You are on page 1of 10

Sangay ng Marinduque

Klaster ng Hilagang Santa Cruz


MATAAS NA PAARALANG PAMBANSA NG LANDY
Landy, Santa Cruz

MALAMASUSING Paaralan: LANDY NHS Antas 8


BANGHAY ARALIN Guro: Danica A. Pelaez Asignatura FILIPINO
SA PAGTUTURO SA Seksyon
FILIPINO Petsa/Oras Pebrero 21 , 2023 Markahan Ika-3 Markahan

I. Layunin
A. Pamantayang Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa kaugnayan ng panitikang
Pangnilalaman popular sa kulturang Pilipino
B. Pamantayan sa Pagganap Ang mag-aaral ay nakabubuo ng kampanya tungo sa panlipunang
kamalayan sa pamamagitan ng multimedia (social media awareness
campaign).
C. Mga Kasanayang o Napag-iiba ang katotohanan ( facts ), sa hinuha ( inferences),
Pampagkatuto ( Isulat ang opinyon at personal na interpretasyon ng kausap. ( F8PN-IIId-e-29 )
code ng bawat kasanayan) o Naiisa- isa ang mga positibo at negatibong pahayag. ( F8PB-IIId- e-
30 )
o Natutukoy ang katotohanan ( facts ), sa hinuha ( inferences),
opinyon at personal na interpretasyon batay sa Komentaryong
Panradyo na binasa
o Naibibigay ang paksa ng balita batay sa napakinggan.
II. Nilalaman
Mga Kontemporaryong Programang Panradyo
III. Kagamitang Panturo
A. Sanggunian Pinagyamang Pluma 8
1. Pahina sa Gabay ng guro ph 382-383
2. Mga pahina sa Kagamitang
pang mag-aaral
3. Pahina sa teksbuk ph 382-383
4.Karagdagang kagamitan Speaker, laptop
mula sa portal ng Learning
resources
B. Iba pang kagamitang Papel, modyul, mga larawan, tarpapel, pentelpen
panturo mula sa Learning
Resource
IV. Pamamaraan
Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral
A.Pagdarasal Ama namin….
B.Pagbati Magandang umaga/ hapon mga mag-aaral!
C.Pagtsek ng liban sa klase May liban ba sa klase ngayong araw?
Bilang ng lalaki____________________
Bilang ng babae ___________________
D.Panimulang I. AKTIBITI:
Gawain/Pagbabalik-aral “RADYORIFIC ANG HATID”
Panuto Tuklasin mo kung gaano na kalawak ang iyong kaalaman sa
araling ito.Gamit ang mga pahayag na nasa loob ng kahon itapat sa
larawang nasa gitna ang mga pahayag na may kaugnayan sa
radyo . Guhitan ito ng arrow upang ikonekta ang mga pahayag na
may kaugnayan dito.

Nagpapalabas ng Nagpapalabas ng
Teledrama variety show
Naghahatid ng
napapanahong balita
Nagpapakinig ng Nagpapalabas ng
mga awitin pelikula
Naghahatid ng mga
talakayan /pulso ng Naghahatid ng mga
Nagpapakilala ng bayan
produkto panawagan

Naghahatid ng mga kuwentong nakaaaliw


kuwentong pag-ibig at comedy
\kuwentong

1. Batay sa mga pahayag na may kaugnayan sa radyo?


Masasabi mo bang napakahalagang maging mulat kayong
mga kabataan sa samu’t saring balitang mapapakinggan sa
radyo?
2. Magbigay ng mga balitang pangkaraniwan ninyong naririnig o
napapakinggan?

E. Paghahabi ng layunin ng Pagkatapos ng aralin kayo ay inaasahan na:


aralin. o Napag-iiba ang katotohanan ( facts ), sa hinuha ( inferences),
opinyon at personal na interpretasyon ng kausap. ( F8PN-IIId-e-29 )
o Naiisa- isa ang mga positibo at negatibong pahayag. ( F8PB-IIId- e-
30 )
o Natutukoy ang katotohanan ( facts ), sa hinuha ( inferences),
opinyon at personal na interpretasyon batay sa Komentaryong
Panradyo na binasa
o Naibibigay ang paksa ng balita batay sa napakinggan.
F. Pagganyak Panuto: Pakinggan ang balitang hatid ng programang DZBB Super
II. ASIMILASYON:

’Pag-unawa sa Pagkakaiba ng Katotohanan, Hinuha , Opinyon , at


Personal na Interpretasyon’

Ang komentaryong panradyo ayon kay Elena Botkin-Levy,


Koordineytor ng ZUMIX Radio, ay ang pagbibigay ng oportunidad
sa kabataan na maipahayag ang kanilang mga opinyon at saloobin kaugnay
sa isang napapanahong isyu, o sa isang isyung kanilang napiling
talakayin at pagtuunan ng pansin.

Ilan sa mga paksang madalas na talakayin ay ang sumusunod.


a. Politika
b. Mga pangyayari sa isang espisipikong lugar
c. Mga pagdiriwang sa Pilipinasd. Katayuan ng ekonomiya ng Pilipinas
e. Mga interes at makabuluhang bagay para sa mga inaasahang
tagapakinig

May dalawang pamimiliang pangunahing istasyon sa radyo, ito ay ang


Amplitude Modulation (AM) at Frequency Modulation (FM).

Amplitude Modulation (AM)- Ang mga istasyon na FM ay nakapokus


ang nilalaman unang-una sa musika

Frequency Modulation (FM).- ang mga istasyon na AM ay nag-


uulat ng mga balita,kasalukuyang pangyayari, serbisyo publiko,
seryal na drama at mga programang tumatalakay sa mga
napapanahong isyu.

Katotohanan
 Mga pahayag na may kongkretong ebidensya. Mga pangyayaring
umiiral o nangyari na may batayan at tiyak na paglalahad.

Halimbawa
 Ayon sa WHO , MAS mababa ang tiyansang mahawaan ng COVID-
19 ang mga taong nakasuot ng facemask , naka face shield at
sumusunod sa social distancing.
 Sang-ayon sa Kagawaran ng Edukasyon , .magsisimula ang mga
klase sa pampublikong paaralan sa ika-5 ng Oktubre.
 Batay sa resulta ng botohan , si Ana Joy na ang bagong pangulo
ng SSG Council.

Hinuha
 Pahayag na inaakalang mangyari batay sa isang sitwasyon o
kondisyon .
 Ito ay isang hula o palagay na walang kasiguraduhan at di –tiyak
ang isang pangyayari.
 Gumagamit ng salitang sa tingin ko, Siguro, maaari, baka, tila, at iba
pa.
Halimbawa:
 Sa tingin ko’y uunlad ang bansa kung sakaling matapos na ang
pandemya.
 Maaaring manalo o matalo siya sa nilahukang patimpalak.

Opinyon
 Kuro-kuro o palagay batay sa pananaw ng isang tao.
 Mga impormasyon na batay sa saloobin at damdamin ng tao.
 Gumagamit ng salitang sa aking palagay, kung ako ang tatanungin,
at iba pa.
Halimbawa
 Para sa akin, mas pipiliin kong magtanim ng mga gulay sa aming
garahe sa halip na gawin na lamang itong bakanteng lugar.
 Kung ako ang tatanungin, mas maganda ang kulay berde kaysa sa
asul.

Personal na Interpretasyon
 Batay sa sariling kaisipan o pananaw lamang. Sarili mong
pagkakaintindi o pagitngin o pagbibigay kahulugan sa isyu o
opinyon.

Halimbawa:
 Marahil ang mga nangyayari ngayon sa buong mundo ay senyales
na dapat ay magbago at magpakabuti na ang mga tao.

Pagkakaiba ng Positibo at Negatibong Pahayag


Positibong Pahayag
Ginagamitan ng mga magagandang salita gaya ng tama, salamat,
mabuti,maganda, tama, maaari, maayos at iba pa.

Halimbawa:Sa tingin ko partner eh makatutulong pa nga ‘yan dahil


magiging mas maingat silasa pagdedesisyon at matatakot ang mga tiwaling
opisyal.

Negatibong Pahayag
Ginagamitan ng mga salitang hindi kaaya-ayang pakinggan gaya ng
delikado,masama, hindi nakabubuti, at iba pa.

Halimbawa:Naku! Delikado naman pala ‘yan! Eh di magdiriwang na ang


mga tsismosa atpakialamero sa Pilipinas. Isyu dito, isyu doon na naman
yan! Demanda dito,demanda doon!
H. Pagtalakay Gabay na katanungan:

1. Ano ang tinatawag na Kontemporaryong Programang Panradyo?


2. Bakit nagkakaroon ng iba’t ibang komentaryo ang mga komentarista
sa pagbabalita?
3. Paano nakatutulong sa inyong pag-aaral ang mga komentaryong
panradyo na inyong napapakinggan?

I. Paglinang ng Kabihasaan III. ABSTRAKSYON:


(Tungo sa Formative
Assessment) Panuto Basahin at suriin ang mga pahayag na nakapaloob sa iskrip ng
Komentaryong Panradyo Kaugnay ng Bakuna Kontra COVID-19 Ni Hanah
F. Garcia. Sagutin ang mga katanungan at tukuyin ang mga Katotohanan ,
Hinuha at Opinyon pahayag na ginamit dito.

Announcer: Mula sa Bulwagang Pambalitaan ng DZGP, narito ang inyong


pinagkakatiwalaang mamamahayag na sina Anna Domingo at Erick Bidanez
at ito ang Radyo Ekspres. Magandang buhay sa inyong lahat!

Erick: Magandang buhay, partner!

Anna: Partner, talaga namang mainit na usapin ngayon ang


pagbabakuna kontra COVID-19 sa mga sundalo at
kapulisan.

Erick: Oo nga, partner. Umaalma ang marami. Sabi nga ng iba,


hindi lang naman mga sundalo at kapulisan ang
frontliners. Nariyan din ang mga guro at iba pang
empleyado ng gobyerno.

Anna: Totoo „yan, partner! May punto rin naman nga sila.
Pero bakit nga ba uunahin ang mga sundalo at kapulisan
na mabakunahan kontra COVID-19?

Erick: Giit ni Pangulong Duterte, nais niyang unang mabakunahan ang


mga sundalo at kapulisan kontra COVID-19 para mapanatili ang
kanilang kalusugan habang nangangalaga sa peace and order sa bansa.

Anna: Naku! Hindi ba lagi na lang pinapaboran ni Pangulong


Duterte ang mga sundalo at kapulisan?

Erick: Sa isang banda partner, mainam din ngang unang


mabakunahan ang mga sundalo at kapulisan dahil sila talaga ang
laging nakasuong sa laban kontra COVID-19.Sila ang tagaprotekta ng bawat
lugar upang maging ligtas sa COVID-19.

Anna: Pero ang alam ko, partner, ang vaccine na mula sa Chinese
pharmaceutical company na Sinopharm ang gagamitin na may efficacy
rate na 79.34% lamang. At hindi pa ito aprubado ng Food and Drug
Administration(FDA) ha.

Erick: Partner, ayon sa World Health Organization (WHO), wala talagang


vaccine ang magkakaroon ng 100% efficacyrate. Maging ang gawa ng
U.S. drug makers na Pfizer-BioNtech at Moderna ay may efficacy rate na
95%. Ang mahalaga raw ay umabot ito ng 50% at ito ay magiging safe na para
gamitin.

Anna: Naku, di ba delikado pa rin „yong ganoon, partner? Pero, sige na nga,
sila na mauna.

Erick: Ganoon na nga, partner. Kaya hayaan na natin ang desisyon


ng mga eksperto sa mga ganiyang bagay dahil sila ang higit na nakaaalam
kung ano ang makabubuti para sa lahat.

Unang Pangkat
Panuto: Sagutin ang mga katanungan tungkol sa Komentaryong Panradyo
Kaugnay ng Bakuna Kontra COVID-19 Ni Hanah F. Garcia.
1. Tungkol saan ang binasang komentaryong panradyo?
2. Sino-sino ang mga mamamahayag sa nasabing programa?
3. Ano ang iyong masasabi tungkol sa usaping kanilang tinalakay?
4. Sang-ayon ka ba na mga sundalo at kapulisan ang unang
mabakunahan kontra COVID-19? Bakit?

Pangalawang Pangkat
Panuto : Tukuyin ang mga pahayag na Katotohanan, Hinuha , at Opinyon
na makikita sa iskrip ng Komentaryong Panradyo Kaugnay ng Bakuna
Kontra COVID-19 Ni Hanah F. Garcia, gamit ang talahanayang nasa ibaba.

KATOTOHANAN OPINYON HINUHA

Pangatlong Pangkat
Panuto: Tukuyin ang mga pahayag na nagsasaad ng positibo at
negatibong pananaw na makikita sa iskrip ng Komentaryong Panradyo
Kaugnay ng Bakuna Kontra COVID-19 Ni Hanah F. Garcia. Itala sa
talahanayang nasa ibaba ang inyong sagot.

Positibong pananaw Negatibong pananaw

J. Paglalapat ng aralin sa Panuto: Iantas mula 1-4 ang “Katotohanan, Hinuha , Opinyon , at
pang-araw-araw na buhay. Personal na Interpretasyon’

Bilang isang tagapakinig, alin sa mga ito ang higit na mahalagang malaman
at maunawaan sa isang komentaryong panradyo? Ipaliwanag bakit iyon
ang napili?
_____ Katotohanan
_____HiInuha
_____ Opinyon
_____Personal na interpretasyon

K. Paglalahat ng Aralin.
Kung ikaw ay magiging isang mamamahayag sa radyo , anong klase ng
balita ang bibigyan mo ng atensyon at pipiliin mong ipahayag? Bakit?

L. Pagtataya ng Aralin. IV. ASSESSMENT:


Panuto Basahin ang isang iskrip ng Komentaryong Panradyo. Sagutin
ang mga gawaing nasa ibaba.
KOMENTARYONG PANRADYO KAUGNAY NG FREEDOM OF
INFORMATIONBILL (FOI)

Announcer: Mula sa Bulwagang Pambalitaan ng DZYX, narito ang


inyongpinagkakatiwalaang mamamahayag sina Roel Magpantay at Macky
Francia at ito ang Kaboses Mo.

Roel: Magandang umaga sa inyong lahat!

Macky: Magandang umaga partner!

Roel: Partner, talaga namang mainit na isyu ngayon ‘yang Freedom of


Information Bill na hindi maipasa-pasa sa Senado.

Macky: Oo nga partner. Naku, sabi nga ng iba, kung ang FOI ay Freedom of
Income eh malamang nagkukumahog pa ang mga politiko na ipasa iyan kahit
pa nakapikit!

Roel: (TATAWA) Sinabi mo pa, partner!

Macky: Ano ba talaga ‘yang FOI na ‘yan partner?

Roel: (UUBO) Sang-ayon sa seksyon 6 ng Panukalang batas na ito eh bibigyan


ng kalayaan ang publiko na makita at masuri ang mga opisyal na transaksiyon
ng mga ahensya ng gobyerno.

Macky: (MAGUGULAT) Naku! Delikado naman pala ‘yan! Eh di magdiriwang na


ang mga tsismosa at pakialamero sa Pilipinas. Isyu dito, isyu doon na naman
yan!Demanda dito, demanda doon!

Roel: (MAGTATAKA) Eh ano naman ang masama, partner? Sa ganang akin,


hindi ba’t dapat naman talaga na walang itinatago ‘yang mga politikong ‘yan
dahil sila ay ibinoto at nagsisilbi sa bayan.

Macky: Sa isang banda kasi partner maaaring maging “threat” daw yan sa
mahahalagang desisyon ng lahat ng ahensya ng pamahalaan.

Roel: Sa tingin ko partner eh makatutulong pa nga ‘yan dahil magiging mas maingat sila
sa pagdedesisyon at matatakot ang mga tiwaling opisyal.

Macky: Eh pano yan partner? Ayon kay Quezon Representative Lorenzo Tañada
III,kapag hindi pa naipasa ang FOI bago mag-Pasko eh mukhang tuluyan na itong
maibabasura.
Roel: (TATAWA) Naku! Naloko na!

MSC: BRIDGE… SFX

Gawain A
Panuto: Suriin ang mga sumusunod na pahayag at tukuyin kung ang mga
ito ay Katotohanan, Opinyon o Hinuha ng komentarista mula sa binasang
komentaryong panradyo. Ilagay ang sagot sa kahon.
1. Sang-ayon sa seksyon 6 ng Panukalang batas na ito eh bibigyan ng
kalayaan ang publiko na makita at masuri ang mga opisyal na
transaksiyon ng mga ahensya ng gobyerno.
2. Sa ganang akin, hindi ba’t dapat naman talaga na walang itinatago
iyang mga politikong ‘yan dahil sila ay ibinoto at nagsisilbi sa bayan.
3. Sa isang banda kasi partner maaaring maging “threat” daw yan
samahahalagang desisyon ng lahat ng ahensya ng pamahalaan.
4. Sa tingin ko partner eh makatutulong pa nga yan dahil magiging mas
maingat sila sa pagdedesisyon at matatakot ang mga tiwaling
opisyal.
5. Ayon kay Quezon Representative LorenzoTañada III, kapag hindi pa
naipasa ang FOI bago mag-Pasko eh mukhang tuluyan na itong
maibabasura.

KATOTOHANAN OPINYON HINUHA

Gawain B
Panuto: Batay sa binasang baliktaktakan sa radyo na pinamagatang
“KomentaryongPanradyo Kaugnay ng Freedom of Information Bill (Foi)”.
Alin sa mga pahayagng mga komentarista ang nagsasaad ng positibo at
negatibong pananaw? Iguhit ang masayang mukha kung positibo
ang pahayag at iguhit ang malungkot na mukha ☹ kung negatibo ang
pahayag.

_____1.Naku! Delikado naman pala ‘yan!


_____2.Sa isang banda kasi partner maaaring maging “threat” daw yan.
_____3.Sa tingin ko partner eh makatutulong pa nga iyan.
_____4.Sa ganang akin, hindi ba’t dapat naman talaga na walang itinatago
iyang mga politikong ‘yan dahil sila ay ibinoto.
_____5.Kapag hindi pa naipasa ang FOI bago mag-Pasko eh mukhang
tuluyan na itong maibabasura.
M. Karagdagang gawain Panuto: Makinig ng napapanahong balita sa radio at sagutin ang
para sa takdang-aralin/ sumusunod na katanungan.
Remediation 1. Tungkol saan ang iyong napakinggan?
2. Paano naging malinaw at kapani-paniwala ang mga pahayag sa
iyong napakinggan?
3. Paano naging makabuluhan ang isang komentaryo?
V. Pagninilay
A. Bilang ng mag-aaral na ___Bilang ng mga mag-aaral na nakakuha ng 80% pataas
nakakuha ng 80% sa
pagtataya.
B. Bilang ng mag-aaral na ____Bilang ng mga mag-aaral na nangangailangan ng iba pang gawain
nangangailangan pa ng iba para sa remediation
pang gawain para sa
remediation.
C. Nakatulong ba ang _____Oo ______Hindi
remedial? Bilang ng mag- _____Bilang ng mga mag-aaral na nakauunawa sa aralin
aaral na naka-unawa sa
aralin.
D. Bilang ng mag-aaral na ____Bilang ng mga mag-aaral na nagpatuloy sa remediation
magpapatuloy sa
remediation.
E. Alin sa mga estratehiyang ____Pagsasadula
ginamit ang nakatulong ng ____Kolaboratibong pagkatuto
lubos? Paano ito nakatulong? ____Iba’t ibang pagtuturo
____Lektyur
____Pangkatan
Iba pa __________________________________________
F. Anong suliranin ang aking ____ Bullying sa pagitan ng mga na mag-aaral
naranasan na nasolusyunan ____ Pag-uugali/gawi ng mga mag-aaral
ng aking ____Masyadong kulang sa IMs
punungguro/superbisor? ____Kakulangan sa kagamitang panteknolohiya
____Kompyuter
____Internet
Iba pa ________________________________________
G. Anong kagamitang ____Lokal na bidyo
panturo ang aking nabuo na ____Resaykel na kagamitan
nais kong ibahagi sa aking Iba pa ________________________________________
kapwa guro?

Index of Mastery:
Silver: Argentum Krypton Argon Neon
Xenon
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.

Puna:
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
______________________________________________________________________
Inihanda ni:

DANICA A. PELAEZ
Guro sa Filipino

Iwinasto ni: Ipinagtibay ni;

CRISTINA D. REJANO ROWEL S. LARIRIT


Gurong Kritiko Punong Guro II

You might also like