You are on page 1of 7

MODYUL 5 kilos.

Hindi gagawin ng isang tao ang isang bagay na


ANG PAGKUKUSA NG MAKATAONG KILOS hindi niya inisip at ginusto.

KILOS - ang nagbibigay patunay kung ang isang tao ay may kontrol 2. Kalayaan (Freedom) – Ang gawi ng tao ay kanyang
at pananagutan sa sarili. Dito rin nakasalalay anumang uri ng itinakda at niloob. Ito ay bunga ng kalayaan ng kalooban
tao ang isang indibiduwal ngayon at kung magiging anong na magpasya ayon sa nadarama nito. Dahil sa kalayaang
uri siya ng tao sa mga susunod na araw ayon kay Ramon ito ng kalooban, nakapagpapasya ang tao ng isang bagay
Agapay. na kanyang gagawin o hindi gagawin. Kung kaya
mahalaga na mahubog ang kalooban ng bawat isa na
Dalawang Uri ng Kilos pumili ng mabubuting gawa/gawi.
1. Kilos ng Tao (Act Of Man) - mga kilos na nagaganap sa tao.
Ito ay likas sa tao o ayon sa kaniyang kalikasan bilang tao 3. Pagkukusa (Voluntariness) – Ang isang gawi ay kusa kung
at hindi ginagamitan ng isip at kilos-loob. Ang kilos na ito ito ay pinag-isipang mabuti at malayang naisasagawa. Ito
ay masasabing walang aspekto ng pagiging mabuti o ay resulta ng pinagsamang kalayaan at kaalaman. Ito ay
masama - kaya walang pananagutan ang tao kung tinaguriang “will-act” o ginustong gawa.
naisagawa ito.

2. Makataong Kilos (Human Act) - kilos na isinagawa ng tao Tatlong Uri ng Kilos ayon sa Kapanagutan (Accountability)
nang may kaalaman, malaya, at kusa. Ang kilos na ito ay 1. Kusang-loob. Ito ang kilos na may kaalaman at pagsang-
resulta ng kaalaman, ginamitan ng isip at kilos-loob kaya’t ayon. Ang gumagawa ng kilos ay may lubos na
may kapanagutan ang tao sa pagsasagawa nito. pagkaunawa sa kalikasan at kahihinatnan nito.
Karaniwang tinatawag itong kilos na niloob, sinadya at 2. Di kusang-loob. Dito ay may paggamit ng kaalaman ngunit
kinusa sapagka’t isinasagawa ito ng tao sa panahon na siya kulang ang pagsang-ayon. Makikita ito sa kilos na hindi
ay responsable, alam niya ang kaniyang ginagawa at ninais isinagawa bagaman may kaalaman sa gawain ana dapat
niyang gawin ang kilos na ito. Ang makataong kilos ay kilos isakatuparan.
na malayang pinili mula sa paghuhusga at pagsusuri ng
konsensiya. Pananagutan ng taong nagsagawa ng 3. Walang kusang loob. Dito ang tao ay walang kaalaman
makataong kilos ang bunga ng kaniyang piniling kilos. Kung kaya’t walang pagsang-ayon sa kilos. Ang kilos na ito ay
mabuti ang kilos, ito ay katanggap-tanggap. At kung hindi pananagutan ng tao dahil hindi niya alam kaya’t
masama ang kilos, ito naman ay kahiya-hiya at dapat walang pagkukusa.
pagsisihan.
Layunin: Batayan ng Mabuti at Masamang Aksyon
Mga Katangian ng Makataong Kilos / Asal 1. Layunin ng Aksyon (The End of Action). Ang pagkain ay
1. Kaalaman (Knowledge) – Ang makataong kilos ay para sa kalusugan at ang pag-aaral ay para sa pagkatuto.
nagsisimula sa pagkakaroon ng kaalaman tungkol sa Batay sa mga halimbawa, ang aksyon mismo ang batayan
kalikasan at posibleng epekto ng gawi. Nangangahulugan ng moralidad. Ang isipan ng tao ay may kakayahang makita
1

ito ng tiyak na kamalayan ng tao na nagsasagawa ng ang masama at mabuti. Ang mabubuting aksyon ay tama
Page

dahil likas na layon nito ay ang mabuti at masama dahil


likas na layon nito ang masama. Ang mismong aksyon na na pagpipilian o pinili lamang ang mas nakabubuti sa iyo na
pagbibigay ng limos sa pulubi ay mabuti, at ang aksyon ng walang pagsasaalang-alang sa maaaring epekto nito? -
pagnanakaw ay masama. Iniwasan mo ba ang pagpipilian/opsiyon na mas humihingi
ng masusing pag-iisip? - Ang lahat ba ay bumabalik lamang
2. Layon ng may aksyon (The End of an Agent). Ito ay ang
sa pansariling kabutihan na hindi nagtataguyod ng
intensyon o layunin ng tao na gumagawa ng mabuti. Ang
kabutihan ng iba?
layunin ng taong gumawa ng aksyon ay iba-iba, subalit ang
layunin ng aksyon ay nananatiling pareho. Ang pagiging 4. Pagsasakilos ng paraan. Dito ay ginagamit ang kilos-loob
mabuti at masama nito ay nakasalalay sa intensiyon ng na lalong nagpapalakas ng isang makataong kilos upang
gumawa ng aksyon kung bakit ginawa ito. Halimbawa, sa maging tunay na mapanagutan. Ang pagkilos sa pamaraan
pagtulong sa kapwa, hindi agad masasabing mabuti at ay ang paglapat ng pagkukusa na tunay na magbibigay ng
masama ang ipinakita maliban sa layunin ng gagawa nito. kapanagutan sa kumikilos.

Mga Ideolohiya ng Tao na Nakaaapekto sa Pamantayan ng


Makataong Kilos at Obligasyon Makataong Kilos:
Ayon kay Santo Tomas, hindi lahat ng kilos ay obligado. 1. Hedonismo - isang paniniwala na ang pinakamataas na
Ang isang gawa o kilos ay obligado lamang kung ang hindi pagtuloy layunin ng tao ay magkamit ng kasiyahan. Mabuti ang
sa paggawa nito ay may masamang mangyayari. Dapat piliin ng aksyon kung ito ay nagbibigay ng makamundong
tao ang mas mataas na kabutihan - ang kabutihan ng sarili at ng kaligayahan sa tao, samantalang masama ang kilos kung
iba, patungo sa pinakamataas na layunin. nagbibigay ito ng hirap at pagdurusa.
2. Utilitaryanismo – isang teoryang naniniwala na ang
Kabawasan ng Pananagutan: Kakulangan sa Proseso ng Pagkilos pagkakaroon ng pakinabang sa isang kilos ang siyang
Ayon kay Aristoteles, may eksepsiyon sa kabawasan sa pamantayan ng moralidad. Mabuti ang kilos na may
kalalabasan ng isang kilos kung may kulang sa proseso ng pagkilos. pakinabang at mali naman ang walang pakinabang. Sa
May apat na elemento sa prosesong ito: paglalayon, pag-iisip ng paniniwalang ito, itinuturing ang isang tao bilang isang
paraan na makarating sa layunin, pagpili ng pinakamalapit na gamit o bagay na maaaring itapon o ibasura kung walang
paraan, at pagsasakilos ng paraan. pakinabang.
3. Moral na Evolusyonismo – naniniwala na ang moralidad ay
1. Paglalayon. Kasama ba sa nilalayon ang kinalabasan ng di pa ganap; unti-unti at patuloy itong nagbabago at sa
isang makataong kilos? Kung sa kabuuan ng paglalayon ay pagdaan ng panahon ay nagiging perpekto. Si Friedrich
nakikita ng tao ang isang masamang epekto ng kilos na sa Nietzche, isang pilosopong Aleman, ang nagpatanyag nito.
kaniya ang kapanagutan ng kilos. Anumang kilos at gawa na tumutulong sa tao upang
maging malakas at makapangyarihan ang siyang batayan
2. Pag-iisip ng paraan na makarating sa layunin. Ang ng moralidad. Samantala ang nakapagpapahina ng karakter
pamaraan ba ay tugma sa pag-abot ng layunin at hindi ng tao tulad ng pagpapakumbaba, awa at kapatawaran ang
lamang kasangkapan sa pag-abot ng naisin? Dito ay siyang maituturing na masama at balakid sa kanyang
ginagamit ang tamang kaisipan at katuwiran. pagiging ganap na superman (survival of the fittest).
4. Moral na Positivismo – isang paniniwala na ang batayan ng
2

3. Pagpili ng pinakamalapit na paraan. Sa puntong ito, moralidad ay ang mga batas ng estado. Masasabing mabuti
Page

itatanong mo: - Nagkaroon ba ng kalayaan sa mga opsiyon ang gawa o kilos ng tao kung umaayon ito sa ipinaiiral na
mga batas at masasabing masama naman ito kung kanyang sarili ng taong kasangkot sa pamamagitan lamang ng
ipinagbabawal ng batas. ordinaryo/ karaniwang pamamaraan. Ito ay may tatlong antas.
5. Komunismo – isang pananaw na nagpapalagay na ang Ito ang crass o supine, simple, at affected.
pagkakapantay-pantay ng tao at pagkakaroon ng lipunang (1.) Crass or Supine Vincible Ignorance – kung walang
walang pag-uuri-uri ang siyang batayan ng moralidad. ginawang pagsisikap ang taong kasangkot upang malunasan
Anumang gawain na maituturing na makatutulong upang ang kamangmangan.
makamit ang ganitong tunguhin ay moral at tama (hindi na (2.) Simple Vincible Ignorance – kung nagkaroon ng
mahalaga kung sa anupamang kaparaanan ito makamit). pagsisikap ang taong kasangkot na maalis ang kanyang
kamangmangan ngunit siya ay nabigo maaaring dahil na rin sa
kakulangan ng sapat na kakayahan o talino.
MODYUL 6 (3.) Affected Vincible Ignorance – kung ang taong
MGA SALIK NA NAKAAAPEKTO SA PANANAGUTAN NG TAO kasangkot ay tuwirang nagpapanggap ng kawalan ng
SA KAHIHINATNAN NG KILOS AT PASIYA kaalaman upang siya ay mapawalan ng pananagutan o di
May mga salik na maaaring makaapekto sa mga elemento ng masisi sa isang pangyayari.
kilos/asal: ang kaalaman, kalayaan at pagkukusa. Ang mga salik Ang di-nalulunasang kamangmangan o invincible
na ito ay tinatawag sa Ingles na “modifiers of human acts”. Ang ignorance ay ang uring maaaring taglayin ng tao nang di niya
mga “modifiers of human acts” ay may malaking epekto sa mga namamalayan (the agent “does not realize his own state of
elemento ng kilos/asal sa kadahilanang, kung ang taong kumikilos ignorance”), o maaaring imposible para sa kanya na
ay may higit na kaalaman, kalayaan at pagkukusa, siya ay may magkaroon ng sapat na kakayahan upang malunasan ang
higit na pananagutan sa mga kahihinatnan ng kanyang kilos. Sa kanyang kamangmangan.
kabilang dako, kung ang taong kumikilos ay kulang o walang
kaalaman, kalayaan at pagkukusa, siya ay may mas maliit o Apat na Prinsipyong Tumutukoy sa Pananagutan ng Tao
maaaring maituring na walang pananagutan sa maaaring Kaugnay ng Kamangmangan:
kahinatnan ng kilos. 1. Walang pananagutan ang taong gumawa ng aksyon dahilan sa
May limang mga salik na maaaring mag-udyok sa tao kanyang di-nalulunasang kamangmangan (invincible
na gumawa ng masama (modifiers of human acts). Ito ay ang mga ignorance).
sumusunod: kamangmangan (ignorance), masidhing 2. Ang nalulunasang kamangmangan (vincible ignorance) ay hindi
damdamin (passion or concupiscence), takot o pangamba nakasisira sa pagkukusa ng taong gumagawa ng aksyon.
(fear), tahasang pamimilit at paggamit ng dahas upang 3. Ang simple vincible ignorance ay nakapagpapababaw sa
manakot (violence), at mga kinaugalian o bisyo (habits). pagkukusa ng taong gumagawa ng aksyon.
4. Ang crass at affected vincible ignorance ay hindi maaaring
KAMANGMANGAN (Ignorance) – tumutukoy sa kawalan o gamiting dahilan ng isang tao sa kanyang mga maling kilos; sa
kasalatan ng kaalaman ukol sa mga aksyon o mga karanasan katunayan, napalalaki nito ang pananagutan ng tao dahil ang
at pangyayari. Hindi ba’t pamilyar nang alibi ito ng mga taong kamangmangan ay ginamit lamang na alibi upang makaiwas sa
nagkasala? Ngunit hindi ito sapat na kadahilanan upang iwasan pananagutan.
natin ang ating pananagutan dahil inaasahan na ang taong may
sapat na gulang at kaisipan ay may kaalaman sa tama o mali. MASIDHING DAMDAMIN (Passion or Concupiscence) –
Ang kamangmangan ay maaaring nalulunsan o di- tumutukoy sa masidhing pag-asam o paghahangad na
3

nalulunasan (vincible or invincible). Ang nalulunasang makaranas ng kaligayahan o kasarapan at pag-iwas sa mga
Page

kamangmangan o vincible ignorance maaaring tanggalin sa bagay o karanasan na nagdudulot ng sakit at hirap. Ito ay
maituturing na mga psychic responses ng tao sa mga Mahalagang mabigyang-pansin dito ang mga kilos
karanasan niya sa buhay. Muli, ang tao ay may pananagutan na ginawa ng may takot (with fear) at ng dahil sa takot
upang mapangasiwaan ang kanyang emosyon at damdamin. (from fear or out of fear).
Hindi sapat na dahilan ang galit, o matinding pagnanasa upang a. May mga gawaing likas na mapanganib at isinasagawa na
bigyan ng katwiran, halimbawa, ang panghahalay sa isang may kaukulang antas ng takot o pangamba (with fear)
bata o babae o kaya naman ay pagpatay sa isang tao. Kung gaya ng pag-akyat sa matarik na bangin, pamamangka sa
bibigyan ng katwiran ang mga pagkilos na ito, isipin mo na maalong dagat at pag-aresto sa isang kriminal. Sa mga
lamang ang dulot nitong kaguluhan kung dahil sa galit ay gawaing tulad nito, ang tao ay may kontrol sa kanyang sarili
maaaring pumatay ang tao. Kung kaya, ang paghubog ng mga sa kabila ng nadaramang takot o pangamba.
positibong damdamin at malusog na pagtanggap sa mga b. May mga gawaing ginagawa ng isang tao ng dahil sa takot
limitasyon sa buhay at isang daan upang mapangasiwaan (out of fear). Dito, may kung anong kapangyarihang
natin ang ating mga damdamin. Ang labis na pag-asam, nagtutulak sa tao na kumilos nang hindi maingat na napag-
sobrang pagseselos, pagkasuklam at pagnanasa ang siyang iisipan ang magiging bunga ng kanyang gagawin.
nagdadala sa atin sa kapahamakan at maging sa kamatayan.
Mga Prinsipyong Kaugnay ng Takot o Pangamba
1. Ang mga kilos na ginawa ng may takot ay kinusa,
Dalawang Uri ng Masidhing Damdamin (Passion) samakatwid, ang taong gumawa nito ay may pananagutan/
1. Antecedent Passion – tumutukoy sa emosyon na nadarama buong-buong pakikisangkot sa kanyang naging kilos/aksyon,
bago umaksyon. Ito ay maaaring magtulak sa tao upang anuman ang maging bunga nito.
kumilos. 2. Ang mga kilos na ginawa ng dahil sa takot ay kinusa ngunit
2. Consequent Passion – tumutukoy sa mga emosyong sa ilang mga pagkakataon, ay maaari ring maituring na
sinadyang alagaan at palaguin sa kalooban. Ito ay maaaring kondisyunal ang kanyang pakikisangkot dito.
tumukoy sa mga gawaing ginagawa ng tao upang makadama 3. Ang mga kilos na ginawa ng dahil sa matinding takot at
ng uri ng emosyon o pag-asam na kanyang ginusto. pangamba gaya ng pagpa-“panic” ay hindi kinusa, samakatwid,
ang taong gumawa nito ay walang pananagutan sa kanyang
Mga Prinsipyong Kaugnay ng Masidhing Damdamin/ Passion naging aksyon.
1. Hindi nawawasak ng antecedent passion ang pagkukusa ng
taong gumagawa ng aksyon ngunit maaaring mapababaw nito
ang kanyang pananagutan sa kinahinatnan ng kilos/ aksyon. TAHASANG PAMIMILIT AT PAGGAMIT NG DAHAS UPANG
MANAKOT (Violence) – tumutukoy sa anumang uri ng
2. Hindi nawawasak ng consequent passion ang pagkukusa ng
pagbabanta sa buhay ng tao. Tumutukoy rin ito sa pagpapataw
taong gumagawa ng aksyon at maaari nitong mapalaki ang
kanyang pananagutan sa anumang kinahinatnan ng kanyang ng pwersa gaya ng pananakit o pagpapahirap upang isagawa
ng isang tao ang isang gawain o kilos na labag sa kanyang
ginawa bunga nito.
kalooban. Kasama rin dito ang pananakot sa tao o sa kanyang
TAKOT O PANGAMBA (Fear) – tumutukoy sa pagkagambala ng mga mahal sa buhay upang mapasunod itong gumawa ng
isip ng isang taong nakadarama ng nagbabantang panganib at masama. Ang ganitong kadahilanan ay kadalasang
paghahangad na makaiwas dito. Ang tanging layon nito ay isinasaalang-alang sa pagsusuri ng mga kasong kriminal.
mapangalagaan ang sarili sa kasamaang maaaring maidulot ng
4

pinangangambahang panganib.
Page
Prinsipyong Kaugnay sa Tahasang Pamimilit (Violence) 5. Masusing pagsusuri ng 6. Paghuhusga sa paraan
*** Ang mga kilos na isinagawa bunga ng tahasang pamimilit at paraan
paggamit ng dahas ay hindi sinadya, kung kaya maituturing na 7. Praktikal na paghuhusga sa 8. Pagpili
walang pananagutan ang taong nagsagawa nito. pinili
9. Utos 10. Paggamit
11. Pangkaisipang kakayahan 12. Bunga
MGA KINAUGALIAN O BISYO (Habits) – tumutukoy sa mga ng layunin
paulit-ulit na kilos o gawi na maaaring mabuti o masama.
Tinatawag na birtud/birtyu ang mabubuting kilos na bahagi na Apat na Yugto ng Makataong Pagkilos na Pinagdadaanan ng Tao
ng sistema ng pagkatao ng isang indibidwal. Samantalang sa Buhay:
bisyo naman ang taguri o katawagan sa mga kilos na 1. Kamalayan (Awareness) – Pagkakaroon ng kaalaman sa mga
masasama. Kadalasan, kakailanganin ng isang tao ang matatag pangyayari.
na kalooban at kagustuhan upang talikuran ang mga bisyo 2. Pagkakaroon ng Interes sa Nakikitang mga Pangyayari
gaya ng paninigarilyo, pagsusugal o kaya naman ay pag-inom (Interest) – Pagkakaroon ng pagnanais ng matuklasan ang ang
ng alak. Ang mga ito ang ilang kadahilanan kung bakit mga dahilan ng mga pangyayari. Dito napupukaw ang
nakagagawa ng masama ang isang tao. Kinokontrol ng bisyo kamalayan ng tao na gustuhing malaman ang mga bagay-bagay
ang kagustuhan ng tao at inuudyukan siyang magsagawa ng na umiikot sa anumang problema, at sa kusang loob na
mga bagay upang suportahan ang kanyang mga bisyo, pagninilay-nilay, napag-iisipan ng tao ang maaaring maging
halimbawa, magnakaw upang matustusan ang bisyo o solusyon sa suliranin.
sukdulang pumatay bunga ng pagkalulong dito. 3. Pagpapasiya (Decision-making) – ang pagpapasiya tungo sa
ikalulutas ng problema o ikabubuti ng pangyayari. Dito
nagpapasiya ang tao na humanap ng paraan, pinag-iisipan niya
Mga Prinsipyong Kaugnay sa mga Kinaugalian o Bisyo kung ano nga ba ang gagawin niya.
4. Pagkilos (Action) – ang magbibigay-katuparan sa lahat ng
1. May pananagutan ang tao sa anumang magiging bunga ng
nagawang pagninilay-nilay, pagtitimbang-timbang, at
kanyang mga kilos na nakagawian (the force of habit).
pagpapasiya.
2. Kung nagpapakita ng makatwirang pagsisikap ang tao upang
maituwid ang isang masamang bisyo o kinagawian, ang
 Ang mabuting pagpapasya ay isang proseso kung saan malinaw
pagkakamaling maidudulot nito ay maaaring maituring na hindi
na nakikilala o nakikita ng isang tao ang pagkakaiba-iba ng mga
sinasadya.
bagay-bagay. Ito ay mahalaga sapagkat dito nakasalalay ang
ating pagpili.
MODYUL 7: MGA YUGTO NG MAKATAONG PAGKILOS  May kalayaan ang bawat isa sa anumang gugustuhin niyang
gawin sa kaniyang buhay. Ngunit sa bawat gagawing pasya,
Mga Yugto Ng Makataong Pagkilos Ayon Kay Sto. Tomas De Aquino
kinakailangan ng tao ang gabay ng Diyos.
Isip Kilos-loob
1. Pagkaunawa sa layunin 2. Nais ng layunin  Sa anumang isasagawang proseso ng pagpapasya, mahalaga na
3. Paghuhusga sa nais 4. Intensiyon ng layunin mabigyan ito ng sapat na panahon. Malaki ang maitutulong nito
5

makamtan sapagkat mula rito ay mapagninilayan ang bawat panig ng


Page

isasagawang pagpili.
 Ang wastong paggamit ng kalayaan at kusang-loob na pagkilos 4. Tingnan ang kalooban (Turn inward). Ano ang sinasabi sa iyo
ay mayroong multiplier effect. Ibig sabihin, ang kabutihan na ng iyong kalooban tungkol sa sitwasyon? Ano ang sinasabi ng
ipinunla ay nanganganak pa ng mas maraming kabutihan. iyong konsensiya? Ano ang personal mong nararamdaman ukol
sa sitwasyon? Ang lahat ng katanungan ay kailangan mong
 Ang bawat pagpili o pagpapasyang ginagawa ng tao ay
sagutin sapagkat sa anumang pasiya na iyong gagawin,
kailangang kakitaan ng deliberasyon sa isip at kilos-loob sa
kailangan na ikaw ay magiging masaya.
paggawa ng moral na pasiya ng kilos.
5. Umasa at magtiwala sa tulong ng Diyos (Expect and trust in
God’s help). Tanging ang Diyos lamang ang nakaaalam ng
Mga Hakbang sa Moral na Pagpapasya
pinakamabuti para sa atin, kaya’t napakahalaga na tumawag sa
1. Magkalap ng patunay (Look for the facts). Mahalaga na sa
Kaniya sa pamamagitan ng panalangin. Ito ang pinakamabisang
unang hakbang pa lamang ay tanungin mo na agad ang iyong
paraan upang malaman kung ano ang magandang plano Niya
sarili. Naririto ang mga halimbawa ng tanong:
para sa atin. Ito rin ang magsisilbing lakas na magagamit sa
a. Anong patunay ang aking kailangang malaman upang sandaling dumaranas sa mahirap na sitwasyon.
makagawa ng mabuting pasiya?
6. Magsagawa ng pasiya (Name your decision). Dito ay
b. Ano ba ang nangyayari sa sitwasyon? magsasagawa ka na ng pagpapasiya. Maaari mong tanungin
ang iyong sarili kung bakit mo ito pinili. Ano ang iyong mga
c. Bakit ito nangyayari? plano sa iyong ginawang pagpili? Ikaw ba ay masaya rito? Ito
ba ay batay sa moral na pamantayan? Makatutulong ang mga
d. Sino-sino ang taong kasali o kasangkot?
tanong na ito upang kung mayroon ka pang agam-agam o
e. Bakit sila napasali sa sitwasyon? pagkalito sa iyong pipiliin, ay mapagnilayan mo itong mabuti.

f. Saan nangyari ang sitwasyon?

2. Isaisip ang mga posibilidad (Imagine possibilities). Mahalaga na


tingnang mabuti ang mga posibilidad na mga pagpipiliang
magagawa para sa sitwasyon. Dito ay kailangang makita kung MODYUL 8
ano ang mabuti at masamang kalalabasan nito. Ano ang LAYUNIN, PARAAN AT SIRKUMSTANSIYA NG MAKATAONG
maaaring maging epekto nito hindi lamang sa sarili kundi para KILOS
sa ibang tao.

3. Maghanap ng ibang kaalaman (Seek insight beyond your own). Ang makataong kilos ay bunga ng ating isip at kagustuhan
Hindi sa lahat ng oras o pagkakataon ay alam mo ang mabuti. na nasasalamin ang ating pagkatao. Kung ano tayo at kung
Kailangan mo pa ring maghanap ng mga magagandang ano ang kalabasan ng ating kilos ay batay sa ating
kaalaman na maaaring makapagbigay sa iyo ng inspirasyong
pagpapasiya. Nangangahulugan ito na hindi lahat ng ating
makagawa ng tamang pagpapasiya. Halimbawa, maaari mong
tanungin ang iyong sarili. Ito ba ang nais ng Diyos na gawin ko? isinasagawang kilos ay mabuti.
6
Page

Ito ba ay naaayon sa kaniyang kautusan?


pinagmulang pamilya, edukasyon at kalusugan ng tao
Mga Uri ng Makataong Kilos / Asal bilang kasama sa pangyayari.
1. Mabuti (Good or Moral Acts) – mga kilos na ginagawa ng Halimbawa:
tao na angkop sa kanyang kalikasan at tumutugon sa (1.) Ang mga baliw, isip-bata, moron, o ang sinasabing
tamang katwiran. mga bata na wala pang kakayahang gumawa ng
2. Masama (Evil or Immoral Acts) – mga kilos na di makatao aksyon. Dahil dito, sila ay libre sa responsibilidad
at taliwas sa tamang katwiran. na moral.
3. May Kalabuan at Pagkawalang-bahala (Indifferent or (2.) Ang mga taong may mataas na natapos sa pag-
Amoral Acts) – mga kilos na di mabuti o masama. Wala aaral ay inaasahang mas may alam kaysa sa mga
silang kaugnayan sa tamang katwiran. Maaari itong taong walang natapos kaya higit ang kanilang
maging mabuti o masama batay sa mga pangyayari pananagutan.
(circumstances) na nakaugnay dito. (3.) Ang mga taong mayayaman at may mataas na
posisyon sa komunidad ay may mas mabigat na
Panloob na Kilos – nagmumula sa isip at kilos-loob responsibilidad kaysa sa mga taong sumusunod
Panlabas na Kilos ay ang pamamaraan na ginagamit upang lamang.
isakatuparan ang panloob na kilos. (4.) Ang relasyon ng mga taong kasama sa aksyon ay
nagpapabago sa aksyon. Halimbawa: ang
Mga Batayan sa Pagkilala ng Gawang Mabuti o Masama “adultery” ay iba sa “fornication”, ang paradisyon
1. Layunin. Ito ay tumutukoy sa panloob na kilos kung saan ay iba sa omisidyo.
nakatuon ang kilos-loob. Ito rin ay tumutukoy sa taong b. Ano. Ito ay tumutukoy sa ginawang aksyon o kilos at sa uri
gumagawa ng kilos (doer); hindi ito nakikita o nalalaman o dami ng aksyon. Halimbawa: ang bigat ng parusa sa
ng ibang tao dahil ito ay personal sa taong gumagawa ng magnanakaw ay malalaman sa bigat o dami ng ninakaw.
c. Saan. Ito ay tumutukoy sa lugar na pinangyarihan ng
kilos. Ito ang pinakalayunin o pinatutunguhan ng kilos.
aksyon. Halimbawa: ang maghalikan sa loob ng
Ayon kay Sto. Tomas de Aquino, ang mismong kilos ay hindi
pampublikong sasakyan ay mas eskandaloso kaysa kung
maaaring husgahan kung mabuti o masama kung hindi nito ito ay ginawa sa isang pribadong lugar.
isasaalang-alang ang layunin ng taong gumagawa nito. d. May Kasama at Sino ang Kasama. Ito ay tumutukoy sa
Mahalagang tingnan ang kabuuang kilos na kasama ang kasama sa pagsasagawa ng krimen o aksyon kabilang dito
layunin ng tao na nagsasagawa nito. ang bilang at kalagayan sa buhay ng kasama.
2. Paraan. Ito ay ang panlabas na kilos na kasangkapan o e. Bakit. Ito ay itinatanong sa motibo ng paggawa.
paraan upang makamit ang layunin. f. Paano. Ito ay tumutukoy sa pamamaraan ng paggawa.
3. Sirkumstansiya (Circumstances). Ito ay tumutukoy sa isang g. Kailan. Ito ay tumutukoy sa oras o panahon nang ginawa
kondisyon o kalagayan ng kilos na nakababawas o ang pagkakasala.
nakadaragdag sa kabutihan o kasamaan ng isang kilos. Ang “circumstances” o pangyayari ay maaaring
Narito ang iba’t ibang sirkumstansiya: sino, ano, bakit, magpabigat o magpagaan sa isang mabuting gawain. Ito
saan, kailan, paano, may kasama o sino ang kasama. rin ay maaaring magpabago sa katangian ng aksyon.

a. Sino. Ito ay tumutukoy sa gumawa ng aksyon o kilos. Kung


7

minsan, ito rin ay tumutukoy sa tumatanggap ng aksyon.


Page

Dito isinasaalang-alang ang edad, katayuan sa buhay,

You might also like