Professional Documents
Culture Documents
KLASIPIKASYON NG PAGSASALITA
1. Pagsasalitang Pansarili - Ito ang pagpapahayag mo sa iyong sarili. Maaaring
itanong mo sa sarili mo kung ano ang itsura mo ngayon, o kaya’y bakit ka galit
na galit sa iyong kaibigan, o kung bakit masama ang loob mo sa iyong magulang
o iba pang tao.
2. Pagsasalitang Pangkapwa - Ito ang pagpapahayag sa kapwa. Maaaring ikaw ay
naririnig ng mukhaan o kaya nama’y sa pamamagitan ng telepono o iba pang
gadyet na pangkomunikasyon.
3. Pagsasalita sa Publiko - Ito ang pagpapahayag ng mensahe sa malaking
pangkat ng mga tao. Kadalasan itong ginagawa sa entablado, awditoryum, o sa
iba pang malalaking lugar
4. Pagsasalita sa Masmidya - Ito ang pagpapahayag ng mensahe sa paggamit ng
mga midyum na radyo, telebisyon, dyaryo, magasin at iba pang kauri nito.
Mula sa pag-aaral na ito na isinagawa ni Stephen Covey, mahihinuha na ang mga salik
na nakaapekto sa pagsasalitang Pansarili ay ang sumusunod:
Kalayaang makapamili- hindi ginawang robot ng Diyos ang tao. Binigyan tayo ng
kalayaang makapag-isp, mamili nang kung ano ang nararapat at higit na
katanggap-tanggap sa bawat desisyong gagawin.
Kabatirang Pansarili- ang salik na ito ay maaaring hindi alam ng ibang tao, ngunit
alam mo. Alam mo ang panahon kung ika’y naiinis na maaring hindi alam ng iba.
Higit mong kilala ang iyong sarili kaysa pagkakakilala ng ibang tao.
Imahinasyon- maaari mong maisip ang magiging bunga ng iyong ikikilos sa
pamamagitan ng imahinasyon. Kung ang iyo bang gagawing tugon ay
makabubuti o makasasama sa iyo.
Konsensya- ang salik na ito ang siyang nagpapaalala sa iyo kung tama ang
iyong ginawa o hindi. Patuloy na nagpapanumbalik sa iyong kaisipan ang
pangamba kung hindi tama ang iyong ginawa, at katuwaan naman kung ito ay
tama.
Sariling Kapasyahan- anumang desisyon na iyong pinili at nais salitain ay ang
iyong sariling kapasyahan.
B. PANANALITANG PANGKAPWA
Bawat isa sa mga istilong personal na ito ay nakakaiba batay sa:
a. Mga nakapagganyak sa kanyang pagkatao;
b. Pinakamabisang sitwasyon o kaligiran;
c. Mga ugaling nagugustuhan at inaayawan sa kapwa;
d. Mga kalakasan at kahinaan ng kanyang personalidad;
e. Mga bagay na nakalilikha sa kanila ng tension at kung paano nila ito tinutulunga;
f. Mga kontribusyon at pagpapahalaga sa ibang tao; at
g. Paano nila ginagamit ang oras at paglutas sa mga pangunahing desisyon.
Ayon kay Dr. Bruce H. Wilkinson sa kanyang manwal na “Solving the People
Puzzle”, may apat na uri ang personal istilo.
Bilang mahusay na mananalita sa kapwa, kinakailangang mabatid muna kung
anong uri o istilo ng personalidad mayroon ang iyong kausap nang sa gayon ay madali
mong magawa o masabi ang iyong ninanais nang hindi gaanong nahihirapan.
May iminungkahing hakbang si Dr. Wilkinson upang maging maayos ang pagsalita
sa kapwa.
Unang Hakbang: Alamin ang istilong personal sa pamamagitan ng pagmamasid. Sila
ba ay D – “Dominance”, I – “Influence”, S – “Steadiness” o kaya’y C –
“Consientiousness”
Simulan natin sa istilong Dominance - Ang taong may ganitong istilo ay karaniwang
tagapagtulak ng pag-babago. Goal-oriented. Tapusin ang anumang masimulan.
Nakapokus sa oras at panahon Ginaganahan sila kung pakikitaan mo ng mga resulta
ng nagawa, mga pagkilos at nakahahamong gawain. Karaniwang hindi sanay nang
dinidiktahan. Independenteng tao, mabilis makaisip ng mga desisyon at laging nakatuon
sa kung ano ang layunin.Isa sa pangunahing kahinaan nito ay ang pagiging insensitibo
sa pakiramdam o damdamin ng kapwa at pagiging bugnutin.
Dominance
Kinakailangan maging direkta sa pagsasalita, simulant ito sa resulta, mga
kabutihang idudulot nito, at tukuyin ang detalyeng kakailanganin. Itumbok sa
paksa ang sasabihin at gawing mabilis ang pagpapahayag at higit sa lahat ay
hamunin sila. Sa pagkumbinsi kanila, magsimula sa katanungan sinasagot ng
ANO. “Ano ang magiging kabutihan nito?” Kung gaganyakin naman sila, sabihin
mo kung ANO ang gagawin at hayaan na siyang umisip kung PAANO ito
gagawin. Bigyan mo siya ng kalayaang komontrol at mamuno.
Influence
Sa pagkumbinsi sa kanila, simulant ito sa katanungang sinasagot ng SINO.
“Sinong makatutulong sa akin kundi ikaw.” Bigyang damdamin at masigasig sa
pagsasalita. Magbahagi ng mga testmonya o karanasang nagawa na ng ibang
tao. Sa kanila ka komunsulta at humingi ng payo. Ipabatid mo ang kanyang
ginagawa sa harap ng ibang tao, at hayaan mo silang magkaroon ng kasiyahan.
Steadiness
Kinakailangang maging palakaibigan.Maging mahinahon, mahikayatin, huwag
mong mamadaliin at hayaang tumugon ayon sa kanyang panahon. Sa
pagkukumbinsi naman sa kanila ay simulan ito sa katanungang sinasagot ng
BAKIT. “Bakit kinakailangang gawin ito?” Magbigay ng mga rason o dahilan.
Maging magiliw sa pagsasalita, at hayaan siyang makagpag-isip. Ipadama sa
kanila na mahalaga ang paggawa nang magkakasama, laging ipakita ang
maayos na pakikipagkapwa at bigyan ng mapayapang kapaligiran, iwasan ang
pag-aalitan.
Conscientiousness
Kinakailangang maging maingat. Ilahad nang malinaw ang ideya, huwag
mamadaliin, maging tiyak sa bawat sasabihin. Sa pagkukumbinsi naman sa
kanila ay simulan ito sa katanungang sinasagot ng PAANO. “Paano mo ba
gustong magawa ko ito?” Sa kanila, ay napakahalaga na magawa nang tama
kung kaya’t kailangan mong tukuyin ang bawat hakbang sa paggawa nito. Dahil
nakatuon sa kalidad ang ganitong personalidad kaya’t kailangang bigyan mi siya
ng panahon na magawa ang nais.
Ikaapat na Hakbang: Matutong iakma ang iyong personalidad ayon sa kanilang mga
kahinaan at kalakasan. Hindi basta ginusto mong sabihin ay sasabihin mo na lamang.
Simposyum- higit itong istrukturado o maayos na uri ng diskusyon. Dalawa ang gawain
ng kasapi sa diskusyon ito. Una ay ilalahad niya ang paksang naitalaga at pagkatapos
ay ibibigay niya ang kanyang opinyon hinggil sa paksang tinatalakay. Walang pormal na
piyesa at limitado ang oras ng bawat tagapagsalita.
TALUMPATI
isang buod ng kaisipan o opinyon ng isang tao na pinababatid sa pamamagitan ng
pagsasalita sa entablado para sa mga pangkat ng mga tao. Layunin nitong
humikayat, tumugon, mangatwiran, magbigay ng kaalaman o impormasyon at
maglahad ng isang paniniwala. Isang uri ito ng komunikasyong pampubliko na
nagpapaliwanag sa isang paksa na binibigkas sa harap ng mga tagapakinig.
PAGHAHANDA SA TALUMPATI
Sa pagpili ng paksa, maaaring suriin kung saklaw ng paksang napili ang
kaalaman, karanasan at interes at mapukaw sa sarili o sa makikinig ng talumpati.
Kapag nakapili na ng paksa, maaaring magtitipon ng mga materyales na gagamitin
sa pagsulat ng mga impormasyon na siya namang gagamitin sa isusulat na
talumpati. Maaaring pagkunan ng mga impormasyon ay ang dating kaalaman at
mga karanasan na may kinalaman sa paksa, mga babasahing kaugnay ng paksa,
mga awtoridad sa paksang napili. Pagkatapos makatipon ng mga materyales na
gagamitin sa talumpati, maaari ka nang magbalangkas ng mga ideya at hatiin sa
tatlong bahagi: panimula, katawan at pangwakas. Maaari pang mapabuti ang
talumpati sa paglinang ng kaisipan na kung saan nakapaloob ang mahalagang
impormasyon na sumusuporta sa mga pangunahing kaisipan na inilahad sa
balangkas.
Para maging epektibo ang talumpati, pinapayuhan ang mananalumpati na
magkaroon ng magandang personalidad, maging malinaw ang pananalita, may
malawak na kaalaman sa paksang tinatalakay, may mahusay na paggamit ng
kumpas, at may kasanayan sa pagtatalumpati. Dapat din tandan ng mananalumpati
ang tindig, galaw, pagbigkas, pagbibigay din at kaugnayan (rapport) sa madla.
PAKSA: KASANAYAN SA PAGBASA
SUBTOPIKO: KAHULUGAN, HAKBANG, DIMENSYON, TEORYA AT
URI.
Hakbang sa Pagbasa
Unang Hakbang. Pagkilala – pagbatid o pagtukoy sa mga simbulong ginagamit tulad
ng ponema, morpema at iba pang bahagi ng gramatika ng wikang ginamit babasahin.
Ikalawang Hakbang. Pag-unawa – tinatawag ding komprehensyon sapagkat inaalam
ang kaisipang nakapaloob sa mga nakalimbag na simbolo.
Ikatlong Hakbang. Reaksyon – sa puntong ito nagaganap ang paghatol sa
kawastuhan, kahusayan at kahalagahan ng tekstong binabasa.
Ikaapat na Hakbang. Asimilasyon/Integrasyon – kinakailangang maiugnay ng
mambabasa ang kaisipan ng binasang teksto sa kaniyang mga naging karanasan o dati
nang kaalaman.
Hindi masasabing nakabasa na nga ang isang tao hanggat hindi nagaganap sa
kanya ang apat na hakbang na ito. Maaaring nabigkas niya lamang ang kataga o salita
ngunit walang ganap na pagbasa.
DIMENSYON SA PAGBASA
Unang Dimensyon. Pag-unawang Literal - Pagpokus ng atensyon sa mga ideya at
impormasyong maliwanag na sinabi ng babasahin.
URI NG PAGBASA
1. Iskimming - Pinaraanang pagbasa. Pinakamabilis na pagbasang magagawa ng
tao. Pangunahing ideya lamang ang hinahanap.
2. Iskaning- Mabilis na pagbasa rin subalit may tiyak na impormasyong tinutuklas.
3. Masaklaw na Pagbasa - Kinakailangan ng mas mahabang panahon sa
pagbabasa, kaya ginagawa ito sa labas ng klase o di kaya’y binibigyan ng
panahon upang matapos. Nakatuon ito sa pag-unawa ng bumabasa sa mga
tauhan at pangyayari sa halip na sa tamang detalye ng alin mang akda.
4. Previewing - Nagpopokus muna sa pagsuri sa mga impormasyon tungkol sa
istilo o register ng wika. Tawag din ito sa pagbabasa muna sa mga
impormasyong nakasulat sa harap o likuran ng isang aklat.\
5. Kaswal – Pansamantala, di palagiang pagbasa at pampalipas oras
6. Pagbasang Pang-impormasyon - Pagbasang naglalayong makakalap ng
impormasyon.
7. Mataimtim na Pagbasa - Maingat na pagbasa na may layuning maunawaang
ganap ang binabasa
8. Re-reading o muling pagbasa - Binabasang muli o inuulit ang pagbasa dahil sa
hindi ganap na pagkaunawa dito. Ginagawa ito upang makabuo ng pag-unawa o
maunawaan ang kabuuang diwa ng binabasang material.
9. Pagtatala - Ang pagbasang ito ay may kasamang pagtatala.
PAKSA: PAGTATAYA SA KASANAYAN SA PAGBASA
SUBTOPIKO: SURING BASA
PAGSUSURI NG AKDA
Isang paglalarawan, kritikal na analisis at ebalwasyon sa kalidad, kahulugan at
katuturan ng isang basahin.
PAGLILINAW: Hindi ito pagkukwentong muli kung ano ang akda. Nararapat itong
magpokus sa layunin,
nilalaman at estili ng pagkakasulat ng akda.
VII. Simbolong Pilipino/ Simbolismong Pilipino. > Sa bahaging ito tatalakayin kung
anong katangian ng mga Pilipino o kultura ang pinakita sa istorya.
VIII. Rekomendasyon. > Mula sa sinuring akda, magbigay ng payo sa mga
mambabasa sa hinaharap. Ilalahad mo rin dito ang iyong pananaw, opinyon,
interprestasyon at natutuhan sa akdang binasa o ang naging epekto sayo
nito.
PAKSA: KASANAYAN SA PAGSULAT
SUBTOPIKO: KAHULUGAN, URI, ISTANDARD, PROSESO AT IBA PA.
PAGSULAT - Isang paraan upang ang kaisipan ng isang tao ay kanyang maipahayag
sa pamamagitan ng mga simbolo. Paraan din ito ng nagpapahayag sa kapwa kung
saan naiaayos ang iba’t ibang ideya na
pumapasok sa isipan
C. PROSESO NG PAGSULAT
C.1. Prewriting - Sa prosesong ito ay inaalisa o pinag-aaralan ng manunulat ang
target na mambabasa. Tinitiyak ang layunin kung bakit magsusulat, nililimitahan
ang saklaw at hangganan ng tatalakayin at lilikha ng maaaring lalamanin ng
sulatin. Maaaring ikonsedera ang sumusunod:
C.1.1. Layunin- Ano ang nilalayon ng iyong pagsulat o bakit kinakailangan
mong sulatin ito? (ano ang kinakailangan mong maisulat o maipahayag?)
C.1.2. Paghahanda- Ano-ano ang mga nararapat gawin bago
magsimulang sumulat? (mga dapat na basahin na may kaugnay sa paksa
at sino ang dapat na konsultahin o pagtanungan)
C.1.3. Mga komponent- mga kakailanganing sangkap sa susulatin(modelo
o awtlayn na dapat sundin sa pagtatakay o pagsulat ng paksa)
C.1.4. Ebalwasyon- Mga kriterya na hinihingi o ekspektasyon ng susulatin
(ano ang hinahanap ng mambabasa sa tekstong iyong susulatin)
C.1.5. Mga kabagsakan- Ito ang mga kamalian na naisagawa na ng mga
naunang sumulat ng paksang iyong susulatin .
C.2. Drafting - Gumagawa ng burador, o istruktura ng mga ideya. Ito ang aktwal
na paglalakbay sa daigdig ng pagsulat.
C.3. Revising - Sa puntong ito, inilalagay ang sarili sa kalagayan ng mambabasa.
Muling iniisip ang mga dulog na dapat gamitin upang higit na maging katanggap-
tanggap at gumagawa ng mga pagbabago sang-ayon sa nakikitang
makapagpapahusay pa ng isinulat na burador
C.4. Polishing - Dito isinasagawa ang pag-eedit at pagtingin sa mga kamaliang
teknikal, pagbabantas at paggamit ng mga wastong salita.
D. PAGSULAT NG LIHAM
D.1. Mga Pormat sa Pagsulat ng Liham
D.1.1. Full block
Sa anyong ito, lahat ng bahagi ng liham ay nagsisimula sa gawing kaliwa
ng papel at walang nagaganap na indensyon.
D.1.2. Semi Block Style
Sa anyong ito, inilalagay ang pamuhatan (return address), bating
pangwakas at lagda sa gitnang bahagi ng liham. Wala ring nagaganap na
indensyon sa katawan ng liham sa uring ito.
D.1.3. Modified Block Style
Karaniwang ipinapasok ng limang espasyo o pagitan ng titik ang bawat
simula ng katawan ng liham. Ito ang tinatawag na indesyon.
D.2. Komponent ng Liham
D.2.1. Pamuhatan (return address) - Ito ang ang bahagi ng liham na
nakasaad ang adres ng sumulat, telepono o kaya adres ng email. Kung
mayroon ng letter head ang ginagamit na liham, hindi na kinakailangan
pa ang bahaging ito.
D.2.2. Petsa (date) - Huwag itong kalilimutang ilagay sa pagsulat o
pagpapadala ng liham. Kung mayroon nang letter head, ito ang nauunang
isulat sa liham.
D.2.3. Patunguhan (inside address) - Inilalagay dito ang pangalan ng
susulatan, posisyon, at address.
D.2.4. Bating Panimula (Salutation) - Dito isinusulat ang pangalan ng
taong susulatan. Sikaping maging magalang sa bating panimula.
Karaniwang ganito ang pagsulat ng bating panimula.
Bb./Gng.__________ :(kung babae at hindi alam ang katayuan)
G.___________ :(kung lalaki)
Mahal na G.___________ : Dear Sir:
Mahal na (posisyon ng sinusulatan): hal. Mahal na Pangulo:
Sa Kinauukulan : (kung hindi tiyak kung sino o ano ang katayuan
ng patutunguhan ng liham)
D.2.5. Katawan (body) - Inilalahad dito ang mensahe o layunin kung bakit
sumulat.
D.2.6. Bating Pangwakas (Complimentary Close) - Bilang pagwawakas sa
liham, karaniwang ginagamitan ito ng paggalang, depende sa taong
sinusulatan. Narito ang halimbawa ng ilang gamiting bating pangwakas:
Lubos na gumagalang, (pinaka pormal)
Gumagalang, (tipikal, hindi gaanong pormal)
Lubos na sumasainyo, (nyutral)
Sumasaiyo, (pangkaibigan, impormal)
D.2.7. Lagda (Signature Block) - Panghuli sa liham ay ang lagda ng
sumusulat. Karaniwang inilalagay ang posisyon ng sumulat depende sa
layunin ng liham na ginawa.
D.3. Katangiang Dapat Taglayin ng Isang Liham
D.3.1. Kalinawan (clear) - Maipakita ang pagiging malinaw ng isang liham
sa pagsunod-sunod ng mga ideya. Hindi dapat maging sobrang mahaba o
maligoy dahil higit na malinaw kung simpleng pangungusap lamang.
D.3.2. Kawastuhan (correct) - Tiyakin na wasto ang bawat pahayag o
sasabihin sa liham. Kasama rin sa kawastuhan ang tamang gamit ng mga
bantas.
D.3.3. Kumpletong Kaisipan (complete idea) - Ang kasapatan ng mga
impormasyon ng isang liham ay nakatutulong sa madaling pag-unawa ng
bumabasa ng liham.
D.3.4. Kakikitaan ng paggalang (courteous) - Gumamit ng mga salitang
nagpapahayag ng paggalang lalo na kung wala kang sapat na kaalaman
sa taong iyong sinusulatan.
D.3.5.Kaiklian (concise) - Iwasan ang paglalakip ng mga detalyeng
wa;amg kabuluhan at hindi makatutulong sa nais sabihin na
makapagpapahaba lamang sa ginawang liham.
D.3.6. Kombersasyonal (conversational) - Sabihin sa paraang natural ang
mga nais sabihin upang higit na maging epektibo ang pagkakaunawaan.
PAKSA: PAGTATAYA SA KASANAYAN SA PAGSULAT
SUBTOPIKO: PAGSULAT NG ISKRIP SA RADIO BROADCASTING
https://ilikekagome.wordpress.com/2012/10/10/radio-script-tagalog/