You are on page 1of 42

MAGANDANG

HAPON!
PANALANGIN
PAGTALA NG MGA
LIBAN SA KLASE
ALINTUNTUNIN

1. Huwag mag-ingay kapag may nagsasalita.

2. Huwag gumawa ng ibang bagay na walang


kinalaman sa asignatura.

3. Itaas ang kamay kung may katanungan/kung


gusting sumagot.

4. Makilahok sa gawain
PA
G
B
A
B
A
LI
K
-A
R
A
L
PANGGANYAK
Pagpapakita ng video patungkol sa Balitang Sagip Kapaligiran
https://www.facebook.com/watch/live/?ref=watch_permalink&v=277180065194754
1.Anong kaisipan ang ipinahihiwatig ng
balita?
2.Bakit bahagi ng buhay ng mga Pilipino
ang pakikinig sa mga programang
panradyo?
3.Paano nakatutulong ang radyo sa buhay
ng mga Pilipino?
Ekspresyon sa
Pagpapahayag ng
Konsepto ng
Pananaw
Ang konsepto ay sariling kaalaman ng tao
na may malalim na pagpapakahulugan sa
pamamagitan ng malawak na pag-iisip
samantalang ang pananaw
(PERSPECTIVE , PANGLANTAW) ay
tumutukoy sa paniniwala at paraan ng
pagsusuri sa isang bagay, suliranin o
pangyayari.
Ekspresyon sa Pagpapahayag ng Konsepto ng Pananaw
Sa pagpapahayag ng impormasyon o paglahok sa isang matalinong
talakayan, mahalagang tukuyin kung ang isang kaisipan ay nanggaling
mismo sa tagapagsalita o makapagpahayag batay sa sariling
damdamin, paniniwala, ideya, kaisipan, karanasan maging ng ibang
tao. Sa pamamagitan nito ay napapatunayan niya ang kakayahan sa
mapanuring pag-iisip at naiiwasan ang pag-angkin sa ideya ng iba na
maaaring magpahamak sa kanya. Sa pamamagitan din nito’y
nakapagbibigay ng kredito kung kanino ito nararapat.
Ang sumusunod ang mga hudyat sa pagpapahayag ng konsepto o
pananaw:
Kung nanggaling sa ibang tao o
Kung nanggaling mismo sa Tagapagsalita
Sanggunian
Ang dating sa akin ay… Ayon kay…/ Ayon sa…
Sa aking palagay… Sabi ni…/ Sabi sa…
Ang paniniwala/palagay ko ay… Wika ni…/ Wika ng…
Ang aking panindigan ay… Binanggit ni…/ Binanggit ng
Ang pansarili kong pananaw ay… Batay kay…/ Batay sa…
Sa aking karanasan… Alinsunod sa…
Sa abot ng aking kaalaman / sa abot ng aking Pinaninindigan ni…/ Pinaninindigan ng…
nakikita… Ipinahayag ni../ Ipinahayag ng…
Kung ako ang tatanungin, nakikita Nilinaw ni…/ Nilinaw ng
kong… Iniulat ni…na / Inulat ng…na
Sa bagay na iyan masasabi kong… Kung susuriin ang…
Anupa’t ang pananaw ko sa bagay na iyan ay… Mapagtatanto na…
Halimbawa:
1.Ayon sa, pag-aaral ang buhay natin ay dapat na maging
makabuluhan dahil sa itoý hiram lang natin sa ating
Panginoong Diyos.
2.Sang-ayon sa Memorandum Order No. 20 Series of 2013 ng
Commision on Higher Education na pinagtitibay ang pagkawala
ng Filipino bilang isa sa mga asignatura sa ilalim ng General
Education Curriculum.
3. Batay sa konstitusyon 1987:Artikulo XIV, seksyon 6, ang
wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino.
Napag-iiba ang katotohanan (facts) sa hinuha(inferences) opinion at
personal na interpretasyon ng kausap.

Isa sa mga trabaho ng radio anchors ang


magbigay kuro-kuro sa isang isyu base sa
mga detalye ng isang balita o usapin. Pero
bilang isang tagapakinig, paano mo
malalaman kung Katotohanan, Hinuha,
Opinyon o Personal na interpretasyon
ang kanilang pahayag?
Ang Katotohanan ay ang pagpapahayag ng isang ideya
o pangyayaring napatunayan at tanggap ng lahat na
totoo at hindi mapapasubalian kahit sa ibang lugar.
Hindi ito kailanman nagbabago. Mapapatunayan ang
pagkamakatotohanan nito sa ibang sanggunian tulad
ng mga babasahin at mga taong nakasaksi nito.
Sa pagpapahayag ng katotohanan maaaring gumamit
ng sumusunod na pananda: batay sa resulta,
pinatutunayan ni/ng, mula kay, sang-ayon sa,
tinutukoy ng, mababasa sa.
Halimbawa:
1. Batay sa resulta ng botohan, si Anna Marie na ang bagong
pangulo ng SSG Council.
2. Pinatutunayan ni Ginoong Santos ang mga paratang
laban sa suspek.
3. Mababasa sa 1987 Constitution ang iba’t ibang batas sa
Pilipinas.
4. Sang-ayon sa Kagawaran ng Edukasyon, magsisimula
ang mga klase sa pampublikong paaralan sa ika-05 ng
Oktubre.
5. Tinutukoy ng testimonya ni Don Juan na ang mga
tagapagmana ng kaniyang mga ari-arian ay ang kaniyang mga
anak at apo.
6. Ayon sa DepEd, ang naturang bilang ay 76% lamang ng
kabuuang enrollment noong nakaraang taon.
Ang Opinyon naman ay isang pananaw(perspetive) ng
isang tao o pangkat na maaaring totoo pero puwedeng
pasubalian ng iba. Ito rin ay isang paniniwala na mas
malakas pa sa impresyon, mas mahina sa positibong
kaalaman na batay sa obserbasyon at eksperimento.
Kung ikaw naman ay magpapahayag ng sariling
pananaw o opinyon, maaaring gumamit ng pananda
gaya ng sa aking palagay, sa tingin ko, sa nakikita ko, sa
pakiwari ko, kung ako ang tatanungin, para sa akin,
atbp.
Halimbawa:
1. Sa aking palagay, hindi matutuloy ang pagsusulit bukas.
2. Sa nakikita ko, marami ang nagkakagusto kay Bernard.
3. Sa pakiwari ko ay ayaw na niya akong makita.
4. Kung ako ang tatanungin, nararapat lamang na mayroong
physical distancing tuwing may pagtitipon.
5. Para sa akin, mas maganda sana kung kasama natin ang
ating mga magulang sa piknik.
6. Kung ako ang tatanungin, dapat lamang na taasan ang
sahod ng mga factory workers sa Pilipinas.
Sa kabilang banda, maaring magpahayag ng isang opinyon ang
isang tao kahit hindi ginagamitan ng mga hudyat o pananda.
Halimbawa: Magaling siyang magturo.
Sa pangungusap na ito, mapapalagay nating mahusay siyang
magturo ayon sa opinyon ng taong nagsasalita pero maaaring sa
tingin ng iba ay hindi siya magaling magturo. Ito ay sariling pahayag
lamang o isang opinyon ng taong nagsasalita.

Ibig sabihin, ang katotohanan ay mga pahayag na maaaring


mapatunayan ng mga ebidensiya samantalang ang opinyon ay mga
pahayag na batay sa sariling paniniwala lamang. Tandaan, bagamat
ito’y isang paniniwala o punto ng sumulat lamang, mainam na ang
paghabi ng opinyon ay nakabatay sa kanyang karanasan o mga
nabasang prinsipyo o kaisipan.
Ang Hinuha o inference ay isang kilos o proseso ng
pagkakaroon ng kongklusyon tungkol sa isang bagay mula sa
mga kilalang katotohanan o ebidensya. (Merriam-Webster,
2021). Ito ay isang palagay, isang hula, sa salitang Ingles ito ay
guess, hypothesis o inference. Ang paghihinuha ay pagbibigay-
kahulugan o paliwanag sa tulong ng mga pahiwatig at ng
sariling kaalaman sa isang larawan o pangyayari base sa iyong
obserbasyon. Kadalasan ay ginagamitan din ito ng mga kataga
gaya ng sa hinuha ko, sa hinuha niya, mahihinuha na, hula ko,
marahil, baka, waring, tila, maaaring at iba pa.
Halimbawa:
1. Ang hinuha ko kung bakit siya nagagalit sa kaniyang
ama ay dahil sa pag-iwan nito sa kanilang mag-ina.
2. Kung susuriin natin ang mga datos, mahihinuha na
magagaling ang mga batang may sapat na kain sa
akademikong gawain kumpara sa mga batang hindi
nag-aalmusal.
3. Sabi naman ni Mario, ang hinuha niya kung bakit
nagkasakit sa bato si Aira ay dahil sa pagkahilig nito
sa maaalat na pagkain.
Ang Personal na Interpretasyon ay ang pagkakaunawa o
pagkakaintindi sa isang bagay, lengguwahe, o iba pa, at ito ay
ipinaliliwanag mo para sa mga ibang tao na hindi maintidihan ito. Ito ay
nakabatay ayon sa sarili mong pananaw (perspective).
Halimbawa:
1. Ang isang pagiging tahimik na tao ay hindi nangangahulugan na hindi
sila marunong
makipagkapuwa. Hindi lang sila sanay sa ingay.
2. Kapag ang tao ay nanaginip tungkol sa pera, ibig sabihin ay matindi
ang kaniyang
pangangailangan.
3. Makikita mo sa kislap ng kaniyang mga mata ang nais niyang
iparating.
Ang mga pahayag ay puwedeng positibo o negatibo.
Masasabi nating positibo ang pahayag kapag nagsasabi
ng kaaya-aya o may kagandahan ang hatid sa
mambabasa. Ang mga positibong pahayag ay
karaniwang ginagamitan ng mga panandang totoo,
tunay, talaga, sadya at iba pa.
Halimbawa:
1.Totoong mas maganda si Ana kaysa kanyang kapatid.
2.Tunay na malakas ang kaniyang loob dahil hindi siya
nagpapaapekto sa mga bumabatikos sa kaniya.
May mga pahayag na bagamat ginagamitan
ng negatibong salita ay nanatiling positibo
pa rin sa mga tagapakinig nito.
Halimbawa:
Ang hindi niya pagsipot sa kasal ay nagdulot
sa babae na makahanap ng bagong pag-ibig.
Ang negatibong pahayag ay kabaliktaran sa inihahatid ng positibo. Ito
ay mga pahayag na may diwang negatibo o salungat o hindi pagkiling sa
diwa ng nakararami. Ginagamit sa negatibong pahayag ang mga hudyat
o panandang wala, ayaw, ngunit, subalit, hindi at iba pa.
Halimbawa:
1. Walang makikitang kagandahan sa kanyang pag-uugali kahit ano pa
ang kaniyang gawin.
2. May punto ang kaniyang iminungkahi ngunit ito’y hindi kapaki
pakinabang.
Sa kabilang banda, may mga pahayag na negatibo kahit hindi ito
ginagamitan ng hudyat o pananda dahil sa diwa nito na hindi ayon sa
diwa ng iba.
Halimbawa:
•Depektibo ang nabili kong bagong cellphone.
PAGSUSURI
1. Ano nga ba ang Konsepto o pananaw?
Sagot: Ang konsepto ay sariling kaalaman ng tao na
may malalim na pagpapakahulugan sa pamamagitan ng
malawak na pag-iisip samantalang ang pananaw ay
tumutukoy sa paniniwala at paraan ng pagsusuri sa
isang bagay, suliranin o pangyayari.
Sa pagbibigay ng konsepto o pananaw ay nakabatay sa
pagpapahayag ng sariling damdamin, ideya,
paniniwala, saloobin, kaisipan, at hango sa karanasan
ng taong naglahad nito.
2. Bakit kailangang gamitin ang mga angkop na
ekspresyon sa pagpapahayag ng konsepto sa
mga pananaw?
Sagot: Ginagamit ang mga angkop na ekspresyon sa
pagpapahayag ng konsepto ng mga pananaw upang
mabigyan ng pagpapahalaga ang mga taong
pinaghanguan ng mga ideya o pananaw bilang
pagpapatunay sa mga katotohanan ng mga datos na
nakuha.
3. Bakit mahalagang pag-aaralan ang
pagkakaiba ng katotohanan sa opinion at
personal na interpretasyon?
4. Paano makatutulong ang mga kasanayang
iyong natamo sa pang-araw-araw na
buhay?
5. Bilang isang mag-aaral, paano mo
maibabahagi ang iyong tuklas na
karunungan?
Paglalahat
(Abstraction)
Ang pakikinig ng mga programang panradyo ay isang kakayahan na
dapat linangin ng isang tagapakinig lalo na tungkol sa pagsusuri ng
mga pahayag na may katotohanan o facts para makabuo ng sariling
opinyon, hinuha o personal na interpretasyon tungkol sa isang
usapin o pangyayari. Mahalang napag iiba ang mga pahayag ayon sa
nais nitong iparating sa tagapakinig para sa mas malinaw na
interpretasyon na mapapakinabangan sa pakikipagtalastasan o
pagpapalit kuro sa ating mga kausap.
Sa pamamagitan ng pagkilala ng mga pahayag na nagpapakita ng
katotohanan o facts, maiiwasan ang pagkalito ng isang indibiduwal sa
kung ano ang tunay na nangyari na makakapagbigay paliwanag sa isyu
o usapin. Magagamit niya itong batayan para sa pagbibigay pananaw
o interpretasyon lalo na sa larangan ng pananaliksik.
PAGLALAPAT
(Application)
PANGKATANG GAWAIN
Unang Pangkat: TALK SHOW!
May kaibigan kang palaging nahuhuli sa klase, magbigay ng payo gamit
ang angkop na ekspresyon sa pagpapahayag ng konsepto ng pananaw
Ikalawa at Ikatlong Pangkat: I BALITA MO AKO
Naging usap usapan ngayon ang paghiwalay ng
Mindanao sa Pilipinas? Dahil dito, samo’t saring
ekspekulasyon ang naglipana sa social media.
Magsaliksik tungkol sa paksang ito. Magtala ng
mga Katotohanan, at ibigay ang inyong Hinuha,
Opinyon at Personal na interpretasyon tungkol
dito. Gawin sa pamamagitan ng talahanayan at
isulat ang sagot sa isang putting kartolina.
Ikalawa at Ikatlong Pangkat: I BALITA MO AKO
Ikaapat at Ikalimang: ISASADULA MO!
Mula sa natapos na talakayan, paghambingin ang Katotohan, Hinuha,
Opinyon at Personal na interpretasyon.
PAGTATAYA
Panuto: Basahing mabuti ang mga pahayag. Isulat sa sagutang papel
kung ang pangungusap ay nagsasaad ng Katotohanan, Opinyon o
Hinuha.
1.Batay sa 1987 konstitusyon ng Pilipinas, ang Filipino ang pambansang
wika at isa sa mga opisyal na wika ng komunikasyon at sistema ng
edukasyon.
2.Para sa akin, mas maganda pa ring makinig ng mga balita sa radio.
3.Ayon kay Elena Botkin-Levy, coordinator ng Zumix Radio: ang
komentaryong panradyo ay nagbibigay ng opurtunidad sa mga
kabataan na maipahayag ang kanilang mga opinion at saloobin hinggil
sa napapanahong isyu.
4. Ang DZRH ang pinakaunang istasyon ng radio sa bansang Pilipinas.
5. Si Kris Aquino ang tinaguriang “Queen of all Media”.
6.Taong 1929, binuksan ang KZRC, ang unang
istasyon ng radio sa Cebu.
8. Ang radio ay isang uri ng media na hindi na
maaaring gamitin sa kasalukuyang panahon.
9. Ang pagkakaroon ng mga istasyon ng radyo sa
Pilipinas ay isang palatandaan ng maunlad na
bansa.
10.Para sa akin, malaki talaga ang naitutulong ng
mga istasyon ng radyo sa mga kapuluan ng bansa.
GAWAING BAHAY (Assignment)

Pag-aralan ang ekspresyong hudyat


ng kaugnayang lohikal.
MARAMING
SALAMAT SA
PAKIKINIG!

You might also like