You are on page 1of 56

10

EDUKASYON SA
PAGPAPAKATAO
IKALAWANG MARKAHAN
Modyul 2
Ang Makataong Kilos
Aralin 5 - 8

DO_Q2_ESP10_MODYUL2_ARALIN5-8
Edukasyon sa Pagpapakatao 10
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 2: Aralin 5-8
Binagon Edisyon, 2022

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon, Division of City Schools-Valenzuela


DepEd Secretary Sara Z. Duterte-Carpio
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Dynarica A. Enopia, Angelita F. Aquino, Arwin Poticar,


Gemma Galias, Darlene Gay V. De Leon
Patnugot: Edna A. Prudente, EPS (Edukasyon sa Pagpapakatao)
Senta Kathlyn S. Cruz,Ma. Lorena Z. Dela Cruz,
Katuwang na Patnugot:
Rudolf S. Ng
Tagasuri ng Nilalaman: Reina B. Penaranda
Arwin Poticar
Edna A. Prudente, EPS (Edukasyon sa Pagpapakatao)

Tagaguhit: Jayson P. Delechos


Tagasuri ng Wika: Ma. Lorena Z. Dela Cruz
Danica G. Saro
Darlene Gay V. De Leon, Eman R. Alvarez,
Tagalapat:
Raphael A. Lopez
Tagapamahala: Meliton P. Zurbano, SDS
Filmore R. Caballero, CID – Chief
Jean A. Tropel, Division EPS (LRMS)
Edna A. Prudente, EPS (Edukasyon sa Pagpapakatao)
Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________
Department of Education – NCR, SDO Valenzuela City
Office Address: Pio Valenzuela Street, Marulas, Valenuzuela City, 1440
Telefax: (02) 292 – 32 – 47
E-mail Address: sdovalenzuela@deped.gov.ph
Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating


mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na
gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga
kasanayang itinatakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/ Tagapagdaloy na
naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang
o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang
tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng
mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan
niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa
bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng
pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at
pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit
pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang
bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro
kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng
SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy,
umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
10
Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikalawang Markahan
Modyul 2
Aralin 5: Ang Pagkukusa
ng Makataong Kilos
Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod na
kaalaman, kakayahan, at pag-unawa:
1. Naipaliliwanag na may pagkukusa sa makataong kilos kung nagmumula ito
sa kalooban na malayang isinagawa sa pamamatnubay ng isip/ kaalaman.
(EsP10MK-IIa-5.2)
2. Natutukoy ang mga kilos na dapat panagutan. (EsP10MK-IIb-5.3)
3. Napatutunayan na gamit ang katwiran, sinadya at niloob ng tao ang
makataong kilos; kaya pananagutan niya ang kawastuhan o kamalian nito.
(EsP10MK-IIb-5.4)
4. Nakapagsusuri ng sariling kilos na dapat panagutan at nakagagawa ng
paraan upang maging mapanagutan sa pagkilos. (EsP10MK-IIc-6.1)

Panuto: Basahin at unawain ang mga pangungusap sa bawat bilang. Piliin ang titik
ng pinakaangkop na sagot.

1. Alin sa mga sumusunod ang HINDI maituturing na kilos ng tao (acts of man)?
A. Pagtibok ng puso
B. Pagkurap ng mata
C. Pagsasabi ng masasakit na salita sa kapwa
D. Pagkaramdam ng sakit ng dahil sa sugat

2. Mayroong bang pananagutan ang taong nagsasagawa ng makataong kilos sa


bunga ng kaniyang piniling kilos?
A. Mayroon, dahil Malaya niyang itong pinili mula sa pagsusuri ng konsensya
B. Mayroon, dahil ginusto niya itong gawin
C. Wala, dahil nararapat lamang na kumilos ang isang individwal ano man
ang kahinatnan nito.
D. Wala, dahil malaya siya bilang tao na gawin ang isang kilos.

3. Kung kikilalanin ang katuruan ni Aristoteles, aling kilos ang ipinakita ni Arnold
na nanakit ng kapuwa dahil sa galit bilang reaksiyon sa panloloko sa kaniya?
A. kusang loob C. walang kusang loob
B. di kusang loob D. wala sa nabanggit

4. Suriin ang mga pangungusap. Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng


makataong kilos (human acts), MALIBAN sa isa.
A. Ininda ni Mateo ang sakit ng kanyang ulo dahil sa pagkakauntog nito sa
semento.
B. Hindi pumasok sa paaralan ang mag-aaral na si John dahil hindi din
papasok ang kanyang mga kaibigan.
C. Nakita ni Ada ang sinaing na naiwan ng kanyang ina. Hinintay niya muna
itong maluto bago siya umalis ng bahay.
D. Pinilit na tapusin ni Bea ang kanyang takdang aralin dahil alam niya na
kailangan na itong maipasa bukas.

1 DO_Q2_ESP10_MODYUL2_ARALIN 5
5. Alam ni Katrina na hindi tama ang ginagawa niyang pagpapakopya sa kanyang
mga kaibigan sa tuwing sila ay nagkakaroon ng pagsusulit. Ngunit, patuloy niya
itong ginagawa dahil natatakot siyang masira ang kanilang pagkakaibigan. Aling
kilos ang ipinakita ni Franco?
A. kusang loob C. walang kusang loob
B. di kusang loob D. wala sa nabanggit

6. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng Kusang-loob?


A. Pag-iwas sa utos ng magulang
B. Pagkain ng masusustansiyang pagkain
C. Pagtawa ng malakas sa loob ng simbahan
D. Pagliban sa klase dahil sa inakalang walang pasok

7. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng makataong kilos?


A. Pagsakit ng ngipin C. Pananalangin
B. Paghinga D. Pagtibok ng puso

8. Si Arturo, isang barangay official ay naglingkod bilang COMELEC member.


Binulungan siya ng kaniyang chairman na tulungan ang isang kandidato sa
pamamagitan ng “dagdag-bawas.” Alam niyang ito ay ilegal at labag sa kanilang
moral na tungkulin. Sa kabila nito, ginawa parin niya ang pabor na hinihingi
dahil baka matanggal siya bilang miyembro bagaman labag ito sa kaniyang
kalooban. Ang nangyari kay Arturo ay halimbawa ng _________________ ayon sa
turo ni Aristoteles.
A. kusang loob C. walang kusang loob
B. di kusang loob D. wala sa nabanggit

9. Kung kikilalanin ang katuruan ni Aristoteles, aling kilos ang ipinakita ng isang
taong may kakaibang ekspresyon kaniyang mukha na madalas ang pagkindat ng
kaniyang kayang mata?
A. kusang loob C. walang kusang loob
B. di kusang loob D. wala sa nabanggit

10. Ang mga sumusunod ay tumutukoy sa Makataong Kilos MALIBAN sa


A. Karaniwang tinatawag itong kilos na niloob o sinadya.
B. Ito ay kilos na isinagawa ng tao nang may kaalaman, malaya, at kusa.
C. Ito ay kilos na malayang pinili mula sa paghuhusga at pagsusuri ng
konsensiya.
D. Ang kilos na ito ay masasabing walang aspekto ng pagiging mabuti o
masama kaya walang pananagutan ang tao kung naisagawa.

Panuto: Isulat sa inyong kwaderno ang salitang TAMA kung ang pahayag ay tama
at MALI naman kung ang pahayag ay mali.
11. Ang mga biyolohikal at pisyolohikal na kilos na nagaganap sa tao tulad ng
paghinga at pagtibok ng puso ay halimbawa ng makataong pagkilos.
12. Ang makataong kilos ay ginamitan ng kaalaman, kalayaan at pagkukusa.
13. Ang kilos na ginamitan ng isip at kilos - loob ay may kalakip ng pananagutan
sa taong nagsagawa nito.
14. Kung mas mataas digri ang pagkukusa, mababaw ang pananagutan ng taong
nagsagawa ng isang kilos.

2 DO_Q2_ESP10_MODYUL2_ARALIN 5
15. Ang isang gurong nasa sekondarya na gumaganap ng kaniyang tungkulin bilang
guro ay gumagamit siya ng iba’t ibang istratehiya sa pagtuturo para sa kaniyang
klase ito ay isang halimbawa kusang- loob ayon sa turo ni Aristoteles.

Aralin
ANG PAGKUKUSA NG MAKATAONG
5 KILOS

Sa Modyul 4 natutuhan mo na ang pagkakapantay-pantay ng tao ay


nakatuon sa kaniyang dignidad bilang tao at ang karapatan na dumadaloy
mula rito. Dahil sa dignidad, lahat ay nagkakaroon ng karapatan na umunlad
sa paraang hindi makasasakit o makasasama sa ibang tao. Nangingibabaw
ang paggalang at pakikipagkapatiran, dahil sa mata ng Diyos, pantay-pantay
ang lahat.
Sa modyul naman na ito, sasagutin natin ang Mahalagang Tanong:
Bakit gayon na lamang ang laki ng inaasahan sa tao lalo na sa mga gawaing
humahamon sa kaniyang kakayahan na tumugon dito? Halika! Tahakin ang
landas ng pagiging makatao sa pamamagitan ng pagpili ng mabuting opsiyon.

Mga Tala para sa Guro


Mahalagang magabayan ng guro ang mga mag-aaral sa mga gawain
upang maunawaan ang batayang konsepto ng aralin. Ang bawat gawain
ay makatutulong na maipahayag ang damdamin ng bawat isa at at
maiugnay ang mga ito sa paksa.

3 DO_Q2_ESP10_MODYUL2_ARALIN 5
Panuto: Basahin at suriin mo ang siwasyon sa ibaba. Ang bawat sitwasyon ay hindi
tapos. Kung ikaw ang papipiliin ng wakas ng bawat sitwasyon paano mo
ito tatapusin ayon sa iyong paghuhusga.

1 Pagkatapos ng pagsusulit ay inatasan kayo ng inyong guro sa


Edukasyon sa Pagpapakatao na magpalitan ng papel upang ito ay
maiwasto. Habang iniwawasto ang papel nakita ni mo na pinapalitan
ng iyong katabi ang sagot ng papel na kanyang hawak at alam mo na
ito ay pagmamay-ari ng kanyang matalik na kaibigan nito.

Naisip mo na
Bakit ito ang iyong naisipang gawin?

2 Paputa ka sana sa kantina upang bumili ng pagkain nang


madaanan mo ang iyong mga kaklase sa parke ng paaralan. Narinig
mo na pinag-uusapan nila ang mga pangyayari sa buhay ng isa pa
ninyong kaklase na kapitbahay n’yo rin. Mayroon kang alam sa
kanilang pinag-uusap at hiningi nila ang iyong opinyon hinggil sa
buhay ng iyong kamag-aral.

Sinabi mo
Bakit ito ang iyong naisipang gawin?

3 Ipagdiriwang ng iyong matalik ang kanyang ikalabing walong taong


kaarawan at bilang pinakamatalik na kaibigan hinihiling niya na
ikaw ay dumalo sa maliit na salu-salo na gaganapin sa kanilang
tahanan kung saan pili lamang ang kanyang inimbitahan. Ngunit
alam mong may umiiral na Community Quarantine sa inyong lugar
at sakop pa ang iyong edad sa hindi maaaring lumabas. Tumawag
siya para kumpirmahan ang iyong pagdalo.

Sinabi mo
Bakit ito ang iyong naisipang gawin?

Mga Gabay na Tanong:


1. Ano ang pinagbatayan mo ng iyong mga kilos sa mga sitwasyon sa itaas?
2. Sa iyong palagay, mabuti ba ang magiging resulta ng iyong mga ginawang
pagpapasiya? Pangatwiranan.

4 DO_Q2_ESP10_MODYUL2_ARALIN 5
3. Paano dapat ipamalas ng tao sa kaniyang araw-araw na buhay ang paggamit
ng isip at kilos-loob sa pagtugon sa mga gawaing nangangailangan ng
pananagutan?

Panuto: Suriin ang mga kilos ng iba’t ibang mga tao na iyong mababasa sa mga
balita sa ibaba. Maaari din na i-scan ang mga QR codes upang mapanood
ang mga balita sa Youtube. Tukuyin kung anong salik ang nakaapekto sa
kanila upang isagawa ang mga pangunahing kilos. Ano ang kanilang
magiging pananagutan sa kanilang ikinilos?

1. Isang nurse ang pinalayas ng kaniyang landlady o may-ari ng


kanyang inuupahang bahay sa Makati. Ginawa ito ng landlady
matapos malaman na ang nurse na nangungupahan sa kanyang
apartment ay nagpositibo sa CoVID 19. Bitbit ang gamit niya,
nanatili lamang ang nurse sa lansangan dahil wala umano itong
matutuluyan sa biglaang pagpapaalis sa kanya.

Ref: GMA News- 24 Oras, August 11,2020 (https://youtu.be/PsVZyd8Raso)

a. Sa iyong palagay ano ang pangunahing salik kung bakit pinaalis ng landlady
ang nurse?
b. Mayroon bang pananagutan sa kanyang ginawang kilos ang landlady?
Pangatwiranan

2. Mahigit 50 katao mula sa Lungsod ng Maynila ang hinuli dahil


sa paglabag sa curfew hours ng lungsod. Isa sa mga nahuli ay
ang matandang lalaki. Ayon sa panayam, akala niya ay exempted
ang matatanda at tanging 21 taong gulang pababa lamang ang
huhulihin sa mula 8:00 ng gabi hanggang 5:00 ng umaga kung
saan itinakda ang curfew. Dinala ang mga nahuli sa isang
covered court sa Sta. Cruz, Manila upang pangaralan.

Ref: GMA News-Unang Balita, July 15,2020 (https://youtu.be/5B41OhErPWc)

a. Ano sa iyong palagay ang naging salik kung bakit nahuli ang matanda sa
balitang iyong nabasa?
b. Mayroon bang pananagutan sa kanyang ginawang kilos ang matanda?
Pangatwiranan

5 DO_Q2_ESP10_MODYUL2_ARALIN 5
Hinangaan ng maraming tao ang ipinakitang gawain ng isang
negosyanteng si Shiwen Lim. Ginamit niya ang kaniyang sarilin
ipon upang tulungan ang kanyang mga empleyado na
naapektuhan ng umiiral na krisis sa ating bansa. Bukod pa ditto,
marami din ang nagpahayag ng pasasalamat kay G. Lim dahi sa
kabutihang loob nito. Isa na rito ang grupo ng mga lalaki na
naabutan ng lockdown sa Maynila. Tinulungan umano sila ni G.
Lim na makauwi sa kani kanilang mga tahanan gamit ang
inarkila nitong Van. Ayon sa kakilala ni Shiwen, simula pa
pagkabata ay sadyang matulungin na ito.
Ref: GMA News-24 Oras, August 27,2020 (https://youtu.be/8M480WQp4Xo)

a. Ano sa iyong palagay ang naging salik kung bakit ganoon na lamang ang mga
ikinilos ni G. Lim sa kanyang mga kapwa?
b. Ano ang kahihinatnan ng ginawang kilos ni G. Lim?

Isa sa mga kilalang kasabihan ni Lao Tzu ay ito:

“Bantayan mo ang iyong saloobin dahil ito ay magiging salita


Bantayan mo ang iyong salita dahil ito ay magiging aksyon
Bantayan mo ang iyong aksyon dahil ito ay kagagawian mo
Bantayan mo ang iyong gawi dahil ito ay kauugalian mo
Bantayan mo ang iyong ugali dahil ito ay magiging kapalaran mo”

A. Ano ang iyong naunawaan sa aral ni Lao Tzu na nabangggit sa itaas? Mayroon
ba itong koneksyon sa kung paano mo maisasabuhay ang pagiging
mapanagutan sa isinasagawang kilos? Ipaliwanag.
B. Bilang isang mag-aaral sa ika-sampung baitang, Ano-ano ang iyong magiging
hakbang upang magkaroon ng pagkukusa sa makataong kilos at maging
mapanagutan sa mga kilos na naisasagawa?

Ang iyong kasagutan sa letrang B ay ipapahayag sa pamamagitan ng isang panata.


Gamitin ang pormat na inihanda sa ibaba.

Bilang isang responsable at mapanagutang indibidwal ako ay





6 DO_Q2_ESP10_MODYUL2_ARALIN 5
Ang kabuuang konsepto ng aralin ay maaaring mapanood o
basahin sa mga sumusunod na opsyon:
a. Online Link– https://youtu.be/WeP7ntnb2zo
b. Babasahin – Edukasyon sa Pagpapakato Modyul ng Mag-
aaral pahina 92-102
TANDAAN:
Ayon kay Ramon Agapay sa kanyang aklat na Ethics and the Filipino: A Manual
on Morals for Students and Educators, anumang uri ng tao ang isang indibidwal
ngayon at sa hinaharap ay resulta ng kanyang KILOS na ginawa sa kasalukuyan at
gagawin pa sa hinaharap.
2 Uri ng Kilos ng Tao
Kilos ng Tao (Act of Man) - Ito ay likas sa tao o ayon sa kaniyang kalikasan
bilang tao at hindi ginagamitan ng isip at kilos-loob. Halimbawa nito ay ang mga
biyolohikal at pisyolohikal na kilos na nagaganap sa tao tulad ng paghinga, pagtibok
ng puso, pagkurap ng mata, pagkaramdam ng sakit mula sa isang sugat, paghikab,
at iba pa.

Makataong kilos (Human Act) - Ito ay kilos ng tao na isinasagawa nang may
kaalaman, malaya at may kusa. Ang kilos na ito ay ginamitan ng isip at kilos-loob
kaya’t may pananagutan ang tao sa pagsasagawa nito.

Kailangang maging maingat ang tao sa paggawa ng makataong kilos sapagkat


ang mga ito ay maaaring maging isyung moral o etikal. Ito ay dahil ang kilos na ito
ay ginagawa nang may pang-unawa at pagpipili dahil may kapanagutan
(accountability). Mayroong Tatlong uri ng Kilos ayon kay Aristotle Ayon sa
Kapanagutan (Accountability).
1. Kusang-loob. Ito ang kilos na may kaalaman at pagsang-ayon. Ang gumagawa
ng kilos ay may lubos na pagkaunawa sa kalikasan at kahihinatnan nito.
2. Di kusang-loob. Dito ay may paggamit ng kaalaman ngunit kulang ang
pagsang-ayon. Makikita ito sa kilos na hindi isinagawa bagaman may
kaalaman sa gawain na dapat isakatuparan.
3. Walang kusang loob. Dito ang tao ay walang kaalaman kaya’t walang
pagsang-ayon sa kilos. Ang kilos na ito ay hindi pananagutan ng tao dahil
hindi niya alam kaya’t walang pagkukusa.

Ang antas ng pananagutan ay nakadepende sa antas ng kilos na ginawa.


Nangangahulugan ito na may maliit at malaking pananagutan para sa maliit at
malaking bagay na nagawa. Lahat ng bagay ay may kapalit, malaki man ito o maliit
pa. Ikaw ba ay mapanagutan sa iyong mga kilos?

7 DO_Q2_ESP10_MODYUL2_ARALIN 5
A. Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong sa inyong sagutang papel.
1. Mayroon bang pananagutan ang tao sa kanyang mga isinagawang makataong
kilos? Pangatwiranan.
2. Maaari ba na maging batayan ng kilos ang layunin nito upang masabi na ang
kung ang kilos na naisagawa ay mabuti o masama?

B. Panuto: Iyong balikan at suriin ang mga isinagawang kilos ng mga nagdaang
araw. Isulat mo sa unang kolum ang iyong kilos na isinagawa. Gamiting
gabay ang halimbawa sa unang hanay.
Paano magiging
Kilos na isinagawa Resulta ng kilos mapanagutan sa kilos na
isinagawa?
Nabasag ko ang
bagong biling baso
Napagalitan ng Hihingi ng tawad sa magulang
ng aking ina habang
magulang at at magni-nilay sa maling
naghuhugas ng plato
pinarusahan. nagawa.
dahil sa pagdadabog
at sobrang inis.
1.
2.
3.
4.
5.

Mga Gabay na Tanong


1. Ano ang iyong realisasyon habang binabalikan ang mga kilos na iyong
naisagawa sa mga nagdaang araw?

2. Ano ang pananagutan ng bawat tauhan sa kaniyang kilos na


makapagpasiya ng mabuting opsiyon tungo sa makataong kilos?

8 DO_Q2_ESP10_MODYUL2_ARALIN 5
A. Panuto: Basahin at unawain ang mga pangungusap sa bawat bilang. Piliin
ang titik ng pinakaangkop na sagot.

1. Ayon kay Sto. Tomas de Aquino, kailan nagiging obligado ang isang kilos?
A. kung kailan lang gustuhin ng tao.
B. kung ito ay makabubuti lang sa isang indibidwal
C. kung ang hindi pagtuloy ng paggawa ng kilos ay may masamang
mangyayari.
D. kung napagkasunduan ng nakararami na gawin ang kilos.

2. Si Franco ay isang Security Guard sa isang pamilihan. Hindi niya


pinapapasok sa loob ng pamilihan ang mga taong hindi nakasuot ng face
shield at facemask. Aling kilos ang ipinakita ni Franco?
A. kusang loob C. walang kusang loob
B. di kusang loob D. wala sa nabanggit

3. Masipag at matalinong mag-aaral si Clara. Sa talakayan sa online class o


mga personal gawain ay hindi siya nagpapahuli. Marami siyang mga gawain
na nagpapatunay ng kaniyang galing. Dahil dito, naging paborito siya ng
kaniyang mga guro at lagi siyang nabibigyan ng papuri sa magaganda niyang
ginagawa. May pananagutan ba si Clara kung bakit nasa kaniya ang
paghanga at mataas na pagtingin ng kaniyang mga guro?
A. Oo, dahil siya na lamang ang parating nagkukusa sa online meeting
upang sumagot.
B. Oo, dahil hindi niya pinagbibigyan ang ibang kaklase upang sumagot.
C. Wala, dahil ginagawa niya ang tama bilang isang mag-aaral.
D. Wala, dahil talagang may kumpetisyon sa isang klase.

4. Ito ang nagpapakita ng ating isip, gawi at kagustuhan na nagpapakita ng ating


katangian.
A. Damdamin C. Kilos
B. Kakayahan D. Pasiya

5. Alin sa mga sumusunod ang tunay na dahilan kung bakit bawas ang
pananagutan ng kilos dahil sa karahasan ayon sa katuruan ni Aristoteles ng kilos
na may pananagutan?
A. Dahil may kaalaman ngunit kulang ang pagsang-ayon.
C. Dahil hindi maapektuhan ang kilos loob
B. Dahil sa kahinaan ng isang tao.
D. Dahil hindi maapektuhan ang isip

9 DO_Q2_ESP10_MODYUL2_ARALIN 5
B. Panuto: Ibigay ang tamang sagot sa mga sumusunod na katanungan.

6. Ito ay kilos na isinagawa ng tao nang may kaalaman, malaya, at kusa.


7. Ito ay likas sa tao o ayon sa kaniyang kalikasan bilang tao at hindi ginagamitan
ng isip at kilos-loob.
8. Ang gumagawa ng kilos ay may lubos na pagkaunawa sa kalikasan at
kahihinatnan nito.
9. Dito ang tao ay walang kaalaman kaya’t walang pagsang-ayon sa kilos.
10. Ito ay kilos na may paggamit ng kaalaman ngunit kulang ang pagsang-ayon.

Panuto: Isulat ang inyong sagot sa iyong kwaderno. Tukuyin ang mga halimbawa
kung ito ay KILOS NG TAO o MAKATAONG KILOS.
11. Pag-iwas sa utos ng magulang.
12. Sa iyong paglalakad ay narinig mo ang kuwentuhan ng iyong mga kaklase
tungkol sa maagang pag-aasawa ng isa sa ninyong kamag-aaral.
13. Pagdala ng taxi drayber sa ospital ng kaniyang matandang pasahero na inatake
sa puso.
14. Ang laging paghimas ni Mark sa tiyan dahil sa gutom.
15. Pagsisikap na bumuo Investigatory Project sa Science upang makakuha ng
mataas na mark.

Panuto: Mula sa iyong mga pagkatuto sa aralin, tapusin ang sinimulang


pangungusap upang mabuo ang Batayang Konsepto.

1. Ang makataong kilos ay


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

2. Kailangang maging maingat ang tao sa kanyang kilos sapagkat

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

10 DO_Q2_ESP10_MODYUL2_ARALIN 5
DO_Q2_ESP10_MODYUL2_ARALIN 5 11
Tayahin
1. C 6. Makataong kilos o Human Acts 11. Makataong Kilos
2. A 7. Kilos ng Tao o Act of Man 12. Kilos ng Tao
3. C 8. Kusang-loob 13. Makataong Kilos
4. C 9. Walang Kusang-loob 14. Kilos ng Tao
5. A 10. Di Kusang-loob 15. Makataong Kilos
Subukin
1. C 11. Mali
2. B 12. Tama
3. A 13. Tama
4. A 14. Mali
5. B 15. Tama
6. B
7. C
8. B
9. C
10. D
Aklat

Mary Jean B. Brizuela, Patricia Jane S. Arnedo, Goeffrey A. Guevara, Earl P.


Valdez, Suzanne M. Rivera, Elsie G. Celeste, Rolando V. Balona Jr., Benedick
Daniel O. Yumul, Glenda N. Rito, at Sheryll T. Gayola (2015).Edukasyon sa
Pagpapakatao 10 Modyul para sa Mag – aaral Unang Edisyon
(2015).Philippines:FEP Printing Corporation

Mga Saliksik sa Internet


GMA News- 24 Oras, August 11,2020 (https://youtu.be/PsVZyd8Raso)
GMA News-Unang Balita, July 15,2020 (https://youtu.be/5B41OhErPWc)
GMA News-24 Oras, August 27,2020 (https://youtu.be/8M480WQp4Xo)

12 DO_Q2_ESP10_MODYUL2_ARALIN 5
10
Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikalawang Markahan
Modyul 2
Aralin 6: Mga Salik na
Nakaapekto sa Pananagutan
ng Tao sa Kahihinatnan ng
Kilos at Pasya

13 DO_Q2_ESP10_MODYUL2_ARALIN 5
Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod na
kaalaman, kakayahan, at pag-unawa:

1. Naipaliliwanag ang bawat salik na nakaaapekto sa pananagutan ng tao sa


kahihinatnan ng kanyang kilos at pasya (EsP10MK-IIc-6.2)
2. Nakapagsusuri ng isang sitwasyong nakaaapekto sa pagkukusa sa kilos dahil
sa kamangmangan, masidhing damdamin, takot, karahasan at gawi
(EsP10MK-IId-6.3)
3. Napatutunayan na nakakaapekto ang kamangmangan, masidhing
damdamin, takot, karahasan at gawi sa pananagutan ng tao sa kalalabasan
ng kanyang mga pasya at kilos dahil maaaring mawala ang pagkukusa ng
kilos (EsP10MK-IId-6.4)
4. Nakapagsusuri ng sarili batay sa mga salik na nakaaapekto sa pananagutan
ng tao sa kahihinatnan ng kilos at pasya at nakagagawa ng mga hakbang
upang mahubog ang kanyang kakayahan sa pagpapasya (EsP10MK-IIe-7.1)

A. Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang titik ng pinakaangkop na
sagot at isulat ang sagot sa inyong kuwaderno.

1. Alin sa mga sumusunod na kilos ang nabuo dahil sa takot?


A. Ang pagpasok nang maaga ng isang mag-aaral sa paaralan
B. Ang pag-iwas sa mga gawaing walang kabuluhan
C. Ang pag-iingat ng isang doktor sa pag-oopera
D. Ang pagbabalik ng sukli sa magulang

2. Mababa ang naging iskor ni Ginelle sa pagsusulit sa Matematika noong Unang


Markahan dahil hindi niya binasa ang panuto na isulat ang computation sa
problem solving. Kaya’t sinikap niyang unawaing mabuti ang panuto sa sumunod
na pagsusulit upang di na maulit pa ang pagkakamali. Anong uri ng
kamangmangan ang naranasan ni Ginelle?
A. Kamangmangang Nadaraig
B. Kamangmangang Di Nadaraig
C. Kamangmangang May Kusang-loob
D. Kamangmangang Walang Kusang-loob

3. Alin sa mga ito ang HINDI maituturing na gawi?


A. Pakikinig ng musika habang nagre-review ng mga aralin
B. Pagmumura o pagbigkas ng mga di kaaya-ayang salita
C. Pagkabog ng dibdib tuwing natatakot
D. Pagpasok nang maaga sa klase

14 DO_Q2_ESP10_MODYUL2_ARALIN 6
4. Alin sa mga kilos na ito ang bawas ang pananagutan dahil nangibabaw ang
masidhing damdamin? masidhing damdamin?
A. Pagsigaw dahil nanalo ng grand prize sa raffle.
B. Pagpapakopya ng sagot sa kaklaseng nililigawan
C. Pangungutang ng pera sa matalik na kaibigan
D. Pagsugod sa bahay ng kaalitan.

5. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa pagkakaroon ng panlabas na


pwersang napipilit sa isang tao na gawin ang isang bagay na labag sa kanyang
pagkukusa?
A. Gawi C. Masidhing Damdamin
B. Karahasan D. Takot

6. Alin sa mga ito ang sanhi ng takot?


A. Kakulangan sa kaalaman
B. Pagbabanta sa kanyang buhay
C. Pagpataw ng pwersa gaya ng pananakit
D. Ang panlabas na pwersa na gawin ang isang bagay

7. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa karahasan?


A. Ito ay nagaganap sa paligid
B. Ito ay nababasa sa pahayagan
C. Ito ay pwersang hindi maiwasan
D. Ito ay panlabas na pwersang nasusunod nang labag sa kalooban

8. Ang pagmumura na naging pang-araw-araw ng ekspresyon ng isang tao may


pananagutan ba ang gumagawa ng kilos?
A. Mayroon, dahil nagsimula ito bilang kusang pagsasalita at nakasanayan na
lamang.
B. Wala, sapagkat ito ay isang ekspresyon.
C. Wala, dahil sanay naman itong naririnig.
D. Mayroon, dahil masama ito.

9. Ang sumusunod ay nagpapakita ng takot MALIBAN sa:


A. Ito ay isa sa mga halimbawa ng masidhing silakbo ng damdamin.
B. Pagkabagabag ng isip ng tao na humaharap sa pagbabanta sa kaniyang
buhay.
C. Ang pananakot sa tao o sa kaniyang mga mahal sa buhay upang mapasunod
na gumawa ng masama.
D. Ito ay ang pagkakaroon ng panlabas na puwersa upang pilitin na gawin ang
isang bagay na labag sa kilos-loob at pagkukusa.

10. Ito ay ang dikta ng bodily appetites, pagkiling sa isang bagay o kilos.
A. Gawi C. Masidhing Damdamin
B. Karahasan D. Takot

15 DO_Q2_ESP10_MODYUL2_ARALIN 6
B. Panuto: Isulat sa inyong kwaderno ang salitang TAMA kung ang pahayag ay tama
at MALI naman kung ang pahayag ay mali.

11. Ang gawa ng isang taong itinuturing na wala sa matinong pag-iisip ay


kamangmangang hindi madaraig kaya bawas ang kanyang pananagutan.
12. Ang masidhing damdamin ay normal na damdamin kaya ang tao ay walang
pananagutan upang pangasiwaan ang kaniyang emosyon at damdamin.
13. Ang pagmumura na naging pang-araw-araw ng ekspresyon ng isang tao kaya
wala ng pananagutan ang taong nagsasagawa nito.
14. Ang pagpasok nang maaga at pagsusugal ay maituturing na gawi.
15. Ang pag-iingat ng isang doctor sa pag-oopera ay bunga ng takot.

Aralin MGA SALIK NA NAKAAAPEKTO SA


PANANAGUTAN NG TAO SA
6 KAHIHINATNAN NG KILOS AT PASYA

Sa Modyul 5 natutuhan mo na ang makataong kilos ay kilos na


malayang pinili mula sa paghuhusga at pagsusuri ng konsensiya. Pananagutan ng
taong nagsagawa ng makataong kilos ang bunga ng kaniyang piniling kilos. Kung
mabuti ang kilos, ito ay katanggap-tanggap. At kung masama ang kilos, ito naman
ay kahiya-hiya at dapat pagsisihan, kaya kailangang maging maingat ang tao sa
paggawa ng makataong kilos sapagkat ang mga ito ay maaaring maging isyung moral
o etikal. Ito ay dahil ang kilos na ito ay ginagawa nang may pang-unawa at pagpipili
dahil may kapanagutan (accountability).

Sa modyul naman na ito, sasagutin natin ang Mahalagang Tanong:


Anu – ano ang mga salik na nakaaapekto sa pananagutan ng tao sa kahihinatnan
ng kanyang kilos at pasya Halika! Tahakin natin ang landas ng pagiging makatao sa
pamamagitan ng pagpili ng mabuting opsiyon

Mga Tala para sa Guro


Mahalagang magabayan ng guro ang mga mag-aaral sa mga gawain
upang maunawaan ang batayang konsepto ng aralin. Ang bawat gawain
ay makatutulong na maipahayag ang damdamin ng bawat isa at at
maiugnay ang mga ito sa paksa.

16 DO_Q2_ESP10_MODYUL2_ARALIN 6
Gawain 1
Panuto: Anu-ano ang mga emosyon na nararamdaman ng isang tao? Iguhit ito sa
loob ng mukhang nasa ibaba.

Anong emosyon ang iyong Kailan nararanasan ng tao


iginuhit? ang emosyon na ito?

Anong emosyon ang iyong Kailan nararanasan ng tao


iginuhit? ang emosyon na ito?

Anong emosyon ang iyong Kailan nararanasan ng tao


iginuhit? ang emosyon na ito?

Anong emosyon ang iyong Kailan nararanasan ng tao


iginuhit? ang emosyon na ito?

1. Alin sa mga emosyong iyong iginuhit ang iyong nararanasan?


__________________________________________________________________________________
2. Mayroon bang kaugnayan ang ating emosyon o damdamin sa kilos na ating
isinasagawa? Ipaliwanag.
_________________________________________________________________________________

17 DO_Q2_ESP10_MODYUL2_ARALIN 6
Gawain 2
Panuto: Pag-aralan ang mga sitwasyon sa ibaba. Gamit ang pormat, tukuyin ang
mga salik na nakaaapekto sa pananagutan ng isang tao na naging dahilan
kung bakit naging mahina siya sa pagpili ng mabuting opsyon at hindi
naging mapanagutan ang kanyang kilos. Ang mga salik ay kamangmangan,
masidhing damdamin, takot, karahasan at gawi.

Kitang kita ni Chelsy ang


pambubulas (Bullying) na Kung ikaw si Chelsy,
ginagawa ng kanyang mga
ano ang tamang
sigang kaklase, sa isa pa nilang SALIK
kaklase na si Kian dahil sa may kilos na dapat mong
__________
kapansanan ito sa pandinig. isagawa?
__________
Dumating ang kanyang guro
ngunit mas minabuting na __
lamang ni Chelsy na manahimik
dahil sa banta ng mga kaklase.

Si Itan ay isang Ayta (Indigenous


group). Nakatira siya at kanyang
pamilya sa isang bulubundukin
na sakop ng Luzon, Karamihan
sa kanila ay hindi nakapag -aral. SALIK Kung ikaw si Itan,
Minsan ay isinama siya ng __________ ano ang tamang
kanyang ina sa Valenzuela __________ kilos na dapat mong
upang dumalaw sa isang kamag __ isagawa?
– anak. Sa kasawiang palad, siya
ay hinuli ng Pulis dahil tumawid
sila sa maling tawiran bagamat
may malaking paalala na
nakasulat sa gilid ng kalsada.

Bagong lipat na estudyante sa


Vicente P. Trinidad National High
School si Arnel. Tahimik lamang
siya dahil wala pa siyang
kaibigan. Habang siya ay nasa
kantina, siya ay pinagkatuwaan
ng ilang datihang estudyante. Kung ikaw si Arnel,
Binangga siya ng isa sa mga ito SALIK ano ang tamang
na nagdulot ng pagkatapon ng __________ kilos na dapat mong
pagkaing kanyang binili. Sa __________ isagawa?
kabila nito, ay minura pa si __
Arnel ng estudyanteng
bumangga sa kanya na naging
dahilan ng kanilang pag – aaway.

18 DO_Q2_ESP10_MODYUL2_ARALIN 6
Sagutin ang mga tanong.

1. Paano nakahahadlang ang mga salik na ito tungo sa mabuting pagpili at


pagpapasya? Ipaliwanag.
2. Ano ang pananagutan ng bawat tauhan sa kanyang kilos na makapagpasya
nang mabuting opsiyon tungo sa makataong kilos?

Panuto: Gamit ang talahanayan, tukuyin kung ang kilos sa unang kolum ay
nagpapakita ng presensiya ng isip, kilos-loob, at kung ito ay
mapanagutang kilos. Lagyan ng tsek (/) kung ang kilos ay ginamitan ng
isip, kilos-loob, at mapanagutan, at ekis naman (X) kung hindi. At huli
ipaliwanag ang iyong sagot.

Mga Kilos at Isip Kilos - loob Mapanagutang Paliwanag


Gawain ng Tao Kilos
Pagbalik ng
drayber ng gamit
at pera na
naiwan ng
kanyang
pasahero.
Pagtawa ng
malakas sa loob
ng klase.
Pagsauli ng
sobrang sukli sa
drayer ng jeep
na sinakyan.
Pagsasalita
habang
natutulog.
Pagsisikap na
mabuo ang
investigatory
project sa
asignaturang
Science.
Sagutin ang mga tanong:
a. Bakit mahalaga na magpakita ng kapanagutan sa mga kilos na ginagawa?
b. Paano magiging may pananagutan ang isang tao sa kaniyang piniling kilos?

19 DO_Q2_ESP10_MODYUL2_ARALIN 6
c. Bilang mag-aaral sa Baitang 10, anu-ano ang iyong mga gingawa sa araw-araw
na nagpapakita ng makatao at mapanagutang kilos? Ipaliwanag

MGA SALIK NA NAKAAAPEKTO SA PANANAGUTAN NG TAO SA


KAHIHINATNAN NG KILOS AT PASYA

Ang makataong kilos ay maaaring mabawasan o kaya ay mauwi sa pagiging


isang ordinaryong kilos ng tao dahil sa mga salik na nakaaapekto rito. Ang mga salik
ay direktang nakaaapekto o nakapagpapabago ng kalikasan ng isang makataong
kilos lalo na sa papel ng isip at kilos-loob. Maaari ring mabawasan ang pananagutan
ng makataong kilos dahil sa impluwensiya ng mga salik na ito. May limang salik na
nakaaapekto sa makataong kilos: Kamangmangan, Masidhing damdamin, Takot,
Karahasan at Gawi.

1. Kamangmangan. Ito ay tumutukoy sa kawalan o kasalatan ng kaalaman


na dapat taglay ng tao. Ito ay may dalawang uri: nadaraig (vincible) at hindi nadaraig
(invincible). Ang kamangmangan na nadaraig ay ang kawalan ng kaalaman sa isang
gawain subalit may pagkakataong malaman o matuklasan ito. Ang kamangmangan
na hindi nadaraig ay maaaring kamangmangan dahil sa kawalan ng kaalaman na
mayroon siyang hindi alam na dapat niyang malaman o kaya naman walang
posibleng paraan upang malaman ang isang bagay sa sariling kakayahan o sa
kakayahan man ng iba.

2. Masidhing Damdamin. Ang masidhing damdamin o passion ay ang dikta


ng bodily appetites, pagkiling sa isang bagay o kilos (tendency) o damdamin.
Maituturing ito na paglaban ng masidhing damdamin sa isip- para bang ang
pangangailangan ng masidhing damdamin ay mas matimbang kaysa sa dikta ng isip.

3. Takot. Ito ay ang pagkabagabag ng isip ng tao na humaharap sa anomang


uri ng pagbabanta sa kaniyang buhay o mga mahal sa buhay. Tumutukoy din ito sa
pagpataw ng puwersa gaya ng pananakit upang gawin ng isang tao ang kilos na
labag sa kanyang kalooban.

4. Karahasan. Ito ay ang pagkakaroon ng panlabas na puwersa upang pilitin


ang isang tao na gawin ang isang bagay na labag sa kanyang kilos-loob at
pagkukusa. Ito ay maaaring gawin ng isang taong may mataas na impluwensya.

5. Gawi. Ang mga gawain na paulit-ulit na isinasagawa at naging bahagi na


ng sistema ng buhay sa araw-araw ay itinuturing na gawi (habits). Kung ang isang
gawa o kilos ay nakasanayan na, nababawasan ang pananagutan ng isang tao
ngunit hindi ito nawawala.

Maituturing mo na ba ang sarili mo bilang isang tao na may pananagutan sa


mga kilos na ginagawa? May kakayahan ka na bang gumawa ng mapanagutang
pasya?

20 DO_Q2_ESP10_MODYUL2_ARALIN 6
Gunitain ang mga pangyayari sa buhay mo kung saan may mga tao kang
nasaktan Isulat ang sitwasyong ito sa unang kolum at ang kapwang nasaktan sa
ikalawang kolum. Magtala ng mga hakbang na dapat mong gawin upang maiayos
ang nasirang ugnayan.

Sitwasyon kung saan Kapwang nasaktan Mga Hakbang upang


may nasaktan akong (Halimbawa: Magulang, aking ayusin ang mga
kapwa kaklase at iba pa) Ugnayan

Panuto. Pagnilayan ang tanong at isulat ang iyong sagot sa iyong kuwaderno.

Ano ang mga paraan na maaari mong gawin upang hindi maapektuhan ng
mga salik sa makataong kilos ang pagpapasyang iyong gagawin sa araw-araw?

A. Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang titik ng pinakaangkop
na sagot at isulat ang sagot sa inyong kwaderno.

1. Isang matanda ang tumawid sa maling tawiran bagamat may nakasulat


na bawal tumawid. Sinita siya ng pulis ngunit hindi na rin pinagmulta
pagkaraang malaman na ang matanda ay hindi marunong bumasa. Anong
salik ang nakaapekto sa makataong kilos ng matanda?
A. Takot C. Kamangmangan
B. Karahasan D. Masidhing Damdamin
2. Sa sobrang pagnanasa ni Erika na makapasa sa Entrance Exam sa
ninanais niyang unibersidad, inalok niya ng malaking halaga ang isang
opisyal na tagapangasiwa nito. Ano ang nagtulak kay Erika na isagawa
ang gayong kilos?
A. Gawi C. Masidhing Damdamin
B. Karahasan D. Takot

3. Hindi nakauwi sa tamang oras si Trisha dahil nagkayayaan silang


magmiryenda ng kanyang mga kaibigan. Alam niyang pagagalitan siya ng
kanyang ama dahil hindi siya nakapagpaalam. Minabuti na lamang ni
Trisha ang magsinungaling upang makaiwas sa galit ng kanyang ama.

21 DO_Q2_ESP10_MODYUL2_ARALIN 6
Anong salik ang nakaapekto sa makataong kilos ni Trisha?
A. Gawi C. Karahasan
B. Kamangmangan D. Takot

4. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa mga gawain na paulit-ulit na


isinasagawa na naging bahagi na ng pang araw-araw na buhay?
A. Takot C. Karahasan
B. Gawi D. Masidhing Damdamin

5. Ito ay ang kawalan o kasalatan ng kaalaman na dapat ay taglay ng isang


tao. Ano ito?
A. Kamangmangan C. Takot
B. Karahasan D. Masidhing Damdamin

6. Alin sa sumusunod ang nagpapahayag na laganap ang karahasan?


A. Ito ay kaganapan nagaganap sa paligid
B. Ito ay kaganapan nababasa sa pahayagan
C. Ito ay kaganapan nasusunod na labag sa kalooban
D. Ito ay kaganapan nasusunod na hindi maiwasan

7. Alin sa mga ito ang HINDI maituturing na gawi?


A. Pagsusugal
B. Paglilinis ng ilong
C. Maalimpungatan sa gabi
D. Pagpasok nang maaga sa paaralan

8. Ito ay isa sa mga halimbawa ng masidhing silakbo ng damdamin, ay ang


pagkabagabag ng isip ng tao na humaharap sa anumang uri ng pagbabanta
sa kaniyang buhay o mga mahal sa buhay.
A. Kamangmangan C. Takot
B. Karahasan D. Masidhing Damdamin

9. Ito ay ang pagkakaroon ng panlabas na puwersa upang pilitin ang isang


tao na gawin ang isang bagay na labag sa kaniyang kilos-loob at
pagkukusa. Ito ay maaaring gawin ng isang taong may mataas na
impluwensiya.
A. Kamangmangan C. Takot
B. Karahasan D. Masidhing Damdamin

10. Isang babae ang nagpapapalit ng isang libong piso sa inyong sari-sari
store, ngunit napabalita na mayroon lumalaganap na panloloko na gamit
ay pekeng pera, kaya nasabi mong walang barya na maaaring ipalit sa
kaniyang pera. Ngunit ang totoo ay mayroon naman dahil maraming
benta ang tindahan ninyo. Ikaw ay nagsinungaling. Anong salik ang
nakaapekto sa sitwasyong ito?
A. Takot C. Karahasan
B. Kamangmangan D. Masidhing damdamin

B. Panuto: Ibigay ang salik na tinutukoy sa mga sumunod na pahayag.


11. Tumutukoy ito sa pag-asam o paghahangad na makaranas ng
kaligayahan at pag-iwas sa mga bagay na nagdudulot ng sakit o hirap.

22 DO_Q2_ESP10_MODYUL2_ARALIN 6
12. Tumutukoy ito sa kawalan o kasalatan ng kaalaman na dapat taglay ng
tao.
13. Ito ay ang pagkabagabag ng isip ng tao na humaharap sa anumang uri ng
pagbabanta sa kaniyang buhay o mga mahal sa buhay.
14. Ang mga gawain na paulit-ulit na isinasagawa at naging bahagi na ng
sistema ng buhay sa araw-araw.
15. Ito ay ang pagkakaroon ng panlabas na puwersa upang pilitin ang isang
tao na gawin ang isang bagay na labag sa kaniyang kilos-loob at
pagkukusa.

Panuto: Punan ang talahanayan ayon sa iyong natutunan sa ating aralin.


Add Subtract Multiply
Anu - ano ang mga Anu -ano ang mga dapat Anu – ano ang mga
nadagdag na mabuting kung iwaksi o alisin na kaugalian na mayroon
kaalaman sa iyo sa maling pag – uugali na na ako na dapat ko
ating aralin sa modyul aking napagtanto dahil pangpayabungin?
na ito? sa aralin sa modyul na
ito?

23 DO_Q2_ESP10_MODYUL2_ARALIN 6
DO_Q2_ESP10_MODYUL2_ARALIN 6 24
Subukin Tayahin
1.C 1. C 6. C 11. Masidhing Damdamin
2.A 2. C 7. C 12. Kamangmangan
3.C 3. D 8. C 13. Takot
4.D 4. C 9. B 14. Gawi
5. B 5. A 10. A 15. Karahasan
6. B
7. D
8. A
9. D
10. C
11. Tama
12. Mali
13. Mali
14. Tama
15. Tama
Aklat

Mary Jean B. Brizuela, Patricia Jane S. Arnedo, Goeffrey A. Guevara, Earl P.


Valdez, Suzanne M. Rivera, Elsie G. Celeste, Rolando V. Balona Jr., Benedick
Daniel O. Yumul, Glenda N. Rito, at Sheryll T. Gayola (2015).Edukasyon sa
Pagpapakatao 10 Modyul para sa Mag – aaral Unang Edisyon
(2015).Philippines:FEP Printing Corporation

25 DO_Q2_ESP10_MODYUL2_ARALIN 6
10
Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikalawang Markahan
Modyul 2
Aralin 7: Mga Yugto ng
Makataong Kilos at mga
Hakbang sa Moral na
Pagpapasya

26 DO_Q2_ESP10_MODYUL2_ARALIN 6
Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod na
kaalaman, kakayahan, at pag-unawa:
1. Naipaliliwanag ang bawat yugto ng makataong kilos. (EsP10MK-IIf-7.2)
2. Natutukoy ang mga kilos at pasiyang nagawa na umaayon sa bawat yugto ng
makataong kilos. (EsP10MK-IIf-7.3)
3. Naipaliliwanag na ang bawat yugto ng makataong kilos ay kakikitaan ng
kahalagahan ng deliberasyon ng isip at kilos-loob sa paggawa ng moral na
pasya at kilos. (EsP10MK-IIf-7.4)
4. Nakapagsusuri ng sariling kilos at pasya batay sa mga yugto ng makataong
kilos at nakagagawa ng plano upang maitama ang kilos o pasya.
(EsP10MK-IIg-8.1)

A. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga aytem at piliin ang titik ng
pinakatamang sagot. Isulat ito sa iyong kuwaderno.

1. Ano ang dalawang kategorya na bumubuo sa 12 yugto ng makataong kilos ayon


kay Sto. Tomas de Aquino?
A. Isip at Kilos-loob C. Intensiyon at Layunin
B. Paghuhusga at Pagpili D. Sanhi at Bunga

2. Bakit kailangang isaisip at timbangin ang mabuti at masamang naidudulot ng


pasiya?
A. Dahil ang bawat kilos ay may batayan, dahilan, at pananagutan.
B. Dahil ito ay magsisilbing gabay niya sa pang-araw-araw na buhay.
C. Dahil ito ay nagdudulot sa tao ng kasiguruhan sa kaniyang pagpili.
D. Dahil ito ay makatutulong sa tao upang magkaroon siya ng mabuting kilos.

3. Bakit kailangang mabigyan ng sapat na panahon sa pagpapasiya ang tao?


A. Upang magsilbing gabay sa buhay.
B. Upang magsilbing paalala sa mga gagawin.
C. Upang magkaroon ng sapat na pamantayan sa pipiliin.
D. Upang mapagnilayan ang bawat panig ng isasagawang pagpili.

4. Sino siyang tanging makakaalam ng pinkamabuti sa atin?


A. ang Diyos C. ang ating magulang
B. ang ating sarili D. ang ating malapit na kaibigan

5. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mga hakbang sa Moral na


Pagpapasiya?
A. pagbuo ng pasiya C. pagkalap ng patunay
B. pagtingin sa kalooban D. Paghingi ng tulong at pag-asa sa iba

27 DO_Q2_ESP10_MODYUL2_ARALIN 7
B. Panuto: Basahin at suriin ang sitwasyon sa ibaba. Tukuyin sa loob ng kahon
ang tamang bahagi ng Hakbang sa Moral na pagpapasiya ang kanilang
ipinamamalas. Isulat ang titik sa patlang.

A. Magkalap ng patunay D. Tinganan ang kalooban


B. Isaisp ang mga posibilidad E. Umasa at magtiwala sa tulong ng Diyos
C. Maghanap ng ibang kaalaman F. Magsagawa ng pasiya
_________1. Sa tuwing dumaranas si Faith ng pagsubok at kailangan niyang
magpasiya lagi siyang lumalapit sa Diyos at humihingi ng gabay.

_________2. Madalas sa pagpasiya ni Chelsea ay sinusuri niya ang ang nilalaman


ng kaniyang konsensiya at binibigyan pansin ang mga bagay na
nagpapagaan ng kanyang kalooban.

_________3. Si Justtine ay isang News anchor sa isang sikat na station sa


telebisyon. Madalas niyang kinakalap ang mga mahahalagang detalye
upang makapagbigay siya ng maayos at dekalidad na balita sa
sambayanan.

_________4. May nagustuhan si Sarah na isang brand ng sapos sa Mall ngunit


sapat lamang ang ipon niyang pera at kung sakaling bibilhin nya ito ay
hindi na niya mabibili ang iba pa niyang pangangailangan sa pasukan.
Mas pinili na lamang niya na humanap ng mas mura ngunit may kalidad
na sapatos upang mabili pa niya ang iba pa niyang kailangan.

_________5. Matagal nang naguguluhan si Sean sa kursong kanyang pipiliin sa


kolehiyo. Sa kanyang pagdalo ng mga Carrier Orientation sa kanilang
paaralan mas nagkaroon ng linaw ang kanya nais at gustong maging
carrier sa hinaharap. Nagpasiya na siyang kumuha ng kursong Police sa
isang unibersidad sa Valenzuela na malapit lamang sa kanilang tirahan.

C. Iguhit ang 😊 kung tama ang diwa ng pangungusap, iguhit naman ang
☹kapag ang diwa nito ay mali. Isulat ang iyong sagot sa papel.

1. Bahagi ng buhay ng tao ang magsagawa ng pasiya.


2. Ang tao ay natututo sa iba’t -ibang karanasan niya sa buhay mabuti man
ito o masama.
3. May kalayaan ang bawat isa sa anumang gugustuhin niyang gawin sa
kaniyang buhay.
4. Mahalaga ang pagkakalap ng mga impormasyon sa gagawing pagpapasiya
upang hindi humantong sa pagsisisi.
5. Tayo lamang tao ang binigyan ng isip at kilos loob, kaya gamitin natin ito
sa paglilingkod sa ating kapwa.

28 DO_Q2_ESP10_MODYUL2_ARALIN 7
Aralin
MGA YUGTO NG MAKATAONG KILOS
7 AT MGA HAKBANG SA MORAL NA
PAGPAPASIYA

Nabibigkas mo ba ang mga salitang “Pwede na yan!”, “Oks”, o “Bahala na


si Batman?” Sa mga sitwasyong hindi ka sigurado sa iyong pinipiling pasiya o kung
nagmamadali ka na sa iyong mga isasagawang kilos.
Sa Modyul 6, natutuhan mo na maaaring makaapekto ang
kamangmangan, masidhing damdamin, takot, karahasan, at gawi sa pananagutan
ng tao sa kalalabasan ng kaniyang pasiya at kilos. Sa Araling ito mas lalo mo pang
mapalalawak ang iyong kaisipan sa masusing paggamit ng iyong isip na kaloob ng
Diyos at maging mapanagutan sa bawat isasagawang kilos at pasiya.
Handa ka na ba? Sa pamamagitan nito mas mauunawaaan mo na
mahalagang magamit ng kabataang tulad mo nang tama ang iyong Isip at Kilos-loob
sa paggawa ng moral na pagpapasya. Tara na, simulan na natin.

Mga Tala para sa Guro


Mahalagang magabayan ng guro ang mga mag-aaral sa mga gawain
upang maunawaan ang batayang konsepto ng aralin. Ang bawat gawain
ay makatutulong na maipahayag ang damdamin ng bawat isa at at
maiugnay ang mga ito sa paksa.

Gawain 1

Sa araw-araw ng ating buhay ay kailangan nating magpasiya. Simula pa


lamang sa oras ng ating paggising, pagkain na ating kakainin, damit na ating
isususot at iba pa. Madali ba para sa iyo ang magpasiya? Nakaaaapekto ba ang
pasiya sa iyong kapwa? Sa mga pasiyang ating gagawin mahalaga na nakabatay ito
sa makataong kilos.

29 DO_Q2_ESP10_MODYUL2_ARALIN 7
Panuto: Sagutin ang sumusunod ayon sa iyong pagkaunawa. Isulat ang iyong sagot
sa iyong kuwaderno.

Ano ang
kahulugan ng
makataong
kilos para sa
iyo?

Kailangan ba na
palaging isagawa ang
makataong kilos sa
lahat ng oras o
pagkakataon? Bakit?

Gawain 2
Panuto:
1. Basahin at unawaing mabuti ang sitwasyon sa bawat bilang. Isulat ang sagot
sa iyong kwaderno.
2. Lagyan ng tsek (/) ang loob ng panaklong kung ang tauhan ay nagpapakita
ng makataong kilos at ekis ( x ) kung hindi.
3. Isulat ang paliwanag sa ibaba nito.
Pagkatapos, ibahagi mo sa iyong magulang ang iyong sagot.

Sitwasyon A
Nag-aya si Maria sa kanyang mga kaklase na pumunta sa SM Grand
Central pagkatapos ng kanilang klase upang mamasyal at maglibang. Alam
nila na tumataas parin ang Covid cases sa Valenzuela ngunit pinili parin
nilang pumunta roon.

Nagpakita ba si Maria at ang kanyang mga kaklase ng makataong kilos?


Oo ( ) Hindi ( ) Bakit:

Sitwasyon B

Nahihirapan si Marlo na sagutin ang kanyang Modyul kaya mas naisip


niya na hanapin na lang ang sagot sa internet.

Nagpakita ba si Marlo ng makataong kilos? Oo ( ) Hindi ( ) Bakit:

30 DO_Q2_ESP10_MODYUL2_ARALIN 7
Sagutin ang mga tanong:
1. Sino ang tauhan na nagpakita ng makataong kilos? Nang hindi makataong
kilos? Ipaliwanag.
2. Mahalaga ba para sa iyo ang pagsasagawa ng makataong kilos? Ipaliwanag.
3. Nakatutulong ba sa isang tao ang pagsasagawa ng makataong kilos?
Ipaliwanag.

Napagnilayan mo na ba ang bawat pangyayari sa iyong buhay? Ito ay bunga


ng iyong papapasiya araw-araw. Kaya mahalaga na maunawaan ang maingat na
pagpapasiya dahil marami itong magiging epekto sa iyo mabuti man o masama.

Narito ang mga yugto ng makataong kilos ni Sto, Tomas de Aquino na


nahahati sa Isip at Kilos-loob.
Isip Kilos-loob
1.Pagkaunawa sa layunin 2. Nais na layunin
3.Paghuhusga sa nais makamtan 4. Intensiyon ng layunin
5.Masusing pagsusuri ng paraan 6. Paghuhusga sa paraan
7. Praktikal na paghuhusga sa pinili 8.Pagpili
9.Utos 10.Paggamit
11.Pangkaisipang kakayahan ng 12.Bunga
layunin

Maaaring hindi tao palaging may kamalayan sa mga yugtong ito o sa


pagkakasunod-sunod nito, ngunit mahalaga na malaman ang bawat yugto upang
maging gabay sa bawat kilos sa araw-araw na buhay. Natatapos ang moral na kilos
sa ikawalong yugto- ang pagpili. Kung kaya’t mahalagang mapagnilayan ito bago
isagawa ang pagpili.

Dapat tandaan na ang bawat yugto ng makataong kilos ay kakikitaan ng kahalagahan


ng deliberasyon ng isip at kilos-loob sa paggawa ng moral na pasiya at kilos.

Moral na Pagpapasiya
Ang bawat kilos ng tao ay may dahilan, batayan at pananagutan. Kaya’t sa
anumang isasagawang pasiya, kailangang isaisip at timbangin ang mabuti at
masamang maidududlot nito sa atin at sa kapwa.
Ang mabuting pagpapasiya ay isang proseso kung saan malinaw na
makikilala o nakikita ng isang tao ang pagkakaiba-iba ng mga bagay-bagay. Sa
anumang isasagawang proseso ng pagpapasiya mahalaga na mabigyan ito ng sapat
na panahon. Malaki ang maitutulong nito sapagakat mula rito ay mapagninilayan
ang bawat panig ng isasagawang pagpili.

31 DO_Q2_ESP10_MODYUL2_ARALIN 7
Mga hakbang sa Moral na Pagpapasiya
1. Magkalap ng patunay (Look for the facts)
2. Isaisip ang mga posibilidad (Imagine possibilities)
3. Maghanap ng ibang kaalaman (Seek insight beyond your own)
4. Tingnan ang kalooban (Turn inward)
5. Umasa at magtiwala sa tulong ng Diyos (Expect and trust in God’s help)
6. Magsagawa ng pasiya (Name your decision)

Bilang kabataang katulad mo, napakabilis ng araw para sa iyo, kung kaya’t
napakabilis din ang pagsasagawa ng pasiya. Lagi mong tatandaan na sa lahat ng
nilikha ng Diyos, ang tao lamang ang binigyan Niya ng isip at kilos-loob. Ito ay para
gamitin sa pagsasagawa ng mabuting pasiya at kilos. At dahil may isip at kilos-loob
ang tao, magagamit niya ito sa pagsasagawa ng mabuting kilos na nagpapakita ng
pagmamahal hindi lamang sa kapwa kundi lalo’t higit sa Diyos.
Sa magulong mundo na iyong ginagalawan, makatutulong para sa iyo na
kung ikaw ay magpapasiya, ikaw ay manahimik. Damhin mo ang presensiya ng
Diyos upang ikaw ay makapag-isip mabuti at matimbang ang mga bagay-bagay.
Makatutulong ito sa iyo upang lubusan mong malaman at mapagnilayan kung ano
ang makabubuti para sa iyo, sa kapwa at sa lipunan.

Mahusay! Natitiyak kung naunawaan mo ang ating aralin. At upang


mas lalo mo pang masubok ang iyong naunawaan, sagutin ng mga sumusunod na
tanong sa iyong kwaderno.
1. Paano makatutulong sa iyo ang pagsasagawa ng mabuting pagpapasiya?
Ipaliwanag.
2. Bakit kailangan mong paglaanan ng sapat na panahon ang isang desisyon bago
mo isagawa ang pagpili?
3. Sa iyong palagay, makatutulong ba sa iyon ang pagsunod sa mga hakbang sa
moral na pagpapasiya? Bakit?

B. Panunto : Gunitain mo ang iyong karanasaan noong nakalipas na mga buwan.


Ilapat ito sa makataong kilos ayon kay Sto. Tomas de Aquino.

Pagkaunawa sa layunin__________________________________________________
Nais na Layunin________________________________________________________
Paghuhusga ng layunin__________________________________________________
Intensyon ng layunin__________________________________________________
Masusing Pagsusuri_____________________________________________________
Paghuhusga sa paraan___________________________________________________
Praktikal na pahuhusga__________________________________________________
Pagpili____________________________________________________________________
Utos______________________________________________________________________
Paggamit__________________________________________________________________
Pangkaisipang kakayahan ng layunin______________________________________
Bunga_____________________________________________________________________

32 DO_Q2_ESP10_MODYUL2_ARALIN 7
Panuto: Sagutin ang mgasumusunod na gabay at isulat ang iyong sagot sa
talahanayan sa ibaba.
1. Mag-isip ng mga sitwasyon sa iyong buhay na hindi mo makalimutan. Isulat
kung paano ka nagpasiya at nagpakita ng makataong kilos sa bawat
sitwasyon.
2. Punan ang hanay sa ibaba. Gabay mo ang halimbawa.
3. Isulat sa iyong kwaderno ang sagot.
4. Ibahagi sa iyong magulang ang nilalaman ng iyong sagot.

Sitwasyon
sa buhay na Kilos na Epekto ng
Mga realisasyon
nagsagawa isinagawa isinagawang pasiya
ng pasiya
Ang realisasyon ko
ay mas
makabubuti na
Naunawaan ang
Hal. Blg. 1 Hindi sumama piliin ang pagpasok
tinalakay ng guro at
Niyaya ng at pinili na sa klase dahil may
nakakuha ng pasang
kaibigan na pumasok sa mabuti itong
marka sa pagsusulit
mag-cutting klase. maidudulot sa pag-
sa araw na iyon.
classes. abot ko ng aking
pangarap at
tunguhin sa
buhay.

2.

3.

4.

Sagutin ang mga tanong:


1. Sa kabuuan, anu-ano ang natuklasan mo sa iyong isinagawang mga kilos at
pasiya sa mga sitwasyon?
2. Sa iyong palagay, bakit naging mabuti o masama ang epekto ng iyong kilos at
pasiya?
3. May kinalaman ba ang pasiya ng tao sa kilos na kaniyang isasagawa?
Ipaliwanag.

33 DO_Q2_ESP10_MODYUL2_ARALIN 7
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na gawain:
1. Balikan ang iyong reyalisasyon sa Isaisip na gawain. Sa pamamagitan nito
bumuo ng tatlong plano sa pagpapasiyang gagawin.
2. Punan ang talahayan sa ibaba.
3. Ipakita sa magulang o nakatatanda sa inyong tahahan ang ginawa mong
plano at ipasulat sa kanila ng kanilang puna at payo.

Mga pasiyang Paano Ano ang Puna at payo ng


gagawin mula sa isasabalikat ang mangyayari kung magulang
Reyalisasyon pananagutan? hindi magiging
mapanagutan sa
gagawing pasiya?

A. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga aytem at piliin ang titik ng
pinakatamang sagot. Isulat ito sa iyong kwaderno.

1. Alin sa mga sumusunod ang unang dapat gawing hakbang sa moral na


pagpapasiya?
A. Tingnan ang kalooban C. Magkalap ng patunay
B. Isaisip ang posibilidad D. Maghanap ng ibang kaalaman

2. Kung ikaw ay magsasagawa ng pasiya, ano kaya ang pinakahuling hakbang


na iyong gagawin?
A. Isaisip ang mga posibilidad C. Maghanap ng ibang kaalaman
B. Umasa at magtiwala sa Diyos D. Tingnan ang kalooban

3. Niyaya si Alfred ng kanyang mga kamag-aral na huwag pumasok at pumunta


na lamang sa isang computer shop. Hindi kaagad sumagot ng oo si Alfred
bagkus ito ay kaniyang pinag-isipang mabuti kung ito ba ay tama o mali at
ano ang sakaling magiging epekto nito kung sakaling sumama siya. Anong
proseso ng pakikinig ang ginamit ni Alfred?

A. Isaisip ang mga posibilidad C. Maghanap ng ibang kaalaman


B. Tingnan ang kalooban D. Magkalap ng patunay

34 DO_Q2_ESP10_MODYUL2_ARALIN 7
4. Kung sa iyong pagpapasiya ay sinusuri mo ang iyong konsensiya at
binibigyang halaga mo kung ang iyong pasiya ay makapagpapasaya sa iyo o
hindi. Anong bahagi kaya ito ng hakbang sa Moral na Pagpapasiya?
A. Magkalap ng patunay C. Maghanap ng ibang kaalaman
B. Tingnan ang kalooban D. Umasa at magtiwala sa Diyos

5. Sa tuwing dumarating sa buhay ni Amir ang pagpapasiya palagi niyang


tinatanong ang kaniyang sarili kung ito ba ang nais ng Diyos o naaayon sa
Kaniyang kautusan? Sa iyong palagay, nasaan kayang bahagi ng hakbang ng
pagpapasiya si Amir?
A. Tingnan ang kalooban C. Isaisip ang posibilidad
B. Maghanap ng ibang kaalaman D. Umasa at magtiwala sa Diyos

B. Isulat ang Tama kung wasto ang diwa ng pangungusap, isulat naman ang
Mali kapag ang diwa nito ay hindi totoo. Isulat ang iyong sagot sa papel.

1. Maaaring hindi tayo palaging may kamalayan sa mga bawat yugto ng makataong
kilos ngunit mahalaga na maging gabay ito sa ating pang araw-araw na buhay.
2.Ang moral na kilos ay nagtatapos sa ikasampung yugto -ang pagpili.
3.Ang mabuting pagpapasiya ay isang proseso kung saan malinaw na nakikilala o
nakikita ng isang tao ang pagkakaiba-iba ng mga bagay-bagay.
4.Malaki ang maitutulong ng sapat na panahon upang mapagnilayan ang bawat
panig sa isasagawang pagpili.
5. Mahalaga ang proseso ng pakikinig upang mas maging mainam ang iyong pasyang
gagawin.

C. Punan ang mga patlang sa ibaba upang mabuo ang konspeto ng pangungusap.

Makatutulong sa iyo ang _____________________ upang lubusan mong


__________ at mapagnilayan kung ano ang ____________________ para sa iyo at sa
______________ at sa __________________________

35 DO_Q2_ESP10_MODYUL2_ARALIN 7
Sa pagpapasiya, kailangan kang magplano dahil ito ang makapagbibigay sa
iyo ng tamang kaisipan sa iyong pagpili.

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na gawain:


1. Bumuo ng tatlong plano sa pagpapasiyang gagawin sa mga susunod na araw.
2. Isulat ang mga pasiya ng gagawin at kung paano isasabalikat ang
pananagutan nang sa gayon ay magbunga ng makataong pagkilos.
3. Isulat sa ikatlong kolum ang maaaring mangyari kung sakaling hindi
magiging mapanagutan sa gagawing pasiya.
4. Ipakita sa magulang ang ginawang plano at ipasulat sa kanila ang kanilang
puna at payo.
5. Palagdaan ito sa kanila.

Ano ang mangyayari kung


Paano
Mga pasiyang hindi magiging Puna at payo
isasabalikat ang
gagawin mapanagutan sa gagawing ng magulang
pananagutan?
pasiya?

36 DO_Q2_ESP10_MODYUL2_ARALIN 7
DO_Q2_ESP10_MODYUL2_ARALIN 7 37
Subukin
A.
Tayahin
1. A
A.
2. A
1. C
3. C
2. B
4. A
3. C
5. D
4. B
B.
5. B
1. E
B.
2. D
1. TAMA
3. A
2. MALI
4. B
3. TAMA
5. F
4. TAMA
C.
5. TAMA
1. 😊
C. 2. 😊
Makatutulong sa iyo ang pagninilay upang 3. ☹
lubusan mong malaman at mapagnilayan 4. 😊
kung ano ang makakabuti para sa iyo at sa 5. 😊
kapwa at sa lipunan.
Aklat

Mary Jean B. Brizuela, Patricia Jane S. Arnedo, Goeffrey A. Guevara, Earl P. Valdez,
Suzanne M. Rivera, Elsie G. Celeste, Rolando V. Balona Jr., Benedick Daniel O. Yumul,
Glenda N. Rito, at Sheryll T. Gayola (2015).Edukasyon sa Pagpapakatao 10 Modyul
para sa Mag – aaral Unang Edisyon (2015).Philippines:FEP Printing Corporation

38 DO_Q2_ESP10_MODYUL2_ARALIN 7
10
Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikalawang Markahan
Modyul 2
Aralin 8: Layunin, Paraan,
Sirkumstansya, at
Kahihinatnan ng
Makataong Kilos

39 DO_Q2_ESP10_MODYUL2_ARALIN 7
Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod na
kaalaman, kakayahan, at pag-unawa:
1. Naipaliliwanag ng mag-aaral ang layunin, paraan at mga sirkumstansya ng
makataong kilos. (EsP10MK-IIg-8.2)
2. Nakapagsusuri ng kabutihan o kasamaan ng sariling pasya kilos sa sitwasyon
batay sa layunin at paraan at sirkumstansya nito. (EsP10MK-IIg-8.3)
3. Napatutunayan na ang layunin, paraan at sirkumstansya ay nagtatakda ng
pagkamabuti o pagkamasama ng kilos ng tao. (EsP10MK-IIh-8.4)
4. Nakapagtataya ng kabutihan o kasamaan ng pasiya o kilos sa isang
sitwasyong may dilemma batay sa layunin, paraan at sirkumstansya nito.
(EsP10MK-IIh-8.4)

A. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga aytem at piliin ang titik ng
pinakatamang sagot. Isulat ito sa iyong kuwaderno.
1. Ito ang bunga ng ating isip at kagustuhan na nagsasabi ng ating katangian.
A. pasiya B. kilos C. kakayahan D. damdamin

2. Bakit sinasabing ang moral na kilos ay ang makataong kilos ayon sa etika ni
Sto. Tomas de Aquino?
A. Sapagkat nahuhusgahan nito ang tama at maling kilos.
B. Sapagkat nakapagpapasiya ito nang naaayon sa tamang katwiran.
C. Sapagkat malayang patungo ito sa layunin na pinag-isipan.
D. Sapagkat napatutunayan nito ang sariling kilos kung ito ay mabuti o
masama.

3. Si Jimmy ay isang pulis. Kilala siyang matulungin sa kanilang lugar kaya’t


mahal na mahal siya ng kaniyang mga kapitbahay ngunit lingid sa kaalaman
ng kanyang mga tinutulungan, na ang itinutulong niya sa mga ito ay galing
sa pangongotong na kinukuha niya sa kanyang mga nahuhuling tsuper sa
kalsada. Tama ba o Mali ang kilos ni Jimmy?
A. Tama, dahil marami naman siyang natutulungan na nangangailangan.
B. Mali, dahil hindi sa kanya galing ang kanyang itinutulong.
C. Tama, dahil mabuti naman ang kanyang panlabas na kilos.
D. Mali, dahil kahit mabuti ang panlabas na kilos, nababalewala pa rin
ang panloob na kilos.

4. Kung ang papel na ginagampanan ng isip ay humusga at mag-utos, ano


naman ang papel ng kilos-loob?
A. Umunawa at magsuri ng impormasyon.
B. Tumungo sa layunin o intensiyon ng isip.
C. Tumulong sa kilos ng isang tao.
D. Gumabay sa pagsasagawa ng kilos.

40 DO_Q2_ESP10_MODYUL2_ARALIN 8
5. Alin sa sumusunod ang HINDI kahulugan ng sirkumstansiya?
A. Ito ay tumutukoy sa isang kondisyon o kalagayan kung saan ang kilos
na ginawa ay nakaaapekto sa kabutihan.
B. Ito ay tumutukoy sa panloob na kilos na nakabatay kung saan
nakatuon ang kilos-loob.
C. Ito ay nakapagbabawas o nakapagdaragdag sa kabutihan o kasamaan
ng isang kilos.
D. Ito ay nakapagpapabago sa halaga ng isang kilos.

6. Alin sa mga sumusunod ang papel ng kilos-loob?


A. tumugon sa kilos ng isang tao
B. gumabay sa pagasasagawa ng kilos
C. umunawa at magsuri ng impormasyon
D. tumugon sa layunin o intensiyon ng isip

7. Bakit hindi maaaring mahusgahan agad ang kabutihan o kasamaan ng isang


kilos?
A. Dahil maling husgahan ang isang makataong kilos
B. Dahil kailangan muna malaman ang kahihitanan nito
C. Dahil kailangang maisaalang-alang muna ang layunin ng taong
gumagawa ng kilos
D. Dahil nangangailangan pa ng mahabang panahon upang makita ang
kabutihan nito

8. Bakit hindi pwedeng paghiwalayin ang panloob at panlabas na kilos?


A. Dahil hindi magiging maganda ang kalalabasan ng lahat ng kilos
B. Dahil maaaring madaig ng panlabas na kilos ang panloob na kilos
C. Dahil kung ano ang kilos na panlabas ay nagmumula rin sa panloob
na kilos
D. Dahil kung masama ang panloob, magiging msama rin ang buong
kilos, kahit mabuti ang panlabas

9. Ito ang bunga ng ating isip at kagustuhan na nagsasabi ng ating katangian.


A. damdamin C. kilos
B. kakayahan D. pasiya

10. Si Rudy ay hinirang na pinakamahusay na mag-aaral. Kinagigiliwan niyang


tipunin ang mga bata sa kaniyang komunidad upang turuang sumulat at
bumasa. Alin sa mga sumusunod ang itinuturing na mabuting kilos?
A. Ang pakikiisa sa komunidad
B. ang pagtulong sa kapwa
C. ang pagiging mabuting mag-aaral
D. ang pagkatutong bumasa at sumulat ng mga bata sa kanilang
kumunidad

41 DO_Q2_ESP10_MODYUL2_ARALIN 8
B. Panuto: Tukuyin kung anong salik ang tinutukoy sa ibaba. Piliin ang titik ng
tamang sagot.
A. Layunin C. Sirkumstansya
B. Paraan D. Kahihinatnan

_________1. Ito ay ang panlabas na kilos na kasangkapan upang makamit ang


layunin.
_________2. Ito rin ay tumutukoy sa taong gumagawa ng kilos; hindi ito nakikita o
nalalaman ng ibang tao dahil ito ay personal sa taong gumagawa ng kilos.
_________3. Ang lahat ng ginagawang kilos ng tao ay may dahilan, batayan at may
kaakibat na pananagutan.
_________4. Ito ay tumutukoy sa isang kondisyon o kalagayan ng kilos na
nakababawas o nakadargdag sa kabutihan o kasamaan ng kilos.
_________5. Ito ay tumutukoy sa panloob na kilos kung saan nakatuon ang kilos-
loob.

Aralin
LAYUNIN, PARAAN, SIRKUMSTANSYA, AT
8 KAHIHINATNAN NG MAKATAONG KILOS

Sa nakalipas na aralin ating tinalakay, Ang mga yugto ng makataong kilos at


mga hakbang sa moral na pagpapasiya. Ngayon nauunawaaan na natin kung bakit
sinasabi satin na “Pag-isipan muna natin nang maraming beses bago tayo gumawa
ng anumang pasiya.” Dahil ang pagsisi ay laging nasa huli, ngunit maaari maiwasan
ang mga maling bunga kung isasabuhay natin ang ating natutuhan sa Aralin 7.
Sa araling ito mas higit na makapagsusuri ka ng kabutihan o kasamaan ng
iyong isinasagawang kilos at pasiya. Matutulungan ka nang lubos na
mapagnilayan kung paano ka nakapagsasagawa ng makataong kilos. Ang layunin,
paraan, sirkumstansiya at kahihitatnan ng kilos ay nagtatakda ng pagiging mabuti
o masama ng kilos ng tao.
Handa ka na ba? Simulan mo na ang pagtulas ng kahalagahan ng iyong
pagkilos-bilang isang tao na may pananagutan.

Mga Tala para sa Guro


Mahalagang magabayan ng guro ang mga mag-aaral sa mga gawain
upang maunawaan ang batayang konsepto ng aralin. Ang bawat gawain
ay makatutulong na maipahayag ang damdamin ng bawat isa at at
maiugnay ang mga ito sa paksa.

42 DO_Q2_ESP10_MODYUL2_ARALIN 8
Gawain 1
Panuto: Basahin ang bawat sitwasyon. Tukuyin ang layunin, paraan, at
sirkumstansiya sa bawat ipinakitang kilos. Isulat ang iyong sagot sa
kwaderno.

Sitwasyon Layunin Paraan Sirkumstansiya

Malapit na ang
Ikalawang
Markahang
Pagsusulit sa
paaralan ni Paul.
Binalikan at
binasa niya ang
mga screen shots
ng kanilang mga
aralin at nagsulat
ng mga
mahahalagang
detalye.

Magaling sa
asignaturang
Matematika si
Gina. Siya ang
panlaban ng
paaralan sa mga
kompetisyon at
palagi siyang
nananalo. Siya ay
naglalaan ng oras
at nagtuturo sa
kapwa niya
kamag-aral na
mahina sa
asignaturang
Matematika.

Nagbakasyon sa
probinsya ang
pamilya ni Jamil
ngunit hindi sya
nakasama sa
kadahilanan na
may mga gagawin
siya sa susunod
na mga araw.

43 DO_Q2_ESP10_MODYUL2_ARALIN 8
Nalaman ng
kanyang kaibigan
na nag-iisa lang
siya sa kanilang
bahay kaya
daglian silang
pumunta roon
para hindi
malungkot at
mabagot si Jamil
ay nanood na
lamang sila ng
palabas sa Netflix.

Gawain 2:
Panuto: Suriin ang bawat sitwasyon sa ibaba at tingnan kung mabuti o masama
ang ginawang pasya o kilos ng tauhan. Lagyan ng tsek(/) kung mabuting kilos at
ikaw ay naniniwala na ito ay mabuti at lagyan ng ekis (x) naman kung masamang
kilos at naniniwala kang ito ay masama. Isulat ang paliwanag sa iyong kuwaderno.

1. Dumalo sa pagsamba si Rose at ang kaniyang kaibigan. Matapos ang sermon ng


kanilang Pastor ay pumunta sila sa likod ng simbahan upang mag record ng kanilang
sayaw sa tiktok.
( ) Mabuting kilos ( )Masamang kilos
Paliwanag:_________________________________________________________________

2. Nais ni Jaime at ang kanyang pamilya na magsagawa ng Community pantry sa


kanilang lugar kaya naisipan nilang ibenta online ang kanilang mga lumang gamit
at damit upang magkaroon sila ng pondo. Nahikayat rin ang iba pa nilang mga
kaibigan sa proyektong ito.
( ) Mabuting kilos ( )Masamang kilos
Paliwanag:_________________________________________________________________

Mga Tanong:
1. Sino sa tauhan ang nagpakita ng mabuting kilos? Sino ang hindi?
2. Ano ang masasabi mo sa bawat tauhan? Pangatwiranan.
3. Paano mo nahusgahan kung mabuti o masama ang pasiya at kilos na ginawa
ng mga tauhan sa bawat sitwasyon?

Upang higit na mapalalim ang iyong kaalaman sa kahalagahan ng layunin,


paraan, o sirkumstansiya ng makataong kilos pagnilayan ang babasahin. Tara na!
At sasamahan kita upang maunawaan ang tekstong nasa ibaba. Mapipili mo ba ang
mabuti? Tumutugma ba ang paraan ng pagsasagawa mo ng kilos sa iyong mga
layunin? Iyan ay ilan lamang sa mga tanong na magpapaalala sa iyo ng mga dapat
gawin bilang tao.

44 DO_Q2_ESP10_MODYUL2_ARALIN 8
Makatutulong sa pag-unawa ay panuurin ang mga video:
✔ https://www.youtube.com/watch?v=9iKsj2mJaPU
by: Aaron Carl Ardina
✔ https://www.youtube.com/watch?v=Mu64BI1Kac4
By; Mark John Maturillas

BASAHIN AT TANDAAN:
“Kilos ay suriin, mabuti lagi ang piliin.” Kung ikaw ang tatanungin,
Ano ang pakahulugan mo sa mga salitang ito?

Hindi lahat ng kilos ng tao ay maituturing na makatao. Ang makataong kilos


ay bunga ng ating isip at kagustuhan na nasasalamin ang ating pagkatao. Kung ano
tayo at kung ano ang kalalabasan ng ating kilos ay batay sa ating pagpapasiya.
Nangangahulugan ito na hindi lahat ng ating isinasagawang kilos ay mabuti.
Sa etika ni Sto. Tomas de Aquino, ang moral na kilos ay ang makataong kilos
sapagkat malayang patungo ito sa layunin na pinag-isipan. Ang papel na
ginagampanan ng isip ay humusga at mag-utos. Ang papel naman ng kilos-loob ay
tumutungo sa layunin o intensiyon ng isip.
May mga salik na nakaaapekto sa resulta ng kilos, kung ito ay maituturing
na mabuti o masama. Ang mga ito ang batayan sa paghuhusga kung ang kilos ay
moral o hindi.
Una, Layunin. Ito ay tumutukoy sa panloob na kilos kung saan nakatuon ang
kilos-loob. Ito rin ay tumutukoy sa taong gumagawa ng kilos (doer); hindi ito nakikita
o nalalaman ng ibang tao dahil ito ay personal sa taong gumagawa ng kilos
Ikalawa, Paraan. Ito ay ang panlabas na kilos na kasangkapan o paraan
upang makamit ang layunin. Ayon kay Sto. Tomas de Aquino may nararapat na
obhto ang kilos. Halimbawa, sa kilos na kumain, ang obheto ay makakain.
Ikatlo, Sirkumstansiya. Ito ay tumutukoy sa isang kondisyon o kalagayan
ng kilos na nakababawas o nakadaragdag sa kabutihan o kasamaan ng isang kilos.
Narito ang iba’t ibang sirkumstansiya:
A. Sino. Ito ang tumutukoy sa tao na nagsasagawa ng kilos o sa taong
maaaring maapektuhan ng kilos.
B. Ano: Ito ang tumutukoy sa mismong kilos, gaano ito kalaki o kabigat.
C. Saan: Ito ang tumutukoy sa lugar kung saan ginagawa ng kilos.
D. Paano: Ito ay tumutukoy sa paraan kung paano isinasagawa ang kilos.
E. Kailan: ito ay tumutukoy kung kailan isasagawa ng kilos.
Ikaapat, Kahihinatnan. Ang lahat ng ginagawang kilos ng tao ay may
dahilan, batayan, at may kaakibat na pananagutan. Anuman ang gawing kilos ay
may kahihinatnan.

Tandaan: Ang mabuting kilos ay dapat palaging mabuti hindi lamang sa


kalikasan nito kundi sa motibo at sirkumstansiya kung paano ito ginawa.

Mga Hamon na dapat sagutin:


Ngayon ay inaanyayahan kita na magnilay. Balikan mo ang iyong mga
isinagawang kilos nitong mga nakaraang araw. Nakikita mo ba ang iyong
pananagutan sa kahihinatnan ng mga ito?

45 DO_Q2_ESP10_MODYUL2_ARALIN 8
Panuto: Sagutin mo ang sumusunod na mga tanong sa iyong kuwaderno:

1. Ano ang kahulugan ng kilos? Ipaliwanag.


2. Anu-ano ang salik na nag-uugnay sa makataong kilos? Ipaliwanag ang bawat
isa.
3. Bakit hindi maaaring ihiwalay ang panloob na kilos sa panlabas na kilos?
Ipaliwanag.
4. Ibigay ang iba’t ibang uri ng sirkumstansiya at magbigay ng halimbawa sa
bawat isa.
5. Paano nahuhusgahan kung ang layunin ng kilos ay mabuti o masama?
Magbigay ng halimbawa.

Panuto: Ano ang mahalagang konseptong nakuha mo sa aralin? Ilarawan at ilahad


ito sa pamamagitan ng graphic organizer.

Ipaliwanag ang iyong nagawang graphic organizer. Ano ang kaugnayan nito sa
iyong pag-unlad bilang tao?

46 DO_Q2_ESP10_MODYUL2_ARALIN 8
Rubriks para sa Pagpapaliwanag ng Isaisip (Graphic Organizer)
Kraytirya 10 puntos 5 puntos 3 puntos
Paghinuha ng Nahinuha ang Nahinuha ang Nahinuha ang
nilalaman konsepto nang konsepto nang konsepto sa
hindi ginagabayan may kaunting paggabay ng
ng guro. gabay ng guro. guro sa
kabuuan nito.
Pagpapaliwanag ng Malinaw na May ilang Maraming
Graphic Organizer naipaliwanag ang konsepto ang konsepto ang
lahat ng hindi naging hindi
mahahalagang malinaw. naipaliwanag.
konsepto.
Paggamit ng mga Nalikha ng sariling Nakalikha ng Nakalikha ng
Graphic odganizer graphic organizer sariling graphic sariling graphic
na ginagamit upang organizer ngunit organizer ngunit
maibigay ang hindi malinaw na hindi buo ang
konsepto ng aralin. naibigay ang konsepto na
konseptong ginamit.
ginamit.

Panuto:
1. Mag-isip ng isang sitwasyon sa iyong buhay noong nakaraang buwan na kung
saan nagpapakita ng iyong kilos. Isulat ito sa loob ng bilohaba. Gawin ito sa
iyong kwaderno.
2. Kulayan mo ng pula ang iyong layunin, asul sa paraan, at dilaw ang
sirkumstansiya ng iyong pasya o kilos sa sitwasyon.

47 DO_Q2_ESP10_MODYUL2_ARALIN 8
Mga Tanong:
1. Ano ang reyalisasyon matapos mong gawin ang gawain?
2. Paano nakatutulong sa iyo ang pagsusuri ng kilos bago ito isagawa?

A. Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang titik ng pinakaangkop
na sagot at isulat ang sagot sa inyong kuwaderno.

1. Ang sumusunod na pangungusap ay nagsasaad ng kahulugan ng


kahihinatnan ng kilos maliban sa _______________.
A. Ang lahat ng ginagawang kilos ng tao ay may dahilan, batayan, at kaakibat
na pananagutan.
B. Ang kilos ay dapat makita sa layunin ng taong nagsasagawa nito.
C. Ang bawat kilos ay dapat pag-isipan bago ito isagawa.
D. Ang kilos ay kailangan ng sapat na pagpaplano upang makita ang mga
bagay na dapat isaalang-alang.

2. Si Gene ay isang espesyalistang doktor sa puso. Siya ay maingat sa pagbibigay


kung anong gamot ang nararapat sa pasyente dahil alam niya bilang doktor
na hindi lahat ng gamot na kanyang ibinibigay ay may magandang idudulot
sa mga pasyenteng iinom nito. Alin sa mga salik na nag-uugnay sa makataong
kilos ang ipinakita ni Gene?
A. Layunin B. Kilos C. Sirkumstansiya D. Kahihinatnan
3. Ito ay tinatawag na panlabas na kilos na kasangkapan o paraan upang
makamit ang layunin.
A. Layunin B. Kilos C. Sirkumstansiya D. Kahihinatnan

4. Mayroon kang mahabang pagsusulit ngunit hindi ka nakapag-aral dahil


ginabi ka nang umuwi galing sa kaarawan ng iyong kaibigan. Nakikita mo ang
sagot mula sa iyong katabi. Tama ba o mali na kopyahin mo ito?
A. Tama, dahil hindi ko naman hiningi ang sagot, kusa ko naman itong
nakita.
B. Mali, dahil hindi ko dapat kopyahin nang walang paalam sa kaniya.
C. Tama, dahil ang aking layunin ay makapasa sa pagsusulit.
D. Mali, dahil kung ano lamang ang nalalaman ko ang dapat kong isulat na
sagot sa pagsusulit.
5. Ang mga ito ay batayan sa paghusga kung ang kilos ay moral o hindi. Alin sa
mga sumusunod ang tamang pagkakasunod- sunod nito?

I.Layunin II. Paraan III. Kahihinatnan IV. Sirkumstansya


A. I, II, IV, III C. I, III, II, IV
B. II, I, III, IV D. I, II, III, IV

48 DO_Q2_ESP10_MODYUL2_ARALIN 8
B. Isulat ang Tama kung wasto ang tinutukoy sa pangungusap, isulat
naman ang Mali kung ito ay hindi wasto. Isulat ang iyong sagot sa papel.
1. Ang sirkumsiyang Ano ang tumutukoy sa mismong kilos, gaano ito kabigat.
2. Ang sirkumsiyang Sino ang tumutukoy sa paraan kung paano ginawa ang
kilos.
3. Ang sirkumsiyang Kahihitnan ay tumukukoy sa lugar na kung saan ginawa
ang kilos.
4. Ang sirkumsiyang Kailan ay tumutukoy sa kailan isinagawa ang kilos.
5. Ang sirkumsiyang Paano ay tumutukoy sa paraan kung paano isinagawa ang
kilos.
C. Sagutin ang Tanong. (5 puntos)
Saan dapat nakabatay ang kilos upang ito ay maging mabuti? (5puntos)
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na gawain:


1. Mag-isip ng isang sitwasyon mula sa iyong karanasan na may suliranin
(dilemma).
2. Tayahin ang kabutihan o kasamaan nito batay sa layunin, paraan,
sirkumstansya at kahihinatnan nito.
3. Ipakita at ipabasa ito sa iyong magulang. Anyayahan sila na magbigay ng
komento o payo sa iyong ginawa.
4. Palagyan ito sa kanila ng lagda bilang katibayan na kanilang nabasa ang iyong
ginawa.

49 DO_Q2_ESP10_MODYUL2_ARALIN 8
DO_Q2_ESP10_MODYUL2_ARALIN 8 50
Subukin
A.
Tayahin 1. B
A. 2. C
1. C 3. D
2. D 4. B
3. B 5.B
4. D 6. D
5.A 7. C
B. 8. D
1. Tama 9. C
2. Mali 10. B
3. Mali
4. Tama B.
5. Tama 1. B
2. A
3. D
4. C
5. A
Aklat

Mary Jean B. Brizuela, Patricia Jane S. Arnedo, Goeffrey A. Guevara, Earl P.


Valdez, Suzanne M. Rivera, Elsie G. Celeste, Rolando V. Balona Jr., Benedick
Daniel O. Yumul, Glenda N. Rito, at Sheryll T. Gayola (2015). Edukasyon sa
Pagpapakatao 10 Modyul para sa Mag – aaral Unang Edisyon
(2015).Philippines:FEP Printing Corporation

51 DO_Q2_ESP10_MODYUL2_ARALIN 8
For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education – SDO Valenzuela

Office Address: Pio Valenzuela Street, Marulas, Valenzuela City

Telefax: (02) 8292-4340

Email Address: sdovalenzuela@deped.gov.ph

52 DO_Q2_ESP10_MODYUL2_ARALIN 8

You might also like