You are on page 1of 2

Setyembre 26-27, 2022

Lunes- Martes
Grade 9- Sincerity 7:15- 8:15 am
Grade 9- Faithfulness 1: 00-2: 00 pm
Grade 9- Orderliness 2: 00- 3: 00 pm

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 9


Unang Markahan
Aralin 1 Mga Akdang Pampanitikan ng Timog- Silangang Asya
Aralin 1.2 Katotohanan at Opinyon

Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto: Nagagamit ang mga pahayag na ginagagamit sa pagbibigay-


opinyon (sa tingin / akala / pahayag / ko, iba pa)

Layunin:
1. Natatalakay ang mga pahayag na na ginagamit sa pagbibigay ng katotohanan at opinyon.
2. Nabibigyang halaga ang mga pahayag na ginagamit sa pagbuo ng katotohanan at opinyon.
3. Nakabubuo ng sariling pananaw o reaksyon na ginagamitan ng mga pahayag sa pagbuo ng
opinyon sa isang sitwasyon.

I. Nilalaman:
A. Paksa: Katotohanan at Opinyon
B. Sanggunian: Filipino Unang Markahan – Modyul 2: Panitikang Asyano
C. Kagamitan: Power Point Presentation, Activity Sheet

II. Pamamaraan:

A. Panimulang Gawain:
1. Balitaan (Salita ng Araw)
2. Balik- Aral
3. Paunang Pagtataya
Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Tukuyin kung ito ay nagsasaad
ng Katotohanan o Opinyon.
1. Ayon sa DOH, nakapasok na ang Delta Variant sa ating bansa.
2. Ang mag-aral nang mabuti ay magtatagumpay.
3. Sa aking palagay ay uulan ngayon.
4. Sinasabi ng aking Ama na pagbutihin ko ang aking pag-aaral.
5. Buong akala ko, ikaw ang aking pag-asa.

4. Pagganyak:
Pagpapakita ng mga pahayag tungkol kay dating Pangulong Duterte at ipaskil sa pisara kung
ito ay nabibilang sa totoo o maaaring totoo o hindi na mga pahayag.

Sino si dating
Pangulong Duterte?

Totoo Maaaring totoo o hindi


B. Paglinang ng Aralin
1. Gawain (Activity)
a. Paglalahad ng Aralin: Power Point Presentation
 Pagbibigay ng impormasyon tungkol sa Katotohanan at Opinyon
 Pagbibigay ng halimbawa ng mga pahayag na katotohanan at opinyon.

2. Pagsusuri (Analysis)
 Talakayin
a. Ano- ano ang mga pahayag na ginagamit upang madaling maiklasipika ang mga
pahayag kung ito ay nabibilang sa katotohanan o opinyon?

3. Paghahalaw at Paghahambing (Abstraction and Comparisson)


a. Paano nagkakaiba sa paraan ng pagpapahayag ng impormasyon ang Katotohanan
at Opinyon?

4. Paglalapat (Application)

Gawain Bilang 6
Panuto: Bigyan mo ng reaksyon ang sumusunod na sitwasyon.
1. Ano ang gagawin mo kung sinabi ng magulang mo na hindi ka na nila
kayang pag-aralin pa dahil sa hirap ng iyong buhay?

III. Pagtataya
Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Tukuyin kung ito ay
nagsasaad ng Katotohanan o Opinyon. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
1. Ang sabi ng aking lola lumalabas ang mga engkanto tuwing kabilugan ng buwan.
2. Ayon sa balita manipis na ang ozone layer dahil sa climate change.
3. Ligtas sa sakit ang madalas na naghuhugas ng kamay.
4. Mahalaga ang koneksyon ng internet sa pagsali sa online classes.
5. Mga hayop ang tauhan sa pabula.

Prepared by: Checked by:

Michaella L. Amante Luisa D. Vispo


Guro sa Filipino Head Teacher I

Noted by:

Marites O. Miranda
Principal III

You might also like