na mula sa Bulwagang Pambalitaan ng
DZKL.
A. Kristine C. Gerald
B. Remy D. Amira
11. Alin sa sumusunod ang HINDI totoo tungkol sa pagsulat ng
komentaryo?
A. Magbigay ng mga impormasyong batay sa katotohanan.
B. Hindi dapat gumamit ng mga tuwirang pahayag sa
pagkokomentaryo.
C. Magsagawa muna ng pag-aaral at pananaliksik tungkol sa isyung
pina-uusapan.
D. Sabihin ang iyong opinyon kahit wala itong kaugnayan sa paksa.
12. Sa pagsulat ng komentaryo, kailangang maglahad ng iba’t ibang
__________ upang magkaroon ito ng kredibilidad.
A. balita C. katatawanan
B. pananaw D. kabuluhan
13. Tingnan mo, umabot daw ng 40.1degree Celsius ang temperature
sa Diffun, Quirino noong Sabado, Abril 6, 2013. Ang 40.1
deegre Celsius ay tumutukoy sa..
A. temperatura ng init C. temperatura ng hangin
B. temperatura ng lamig D. temperatura ng pagkain
14. Mahalaga na dapat tandaan sa pagsulat ng komentaryo ay
kailangang..
A. Isang paksa lamang ang talakayin.
B. Hayaang bumuo ng sariling pagpapasiya ang mga tagapakinig.
C. Hikayatin ang mga tagapakinig sa lubusang pakikinig.
D. Lahat ng nabanggit.

15. Kinalampag pala nila ang DENR at House of Representatives sa


Quezon City. Ang pagkalampag ay isang paraan ng __________.
A. pagbabalik-loob C. pagtawag ng pansin
B. paninisi sa kapwa D. Pagsang-ayon sa kalakaran

Aralin
Komentaryong Panradyo
4

Balikan Natin

Bago natin talakayin ang aralin na ito, mabuting balikan mo


muna ang nakaraang aralin tungkol sa babasahing popular.
Gawain 1

Sa nakaraang aralin ay iyong natutuhan ang mahahalagang bagay


hinggil sa pananaliksik sa pagsulat ng balita at komentaryo. Balikan natin ang
mga ito bilang paghahanda sa bago nating aralin.

Panuto: Mula sa napapakinggang boses ng mga kilalang komentarista


sa radyo at telebisyon, tukuyin ang popular na linya sa Hanay B na madalas
marinig at mag-uugnay sa mga larawan sa Hanay A.

HANAY A HANAY B

_____1. a. “IKMJS na ‘yan!”

_____2. b. “Kamusta kayo mga Igan?”

_____3. c. “Handan na kayo?”


_____4. d. “Excuse me po!”

_____5. e. “Magandang gabi.. bayan!”

( Para sa Online class )

Maaaring gamitin ang kahoot sa Gawain 1. Ibibigay ng guro ang link na


gagamitin.

Tuklasin Natin

Gawain 2
Isa-isahin ang mga pahayag na may kaugnayan sa radyo at
telebisyon. Gumuhit ng linya mula sa pahayag patungo sa angkop na
larawan.

nagpapalabas ng teledrama nagpapalabas ng produkto

naghahatid ng napapanahong nagpapalabas ng variety show


balita
nagpapahatid ng mga
Naghahatid ng mga panawagan
talakayan/pulso ng bayan
nagpapakinig ng mga awit
Nagpapalabas ng musika
nagbibigay ng opinyon
nagpapalabas ng pelikula kaugnay ng isang paksa

Talakayin Natin
Komentaryong Panradyo
Kung may editoryal ang mga pahayagan at magasin, mayroon din ang radyo.
Naglalahad ang editoryal ng mga kuro-kuro ng editor o patnugot na bunga ng isang
pag-aaral tungkol sa isang mahalagang pangyayari sa bayan, pamahalaan, at lipunan.
Naglalaman ito ng paninindigan ng pahayagan o magasin sa isang isyung may
malaking kahalagahan sa bayan. Maaaring tungkol ito sa politika, relihiyon, sining,
edukasyon, isport, kultura, at iba.

Ganito rin halos ang ginagawa sa radyo. Ang pagkakaiba, sa halip na basahin
ay pinakikinggan. Karaniwang mas maikli lamang dahil sa limitason sa oras. Piling-pili
ang nilalaman nito. Tanging ang mahahalang impormasyon lamang ang binabanggit.
Tiyak at tuwiran ang paglalahad. Kailangang lagi itong nakabatay sa katotohanan at
pananaliksik.
Ang komentaryong panradyo ay maaaring maglaman ng paninindigan ng
estasyon o pansariling pananaw lamang ng komentarista. Nililinaw ito sa simula pa
lamang ng programa.

Mga dapat tandaan sa pagsulat ng komentaryo:

1.Pumili ng napapanahon at mainit na isyung may kahalagahan sa lipunan.


2.Magsagawa muna ng pag-aaral at pananaliksik tungkol sa isyung pina-
uusapan.
3.Magbigay ng mga impormasyong batay sa katotohanan at hindi pala-palagay
lamang.
4.Hindi dapat gumamit ng mga tuwirang pahayag sa pagkokomentaryo.
Tandaang walang nakikitang kahit na ano ang mga tagapakinig. Isalin ito sa
hindi tuwirang pahayag.
5. Isang paksa lamang ang talakayin. Maging maikli at malinaw ang paglalahad.
6. Gumamit ng mga salitang magagaan at madaling maintindihan.
7. Gawaing makatwiran ang mga kaisipan, pananaw, at kuro-kuro.
8. Dapat na lohikal at sistematiko ang paglalahad mula simula hanggang wakas.
9. Hikayatin ang mga tagapakinig sa lubusang pakikinig.
10. Hayaang bumuo ng sariling pagpapasiya ang mga tagapakinig.

Mga bahagi ng Komentaryo:

1.Simula – Bumabanggit ang bahaging ng isyung tatalakayin. Karaniwang


Napapanahon at mainit na isyu ito ng lipunan.

2.Katawan – Nagpapahayag ito ng sariling opinyon ng komentarista o kaya ay


Paninindigan ng estasyon ng radyo. Naglalaman ito ng mga mahahalagang
impormasyong nakabatay sa katotohanan at bunga ng isang pananaliksik.
Bumabanggit din ito ng mga pahayag at pananaw ng awtoridad sa paksang
tinatalakay. Naglalahad ito ng pagpanig o pagsalungat sa isyu at pagbibigay n
ng mga halimbawa upang patunayan ang puntong nais bigyang-diin.
3.Wakas – Naglalagom ito at nagbibigay-diin sa kaisipang tinatalakay,
Ipinahahayag dito ang panghihikayat at pagpapakilos sa mga tagapakinig
tungo sa isang pagwawastong panlipunan.

Maaring buksan ang link na ito https://www.youtube.com/watch?


v=_zdNK3jLIFg&ab_channel=FAHRENE_ para sa karagdagang kaalaman sa
paksa.
Gawain 3
Matapos mong mabasa ang teksto, Subukan mo naman sagutan ang
mga inihandang gawain sa ibaba. Lagyan ng tsek (/) ang pangungusap na
nagsasaad ng pananaw o konsepto at ng ekis (X) ang hindi.
1. Pag-isipang mabuti ang mga bagay-bagay bago ito isagawa upang
maiwasan ang pagkakamali.

2. Gobyerno ang dapat sisihin sa mga kabiguang dumarating sa buhay ng


isang tao.

3. Sa aking pananaw, ang buhay ay nakabatay sa mga bagay na iyong pinipili


o pinaniniwalaan.

4. Sa ganang akin, ang lahat ng bagay ay nakaplano sa kamay ng


Panginoon.
5. Palibhasa’y naranasan ko kaya masasabi kong ang magandang buhay ay
hindi lamang nakasentro sa ating sarili kundi sa ating kapwa at Panginoon.

Ekspresyon sa Pagpapahayag ng Konsepto ng Pananaw


Sa pagsulat ng komentaryo, kailangang maglahad ng iba’t ibang pananaw
upang magkaroon ito ng kredibilidad. Dapat na may pananaw o paningin ito ng
isang awtoridad at mga personalidad na kinikilala sa paksang tatalakayin. Dapat
ding nakabatay ito sa isang pag-aaral o pananaliksik bago magbigay ng sariling
pananaw ang isang komentarista.
Narito ang mga ekspresyong ginagamit sa pagpapahayag ng konsepto ng
pananaw.
1. Paghuhudyat ng iniisip, sinasabi, o pinaniniwalaan ng isang tao
Ginagamit ang ayon, batay, sang-ayon sa, akala ko/ni, sa
paniniwala ko/ni, sa tingin ko/ni, sa palagay ko/ni, pinaniniwalaan
ko/ni, iniisip ko, sa ganang akin, at iba pa.
Halimbawa:
a. Sa palagay ko, makabubuting harapin muna natin, ang problema
sa nararanasan nating pandemya.
b. Iniisip ko na sa ganitong simpleng hakbang ay magbibigay ng
magandang epekto sa pagliligtas ng mga tinamaan ng sakit na
Covid-19.
2. Pagpapahiwatig ng pag-iiba ng paksa o kaya ay pagbabago ng
pangkalahatang pananaw.
Ginagamit ang mga ekspresyong tulad ng sa isang banda, sa
kabilang dako, sa kabilang panig, samantala, habang, kung
tutuusin, at iba pa.
Halimbawa:
a. Mabuti ang kanilang mungkahi ngunit sa kabilang dako, suriin
muna ang hindi magandang idudulot nito sa kalikasan.
b. Kung tutuusin, tama ang unang hakbang na inisip ng mga
nagkilos-protesta

Pagyamanin Natin
Naunawaan mo na ba ang komentaryong panradyo? Nalaman mo
na ang mga dapat tandaan sa pagsulat ng komentaryo. Ngayon naman ay
susuriin natin ang kaugnay na paglalahad.
Komentaryon Panradyo sa Climate Change
(Isang Bahagi)
Announcer: Mula sa Bulwagang Pambalitaan ng DZKL, narito ang inyong
pinagkakatiwlaang mga broadcaster na sina Kristine Kaye at
Rony
Spark, at ito ang Boses ng Masa!

Kristine: Magandang umaga po sa inyong lahat! Narito na naman po tayo


sa ating paboritong programang Boses ng Masa.
Rony: Magandang umaga, partner! Magandang umaga po sa lahat ng
mga tagapakinig.
Kristine: Partner, napansin mo ba na kakaiba ang klima ngayon? Grabe,
ang init!
Rony: Oo nga partner, ang tindi ng init. Naku, sabi nga ng PAG-ASA,
mas iinit pa raw sa mga susunod na linggo.
Kristine: Kakaiba talaga, partner! Isipin mo summer nga ngayon pero
sobra naman ang init. Grabe! Record High!
Rony: Tingnan mo, umabot daw ng 40.1degree Celsius ang
temperature sa Diffun, Quirino noong Sabado, Abril 6, 2013.
Sang-ayon ito sa report ni disaster scientist, Mahar Lagmay.
Kristine: Ganun? Kaya pala sobrang maalinsangan! May katwiran ngang
hindi mapakali ang ating mga kababayanan, partner.
Rony: Ay, tama ka dyan! Nabalitaan mo ba ang ginawa ng isang grupo
ng mga aktibistang makakalikasan, partner?
Kristine: Alin? ‘Yun bang may kaugnayan sa selebrasyon ng Earth Day
noong Abril 22?
Roy: Sakto! Naku, ang daming sumama sa protesta. Mga taong
simbahan, karaniwang mamamayan, magsasaka, mangingisda,
at siyentista. Galling sila sa Kamaynilaan, sa Gitna at Timog
Luzon.
Kristine: Ay, Naku! Kinalampag pala nila ang DENR at House of
Representatives sa Quenzon City. Palagay ko, tama lang ang
ginawa nila para mag-isip-isip din ang mga opisyales ng
gobyerno.
Rony: Marami silang isyung binatikos, partner. Tulad ng pagbabalik ng
Bataan Nuclear Power Plant, iligal na pagmimina at pagtotroso.
pati na ang pagtatayo ng mga higanteng dam at mga tambakan
ng basura.
Kristine: Aba partner, ayon kay Clemente Bautista ng Kalikasan People’s
Network for the Environment, laganap daw sa Pilipinas
pandarambong, pang-aapi, at polusyon. Bunga raw ito ng mga
polisiya at proyekto ng gobyerno na nagpoprotekta sa ganung
gawain.
Rony: Tama ka diyan. Batay rin sa kanila, lantarang pumapayag ang
gobyerno na sairin ang ating likas yaman ng mga pribado at
dayuhang korporasyon. Hindi puwede ang ganun!
Kristine: Ano ba naman ‘yan? Ayun, kaya tayo may krisis sa kalikasan.
Lalo lamang itong nagpapahirap at nagiging banta sa mga
mamamayan.
Rony: Naku partner, sa isang banda mabuti rin iyang mga kilos-protesta
na iyan. Aba, bantayan din ng mga opisyales ang kanilang mga
kilos. Maraming mga matang nagmamatyag sa kanila.
Kristine: Oo nga. Ang totoo naman, lahat tayo eh makikinabang kung lahat
magmamalasakit sa kalikasan. Tigilan na sana ang mga iligal na
gawain. Huwag na ring basta payagan ang pagmimina at
pagtotroso, hindi ba partner?
Rony: Tama, partner. Dapat talaga magkaisa ang sambayanan.
Kumilos tayo kasi hindi biro ang pandaigdigang banta ng
pagbabago ng klima.
Kristine: Agree ako diyan, partner! Bawat isa sa atin eh may maitutulong
sa sarili nating paraan at lakas. Huwag natin laging iasa sa iba o
maging sa gobyerno. Tayo mismo ang dapat kumilos!
Ibinatay ang ilang impormasyom sa:

http://pinoyweekly.org.new/2009/04/krisis-sakalikasan/#sthash.f32Bluro.dpuf

Gawain 4
Panuto: Tukuyin ang pinakamalapit na kahulugan ng mga pahayag.
Isulat sa patlang ang wastong sagot.
1. Isipin mo summer na ngayon kaya sobra naman ang init. Grabe! Record
high! Isang ekspresiyon ito ng __________.
a. pagkagulat c. pagkainis
b. pagkatakot d. pagsalungat

2. Agree ako dyan, partner!


Nagpapahayag ito ng __________.
a. pagtutol c. pagsang-ayon
b. pagbabalewala d. pagkainis

3. Kinalampag pala nila ang DENR at House of Representatives sa Quezon


City. Ang pagkalampag ay isang paraan ng __________.
a. pagbabalik-loob c. pagtawag ng pansin
b. paninisi sa kapwa d. Pagsang-ayon sa kalakaran

4. Lantarang pumapayag ang gobyerno na sairin ang ating likas na yaman.


Nangangahulugan ang salitang sairin ng __________.
a. pagkauhaw c. pagkaubos
b. pagkagutom d. pagkasira

5. Laganap daw sa Pilipinas ang pandarambong. Nangangahulugan ang


salitang pandarambong ng ___________.
a. pagpatay c. pagtataksil
b. pag-kidnap d. pagnanakaw

Tandaan natin

Gawain 5
Nalaman mo na ngayon ang ekspresyon sa pagpapahayag ng
konsepto ng pananaw upang lubos na malaman kung tunay na naunawaan
mo ang binasang teksto, subukan mong Ilahad ang iyong opinyon,
pananaw at saloobin hinggil sa mga larawan sa pamamagitan ng masining
na pamamaraan.

1. Kalagayan ng Edukasyon sa Pilipinas


__________________________________________

__________________________________________________________.

2. Katayuan ng mga manggagawang Pilipino


__________________________________________

__________________________________________________________.

3. Kalagayan ng mga Frontliners sa Pilipinas


__________________________________________

__________________________________________________________.

4. Mga Krimen sa Pilipinas


__________________________________________

__________________________________________________________.

5. Istado ng mga Kababayanan nating Magsasaka


___________________________________________

___________________________________________________________.

Isabuhay natin

Gawain 6
Batid ko na handa ka na upang linangin at paunlarin pa ang iyong
kaalaman. Sa puntong ito ay subukan mong gamitin ang iyong husay sa
pagsulat ng iskrip para sa komentaryong panradyo.

BAGO MAKASULAT NG ISANG KOMENTARYONG PANRADYO


NARITO ANG MGA DAPAT TANDAAN

• Magkaroon ng malinaw na pagpapasiya sa paksa


• Magsaliksik ng mga impormasyon
• Huwag kalimutang banggitin ang mga personalidad na binanggit
sa mga detalye upang ipakita ang kredibilidad ng iyong isinulat
Narito ang ilan sa mga isyu na maaaring maging paksa:
 Paggamit ng Face Mask at Face Shield, Epektibo Ba?
 Ang Mundo Ba’y Sadyang sa Pera Umiikot?
 Pamahalaan, Lagi Bang Handa Sa Panahon ng Kalamidad?
 Bagong Teknolohiya Sagot Nga Ba Sa Pag-unlad?
( Maaring ipasa ang sagot sa messenger ng guro )
Rubriks sa Pagbuo ng Video at Paglalahad
Itiman ang kahon angkop na bilang batay sa sariling pagtataya

PAMANTAYAN BAHAGDAN

Nilalaman ( Layunin) 4

Nilalaman ( Konklusyon) 4

Katangiang Pang-Multimedia 4

Pagiging Malikhain 4

Pagtatanghal 4

KABUUAN: 20

Tayahin Natin

Sa pagkakataong ito, alamin mo kung ano ang iyong natutunan sa


araling ito .

Panuto: Basahin at unawain mo ang bawat bilang. Bilugan ang letra


ng tamang sagot.

1. Ang paksang pinag-uusapan sa komentaryong panradyo nina Rony at


Kristine ay tungkol sa..
a. nagpoprotesta c. pagputol ng kahoy
b. kawani ng gobyerno d. climate Change
2. Laganap daw sa Pilipinas ang pandarambong. Nangangahulugan ang
salitang pandarambong ng ___________.
a. pagpatay c. pagtataksil
b. pag-kidnap d. pagnanakaw
3. Ay, Naku! Kinalampag pala nila ang DENR at House of
Representatives sa Quenzon City. Ang salitang maysalungguhit ay
tumutukoy sa..
a. Department of Energy and Natural Resources
b. Department of Eco-system and Natural Resouces
c. Department of Environment and Natural Resources
d. Department of Earth and Natural Resources

4. Tama, partner. Dapat talaga magkaisa ang sambayanan. Nagpapahayag


ito ng_____.
a. pagtutol c. pagsang-ayon
b. pagbalewala d. pagkainis
5. Sa pagpapahayag ng konsepto ng pananaw sa paghuhudyat ng iniisip,
sinasabi, o pinaniniwalaan ng isang tao ginamit ang mga sumusunod na
ekspresyon maliban sa isa.
a. sa kabilang dako c. iniisip ko
b. akala ko d. sang-ayon sa
6. Tulad ng pagbabalik ng Bataan Nuclear Power Plant, iligal din ang
pagmimina at pagtotroso. Nagngangahulugan ang salitang pagtotroso
ng_____.
a. pagtatapon ng basura c. pagpuputol ng mga puno
b. pagtatanim ng mga puno d. pagsira sa mga dagat
7. Si Francis ay isang komentarista, alin sa sumusunod ang dapat niyang
tandaan sa pagbibigay ng komentaryo.
a. Hikayatin ang mga tagapakinig sa lubusang pakikinig.
b. Gumamit ng mga salitang magagaan at madaling maintindihan.
c. Maging maikli at malinaw ang paglalahad.
d. Lahat ng nabanggit.
8. Kung tutuusin, tama ang unang hakbang na inisip ng mga nagkilos-
protesta.
ang ekspresyon na ginamit sa pagpapahayag ng konsepto ng pananaw
ay..
a. paghuhudyat ng iniisip c. pagpapahiwatig ng pag-iiba ng paksa
b. pagtukoy sa isang balita d. pagtutol sa paksa
9. Hindi puwede ang ganun! Isang ekspresiyon ito ng __________.
a. pagkatakot c. pagkagulat
b. pagsalungat d. pagkainis
10. Aba, dapat bantayan din ng mga kongresista ang kanilang mga kilos.
Maraming mga matang nagmamatyag sa kanila. Ang kasingkahulugan ng
salitang mayslungguhit ay __________.
a. mambabatas c. presidente
b. banyaga d. mamamayan
11. Ang __________ ay ang pagbibigay ng oportunidad sa kabataan na
maipahayag ang kanilang mga opinyon at saloobin kaugnay sa isang
napapanahong isyu.
a. mass media c. internet
b. pagbabalita d. komentaryong panradyo

12.. Sa anong himpilan ng radyo nagtatrabaho sina Rony at Kristine?


a. DZYL c. DZXK
b. DZKL d. DZAB
13. Ito ay bahagi ng komentaryo na bumabanggit sa isyung tatalakayin.
Karaniwang napapanahon at mainit na isyu ito ng lipunan.
a. simula c. tauhan
b. katawan d. wakas
14. Agree ako dyan, partner!
Nagpapahayag ito ng __________.

a. pagsang-ayon c. pagkainis
b. pagtutol d. pagbabalewala
15. Kung may __________ ang mga pahayagan at magasin, mayroon din
ang radyo.
a. palabas c. editoryal
b. pagkain d. larawan

Gawin natin

Gawain 7
Kung iyong susuriin ang mga pahayag na ginamit sa dulang panradyo
na tinalakay sa araling ito, iyong mapapansin na gumamit ang may-akda ng
mga positibo at negatibong pahayag upang higit na mapalutang ang
mensaheng nais ipabatid sa mga nakikinig. Suriin ang mga ito at pagkatapos
ay itala ang mga negatibo at positibong pananaw. Isulat sa mga bituin ang
positibo at sa mga bilog ang negatibo.

REPLEKSYON SA ARALIN
Gawain 8
Para malaman kung nagkaroon ka ng karagdagang kaalaman tungkol
sa komentaryong panradyo, narito ang gawain na magbibigay patunay sa
iyong natutunan.
Buuin ang pahayag.

Ang Komentaryong Panradyo ay nakatutulong sa ating araw-araw na


pamumuhaysapagkat______________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
________________________________.

Sanggunian
● Baisa-Julian, Aileen G., del Rosario, Mary Grace G., Lontoc, Nestor
S. Ang Bagong Pluma 8- Ikalawang Markahan
● https://www.youtube.com/watch?v=_zdNK3jLIFg&ab_channel=FAHRENE_
EXECUTIVE COMMITTEE FOR HYBRID MODULE

Chairperson: DR. MARGARITO B. MATERUM, SDS


Vice –Chairperson: DR. GEORGE P. TIZON-SGOD-Chief
DR. ELLERY G. QUINTIA-CID-Chief

Ex-Officio Members: EDUCATION PROGRAM SUPERVISORS


TAGUIG SECONDARY SCHOOL PRINCIPALS
DR DAISY L. MATAAC, EPS – LRMS/ALS
Secretariat: QUINN NORMAN O.ARREZA
Team Leader/Facilitator: DR. MELEDA H. POLITA
School Head In-Charge: DR. REA MILANA-CRUZ, PRINCIPAL IV
Writers: CHRISTINE JOY L. LLAVER
SARAH S. COMPETENTE
FRANCIS TENORIO
MARIA INAH C. CATACUTAN
Editors:
Content Evaluator: MARIVIC S. POBALCION
RHAXELL A. SAŇGA
Language Evaluator: JOSEPHINE S. TOLENTINO

Reviewer: DR. JENNIFER G. RAMA, EPS-FILIPINO


Illustrator/Layout Artist: RHAXELL A. SAŇGA
Content Validator: JESUSA M. GONZALES
Format and Language Validator: PRIVATE INTERNATIONAL SCHOOLS
REPRESENTATIVES

For inquiries, please write or call:

Schools Division of Taguig city and Pateros Upper Bicutan Taguig City

Telefax: 8384251

You might also like