You are on page 1of 16

Filipino

Ikatlong Markahan
Modyul 2
Opinyon at Talakayang
Panradyo
Panimula

Ang araling ito ay ang paghahatid ng mga impormasyon sa mamamayan sa


pamamagitan ng radyo at telebisyon ay maituturing na broadcast media. Mula noon
hanggang sa kasalukuyan, hindi maitatangging malaki ang papel ginagampanan nito
sa lipunang ating ginagalawan.

PINAKAMAHALAGANG KASANAYANG PAMPAGKATUTO

F8PN-IIId-e-29 - Napag-iiba ang katotohanan (facts) sa hinuha ( inferences ),


opinyon at personal na interpretasyon ng kausap.
F8PB-IIId-e-30 - Naiisa-isa ang mga positibo at negatibong pahayag.

SUBUKIN

Basahin at umawain ang mga pahayag. Piliin ang titik ng pinakatamang sagot.
1. Ang komentaryong pa radyo ay ang pagbibigay ng oportunidad sa.
A. Kabataan C. personalidad
B. Magulang D. matatanda
2. Ang pagbibigay ng __ ay makatutulong ng malaki upang ang kabataan ay higit na
maging epektibong tagapagsalita.
A. Kuro-kuro C. opinyon
B. Hinuha D. ideya
3. Ang komentaryong panradyo ay ang pagkakaroon ng malawak na kaalaman sa
pagsulat ng isang.
A. Kuwento C. Dula
B. Tula D. Sanaysay
4. Ang dokumentaryong panradyo ay naghahatid ng:
A. Nakalulumang balita
B. Nakaaakit na balita
C. Napapanahong balita
D. Walang silbing balita

1
5. Ang dokumentaryong panradyo ay nagpapakinig ng mga magagandang.
A. Pag-aaway C. awit
B. Sukat D. tugma
6. Matalino siya wala naman siyang kaibigan
A. Subalit C. Ngunit
B. Patapwat D. Saka
7. Mahal ka niya ___ hindi niya gaanong naipakikita ito.
A. Subalit C. Ngunit
B. Saka D. Samantala
8. Marami na akong natutuhan __ tila kulang pa ito
A. Subalit C. Ngunit
B. Saka D. Samantala
9. Siya ay matalino, mapagbigay pa.
A. Subalit C. Ngunit
B. Saka D. Samantala
10. Siya‟y nagtagumpay __ kaniyang pagsisikap.
A. Subalit C. Ngunit
B. Saka D. Samantala

ARALIN 3.2 Komentaryong Panradyo

Alamin

Layunin :
1. Napag-iiba ang katotohanan (facts) sa hinuha (inferences), opinyon at
personal na interpretasyon ng kausap.
2. Naiisa-isa ang mga positibo at negatibong pahayag.
3. Naiuugnay ang balita napanood sa balitang napakinggan.

2
Balikan/Pangganyak

Mahilig ka bang makinig ng radyo? Kung oo, ang iyong sagot, isa ka sa
maraming tuma tangkilik ng broadcast media. Paano nga ba nito nabago ang ating
kultura at panitikan?
Ano ang gampanin ng mga midyum na ito sa pagpapaigting ng kamalayan ng
mamamayan sa mahahalagang kaganapan sa ating lipunan?

Tuklasin

GAWAIN 3.2.a: Paborito Ko!


Isulat mo sa loob ng larawan ng radyo ang iyong paborito pinakikinggang
programa.

Paboritong programa sa Radyo:


___________________________________

Dahilan Kung Bakit Kinagigiliwan:

________________________________________
____________________________________

3
Suriin / Talakayin

GAWAIN 3.2.c: RADYOrific Ang Hatid


Tuklasin mo kung gaano na kalawak ang iyong kaalaman sa araling ito.
Gamit ang arrow ikonekta ang mga pahayag na may kaugnayan sa radyo sa
larawang nasa gitna. Nasa loob ng maliit na kahon ang nasabing mga pahayag.
Gawin sa iyong sagutang papel. Gayahin ang format.

nagpapahatid ng
mga panawagan
naghahatid ng nagpapalabas ng
musika pelikula

nagpalabas ng
variety show
nagpapalabas
ng teledrama

nagpapakilala ng
isang produkto Nakikinig ng
mga awit

Naghahatid ng
napapanahong
balita Nagbibigay ng
Naghahatid ng mga opinyon kaugnay
talakayan/pulso ng ng isang paksa
bayan

4
Ang komentaryong panradyo ayon kay Elena Botkin- Levy,
Koordineytor, ZUMIX Radio; ay ang pagbibigay ng oportunidad sa
kabataan na maipahayag ang kanilang mga opinyon at saloobin kaugnay sa
isang napapanahong isyu, o sa isang isyung kanilang napiling talakayan
at pagtuunan ng pansin. Ang pagbibigay opinyon ayon kay Levy ay
makatutulong nang malaki upang ang kabataan ay higit na maging
epektibong tagapagsalita. Ayon pa rin sa kaniya, ang unang hakbang
upang makagawa ng isang mahusay at epektibong komentaryong
panradyo ay ang pagkakaroon ng malawak na kaalaman sa pagsulat
ng isang sanaysay na naglalahad ng opinyon o pananaw.

KOMENTARYONG PANRADYO KAUGNAY NG FREEDOM OF


INFORMATION BILL (FOI)

Announcer: Mula sa Bulwagang Pambalitaan ng DZYX, narito ang inyong


pinagkakatiwalaang mamamahayag sina Roel Magpantay at Macky Francia at ito
ang Kaboses Mo.

Roel: Magandang umaga sa inyong lahat!


Macky: Magandang umaga partner!
Roel: Partner, talaga namang mainit na isyu ngayon yang Freedom of
Information Bill na hindi maipasa-pasa sa Senado.
Macky: Oo nga partner. Naku, sabi nga ng iba, kung ang FOI ay Freedom of
Income eh malamang nagkukumahog pa ang mga politiko na ipasa iyan
kahit pa nakapikit!

Roel: Sinabi mo pa, partner !


Macky: Ano ba talaga yang FOI na „yan partner?
Roel: Sang-ayon sa seksyon 6 ng Panukalang batas na ito eh bibigyan ng
kalayaan ang publiko na makita at masuri ang mga opisyal na
transaksiyon ng mga ahensya ng gobyerno .
Macky: Naku! Delikado naman pala „yan! Eh di magdiriwang na ang mga
tsismosa at pakialamero sa Pilipinas. Isyu dito, isyu doon na naman
yan! Demanda dito, demando doon!

5
Roel: Eh ano naman ang masama, partner? Sa ganang akin, hindi ba‟t dapat
naman talaga na walang itinatago „yang mga politikong „yan dahil sila ay
ibinoto at nagsisilbi sa bayan.
Macky: Sa isang banda kasi partner maaring maging “threat” daw yan sa
mahahalagang desisyon ng lahat ng ahensya ng pamahalaan.
Roel: Sa tingin ko partner eh makatutulong pa nga yan dahil maging mas
maingat sila sa pagdedesisyon at matatakot ang mga corrupt na opisyal
Macky: Eh pano yan partener? Ayon kay Quezon Representative Lorenzo
Tanada III, „pag hindi pa naipasa ang FOI bago mag- Pasko eh
mukhang tuluyan na itong maibabasura.
Roel: Naku! Naloko na!

Isaisip

Dapat tandan na ang radyo ay may mgamahahalagang papel na ginampanan sa


paghatid ng mga impormasyon, aliw, kaalaman lalong lalo na sa lugar na hindi
maabot ng kuryente.

Isagawa
Ibigay ang sumusunod batay sa nabasang komentaryong
panradyo.
Paksa: Mga Hinuha o Opinyon ng Mamahayag
Katotohanan:
1.
2.
3.
Opinyon
1.
2.
3.

6
Pagyamanin / Karagdagang Gawain
Magbigay ng tatlong (3) programang panradyo na tumatalakay sa mga
napapanahong isyu.

Aralin 3.2.2
Mga Dapat Tandaan sa Dokumentaryong
Panradyo

Alamin

Layunin:
1. Nabibigyang kahulugan ang mga salitang ginagamit sa radio broadcasting
2. Naisusulat ng wasto ang isang dokumentaryong panradyo.

Balikan/Pangganyak

1. Anu-ano ang mga dapat tandaan bago sumulat ng isang dokumentaryong


panradyo?
2. Ano ang kuwentuhang Media
3. Sa inyong opinyon, ano ang radyopormasyon at radyotik?

7
Tuklasin

Tandaan: Habang ikaw ay nakikinig, sikapin mong magtala ng iba‟t ibang


detalye tungkol sa:
1. Pamagat ng paksang tinalakay:
2. 2. Mga batayan ng mga salaysay, at 3. Mga aral na natutuhan

Mga Gabay na Tanong:


1. Tungkol saan ang iyong napakinggan?
2. Paano naging malinaw at kapani-paniwala ang mga pahayag ng mga
komentarista.
3. Paano nagiging makabuluhan ang isang komentaryo?

Suriin / Talakayin

KUWENTUHANG MEDIA
Posted by Online Balita on June 2, 2012

Nakatutuwang makakuwentuhan ang mga kasapi at pinuno ng media sa okasyon


kaarawan ng magaling ma coordinator na si Liza Carreon sa isang forum na kung
tawagin ay TUESDAY CLUB sa Pasig City. Magagaling, matatalas at analitikal ang
kanilang mga pananaw sa halos lahat ng isyu o pangyayari sa ating bansa, gaya ng
mga usapin ng Panatag Shoal at ni CJ Renato Corona.
Kabilang sa media people na nakausap ko at nakapalitan ng kuro-kuro ay sina
Manila Bulletin Editor-in-Chief Cris “Jun” Icban; Butch Raquel, GMA vice president
for communications; BizNews Asia Magazine Editor-in-Chief Tony Lopez, Tony
Katigbak (chairman ng Tuesday Club); Bong Osorio ng ABS-CBN, ex-MMDA
Chairman Bayani Fernando at ex-Marikina City Mayor Marides Fernando; ex-
Graphic editor Manuel Almario; columnist Boo Chanco; Pandan, Catanduanes
Mayor Resty de Quiroz, dating reporter ng DZRH, at iba pa.

8
Sa ganitong pagtitipon, hindi masasayang ang iyong oras dahil bukod sa tawanan,
biruan at kumustahan, nakapupulot ka ng matatalino, magaganda at sariwang
opinyon, analisis at personal na paniniwala na kontra o katig sa isang kontrobersiyal
na personalidaad o usapin. Ang Club na ito ay ipinundar ng yumaong sina Max
Soliven at Art Borjal.
Binigwasan ng China si US State Secretary Hillary Clinton dahil sa remarks nito
tungkol sa gusot sa West Philippine Sea (South China Sea) na nito ay lantarang
dinuduro ng dambuhalang bansa ang sisiw na Pilipinas na Panatag Shoal. Ayon kay
Hillary, lumalabis ang China sa pag-angkin nito sa nasabing karagatan kontra sa
ipinahihintulot ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).
Nagbabala ang China na hindi dapat makialam ang US sa usaping ito. Well,
maliwanag ang pahiwatig ni Ms. Clinton na tiyak na susugod ang US forces para
tulungan ang ating bansa sa sandaling ganap na salakayin at agawin ng China ang
Bajo de Masinloc.
Sa kabila ng pagbatikos at pagsalungat ng mga makakaliwang grupo na sagad-
hanggang-langit ang galit at pag-ayaw sa United States, walang magagawa o
masusulingan ang Pilipinas kundi ang humingi ng tulong (kahit hindi diretsahan) o
sumandal sa puwersa ng bansa ni Uncle Sam laban sa alinmang dayuhang lakas na
ookupa at manduduro sa atin.

Isaisip

Ang radyo ay isa sa mga midyum ng komunikasyon na naglalayong nagbahagi ng


mga kaganapan ng mas malawaak na kaalaman bilang gabay sa kamalayang
panlipunan.

Isagawa

Gawain 3.2.f: Radyopormasyon

Pagkatapos mong basahin at umawain ang mga pahayag sa binasang teksto,


punan ang kasunod na kahon ng tamang mga impormasyon. Gawain sa papel.

9
Mga nagpapahayag ng impormasyon

Mga pahayag ng mga personalidad

Sariling pananaw

Pagyamanin / Karagdagang Gawain

Sumulat ng isang balitang panradyo ukol sa pandemya na nangyayari


ngayon ng ating bansa sa at bubuo ng dalawang talata na may limang pangungusap
sa bawat talata.

Aralin 2.1.3 Konsepto ng Pananaw

Alamin

Layunin:
A. Nakikilala ang mga ekspresyon sa paghahayag ng konsepto ng pananaw sa
pangungusap.
B. Nagagamit ang mga angkop na ekspresyon sa paghahayag ng konsepto ng
pananaw (ayon,batay,sang-ayon sa, sa akala, iba pa).

10
Balikan / Pangganyak

Napansin mo ba ang mga salitang may salungguhit sa mga halimbawa ng


iskrip panradyo na iyong binasa? Ang mga iyon ay tinatawag na “Konsepto
Pananaw”

Tuklasin

Mula sa binasang teksto na Kuwentuhang Media, hanapin ang mga salitang


tumutukoy sa mga Konsepto ng Pananaw. Isulat ang iyong sagot sa mga bilog.
Gawin sa sagutang papel.

Suriin / Talakayin

Narito ang ilan pangdagdag na kaalaman upang lubos mong maunawaan kung ano
ang tinatawang na konsepto ng Pananaw “.
1. May mga ekepresiyong nagpapahayag ng konsepto ng pananaw. Kabilang dito
ang ayon, batay, para, sang-ayon, sa, kay, ganoon din sa paniniwala/pananaw/akala
ko/ni/ng, at iba pa. Inihuhudyat ng mga ekspresyong ito ang iniisip, sinasabi o
paniniwalaan ng isang tao. Tulad nito:

11
Ayon/Batay/Sang-ayon sa 1987 Konstitusyon ng Pilipinas, ang Filipino ang
pambansang wika at isa sa mga opisyal na wika ng komunikasyon at sistema ng
edukasyon.
Sa paniniwala/akala/pananaw/paningin/tingin/palagay ni/ ng
Pangulong Quezon, mas mabuti ang mala-impiyernong bansa na pinamamahalaan
ng mga Pilipino kaysa makalangit na Pilipinas na pinamumunuan ng mga dayuhan.

Inaakala/Pinaniniwalaan/ Iniisip kong hindi makabubuti kanino


man ang kanilang palno.
Sa ganang akin/ Sa tingin/ akala/ palagay ko, wala nang gaganda
pa sa lugar na ito.

2. May mga ekspresiyong nagpapahiwatig ng pagbabago o pag-iiba ng paksa at/ o


pananaw, tulad ng sumusunod na halimbawa. Gayon man, mapapansing di tulad ng
naunang mga halimbawa na tumitiyak kung sino ang pinagmumulan ng pananaw,
nagpapahiwatig lamang ng pangkalahatang pananaw ang sumusunod na
halimbawa:
Sa isang banda/ Sa kabilang dako, mabuti na rin sigurong nangyari iyon upang
matauhan ang mga nagtutulog-tulugan.
Samantala, makabubuti sigurong magpahinga ka muna para makapag-isip ka nang
husto.

Isaisip

Dapat nating tandaan na ang radio ay may mahalagang papel na ginampanan sa


ating lipunan upang maihati ng madalian ang mga maiinit na balita at nagbibigay aliw
din sa mga mambabasa.

12
Isagawa
Gawain 8. Pag-alam sa Natutuhan

Pilin sa loob ng panaklong ang angkop na konsepto ng pananaw upang


mabuo ang pahayag.

1. Lubusan niyang ikinalungkot ang trahedyang naganap sa Bohol at Cebu, (kaya,sa


lahat ng ito) hindi niya lubos maisip kung paano niya ito haharapin.

2. (Datapwat, Subalit) nasasabi niyang sia‟y nakararaos sa buhay, hindi pa rin


maipagkakaila ang lungkot na kaniyang nararamdaman.

3. Siya‟y nahimasmasan (sa wakas, saka) naisip niyang dapat siyang magpatuloy sa
buhay.

4. Napakarami na niyang napagtagumpayang problema (kaya, sa lahat ng ito), hindi


na niya alintana ang mga darating pa.

5. Hindi na niya itutuloy ang kaniyang pagpunta sa ibang bansa, (kung gayon, kaya)
mapipilitan siyang maghanap na lamang ng trabaho malapit sa kaniyang pamilya.

Pagyamanin/Karagdagang Gawain
Panuto: Batay sa inyong narinig na mga patalastas /paalala mula sa
Radyo(AM/FM),pumili ng isa at suriin ang mga positibo at negatibong pahayag.
Pumili nag tig 5 pahay. IIsulat sa isang bondpaper. Sundin ang halimbawa sa ibaba.
Halimbawang Patalastas na Narinig sa Radyo.

13
Positibong Pahayag Negatibong Pahayag

1.Ugaliing maghugas lagi ng mga kamay. Iwasan ang contact sa mga hayop.

2.

3.

4.

5.

Tayahin
Sukatin natin…
Basahin at unawain ang mga katanungan. Pilin ang titik mg pinakatamang sagot.

1. ___ ay isang sa mga paraan kung papaanong sinusukat ng isang tao ang sariling
niya.
A. Radyo C. Likert Scale
B. Telebisyon D. Loptop

2. Ang dokumentaryong panradyo ay naghahatid ng:

A. Nakakaakit na balita C. Makalumang balita


B. Walang silbing balita D. Wala sa lahat

3. Ang komentaryong panradyo ay ang pagkakaroon ng malawak na kaalaman sa


pagsulat ng isang

A. Sanaysay C. Kuwento
B. Tula D. Dula

4. Ang pagbibigay ng ___ ay makatutulong ng malakii upang ang kabataan ay higit


na maging epektibong tagapagsalita.

A. Ideya C. Himuha
B. Kuro-kuro D. Opinyon

14
5. Ayon kay__ ang pagbibigay ng opinyon ay makatutulong nang malaki upang ang
kabataan ay higit na maging epektibong tagapagsalita.

A. Elena Botkin C. Mel Tiangco


B. Jessica saho D. Mike Enriquez

6. ___ sa balita ngayon na hindi pa nakarating sa ating bansa ang bakuna para
COVID-19
A. Ayon C. Sang-ayon
B. Batay D. Akala

7. ___ ko wala nang gaganda pa sa lugar na ito.

A. Sa ganag akin C. Akala


B. Sa tingin D. Palagay ko

8. ___ sa 1987 konstitusyon ng Pilipinas, ang wikang Filipino ay ang pambasang


wika natin.

A. Ayon C. Sang-ayon
B. Batay D. Para sa

9. ___ mabuti na rin sigurong nangyari iyon upang matauhan ang mga magtutulong-
tulugan.

A. Sa kabilang dako C. Batay sa


B. Sa isang banda D. Ayon

10.____ makabubuti sigurong magpahinga ka muna para makapag-isip ka nang


husto.

A. Ayon C. Batay
B. Samantala D. Sang-ayon

Sanggunian: Batay sa aklat ng Filipino Ikawalong Baitang

15

You might also like