You are on page 1of 1

Corruption Perception Index – isang panukat na naglalaman ng pananaw ng mga eksperto

tungkol sa lawak ng katiwalian sa isang bansa

Democracy Index – isang panukat na binuo ng Economist Intelligence Unit na tumutukoy sa


kalagayan ng demokrasya sa 167 bansa sa buong mundo

Global Corruption Barometer – kaisa-isang pandaigdigang survey na nagtatanong sa


opinyon ng mga tao tungkol sa katiwalian sa kanilang bansa

Good Governance – proseso kung saan ang mga pampublikong institusyon ay naghahatid
ng kapakanang pampubliko, nangangasiwa sa pag-aaring yaman ng publiko at tinitiyak na
mapangalagaan ang mga karapatang pantao, maging malaya sa pang-aabuso at korapsyon,
at may pagpapahalaga sa rule of law

Participatory Governance - isang uri ng pansibikong pakikilahok kung saan ang mga
ordinaryong mamamayan ay katuwang ng pamahalaan sa pagbalangkas at pagpapatupad
ng mga solusyon sa suliranin ng bayan

Participatory Budgeting – proseso kung saan magkasamang babalangkasin ng


pamahalaan at ng mamamayan ang budget ng yunit ng pamahalaan

Porto Alegre – lungsod sa Brazil na nagpasimula ng participatory governance

CHR – o Commission on Human Rights; komisyong itinadhana ng Saligang Batas na


maging malaya sa tatlong sangay ng pamahalaan ng Pilipinas na may adhikaing kilalanin at
pangalagaan ang mga karapatang pantao ng lahat ng indibiduwal sa bansa kabilang ang
mga Pilipinong nasa ibayong dagat

Estado – isang malayang lupon ng mga tao na permanenteng sumasakop sa isang tiyak na
teritoryo, may panloob at panlabas na soberanya, at may matatag na pamahalaang
namamahala sa mga mamamayan nito

Karapatang pampolitika – ang mga karapatang pampulitika ay patungkol sa karapatan ng


mga mamamayan na makilahok a pamamalakad ng pamahalaan

Korapsyon – o katiwalian sa paggamit sa posisyon sa pamahalaan upang palaganapin ang


pansariling interes

Saligang-batas – isang katipunan ng mga pangunahing simulain, pamantayan at doktrinang


dapat sundin ng mga mamamayan.

Ekspatrasiyon – kusang loob na pagtatakwil ng pagkamamamayan. Hindi maaaring gawin


sa panahon ng digmaan

Repatrasiyon – kusang loob na pagbabalik sa dating pagkamamamayan

You might also like