You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
Region XII
Division of Sultan Kudarat
BAMBAD NATIONAL HIGH SCHOOL
Bambad, Isulan, Sultan Kudarat

MALA-MASUSING BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO 10

I. LAYUNIN
Sa pagtatapos ng talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang naisagawa ang mga
sumusunod:

a. nauunawaan ang tuwiran at di-tuwirang pagpapahayag mula sa mga halimbawa,


b. nakagagawa ng mga halimbawa ng tuwiran at di-tuwirang pahayag; at
c. nakagagamit ang angkop na tuwiran at di-tuwirang pahayag sa mensaheng nais
ipahatid.

II. PAKSANG ARALIN


a) Paksa: Panitikan: Wastong Gamit ng Simbolismo at Matatalinghagang Salita
b) Sanggunian: https://www.scribd.com/doc/295135389/Tuwiran-at-di-Tuwirang-pahayag
c) Kagamitang Pampagtuturo/Karagdagang Kagamitan mula sa portal ng Learning
Resource: Powerpoint Presentation, Aklat.
d) Pagpapahalaga: Aktibong partisipasyon at dedikasyon sa pagkatuto

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
 Tumayo ang lahat para sa ating panalangin.
2. Pagbati
 Magandang Hapon sa inyong lahat!
3. Pagtala ng Lumiban
 Class monitor, pakitala ang mga lumiban sa klase.
4. Pamantayan sa Klase
 Bago natin simulan ang talakayan ngayon, atin munang tandaan ang mga dapat
gawin ng isang mabuting mag-aaral sa oras ng klase.
5. Pagpasa ng takdang-aralin
 Ipasa ang mga takdang-aralin sa harapan ng walang ingay.
6. Pagbabalik-Aral
 Gabay na tanong:
Ano ang tinalakay natin noong nakaraang sesyon?

B. Panlinang na Gawain

1. Gawaing Pagkatuto 1: Pagganyak


Pangkatang Gawain: Panuto: Itaas ang salitang PAK kung ang pahayag ay
naglalahad ng katotohanan at BLAP kapag ang pahayag ay naglalahad ng opinyon.
1. Ayon kay Nguyen (2021), ang paggamit ng laro sa pagtuturo ay nakatutulong
sa pagpapaganda ng partisipasyon ng mga mag- aaral, masulong ang sosyal
at emosyonal na pagkatuto, at masiyahan ang mga mag-aaral na
makikipagsapalaran. Iginigiit nina Al Masri at Al Najar (2014) na may mas
matutunan ang mga mag-aaral dahil nababawasan ng paglalaro ang
pagkabalisa o anxiety ng mga mag-aaral. Naniniwala ba kayo sa mga
pamahiin na sinasabi ng mga matatanda?
2. Sa palagay ko, natalo si Celeste Cortesi sa Miss Universe 2022 dahil sa
makalumang pamaraan na "Know When to Peak" at hindi pagtutok ng Aces
and Queens sa pagsasanay sa rampahan at pakikipagtalakan. Sa tingin ko,
galit ang mga Pinoy dahil hindi nanalo ng korona ang pambato ng Pilipinas.
3. Ayon sa PAG-ASA, nagkaroon ng landfall sa Bantayan Island, Cebu ang
Bagyong Namera nitong Marso 1, 2023, 1:56 ng madaling araw.
4. Nakakaapekto sa akademik performans ang kulang sa tulog ayon sa pag-
aaral nina Sarip et. al (2019).
5. Mula sa ulat ng PNP Carmen, timbog sa buy-bust kagabi ang kilalang pusher
na si Alyas Bakukang

2. Gawaing Pagkatuto 2: Pagtalakay ng Aralin


Tuwiran at Di-Tuwirang Pahayag
Sa paglalahad ng impormasyon, mainam na gumamit ng tuwiran o di- tuwirang
pahayag, batay sa kasiguruhan ng naghahatid ng mensahe sa katotohanan ng
mensaheng ilalahad.

Tuwirang Pahayag
Ang mga tuwirang pahayag ay naglalahad ng tunay na impormasyon na may
pinagbabatayan at may ebidensya.
MGA HALIMBAWA
sa katunayan,
bilang patunay,
sa totoo lang,
ang totoo
patunay nito,
talaga
tunay
Halimbawa ng tuwirang pahayag
 Nang mabasag ang salamin namin sa bahay, walang kamalasang nangyari sa amin sa loob ng
pitong taon. Sa katunayan nga niyan, sinuwerte pa kami dahil natanggap sa trabaho sa
Germany ang aming ama at nakapagtapos ng pagdudoktor ang aking kapatid.

Maaari ring gamitin ang mga tuwirang pahayag sa pagsipi ng mga pahayag. Siguruhing tiyak at totoo
ang sisipiing pahayag at gumamit ng mga panipi.
Naghuhudyat ang mga panipi na ang mga salita ay sinabi ng ibang tao at hindi nagmula sa
manunulat.

Di-Tuwirang Pahayag
Ang mga di-tuwirang pahayag ay naglalahad ng impormasyon batay sa sariling opinyon
o sa pag-espekula sa katotohanan.
MGA HALIMBAWA
marahil/siguro /baka
sa aking palagay
sabi ni/ng...
maaaring totoo
batay sa/kay...
ayon sa/kay
alinsunod sa/kay...
daw
di umano

Halimbawa ng di-tuwirang pahayag.


 Marahil ay nakakatulong sa pag-aaral ang pag-unan sa librong inaaral bago ang isang pagsusulit.
Ginawa daw iyon ng kaklase ko at ayon sa kaniya, naalala naman niya ang mga inaral niya.
Maaari ring gamitin ang mga di-tuwirang pahayag sa pagsipi o pagbanggit ng impormasyon o ideya
na mula sa sinabi o ideya ng ibang tao. Maging maingat sa pagsipi kung hindi tiyak sa pinagmulan ng
mga pahayag o ideya at huwag gamitan ng mga panipi.

Mahalagang gumamit ng angkop na mga tuwiran at di-tuwirang pahayag sa pagsasalaysay upang:

 malinaw na pag-unawa sa mensahe.


 madaling matukoy ng katotoohanan sa opinyon.
 madaling matukoy ng impormasyong may kasiguruhan at may direktang
pinagmulan sa impormasyong espekulasyon lang
 magkaroon ang manunulat ng pananagutan sa impormasyong ihahayag.
 magkaroon ng sanggunian sa impormasyong ihahayag upang muling tingnan
kung tama at totoo.

.
3. Gawaing Pagkatuto 3: Analisis
Panuto: Analisahin ang sanaysay at tukuyin kung ano ginamit na tuwiran at di tuwiran na
pahayag.
Ako ay Ikaw
ni Hans Roemar T. Salum
“Ako’y isang Pinoy, sa puso’t diwa. Pinoy na isinilang sa ating bansa. Ako’y ‘di sanay sa
wikang mga banyaga, ako’y Pinoy na mayroong sariling wika. Wikang Pambansa, ang gamit
kong salita…” Hay, napakasarap sa pandinig ang awiting iyan ni Florante de Leon. Damang-
dama ang pagmamahal ng mang-aawit sa akin.
Matagal na panahon na rin simula nang ako ay ipaglaban ni dating Pangulong Mauel L.
Quezon. Ang pakikipaglaban niyang ito ay daan upang ako ay umusbong, gamitin at
tangkilikin. Ako ang simbolo ng pagkakakilanlan ng ating bansa, ang Pilipinas. Sa totoo lang,
ako ay ginagamit sa maraming sitwasyon at pagkakataon. Ah, tunay ngang malayo na ang
aking narating bilang isang instrumento ng komunikasyon. Patunay nito, sa paglipas ng
panahon ay mabilis na naging moderno na ang ating bansa. Modernong kagamitan,
pamumuhay, moderno na rin pati kabataan. Talagang ang mga Pinoy ay hindi nagpapahuli.
Subalit, kasabay ng pagbabago at pagiging modernong ito ay ginawa na rin akong moderno.
Pakiramdam ko ay binihisan ako upang sumabay sa makabagong panahon. Sa katunayan,
ang wika ng kabataan ngayon, Taglish, mga jejemon wika nga. Ang salitang nanay sasabihing
mudra, ang tatay ay pudra. May magsasabi ring I wanna make bili that sapatos! Hay,
kailangan bang kasabay ng pagbabago ay pagbabago sa akin? Nasaan na ang ipinaglabang
wika? Mga kabataan, ang totoo, ako ay ikaw na sasalamin sa ating bansa. Hindi masama ang
pag-unlad at ang pagbabago kung ang pagbabagong ito ay para sa ikabubuti at ikaaayos ng
komunikasyon. Sa makabagong panahon, gamitin mo ako kung sa paraan ng iyong wika ang
ibig mo, piliin lamang sa tamang panahon at tamang sitwasyon, tiyak na ang aking patuloy na
pag-unlad.

4. Gawaing Pagkatuto 4: Abstraksiyon

TANDAAN

Ang mga tuwirang pahayag ay


naglalahad ng tunay na impormasyon
na may pinagbabatayan at may
ebidensya at direktang pagsipi sa
pahayag ng iba.

Ang mga di-tuwirang pahayag ay


naglalahad impormasyon batay sa
sariling opinyon o sa pag- spekula sa
katotohanan at pagbanggit sa pahayag
o ideya ng ibang tao.
5. Gawaing Pagkatuto 5: Aplikasyon

Panuto: Sumulat ng isang repleksiyon mula sa tinalakay. Siguraduhin na kakikitaan ito


ng limang (5) tuwiran at di-tuwiran na pahayag.
IV. EBALWASYON
Panuto: Sa kalahating papel (1/2). Isulat kung ang pahayag ay tuwiran o di-tuwiran at
salungguhitan ang salita na nagpapatunay rito

1. Ayon sa utos ng ating guro, bawal daw tayong kumopya ng gawa ng iba mula sa
internet.
2. Pagkatapos ng pagkapanalo laban kay Jessie Vargas sa Las Vegas, tinuring ng
Palasyo na isang tunay na pambansang kayamanan daw ang senator na si Manny
Pacquiao.
3. Hindi totoong magiging matandang dalaga ang babaeng pinagliligpitan sa mesa nang
hindi pa natatapos kumain. Sinubukan namin ito sa aming tiyahin noong Disyembre at
bilang patunay sa kawalan ng katotoohanan ng mga pamahiin, ikakasal na siya sa
Mayo.
4. Nakakita siya di umano ng isang itim na pusa na naglakad sa dadaanan ng babae
bago ito masagasaan ng tricycle. Ang sabi kasi sa pamahiin, malas daw ang mga itim
na pusa.
5. Sa katunayan, ang wika ng kabataan ngayon, Taglish, mga jejemon wika nga.

V. TAKDANG-ARALIN

Panuto: Saliksikin ang mga sumusunod at isulat sa kuwaderno.

1. Elemento ng Tula
2. Matatalinghagang Pananalita
3. Simbolismo

Inihanda ni:

HARRIS B. PINTUNGAN
Pre-service Teacher

Inobserbahan ni:

SARAH GRACE E. BELARMINO


Cooperating Teacher

You might also like