You are on page 1of 43

10

EDUKASYON SA
PAGPAPAKATAO
IKAAPAT NA MARKAHAN
Modyul 4
Ang Aking Posisyon sa mga Isyung Moral
Aralin 12-14

DO_Q4_ESP_GRADE 10_ARALIN 12-14


Edukasyon sa Pagpapakatao 10
Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan –Modyul 4: Aralin 12-14
Binagong Edisyon, 2023

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na
ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon, Division of City Schools-Valenzuela


DepEd Secretary Sara Z. Duterte-Carpio
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Angelita F. Aquino, Gemma E. Galias

Patnugot: Edna A. Prudente, EPS (Edukasyon sa Pagpapakatao)


Katuwang na Patnugot: Senta Kathlyn S. Cruz
Ma. Lorena Z. Dela Cruz
Rudolf S. Ng
Tagasuri ng Nilalaman:
Arwin Poticar
Edna A. Prudente, EPS (Edukasyon sa Pagpapakatao)
Tagasuri ng Wika: Danica G. Saro
Tagaguhit: Jayson P. Delechos,
Tagalapat: Darlene Gay V. De Leon, Ethel Mae B. Paparon
Tagapamahala: Meliton P. Zurbano, OIC – SDS
Filmore R. Caballero, CID – Chief
Myron Willie III B. Roque, Division EPS (LRMS)
Auggene John De Vega, EPS (Edukasyon sa Pagpapakatao)
Printed in the Philippines by ________________________

Department of Education – National Capital Region – SDO VALENZUELA


Office Address: Pio Valenzuela St., Marulas, Valenzuela City
Telefax: (02) 292 – 3247
E-mail Address: sdovalenzuela@deped.gov.ph
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa
kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang
maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinatakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/ Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala,
pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa
pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na
may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula
sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat
naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa
bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang
mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit
lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay
makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na


matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
10
Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikaapat na Markahan
Modyul 4
Aralin 12: Ang Pangangalaga sa Kalikasan
Aralin 13: Mga Isyung Moral tungkol sa
Sekswalidad
Aralin 14: Mga Isyung Moral sa kawalan ng
Paggalang sa Katotohanan
10

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikaapat na Markahan
Modyul 4

Aralin 12: Ang Pangangalaga sa Kalikasan


Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod na
kaalaman, kakayahan, at pag-unawa:
1) Nakapagpapaliwanag ng kahalagahan ng pangangalaga sa kalikasan.
Natutukoy ang mga paglabag sa pangangalaga sa kalikasan na umiiral sa
lipunan
(EsP10PB-lllg-12.1)
2) Natutukoy ang mga isyu tungkol sa paggamit ng kapangyarihan at
pangangalaga sa kalikasan. (EsP10PB-lllg-12.2)
3) Napangagatwiranan na (EsP10PB-lllh-12.3)
a.Maisusulong ang kaunlaran at kabutihang panlahat kung ang lahat ng tao
ay may paninindigan sa tamang paggamit ng kapangyarihan at pangangalaga
sa kalikasan
b.Lahat tayo ay mamamayan ng iisang mundo, dahil nabubuhay tayo sa
iisang kalikasan (Mother Nature). Inutusan tayo ng Diyos na alagaan ang
kalikasan (stewards) at hindi maging tagapagdomina para sa susunod na
henerasyon.
c.Binubuhay tayo ng kalikasan.
4) Nakabubuo ng mapaninindigang posisyon sa isang isyu tungkol sa paggamit ng
kapangyarihan at pangangalaga sa kalikasan ayon sa moral na batayan.
(EsP10PB-lllh-12.4)

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga aytem at piliin ang letra ng
pinakatamang sagot. Isulat ito sa iyong kuwaderno.

1. Ano ang pangunahing dahilan kung bakit kailangan ng tao na pangalagaan ang
kalikasan?
a. Sa kalikasan nanggagaling ang mga materyal na bagay na bumubuhay sa kaniya.
b. Responsibilidad itong ipinagkatiwala sa kaniya na dapat niyang gampanan.
c. Ang kalikasan ay kakambal ng kaniyang pagkatao; ito ang bubuhay sa kaniya at
bilang kapalit, kailangan niya itong alagaan at pahalagahan.
d. Sa kalikasan nakadepende ang hinaharap ng tao dahil sa biyayang taglay nito.

2. Ano ang maaaring epekto ng global warming?


a. Unti-unting mababawasan ang bilang ng tao dahil sa gutom at mga trahedyang
mangyayari.
b. Matutunaw ang mga yelo, lalawak ang dagat at magkakaroon ng malawakang
pagbaha.
c. Unti-unting mararamdaman ng tao ang pag-iiba ng klima na maaaring magdulot ng
pinsala sa buhay at ari-arian.
d. Magiging madalas ang pag-ulan, pagguho ng lupa at pag-init ng panahon.

1 DO_Q4_ESP10_MODYUL4_ARALIN 12
3. Paano mo isasagawa ang programang magsusulong ng pangangalaga ng kalikasan?
a. Ipatutupad ang batas sa pamamagitan ng dagdag na multa.
b. Hihikayatin ang bawat indibidwal na magtanim at makiisa sa isang gawaing
makakalikasan.
c. Magkaroon ng takot sa batas at sa Diyos na nagbigay ng kalikasan.
d. Makikipag-ugnayan at gagawa ng isang komprehensibong pag-aaral upang
makapagsagawa ng isang gawaing pangkalikasan.

4. Ano ang paraan na maaaring gawin ng isang simpleng mamamayan bilang tagapamahala
at tagapangalaga ng kalikasan?
a. Magtapon ng basura sa tamang tapunan.
b. Magpatupad ng mga batas.
c. Magkaroon ng pagkukusa at maging disiplinado.
d. Maging mapagmasid at matapang sa pakikipaglaban para sa bayan.

5. Kung bibigyan ka ng pagkakataon na gumawa ng isang bagay na makakaya mo para sa


kalikasan, alin sa sumusunod ang iyong gagawin?
a. Lilinisin ang Ilog Pasig at sasali sa mga proyektong lilikom ng pondo para sa Ilog
Pasig.
b. Gagawa ng mga programang susundan ng barangay upang makatulong nang
malaki.
c. Maging mapanuri at magkukusa sa mga gawaing kailangan ako.
d. Magdarasal para sa bayan.

6. Ang pagiging tagapangalaga ng kalikasan ay nangangahulugang


a. Paggamit sa kalikasan na naaayon sa sariling kagustuhan.
b. Paggamit sa kalikasan ng may pananagutan.
c. Paggamit sa kalikasan ng walang pakundangan.
d. Paggamit sa kalikasan na hindi isinasaalang-alang ang iba.

7. Ang sumusunod ay maling pagtrato sa kalikasan, maliban sa isa.


a. Hindi maayos na pagtatapon ng basura.
b. Paghiwa-hiwalay ng basura bilang nabubulok at di nabubulok.
c. Pagtatapon ng basura sa mga anyong tubig.
d. Pagsusunog ng basura.

8. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng paggamit sa kalikasan bilang isang


kasangkapan?
a. Pagpuputol ng puno at pagtatanim muli ng mga bagong binhi.
b. Paggamit ng lupain na may pagsasaalang-alang sa tunay na layunin nito.
c. Malawakang paggamit ng mga kemikal upang makakuha ng maraming ani.
d. Pagkamalikhain at responsibilidad sa gagawing pagbabago sa kapaligiran

9. Ang kalikasan ay tumutukoy sa _________________


a. lahat ng nakapaligid sa atin c. lahat ng bagay na nagpapayaman sa tao
b. lahat ng nilalang na may buhay d. mga bagay na tumutog sa pangangailangan

10. Alin sa mga sumusunod ang tamang pagsasabuhay ng 4R ?


I. Reduce II. Re-use III. Replace IV. Recycle
a. I.II.III. IV b. I.II.IV.III c. II.I.IV.III d. I.IV.II.II

2 DO_Q4_ESP10_MODYUL4_ARALIN 12
Aralin Ang Pangangalaga sa Kalikasan
12

Ipinagkaloob ng Diyos sa tao ang kapangyarihan na pangalagaan ang kalikasan na


kaniyang nilikha. Ipinagkatiwala ng Diyos ang lahat niyang nilikha sa tao na kaniya rin
namang nilalang bilang pinakamataas na uri sa lahat ng kanyang mga nilikha. Ang
pagtitiwalang ito ay isang patunay na minamahal tayo ng Diyos kung kaya’t ibinigay Niya
sa atin ang kalikasan. Ano ba ang kalikasan? Ano ang kahalagahan nito sa atin bilang tao?

Mga Tala para sa Guro

Sa modyul na ito, inaasahang maunawan kung ano maaaring gawin gampanin


ng bawat isa upang makaiwas sa pagkasira ng kalikasan. Maging malinaw ang
nilalaman ng paksa.

A. Panuto:
Picture Analysis. Pag-aralan o siyasating mabuti ang mga larawan, pansinin
kung ano ang pagkakaiba ng mga ito sa isa’t isa. Itala sa iyong kuwaderno
ang mga napansing pagkakaiba ng mga ito.

3 DO_Q4_ESP10_MODYUL4_ARALIN 12
Mga tanong na kailangang sagutin, isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.
1. Nakikita mo ba sa totoong buhay ang mga larawan na iyong sinuri?
2. Ano ang iyong naramdaman sa naging resulta ng iyong ginawang pagsusuri?
Ipaliwanag.
3. Apektado ba ang isang tulad mo sa naging resulta ng iyong pagsisiyasat?
a. Kung oo, sa papaanong paraan? Ipaliwanag.
b. Kung hindi, bakit? Ipaliwanag.
B. Panuto: Tukuyin kung alin sa sumusunod na mga karaniwang paalala ang iyong
nakikita sa iyong pamayanan o barangay? Isulat ito sa iyong kuwaderno.

Sagutin ang sumusunod na mga tanong, isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.
1. Paano nakatutulong ang mga paalalang ito sa pangangalaga ng kalikasan?
Ipaliwanag.
2. Bakit kaya sa kabila ng mga paalalang ito ay patuloy pa rin ang tao sa pagwasak sa
kalikasan? Ipaliwanag.
3. Kung ikaw ang bibigyan ng pagkakataon na gumawa ng isang paalala para sa
kalikasan, ano ang gagawin mo at paano mo ito ikakampanya?

4 DO_Q4_ESP10_MODYUL4_ARALIN 12
Basahin:
Ipinagkaloob ng Diyos sa tao ang kapangyarihan na pangalagaan ang
kalikasan na kaniyang nilikha.Ang pagtitiwalang ito ay isang patunay na minamahal
tayo ng Diyos kung kaya’t ibinigay Niya sa atin ang kalikasan. Ano ba ang kalikasan?
Ano ang kahalagahan nito sa atin bilang tao? Ang kalikasan ay tumutukoy sa lahat
ng nakapaligid sa atin na maaaring may buhay o wala. Ito ay kinabibilangan ng mga
puno’t halaman, at lahat ng iba’t ibang uri ng hayop mula sa maliit hanggang sa
malaki. Maituturing ding bahagi ng kalikasan ang
lahat ng salik na siyang nagbibigay-daan o
tumutugon sa mga pangangailangan ng mga TAYO AY BINUBUHAY
nilalang na may buhay upang ipagpatuloy ang NG KALIKASAN
kanilang buhay. Kabilang dito ang hangin, lupa,
tubig, at iba pang mga anyo nito Ang kalikasan ay
kaloob sa atin ng Diyos upang tayo ay patuloy na mabuhay.Samakatuwid, tayo ay
binubuhay ng kalikasan. Dahil dito, binigyan Niya tayong lahat ng tungkulin at
pananagutang upang ito’y ating igalang at pangalagaan. Sabi nga sa Compendium
on the Social Doctrine of the Church, sa bahaging may kaugnayan sa kalikasan,
ang ugnayan natin o kaya’y tungkulin sa kalikasan ay makikita sa kung ano ang
ugnayan natin sa ating kapuwa at sa Diyos.

Mga Maling Pagtrato sa Kalikasan

Maraming mga pagmaltrato at paglabag ang


ginagawa ng tao na tuwirang taliwas sa pangangalaga sa
kalikasan. Isa-isahin natin ang mga ito at pagkatapos ay
suriin mo ang iyong sarili kung kabilang ka sa mga
kabataan na gumagawa rin ng mga ito.

1. Maling pagtatapon ng basura. Dahilan sa komersiyalismo at konsiyumerismo,


nagkaroon ang tao ng maraming bagay na nagiging patapon o hindi na maaaring magamit.
Resulta? Walang habas ang ginawang pagtatapon ng basura kung saan- saang lugar na
lamang.

2. Ilegal na pagputol ng mga puno. Ang mga puno at iba pang halaman ang siyang
tagapagbigay sa atin ng napakahalagang hangin na ating nilalanghap upang mabuhay tayo
at iba pang mga hayop.

3. Polusyon sa hangin, tubig, at lupa. Ang dalawang suliraning nabanggit sa itaas


ay nagdudulot ng polusyon.

4. Pagkaubos ng mga natatanging species ng hayop at halaman sa kagubatan

5. Malabis at mapanirang pangingisda.

5 DO_Q4_ESP10_MODYUL4_ARALIN 12
6. Ang pagko-convert ng mga lupang sakahan, iligal na pagmimina, at quarrying.

7. Global warming at climate change. Ang


malawakang pag-iiba-iba ng mga salik na nakaaapekto
sa panahon na nagdudulot nang matinding pagbabago sa
pangmatagalang sistema ng klima ay ang tinatawag na
climate change.

8. Komersiyalismo at urbanisasyon. Ang


komersiyalismo ay tumutukoy sa pag- uugali ng tao at
mga kilos na nagpapakita nang labis na pagpapahalaga
na kumita ng pera.

Nakita natin ang mga pinakamalalaki at napapanahong


problema sa ating kalikasan at ang mga epekto nito sa atin. Mayroon pa bang ibang
epektong nagaganap sa maling pagtrato sa kalikasan?

Ang Tao Bilang Tagapangalaga ng Kalikasan


Bilang inyong gabay ay maaaring panoorin ang video sa “Pangangalaga sa
Kalikasan” (https://youtu.be/bb3DGUnpcAw) para sa malalim na pag-unawa.

Inuutusan tayo ng Diyos na alagaan ang kalikasan at hindi maging


tagapag-domina nito para sa susunod na henerasyon.

Ayon sa Compendium of the Social Doctrine of the Church, sa


lalong paglaki ng kapangyarihan ng tao, lumalaki rin ang kaniyang pananagutan sa
kaniyang pamayanan. Kung kaya’t lahat ng naisin niyang gawin sa kalikasan bilang
kaniyang kapangyarihan dito ay nararapat na naaayon sa disenyo at kagustuhan
ng Diyos na walang iba kundi ang Siyang taga-paglalang nito. Ang paggamit at
pangangalaga sa kalikasan ay hindi pansarili lamang kundi isa itong pananagutan
na bigyang pansin na nagsasaalang-alang ng kabutihang panlahat.

Ang tungkulin natin na pangalagaan ang ating kalikasan ay nakaugat sa


katotohanang lahat tayo ay mamamayan ng iisang mundo, dahil nabubuhay tayo
sa iisang kalikasan.

Mahalagang Tanong:
“Paano nga ba natin pangangalagaan ang ating kalikasan at kapaligiran?”

Ang Sampung Utos para sa Kapaligiran (Ten Commandments for


the Environment) na ginawa ni Obispo Giampaolo Crepaldi, Kalihim ng Pontifical
Council for Justice and Peace. Ang sampung utos na ito ay mga prinsipyo ng
makakalikasang etika (environmental ethics) na kaniyang ginawa hango sa
compendium.
Ang sampung utos para sa kalikasan ay hindi listahan ng mga dapat at hindi dapat
gawin, kundi mga prinsipyong gagabay (guiding principles) sa pangangalaga ng
kalikasan. Isa-isahin natin ang mga ito.

6 DO_Q4_ESP10_MODYUL4_ARALIN 12
Ang Sampung Utos para sa Kalikasan

1. Ang tao na nilikha ng Diyos na kaniyang kawangis ang siyang nasa itaas ng lahat ng Kaniyang mga
nilikha ay marapat na may pananagutang gamitin at pangalagaan ang kalikasan bilang pakikiisa sa
banal na gawain ng pagliligtas.
2. Ang kalikasan ay hindi Ang tao at ang kalikasang nilikha ng Diyos ay hindi pangkaraniwan, hindi
ordinaryo nararapat na gamitin bilang isang kasangkapan na maaa- ring manipulahin at ilagay sa
mas mataas na lugar na higit pa sa dignidad ng tao.
3. Ang responsibilidad na pang-ekolohikal ay gawaing para sa lahat bilang pag- galang sa kalikasan
na para rin sa lahat, kabilang na ang mga henerasyon ngayon at ng sa hinaharap.
4. Sa pagharap sa mga suliraning pangkalikasan, nararapat na isaalang-alang muna ang etika at
dignidad ng tao bago ang makabagong teknolohiya.
5. Ang kalikasan ay hindi isang banal na reyalidad na taliwas sa paggamit ng tao. Ang paggamit dito
ng tao ay hindi kailanman mali, maliban na lamang kung ginagamit ito na taliwas sa kung ano ang
kaniyang lugar at layunin sa kapaligiran o ecosystem.
6. Ang politika ng kaunlaran ay nararapat na naaayon sa politika ng ekolohiya. Ang halaga at tunguhin
ng bawat pagpapaunlad sa kapaligiran ay nararapat na bigyang-pansin at timbangin nang
maayos.
7. Ang pagtatapos o wakas ng pangmundong kahirapan ay may kaugnayan sa pangkalikasang tanong
na dapat nating tandaan, na ang lahat ng likas na yaman sa mundo ay kailangang ibahagi sa bawat
tao na may pagkakapantay-pantay.
8. Ang karapatan sa isang malinis at maayos na kapaligiran ay kailangang protektahan sa
pamamagitan ng pang-internasyonal na pagkakaisa at layunin.
9. Ang pangangalaga sa kapaligiran ay nangangailangan ng pagbabago sa uri ng pamumuhay
(lifestyles) na nagpapakita ng moderasyon o katamtaman at pagkontrol sa sarili at ng iba.
10.Ang mga isyung pagkalikasan ay nangangailangan ng espiritwal na pagtugon bunga ng
paniniwala na ang lahat na nilikha ng Diyos ay Kaniyang kaloob kung saan mayroon tayong
responsibilidad.

Ang sumusunod ay mga karagdagang hakbang upang makatulong sa pagpa-


panumbalik at pagpapanatili sa kagandahan at kasaganaan ng mundo na ang
makikinabang ay ang tao. EsP Lm. Pp. 228 - 230

Gayundin naman, sa pagmamahal at pangangalaga sa kalikasan, nararapat nating


tandaan na malaya nating magagamit ang mga ito sapagkat kaloob ito sa atin ng Diyos.
Ngunit sa paggamit natin ng kalikasan, dapat din nating tingnan kung ito ba ay ginagamit
nang tama o mabuti.

Dahil dito, kung kaya’t nagkakaroon tayo ng obligasyong pangalagaan ang kapaligiran
para sa mga tao ng susunod na henerasyon. Sabi nga ni Santo Papa Benedicto, ang
planetang hindi mo isinalba ay ang mundong hindi mo na matitirahan. Kung kaya’t sa
maliit na paraan, gawin natin ang maaari nating magawa upang pangalagaan at mailigtas
ang ating kalikasan, ang ating mundo.

7 DO_Q4_ESP10_MODYUL4_ARALIN 12
Tayahin ang iyong Pang-unawa:
Ano ang naunawaan mo sa iyong binasa? Upang masubok ang lalim ng iyong
pag-unawa, sagutin mo ang sumusunod na mga tanong sa iyong kuwaderno.

1. Ano-anong mga kaalaman ang nahinuha mo sa sanaysay na binasa? Isa-


isahin at ipaliwanag ang mga ito.
2. Bakit mahalagang isabuhay ang pangangalaga sa kalikasan? Ipaliwanag.
3. May kakayahan ka bang isabuhay ito? Patunayan.
4. Makatutulong ba ang kaalamang iyong binasa sa pagkakamit ng kabutihang
panlahat? Ipaliwanag.
5. Ano-anong maling pangangatwiran ang makahahadlang sa pagsasabuhay ng
sampung utos para sa kalikasan?

1.Ano-ano ang natutuhan mo mula rito? Ano ang ipinapahayag nito sa iyo?
2.Anong konklusyon ang mabubuo mo mula sa mga ito?
3.Paano mo pangangangalagaan ang iyong kapaligiran at kalikasan? Ano ang
mga kailangan mong isaalang alang upang mapangalagaan ang kalikasan?
4.Ano ang mga maaari mong gawin upang pangalagaan ang kalikasan?

Paggawa ng Dyornal
Panuto: Pagnilayan ang sumusunod at isulat sa iyong dyornal ang naging
reyalisasyon o pag-unawa:

A. Ako’y mapalad sa biyayang kaloob ng kalikasan.


B. Ang aking buhay ay karugtong ng inang kalikasan.
C. Paano ko pananatilihin ang magandang ugnayan sa kalikasan?

Panuto: Isulat sa inyong kwaderno ang salitang WASTO kung ang pahayag ay tama
at DI WASTO naman kung ang pahayag ay mali.
1. Sa kalikasan nangagaling ang mga material na bagay na bumubuhay sa
tao.
2. Kailangan makiisa ng mga tao sa programang nagsusulong ng
industriyalisasyon gaya ng road widening at earth balling para sa
ikawawasak ng kalikasan.

8 DO_Q4_ESP10_MODYUL4_ARALIN 12
3. Ang paggamit ng kalikasan na naayon sa labis at pangsariling
kagustuhan ay masamang gawain.
4. Nararapat na gumamit ng mga kemikal upang makakuha ng maraming
ani.
5. Isulong ang pagkamalikhain at paigtingin ang pagiging responsible sa
pagbabago sa kapaligiran.
6. Ang pagdadala ng Eco bag ay mainam na gawain upang maibsan ang
polusyon.
7. Lahat ng tao ay may malaking pananagutan sa ating inang kalikasan.
8. “Tapat mo linis mo” ay mainam na ipagpatuloy ng bawat mamayang
Pilipino.
9. Ang kalikasan ay kakambal ng ating pagkatao, kaya dapat itong ingatan
at pahalagahan.
10. Sa kalikasan nakadepende ang kagandahan ng buhay ng tao dahil sa
biyayang ibinibigay nito.

A. Panuto: Ano-anong mahalagang konsepto ang nahinuha mo mula sa


nagdaang gawain at babasahin? Gamit ang konseptong iyong natutuhan,
ipaliwanag ang mensahe ng larawang nakikita mo sa ibaba. Isulat ang
sagot sa iyong kuwaderno.

Save Mother Earth

B. Panuto: Gumawa ng simpleng obserbasyon sa inyong pamayanan kung itoba ay


kakikitaan ng mga hakbang sa pangangalaga ng kalikasan. Makipag-ugnayan sa
iyong guro at sa iyong mga lokal na pinuno upang ito ay maisagawa at tuluyang
makatulong sa pangangalaga sa kalikasan. Maaaring gawing gabay ang pamamaraang
LAPPIS. Maaring sundan ang panuntunan sa inyong aklat sa pahina 233, EsP LM

9 DO_Q4_ESP10_MODYUL4_ARALIN 12
DO_Q4_ESP10_MODYUL4_ARALIN 12 10
Tayahin
1. Wasto
2. Di Wasto
3. Wasto
4. Di Wasto
5. Wasto Subukin
6. Wasto 1. c 6. b
7. Wasto 2. c 7. b
8. Wasto 3. d 8. b
4. c 9. a
9. Wasto
5. b 10. b
10. Wasto
Koenig- Bricker, Woodenee. (2009). Ten Commandments for the Environment.
Pasay City. Paulines Publishing House
Singer, Peter (1993). Practical Ethics Second Edition. United States of America:
Cambridge University Press
Dupre, Ben (2013). 50 Ethics Ideas You Really Need to Know. China
Goddard, Andrew (2006). A Pocket Guide to Ethical Issues. Malta

Mula sa Internet:
https://ph.images.search.yahoo.com/images/ https://youtu.be/bb3DGUnpcAw

11 DO_Q4_ESP10_MODYUL4_ARALIN 12
10
Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikaapat na Markahan
Modyul 4

Aralin 13: Mga Isyung Moral tungkol sa


Sekswalidad

12 DO_Q4_ESP10_MODYUL4_ARALIN 12
Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod na
kaalaman, kakayahan, at pag-unawa:
1.Natutukoy ang mga isyung kaugnay sa kawalan ng paggalang sa
Dignidad at Sekswalidad. EsP10Pl-lVa-13.1
2. Nasusuri ang mga isyung kaugnay sa kawalan ng paggalang sa
Dignidad at Sekswalidad EsP10Pl-lVa-13.2
3.Napangangatwiranan na: Makatutulong sa pagkakaroon ng
posisyon tungkol sa kahalagahan ng paggalang sa pagkatao ng tao
at sa tunay na layunin nito ang kaalaman sa mga isyung may
kinalaman sa kawalan ng paggalang sa dignidad at sekswalidad ng
tao. EsP10Pl-lVa-13.3
4. Nakagagawa ng malinaw na posisyon tungkol sa isang isyu sa
kawalan ng pagalang sa dignidad at sekswalidad. EsP10Pl-lVa-
13.4

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga aytem at Piliin ang titik ng
pinakatamang sagot. Isulat ito sa iyong kwaderno.
1. Ang gawaing pagtatalik bago ang kasal ay isyung may kinalaman sa:
a. Pang-aabusong seksuwal c. Pornograpiya
b. Pre-marital sex d. Prostitusyon
2. Ang pang-seksuwal na kakayahang kaloob ng Diyos sa tao ay
tumutugon sa mga layuning
a.Magkaroon ng anak at magkaisa.
b.Magkaisa at maipahayag ang pagnanasa.
c.Makadama ng kasiyahan at magkaroon ng anak.
d.Magkaroon ng trabaho at makadama ng kasiyahan.
3. Kailan masasabing ang paggamit sa sekswalidad ng tao ay masama?
a. Kapag ang paggamit ay nagdadala sa kasiyahan.
b. Kapag ang paggamit nito ay nauuwi sa pang-aabuso.
c. Kapag ang paggamit ay hindi nagdadala sa tunay na layunin ng
sekswalidad.
d. Kapag ang paggamit ay nagdadala sa tao upang maging isang
pakay o kasangkapan.
4. Alin sa sumusunod ang hindi tumutukoy sa mga isyung seksuwal?
a. Si Jessica ay araw-araw hinihipuan ng kaniyang amain sa
maseselang bahagi ng kaniyang katawan.

13 DO_Q4_ESP10_MODYUL4_ARALIN 13
b. Niyaya ni Noli ang matagal na niyabng kasintahang si Malyn
na magpakasal sapagkat gusto na nilang magtatag ng
pamilya.
c. Dala ng kabataan at bugso ng damdamin, nagbunga ang isang
gabing pagkalimot sa sarili ni Daisy at ng Kani yang boyfriend
na si Ariel.
d. Maganda ang hubog ng katawan ni Ann kaya nagpasiya
siyang magpaguhit nang nakahubad.

5. Alin sa sumusunod ang tamang pananaw sa pakikipagtalik?


a. Ang pakikipagtalik ay isang karapatang makaranas ng
kasiyahan.
b. Ang pakikipagtalik ay kailangan ng tao upang maging
malusog at mabuhay.
c. Ang pakikipagtalik ay tama kapag parehong may
pagsang-ayon ang gagawa nito.
d. Ang pakikipagtalik ay ang pagsasakatawan ng
pagmamahal na ipinapahayag ng mag-asawa sa bawat
isa.

Para sa Bilang 6 -10


Panuto: Suriin ang sumusunod na sitwasyon at tukuyin kung nararapat o hindi
ang pagpapasiyang ginawa ng mga tauhan sa kuwento. Isulat ang N kung ito ay
nararapat at HM kung hindi marapat. Ipaliwanag ang iyong sagot.

6. Si Wilson ay nakatira sa kaniyang nanay at amain. Isang araw, pumasok


ang kaniyang amain sa kuwarto niya at nagpakita ng mga malalaswang
litrato. Hindi mapakali si Wilson at hindi niya alam ang kaniyang
sasabihin. Sabi ng kaniyang amain,“Halika rito, anong klaseng lalaki ka?”
Kinuha ni Wilson ang babasahin at ito’y kaniyang tiningnan at
nagustuhan naman niya ito.

7. Hiniling ng isang kapitbahay ni Mela na kunan siya ng litrato na


nakabikini. Sinabi sa kaniyang maaari itong ipagbili sa isang kompanya
ng pagmomodelo at kumita ng malaking pera. Tumanggi si Mela at
sinabing ang katawan niya ay hindi kailanman maaaring i-display.

8. Si Aileen ay 15 taong gulang at miyembro ng mahirap na pamilya. Wala


na siyang interes na mag-aral mula ng paulit-ulit siyang
pagsamantalahan ng kaniyang amain. Nakilala niya si Merly at niyaya
siya nitong mamuhay sa lansangan at magbenta ng aliw. Sumama siya
rito at nagsabing lubog na rin naman siya sa putik kung kaya’t marapat
lang na ito ang kaniyang gawin at kikita pa siya.

9. Si Jhun ay may magandang hubog ng katawan at makinis na kutis. Sa

14 DO_Q4_ESP10_MODYUL4_ARALIN 13
kanyang kagustuhan na makapagtapos ng pag-aaral at makatulong sa
kanyang magulang ay sumama siya sa kanyang kaibigan na magbenta
ng mga hubad na litrato online upang kumita at mabili ang kanilang
pang-araw araw na pangangailangan.

10. Noong kasagsagan ng pandemya naisipan ni Marian na subukan ang pag


online selling dahil ito ang masikat at mabilis na kaparaan. Makalipas na
ilang lingo ay kakaunti lamang ang kanyang benta, kaya naisip niyang
magsuot ng maiiksing damit pangitaas upang maging trending at kumita
ng malaki.

Aralin MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA


13 SEKSWALIDAD

Natutunan mo na ba kung paano pangalagaan ang kalikasan? Sa


nakaraang modyul binigyan diin ang ating pananagutan na ito ay alagaan dahil
ito’y ating responsibilidad at dito nakasalalay ang kasaganahan ng ating buhay.

Sa modyul na ito, inaasahan na makakamit ng kabataang tulad mo ang


malalim nap ag-unawa sa iba’t-ibang mga pananaw kalakip ng mga isyu sa buhay
na sa huli at makabuo ka ng pasiyang papanig sa kabutihan.

Ngayon ay hinahamon kita, Paano mo ba mapapanatili ang kasagraduhan


ng buhay mo at ang iyong kapwa.

Mga Tala para sa Guro


Mahalagang magabayan ng guro ang mga mag-aaral sa mga gawain upang
maunawaan ang batayang konsepto ng aralin. Ang bawat gawain ay
makatutulong na maipahayag ang damdamin ng bawat isa at at
maiugnay ang mga ito sa paksa.

15 DO_Q4_ESP10_MODYUL4_ARALIN 13
A. Pag-isipan Mo
Panuto: Isulat mo ang sarili mong pagkaunawa sa salitang
“Seksuwalidad”.Maglagay sa bilog ng mga salitang maiuugnay dito.
Gawin ito sa iyong kuwaderno.

?
?

B. Pag-usapan Natin
Panuto: Suriin ang sumusunod na pahayag. Pag-usapan sa klase
kung ikaw ay sang- ayon o hindi sa mga pahayag na nabanggit
batay sa konseptong napapaloob sa aralin. Magbigay ng dahilan o
paliwanag kung bakit sang-ayon o hindi sang-ayon sa pahayag.

Sang-ayon
Pahayag Paliwanag
o o
Hindi sang-ayon Dahilan

1. Ang pakikipagtalik ay normal


para sa kabataang nagmamahalan.

2. Ang pagtatalik ng magkasintahan


ay kailangan upang makaranas ng
kasiyahan.

3. Tama lang na maghubad kung ito


ay para sa sining.

4. Ang pagtingin sa mga


malalaswang babasahin o larawan
ay walang epekto sa ikabubuti at
ikasasama ng tao.

5. Ang tao na nagiging kasangkapan


ng pornograpiya ay nagiging isang
bagay na may mababang
pagpapahalaga.

6. Ang pang-aabusong seksuwal ay


taliwas sa tunay na esensiya ng

16 DO_Q4_ESP10_MODYUL4_ARALIN 13
seksuwalidad.

7. Ang paggamit ng ating katawan


para sa seksuwal na gawain ay
mabuti ngunit maaari lamang gawin
ng mga taong pinagbuklod ng kasal.

8. Ang pagbebenta ng sarili ay tama


kung may mabigat na
pangangailangan sa pera.

9. Ang pagkalulong sa prostitusyon


ay nakaaapekto sa dignidad ng tao.

10. Wala namang nawawala sa isang


babae na nagpapakita ng kaniyang
hubad na sarili sa internet. Nakikita
lang naman ito at hindi
nahahawakan.

C.Madalas tayong nagkakaroon ng pagkakataon para tulungan ang ating


mga kaibigan lalo na kapag may problema sila.

Panuto: Basahin ang sitwasyon sa ibaba at magtala ng mga


maaaring gawin upang ang suliranin sa kuwento ay malutas. Isulat
ang inyong solusyon at paliwanag sa kwaderno.

Si Bing ay labis na nag-aalala sa kaniyang matalik na kaibigang si Clarissa.


Wala silang lihim na itinatago sa isa’t isa. Matapos ang tatlong araw na pagliban sa
klase, nakita ni Bing si Clarissa na umiiyak. Niyaya ni Bing si Clarissa sa kantina
ng paaralan upang mag-usap.Hinayaan lang ni Bing na magsalita si Clarissa. Sabi
ni Clarissa, hindi niya nagugustuhan ngayon ang kaniyang hitsura at hindi siya
maunawaan ng kaniyang ina ngayon. Naiisip ni Clarissa na maglayas.
Nararamdaman ni Bing na may mas mabigat pang dahilan kung bakit ganoon si
Clarissa.
Inamin ni Clarissa na hindi na siya masaya sa kanilang bahay. Dagdag pa
niya, sa mga nagdaang buwan ay pinagsasabihan siya ng nobyo ng kaniyang ina
ng malalaswang salita at maramig beses na ring hinihipuan siya nito. Natatakot
siyang baka sa mga susunod ay mas malala pa ang gawin nito sa
kaniya.Nararamdaman na ni Clarissa na siya ay unti-unting naaabuso ng nobyo
ng kaniyang ina ngunit siya ay natatakot na sabihin ito sa kaniyang ina. Hinikayat
siya ni Bing na gawin ang pagsasabi sa kaniyang ina ng mga nararamdaman. Di
nagtagal, nagkasarilinan ang mag-ina at sinabi ni Clarissa ang kaniyang mga
naranasan sa nobyo nito. Subalit sinabi ng ina ni Clarissa na binibiro lang siya ng
nobyo nito kaya huwag niyang masyadong seryosohin.

17 DO_Q4_ESP10_MODYUL4_ARALIN 13
Basahin ang sanaysay : EsP Lm. Pp. 287-290
Youtube:tps://www.youtube.com/watch?v=MxcmU6JyVtk

Natutunan mo sa Baitang 8 na ang sekswalidad ng tao ay kaugnay ng


kaniyang pagiging ganap na lalaki o babae. Ito ay nangangahulugang magiging
ganap kang tao at bukod-tangi sa pamamagitan ng iyong pagkalalaki o pagkababae.

Ano-ano nga ba ang mga isyung seksuwal na palagi nating naririnig at


nababalitaang madalas ay kinasasangkutan ng kabataan?

Kabilang sa mga ito ay:


● pakikipagtalik nang hindi kasal (pre-marital sex),
● pornograpiya,
● pang-aabusong seksuwal, at
● prostitusyon.

Isa- isahin nating tingnan ang mga isyung ito, ang mga dahilan kung bakit
nangyayari ang mga ito at mga nagtutunggaliang pananaw kung tama o mali ang
mga ito.

Pre-marital sex
Ano ba ang pre-marital sex? Ito ay gawaing pagtatalik ng isang babae at lalaki
na wala pa sa wastong edad o nasa edad na subalit hindi pa kasal.

May iba’t ibang pananaw na siyang dahilan kung bakit ang isang tao lalo na
ang kabataan ay pumapasok sa maagang pakikikapagtalik

Ang pakikipagtalik at paggamit ng ating mga kakayahang sekswal ay mabuti


sapagkat ito ay kaloob sa atin ng Diyos. Ito ay isang regalo o banal na kaloob
ngunit maaari lamang gawin ng mga taong pinagbuklod sa Sakramento ng
Kasal.

Ang pakikipagtalik nang hindi kasal ay nagpapahayag ng kawalan ng


paggalang, komitment, at dedikasyon sa katapat na kasarian. Dagdag pa rito,
ang kabataang nagsasagawa ng pre-marital sex ay hindi pa handa sa mga
maaaring maging bunga nito sa kanilang Buhay

Pornograpiya
Ang mga mahahalay na eksenang ipinakikita ng pornograpiya ay pumupukaw
ng mga damdaming seksuwal ng kabataang wala pang kahandaan para rito.
Nagdudulot ito nang labis na pagkalito sa kanilang murang edad.

18 DO_Q4_ESP10_MODYUL4_ARALIN 13
Dahil sa pornograpiya, ang tao ay maaaring mag-iba ng asal. Ang mga
seksuwal na damdamin na ipinagkaloob ng Diyos sa tao, na maganda at mabuti,
ay nagiging makamundo at mapagnasa.

Ayon kay Immanuel Kant, nauuwi sa kawalang- dangal o nagpapababa sa


kalikasan ng tao ang mga makamundong pagnanasa

Mga Pang-aabusong Seksuwal

Bakit nga ba nangyayari ang mga pang-aabusong seksuwal? Ano ang


karaniwang nagtutulak sa mga kabataan na gawin ito o pumayag sa ganitong uri
ng pagsasamantala?

Karamihan sa mga nagiging biktima ng pang-aabusong seksuwal ay ang mga


bata o kabataang may mahihinang kalooban, madaling madala, may kapusukan at
kadalasan, iyong mga nabibilang sa mahihirap at pamilyang hiwalay ang mga
magulang. Sa gitna ng kanilang pagiging mahina, pumapasok ang mga taong
mapagsamantala, tulad ng mga pedophile na tumutulong sa mga batang may
mahinang kalooban subalit ang layunin pala ay maisakatuparan ang pagnanasa.

Prostitusyon
Ang prostitusyon na sinasabing siyang pinakamatandang propesyon o
gawain ay ang pagbibigay ng panandaliang-aliw kapalit ng pera. Dito, binabayaran
ang pakikipagtalik upang ang taong umupa ay makadama ng kasiyahang
seksuwal

Ayon sa mga pag-aaral, karamihan sa mga taong nasasangkot sa ganitong


gawain ay iyong mga nakararanas ng hirap, hindi nakapag-aral, at walang muwang
kung kaya’t madali silang makontrol

Naituturing ang taong gumagawa nito (na kadalasan ay babae), na isang


bagay na lamang kung tratuhin at hindi napakikitaan ng halaga bilang isang tao.
Mahalagang maunawaan na ang pakikipagtalik ay hindi lamang para
makadama ng kasiyahang sensuwal. Hindi ito isang paraan para makadama ng
kaligayahan, kundi ito ay isang paraan na naglalayong pag-isahin ang isang babae
at lalaki sa diwa ng pagmamahal.

Pagbubuo
Mahihinuha rin natin sa mga paglalahad na ang mga isyung sekswal na mga
ito ay hindi nararapat gawin lalo na ng kabataan pa lamang. Ano ba ang
katotohanang ipinapahayag ng mga isyung ito? Sa malalim na pagtingin, ano ang
epekto ng mga isyung nabanggit sa pagkatao o sa dignidad ng tao.

Sa pagsasagawa ng mga isyung sekswal na nabanggit, marapat ding alamin


ng tao lalo na ng kabataan kung ano ang layunin nila sa pagsasagawa nito. Ang
layunin ba nila ay mabuti? Paano naman ang kanilang paraan? Ang paraan ba ay

19 DO_Q4_ESP10_MODYUL4_ARALIN 13
mabuti? Sa ganito dapat maintindihan na ang paraan sa paghantong sa layunin ay
dapat na magkatugma. Layunin mong ipahayag ang iyong pagkatao o kaya’y
pagmamahal.

Mula sa iyong nabasa, subukin natin ang iyong pagkaunawa sa


pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong sa ibaba at isulat ito sa iyong dyornal o
kuwaderno.

1. Ano ang mga maling pananaw ng kabataan sa mga isyung


seksuwalidad na kanilang kinakaharap ngayon? Ipaliwanang ang bawat
isa.
2. Ano-ano ang mga katotohanan ukol sa dignidad ng tao na
nababalewala sa mga isyung tungkol sa seksuwalidad? Pangatwiranan.

3. Bilang kabataan, anong posisyon o mabuting pasiya ang maaari mong


gawin bilang paggalang sa seksuwalidad?

Ipakita ang iyong pagkaunawa sa mga konseptong tinalakay sa pamamagitan ng


pagsagot sa sumusunod na mga tanong. Isulat ang iyong sagot sa kuwaderno.

1. Paano mo mapahahalagahan ang paggalang sa iyong seksuwalidad?

2. Ano-ano ang mga hakbang na kailangan mong gawin tungo sa


pangangalaga sa seksuwalidad?

3. Ano ang paninindigang iyong nabuo patungkol sa isyu ng Pagbuo?

20 DO_Q4_ESP10_MODYUL4_ARALIN 13
Panuto: Punan o sagutin mo ang mga hanay at tanong na nakapaloob sa gawaing
nasa ibaba.
Planuhin Mo ang Iyong Kinabukasan

1. Ano ang ninanais mong makamit o layunin sa sumusunod na aspekto ng buhay?

Edukasyon
Kasal
Anak
Libangan
Pagreretiro
Iba pang Aspekto ng Buhay

2. Sa gulang na 30, alin sa mga aspekto/layuning ito ang sa palagay mo ay nakamit


mo na?
3. Sa gulang na 40, alin sa mga aspekto/layuning ito ang sa palagay mo ay nakamit
mo na?
4. Sa iyong buhay ngayon, ano kaya ang maaari mong gawin upang makatiyak na
ang iyong mga layunin ay makamit o maisakatuparan?
5. Ano kayang pagbabago ang maaaring mangyari sa mga plano mo sa buhay kung
ikaw ay mabuntis? Maging batang ama o ina? Masangkot sa prostitusyon, at iba
pa?
6. Magsulat ng isang maikling sanaysay tungkol sa isang tanong na nabanggit sa
itaas. Iugnay ito sa iyong buhay.

A.
Panuto: Punan ng mga salita ang patlang ayon sa kahulugan nito.

____________1. Pagtatalik ng isang lalaki at babae na wala na hindi pa kasal.


____________2. Salitang Griyego na “Porme” at “Graphos”
____________3. Ang taong nagbebenta ng panandaliang aliw.
____________4. Ang paglalaro sa maseselang bahagi ng sariling katawan
____________5. Ang pinakamatandang propesyon o gawain ay ang pagbibigay ng
Panandaliang-aliw kapalit ng pera.

21 DO_Q4_ESP10_MODYUL4_ARALIN 13
B.
Panuto: Suriin ang sumusunod na sitwasyon. Isulat ang salitang Sang-ayon kung
ito’y nagbibigay ng tamang pananaw sa seksuwalidad at Di-Sang-ayon
kung ito ay taliwas.

1. Maaring makipagtalik sa aking kasintahan upang mapatunayan ko sa


kaniya na mahal ko siya.
2. Naniniwala ako na maaring mauna ang anak bago ang kasal.
3. Ang larawan ng aking hubad na katawan ay okay lang i-post sa social
media bilang isang pagkilala sa sining.
4. Pahahalagahan ko ang aking seksuwalidad kahit na ako’y tumandang
binate o dalaga.
5. Sang-ayon ako na magkaroon ng maraming karelasyon at karanasan bago
ako ikasal.

Pagninilay

Panuto: Pagnilayan ang sumusunod. Isulat sa kwaderno ang iyong sagot.

1. Bakit mahalagang magkaroon ka ng tamang posisyon tungkol sa mga


isyung tungkol sa sekswalidad?

2. Ano ang kahalagahan ng tamang paggamit ng seksuwalidad bilang tao?


Ipaliwanag

22 DO_Q4_ESP10_MODYUL4_ARALIN 13
DO_Q4_ESP10_MODYUL4_ARALIN 13 23
TAYAHIN
1. Pre-marital sex
2. Pornograpiya
3.Prostitute
4. Pang-aabusong sekswuwal
5. Prostitusyon
1. Di Sang-Ayon
2. Di Sang-Ayon
3.Di Sang-Ayon
4.Sang-Ayon
5. Di Sang-Ayon
Subukin:
1. B 6.HM
2. A 7. N
3. D 8. HM
4. B 9. HM
5. D 10 HM
Bautista, Ma. Socorro L. (2002). Questions and Answers on The Truth and Meaning of
Human Sexuality.

Jason , Joel O. (2007). Free Love True Love. Shepherds Voice Publication, Quezon City,
Philippines.

Pontifical Council for the Family. (1996). The Truth and Meaning of Human Sexuality:
Guodelines for the Education withion the Family. Word and Life Publications, Makati,
Philippines.

Wojno, Mary Ann Burkley. (2004). My Life, My Choices. Key Issues for Young Adults.
Claretian Publications.Diliman, Quezon City, Philippines. p. 113-127

Mula sa Internet

Adam Lee. (2007). Morality of Prostitution. Retrieved from http://www.patheos.com/


blogs/daylightatheism/2007/11/prostitution on March 1, 2014

Life Planning Education. (2007) Washington, DC: Advocates for Youth. Retrieved from

http://www.advocatesforyouth.org/for-professionals/lesson-plans-professionals/200-
lessons on March 6, 2014

Williams,Jarrod. (1995) Pornography in Art Right or Wrong? Retrieved from


http:// www.kc-cofc.org/39th/IBS/Tracts/pornogra.htm on March 3, 2014

24 DO_Q4_ESP10_MODYUL4_ARALIN 13
10
Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikaapat na Markahan
Modyul 4

Aralin 14: Mga Isyung Moral Tungkol sa


Kawalan ng Paggalang sa Katotohanan

25 DO_Q4_ESP10_MODYUL4_ARALIN 13
Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod na kaalaman,
kakayahan, at pag-unawa:

1. Natutukoy ang mga isyung kaugnay sa kawalan ng paggalang sa


katotohanan (EsP10PI-IVc-14.1)
2. Nasusuri ang mga isyung may kinalaman sa kawalan ng paggalang sa
katotohanan (EsP10PI-IVc-14.2)
3. Napatutunayan ang pagiging mulat sa mga isyu tungkol sa kawalan ng
paggalang sa katotohanan ay daan upang isulong at isabuhay ang
pagiging mapanagutan at tapat na nilalang (EsP10PI-IVd-14.3)
4. Nakabubuo ng mga hakbang upang maisabuhay ang paggalang sa
katotohanan. (EsP10PI-IVd-14.4)

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat aytem. Isulat ang mga sagot sa
iyong learner’s packet
1.Ito ang nagsisilbing ilaw ng tao sa paghahanap ng kaalaman at layunin sa
buhay. Ano ito?
a. Dignidad c. Kalayaan
b. Katotohanan d. Moralidad

2.Nagkakalat ng maling balita si Yolly sa kanyang mga kasamahan sa trabaho


tungkol kay Anna upang siya ang mapili para maging regular sa trabaho. Anong
uri ng pagsisinungaling ang ipinakita sa sitwasyon?
a. Jocose Lie c. Officious Lie
b. Pernicious Lie d. White Lie

3.Alin sa mga sumusunod ang tamang pahayag tungkol sa mental reservation?


a. Maingat na ibinibigay ang mga impormasyon sa tamang tao lamang
b. May karapatan ang naglalahad na manahimik at kimkimin ang mga
impormasyon
c. Walang paghahayag at di mapipilit para sa kapakanan ng taong
pinoprotektahan
d. Nagbibigay ng malawak na paliwanag at kahulugan sa maraming bagay
upang ilayo ang tunay na katotohanan

26 DO_Q4_ESP10_MODYUL4_ARALIN 14
4. Si Lando ay dating bilanggo. Bahagi ng kanyang pagbabagong-buhay ay ang
kalimutan ang madilim niyang nakaraan. Dahil dito, itinago niya ang karanasang
ito sa kompanyang kanyang pinaglilingkuran sa kasalukuyan. Sa inyong palagay,
may karapatan ba siyang itago ang katotohanan?
a. Mayroon dahil siya ay responsible dito
b. Mayroon dahil may alam siya rito
c. Mayroon dahil sa kahihiyang ibibigay nito sa kanya
d. Mayroon dahil ang lahat ay may karapatan at kakayahang magbago

5. Marami sa mga whistleblower ang nagdadalawang-isip sa pagsisiwalat ng


katotohanan. Paano pinaninindigan ng whistleblower ang kanyang pakikibaka
para sa katotohanan?
a. Mula sa suporta ng mga nagtitiwala sa kanya
b. Mula sa dikta ng tamang konsensiya
c. Mula sa kanyang tungkulin sa pamilya
d. Mula sa lakas ng loob at tiwala sa sarili

6 Bakit mahalagang mapanindigan ang katotohanan at maipahayag ito nang may


katapangan sa lahat ng pagkakataon?
a. Dahil ito ang katotohanan
b. Dahil ito ang nararapat gawin ng isang tapat at mabuting tao
c. Dahil ito ang maghahatid sa tao ng paghanga at paggalang
d. Dahil ito ay para sa kabutihang panlahat.

7. Bakit nahihikayat ang tao na paulit-ulit na gawin ang pagnanakaw sa gawa ng iba
kaysa sa gumawa ng sariling likha?
a. Dahil mas makamumura kung kokopyahin na lamang ang mga likha ng
iba kaysa bilhin ang mga ito
b. Dahil walang kaparusahan sa gawaing ito
c. Dahil hindi naman matutukoy kung sino ang mga nagsasagawa nito
d. Dahil mas maganda pa ang kalidad nito kaysa sa orihinal na kopya

8. Sa bawat tao na naghahanap ng katotohanan, masusumpungan lamang niya ito


kung siya ay naninindigan at walang pag-aalinlangan na ito ay sundin, ingatan at
pagyamanin. Ano ang kalakip nitong kaluwagan sa buhay ng tao?
a. Kaligayahan at karangyaan
b. Kapayapaan at kaligtasan
c. Kaligtasan at katiwasayan
d. Katahimikan at kasiguruhan

9. Si Tony ay naparatangan ng plagiarism sa kanilang paaralan. Siya ay kasama sa


mga magagaling na manunuat sa kanilang journalism class. May mga katibayan na
nagpapatunay na ito ay intensiyunal. Anong prinsipyo ang nalabag niya?
a. Prinsipyo ng Confidentiality c.Prinsipyo ng Intellectuality
b. Prinsipyo ng Intellectual Honesty d. Prinsipyo ng Personal property

27 DO_Q4_ESP10_MODYUL4_ARALIN 14
10. Nanalo si Arnel sa loterya ng mahigit sa limampung milyong piso. Minsang
tinanong siya ng kanyang kapitbahay tungkol dito, minabuti na lamang niya na
ibahin ang usapan nang hindi napapansin ng kausap upang makaiwas sa
pagsisiwalat ng katotohanan. Anong uri ng paglilihim ang ipinakita ni Arnel?
a. Equivocation c. Evasion
b. Natural secret d. Mental reservation

MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA


Aralin KAWALAN NG PAGGALANG
14 SA KATOTOHANAN

Sa natapos na aralin, nabigyang-diin ang kaganapan ng pagiging tao at


pagkabukod-tangi sa pamamagitan ng pagiging ganap na babae at lalaki. Nasuri mo
rin ang iyong tunay na kaganapan bilang tao na magtimpi at huminahon sa mga
udyok ng mundo sa hamon nang pag-ibig.
Modyul na ito, tatalakayin ang mga isyung moral tungkol sa kawalan ng
paggalang sa katotohanan. Alam natin na bilang tao, inaasahan na tayo ay magiging
matapat at gagawing makabuluhan ang buhay sa abot ng ating makakaya.
Ano nga ba ang katotohanan? Mahirap nga ba o madali ang manindigan para
dito? Bakit mahalaga na maging mulat sa mga isyu tungkol sa kawalan ng paggalang
sa katotohanan?
Pagkatapos mong basahin ang modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo
ang mga sumusunod na kaalaman, kakayahan, at pag-unawa:

Mga Tala para sa Guro


Sa modyul na ito, inaasahang maunawan kung ano maaaring gawin
gampanin ng bawat isa upang makaiwas sa pagkasira ng kalikasan.
Maging malinaw ang nilalaman ng paksa.

28 DO_Q4_ESP10_MODYUL4_ARALIN 14
Gawain 1
Panuto : Ilarawan ang taong nagsasabuhay ng katotohanan. Ano-ano kaya ang
kanyang mga katangian? Ipahayag ang iyong sagot gamit ang Word Art.
Upang magawa ito, basahin at sundin nang mabuti ang mga sumusunod na
hakbang:
1. Gamitin ang link: https://wordart.com/
2. Maaaring panoorin ang tutorial video:
https://www.youtube.com/watch?v=gYLQOoFmRX4
3. Sumulat ng lima o higit pang katangian ng isang
taong nagsasabuhay ng katotohanan
4. Maaaring pumili ng shape at font ngunit sa layout
piliin lamang ang Positive Slope
5. I paste ang inyong gawain sa MS Word
6. Pumili ng isang salita mula sa iyong sagot na sa tingin mo ay hindi mo
naisasabuhay. Ipaliwanag kung bakit.

Gawain 2- Pagsusuri ng Kaso


Panuto: Pag-aralang mabuti ang bawat kaso at ibigay ang resolusyon dito.

Unang Kaso

Dahil sa takot na maparusahan ng kanyang ama, ang isang mag-aaral sa Grade 10 na


nakakuha ng lagpak na marka sa isa niyang asignatura ay gumawa ng isang pandaraya na
gawin itong pasado.
Tanong:
Nabigyan ba ng sapat na katwiran ng mag-aaral ang kaniyang ginawang pandaraya? Bakit?
Sa iyong palagay, ano ang nararapat gawin? Magmungkahi ng resolusyon sa kaso.

Ikalawang Kaso

Dahil sa kakulangan ng mapagkukunang datos sa pananaliksik na ginagawa ng


isang gurong-mananaliksik sa kanyang pag-aaral, minabuti ng guro na gamitin ang
isang pribadong dokumento nang walang pahintulot sa gumawa.

Tanong:
Mayroon bang sapat na kondisyon na makalilimita sa paggamit ng lihim na
dokumento tulad ng kaso sa itaas na maging katuwiran sa paggamit ng pribadong
pag-aari ng isang tao? Pangatwiranan.

29 DO_Q4_ESP10_MODYUL4_ARALIN 14
Ang Misyon ng Katotohanan
Ang katotohanan ay nagsisilbing ilaw ng tao sa paghahanap ng kaalaman at
layunin niya sa buhay. Ang pagsukat ng kaniyang katapatan ay nangangailangan
ng pagsisikap na alamin ang katotohanan. Sa bawat tao na naghahanap nito,
masusumpungan lamang niya ang katotohanan kung siya ay naninindigan at
walang pag-aalinlangan na sundin, ingatan at pagyamanin ito. Ang sinomang
sumusunod dito ay nagkakamit ng kaluwagan ng buhay (comfort of life) na may
kalakip na kaligtasan, katiwasayan, at pananampalataya.

Ang Imoralidad ng pagsisinungaling


Nagawa mo na bang magsinungaling? Ilang beses na? Kung maraming beses
na, paano mo ito aaminin at pananagutan? Ayon kay Sambajon Jr. et.al (2011), ang
pagsisinungaling ay ang hindi pagkiling at pagsang-ayon sa katotohanan. Ito ay
isang lason na humahadlang sa bukas at kaliwanagan ng isang bagay o sitwasyon
na nararapat na mangibabaw sa pagitan ng mga tao sa isang grupo o lipunan.

May Tatlong uri ang kasinungalingan:

1. Jocose lies- isang uri kung saan sinasabi o sinasambit para maghatid ng
kasiyahan lamang. Ipinapahayag ito upang magbigay-aliw ngunit hindi sadya
ang pagsisinungaling.

2. Officious lies- tawag sa isang nagpapahayag upang maipagtanggol ang


kaniyang sarili o di kaya ay paglikha ng isang usaping kahiya-hiya upang dito
maibaling. Ito ay isang tunay na kasinungalingan, kahit na gaano pa ang
ibinigay nitong mabigat na dahilan

3. Pernicious lies- Ito ay nagaganap kapag ang pagsisingungaling ay


sumisira ng reputasyon ng isang tao na pumapabor naman sa interes o
kapakanan ng iba.

Ano ang kahulugan ng Lihim, Mental Reservation, at Prinsipyo ng


Confidentiality
Ang lihim ay pagtatago ng mga impormasyon na hindi pa naibubunyag o
naisisiwalat. Ito ay pag-angkin ng tao sa tunay na pangyayari o kuwentong kaniyang
nalaman at hindi kailanman maaaring ihayag sa maraming pagkakataon nang
walang pahintulot ng taong may-alam dito.

May mga lihim na hindi basta-basta maaaring ipahayag:


1. Natural secrets- ay mga sikreto na nakaugat mula sa Likas na Batas Moral. Ang
mga katotohanan na nakasulat dito ay nagdudulot sa tao ng matinding hinagpis
at sakit sa isa’t isa. Ang bigat ng ginawang kamalian (guilt) ay nakasalalay kung
ano ang bigat ng kapabayaang ginawa.

30 DO_Q4_ESP10_MODYUL4_ARALIN 14
2. Promised secrets- ito ay mga lihim na ipinangako ng taong pinagkatiwalaan nito.
Nangyayari ang pangako pagkatapos na ang lihim ay naibunyag na.

3. Committed o entrusted secrets- naging lihim bago ang mga impormasyon at


kaalaman sa isang bagay ay nabunyag. Ang mga kasunduan upang ito ay
mailihim ay maaaring:

a. Hayag. Kung ang lihim ay ipinangako o kaya ay sinabi ng pasalita


o kahit pasulat
b. Di hayag. Kung walang tiyak na pangakong sinabi ngunit
inililihim ng taong may alam dahil sa kanyang posisyon sa isang
kompanya o institusyon. Madalas ito ay pang propesyonal at
opisyal na usapin. Ang pagtatago ng mga lihim na propesyonal ay
isang grave moral obligation.

Ang mga lihim ay maaaring ihayag o itago lalo’t higit kung may matinding
dahilan upang gawin ito. Maaaring itago ang katotohanan gamit ang mental
reservation. Ito ay ang maingat na paggamit ng mga salita sa pagpapaliwanag na
kung saan ay walang ibinibigay na tiyak na impormasyon sa nakikinig kung may
katotohanan nga ito. Ito ay paraan ng paggawa ng kasinungalingan.

Ang iba pang mga paraan sa pagtatago ng katotohanan ay sa pamamagitan


ng pag-iwas (evasion) at paglilihis ng mga maling kaalaman (equivocation).

Sa prinsipyo ng Confidentiality, ang pagsasabi ng totoo ay hindi lamang


pagpapahayag nang ayon sa laman ng isip, ito rin ay maipahahayag sa mas malalim
na pag-iisip, pananalita at pagkilos bilang isang taong nagpapahalaga sa
katotohanan. Mula sa matalinong pag-iisip at pagpili, ang pagiging totoo ay solusyon
sa mga posibl sakit ng kalooban at kahihiyan at kabawasan ng pagkakahiwa-hiwalay
sa pagitan ng bawat isa tungo sa pagkamit ng kapayapaan at maayos na samahan.

Isyu ng Plagiarism
Ang plagiarism ay isang paglabag sa intellectual honesty (Artikulo, A, et
al,2003). Ito ay isyu na may kaugnayan sa pananagutan sa pagpapahayag ng
katotohanan at katapatan sa mga datos, mga ideya, mga pangungusap, buod at eng
hidwaan, mga pagkakiba-iba sa pananaw at opinyon, hindi pag-uunawaan,
mgabalangkas ng isang akda, programa, himig at iba pa ngunit hindi kinilala ang
pinagmulan, bagkus, nabuo lamang dahil sa illegal na pangongopya.

Isyu ng Intellectual Piracy


Ang paglabag sa karapatang-ari (copyright infringement) ay naipakikita sa
paggamit nang walang pahintulot sa mga orihinal na gawa ng isang taong
pinoprotektahan ng Law on Copyright mula sa Intelelctual Property Code of the
Philippines 1987. Ang paglabag ay sa paraan ng pagpaparami, pagpapakalat,
pagbabahagi, at panggagaya sa pagbuo ng bagong likha. Copyright holder ang tawag

31 DO_Q4_ESP10_MODYUL4_ARALIN 14
sa taong may orihinal na gawa o ang may ambag sa anumang bahagi at iba pang
mga komersiyo.

Bakit may mga tao pa ring nahihikayat na gawin o di kaya ay paulit-ulit na


pagsasagawa ng pamimirata? Narito ang iba’t ibang dahilan:

Presyo. Kawalan ng kakayahan na makabili dahil sa mataas na presyo mula sa mga


legal na establisimyento, kung kaya mas praktikal na ito ay i-pirate na lamang o
tahasang kopyahin sa pamamagitan ng downloading.

Kawalan ng mapagkukunan. Kung ang produkto ay limitado sa mga pamilihan at


may kahirapng hanapin, maiisipan na mas madali itong maaangkat sa ibang paraan
tulad ng pag-access sa internet o ibang website address.

Kahusayan ng produkto. Kung ang produkto ay napakinabangan ng lahat at


nakatutulong sa iba, ito ay magandang oportunidad upang tangkilikin ng lahat.
Dahil ito ay madaling makita o mahanap sa internet , hindi maiiwasan na marami
ang tumangkilik at ibahagi ito sa ibang taong may kaparehong pangangailangan.

Sistema/paraan ng pamimili. Ang sistemang ito ang nagbibigay sa mamimili ng


komportableng paraan na mapadali ang mga transaksiyon gamit ang online orders.
Dahil sa sistemang ito, ang mamimili ay nakatitipid ng oras gayundin sa paraan ng
pagpagbabayad sa nagustuhang produkto.

Anonymity. Dahil sa napakadaling access sa Internet, hindi na rin mahirap ang


magdownload o makakuha ng mga impormasyon at detalye mula sa nais na website
ng isang copyright owner na hindi na kailangan pa ng anomang pagkakakilanlan o
identification.

Whistleblowing
Ito ay isang akto o hayagang kilos ng pagsisiwalat mula sa tao na karaniwan
ay empleyado ng gobyerno o pribadong organisasyon/korporasyon. Whistleblower
naman ang tawag sa taong naging daan ng pagbubunyag o pagsisiwalat ng mga
maling asal, hayagang pagsisinungaling, mga immoral o illegal na gawain na
nagaganap sa loob ng isang samahan o organisasyon.

Tayahin ang Iyong Pag-unawa

Panuto: Basahin at sagutan ang mga sumusunod na katanungan

1. Ano ang katotohanan para sa iyo?


2.Bakit dapat panindigan ang katotohanan?
3.Ano ang mental reservation? Anong kabutihan ang hatid nito sa taong may
hawak ng katotohanan at sa taong pinoprotektahan nito?

32 DO_Q4_ESP10_MODYUL4_ARALIN 14
4.Ano-anong mga balakid o hadlang ang maaaring mangyari sa paninindigan sa
katotohanan?
5.Ano-ano ang mga isyung may kinalaman sa katotohanan? Isa-isahin ang mga ito
at ipaliwanag kung paano mo maisusulong ang pagiging mapanagutan at tapat
na nilalang sa bawat isyu.
6.Paano maisasabuhay ng isang tao ang kaniyang pagmamahal at pagpapahalaga
sa katotohanan?

Panuto: Paano mo maisasabuhay ang paggalang sa katotohanan? Sa pagkakatong


ito ikaw ay bubuo ng isang maikling kwento kung saan ipapakita mo ang
paninindigan at paggalang sa katotohanan sa pamamagitan ng komiks strip.
Gamitin ang link https://www.storyboardthat.com sa paglikha ng isang makulay
at makabuluhang komiks strip.

Kung ikaw ay bibigyan ng isang posisyon sa pamahalaan o maging kinatawan ng


isang samahan o organisasyon na maging bahagi sa paggawa ng isang batas
tungkol sa mga gawaing intelektuwal at etikal na isyu upang makapagbigay ng
paninindigan sa pagpapahalaga sa gawa at likha ng iba, ano ang nais mong
ipanukala?

Kung ikaw ay isang….

1. Pangulo ng “Student Council Government”


2. Abogado
3. Awtor ng libro
4. Opisyal ng gobyerno
5. Non-government organization

33 DO_Q4_ESP10_MODYUL4_ARALIN 14
Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Isulat sa kuwaderno ang
titik ng tamang sagot.

1.Alin sa sumusunod na pagpapahalaga ang sus isa pagbuwag ng Graft and


Corruption?
a. Itegridad c. katapatan at pagkatakot sa Diyos
b. Kabaitan at pagkamasurin d. pagtitimpi
2.Ang tao ay inaasahang maging tapat at gawing makabuluhan ang buhay sa abot
ng may pagsisikap na makamit ito. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang
sa resultang inaasahan sa nabanggit na pahayag?
a. Magpunyagi ang tao gamit ang kanyang mga katangian.
b. Magkaroon ng maayos at mabuting pamumuhay.
c. May pagmamahal sa katotohanan.
d. Magkaroon ng pagkiling sa katotohanan at paninindigan.
3. Nagkakalat ng maling balita si Joshua sa kanyang mga kasamahan sa trabaho
tungkol kay Kenneth upang siya ang mapili para maging regular sa trabaho.
Anong uri ng pagsisinungaling ang ipinakita sa sitwasyon?
a. Jocose Lie c. Pernicious Lie
b. Officious Lie d. White Lie
4.Tinatago ni Allan ang kanyang kaso ng pagnanakaw para siya ay
makapagtrabaho sa CDO Foods Corporation at makatulong sa kanyang
pamilya. Anong uri ng paglilihim ang ipinakita sa sitwasyon?
a. Natural Secret c. Promised Secret
b. Trusted Secret d. Committed Secret
5. Ito ay tumutukoy sa paglabag sa Intellectual Honestyna may kinalaman sa
pagnanakaw, pag-aangkin at nabuo dahil sa illegal na pangongopya.
a. A. Equivocation c. Copyright
b. B. Plagiarism d. Evasion
6. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mga dahilan kung bakit
nahihikayat ang isang indibidwal na lumabag sa karapatang ari (copyright
infringement)?
a. Kahusayan ng produkto c. Kawalang ng pagkukunan
b. Paraan ng pamimili d. Paggamit ng quotation
7. Itinala ng grupo ng mga mag-aaral sa kolehiyo ang mga artikulo sa dyaryo at
dyornal bilang pagkilala sa kanilang paggamit sa thesis. Anong prinsipyo ang
ipinakikita sa sitwasyon?
a. Prinsipyo ng Copyright Infringement c. Prinsipyo ng Fair Usage
b. Prinsipyo ng Intellectual Property d. Prinsipyo ng Copyright
8. Matagal nang napapansin ni Roderick ang mga maling gawi ng kaniyang
kaibigan sapagpapasa ng proyekto. Alam niya ang mga batas ng karapatang
ari (copoyright), dahil dito, nais niya itong kausapin upang ng babala sa kung
ano ang katapat na parusa sa paglabag dito. Tama ba ang kaniyanggagawing
desisyon?
a. Tama, sapagkatito ay nasabatas at may parusasasinumanglumabagdito.
b. Tama, sapagkatito ay parasaikabubutingkaniyangkaklase.
c. Tama, sapagkatito ay karapatan din ngtaongsumulat o may-aringkatha.
d. Tama, sapagkat ito ay kaniyang obligasyon sa kapwa.

34 DO_Q4_ESP10_MODYUL4_ARALIN 14
9. Ito ang nagsisilbing ilaw ng tao sa paghahanap ng kaalaman at layunin sa buhay.
a. Kalayaan c. Katotohanan
b. Karangyaan d. Kaligayahan
10.Ang Philippine Charity Sweepstakes Office ay nagtatago ng impormasyon tungkol sa mga
taong nagwawagi sa lotto at sweepstakes. Anong prinsipyo ang isinasagawa ng
institusyon?
a. Prinsipyo ng Evasion c. Prinsipyo ng Confidentiality
b. Prinsipyo ng Equivocation d. Prinsipyo ng Mental Reservation

Pagninilay
Gawain 4
Panuto: Pagnilayan ang mga tanong at isulat sa
inyong kwaderno.

Mga tanong:

1. Sa paanong paraan ako makatutulong sa pagpapanatili ng


kasagraduhan ng katotohanan bilang bahagi ko sa aking lipunan?

2. Sa mga pang-araw-araw kong gawain, ano-anong patunay na


niyayakap ko ang katotohanan bilang tugon ko sa tawag ng aking
konsensiya?

35 DO_Q4_ESP10_MODYUL4_ARALIN 14
DO_Q4_ESP10_MODYUL4_ARALIN 14 36
Tayahin Subukin
1.C 6.D 1.C 6.B
2.D 7.C 2.C 7.A
3.C 8.B 3.D 8.B
4.A 9.C 4.D 9.C
5.B 10.D 5.B 10.A
Articulo, Archimedes C. et.al. (2003.) Values and Work Ethics. Trinita Publishing,
Inc. Meycauyan, Bulacan
Quito, Emerita S. 1989. Fundamentals of Ethics. De La Salle University Press.
pp. 72-185
Sambajon Jr., Marvin Julian L., (2011.) Ethics for Educators: A College Textbook
for Teacher Education and Educators in All Areas of Discipline. C&E Publishing,
Inc. pp. 252-273
Timbreza, Florentino T. et.al. (1982.) Pilosopiyang Pilipino. Rex Booktstore, Recto
Avenue, Manila
Intellectual Property Code of the Philippines and Related Laws. 27th Edition. (1998.)
Central Book Supply, Inc. Manila Phils.

Mula sa Internet:
The ‘Fair Use’ Rule: When Use of Copyrighted Material is Acceptable. Retrieved
from http://www.nolo.com/legal-encyclopedia/fair-use-rule-copyright-
material-30100.html on August 20, 2014
Why You Should Avoid Plagiarism. Retrieved from http://www.ox.ac.
uk/students/academic/goodpractice/about/ on February 10, 2014
What Are Some Examples of Cheating and Plagiarism. Retrieved from
http://www.niles-hs.k12.il.us/district/academic-integrity/examples-cheating-
and- plagiarism on March 15, 2014
What is a Whistleblowing/ Whistleblower? Retrieved from http://
wbhelpline.org.uk/about-us/what-is-whistleblowing on March 18, 2014
Philippine Daily Inquirer 3:43, Saturday, August 18, 2012. Retrieved from
http://
newsinfo.inquirer.net/252074/whistle-blower-jun-lozada-welcomes-graft-
probe on April 20, 2014

37 DO_Q4_ESP10_MODYUL4_ARALIN 14
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – NCR, SDO Valenzuela City


Office Address: Pio, Valenzuela St., Marulas Valenzuela City
Telefax: 02-292-3247
Email Address: sdovalenzuela@deped.gov.ph

38 DO_Q4_ESP10_MODYUL4_ARALIN 14

You might also like