You are on page 1of 7

Values - Quarter 1 Reviewer

Aralin 1: ISIP AT KILOS LOOB


KILOS-LOOB
Inilarawan ni Tomas de Aquino na ang Kilos Loob bilang isang makatuwirang pagkagusto
(rational appetency) sapagkat ito ay naaakit sa mabuti at lumalayo sa masama. Umaasa ito sa
isip, kaya't mula sa paghuhusga ng isip ay sumusunod ang malayang pagnanais ng kilos loob. Sa
hayop, anuman ang mapukaw na emosyon ay kumikilos ito nang naaayon dito. Kung ito ay galit,
maaari itong mangagat (depende sa kalikasan ng hayop).
Samantalang sa tao, dahil may kamalayan at may kakayahan itong kumuha ng buod o esensiya sa
mga bagay na umiiral, maaaring ang emosyon at ang kilos-loob ay magkakaroon ng magkaibang
pagkilos. Ibinibigay ng isip ang katwiran bilang isang kakayahan upang maimpluwensiyahan ang
kilos-loob.

Isip Kilos - Loob

- Kung ang pandama ay depektibo, nagkakaroon ito ng epekto - Ito ay umaasa sa isip. - Ibinibigay ng
sa isip. - May kakayahang mag-isip, alamin ang diwa at isip ang katwiran bilang isang
buod ng isang bagay. - Ito ay may kapangyarihang kakayahan upang maimpluwensiyahan
maghusga, mangatwiran, magsuri, mag-alaala, at ang kilos-loob. - Ito ay naaakit sa
umunawa ng kahulugan ng mga bagay. mabuti at lumalayo sa masama.

Dalawang Kakayahan ng Tao:


A. Panlabas na Pandama

Paningin

Pang amoy

Values - Quarter 1 Reviewer 1


Panlasa

Pandinig

B. Panloob na Pandama
Kamalyan - pag kakaroon ng malay sa pandama, nakapagbubuod, at nakapag uugnay.
Memorya - kakayahang kilalanin at alalahanin ang nakalipas na pangyayari o karanasan
Imahinasyon - kakayahang lumikha ng larawan sa isip
Instinct - kakayahang maramdaman ang isang karanasan at tumugon ng hindi dumadaan sa
katwiran.

KAHULUGAN NG KONSENSYA
Ang munting tinig sa loob ng tao na nagbibigay ng payo at nag-uutos sa kaniya sa gitna ng
isang moral na pagpapasiya kung paano kumilos sa isang kongkretong sitwasyon (Clark, 1997)
KONSENSIYA

Nagmula sa salitang Latin na cum ibig sabihin ay "with" o mayroon at scientia, na ibig
sabihin ay “knowledge” o kaalaman.

Nangangahulugang "with knowledge" o mayroong kaalaman.lpinahihiwatig nito ang


kaugnayan ng kaalaman sa isang bagay; sapagkat naipakikita ang paglalapat ng kaalaman sa
pamamagitan ng kilos na ginawa.

Sa tulong ng konsensya:

nakikilala ng tao na may bagay siyang ginawa o hindi ginawa.

nahuhusgahan ng tao kung may bagay na dapat sana'y isinagawa subalit hindi niya ginawa o
hindi niya dapat isinagawa subalit ginawa.

nahuhusgahan kung ang bagay na ginawa ay nagawa nang maayos at tama o nagawa nang di
maayos o mali.

Dalawang elemento ng konsensiya


1. PAGNINILAY upang maunawaan kung ano ang tama o mali, mabuti o masama at
PAGHATOL na ang isang Gawain at tama o mali; mabuti o masama
2. PAKIRAMDAM ng obligasyong gawin ang mabuti

Values - Quarter 1 Reviewer 2


Lagi bang tama ang Konsensiya?

Maaring magkamali ang paghuhusga ng konsensiya kung tama o mali ang isang kilos.

Ngunit hindi lahat ng maling gamit ng konsensiya ay maituturing na masama.

May mga pag kakataon na hindi ito kinikilalang masama dahil sa kamangmangan ng isang
tao.

Ano ang kamangmangan?

Ang kamangmangan ay kawalan ng kaalaman sa isang bagay.

Mga Uri ng Kamangmangan


1. Kamangmangang madaraig (vincible ignorance).
2. Kamangmangan na di madaraig (invincible ignorance).

KAMANGMANGANG MADARAIG
Ang kamangmangan ay madaraig kung mayroong pamamaraan na magagawa ang isang tao
upang malampasan ito at ang pagkakaroon ng kaalaman dito ay magagawa sa pamamagitan ng
pagsisikap o pag aaral.
KAMANGMANGAN NA DI MADARAIG
Ang kamangmangan na di madaraig kung walang pamamaraan na magagawa ang isang tao
upang ito ay malalampasan.
Apat na Yugto ng Konsensya
- Pagsusuri ng Sarili/pagninilay.

- Paghatol para sa mabuting pasiya at kilos


- Ang pagkilatis sa particular na kabutihan ng isang sitwasyon

- Alamin at naisin ang mabuti


Ang Likas na Batas Moral

ay likas sa tao dahil sa kanyang kalayaan. Kaya't ang walang kalayaan ay di sakop ng batas
na ito.

Ito ang dapat gawin at di dapat gawin ng tao; kaya't ito ang gumagabay sa kilos ng tao.

Values - Quarter 1 Reviewer 3


Layon nito pagkalooban ang tao ng kinakailangang batayan upang makagawa siya ng
tamang pasya at kilos.

Higit sa lahat, layunin nito ang kabutihan ng tao.

Ang tao ang iisang nilikha na maaaring gumawa ng masama: ang sumira ng kapwa at sumira ng
kanyang sarili.

Aralin 3: MAPANAGUTANG PAGGAMIT NG KALAYAAN

ANO ANG KALAYAAN?


Ito ang madalas na iniisip ng tao tungkol sa kalayaan ang paggawa ng isang bagay na nais niyang
gawin o ang karapatang sabihin ang anumang bagay na nais niyang sabihin.

Kahulugan ng Kalayaan ayon kina:

Sto. Tomas de Aquino

Johann

Lipio

"Ang Kalayaan ay katangian ng kilos-loob na itakda ng tao ang kaniyang kilos tungo sa maari
niyang hantungan at itakda ang paraan upang makamit ito" - Sto. Tomas de Aquino
Ibig sabihin:

ang tao ang nagtatakda ng kaniyang kilos para sa kaniyang sarili

ang remote control ng kanyang buhay ay hawak ng sarili niyang mga kamay

dahil sa pagiging malaya, may kakayahan ang taong piliin kung paano siya kikilos o tutugon
sa nararanasan

Tandaan!!!
Pananagutan ng tao ang kahihinatnan ng kaniyang piniling kilos. Bagama't may kalayaan
ang taong piliin at gawin ang isang kilos, hindi sakop ng kayaang ito ang piliin ang kahihinatnan
ng kilos na pinili niyang gawin.

KALAYAAN AYON KAY JOHANN


Ang KALAYAAN ay karaniwang gumigising sa puso ng bawat tao. Ang tunay na kalayaan ay
ang paggawa lamang ng kabutihan

Values - Quarter 1 Reviewer 4


Ang bawat kilos ay may kakambal na responsibilidad o pananagutan

Dalawang pakahulugan sa Pananagutan na nakakaapekto sa ideya ng kalayaan:

Ang Malayang kilos ay kilos na Bagama't responsible ang tao sa kanyang ginawa, hindi ito
"mananagot ako” nangangahulugan na ang kilos ay mapanagutang kilos

- Ang tao ay dapat managot (be - Hindi mapanagutan ang kilos at hindi tunay na malaya ang tao kapag
accountable) sa mga kilos na wala siyang pakialam sa nakapalibot sa kanya, kung nakakulong sa
kanyang ginawa pansariling interes

"Ang tunay na KALAYAAN ay hindi sariling kalayaan na hiwalay sa sambayanan kundi isang
kalayaang kabahagi ang kaniyang kapuwa sa sambayanan" (SHARED FREEDOM - LIPIO
(2004)

Ginagamit ang kalayaan sa pakikipagkapuwa-tao sapagkat ang TUNAY NA KALAYAAN AY


ANG PAGPAPAHALAGA SA KAPUWA: ANG MAGMAHAL AT MAGLINGKOD

Dalawang Aspekto ng Kalayaan

Kalayaan mula sa (Freedom from) Kalayaan para sa (Freedom for)

Freedom for growing as full


Malaya ang tao kapag walang nakahadlang kaniya upang kumilos o
persons and children of God.
gumawa ng mga bagay bagay gaya ng makasariling interes,
Kalayaan para sa pagtugon sa
pagmamataas, katamaran, kapritso, iba pang negatibong katangian at
pangangailangan ng kaniyang
pag-uugali maaring maging hadlang upang magawa ang ikalawang
kapuwa ang magmahal at
uri ng kalayaan (freedom for)
maglingkod

Aralin 4: Dignidad

Dignidad

galing sa salitang Latin na dignitas na ang ibig sabihin ay "karapat-dapat".

nangangahulugang pagiging karapat dapat ng tao sa pagpapahalaga at paggalang kaniyang


kapwa.

mula sa lahat ng tao ano man ang kaniyang gulang, anyo, antas ng kalinangan at kakayahan
ay may dignidad.

Values - Quarter 1 Reviewer 5


"Lahat ng tao anoman ang kaniyang gulang, anyo, antas ng kalinangan at kakayanan ay may
dignidad. Ito ay nagmula sa Diyos; kaya'y ito ay likas sa tao. Hindi ito nilikha ng lipunan at
ito ay taglay ng lahat ng tao."

Kalakip ng pakikitungo sa kapwa lalong-lalo na sa kapus-palad ay ang sumusunod no


tamang pagkilos:
pagmamagandang - loob, pagmamalasakit, paggalang, pagkukusang-loob, pagbubukas-palad,
pagkamapagbigay, pagkamatulungin, pagiging maalalahanin at kabutihan. Kailanman ay hindi
natin masasabing maganda ang pakikitungo mo sa kapwa kung walang malasakit sa kaginhawan
ng kapwo, gaya ng pambu-bully sa ibang kamag-aral, kapatid, o kalaro.

1. Ugnayan sa Kapwa (Relation to others)

kung paano tayo nagmamagandang loob at nagmamalasakit sa ating sarili ganoon din tayo
dapat magmamagandang magmamalasakit na ating kapwa.

2. Ugnayan sa Lipunan (Relation to society)

Kaakibat ng dignidad ng tao ay ang pagsaalang-alang sa kabutihan ng lahat sa pamamagitan


ng pakikiisa sa pag unlad ng lipunan, pakikisama at pagmamalasakit sa kapwa lalong-lalo na
sa mga kapus-palad (mga mahihirap na umaasa sa pangunahingpangangailangan sa buhay,
mga palaboy sa lansangan, mga yagit ng lipunan, mga tinalikuran ng lipunan. )

3. Ugnayan sa Kalikasan (Relation to Earthly goods/material things)

Ang Kalikasan ay nilikha dahil sa pagmamahal ng Diyos sa tao. Bilang pagtanaw ng utang
na loob sa kabutihan ng Diyos, dapat gamitin ng tao nang may mapanugutang pamumuno
(Stewardship) ang kalikasan sa mabuting paraan, at iwasan ang makasariling pagnanasa
sa kalikasan, sapagka't ito ay nilikha ng Diyos para sa lahat at hindi dapat gamitin sa mga
pamamaraang magdudulot ng hirap sa kapwa

4. Ugnayan sa Sarili (Relation to self)

Igalang at mamahalin ang buhay sa pamamagitan ng pagkilala sa sariling kakayahan,


talento, pisikal na kakayahan at katayuan sa buhay.

Ayon sa Banal na kasulatan, ang Panginoong Hesus ay nagbigay sa atin ng mahalagang kauturan:
“MAHALIN MO ANG IYONG KAPWA GAYA NG PAGMAMAHAL MO SA IYONG
SARILI. ”

Values - Quarter 1 Reviewer 6


Ang tamang pakikitungo sa kapwa ay indikasyon ng pagpapahalaga sa dignidad at pagmamahal
sa Dakilang Manlilikha.

- Sa kabila ng kahirapan maaari pa ring mamuhay ang tao nang may dignidad. Ito ay ating
napatunayon sa nakalipas na ECQ. Ang pandaigdigang problema dulot ng COVID-19 ay
nagpahirap sa maraming bansa. Ang pamahalaan sa pamamagitan. ng "BAYANIHAN ACT, WE
HEAL AS ONE",ay isang konkretong hakbang upang pahalagahan ang dignidad ng tao lalo na
ang mahihirap sa gitna ng krisis na naranasan.

Values - Quarter 1 Reviewer 7

You might also like