You are on page 1of 8

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

Department of Education
Division of Misamis Oriental

Araling Panlipunan 10
Mga Kontemporaryong Isyu

S.Y. 2020-2021

Name: __________________________________ Date: __________________


Year & Section: ___________________________ Score: ______ / 50
Subject Teacher: __________________________

Test I. PAGPIPILI
A. Unawaing mabuti ang bawat pangungusap. Piliin ang tamang sagot sa bawat bilang.
Isulat ang titik sa patlang na inilaan.

____ 1. Ayon kay Mooney, 2011 “Binubuo ang lipunan ng magkakaiba subalit magkakaugnay na
pangkat at institusyon”. Sa pahayag ni Mooney, Kailan makakamit ang maayos na lipunan?
a. Ang antas ng tao sa lipunan na nakabatay sa yaman at kapangyarihan.
b. Ang bawat pangkat at institusyon ay gagampanan nang maayos ang kanliang tungkulin.
c. Sa pamamagitan ng pakikisalamuha sa iba pang miyembro ng lipunan.
d. Maging aktibong bahagi ng mga programa at polisiya na naglalayong tugunan ang
suliranin.

____ 2. Alin sa mga sumusunod na nagtatalakay tungkol sa INSTITUSYON?


a. Ugnayan na nagbibigay kahulugan ng pamumuhay ng isang grupong panlipunan.
b. Nagsisilbing batayan ng mga asal, kilos o gawi ng isang indibidwal sa lipunan.
c. Isang posisyong kinabibilangan ng isang indibiduwal sa lipunan.
d. Organisadong sistema ng ugnayan sa isang lipunan.

____ 3. May dalawang uri ng social group; ang primary group at secondary group. Paano nagkakaiba
ang dalawa?
a. Malapit at impormal na ugnayan ng mga indibiduwal – binubuo ng mga indibiduwal na may
pormal na ugnayan sa isa’t isa.
b. Nagsisilbing batayan ng mga asal, kilos o gawi ng isang indibiduwal – posisyong
kinabibilangan ng isang indibiduwal.
c. Pagkakakilanlan o identidad ay naiimpluwesiyahan ng status – gampaning sa mga
karapatan, obligasyon, at mga inaasahan sa lipunan.
d. Nakatalaga sa isang indibiduwal simula nang siya ipinanganak – nakatalaga sa isang
indibiduwal sa bisa ng kanyang pagsusumikap.

____ 4. Kailan natin masasabi maaaring mabago ng isang indibiduwal ang kaniyang achieved
status?
a. Si Jeremy ay ipinanganak na lalaki.
b. Si Jeric ay kontrolado niya ang kanyang sarili.
c. Si Jeff ay naging piloto dahil sa kaniyang pagsusumikap.
d. Si Joseph naging mayaman dahil isinilang siyang maykaya.

____ 5.Sa pag-aaral ng lipunan, mahalagang pagtuunan din ng pansin ang kultura. Alin sa mga
sumusunod na mga pahayag ang hindi nagbibigay kahulugan ng kultura.?
a. Isang kumplikadong sistema ng ugnayan na nagbibigay-kahulugan sa paraan ng
pamumuhay ng isang grupong o kabuuang lipunan.
b. Kabuuang konseptog sangkap sa pamumuhay ng mga tao, ang batayan ng kilos at gawi, at
kabuuang gawain ng tao.
c. Tumutukoy sa kahulugan at paraan ng pamumuhay na naglalarawan sa isang lipunan.
d. Nagsisilbing batayan ng mga asal, kilos o gawi ng isang indibiduwal sa lipunang kaniyang
kinabibilangan.
AP10-Kontemporaryong Isyu- pg2

____ 6. Ang paniniwal (beliefs) ay tumutukoy ito sa mga kahulugan at paliwanag tungkol sa
pinaniniwalaan at tinatanggap na totoo. Kailan maituturing naging batayan ng pagpapahalaga
ng isang gropu o lipunan ang kabuuan?
a. Nagkaroon ng pagkapantay-pantay ng mga tao anoman ang kasarian ay nagbibigay ng
oportunidad para sa pag-unlad ng tao anuman ang kasarian nito.
b. Nagkaroon ng batayan ng isang grupo o ng lipunan sa kabuuan kung ano ang katanggap-
tangga at kung ano ang hindi.
c. Nagkaroon ng kawalan ng batayan sa pagkilos sa isang lipunan ay maaaring magdulot ng
kaguluhan.
d. Nagkaroon ng pagkakaisa ang lipunan upang maitataguyod ang kapayapaan na
nagdudulot ng kasarinlan, matiwasay na pamumuhay, at kabuuang pag-unlad.

____ 7. Itoy ay tumutukoy sa mga pangyayari na nagdudulot ng panganib at pinsala sa tao,


kapaligiran, at mga gawaing pang ekonomiya.
a. Disaster b. Hazard c. Management d. Natural Calamity

____ 8.Ang mga Pilipino ay kilalang pagiging resilient sa buong mundo kahit anong kalamidad na
dumating ito ay naging matatag at positibo sa pagharap ng buhay. Alin sa mga sumusunod
na naglalarawan sa pagiging resilient ng mga Pilipino?
a. Optimistic b. Resilience d. Risk Takers d. Benevolence

____ 9. Anong batas ang ipinatupad upang magkaroon ng legal na batayan sa iba’t ibang desisyon at
proseso ng pamamahala ng solid waste sa bansa?
a. Republic Act 9003 c. Republic Act 7942
b. Republic Act 8742 d. republic Act 7534

____ 10. Alin sa mga sumusunod ang epekto ng Illegal Logging?


a. Ang walang habas na pagputol ng puno ay nagdudulot ng iba’t ibang suliranin tulad ng
pagbaha, soil erosion, at pagkasira ng tahanan ng mga ibon at hayop
b. Ito ay nagdudulot ng pagkakalbo sa kagubatan
c. Ang pagkakaroon ng marumi na tubig sa ilog
d. Patuloy ang suliranin sa kapaligiran

____ 11.Noong 2001, Ipinasa at nilagdaan ang RA 9072. Alin sa mga sumusunod ang nilalaman
nito?
a. National Cave and Resources Management and Protection Act
b. National Greening Program
c. National Forest Protection Program
d. National Integrated Protected Area System

____ 12. Bakit kailangan ang CBDRM Approach sa pagharap sa mga hamon at suliraning
Pangkapaligiran?
a. Pinakamahalagang layunin ng Philippine National Disaster Risk Reduction and
Management Framework (PDRRMF) ay ang pagbuo ng disaster-resilient na mga
pamayanan.
b. Para sa lahat ng mga pagpaplano, pagtataya, at paghahandang nakapaloob sa disaster
management plan ay patungo sa pagbuo ng isang pamayanang handa at matatag sa
pagharap sa mga hamong pangkapaligiran.
c. May malaki ang posibilidad na maging disaster-resilient ang mga pamayanan kung maayos
na maisasagawa ang Commmunity-Based Disaster and risk Management Approach.
d. a, b, & c

____ 13. Alin sa mga sumusunod na tumatalakay ng globalisasyon?


a. Proseso ng pagdaloy o paggalaw ng mga tao, bagay, impormasyon at produkto sa iba’t
ibang direksyon na nananarasan sa iba’t ibang nahagi ng daigdig.
b. Malawakang pagbabago sa sistema ng pamamahala sa buong mundo
c. Pagbabago sa ekonomiya at politika na may malaking epekto sa sistema ng pamumuhay
ng mga mamamayan sa buong mundo
d. Mabilis na paggalaw ng mga tao tungo sa pagbabagong political at ekonomikal ng mga
bansa sa mundo
AP10-Kontemporaryong Isyu- pg3

____ 14. Mahalaga sa isang manggagawa ang seguridad sa paggawa sa kaniyang pinapasukang
kompanya o trabaho subalit patuloy ang paglaganap ng iskemang subcontracting sa
paggawa sa bansa. Ano ang iskemang subcontracting?
a. Sistema ng pagkuha ng isang kompanya sa isang ahensiya o indibidwal na subcontractor
upang gawin ang isang trabaho o serbisyo sa isang takdang panahon.
b. Iskema ng pagkuha ng isang ahensiya o indibidwal na subcontractor ng isang kompanya
para sa pagsagawa ng isang trabaho o serbisyo.
c. Pag-eempleyo sa isang manggagawa upang gawin ang isang trabaho o serbisyo sa loob
ng 6 na buwan.
d. Pagkuha sa isang ahensiya sa loob ng mas mahabang panahon.

____ 15.Ano ang migrasyon?


a. Tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat mula sa isang lugar.
b. Tumutukoy sa proseso ng pag-alis ompaglipat sa kaguluhan ng mga mamamayan
c. Tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat mula sa isang lugar o teritoryong political
patungo sa isang lugar pansamantala man o permanente
d. Tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat dulot ng mga hindi inaasahang pangyayari sa
lugar na pinagmulan

____ 16.Alin sa mga sumusunod na naglalarawan ng MABUTING epekto ng MIGRASYON?


a. Pagsasakripisyo ng mga Filipinong OFW
b. Pang-aabuso ng Recruitment Agency
c. Illegal recruiter
d. Nagkakaroon ng panustus sa pang-araw-araw na pangangailangan ang isang taong
makakahanap ng hanapbuhay.

____ 17. Maaring suriin ang globalisasyon sa iba’t ibang anyo nito maliban sa isa. Ano ito?
a. Ekonomikal b. Teknolohikal c. Sosyo-kultural d. Sikolohikal

____ 18.Bakit maituturing isang isyu ang globalisasyon?


a. Ito’y napapanahon
b. May koneksiyon sa pang-araw-araw na daloy ng pamumuhay ng tao
c. Sapagkat tuwiran nitong binago at hiahamon ang pamumuhay at mga perennial institusyon
na matagal nang naitatag
d. Ito’y may kaugnayan sa kasalukuyan na may kinalaman sa takbo ng pamumuhay ng tao

____ 19. Aling bansa sa kasalukuyan ang may impluwensiyang globalisasyong kultural sa Pilipinas?
a. Japan b. Korea c. China d. India

____ 20. Ano ang nagdulot ng paglakas ng MNC’s at TNC’s sa Pilipinas?


a. Natugunan ang bawat pangangailangan ng tao
b. Pagtaas ng pangangailangan ng bawat mamamayan na hindi angkop sa antas ng
pamumuhay ng tao
c. Paglaki ng agwat sa pagitan ng mahirap at mayayaman
d. Mabilisang pagpapalitan ng produkto palabas ng bansa

____ 21. Isa sa mga katangian ng globalisasyon ay integrasyon, ang maaring organisasyong
halimbawa nito;
a. NEDA b. DBM c. ASEAN d. DILG

____ 22. Aling anyo ng iskemang subcontracting na kung saan ang subcontractor ay walang sapat
na puhunan upang gawin ang trabaho o serbisyo?
a. Job contracting b. labor – only contracting c.flexible labor d. forced labor

____ 23. Si Donna ay nakapagtapos ng kolihiyo sa Pilipians ai siya’y isang propesyonal at


lisensyadong enhinyero, bagamat dahil sa hirap ng buhay, napag-isipan nitong tumungo ng ibang
bansa at doon makipagsapalaran. Anong suliranin sa laks paggawa ang ikinabibilangan ni Donna?
a. Underemployment c. Brain drain
b. Jobs Mismatch d. Brain Drawn
AP10-Kontemporaryong Isyu- pg4

____ 24. Isa sa mga hakbang ng Guarded Globalisasyon ay ang mga sumusunod maliban sa:
a. Pakikialam ng pamahalaan sa kalakalang panlabas
b. Pagpataw ng taripa o buwis
c. Pagbibigay ng priority sa mga produktong internasyunal
d. Pagbibigay ng subsidiya

____ 25.Alin sa mga sumusunod na tumutukoy sa konsepto ng gender at sex?


i. Biyolohikal at pisyolohikal na katangian na nagtatakda ng pagkakaiba ng babae sa
lalaki
ii. Taong nakararamdaman ng atraksiyon sa dalawang kasarian
iii. Taong nakararamdaman na siya nabubuhay sa maling katawan, ang kaniyang pag-iisip
at ang pangangatawan
iv. Panlipunang gampanin, kilos, at Gawain na itinatakda ng lipunan para sa mga babae at
lalaki

a. i & ii b. ii & iii c. i & iv d. ii & iv

____ 26.Si Ben ay isang Heterosexual. Paano mailalarawan ang kanyang kabuuang
nararamdaman at pagkatao niya?
a. Siya ay straight na lalaki gustong makatalik ay babae
b. Siya ay isang bisexual, nakararamdam ng atraksyon sa dalawang kasarian
c. Siya ay isang gay, nakararamdam ng atraksyon sa kapwa lalaki
d. Siya ay asexual, nakararamdamang atraksyong seksuwal sa anumang kasarian

____ 27.Ano ang pagkakaiba ng sexual orientation at gender identity (SOGI)?


i. Kakayahan ng isang tao na makaranas ng malalim na atraksyon sa kanyang kapwa
kasarian
ii. Kakayahan ng isang tao na makaranas ng malalin na atraksyong seksuwal sa anumang
kasarian
iii. Kakayahan ng isang tao makaranas ng malalim na atraksyon apeksyonal, emosyonal,
sekawal; pakikipagrealsyon sa taong maaring katulad sa kanya, iba sa kanya, o
kasariang higit sa isa
iv. Kakayahan ay kinikilala bilang malalim na damdamin at personal na karanasang
pangkasarian ng isang tao, na maaaring nakatugma o hindi nakatugma sa sex niya
nang siya ipanganak

a. i & iii b. iii &iv c. ii, iii, & iv d. I, ii, & iii

____ 28.Ayon sa Boxer Codex, ang mga lalaki ay pinayagang magkaroon ng maraming asawa
subalit maaaring patayin ng lalaki ang kanyang asawang babae sa sandaling makita niya
itong kasama ng ibang lalaki. Ano ang ipinakikita ng Boxer Codex sa kabuuan?
a. mas malaki ang karapatan na tinatamasa ng mga kastila noon kaysa sa mga Pilipino
b. nagpapakita ng pagkapantay-pantay na karapatang pantao sa Pilipinas noon
c. mas malaki ang karapatan na tinatamasa ng kalalakihan noon kaysa sa kababaihan
d. nagpapakita ng pagsusulong at pagkapantay-pantay ng batas sa kalalakihan at
kababaihan

____ 29.Inilarawan ni Emelina Ragaza Garcia, sumulat ng akdang Position of Women in the
Philippines. Sunod-sunurin ang mga posisyon ng kababaihan sa Pilipinas noon?
i. Nilabanan ang pang-aabuso ng mga espanyol
ii. Marami ng pagkilos at batas ang isinusulong upang mapagkalooban ng pantay na
karapatan
iii. Pagbibigay-karapatan sa pagboto ng kababaihan at nakapag-aral hindi lamang dapat
sa bahay
iv. Kabahagi ng kalalakihan sa pag-laban ng hapones

a. i, ii, iii, & iv b. i, iii, iv,& ii c. ii, i, iv, & iii d. ii, iii, iv & i
AP10-Kontemporaryong Isyu- pg5

____ 30.Ang anti-Violence Against Women and their Children Act ay isang batas na nagsasaad ng
mga karahasan laban sa kababaihan at kanilang mga anak, ito ay nagbibigay ng lunas at
proteksiyon sa mga biktima nito. Sino ang kababaihang tinutukoy sa batas na ito?
a. Kababaihan na may edad 15 pataas
b. Kababaihan na walang asawa at mga anak
c. Kababaihan na iniwan ng asawa at nakaranas ng pang-aabuso
d. Kababaihan na nagkaroon ng anak sa isang karelasyon, babaeng may kasalukuyan o
nakaraang relasyon sa isang lalaki at kasalukuyan o dating asawang babae.

____ 31. Iba’t iba ang gampanin ng mga babae at lalaki sa tatlong primitibong pangkat sa New
Guinea. Para sa mga Arapesh kapwa ang babae at lalaki ay mahalaga o mapag-aruga,
matulungin, at mapayapa samantalang sa mga Tchambuli ay:
a. Kapwa babae at lalaki ay matapang, agresibo, at bayolente
b. Ang babae ang abala sa pag-aayos ng sarili at mahilig sa kuwento samantalang ang
kalalakihan ay domenante at naghahanap ng makakain.
c. Ang mga babae at lalaki ay masinop, maalaga, at matulungin
d. Babae ang nagdodomina, at naghahanap ng makakain samantalang ang kalalakihan ay
abala sa pag-aayos ng sarili, at mahilig sa kuwento.

____ 32. Maituturing na paglabag sa karapatang pantao ng kababaihan sa Africa at Kanlurang Asya
sa proseso ng Female Genital Mutilation o FGM?
a. Hindi, dahil naaayun ito sa kanilang kultura
b. Oo, dahil nilalabag nito ang karapatan ng mga kababaihan
c. Seguro, dahil nagdulot ito ng pagbabago ng oryentasyon ng mga kababaihan
d. Hindi, dahil naaayun ito sa benepisyong medical

____ 33. Batay sa datos ng World Health Organization (WHO) may 125 milyong kababaihan (bata at
matanda) ang biktima ng female Genital Mutilation (FGM) sa 29 na bansa sa Africa at
Kanlurang Asya. Ano ang pangunahing layunin ng pagsasagawa nito?
a. Pagsunod sa kanilang kultura at paniniwala
b. Upang hindi mag-asawa ang kababaihan
c. Ito ay isinagagawa upang maging malinis ang kababaihan.
d. Upang mapanatiling puro at dalisay ang babae hanggang sa siya ay makasal

____ 34.Paano mong malaman nakararanas kana ng domestic violence ng iyong kapareha?

i. Nagseselos at palagi kang pinagdududahan na nanloloko


ii. Pinipilit kang makipagtalik kahit labag sa iyong kalooban
iii. Pinagbabantaan ka na sasaktan
iv. Sinisisi ka sa kanyang pananakit o sinasabi

a. i, ii, & iii b. ii & iii c. ii, iii, & iv d. i, ii, iii, & iv

____ 35.Paano nilalayon ng CEDAW na wakasan ang diskriminasyon sa kababaihan?


a. Ipawalang-bisa ang lahat ng batas at mga nakagawiang nagdidiskrimina
b. Itaguyod ang tunay na pagkapantay-pantay sa kababaihan
c. Itaguyod ng CEDAW sa Pilipinas ang pagkakaroon ng himpilan
d. Ipawalang bahala ang lahat ng hinaing ng mga kalalakihan laban sa kababaihan

____ 36. Natuklasan mo na ang kaibigan mo ay isang bisexual. Siya ang lagi mong kasama simula
pa noong kayo ay mga bata pa at para na kayong magkapatid. Matapos matuklasan ang
kanyang oryentasyong seksuwal, ano ang iyong gagawin?
a. Lalayuan at ikahiya ang iyong kaibigan
b. Ipagkakalat ko na siya ay isang bisexual.
c. Kakausapin siya at susumbatan kung bakit niya inilihim ito sa akin.
d. Igagalang ko ang kanyang oryentasyong seksuwal at panatilihin an gaming pagkakaibigan.
AP10-Kontemporaryong Isyu- pg6

____ 37.Patuloy ang hayagang pakikilahok ng mga LGBT sa lipunan. Noong Nobyembre 6-9, 2006
nagtipon-tipon sa Yogyakarta Indonesia ang 27 eksperto sa oryentasyong seksuwal at
pagkakakilanlang pangkasarian na nagmula sa iba’t ibang bahagi ng daigdig. Ano ang
pangunahing layunin nito?
a. Ipaglaban ang karapatan ng mga LGBT
b. Makiisa sa mga Gawain at adhikain ng LGBT sa daigdig
c. Pagtibayin ang mga prinsipyong makatutulong sa pagkakapantay-pantay ng mga LGBT
d. Bumuo ng mga batas na magbibigay proteksiyon sa LGBT laban sa pang-aabuso at
karahasan

____ 38. Ayon sa ulat ng mayo Clinic, hindi lamang ang mga kababaihan ang biktima ng karahasan
na nagaganap sa isang relasyon o tinatawag na domestic violence, maging ang kalalakihan
ay biktima rin nito. Ang sumsusunod ay palatandaan ng ganitong uri ng karahasan maliban
sa isa.
a. Humihingi ng tawad, nangangakong magbabago.
b. Nagseselos at palagi kang pinagdududahang may ibang kalaguyo
c. Sinisisi ka sa kaniyang pananakit o sinasabi sa iyo na nararapat lamang ang ginagawa niya
sa iyo.
d. Sinisipa, sinasampal, sinasakal o sinasaktan ang iyong mga anak o alagang hayop.

____ 39.Bakit kailangang lumawak ang pananaw ng pagkamamamayan?


i. Paggamit ng karapatan para sa kabutihang panlahat
ii. Upang maging Pilipino na maipakita ang galing at talino
iii. Pagtugon ng tungkulin sa lipunan
iv. Maging matiwasay at maisusulong ang pagkakaisa

a. i & ii b. i & iii c. ii & iii d. ii & iv

____ 40. Bilang isang mamamayang Pilipino, paano mo maipakita ang pagiging responsabling
mamamayan ayon kay Yeban?
i. Maging makabayan at may pagmamahal sa kapwa
ii. May respito sa karapatang pantao
iii. Lahat na gagawin maging taas noo upang maipakita ang kagalingan
iv. May disiplina sa sarili at may kritikal at malikhaing pag-iisip

a. i, ii, & iii b. i, ii, &iv c. ii, iii, & iv d. i, ii, iii, & iv

____ 41, Alin sa sumusunod ang itinuturing na isang mamamayang Pilipino AYON SA Saligang
Batas ng 1987 ng Pilipinas?
a. Yaong mga nagging mamamayan ayon sa batas.
b. Yaong ang mga ama at ina ay mga mamamayang ng Pilipinas.
c. Yaong mga mamamayan ng Pilipinas sa panahon na isinusulat ang Saligang-Batas na ito.
d. Yaong mga isinilang bago sumapit ang enero 17, 1973 na ang mga ina ay Pilipino, na
pumili ng pagkamamamayang Pilipino pagsapit sa tamang panahon.

____ 42. Ang sumusunod ay mga kuwalipikadong botante ayon sa Saligang Batas ng 1987 ng
Pilipinas maliban sa isa.
a. Mamamayan ng Pilipinas
b. Nakatapos ng hayskul/sekondarya
c. Labing-walong gulang pataas
d. Naninirahan sa Pilipinas ng kahit isang taon at sa lugar kung saan niya gustong bumoto
nang hindi bababa sa 6 buwan bago maghalalan.

____ 43. Sino sa sumusunod ang hindi maituturing na isang mamamayang Pilipino batay sa Saligang
Batas ng 1987 ng Pilipinas?
a. Si Maria na sumailalim sa proseso ng expatriation.
b. Si Kesha na sumailalim sa proseso ng naturalisasyon.
c. Si Edward na ang mga magulang ay parehong Pilipino.
d. Si Jade na ipinanganak noong Enero 16, 1970 na ang ina ay Pilipino at piniling Pilipino.
AP10-Kontemporaryong Isyu- pg7

____ 44.Alin sasumusunod na situwasiyon ang hindinagpapakita ng lumawak na konsepto ng


pagkamamamayan?
a. Si Edna na sumasali sa mga kilos-protesta laban sa katiwalian sa pamahalaan.
b. Si Rowel na nagtatrabaho para matugunan ang kanyang mga pangangailangan.
c. Si Angelo na kalahok sa proseo ng participatory budgeting ng kanilang local na
pamahalaan.
d. Si Michael na lumahok sa isang non-govermental na naglalayong bantayan ang kaban ng
bayan.

____ 45. Alin sa mga pahayag ang nagpapakita ng isang Pilipinong iginigiit ang kaniyang karapatan
bilang mamamayan?
a. ipinauubaya niya sa mga opisyal ng barangay ang pagpapasya sa mga proyektong dapat
isagawa sa kanilang komunidad.
b. Aktibo siya sa isang peace and order committee ng kanilang barangay
c. Nakikinig siya sa mga hinaing ng mga taong naaapi.
d. Nanonood siya ng mga serye ng kuwento tungkol sa karapatang pantao.

____ 46. Alin sa sumusunod ang hindi akma sa nilalaman ng Bill of Rights na nakapaloob sa
Saligang Batas ng 1987 ng Pilipinas?
a. Karapatan ng taumbayan ang kalayaan sa pananampalataya.
b. Karapatan ng taumbayan ang magtatag ng unyon o mga kapisanan.
c. Karapatan ng taumbayan ang mabilanggo sa pagkakautang o hindi pagbabayad ng sedula.
d. Karapatan ng taumbayan ang hindi gamitan ng dahas at pwersa sa kaniyang malayang
pagpapasya.

____ 47. Basahin ang sumusunod na mensahe: “Ask not what your country can do for you, ask what
you can do for your country.”
Ano ang nais ipaabot ng pahayag niPangulong John F.Kennedy?
a. ang pamahalaan at ang mga mamamayan ay may kani-kaniyang karapatan at tungkulin
b. ang mga mamamayan ay dapat na palaging mulat sa mga polisya at proyrkto ng
pamahalaan
c. ang pagiging mapanagutang mamamayan ay makatutulong sa pag-unlad ng isang bansa.
d. Ang isang bansang Malaya ay may sariling pamahalaan at pamantayan sa
pagkamamamayan.

____ 48.Bakit kailangang masiguro ng isang tao ang ligalidad ng kanyang pagkamamamayan sa
isang bansa?
a. Upang magkaroon siya ng pagkakakilanlan
b. Upang matiyak ang kaniyang mga tungkulin at pananagutan
c. Upang mabatid niya ang kaniyang mga karapatan at tungkulin
d. Upang maigawad sa kaniya ang mga pribilehiyo na dapat niyang matamasa

____ 49. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng “kamalayan, aktibo, at malayang pagtatanggol sa
mga karapatang pantao ng mga mamamayan”?
a. Paghanda sa mga darating na kalamidad tulad ng bagyo at lindol
b. Pag-anib sa mga people’s organization tulad ng samahang Gabriela
c. .Pamamasyal sa mga lokal na tourist spot bago ang pangingibang bansa
d.. Pagbili ng mga produktong Pilipino at pagwaksi sa mga produktong dayuhan

_____ 50. Bakit mahalaga sa isang bansa ang aktibong pakikilahok ng mga mamamayan sa mga
nangyayari sa kanilang paligid?
a. sapagkat mapaaktibo man o hindi, makalalahok pa rin ang mga mamamayan sa mga
nangyayari sa bansa
b. sapagkat kakikitaan ng mga karapatang pantao ang mga mamamayan batay sa itinakda ng
saligang-batas
c. sapagkat malaki ang bahaging ginagampanan ng mga mamamayan na makatugon sa mga
isyu at hamong panlipunan
d. sapagkat mas magiging makapangyarihan ang mga opisyal ng pamahalaan kung magiging
aktibo ang mga mamamayan sa bansa

You might also like