You are on page 1of 5

Esp Reviewer

Ang isip ang tumutulong sa tao upang alamin at unawain ang buod ng isang bagay. May
kayayahan din ang isip na suriin, husgahan at mangatwiran ukol sa nararanasan niya sa
kanyang kapaligiran upang tunguhin ang daan sa katotohanan.

Ang tao ay nilikhang hindi pa tapos sapagkat walang sinuman ang nakakaalam kung ano
ang kahihinatnan niya mula sa kaniyang kapanganakan hanggang sa kanyang paglaki.

panlabas na pandama (five senses) nalalaman at naiintindihan ng tao ang kanyang


kapaligiran na siyang nagbibigay daan sa kanyang panloob na pandama

Kamalayan(consciousness)-pagkakaroon ng malay sa pandama.

Memorya- kakayahang alalahanin ang nakalipas na pangyayari.

Imahinasyon-kakayahang lumikha ng larawan gamit ang isip.

Instinct- kakayahang tumugon sa isang karanasan at tumugon ng hindi dumadaan sa


katwiran.

Ang kilos-loob ay isang makatwirang pagkagusto. Umaasa ito sa isip, kaya mula sa
paghuhusga ng isip ay sumusunod ang malayang pagnanais ng kilos-loob. Ito ang
dahilan kung bakit may kakayahan ang tao na gawin o iwasan ang kilos na nag-uudyok
sa tao na kumilos ng tama at may pagmamahal.

Ang isip at kilos-loob ang nagbibigay kakayahan sa tao upang kumilos ng tama ayon sa
sitwasyon.

Layunin ng Aksyon-tumutukoy sa dahilan o intensyon ng kilos.


Layon ng May-Aksyon-ito ay tumutukoy sa motibo at personal na intensyon ng taong
gumagawang kilos. Dito ay magkakaroon ng pagkakaiba
Mga pangyayari-upang matiyak na ang isip at kilos-loob ay nakatuon sa mabuting
pagpapasya mahalaga na suriin ang mga elemento na kasangkot sa sitwasyon.

Ang Likas na Batas Moral ay ibinigay sa tao dahil nakikibahagi siya sa karunungan at
kabutihan ng Diyos. Sa pamamagitan ng batas na ito, may kakayahan siyang kilalanin ang
mabuti sa masama. Ngunit may kakayahan din ang tao na gumawa ng mabuti o masama
dahil sa kaniyang malayang kilos- loob.

Unang Prinsipyo: “Gawin ang mabuti, iwasan ang masama”- May kakayahan ang tao
na kilalanin ang mabuti o masama
Ikalawang Prinsipyo
• • Kasama ng lahat ng may buhay, may kahiligan ang taong pangalagaan ang
kaniyang buhay- Kung likas na inaalagaan ng tao ang kaniyang sariling buhay, natural
lamang na likas itong maibahagi sa kaniyang kapwa.

Likas sa tao (nilikhang may kamalayan at kalayaan) ang pagpaparami ng uri at


palakihin ng maayos ang mga anak. Inaasahang ang kabutihang nakatanim sa bawat
magulang batay sa Likas na Batas Moral ang siya niyang gagamitin upang hubugin ang
kaniyang anak.

Bilang rasyonal na nilalang, may likas na kahiligan ang tao na alamin ang
katotohanan at mabuhay sa lipunan-Sa pamamagitan lamang ng pagkakaroon ng
kaalaman ganap na mahahanap ng tao ang katotohanan at maging katuwang ng lipunan

Konsensiya- ay isang natatanging kilos pangkaisipan, isang paghuhusga ng ating sariling


katuwiran.

Ang Apat na Yugto ng Konsensiya


Unang Yugto: Alamin at naisin ang mabuti. Ang tao ay nilikha na may likas na pagnanais
sa mabuti at totoo. Binigyan siya ng kakayahan upang malaman kung ano ang mabuti at
totoo.

Ikalawang Yugto: Ang pagkilatis sa partikular na kabutihan sa isang sitwasyon. Ang


pag-aaral ng sitwasyon, pangangalap ng impormasyon, pagsangguni na sinusundan ng
pagninilay na naghahatid sa paghatol ng konsensiya.

Ikatlong Yugto: Paghatol para sa mabuting pasiya at kilos- oras ng paghatol ng


konsensiya, kung saan wari’y sinasabi sa atin, “Ito ay mabuti, ito ang kinakailangan mong
gawin,” o kaya naman ay, “Ito ay masama, hindi mo ito nararapat na gawin.”

Ikaapat na Yugto: Pagsusuri ng Sarili / Pagninilay-Sa sandaling ito, binabalikan natin


ang ginawang paghatol. Pinagninilayan natin ang ating paghatol upang matuto mula sa
ating karanasan.

Ang layunin sa paghubog ng konsensiya ay mahubog ang pagkatao batay sa


pagsasabuhay ng mga birtud ng pagpapahalaga at katotohanan upang matiyak na ang
sarili ay magpapasiya at kikilos batay sa kung ano ang tama at mabuti. Sa proseso ng
paghubog ng konsensiya gamitin nang mapanagutan ang sumusunod:

ISIP ang pag-aaral, pagkatuto, pagtatanong, pag-alam at pagkuha ng mga impormasyon,


paghingi ng payo, panalangin, pagkakaroon ng kahandaan na baguhin ang nilalaman ng
isip, pagiging maingat sa pagpapasiya sa kung ano ang pinakamabuting kilos na nararapat
gawin,
KILOS-LOOB Sa pamamagitan ng pagpili, pagpapasiya at pagkilos tungo sa kabutihan at
pagninilay
PUSO Pananalangin, pagkakaroon ng mas malalim na kakayahan sa pagkilala ng mabuti
laban sa masama, kahandaan na mas piliin ang Mabuti

KAMAY Palaging isakilos ang ginawang pagkiling o pagpili sa mabuti, pagkakaroon ng


pananagutan sa anumang kilos, pagsasabuhay ng mga birtud at pagpapahalaga,
pakikihalubilo sa mga taong tunay na susuporta sa paghubog ng mga moral na
pagpapahalaga

Ayon kay Santo Tomas de Aquino ang kalayaan ay katangian ng kilos-loob

ang tao ang nagtatakda ng kanyang kilos para sa kanyang sarili. Walang anumang
pwersa sa labas ng tao ang maaaring magtakda para sa kaniya.

Ang Kalayaan ay kumikilos ayon sa sariling plano at pagpapasya at protektado ng


karapatang pantao

Ang tunay na Kalayaan ay pagkaalipin sa paglilingkod nang may buong pagmamahal sa


iba.

Mananagot ako Kaya may pananagutan ang tao sa kalalabasan ng kaniyang


ginawa. Nangangahulugan itong kailangang harapin ng tao ang kahihinatnan ng
kaniyang ginawa. Ang tao ang mananagot sa mismong kilos na kaniyang pinili.

Bilang tao, ako ay responsable sa aking mga kilos, subalit hindi ito
nangangahulugang ako ay isang responsableng tao. Ang responsableng tao
kung ganun ay pinag iisipin ang kanyang kilos na isasagawa ayon sa konteksto
ng sitwasyon

Tandaan ang pagiging malaya ay pagkakaroon ng kakayahang kumilos nang


rasyonal o naaayon sa katuwiran at ang makatuwirang kilos ay humihingi ng
pagiging malaya sa pagiging makasarili (egoism).

Ang tunay na kalayaan ay hindi sariling kalayaan ng tao na hiwalay sa sambayanan kundi isang
kalayaang kabahagi ang kaniyang kapuwa sambayanan. Ginagamit ang kalayaan sa pakikipag
kupwa tao.

ANG KAKAMBAL NG KALAYAAN AY RESPONSIBILIDAD

Dalawang aspekto ng kalayaan, ang kalayaan mula sa freedom from at kalayaan para sa
freedom for
Kalayaan mula sa (freedom from) Kailangang maging Malaya ang tao mula sa makasariling
interes, pangmamataas. Katamaran, kapritso at iba pang nagiging hadlang upang magawa niya
ang ikalawang uri ng kalayaan

Kalayaan para sa (freedom for) Ang tunay na kalayaan ayon kay johann ay ang Makita ang
kapuwa at mailagay siyang una bago ang sarili.Gagamitin niya ang kalayaan para tumugon sa
hinihingi ng sitwasyon.

Mga konseptong dapat matandaan ukol sa kalayaan

Kilos loob: Ang tao ang nagtakda ng kaniyang kilos para sa kaniyang sarili.

Karapatang pantao: Pamantayang moral ng kilos tao sa paggawa at nagsisilbing proteksyon


bilang malayang tao.

Responsibilidad: Ang responsibilidad ay ang kakayahan ng taong tumugon sa obhektibong


tawag ng pangangailangan ng sitwasyon.

Pananagutan: Bagamat may kalayaan ang taong piliin at gawin ang isang kilos, kinakailngan
panagutan ang magiging resulta nito.

Uri ng kalayaan

Horizontal freedom( malayang pagpili) tumutukoy sa pagpili sa kung ano ang tingin ng taong
makabubuti para sa kanya.

Vertical freedom o Fundametal Option;Fundamental option ng pagmamahal-pataas patungo sa mas


mataas na halaga o at

Fundamental option ng pagkamakasarili ( egoism)- pababa patungo sa mas mababang halaga

Ang dignidad ay ang dangal ng pagkatao. Ito ang pagkabanal at pagkabukod- tangi ng
tao na nag- uugat mula sa kanyang material at espiritwal na kalikasan. Pagkasilang pa
lamang ay may dignidad na ang tao

Karapatang Pantao- bawat tao ay may dangal na pinagmumulan ng kanyang karapatan.


Ang pagsanggalang at paggalang nito ay iginagawad para sa lahat maging anuman
ang gulang, kabuhayan, kasarian, relihiyon o lahi

Paggalang sa Sarili: Simula ng Paggalang sa Pantaong Dignidad- Ang pangangalaga


sa sariling dangal.
Paggalang sa Karapatan ng Kapwa: Paggalang sa Dangal Pantao – Kung may
kakayahan ang tao na igalang ang kanyang sariling dignidad, magagawa din niyang igalang
ang dignidad ng iba. Kung ano ang likas sayo ay likas din sa iyong kapwa.

Ano ang nakakaapekto sa Dangal Pantao?


Ang konsepto ng dangal ay walang higit na mababa o higit na mataas. Lahat ng tao ay
pantay pantay
Ang dangal ay ibinababa kapag ang tao ay nagiging masama. Ang taong
nagpapakabuti ng pagkatao ay nagpapakabuti rin ang kanyang dangal. Ang
pagbabago ng dangal ay maaaring dulot ng sarili o panloob na mga salik o dulot ng
panlabas na salik

Ang kahirapan ay maaaring kakulangan ng pangunahing pangangailangan ng tao tulad ng


tirahan, pananamit at pagkain.

Ang ugat ng kahirapan ayon kay Karl Marx ay ang pag-iral ng pansariling interes sa loob ng pagkatao
upang matugunan ang pansariling pangangailangan at kagustuhan na humahantong sa
Kapitalismo.Kahirapan din ang dahilan kung bakit naapakan ang dignidad ng tao.

ANG MGA PRINSIPYO NG DIGNIDAD NG TAO NA NALALABAG KAPAG ITINUTURING NA MAS MABABA
(MAHIRAP) ANG KAPWA.

Ang tao ay ibinibilang na banal mula sa kanyang pagkalalang hanggang sa kanyang


kamatayan at nilalang na kawangis ng Diyos, Ang dignidad ng tao ay nangingibabaw sa
anumang antas ng lipunan kaya’t naniniwala tayo na kailangang kalingain ang mga
mahihina, madaling mabiktima, matatanda, may kapansanan, at mahihirap

Ang bawat isa ay dapat kinikilalang kaugnay o kaisa ng ibang tao sa lipinan.
Iwasan ang panglalait at diskriminasyon tanggapin natin ang lahat n gating kapwa bilang tao
wala ng iba.

Ang dignidad ng tao ay ipinagtatanggol sa pamamagitan ng paggalang, pagmamahal


at pag- aaruga sa buhay. ang tao ay nahuhusgahan batay sa kanyang ganda, talino,
hanapbuhay, antas ng kabuhayan o katutubong katangian. Nakalilimutan na ang mismong
pagkatao na may dangal o dignidad ang siyang tanging batayan ng paghuhusga.

Ang pagkatao na may dangal o dignidad ang siyang tanging batayan ng


paghuhusga

You might also like