You are on page 1of 13

ARALIN 3

UNANG MARKAHAN
Mapanagutang Paggamit
Ng Tunay na Kalayaan

>
Layunin
Naipaliliwanag ang tunay na kahulugan ng kalayaan
Natutukoy ang mga pasiya at kilos na tumutugon sa tunay na
gamit ng kalayaan
Napatutunayan na ang tunay na kalayaan ay ang kakayahang tumugon
...
sa tawag ng pagmamahal at paglilingkod
Nakagagawa ng angkop na kilos upang maisabuhay ang paggamit
ng tunay na kalayaan: tumugon sa tawag ng pagmamahal at paglilingkod

< >
...
Tunay na Kalayaan

< >
Sa panahon ngayon, napakadali nang makakuha at magbahagi ng impormasyon sa tulong ng modernong
teknolohiya. Dagdag pa rito ang ating karapatan na Freedom of Speech. Ngunit sa kabilang banda, hindi
natin namamalayan na minsan ay hindi tayo nagiging sensitibo at matalino sa pagpili ng impormasyong
paniniwalaan. Tingnan at suriing mabuti ang larawan sa itaas. Sagutin ang mga sumusunod na
katanungan sa ibaba tungkol sa tamang paggamit ng ating kalayaan. Isulat ang iyong sagot sa mga
patlang na nakalaan.

1. Ano ang nais ipahiwatig ng larawan tungkol sa paggamit ng internet?

2. Bakit kailangan na maging maingat at matalino tungkol sa mga ibinabahagi sa mga social media
sites?

3. Bilang isang tao na may kalayaan, may limitasyon ba ang paggamit mo nito? Bakit?

4. Gaano kahalaga na maintindihan ang papel ng mapanagutang paggamit ng kalayaan sa


panahon ngayon?
Ang parabula tungkol sa alibughang anak ay nagpapakita na ang pagpapatawad ay isang
paglaya, at ang pagpili o choice at gawain o action ay pagpapahayag ng kalayaan. Ang
desisyong isinagawa ng bunsong anak, ay paggamit ng kalayaan ayon sa pagsunod sa
sariling kagustuhan nang walang pagninilay kung ito ba ay naaayon sa Likas na Batas
Moral o pagsunod lamang sa agos ng sariling pagnanasa at kapakanan.
Sa ganitong paraan ng paggamit ng kalayaan ng mga tao, ang nagiging higit na
oryentasyon nila ay ang kalayaang gawin ang ano mang naisin kahit na makasasama
4 ito sa kanilang pagkatao. Ito ang nagiging dahilan kung bakit marami ang nalilihis ng
landas.
Sa kabila nito, hindi lingid sa ating kaalaman na kakambal ng buhay ng tao ang
katangiang pamahalaan ang angking kilos-loob—ang kalayaan. Kaakibat nito ang isip
at kilos-loob bilang mga kakayahang nagpapabukod-tangi sa iyo sa lahat ng nilalang.
Binigyan ka ng isip at kilos-loob upang magkaroon ka ng kakayahang magpasiya para
sa iyong sarili, at pinagkalooban ka naman ng kalayaan upang magamit at mapaunlad
mo ang iyong pagkatao.
...

< >
“Ang kalayaan ay katangian ng kilos-loob na itakda ng tao ang kaniyang kilos tungo sa maaari niyang hantungan at ang
paraan upang makamit ito.” —Santo Tomas
Nangangahulugan lamang ito na tao ang nagtatakda ng kaniyang kilos para sa kaniyang sarili at walang sinuman ang
dapat sisihin sa mga kahihinatnan ng kaniyang mga desisyon.

Dalawang Pakahulugan sa Pananagutan na Nakaaapekto sa Ideya ng Kalayaan

Responsable sa Kahandaang TUNAY NA


Sariling Kilos Managot sa KAHULUGAN NG
Sariling Kilos KALAYAAN

< >
Paksa ng Lipunang Ekonomiya

May dakilang dahilan ang Maykapal kung bakit nilikha tayo nang hindi pare-
pareho ngunit binibigay sa atin ang angkop para sa atin. Marapat na ipaalala sa sarili
na ang mga gamit sa paligid at yamang pinagbabahaginan ay hindi iniipon para higit
na palakihin lamang ang sariling yaman. Nariyan ang mga ito upang umayon sa mga
layunin ng tao
Responsable sa Sariling Kilos
Mailalarawan ito bilang isang kakayahan na magbigay paliwanag, katwiran, o
dahilan kung bakit kinakailangang isagawa ang isang kilos batay sa hinihingi ng
sitwasyon.
Kahandaang Managot sa Sariling Kilos
Mailalarawan ito bilang isang kakayahan na harapin at akuin ang ano mang
kahihinatnan ng isinagawang kilos.
...

< >
Tunay na Kahulugan ng Kalayaan
Ito ay ang pagkakaroon ng kakayahang kumilos ayon sa katwiran at managot sa ano mang
resulta nito.
Sa ating paglinang ng ating kakayahan sa pagkilos ayon sa katwiran at pananagot sa
resulta nito, makatutulong ang mga sumusunod:
1. Pagbabago ng pananaw o changing views – Baguhin natin ang pananaw na ang kalayaan ay para sa
ating sariling kapritsuhan at ituon ang ating paniniwala sa tunay na kahulugan ng kalayaan kung saan
binibigyang tugon ang paglilingkod at pagmamahal sa kapwa.
2. Pagkakaroon ng pokus o setting a focus – Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng pokus sa hangaring
makagawa ng kabutihan sa iba, malaya tayong makakikilos nang may katuturan at kaligayahan. Naaayon
ito sa pagpapakahulugan ni Sr. Felicidad C. Lipio sa tunay na kalayaan ng tao bilang kalayaan kung saan
kabahagi niya ang kaniyang kapwa sa sambayanan. Mahihinuha rito na nagsisilbing instrumento ang
kalayaan tungo sa tunay na pakikipagkapwa nang may pagmamahal at paglilingkod. Sa ganitong paraan,
malayang nabibigyang-tugon ng tao kung ano ang kinakailangan sa isang sitwasyon. Nabibigyan din niya
ng sapat na pagpapahalaga ang kapwa at naisasaalang-alang ang kapakanan nila bago ang kaniyang sarili.
...

< >
Dalawang Aspekto ng Kalayaan
Mas mapalilinaw at mapalalawak ang iyong kaalaman tungkol sa kahulugan ng kalayaan sa pamamagitan
ng mga sumusunod na aspekto ng kalayaan.

Kalayaan Mula Sa (freedom from) Kalayaan Para Sa (freedom for)


Karaniwang binibigyang-katuturan ang
Ang tunay na kalayaan ayon kay Johann ay ang makita
kalayaan bilang kawalan ng hadlang sa labas ng
ang kapwa at mailagay siyang una bago ang sarili.
tao sa pagkamit ng kaniyang ninanais.

Halimbawa ng Kalayaan Mula Sa (freedom from):


Naging malaya ang Pilipinas mula sa pagkakasakop ng mga Kastila dahil sa walang tigil na
paglaban at pag-aklas ng ating mga ninuno.
Nagkaroon ng kalayaan mula sa kahirapan ang kanilang pamilya mula nang makahanap si Leni
ng magandang trabaho. Akala ni Nena ay makalalaya na siya mula sa mga utang ngunit biglang
nagkasakit ang kaniyang asawa kaya sila ay hindi na nakaahon.
Halimbawa ng Kalayaan Para Sa (freedom for):
Ipinaglaban ni Pepe ang karapatan ng malayang pamamahayag upang maipagtagumpay ang kalayaan para sa kaniyang
bayan. Naniniwala si Ana na makakamtan lamang ang ganap na kalayaan para sa mamamayan kung tayo ay
. . . magbubuklod at maoorganisa batay sa linya ng pambansang demokrasya.

< >
KALAYAAN
• Ang kakayahan na kumilos ayon sa kaniyang pagpapasiya at sariling plano.
to aIy pag-ako at pagsasarili ng kaniyang pagkilos nang may sukdulang pananagutan at
malayo sa pabago-bagong kagustuhan ng iba.
• Kinakailangamapanagutang paggamit ng kalayaan sapagkat hindi sakop nito ang
kakayahang piliin ang kahihinatnan ng ano mang kilos.
• Ito ay malayang kilos-loob sapagkat ang indibidwal ang nagpapatakbo ng sarili niyang kilos
at pagpapasiyan ang.

Hindi makakamit ang kalayaan para sa mga katutubo kung hindi tututulan at lalabanan ang mga batayang
problema ng lipunan.

...

< >
Ang paraan ng paggamit ng tao sa angkin niyang kalayaan ang nagpapakita ng kaniyang mga
pagpapahalaga at nagpapakilala sa uri ng kaniyang pagkatao. Ito ay makikita sa pamamagitan ng
dalawang uri ng kalayaan.

•Horizontal Freedom – Sa paliwanag ni Cruz (2012), ang malayang pagpili (free choice) o horizontal freedom
ay tumutukoy sa pagpili sa kung ano ang tingin ng taong makabubuti sa kaniya (goods). Pinipili natin ang isang
bagay dahil nakikita natin ang halaga nito sa atin. Ito ay ang kalayaang pumili kung ano ang ninanais mo at
maiakma ito sa tawag ng panahon. Tinatawag ang uri ng kalayaang ito bilang free choice sapagkat ito ay
tumutukoy sa malayang pagpili ng indibidwal ayon sa alam niyang makabubuti sa kaniya.

•Vertical Freedom – Ang vertical level o fundamental option ay nakabatay sa uri o estilo ng pamumuhay na
pinili ng isang tao. Kadalasan, ito ay nakaaapekto sa horizontal freedom o unang pagpili sapagkat ang iyong mga
pagpili ayon sa preperensiya mo ay maaaring magbago dahil sa uri ng pamumuhay na mayroon ka.
Ang fundamental option ng pagmamahal ay maiuugnay sa pahayag ni Josemaria Escriva na, “Ang pag-
aalay ng sarili ay bunga ng kalayaan.” Ito ang siyang ipinamalas ng karamihan sa ating mga bayani kagaya nila
Jose Rizal, Andres Bonifacio, at Apolinario Mabini. Sa pamamagitan ng kanilang halimbawa, ipinakita nila na ang
tunay na kalayaan ay ang pagbibigay ng sarili para sa kalayaan ng kanilang bansa. Sa ganitong paraan,
natugunan nila ang tawag ng pagmamahal at paglilingkod at naipamalas nila ang kanilang pananagutan sa kapwa
. .tungo
. sa kaunlaran at kaganapan ng bansa.

< >
Gawain
Kilala ang ating mga bayani dahil sa pakikipaglaban para sa kalayaan ng ating bansa. Inialay nila ang kanilang buhay upang
matamasa ng mga mamamayan ang kalayaan. Subalit, hindi pa rin maikakaila na maging sa demokratikong bansa ay may mga
pagkakataon pa rin na naaabuso ang kalayaan at natatapakan ang hustisya. Magsagawa ng pananaliksik ukol sa isang makabagong
bayani sa kasalukuyan na patuloy na nakikipaglaban upang mabigyan ng kalayaan ang mga nangangailangan bilang tugon sa tawag
ng pagmamahal at paglilingkod sa kapwa. Isulat ang mga nakuhang impormasyon sa ibaba.

BAGONG BAYANI NG MODERNONG PANAHON

Larawan: Ambag sa lipunan :

Ambag sa lipunan:

Pangalan:

Ambag sa lipunan:

...

< >
Isakatuparan Natin
Panunumpa sa Mapanagutang Paggamit ng Kalayaan

Sumulat ng liham-pasasalamat sa Maykapal sa pagbibigay sa iyo ng kilos-loob at kalayaan upang tulungan ka sa pagharap
sa mga pagsubok sa buhay. Ipabatid ang iyong pagpapahalaga sa kalayaang ito at ipangako na gagamitin mo ito nang may
pananagutan at pagmamahal sa kapwa.

You might also like