You are on page 1of 7

Sangay ng Marinduque

Klaster ng Hilagang Santa Cruz


MATAAS NA PAARALANG PAMBANSA NG LANDY
Landy, Santa Cruz
MALAMASUSING Paaralan: LANDY NHS Antas 8
BANGHAY ARALIN Guro: Danica A. Pelaez Asignatura FILIPINO
SA PAGTUTURO SA Seksyon
FILIPINO Petsa/Oras Pebrero 23 , 2023 Markahan Ika-3 Markahan

I. Layunin
A. Pamantayang Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa kaugnayan ng panitikang
Pangnilalaman popular sa kulturang Pilipino
B. Pamantayan sa Pagganap Ang mag-aaral ay nakabubuo ng kampanya tungo sa panlipunang
kamalayan sa pamamagitan ng multimedia (social media awareness
campaign).
C. Mga Kasanayang o Nailalahad nang maayos ang pansariling pananaw, opinyon, at
Pampagkatuto ( Isulat ang saloobin. ( F8PS-IIId-e-31 ).
code ng bawat kasanayan) o Nagagamit ang mga angkop na ekspresyon sa paghahayag ng
konsepto ng pananaw ( F8WG-IIId-e-31 ).
II. Nilalaman
Mga Kontemporaryong Programang Panradyo
“ Mga Ekspresyong Nagpapahayag Ng Konsepto Ng Pananaw”
III. Kagamitang Panturo
A. Sanggunian Pinagyamang Pluma 8
1. Pahina sa Gabay ng guro ph 382-383
2. Mga pahina sa Kagamitang
pang mag-aaral
3. Pahina sa teksbuk ph 382-383
4.Karagdagang kagamitan Speaker, laptop
mula sa portal ng Learning
resources
B. Iba pang kagamitang Papel, modyul, mga larawan, tarpapel, pentelpen
panturo mula sa Learning
Resource
IV. Pamamaraan
Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral
A.Pagdarasal Ama namin….
B.Pagbati Magandang umaga/ hapon mga mag-aaral!
C.Pagtsek ng liban sa klase May liban ba sa klase ngayong araw?
Bilang ng lalaki____________________
Bilang ng babae ___________________
D.Panimulang I. AKTIBITI:
Gawain/Pagbabalik-aral Crack The Code
Panuto:

E. Paghahabi ng layunin ng Pagkatapos ng aralin kayo ay inaasahan na:


aralin. o Nabibigyang kahulugan ang mga salitang ginagamit sa radio
broadcasting. ( F8PT- IIId- e- 30 )
o Natutukoy ang mga salitang ginagamit sa radio broadcasting batay
sa napakinggan na balita.
o Naiuugnay ang balitang napanood sa balitang napakinggan at
naibibigay ang sariling opinyon tungkol sa mga ito.
o Naipaliliwanag ang nilalaman ng balitang napakinggan at napanuod
F. Pagganyak “PINTO NG KONSEPTO”
Ang mga mag-aaral ay maglalaro ng tintatawag na “ Hep, Hep ,
Huray”. Ang magkamali ng babanggitin ay siyang magbubukas ng
“PINTO NG KONSEPTO”.

Panuto: Basahin ang mga katanungan at sagutin ito.

1. Anu-anong balita ang iyong inaabangan sa


telebisyon o radyo?

2. Bakit kinakailangan nating mapakinggan, at


mapanuod ang iba’t ibang balitang
nagaganap sa ating bansa?

3. Sa paanong paraan mo lubos nauunawaan


ang isang balita? Sa pamamagitan ba ng
panunuod sa telebisyon o pakikinig sa radyo?

1. Batay sa mga katanungang inyong sinagutan sa Pinto ng


Konsepto, mayroon na ba kayong ideya patungkol sa ating
tatalakayin ngayon?
II. ASIMILASYON:

“ Mga Ekspresyong Nagpapahayag Ng Konsepto Ng Pananaw”

1. Ang mga ekspresyong ginagamit upang ihayag ang konsepto ng


pananaw ay ang mga sumusunod:

Ayon sa Sa paniniwala ni
Batay sa Akda ni
Sang-ayon Sa pananaw ni
Sa panayam ni Sa tingin ni
Sa palagay ni

Halimbawa:
a. Sa pananaw ni Juan Dela Cruz, dapat nang kumilos ang mga
mamamayan upang mawakasan na ang lumalaganap na korapsyon
sa pamahalaan.
b. Sang-ayon sa Pangulo , aalisin na ang pork barrel ng mga
mambabasa dahil ugat ito ng malawakang korapsyon.

Inihuhudyat ng mga ekspresyong ito ang iniisip , sinasabi o pinaniniwalaan


ng isang tao.

2. May mga ekspresyong ginagamit upang ipahiwatig ang pagbabago


o pag-iiba ng paksa. Maaaring gamitin ang mga sumusunod:

Sa kabilang banda
Sa kabilang dako
Samantala

Halimbawa :

a. Sa kabilang banda, hindi dapat na isisi ng lahat sa gobyerno ang


sinapit na kasawian ng marami nating kababayan, naging pabaya
din sila sa kanilang sarili.
b. Samantala makabubuting suriin mo rin ang iyong sarili , mayroon ka
ring pagkukulang sa paghahanda sa mga kalamidad.

Panuto: Basahin ang Teksto:

“ Hindi Handa ang Pamahalaan sa Pagdating ng mga Kalamidad sa


Bansa”

Jelly : Raymond , nakakaawa naman ang kalagayan ng mga kabataan


nating nasalanta noong nakaraang bagyo at habagat. Ang iba’y nawalan
ng kabuhayan , samantalang ang iba nama’y nawalan ng mahal sa buhay.

Raymond: Tunay na Kalunos , lunos ang kanilang sinapit. Taon-taon na


lamang ay ganito ang kanilang kinasasapitan tuwing dumarating ang
tag-ulan.

Jelly: Ayon sa pamahalaan, handa raw ang mga ahensya ng pamahalaan


na may direktang kinalaman sa paghahanda tuwing may malakas na
bagyong dumarating tulad ng DSWD at NDRRMC , pero sa palagay ko
ay nagsisinungaling sila.

Raymond: Tama ka, sang -ayon ako sa sinasabi mong nagsisinungaling


ang pamahalaan. Kung totoong handa sila, bakit ang daming nasalanta?
Libo-libong pamilya ang nasa mga evacuation centers. Sa isang banda,
maaaring maghanda sila, hindi nga lang sapat ang ginawang
paghahanda. Sa paniniwala ko, kung lubusan lamang ang ginawang
paghahanda ng mga pinuno ng ating pamahalaan , hindi ganito kalaki at
kalubha ang pinsalang idinulot ng bagyo sa ating bansa, at sa ating mga
kababayan. Kung sapat lamang ang ginawang paghahanda , naiwasan
sana ang napakalaking pinsalang iniwan ng bagyo sa buhay at ari-arian
ng napakarami nating kababayan.

Jelly: Totoo ang sinabi mo, pero sa pananaw ko , hindi lamang dapat ang
pamahalaan ang naghahanda kapag may kalamidad. Sa kabilang dako,
sana’y maghanda rin ang ating mga kababayan.

Raymond: Sa tingin ko tama ka.

H. Pagtalakay 1. Tungkol saan ang isyung pinag-uusapan ? Napapanahon


ba ito ? Patunayan.
2. May napapansin ba kayo sa usapan o diyalogo ng
tauhan? Paano ginamit ito sa diyalogo?
3. Alin ang ginamit upang ipahayag ang konsepto ng
pananaw?
4. Ano ang iyong saloobin o opinyon batay sa nabanggit na
isyu sa diyalogo ?
I. Paglinang ng Kabihasaan III. ABSTRAKSYON:
(Tungo sa Formative
Assessment)
Unang Pangkat
Panuto: Gumawa ng diyalogo tungkol sa napapanahong isyu sa inyong
paaralan. Gamitin sa diyalogo ang mga sumusunod na ekspresyong
nagpapahayag ng konsepto ng pananaw.

a. Ayon sa
b. Sa paniniwala ni
c. Batay sa
d. Samantala

Pangalawang Pangkat
Panuto: Magsagawa ng isang komentaryong panradyo na naglalahad ng
pansariling pananaw , opinyon at saloobin gamit ang mga ekspresyong
nagpapahayag ng konsepto ng pananaw hinggil sa isyung cyberbullying.

Pangatlong Pangkat
Panuto:

PAMANTAYAN 1 2 3
Orihinal ( 5
Puntos)
Nilalaman /
Mensahe (5
puntos)
Kooperasyon
( 5 puntos )
Kabuuan :( 15
puntos )
J. Paglalapat ng aralin sa
pang-araw-araw na buhay. Bilang isang kabataan ,bakit mahalagang
I-SHARE Maipahayag mo ang iyong opinyon
MO hinggil sa mga bagay na iyong
naririnig o napapanuod?

K. Paglalahat ng Aralin.

L. Pagtataya ng Aralin. IV. ASSESSMENT

Gawain A
Panuto: Lagyan ng wastong konsepto ng pananaw ang bawat bilang upang
mabuo ang pahayag. Piliin sa loob ng kahon ang tamang kasagutan.

Sa palagay ko Sa aking palagay Sa paniniwala ni/ng


Batay sa /kay Sa nakikita ko Sa tingin ni/ng

1. ____________________ habang ang pamahalaan ay abala sa


paglilikas ng nga nasalanta ng bagyo, tulong-tulong naman ang iba
sa pagbibigay sa mga ito ng relief goods.
2. ____________________ ng nakararaming mamamayan ,
nagpabaya ang maraming ahensya ng pamahalaan sa paghahanda
sa pagdating ng mga kalamidad tulad ng bagyo.
3. ____________________ ko bilang isang mamamayang nagbabayad
ng buwis , may Karapatan akong malaman kung paano ito ginagasta
ng gobyerno.
4. ____________________ pulso ng bayan, ayaw nilang manatili sa
kanilang pwesto sa pamahalaan ang mga pinunong nasasangkot sa
mga anomalya.
5. ____________________ ko, uunlad lamang ang bansa kapag
nagbago ang makasariling ugali ng maraming mamamayan.

Gawain B
Panuto:
M. Karagdagang gawain Takdang Aralin
para sa takdang-aralin/ Panuto: Gawain ang ibinigay na takdang aralin. Isulat ang sagot sa inyong
Remediation kuwaderno.

1. Sumulat ng isang maikling talata tungkol sa “ Balik Face to Face


Learning “ . Gumamit ng mga salitang nagpapakilala ng konsepto ng
pananaw.
2. Magsaliksik ng mga hakbang sa pagsulat ng iskrip ng komentaryong
panradyo. Humanda sa pagsulat ng komentaryong panradyo.
V. Pagninilay
A. Bilang ng mag-aaral na ___Bilang ng mga mag-aaral na nakakuha ng 80% pataas
nakakuha ng 80% sa
pagtataya.
B. Bilang ng mag-aaral na ____Bilang ng mga mag-aaral na nangangailangan ng iba pang gawain
nangangailangan pa ng iba para sa remediation
pang gawain para sa
remediation.
C. Nakatulong ba ang _____Oo ______Hindi
remedial? Bilang ng mag- _____Bilang ng mga mag-aaral na nakauunawa sa aralin
aaral na naka-unawa sa
aralin.
D. Bilang ng mag-aaral na ____Bilang ng mga mag-aaral na nagpatuloy sa remediation
magpapatuloy sa
remediation.
E. Alin sa mga estratehiyang ____Pagsasadula
ginamit ang nakatulong ng ____Kolaboratibong pagkatuto
lubos? Paano ito nakatulong? ____Iba’t ibang pagtuturo
____Lektyur
____Pangkatan
Iba pa __________________________________________
F. Anong suliranin ang aking ____ Bullying sa pagitan ng mga na mag-aaral
naranasan na nasolusyunan ____ Pag-uugali/gawi ng mga mag-aaral
ng aking ____Masyadong kulang sa IMs
punungguro/superbisor? ____Kakulangan sa kagamitang panteknolohiya
____Kompyuter
____Internet
Iba pa ________________________________________
G. Anong kagamitang ____Lokal na bidyo
panturo ang aking nabuo na ____Resaykel na kagamitan
nais kong ibahagi sa aking Iba pa ________________________________________
kapwa guro?

Index of Mastery:
Silver: Argentum Krypton Argon Neon
Xenon
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.

Puna:
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
______________________________________________________________________

Inihanda ni:

DANICA A. PELAEZ
Guro sa Filipino

Iwinasto ni: Ipinagtibay ni;

CRISTINA D. REJANO ROWEL S. LARIRIT


Gurong Kritiko Punong Guro II

You might also like