You are on page 1of 2

Ang Moral na Pagkatao: EsP Q1

Reviewer
Dignidad
Ang Dignidad ay galing sa Latin na dignitas na ibig sabihin ay karapat-dapat.
Ang karapang pantao ang nagbibibgay ng anyo at kaalaman sa ideyo ng dignidad ng tao.

“Ang Ispiritwal at material na kalikasan ang bumubuo sa tao.” -Sto. Tomas


de Aquino

Isip at Kilos Loob


Ang isip ang proseso ng paghubog ng konsensya kung saan kinakalap ang lahat ng kailangang
kaalaman.
Ang isip ang nagbibigay ng katwiran bilang isang kakayahan upang maimpluwensyahan ang
kilos-loob.
Ang kilos-loob ang proseso ng pagkilos na kung saan sa pamamagitan ng pagpili, pagpapasya at
pagkilos tungo sa kabutihan at pagninilay kung ang nabubuong pagkatao sa sarili ay patungo sa
paglinang ng pagka-personalidad.
Itinuturing makatuwirang pagkagusto ang kilos-loob kung ito ay naaakit sa mabuti at umiiwas sa
masama.
Ang instinct ay ang pagkatangay sa mga sitwasyon na hindi dumadaan sa katwiran.

“Ang pagmamahal ay ang pangunahing kilos sapagkat dito nakabatay ang


ibat-ibang pagkilos ng tao.” - Max Scheler

Konsensya at LBM
Ang Likas na Batas Moral ay ang batayan ng konsensya at kabutihan. Nailalapat ng Likas na
Batas Moral ang konsensya dahil ito ay nagiging gabay ito ng tao sa kung ano ang mabuti at
masama.

Ang Moral na Pagkatao: EsP Q1 Reviewer 1


Ang kabutihan ng tao ang layunin ng pagsasabuhay ng Likas na Batas Moral.
Sa proseso ng paghubog ng konsensya, nakikita natin na puso ang kahandaan na mas piliin ang
mabuti.

Kamay
Ang kamay ay ang proseso ng paghubog ng konsensya ang nagpapakita ng pagkiling sa pagpili
ng mabuti at pagsasabuhay ng mga birtud at pagpapahalaga.

Kalayaan
Ang malayang pagpili ay tumutukoy sa pagpili sa kung ano ang tingin ng taong makabubuti sa
kaniya.
Ang kasunod ng pagkakaroon ng Kalayaan ay ang pagkakaroon ng responsibilidad sa napiling
kilos o gawain.
Ang sukdulang pakahulugan ng responsibilidad ay pagkakaroon ng pananagutan sa bawat kilos.

“Ang tunay kalayaaan ay ang kapwa at mailagay siya una bago ang sarili”
- Robert Johann

Iba pang Katanungan


Sinasabing hindi nilikhang tapos ang tao dahil may pinaghahandaan siyang kinabukasan na siya
mismo ang lililok nito.

Ang tao ay obra maestra ng Diyos dahil binigyan siya ng kakayahang mag-isip at may kilos-loob
dahil nilikha siya na katulad at kawangis ng Diyos.

Ang Moral na Pagkatao: EsP Q1 Reviewer 2

You might also like