You are on page 1of 24

10

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Ikaapat na Markahan – Modyul 4 (Week 4)

MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL


SA KAWALAN NG PAGGALANG
SA KATOTOHANAN
Modyul 4: Mga Isyung Moral Tungkol sa
Kawalan ng Paggalang sa Katotohanan

Mga Kasanayang Pampagkatuto

1. Napatutunayang ang pagiging mulat sa mga isyu tungkol sa kawalan ng


paggalang sa katotohanan ay daan upang isulong at isabuhay ang pagiging
mapanagutan at tapat na nilalang. EsP10PI-IVd-14.3
2. Nakabubuo ng mga hakbang upang maisabuhay ang paggalang sa
katotohanan. EsP10PI-IVd-14.4

Mga Talang Konsepto

Paninindigan Para sa Katotohanan at Pagsasabi ng Totoo Para sa


Kabutihan

Sa araw-araw mong pamumuhay ay marami kang kuwentong naririnig sa


iyong paligid. Ikaw ba ay madaling maniwala sa mga sabi-sabi o maghahanap ka
muna ng katibayan bago maniwala? Sa Modyul 9 ay napag-aralan mo kung paano
gagamitin ang iyong maingat na paghuhusga, at ang pagtukoy ng katotohanan at
pagkilatis ng mabuting opsiyon sa mga isyung etikal at mabuting pagsuri sa mga
dilemang moral. Sa modyul na ito ay matututunan mo kung paano maging bukas sa
katotohanan na taglay ang matalinong pag-iisip at wastong pangangatuwiran.

ANG MISYON NG KATOTOHANAN


Ano nga ba ang katotohanan? Paano mo ito matutukoy? Ang katotohanan ay
ang kalagayan o kondisyon ng pagiging totoo. Ito ang nagsisilbing giya ng tao sa
paghahanap ng kaalaman at layunin niya sa buhay. Ang pagsukat ng kaniyang
katapatan ay nangangailangan ng pagsisikap na alamin ang katotohanan. Sa bawat
tao na naghahanap nito, masusumpungan lamang niya ang katotohanan kung siya
ay naninindigan at walang pag-aalinlangan na sundin, ingatan, at pagyamanin. Ang
sinumang sumusunod dito ay nagkakamit ng kaluwagan ng buhay (comfort of life) na
may kalakip na kaligtasan, katiwasayan, at pananampalataya.

Ipinapakita sa Modyul 2 ang pahayag ni Fr. Roque Ferriols tungkol sa


“tahanan ng mga katoto,” (Dy, Manuel Jr.). Isinasaad dito na, may kasama ako na
makita o may katoto ako na makakita sa katotohanan. Mahalaga na makita ng bawat
tao ang katotohanan mula sa pagkakakubli na lumilitaw mula sa pagsisikap niya na
mahanap ito. Kung hindi, magiging bulag siya sa mga bagay o isyu sa lipunan na
makakaapekto sa kaniyang isip upang magsuri at makaalam. Hindi ito maipagkakait
sa kaniya dahil bilang tao siya ay may kakayahan na kumuha ng buod o esensiya sa
mga bagay na umiiral.

Matatamo ang kondisyon ng pagiging totoo kung mapagpahayag ang bawat


isa sa kung ano ang totoo sa simple at tapat na paraan. Dahil dito, ay may kalayaan
ang isang tao na gamitin ang wika sa maraming paraan lalo na sa
pakikipagtalastasan. Nagagamit rin ito bilang instrumento sa pag-alam ng
katotohanan.

Mahalaga sa paninindigan ng katotohanan ang pagsasabi ng katotohanan.


Ang pagiging isa at matatag na ugnayan sa pagitan ng wika at kaalaman ang siyang
tunay nitong halaga. Maipakikita ito sa paglilipat ng kaalaman patungo sa
pagsasawika nito. Ito ay malayang pagpapahayag sa kung ano ang nasa isip.
Ipinapakita na kung ano ang wala sa isip ay hindi dapat isawika. Sa ganitong
paraan, ang pagsisinungaling o hindi pagkiling sa katotohanan ay magaganap.

Natutunan mo ang pagiging mapanagutan sa kilos, ang pagkakaroon ng


kamalayan at kaalaman tungo sa makataong kilos sa Modyul 7. Dito magbubukas
ang isip ng tao na magkaroon ng paninindigan sa kabutihan tungo sa pagyakap sa
katotohanan. Mula sa Kautusang Walang Pasubali (Categorical Imperative) ni
Immanuel Kant na nagsasabi na isang obligasyon ang pagtupad ng tao sa kaniyang
tungkulin at mga gawain. Kung mapaninindigan ng tao ang kaniyang kilos at
reaksiyon sa isang sitwasyon, makakamtan niya ang mataas na pagpapahalaga
dahil mas higit ang pagpili niya na kumampi sa katotohanan at maging mapanagutan
sa aspektong ito.

Ang imoralidad ng pagsisinungaling


Tanong:

Dahil sa kagustuhan mong mapagtakpan ang iyong kamalian, at maging


maganda ang tingin sa iyo ng mga tao, gagawa ka ba ng isang
kasinungalingan?

Kahit na may kaalaman na tayo sa kahalagahan ng katotohanan at mga


kaakibat na pananagutan nito ay hindi pa rin natin naiiwasan ang gumawa ng isang
kasinungalingan minsan upang mapagtakpan ang ating mga kamalian. Nakaranas
ka na ba ng ganitong sitwasyon? Ilang beses na? Kung maraming beses na, paano
mo ito aaminin at pananagutan? Bilang mag-aaral sa Baitang 10, anu-ano ang iyong
mga paninidigan sa pagsasabi ng totoo laban sa pagsisinungaling?

Ang pagsisinungaling ay ang hindi pagkiling at pagsang-ayon sa katotohanan


ayon kay Sambajon Jr. et al (2011). Ito ay isang lason na humahadlang sa bukas at
kaliwanagan ng isang bagay o sitwasyon na nararapat na mangibabaw sa pagitan
ng mga tao sa isang grupo o lipunan. Ilan sa mga dahilan ng pagsisinungaling ng tao
ay kung siya ay may gustong protektahan o mayroong gustong itago. Ang
pagsisinungaling ay ang kawalan ng paggalang sa katotohanan.

Tatlong uri ng kasinungalingan:

1. Jocose Lie – isang uri na kung saan sinasabi o sinasambit para maghatid
ng kasiyahan lamang. Ipinapahayag ito upang magbigay-aliw ngunit hindi
sadya ang pagsisinungaling.
Halimbawa: Para tumahimik ang inyong klase ay sinabi ng inyong guro
na magbibigay siya ng puntos sa mga mag-aaral na tahimik na
makikinig sa klase ngunit hindi naman niya ito tutuparin.

2. Officious lie – ito ay tawag sa pagpapahayag upang maipagtanggol ang


sarili o di kaya ay paglikha ng isang usaping kahiya-hiya upang dito
maibaling ang atensyon.
Halimbawa: Ang pangungupit ni Jose ng pera sa isang tindahan at ng
tanungin siya kung saan galing ang kanyang pera ay sinabi niyang
binigay ng kanyang kaklase.
3. Pernicious Lie – Ito ay nagaganap kapag nakakasira ng reputasyon ng
isang tao na pumapabor sa interes o kapakanan ng iba.
Halimbawa: Si Jenny ay pinagbintangan na nagnakaw ng wallet ng
kanyang kaklase, kahit siya mismo ay nanakawan din.

Ang Kahulugan ng Lihim, Mental Reservation, at Prinsipyo ng Confidentiality

Isa ka bang malihim na tipo ng tapo? Marami ka bang inililihim? Ang


paglilihim ay maaring masama o mabuti. Masama dahil ang paglilihim ay isang uri ng
pagsisinungaling, mabuti naman dahil ginawa mo ito upang hindi na lumaki ang isyu
at maiwasan ang anumang eskandalo o hinde mabuting kahihinatnan.

Ano ba ang Lihim?


Ang pagtatago ng mga impormasyon na hindi pa naibubunyag o naisisiwalat
ay tinatawag na paglilihim o Lihim. Ang pagtatago ng lihim ay isang uri ng
pagsisinungaling. Ito ay ang pag-angkin ng tao sa tunay na pangyayari o kuwentong
kaniyang nalalaman at hindi kailanman maaaring ihayag sa maraming pagkakataon
nang walang pahintulot ng taong may-alam dito.

Tatlong uri ng Lihim na hindi basta-basta maaaring ihayag:

1. Natural secrets – ito ay mga sikreto na nakaugat mula sa Likas na


Batas Moral na kapag nabulgar ay magdudulot sa tao ng matinding
hinagpis at sakit sa isa’t isa. Ang bigat ng ginawang kamalian (guilt) ay
nakasalalay kung ano ang bigat ng kapabayaang ginawa.
Halimbawa: Ang pagtatago ng isang maambisyong babae na isa
siyang ampon na pinipilit pagtakpan ang kaniyang nakaraan. Ito
ay maaring magdulot ng kahihiyan sa kaniyang pagkatao.

2. Promised secrets – ito ay mga lihim na ipinangako ng taong


pinagkatiwalaan nito. Nangyari ang pangako pagkatapos na ang mga
lihim ay nabunyag na.
Halimbawa: Ang paglihim sa isang sinisimulang magandang
negosyo hangga‟t hindi pa ito nagtatagumpay. Hindi rin sinasabi
ang mga mahahalagang detalye at impormasyon kahit sa mga
kasamahan at kaibigan man.
3. Committed or entrusted secrets – naging lihim bago ang mga
impormasyon at kaalaman sa isang bagay ay nabunyag. Ang mga
kasunduan upang ito ay mailihim ay maaaring:
a. Hayag – kung ang lihim ay ipinangako o kaya ay sinabi ng
pasalita o kahit pasulat.
Halimbawa: Si Beth ay secretarya ng doctor, inililihim
niya ang mga medical records ng isang pasyente.
b. Di hayag – ito ay nangyayari kapag walang tiyak na pangakong
sinabi ngunit inililihim ng taong may alam dahil sa kaniyang
posisyon sa isang kompanya o institusyon. Madalas ito ay pang
propesyonal at opisyal na usapin. Ang pagtatago ng mga lihim
na propesyonal ay isang grave moral obligation.
Halimbawa: mga kasalanang ikinumpisal sa mga pari na
binigyan ng ganap na kapatawaran at iba pang di
ginagawa ng hayagan.

Ang mga lihim ay maaaring ihayag o itago lalo’t higit kung may matinding
dahilan upang gawin ito. Sa kabilang banda, ang paglilihim ay maaaring magbunga
ng malaking sakit at panganib sa taong nagtatago nito, sa ibang taong may
kaugnayan rito at maging sa kaniyang lipunan ginagalawan.

Ano ang Mental Reservation?

Ito ay ang maingat na paggamit ng mga salita sa pagpapaliwanag na kung


saan ay walang ibinibigay na tiyak na impormasyon sa nakikinig kung may
katotohanan nga ito. Ito rin ay paraan ng paggawa ng kasinungalingan. Halimbawa
nito ay ang pahayag na, “Ang sabi ko ay pupunta ako sa isang excursion na ang
totoo ay wala naman talaga akong planong gawin iyon.”

Pangalawa ay ang pagbibigay nang malawak na paliwanag sa maraming


anggulo ng mga isyu upang ang nakikinig ay makakuha ng impormasyon sa isang
pahayag na walang katotohanan. May mga kondisyon sa paggamit nito, ang ilan ay
ang mga sumusunod:
1. Walang panganib sa tao na siyang may karapatan na malaman ang
totoo – ang magulang at mga tagagabay ay mga Karapatan na
malaman ang katotohanan tungkol sa kanilang mga anak at maging
sa kanilang pinangangasiwaan.
2. Magandang intensiyon sa paglilihim dito – hindi man matatawag na
tunay na makatarungan ang pagprotekta sa kaalaman ng tao sa
pagtatago ng mga lihim gaya ng edad, tirahan, o personal na
impormasyon gaya ng isang charitable institution na humahawak sa
talaan nito upang masagip ang reputasyon mula sa kahihiyan sa
mga taong mapanghusga. Ang kaligtasan ng buhay ng isang tao
mula sa kamay ng mga hoodlums o sa kamay ng kaniyang mga
kaaway.

Ang iba pang mga paraan sa pagtago ng katotohanan ay sa pamamagitan ng


pag-iwas (evasion) at paglilihis ng mga maling kaalaman (equivocation).
Makatutulong ito kung ang isyu o problema ay hindi lubhang mahalaga at ang isang
partido ay may pahintulot dito.

Ang Prinsipyo ng Confidentiality

Ang pagsasabi ng totoo ay nagpapahayag sa mas malalim na pag-iisip,


pananalita, at pagkilos bilang isang taong nagpapahalaga sa katotohanan.

Mula sa matalinong pag-iisip at pagpili, ang pagiging totoo ay solusyon sa


mga posibleng hidwaan, mga pagkakaiba-iba sa pananaw, hindi pag-uunawaan,
mga sakit ng kalooban at kahihiyan at nakababawas ng pagkakahiwa-hiwalay sa
pagitan ng bawat isa tungo sa pagkamit ng kapayapaan at maayos na samahan.

Moral Issue: Plagiarism

Ang plagiarism ay ang pagbubunyag sa lihim na kasunduan sa pagitan ng


dalawa o grupo ng mga tao upang magtagumpay ang proyekto. Ito ay isang
paglabag sa Intellectual Honesty (Artikulo, A. et al, 2003), at isyu na may kaugnayan
sa pananagutan sa pagpahayag ng katotohanan at katapatan sa mga datos, mga
ideya, mga pangungusap, buod at balangkas ng isang akda, programa, himig, at iba
pa ngunit hindi kinilala ang pinagmulan bagkus, nabuo lamang dahil sa ilegal na
pangongopya. Maituturing din ito na pagnanakaw at pagsisinungaling dahil
inaangkin ang hindi iyo (Atienza, et al, 1996). Sakop din nito ang lahat ng mga
naisulat na babasahin o hindi man naitala, maging manuscript (mga sulat-kamay na
hindi nalimbag), mga nailimbag o kaya sa paraang elektroniko.

Sumasailalim sa prinsipyo ng Intellectual Honesty ang lahat ng mga orihinal na


ideya, mga salita, at mga datos na nakuha at nahiram na dapat bigyan ng kredito o
pagkilala sa may-akda o pinagmulan. Ang pag-angkin sa gawa ng iba ay hindi
lamang indikasyon ng mababang uri ng kaalaman at kakayahan, kundi isang
kahinaan sa kabuuan ng pagkatuto ng tao. Paano ito maiiwasan?
1. Magpahayag sa sariling paraan. Magagawa ito sa pamamagitan ng malayang
pagpapahayag ng kaisipan sa pagpapaliwanag o pagbuo ng ideya at
konsepto.
2. Mahalaga rin na magkaroon ng kakayahan na makapagbigay ng sariling
posisyon o stand sa anumang argumento o pagtatalo.
3. Ang tamang pagsusuri sa gawa ng iba, pagtimbang sa bawat argumento at
pagbuo ng sariling konklusyon o pagbubuod ay makatutulong sa sarili na
magpahayag.

Mahalaga na matutuhan, hindi lamang ang kasanayan at teknik ng pagsusulat at


iba pang katulad nito kundi ang pagpapamalas ng pagkilala sa kredibilidad at
impluwensiya sa iyo ng taong tumulong upang makabuo ka ng iyong likha. At
pagpapakita rin ito ng iyong komitment sa prinsipyo ng Intellectual Honesty.

Moral Issue: Intellectual Piracy

Ang paggamit nang walang pahintulot sa mga orihinal na gawa ay paglabag sa


karapatang-ari (copyright infringement). Nalalabag ang karapatag-ari sa
pamamagitan ng pagpaparami, pagpapakalat, pagbabahagi, at panggagaya sa
pagbuo ng bagong likha. Pinoprotektahan ng Law on Copyright mula sa Intellectual
Property Code of the Philippines 1987, ang orihinal na gawa ng isang tao. Copyright
holder naman ang tawag sa taong may orihinal na gawa o ang may ambag sa
anumang bahagi at iba pang mga komersiyo.

Inihayag sa Dictionary.com website na ang piracy o pagpirata ay isang uri ng


pagnanakaw o illegal na pang-aabuso sa mga barko na naglalayag sa karagatan.
Isa itong uri ng paglabag dahil may intensiyon para sa pinansiyal na dahilan. Ang
lubusang pag-angkin sa pag-aari nang iba na walang paggalang sa karapatang
nakapaloob dito ay tinatawag na theft. Ito ay hindi lamang literal na pagnanakaw o
pagkuha ng walang pakundangan. Matuturing din na isang krimen katulad ng
pagpatay, kidnapping at iba pang uri ng krimenal na gawain sa ating lipunan ang
pagnanakaw.

Iba‟t ibang dahilan kung bakit paulit-ulit na ginagawa ang paglabag sa


Intellectual piracy kahit na alam ng tao na ipinagbabawal ito:

Presyo - Kawalan ng kakayahan na makabili dahil sa mataas na


presyo mula sa mga legal na establisimyento, kung kaya mas praktikal
na ito ay i-pirate na lamang o tahasang kopyahin sa pamamagitan ng
downloading.
Kawalan ng mapagkukunan - Kung ang produkto ay limitado sa mga
pamilihan at may kahirapang hanapin, maiisipan na mas madali itong
maangkat sa ibang paraan tulad ng pag-access sa internet o ibang
website address.
Kahusayan ng produkto - Kung ang produkto ay napakinabangan ng
lahat at nakatutulong sa iba, ito ay magandang oportunidad upang
tangkilikin ng lahat. Dahil ito ay madaling makita o mahanap sa
internet, hindi maiiwasan na marami ang tumangkilik at ibahagi ito sa
ibang taong may kaparehong pangangailangan.
Sistema/paraan ng pamimili - Ang sistemang ito ang nagbibigay sa
mamimili ng komportableng paraan na mapadali ang mga transaksiyon
gamit ang online orders. Dahil sa sistemang ito, ang mamimili ay
nakatitipid ng oras gayundin sa paraan ng pagbabayad sa
nagustuhang produkto.
Anonymity - Dahil sa napakadali ng access sa internet, hindi na rin
mahirap ang mag download o makakuha ng mga impormasyon at
detalye mula sa nais na website ng isang copyright owner na hindi na
kailangan pa ng anumang pagkakakilanlan o identification.

Kahit sa ano pa mang kadahilanan, ang pagkuha ng mga files sa net ay


nagpapakita ng paglabag sa karapatang-ari ng taong nararapat na tumanggap ng
pagkilala at paggalang.
Karapatang-ari at ang Prinsipyo ng Fair Use

Ang prinsipyo ng Fair Use ay kinikilala ng ating batas na magkaroon ng


limitasyon sa pagkuha o paggamit ng anumang bahagi ng likha o kabuuang gawa ng
awtor o manunulat sa kaniyang pag-aari upang mapanatili ang kaniyang karapatan
at tamasahin ito. Ang sumusunod ay ilan lamang sa pangunahing eksepsyon sa
karapatang-ari:
1. Ang pagsasapubliko ng anumang likha o gawa, maging ito man ay
personal na kopya o sipi at walang bayad (free of charge) o di kaya ay
mahigpit na patnubay ng mga nasa mapagkawanggawa at
panrelihiyosong institusyon o samahan. (Sek.184. 1 Talata a)

2. Ang paggamit ng mga quotation o pahayag mula sa mga gawang


nailimbag kung magtutugma sa prinsipyo ng Fair Use at may
makatuwirang dahilan sa paggamit nito. Halimbawa nito ay mga sipi at
artikulo mula sa diyaryo at iba pang uri ng pahayagan. Sa ganitong
pagkakataon, mahalagang banggitin ang mga pinagkunan at ang
pangalan ng awtor, kung ang kaniyang gawa ay gagamitin. (Sek. 184.1
Talata b)

3. Ang paglalangkap ng mga gawa sa paglalathala, pagbabalita, at iba pang


uri ng komunikasyon upang isapubliko ito, sound recording o anumang
pelikula, kung ang mga ito ay gagamitin sa pagpapakita ng halimbawa ng
pagtuturo sa silid-aralan at ibang pang-akademikong layunin at
magtutugma sa prinsipyo ng Fair Use at may makatuwirang dahilan sa
paggamit nito, sa ganitong pagkakataon, mahalagang banggitin ang mga
pinagkunan at ang pangalan ng awtor, kung ang kaniyang gawa ay
gagamitin. (Sek. 184.1 Talata e)

Sa patakaran ng Fair Use sa ilalim ng Copyright Law, ang mga awtor ay


maaaring magtakda ng paggamit sa gawa ng ibang kapuwa awtor kahit hindi pa
humingi ng pahintulot dito. Ang fair use ay mula sa paniniwala na ang publiko ay
may karapatan sa malayang paggamit ng mga bahagi ng inilathalang babasahin
para sa pagbibigay-puna at komentaryo. Ang pribilehiyong ito marahil ang
pinakamakabuluhang limitasyon sa isang awtor sa kaniyang karapatan sa pag-aari.

Whistleblowing

Napapanood mo sa telebisyon o napapakinggan sa radyo ang pagpapakita


ng ibang tao ng katapangan sa pamamagitan ng pagbubunyag ng katotohanan
halimbawa nito ay ang sa isyu ng korapsiyon sa ating lipunan. Handa silang
magsakripisyo ng kanilang seguridad para sa tama at pagkamit ng kabutihang
panlahat.

Ang whistleblowing ay isang akto o hayagang kilos ng pagsisiwalat mula sa


tao na karaniwan ay empleyado ng gobyerno o pribadong
organisasyon/korporasyon. Bakit nangyayari ang whistleblowing? Kapag hindi patas
o pantay ang pamamalakad, may korapsiyon na nagaganap o iba pang ilegal na
Gawain. Ang taong naging daan ng pagbubunyag o pagsisiwalat ng mga maling
gawain, hayagang pagsisinungaling, mga immoral o ilegal na gawain na naganap sa
loob ng isang samahan o organisasyon ay tinatawag namang whistleblower.
Mahirap ang maging isang whistleblower dahil kalimitan ay isa lamang silang
simpleng empleyado o tao na lumantad at mag-akusa laban sa kaniyang amo na
pinaglilingkuran. Maaaring masakripisyo ang maraming bagay sa kanilang buhay
katulad ng kanilang pangkabuhayan at seguridad ng kanilang pamilya.

Isang moral na obligasyon ng bawat isa sa atin ang pagpapahayag ng


katotohanan. Isa itong mabuti at matuwid na gawain ngunit may mga bagay na
dapat pagtuonan ng pansin bago ito gawin. Nararapat na malaman ng iyong amo o
“boss” kung may problema ka sa lugar na pinagtatrabahuan, upang mabigyang
soluyson niya ang kaniyang nasasakupang organisasyon o korporasyon. Kapag
hindi ito nagtagumpay, ay saka pa lamang magiging makatuwiran ang
whistleblowing.

Naririto ang ilang hakbang bago isiwalat ang katotohanan mula sa kompanyang
pinagtatrabahuan:
1. Siguraduhin na ang kilos o piniling pasiya ay ayon sa batas moral.
Isiping mabuti kung kapakanan ito ng nakararami. Magkalap ng impormasyon
tulad ng kasalukuyang mga batas kaugnay ng sitwasyong kinakaharap -
halimbawa ang karapatang nilabag sa iyo, mga posibleng multa sa ginawang
paglabag at iba pang mga katibayan o impormasyon na maaaring gamitin.

2. Harapin nang buong tapang ang taong nakatataas sa iyo na gawin ang
isang bagay na hindi mo ginawa - halimbawa, pagtatapon sa nakalalasong
kemikal o pandaraya sa mga dokumento atbp. at ipagbigay-alam ito sa
kaniya. Kung mabibigong gawin ito, maaaring idulog ito sa may awtoridad at
ipaliwanag na ang kilos ay mali at masama. Maaring hindi alam ng kompanya
o organisasyon ang ganitong kalakaran o sistema, ngunit may pagnanais
silang bigyang-solusyon ang isyu o problema sakaling ipaalam sa kanila ito
nang maayos at malinaw.

3. Kung ang lahat ng paraan ay ginawa na ngunit nabigong isakatuparan


ang mga ito, isiping maigi kung dapat na ba itong ihayag sa publiko o midya.
Sa ganitong sitwasyon, maaring piliing manahimik at magtrabaho na lamang.

4. Kung ilalantad ang isyu sa publiko, dapat na ito ay gawin at


isakatuparan nang buong tapang. Ngunit mas higit na dapat mangibabaw ang
interes at kabutihan ng nakararami kaysa sa pansariling interes lamang.

Malaki ang impluwensiya ng mga makabagong teknolohiya at modernong


panahon sa pag-uugali at pananaw ng mga kabataang nabibilang sa tinatawag na
Generation Z. Malaki ang ambag ng modernong panahon sa paglago ng kaalaman
ng mga kabataan ngayon ngunit mapapansin mo rin ang mga kakulangan sa
aspektong moral at etikal. Ano-ano ang mga nakikita mong impluwensiya ng internet
at social media sa kapwa mo kabataan? Paano nito naapektuhan ang halaga ng
katotohanan sa impormasyon at orihinalidad ng isang obra?

Ang gampanin ng Social Media sa paglinang ng kaalaman at kamulatan ng tao


sa pagpapasiya patungo sa kaliwanagan at katotohanan
Sa panahon ngayon, ang social media ay naging parte na ng ating buhay,
lalong-lalo na sa mga kabataan. Karamihan sa kanila ay may mga social media
accounts katulad ng Facebook, Twitter, Instagram at Youtube kahit sa murang edad.
Sa pag-aaral ng “The Social Age Study” ng knowthenet.org.uk, makikita na 59
porsiyento ng mga bata na may edad 10 ay maagang gumagamit ng social network,
habang ang mga nasa edad 13 ay naaaliw sa Facebook. Mga kabataang nasa edad
8 hanggang 16, ang napabilang sa 52 porsiyento na nagsasabing hindi nila sinunod
ang edad na kailangan bago magkaroon ng Facebook account. Kahit na sinasabing
maraming impormasyon at kaalaman ang nakukuha dito na nakakatulong sa
aspekto ng edukasyon at kabuhayan, maaari pa ring maging biktima ng panggigipit
(harassment), pangingikil at ng cyber-bullying ang sobrang pagkahumaling at
maagang pagsali sa mga social networking sites.
Paano nakakaapekto ang maagang pagkahumaling sa social media ng mga
kabataan sa paghubog ng mapanuri at kritikal na pag-iisip nila? Nakaapekto kaya ito
ng malaki sa kaniyang tungkulin sa sarili, tahanan at pagkamamamayan?
Sa pangkalahatan, ang katotohanan ay dapat mapanindigan at ipahayag
nang may katapangan sa angkop na pagkakataon dahil ito ang nararapat gawin ng
isang matapat at mabuting tao. Ang pagsasabi ng totoo ay pagpapairal ng kung ano
ang inaasahan sa atin bilang tao at mapanagutang mamamayan sa lipunan. Ito rin
ay pagpapakita ng paggalang at pagpapahalaga sa dignidad ng sarili at ng kapuwa.

Sa ating lipunan, nakikita natin ang kawalan ng paggalang sa katotohanan


dahil sa mga isyu sa plagiarism, intellectual piracy, whistleblowing, at gampanin ng
social media sa usapin ng katotohanan. Nilalabag ng plagiarism at intellectual piracy
ang mga karapatang pantao at kawalan ng pagkilala at paggalang sa pagkatao ng
tunay na may-akda. Samantala, masasabing gawaing mabuti naman whistleblowing
dahil naibubunyag ang katotohanan at naisiswalat ang gawaing masama. Hindi rin
maihihiwalay ang impluwensiya ng social media na tila nagpapahina o nagpapalakas
sa kaisipan ng mga netizens na maging mapanagutan sa mga kaakibat na
obligasyon sa paggamit dito. Ang obligasyong ito ay mula sa kampanyang “Think
before you click” ng isang media outlet.

Ang pagmamahal sa katotohanan o ang pagiging makatotohanan ay dapat


maisabuhay at mapagsikapang mapairal sa lahat ng pagkakataon. Dahil sa kawalan
ng paghahanap ng katotohanan, ang kasinungalingan ang nangingibabaw. Ito
ngayon ang hamon sa bawat tao – maging instrumento tungo sa katotohanan at
magsikap na mapanindigan nang may katuwiran ang piniling pasiya at mga
pagpapahalaga. Para sa iyo, gaano na ang impluwensiya sa iyo ng mga sitwasyon
sa araw-araw na maipakita ang esensiya ng katotohanan?

Pagsasabuhay ng mga Pampagkatuto

Gawain 1:
Panuto: Papangkatin ng guro ang klase sa apat na binubuo ng sampung miyembro.
Pag-uusapan sa pangkatang gawain ang iba’t ibang isyu sa lipunan na nagpakita ng
kawalan ng paggalang sa katotohanan. Bibigyan ang bawat pangkat ng 15 minuto
para makalikom ng mga sagot mula sa lahat ng miyembro nito. Pagkatapos nito,
isang miyembro ang magsusulat sa pisara ng mga nalikom na isyu tungkol sa
katotohanan.

Mga Tanong:
1. Sumasang-ayon ka ba sa mga nakalistang isyu tungkol sa kawalan ng
paggalang? Bakit?
2. Ano-ano ang mga dahilan ng pagkakaroon ng ganitong mga isyu sa ating
lipunan? Ipaliwanag.
4. Nakaaapekto ba ang mga isyung ito sa tunay na kahulugan ng katotohanan?
Ipaliwanag?

Gawain 2: Tayahin ang iyong Pag-unawa


1.Para sa iyo, ano ang katotohanan?
2. Nararapat ba na panindigan ang katotohanan?
3. Anong kabutihan ang hatid ng mental reservation sa taong may hawak ng
katotohanan at sa taong pinoprotektahan nito?
4. Kung ikaw ay maninindigan sa katotohanan, ano-ano ang mga hadlang o balakid
na maaaring mangyari?
5. Magbigay ng mga isyung may kinalaman sa katotohanan. Ipaliwanag kung paano
mo maisusulong ang pagiging mapanagutan at tapat na nilalang sa bawat isyu.
6. Paano mo maisasabuhay ang pagmamahal at pagpapahalaga sa katotohanan?

Gawain 3: Paghinuha ng Batayang Konsepto


Ano ang naunawaan mong mahalagang konsepto sa babasahin? Isulat ito sa iyong
kuwaderno gamit ang kasunod na graphic organizer.

Gawain 4: Pagsusuri ng kaso

Panuto: Pag-aralan ang mga kaso sa ibaba at ibigay ang mga resolusyon dito.

Unang kaso

1. Si Elna ay isang honor student simula high school ngunit ng tumuntong siya ng
kolehiyo ay napabarkada siya na nakaapekto sa kanyang pag-aaral at naging sanhi
ng pagkakaroon niya ng bagsak na marka sa isang asignatura. Sa takot na
maaaring pahintuin siya ng ama sa pag-aaral ay nagpatulong siya sa isa niyang
kaklase upang baguhin ang kanyang bagsak na marka.

Tanong:

a. Nabigyan ba ng sapat na katuwiran ng mag-aaral ang kaniyang ginawang


pandaraya? Bakit?

b. Sa iyong palagay, ano ang nararapat gawin? Ipaliwanag.

Mungkahing resolusyon sa kaso

a. ______________________________________________________________
___________________________________________________________________

b. ______________________________________________________________
______________________________________________________________

Ikalawang kaso

2. Gustong-gusto ni Shyn ang mga kanta ng Korean group na BTS ngunit kulang
ang naipon niyang pera upang bumili ng album nito kaya’t naisipan niyang bumili na
lamang ng pirated cd sa palengke.

Tanong:

a. Makatuwiran ba ang ginawa ni Shyn? Paano ito nakaapekto sa taong lumikha


nito?

b. May posibilidad bang gawin mo rin ito? Bakit?

Mungkahing resolusyon sa kaso

a.
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
b.
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Ikatlong kaso

3. Si Rhean ay binigyan na ng deadline ng kanyang guro para sa research paper na


kaniyang ginagawa. Dahil nahihirapan siya sa napiling paksa ay minabuti niyang
kumopya na lamang ng mga pribadong dokumento na nakita niya nang walang
pahintulot sa gumawa nito.

Tanong:

a. Tama ba ang ginawa ni Rhean? Paano malilimitahan ang paggamit ng mga


pribadong dokumento? Ipaliwanag.

Mungkahing resolusyon sa kaso

a.
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

b.
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Pang-apat na kaso

4. Gustong magtrabaho ni Roy sa ibang bansa dahil sa malaki ang sahod doon,
kaya lang ay hindi siya nakapagtapos ng high school kaya’t wala siyang diploma
na isa sa mga hinahanap na dokumento ng agency na kanyang pinag-aaplyan.
Dahil sa kagustuhang matanggap sa trabaho ay nagpagawa siya ng pekeng
diploma para may ipakita sa agency.
Tanong:

a. Makatwiran ba ang ginawang pandaraya ni Roy? Ipaliwanag.

Mungkahing resolusyon sa kaso


a.
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

b.
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

5. Si Rema ay tumutulong sa kanyang Ina sa pagtitinda ng mga damit sa palengke.


Dahil sa tumal ng kita ay naisipan niyang magbenta na rin ng mga piniratang
DVD sa kanilang tindahan kahit alam niyang bawal ito.
Tanong:

a. Tama ba ang ginawa ni Rema? Paano malilimitahan ang pagbebenta ng


piniratang DVD? Ipaliwanag.

Mungkahing resolusyon sa kaso

a.
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

b.
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Pagganap
Gawain 5
Panuto: Ikaw ngayon ay bibigyan ng pagkakataon na makabuo ng mga hakbang sa
paninindigan at paggalang sa katotohanan sa pamamagitan ng pagsagot sa
sumusunod na sitwasyon.

Mga Sitwasyon Ang gagawin ko Paliwanag

1. Si Sophia ay malapit
ng magtapos sa high
school ngunit
kailangan niya munang
tapusin ang kanyang
research paper. May
kakilala siyang
nagpapabayad kapalit
ng paggawa ng
research paper. Kung
ikaw si Sophia,
kukunin mo ba ang
serbisyo ng iyong
kaibigan?

2. Gustong gusto
mong panoorin ang
“Harry Potter Series”
dahil nabasa mo na
ang mga aklat nito.
Inaya mo ang iyong
kaibigan na sumama
sa iyo upang manood
ng sine, ngunit sinabi
niya na mag download
na lang kayo sa
Internet dahil libre pa.
Alam mo na masama
ang mag pirata ng
pelikula, susundin mo
ba ang iyong kaibigan?

3. Hindi gusto ng iyong


kaibigan ang
pamumuno ni KC
bilang inyong class
president dahil palagay
niya ay pinagiinitan
siya nito. Marami
siyang napupunang
kamalian at anomalya
sa pamamahala ni KC
at nais niya itong
isumbong sa inyong
guro upang mapalitan.
Pipigilan mo ba siya sa
kaniyang balak na
magreklamo?

4. Iniidolo ni Francia
ang kanyang
nakatatandang kapatid
na si May dahil sa
bukod na matalino ito
ay malaki ang naging
tulong nito upang siya
ay makapagtapos ng
pag-aaral at
makapasok ng trabaho
sa kompanyang
pinagtatrabuhan nito.
Ngunit isang araw ay
nalaman niyang
nagnanakaw pa la ng
produkto ang kanyang
nakakatandang
kapatid at ibinebenta
sa labas para
magkaroon ito ng extra
income pantulong sa
inyong pamilya. Dapat
bang isiwalat ni
Francia ang maling
Gawain ng kaniyang
kapatid?

5. Si Mark ay nanalo
sa paligsahan sa
pagguhit sa kanilang
paaralan. Dahil dito ay
marami ang humanga
sa kanya, ngunit ang
hindi alam ng kanyang
mga guro at kamag-
aral ay kinuha niya
lamang sa Internet ang
isinumite niyang
larawan. Kung ikaw si
Mark sasabihin mo ba
ang katotohanan?

Gawain 6: Pagsusuri ng mga piling dokumentaryo


Humanap ng mga dokumentaryo o maikling video sa youtube na nagpapakita
ng pagsisiwalat ng katotohanan na nakapamumulat, o nagkaroon ng paglabag sa
kasagraduhan ng katotohanan.

1. Magbigay ng reaksiyon sa mga dokumentaryong napanood.

2. Bilang mag-aaral, paano mo haharapin ang mga hamon na ipinararating sa


iyo ng mga reyalidad sa ating lipunan?
Gawain 7: Pagninilay
Panuto: Pagnilayan ang mga tanong para sa pagninilay.

Mga tanong:
1. Bilang mag-aaral, sa paanong paraan mo maipapakita ang iyong ambag bilang
mamamayan sa pagpapanatili ng kasagraduhan ng katotohanan?

2. Magbigay ng halimbawa na nagpapakita ng pagyakap mo sa katotohanan bilang


tugon mo sa tawag ng iyong konsensiya.

Gawain 8
Kung ikaw ay bibigyan ng isang posisyon sa pamahalaan o maging kinatawan
ng isang samahan o organisasyon na maging bahagi sa paggawa ng isang batas
tungkol sa mga gawaing intelektuwal at etikal na isyu upang makapagbigay ng
paninindigan sa pagpapahalaga sa gawa at likha ng iba, ano ang nais mong
ipanukala?
Kung ikaw ay isang….
1. Pangulo ng “Student Council Government”
2. Abogado
3. Awtor ng libro
4. Opisyal ng gobyerno
5. Non-government organization

Mga kakailanganing kagamitan (websites, software, mga aklat, worksheet)

Mga Sanggunian:

Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas. Edukasyon sa Pagpapakatao


Modyul para sa Mag-aaral Baitang 10 page 302-332

Articulo, Archimedes C. et.al. (2003.) Values and Work Ethics. Trinita Publishing,
Inc. Meycauyan, Bulacan
Quito, Emerita S. 1989. Fundamentals of Ethics. De La Salle University Press. pp.
72-185

Sambajon, Jr., Marvin Julian L., (2011.) Ethics for Educators: A college Textbook for
Teacher Education and Educators in All Areas of Discipline. C&E Publishing, Inc. pp
252-273

Timbreza, Florentino T. et.al. Pilosopiyng Pilipino. Rex Bookstore, Recto Avenue,


Manila

Intellectual Property Code of the Philippines and Related Laws. 27th Edition. (1998.)
Central Book Supply, Inc Manila Phils.

Perspective: Current Issues in Values Education Book 4 Values Education Series for
Fourth Year High School. (1992.) Sinag-Tala Publishers, Inc., Manila

KAISIPAN (Ang Opisyal na Dyornal ng Isabuhay, Saliksikin, Ibigin ang Pilosopiya o


ISIP) Vol. 1 No. 1 ISSN-2350-6601 pp. 18-19

On Defining Isyung moral tungkol sa kawalan ng paggalang sa katotohanan?


Retrieved from https://brainly.ph/question/296001

Mula sa Internet:
___________. The „Fair Use‟ Rule: When Use of Copyrighted Material is Acceptable.
Retrieved from http://www.nolo.com/legal-encyclopedia/fair-use-rule-copyright-
material-30100.html on August 20, 2014
___________. Why You Should Avoid Plagiarism. Retrieved from http://www.ox.ac.
uk/students/academic/goodpractice/about/ on February 10, 2014
___________. What Are Some Examples of Cheating and Plagiarism. Retrieved
from http://www.niles-hs.k12.il.us/district/academic-integrity/examples-cheating-and-
plagiarism on March 15, 2014
___________. 6 Consequences of Plagiarism. Retrieved from http://www.ithenticate.
com/resources/6-consequences-of-plagiarism on March 15, 2014
__________. What is a Whistleblowing/ Whistleblower? Retrieved from http://
wbhelpline.org.uk/about-us/what-is-whistleblowing on March 18, 2014
Philippine Daily Inquirer 3:43, Saturday, August 18, 2012. Retrieved from http://
newsinfo.inquirer.net/252074/whistle-blower-jun-lozada-welcomes-graft-probe on
April 20, 2014
Araullo, Atom, ABS-CBN News posted at 2/23/2011 3:46 PM. COA Whistleblower
Heidi Mendoza named Woman of Courage. Retrieved from http://www.abs-cbnnews.
com/lifestyle/02/23/11/coa-whistleblower-heidi-mendoza-named-woman-courage on
April 20, 2014
__________.

Answers may vary Answers may vary Answers may vary

Gawain 1 Gawain 2 Gawain 3

Answers may vary Answers may vary Answers may vary

Gawain 4 Gawain 5 Gawain 6

Answers may vary Answers may vary

Gawain 7 Gawain 8

Itinipon ni:

___JINKY VERNA P. DIHAYCO_____


(Pangalan)
___BANKAL NATIONAL HIGH SCHOOL__
(Paaralan)

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Curriculum Implementation Division ( CID )


Division of Lapu-Lapu City
Address: B.M. Dimataga St., Poblacion, Lapu-Lapu City
Telephone Nos.: (032) 340-7887
Email Address: deped.lapulapu@deped.gov.ph
Website: http://depedlapulapu.net.ph

You might also like