You are on page 1of 2

Paaralan Lucena West 1 Elementary Shool Antas Ikaanim

Guro Asignatura FILIPINO


GRADE 6 Petsa Marso 13-14, 2023 Markahan Ikatlo
DETAILED
LESSON PLAN
I. Layunin
A. Pamantayang pangnilalaman Nasusuri kung ang pahayag ay opinion o katotohanan.
B. Pamantayan sa pagganap Nagagamit ang mga salitang pananda ng katotohanan at oinyon sa pagbuo
ng sariling pahayag.
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto F6PB-IIIj-19
II. Paksang Aralin
A. Sanggunian
1.Mga pahina sa gabay ng guro BINHI Wika at Pagbasa para sa Elementarya pp. 310-314
2.Mga Pahina sa kagamitang BINHI Wika at Pagbasa para sa Elementarya pp. 310-314
pang mag-aaral
3.Mga pahina sa teksbuk
III. Pamamaraan
A. Balik-aral Isulat ang salitang-ugat at panlaping ginamit sa mga sumusunod na
salkita.
Salita Salitang-ugat Panlapi
1. palitan
2. dumating
3. sumakay
4. kumatok
5. inalis
B. Pagganyak Tingnan ang larawan. Ano ang inyong masasabi sa dalawang larawang
ipinakita?

C. Paglalahad at Pagtalakay KATOTOHANAN


Sa pagbibigay ng katotohanan sa pahayag, ano ang inyong napapansin?
- Ang mga pahayag ay naglalaman ng mga katunayan na maaaring
nakikita o nangyayari.
- Ang katotohanan ay isang pahayag na nagsasaad ng ideya o
pangyayaring napatunayan at tanggap ng lahat na totoo at hindi
mapapasubalian kahit sa ibang lugar
- Hindi ito nagbabago at maaaring mapapatunayan ang
pagkamakatotohanan nito sa ibang sanggunian tunlad ng mga
babasahin at mga taong nakasaksi nito
Halimbawa: Si Jose Rizal ang ating pambansang bayani. Maaaring
gamitan ng mga sumusunod na salitang pananda ang katotohanan:
 Batay sa resulta
 Mula sa, itinutukoy sa
 Mababasa sa, sa pinatunayan ni

OPINYON
- Ang opinyong ay isang pananaw ng isang tao o pangkat na
maaaring totoo ngunit maaaring pasubalian ng iba.
- Ito rin ay isang paniniwala na mas malakas pa sa impresyon, mas
malalim sa positibong kaalaman na batay sa obserbasyob at
eksperimento
- Sinasabing walang katiyakan ang opinion
- Ito ay base lamang sa paniniwala o pananaw ng isang tao na
maaaring iniugnay niya sa kanyang sariling karanasan
Halimbawa: Sa aking palagay, mas mananalo muli sa Manny Pacquiao.
Maaaring gamitan ng mga sumusunod na salita ang opinion:
 Sa pakiwari ko, kung ako ang tatanungin
 Para sa akin, sa ganang akin
 Daw/raw, sa palagay ko
 Sinabi, sang-ayon

D. Pinatnubayang Pagsasanay Sumulat ng mga pahayag tungkol sa ating dating Pangulong Duterte at
tukuyin kung ito katotohanan o opinion.
Sino sa Pangulong
Duterte?

Katotohanan Opinyon

E. Isahang Pagsasanay Gumuhit ng parisukat kung ang pahayag ay katotohanan at bilog naman
kung opinion.

1. Ang pambansang watawat ng Pilipinas ay may kulay bughaw, pula,


puti, at dilaw.
2. Ang paboritong kulay ko ay bughaw.
3. Si Benigno S. Aquino III ay mas magaling na pangulo kaysa kau Gloria
Macapagal-Arroyo.
4. Sa taong 2015, si Benigno S. Aquino III ang pangulo ng Pilipinas.
5. Ang sigarilyo ay may tar, nikotina, at iba’t-ibang kemikal na
nakakasama sa kalusugan.
F. Paglalapat Hatiin ang klase sa apat na grupo. Ang bawat grupo ay magbibigay ng tig
limang halimbawa ng opinion at katotohanan. I

G. Paglalahat Ano ang katotohanan?


Ano ang opinion?
Ano ang mga pananda na maaaring gamitin sa katotohanan? Sa opinion?
H. Pagtataya Isulat ang letrang K kung ang pahayag na babasahin ay katotohanan at O
naman kapag iyo ay opinion lamang.
1. Ang mga taong naninigarilyo ay masasama.
2. Sabado ang pinakamasayang araw para sa akin.
3. May pitong araw sa isang lingo.
4. Mas masarap manirahan sa pamayanang rural.
5. Narra ang pambansang puno ng Pilipinas.
I. Takdang-aralin Sumulat ng limang katotohanan at limang opinion patungkol sa ating
kasalukuyang presidente, Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
IV. Pagninilay
A. Bilang ng mga mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa pagtataya

You might also like