You are on page 1of 12

Republic of the Philippines

Department of Education
Regional Office IX, Zamboanga Peninsula

7 Z est for P rogress

Z P eal of artnership

Edukasyon sa Pagpapakatao
Ikalawang Markahan- Modyul 5
KALAYAAN MO,
- ALAMIN MO !

Pangalan: ___________________________
Baitang at Seksyon: ___________________________
0
Paaralan: ___________________________
ALAMIN
Ang modyul na ito ay inihanda para matugunan ang iba‟t ibang paraan ng
pagkatuto ng bawat mag-aaral. Hangad ng modyul na ito na maunawaan
mong lubos ang kahalagahan ng Kalayaan. Ang saklaw ng araling
napapaloob sa modyul na ito ay maaring makatulong sa mga sitwasyong
maaaring harapin ng mag-aaral sa kinabukasan.

Ayon sa paniniwala ng ilang nagdadalaga at nagbibinata, “ang kalayaan ay


ang paggawa ng lahat na naisin nang walang sinuman o anumang
humahadlang”. Tama kaya ang ganitong pananaw? Naranasan mo na bang
hindi magawa ang nais mong gawin dahil may tao o bagay na pumipigil sa
pagsasagawa mo nito? Ano ang iyong nararamdaman?

Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang mga sumusunod na


kaalaman, kakayahan at pag-unawa.

7.1 Nakikilala ang mga indikasyon/ palatandaan ng pagkakaroon o kawalan ng


Kalayaan. (EsP7PT-IIe-7.1)

7.2 Nasusuri kung nakikita sa mga gawi ng kabataan ang Kalayaan.


(EsP7PT-IIe-7.2)

BALIKAN
Sa nagdaang modyul, naunawaan mo na natatangi sa tao ang likas na
Batas Moral dahil ang pagtungo sa kabutihan ay may kamalayan at kalayaan.
Natutunan mo rin ang tamang paraan upang baguhin ang mga pasya at kilos na
taliwas sa unang prinsipyo ng Likas na Batas Moral at nakagawa ka rin ng
wasto at sapat na pangangatwiran. Nawa‟y naging malinaw sa iyo ang tamang
paraan ng paggamit ng kaloob na ito sa iyo ng Diyos na pakinggan mo sa
panahon ng iyong pagpipili. Hangad kong magiging matalino ang iyong pagpili
gamit ang iyong konsensiya upang mas maging kapakipakinabang ang iyong
gagawing pagpapasya at masisigurong sinusunod mo ang Likas na Batas Moral.

1
Gawain 1
Panuto: Sagutin ang mga tanong.

1.Bakit natatangi sa tao ang Likas na Batas Moral?


____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
2. Ano ang kaugnayan ng Konsensiya sa Likas na Batas Moral?
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
3. Saan dapat ibatay ng tao ang kanyang gagawing pagpapasiya at pagkilos?
____________________________________________________________________________________

TUKLASIN
Gawain 1

Panuto: Suriin ang sumusunod na situwasyon. Tukuyin kung alin sa mga


ito ang nagpapakita ng pagkakaroon ng kalayaan at alin sa mga ito ang
walang Kalayaan. Titik lamang ng sagot ang isulat sa magkabilang hanay.

A. Paggawa ng gawaing bahay


B. Pag- inom ng alak
C. Bayanihan
D. Maagang pakikipagrelasyon
E. Pakikipag- away
F. Pag- aaral ng leksiyon
G. Paninigarilyo
H. Kahirapan
I. Masayang pamilya

Nagpapakita ng Kalayaan Nagpapakita ng kawalan ng


kalayaan

2
Tanong:

1. Bakit mo nasabing may kalayaan sa unang hanay?


2. Bakit mo nasabing walang kalayaan sa ikalawang hanay?
3. Ano ang pinapakita nitong kahulugan ng Kalayaan?

SURIIN
May mga kabataang nag-aakala na ang kalayaan ay kapangyarihan
na gawin ang anomang naisin ng tao. Kung susuriin ayon kay de Torre, ang
tao ay walang kakayahang gawin palagi ang anomang kanyang naisin.
Maraming bagay ang nais niyang mangyari at gawin subalit hindi niya
magawa ang mga ito. Nais ng taong hindi magkasakit, hindi tumanda,
manatiling buhay, malaman ang lahat ng bagay – ngunit wala siyang
kalayaan upang magawa ang mga ito.

Kung ganoon, ano nga ba ang tinutukoy na kalayaan ng tao? Sa


kabila ng limitasyong ito ng kalayaan ng tao, ang tao ay tunay na malaya sa
kanyang pagpili o pagpapasya. Binigyang-kahulugan ni Santo Tomas de
Aquino ang kalayaan bilang “katangian ng kilos-loob na itakda ng tao ang
kanyang kilos tungo sa kanyang maaaring hantungan at ang paraan upang
makamit ito”. Nangangahulugan ito na malaya ang taong gamitin ang
kanyang kilos-loob upang pumili ng particular na bagay o kilos. Ang tao ay
nagtatakda ng kanyang kilos para sa kanyang sarili. Walang anumang
puwersa sa labas ng tao ang maaaring magtakda nito para sa kanya.
Maaari siyang mahikayat, maganyak o maakit subalit hindi maaaring
puwersahin o pilitin. Subalit ang kalayaang ito ay hindi tumutukoy sa
kalayaan upang piliin ng tao ang kahihinatnan ng kanyang pagpili.
Hindi sakop ng kanyang kalayaan ang likhain ang kahihinatnan ng
kanyang piniling kilos. Halimbawa, malaya ang isang mag-aaral na piliin
magbarkada kaysa mag-aral ng leksyon, subalit hindi siya malaya sa
maaaring kahihinatnan nito. Hindi maaaring mataas pa rin ang kanyang
marka sa kabila ng kanyang piniling gawin. Hindi malaya ang tao na piliin
ang kahihinatnan ng kilos na kanyang pinili. Samakatuwid, ang kalayaan
ay hindi lubos, at ito ay may limitasyon. Ang limitasyong ito ay itinakda ng
Likas na Batas Moral.

Ipinaliwanag ni Sr. Felicidad C. Lipio ang kaugnayan ng kalayaan sa


batas na ito katulad ng kaugnayan ng dalampasigan sa baybay dagat. Ang
dalampasigan ang nagbibigay hugis sa tubig at ang siyang nagbibigay
hangganan dito. Gayundin, ang Likas na Batas Moral ang nagbibigay hugis
sa paggamit ng tunay na kalayaan at nagtatakda ng hangganan nito.Ang
batas moral kung gayon ay alituntuning kailangang sundin na nagbibigay-
hugis at direksiyon sa kalayaan.

3
Ayon naman kay Esther Esteban (1990), ang konsepto ng kalayaan ay
nangangahulugan ng nagagawa o nakakayang gawin ng tao ang nararapat
upang makamit ang pinakamataas at pinakadakilang layunin ng kanyang
pagka
Dalawang uri ng kalayaan

1. Panloob na Kalayaan. Ayon sa obserbasyon ni Santo Tomas de


Aquino, nakasalalay sa kilos-loob ng tao ang kanyang kalayaan.
Tinutukoy ng Panloob na Kalayaan ng kilos-loob ang:

A. kalayaang gumusto (freedom of exercise) – ito ang kalayaang magnais


o hindi magnais
B. kalayaang tumukoy (freedom of specification) – ito naman ang
kalayaan upang tukuyin kung alin ang nanaisin.

2. Panlabas na Kalayaan. Ito ang kalayaan upang isakatuparan ang


gawain na ninais ng kilos-loob. Naiimpluwensiyahan ng mga panlabas
na salik ang kalayaang ito. Maaaring mabawasan o maalis ang
kalayaang ito sa pamamagitan ng puwersa sa labas ng tao. Kapag ang
tao ay ikinulong, mawawala ang kanyang panlabas na kalayaan.

1.Mahalaga ba ang pagkakaroon ng Kalayaan? Bakit?

2. Sa naunang gawain masasabi mo ba na sa mga situwasyong ito ay


nakikita ang mga gawi ng kabataan ang Kalayaan? Bakit?

3. Paano mo mapapangalagaan ang ipinagkaloob sayo ng Diyos ng iyong


Kalayaan?

4
PAGYAMANIN
Gawain 1- Bubble Topical Organizer
Kaugnayan ng kalayaan sa Likas na Batas Moral

KALAYAAN

Pamantayan sa Paggawa

Orihinalidad- 5 puntos
Nilalaman- 5 puntos (nakapagbigay ng 1-2= 3
puntos at 3 o higit= 5 puntos
Pagkamalikhain- 5 puntos
Kabuuan= 15 puntos

Gawain 2-Case Study


Panuto: Pag-aralan ang sumusunod na situwasyon. Sa bawat situwasyon sa
unang hanay, sabihin kung may Kalayaan o wala sa pamamagitan ng paglagay ng
tsek (/) kung mayroon at (x) kung wala. Isulat ang iyong patunay sa iyong sagot.
SITUWASYON MAY KALAYAAN O PATUNAY
WALA
1. Pagbibisyo (pagsugal,
pagsigarilyo, pag- inom ng alak,
pagkalulong sa droga)

2. Maagang pag- aasawa o


pagbubuntis

5
3. Pagpapabaya sapag- aaral
(hindi gumagawa ng project, o
naghahanda ng takdang- aralin,
etc.)

4. Pagrebelde sa magulang

5. Pagsama sa maling barkada

ISAISIP
Upang masubok ang lalim ng iyong naunawaan sagutin mo ang
sumusunod na tanong. Isulat ang iyong sagot sa loob ng Bubble
topical organizer

1.Paano maipamamalas ang tunay na kalayaan?

2.Bakit may hangganan ang kalayaan ng tao?

6
3.Ano ang tiutukoy na tunay na kalayaan ng tao?

Isagawa
Isabuhay Mo!
Panuto: Sumulat ng isang pagninilay tungkol sa natuklasan mong tunay
na kahulugan ng kalayaan. Gawin mo ito sa iyong dyornal. Sagutin mo
ang mga tanong na:

Ano ang nabago sa aking pananaw tungkol sa kalayaan?


Paano ko maipapakita ang pagpapahalaga ko sa kalayaang taglay ko?

Pamantayan sa Pagwawasto ng Gawain

Pamantayan Puntos Nakuhang Puntos

Nilalaman 10

Pagkamalikhain 15

Ideya/Paliwanag 15

Kabuuan 40
TAYAHIN
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Isulat ang titik ng tamang sagot.
1. Alin sa mga sitwasyon ang nagpapakita ng Kalayaan?
A. Si Ben ay kasalukuyang kumukuha ng kursong medical dahil ito ang utos ng
kanyang mga magulang sa kanya.
B. Hindi nakakasama si Ariz sa mga lakad ng barkada dahil pinaghihig- pitan siya
ng kanyang Ama.
C. Kahit pagod na galing trabaho, sinamahan pa rin ni Yvana ang kapit bahay na
isinugod sa ospital.
D. Nakakalabas lamang ng bahay si Jess kung wala ang kanyang ina‟t Ama.

2. “Nais ng taong hindi magkasakit, hindi tumanda, manatiling buhay at malaman


ang lahat ng bagay”. Ang pahayag na ito ay halimbawa ng,
A. Pagkaroon ng kalayaan ng tao dahil malaya siyang gumagawa ng desisyon.
B. Pagkakaroon at kawalan ng Kalayaan
C. Kawalan ng Kalayaan dahil wala siyang Kalayaan na gawin ito.
D. Wala sa mga nabanggit
3.Ang mga sumununod na halimbawa ay nagpapakita ng pagkakaroon ng kalayaan
maliban sa;
A. Ang mag- aral
B. Ang magtrabaho
C. Ang tumulong sa kapwa at gumawa ng mabuti.
D. Ang pumili sa magiging resulta ng kanyang ginawang maling kilos.
4. Ang mga sumusunod ay mga palatandaan na ang tao ay may Kalayaan maliban sa;
A. Ang pagiging malaya mula sa kamangmangan.
B. Ang umiwas sa mga maling gawain tulad ng pagsisinungaling sa
magulang.
C. Ang pagpili kung kikilos o hinde, ang gumawa o hindi gumawa ng
isang bagay.
D. Magpasakop sa sinasabi ng ibang tao
5. Ang kalayaan ng tao ay hindi lubos. Ang pangungusap na ito ay nangangahulugan;
A. Magiging malaya lamang ang tao kung ang kanyang ginawa ay
kabutihan.
B. Ang kalayaan ng tao ay nagtatapos sa kanyang paglabag sa likas na
batas moral.
C. Hindi ganap na malaya ang tao, hindi siya maaaring mamili batay
lamang sa kanyang nais.
D. Lahat ng nabanggit
6. Ayon kay Sto. Tomas de Aquino ang kalayaan ay katangian ng kilos- loob
na itakda ng tao ang kanyang kilos tungo sa maaaring hantungan at ang
paraan upang makamit ito. Ito ay nangangahulugang:
A. Ang kalayaan ng tao, katulad ng kilos-loob ay nakabatay sa dikta ng
isip.
B. Malaya ang taong gamitin ang kanyang kilos-loob upang pumili ng
partikular na bagay o kilos.
C. Ang hantungan ng kilos ay itinakda ng tao batay sa kanyang pagiging
mapanagutan sa paggamit ng kanyang kalayaan.
D. Lahat ng nabanggit
7. Nakiisa si Romnick sa isang pag- aalsa laban sa pamunuan ng kompan-
yang kaniyang pinagtatrabahuan. Nangyari ito dahil sa immoral na pagtra-
to ni Mr. Yu sa kanyang mga manggagawa. Dahil dito si Romnick at ang
mga kasama niya ay hinuli at ikinulong. Sa sitwasyong ito, ano ang nawala
sa kanya?
A. Panloob na kalayaan
B. Panlabas na kalayaan
C. Karapatang pantao
D. Dignidad ng tao
8.Ito ang kalayaang magnais o hindi magnais.
A. Kalayaang gumusto
B. Kalayaang magais
C. Panloob na kalayaan
D. Panlabas na kalayaan
[

9.‟‟ Ang tunay na kalayaan ay ang paggawa ng mabuti‟‟. Ang pangungusap ay,
A. Tama, dahil ang tunay na kalayaan ay mapanagutan kaya‟t inaasa-
hang ito ay gagamitin sa paggawa na naayon sa kabutihan.
B. Tama, dahil ang tao ay nilikha n may likas na kabutihan.
C. Mali, dahil ang kalayaan ay magkakaroon lamang ng kabuluhan kung
malayang magagawa ng tao ang mabuti at masama.
D. Mali, dahil ang kalayaan ay ang paggawa ng mabuti ayon sa paghu-
husga ng tao.

10.‟‟Malaya ang tao na gamitin ang kanyang kilos-loob upang pumili ng


partikular na bagay o kilos‟‟. Ano ang ibig sabihin ng pangungusap na
ito?
A. Ang tao ay may kalayaan upang piliin ang kahihinatnan sa ginawa
niyang kilos.
B. Ang kilos-loob ang pangunahing gamit ng tao sa pagpili ng bagay o
kilos na gagawin.
C. Ang tao ang nagtatakda ng kanyang sariling kilos at walang ibang tao
ang maaring pagtakda nito para sa kanya.
D. Lahat ng nabanggit

11. Alin sa mga ito ang hindi halimbawa ng Panlabas na kalayaan?


A. Ang bumoto at piliin ang taong mamumuno.
B. Ang pumili ng paaralang papasukan
C. Ang pumili ng kursong kukunin
D. Ang taong nakakulong

12. Sinasabi na mahalagang hayaan ng mga magulang ang kanilang anak


na sumubok, pumili at magpasya para sa kanyang sarili. Ano sa tingin
mo ang dahilan kung bakit ito‟y mahalaga?
A. Dahil ang karanasan na makukuha nila mula dito ang magsisilbing
gabay sa isasagawang pagpapasya sa hinaharap.
B. Ito ang magsisilbing instrumente para hindi magrebelde ang kanilang
anak.
C. Ito ang magtuturo sa mga anak na sumunod mula sa pag- unawa at
pagmamahal at hindi sa pamimilit.
D. Ang pagkakaroon ng kalayaan ng isang anak ay maaari niyang
ikapahamak ngunit dito sila matututo ng mahalagang aral.
13. „‟Ang tao ay walang kakayahang gawin palagi ang anumang kanyang
nanaisin‟‟.Ang pahayag na ito ay winika ni?
A. Fr. De Torre
B. Santo Tomas de Aquino
C. Sr. Felicidad C. Lipio
D. Esther Esteban (1990)

14. Ikaw ang pinuno ng inyong pangkat na naatasang kapanayamin ang


ilang pinuno sa inyong baranggay. Naihanda mo na ang mga kakailanga-
nin subalit nagkasakit ka. Sa kabila ng hindi inaasahang pangyayari
pinili mo pa rin na ituloy ito. Ano ang taglay mong kaloob ng Diyos na
nagbibigay sa iyo ng kapangyarihan pumili?
A. Sariling Interes
B. kilos- loob
C. Batas Moral
D. Kalayaan

15. Ang mga sumusunod ay naglalahad ng tamang konsepto ng kalayaan


maliban sa:
A. Walang kaugnayan ang kalayaan sa Likas na Batas Moral.
B. Ang Mababawasan ang aking kalayaan kapag nagbisyo ako.
C. Ang kalayaan ay likas sa tao.
D. Ang kalayaan ng tao ay isang kakayahan upang pumili, hindi ayon sa
kanyang gusto kundi kung ano ang mabuti.
SUSI SA PAGWAWASTO
15A
14.D
13.A
12.C
11.D
10.C
9. A
8. A
7. B
6. B
5. A
4. D
3. D
2. C
1. C
TAYAHIN

SANGGUNIAN

Kagawaran ng Edukasyon, Edukasyon sa Pagpapakatao 7 Modyul para sa Mag-aaral,


pp 161-181

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Jaysa V. Ligaran


SST-I, Basilan NHS, Isabela City Division
Editor: April Joy I. Delos Reyes, SST-I
Tagasuri: Aimee A. Torrevillas, SST-III
Tagaguhit:
Tagalapat:
Tagapamahala: Julieto H. Fernandez, OIC-SDS

Maria Laarni T. Villanueva, OIC-ASDS

Eduardo G. Gulang, SGOD Chief


Henry R. Tura, CID Chief

Elsa A. Usman, LR Supervisor


Violeta M. Sta. Elena, ADM Module Coordinator

You might also like