You are on page 1of 4

first QUARTER

ESP WEEK 6
Pagmamahal at pagliliNGKOD TUGON SA TUNAY NA
KALAYAAN

10
MOST ESSENTIAL LEARNING COMPETENCY:

3.1 Naipapaliwanag ang tunay na kahulugan ng kalayaan.


EsP10MP-la-1.3
3.2 Natutukoy ang mga pasya at kilos na tumutugon sa tunay na
gamit ng kalayaan. EsP10MP-la-1.4

PAUNANG PAGTATAYA (Pre-Test)

PANUTO: Isulat ang TAMA kung ang pangungusap ay tama at MALI naman kung ito ay hindi
tama.

______ 1. Ang itinuturing na kakambal ng kalayaan ay responsibilidad.

______ 2. Ang tao ang nagtatakda ng kaniyang kilos para sa kaniyang sarili.

______ 3. Ang tao ang may taglay na kalayaan mula sa pagkakaroon ng wastong isip.

______ 4. Dahil sa pagiging malaya may kakayahan ba ang taong piliin kung paano siya
kikilos.
______ 5. Tunay na malaya ang tao kapag wala siyang kakayahang magmalasakit sa
kapwa.

Ano ang KALAYAAN para sa iyo?


May kalayaan ka bang gawin ang lahat ng gusto mo?

Noong nasa baitang 7 ka, naipapaliwanag sa iyo na ikaw ay natatangi sa ibang nilikha dahil sa
taglay mong isip at kilos-loob. Sa pagpapaunlad ng iyong pagkatao ipinagkaloob din sa iyo ang
iyong kalayaan.
Ang tao ay may taglay na kalayaan mula pa sa kaniyang kapanganakan. Ayon kay Sto, Tomas de
Aquino, “Ang kalayaan ng kilos-loob na itakda ng tao sa kanyang kilos tungo sa maaari niyang
hantungan ay itakda ang paraan upang makamit ito”. ibig sabihin, ang tao ang nagatatakda ng
kaniyang kilos para sa kniyang sarili. Walang anumang pwersa sa labas ng tao ang maaaring
magtakda nito para sa kanya. Ibig sabihin ang remote control ng kanyang buhay ay hwak ng
sarili niyang mga kamay. Ang tao ay may kakayahang isipin kung ano ang nararanasan sapagkat
mayroon siyang kamalayan, dahil sa pagiging malaya, may kakayahan (may kakayanan) ang
taong piliin kung paano siya kikilos o tutugon sa naranasan.
Ipinaglalaban ng bawat tao ang kaniyang karapatang mabuhay at magpasiya ayon sa kaniyang
nais sa pangngatwirang walang panlabas na hadlang na sisirain sa paggawa niya nito.
Karaniwang tinitingnan ang kalayaan bilang kawalan ng panlabas nahadlang sa pagkamit ng
ninanais ng tao. Bibihirang kinikilala na ang pinakamalaking hadlang sa kalayaan ay hindi
nagmula sa labas kundi nagmumula mismo sa loob ng tao. Kailangan ng tao ng “higit” pa sa
malayang kilos-loob upang maging malaya ang tinutukoy na “higit” ay makikita kung titingnan
ang kalayaan sa aspetong mayroon itong kakambal na responsibilidad o sa madaling sabi, ang
kalayaan ay may kasunod na responsibilidad.
2 DALAWANG RESPONSIBILIDAD
1. Kalayaang kaugnay ng malayang kilos-loob
Ito ay ang pagkilos sa sariling kagustuhan.
2. Kakayahang tumugon sa tawag ng pangangailan ng sitwasyon
Pagkilos ayon sa hinihingi ng sitwasyon

DALAWANG ASPETO NG KALAYAAN


1. KALAYAAN MULA SA (FREEDOM FROM)
Ito ay ang kawalan ng hadlang ng isang tao sa pagkamit ng anumang naisin. Malaya siyang
kumilos ng mga bagay-bagay at para maging ganap na malaya ang tao dapat niyang pigilin at
pamahalaan ang kanyang sarili.

Mga Negatibong Katangian at Pag-uugali Na Kailangang Iwasan Para Ganap Na Malaya


A. Makasariling Interest’
B. Katamaran
C. Kapritso
D. Pagmamataas

2. KALAYAAN PARA SA (FREEDOM FOR)


Inuuna ang kapakanan ng iba bago ang sariling kapakanan. Kung ang tao ay malaya sa pagiging
makasarili upang patuloy na makapagmahal at makapaglilingkod ang isang tao. Kailangan
malaya siya mula sa pansariling interest na magiging hadlang sa kanyang pagtugon sa
pangangailangn ng kanynag kapwa.

DALAWANG URI NG KALAYAAN


1. Malayang Pagpili (Free Choice-Horizontal Freedom)
Ang malayang pagpili ay ang pagpili sa kung ano ang alam na ikabubuti sa kanya.
2. Vertical Freedom o Fundamental Option
Ito ay tumutukoy sa pangunahing pagpili ng gingawa ng tao.

GAWAIN 1:
PANUTO
1. Balikan mo ang mga kaisipan at konsepto na natanim sa iyong isipan tungkol sa kahulugan ng
kalayaan.
2. Isulat ito sa mga bilog na inilaan para sa iyong mga sagot. Gamiting gabay ang pormat sa
ibaba.
3.

4. Gawin ito sa sa inyong activity sheets.


5. Sagutin ang sumusunod na tanong:
A. Ano-ano ang pakinabang na natatamasa mo dahil ikaw ay nilikhang malaya?
B. Ano-ano ang nagiging hadlang sa paggamit ng kalayaan?
C. Ano-ano ang tungkulin mo dahil ikaw ay malaya?
GAWAIN 2
PANUTO: Mula sa iyong sagot sa unang gawain, tukuyin kung alin ang tama at maling
pananaw tungkol sa tunay na kahulugan ng kalayaan.

Sagutin ang mga sumusunod na tanong sa inyong activity sheets:


1. Ano ang iyong mga natuklasan sa natapos na gawain? Ipaliwanag.
2. Sa iyong palagay saan patungo ang ganitong kaisipan (tama at mali) tungkol sa kalayaan?
3. Para sa iyo, ano ang tunay na kahulugan ng kalayaan?
4. Ano ang kahulugan ng kalayaan ayon kay Sto. Tomas de Aquino?
5. Malaya nga ba ang taong gawin ang gusto niyang gawin na walang pananagutan? Bakit?

GAWAIN 3
PAGBIBIGAY KAHULUGAN AT PAGPAPALIWANAG
Panuto: Isulat ang sagot sa inyong mga kwaderno base sa inyong mga opinyon.
1. Ano ang kahulugan ng kalayaan sa iyong nabasa?
2. Ano ang dalawang aspeto ng kalayaan?

PAGTATAYA
TEST I. PANUTO: Isulat ang TAMA kung wasto ang mga pahayag, isulat naman ang MALI kung
hindi.
_____ 1. Ang pagsasabi ng katoitohanan ay nagpapasya ng damdamin.
_____ 2. Pinagsabihan mo ng masasakit na salita ang iyong kaibigan dahil sa sobrang galit.
_____ 3. Isulat ang nais ipahayag sa gusali ng paaralan.
_____ 4. Hindi sumama si Nida na magtanan kahit mahal niya ang kasintahan.
_____ 5. Kapatid ng nanay mo ang kahera ng kantina ng paaralan, pumipila ka upang
magbayad.

TEST II. PANUTO: Piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon.

_____ 1. Aspeto ng kalayaan na inuuna ang kapakanan ng iba bago ang sariling kapakanan.
_____ 2. Ang pagkilos ayon sa hinihingi ng sitwasyon.
_____ 3. Uri ng kalayaan na ang pagpili sa kung ano ang alam ng taong makabubuti sa kanya.
_____ 4. Ito ay ang pagkilos sa sariling kagustuhan.
_____ 5. Aspeto ng kalayaan na nagpapakita ng kawalan ng hadlang sa pagkamit ng anumang
naisin.
Prepared by:
Mrs. Rizzalee O. Genova
Validated by:
Ms. Mylene P. Padasay
LORLIE E. PANERIO
Master Teacher II, EsP Department Ms. Catherine V, Pagayon

LORELIE B. GARCIA
Subject Coordinator, EsP Department

Noted by:

JESUSA P. AMADOR
JHS Asst, principal II for Academics

Approved by:

Rey P. Deatras, Ph. D.


Principal IV

You might also like