You are on page 1of 39

7

Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan
Modyul 2

DO_Q2_AP7_ARALIN 1-8 i
Araling Panlipunan – Ikapitong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Una-Ikawalong Aralin
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna
ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak
o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng
karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang
pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda
ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng
pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan
nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Abalos, Mary Jhindy P. – Justice Eliezer R. Delos Santos NHS, Morala, Mary
Cris V. – Mapulang Lupa NHS, Abalos, Josephine P., Abreu, Florinda D,
Bello, Melinda M., Pangyarihan, Anna Lyn C., Pascua, Mary Grace F.,
Santosidad, Jocyl S., Palattao, Ferdinand L. – Maysan NHS, San Diego,
Myleen O. – Gen. T. De Leon NHS, Santos, Ernalin G. – Sitero Francisco
Memorial NHS
Tagasuri ng Nilalaman: Abalos, Mary Jhindy P., San Diego, Myleen O.
Tagasuri ng Wika: Morala, Mary Cris V., Santos, Ernalin G., Lim Jr., Crisanto D.
Bagbaguin NHS, Zuleta, Dimpol R.
Reviewer: Auro, Lolita F. – Justice Eliezer Delos Santos NHS, Jose, Janis A. – Mapulang
Lupa NHS, Martin, Jesusita J. – Maysan NHS
Tagaguhit:
Tagalapat: Abreu, Florinda D., Pangyarihan, Anna Lyn C., Apalla, Marianne Angeles G.
Management Team:
MELITON P. ZURBANO, Assistant Schools Division Superintendent (OIC-SDS)
FILMORE R. CABALLERO, CID Chief
JEAN A. TROPEL, Division EPS In-Charge of LRMS
LEILANIE M. MENDOZA, EPS Araling Panlipunan

Printed in the Philippines by ________________________

Department of Education – National Capital Region – SDO VALENZUELA


LEILANIE M.Pio
Office Address: MENDOZA, Ph.
Valenzuela – EPS –Valenzuela
St.,D.Marulas, Araling Panlipunan
City
Telefax: (02) 292 – 3247
E-mail Address: sdovalenzuela@deped.gov.ph

ii
Kumusta ka? Ngayon ay sisimulan mo na ang iyong pag-aaral tungkol sa konsepto
at katangian ng kabihasnan. Marahil ay handa ka na para sa pagtupad at
pagsasagawa ng mga gawain. Kaya halina…

PANIMULA

Bago ang ika-16 na siglo, ang sentro ng kaganapan sa daigdig ay ang Asya.
Tatlo sa unang apat na sinaunang kabihasnan ay umusbong sa Asya. Nais mo bang
malaman ang pagsibol at pag-unlad ng sinaunang kabihasnan sa Asya?

Sa modyul na ito, iyong matutuklasan ang konsepto at mga katangian ng


kabihasnan at kung paano ito sumibol, umunlad at nagpatuloy sa kasalukuyang
panahon. Lilinangin ang dating mga kaalaman at pang-unawa. Magsasagawa ng
mga kasanayan para sa pagtuklas ng mga kaalaman na may kaugnayan sa pag-
usbong ng kabihasnan sa Asya.

Pamantayan sa Pagkatuto: Natatalakay ang konsepto ng kabihasnan at mga


katangian nito.

PANIMULANG PAGTATAYA
Panuto: Basahin at unawain ang mga katanungan. Isulat sa sagutang papel ang
letra ng tamang sagot.

1. Alin sa sumusunod ang sumasaklaw sa kahulugan ng kabihasnan?


a. Pamumuhay na nakagawian at pinauunlad nang maraming pangkat
ng tao
b. Mataas na uri ng panirahan sa malalawak na lupain
c. Paninirahan sa malalapit at mauunlad na pamayanan
d. Pamumuhay na tumutugon sa pangangailangan ng mamamayan

2. Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa batayang salik sa pagkakaroon ng


kabihasnan?
a. Organisado at sentralisadong pamahalaan, relihiyon, gawaing pang-
ekonomiya at uring panlipunan, mataas na antas ng kaalaman sa
teknolohiya, sining at arkitektura at sistema ng pagsusulat
b. Sinaunang pamumuhay, relihiyon, pamahalaan, mga batas at
pagsusulat
c. Pamahalaan, relihiyon, kultura, tradisyon, populasyon at estado
d. Pamahalaan, relihiyon, sining, arkitektura at pagsusulat

1
Para sa aytem 3-5, suriin kung anong katangian ng kabihasnan ang tumutukoy
sa sumusunod na mga pahayag. Isulat ang letra ng tamang sagot: A-Organisado
at Sentralisadong Pamahalaan; B-Relihiyon; C-Gawaing Pang-ekonomiya at
Uring Panlipunan; D-Sining at Arkitektura; E-Teknolohiya; at F-Sistema ng
Pagsulat.
3. Paniniwala sa maraming diyos
4. Pagsasaka at pangingisda
5. Pamumuno ng mga pari at hari

Unang Konsepto at Katangian ng


Linggo Kabihasnan

Halina’t Tuklasin
Tunghayan ang kasunod na ilustrasyon. Mababasa mo ang salitang
Kabihasnan at Sibilisasyon mula sa speech balloon.
Ibigay ang iyong ideya o kaalaman tungkol sa mga salitang nabanggit at isulat sa
bawat banner ang mga salita na bubuo sa kahulugan nito.

Kabihasnan at
Sibilisasyon

2
Matapos kang makapagbigay ng mga ideya o mga salita na may kinalaman sa
kabihasnan at sibilisasyon ay subukan mong pag-ugnay-ugnayin ang mga nasabing
salita upang makabuo ka ng kaisipan na kakatawan sa magiging kahulugan ng
kabihasnan at sibilisasyon. Buoin mo ang pangungusap katulad ng nasa ibaba.

Ang kabihasnan at sibilisasyon ay…

Basa-Suri-Unawa

Basahin, suriin at unawain mo ang nilalaman ng teksto tungkol sa


kabihasnan at sibilisasyon. Pagkatapos mong basahin ay sagutin ang mga
pamprosesong tanong at ang susunod na gawain na may kinalaman sa pag-usbong
ng sinaunang kabihasnan.

3
Sinasabing ang kabihasnan ay masalimuot na pamumuhay sa lungsod at
kadalasang kasingkahulugan ng salitang sibilisasyon. Kapag ang isang tao ay
nagkaroon ng kasanayan sa isang bagay masasabi nating nagiging bihasa siya o
nagiging magaling. Katulad ng nangyari sa mga sinaunang Asyano, nanirahan sila
sa mga lambak at ilog. Nalinang nila ang pamumuhay tulad ng pangingisda at
pagsasaka dahil sa kapaligiran na kanilang permanenteng tirahan. Kinasanayan
na nila ang pangingisda at pagsasaka at ito ang nagsilbing pang- araw-araw nilang
hanapbuhay. Dahil dito nabuo ang konsepto ng kabihasnan na pamumuhay na
nakasanayan o nakagawian.

Ang sibilisasyon naman ay tumutugon sa pamumuhay ng mga lipunang


umusbong sa mga lambak at ilog tulad ng Sumer, Indus at Shang. Subalit hindi
tahasang sinasabi na kapag namuhay ka sa lungsod ay sibilisado ka na o kung
namuhay ka sa hindi lungsod ay hindi ka na sibilisado. Ang pagkakaroon ng
sibilisasyon ay batay sa pagharap sa hamon ng kapaligiran kung paano mo ito
matutugunan. Umiiral ang kabihasnan at sibilisasyon kapag ang tao ay natutong
humarap sa hamon ng kapaligiran at sa pagkakaroon ng kakayahan na baguhin
ang kaniyang pamumuhay gamit ang lakas at talino nito. Ito ang magpapaunlad
sa kaniyang pagkatao.

May mga batayang salik sa pagkakaroon ng kabihasnan. Ito ay ang


pagkakaroon ng organisado at sentralisadong pamahalaan, masalimuot na
relihiyon, espesyalisasyon sa gawaing pang-ekonomiya at uring panlipunan,
mataas na antas ng kaalaman sa teknolohiya, sining at arkitektura at sistema
ng pagsusulat. Kung susuriin, ang Sumer, Indus at Shang ay mga lungsod na
nagkaroon ng kakayahan na mapaunlad ang kanilang pamumuhay. Lumaki ang
kanilang populasyon na luminang sa lupain na agrikultural na pagkalaon ay
pagsasaka ang naging pangunahing hanapbuhay at nakaimbento ng mga
kagamitan sa pagsasaka. Bawat lungsod ay pinamunuan ng mga pari at ang iba
naman ay napalitan ng mga hari. Nagkaroon ng paniniwala sa maraming diyos
na tinawag na Politeismo.

Nakapagtayo ng mga templo, nakaimbento ng mga kagamitang yari sa


metal na nagamit sa kalakalan. Bunga ito ng angking kakayahan ng mga
artisano. At ang huli ay ang pagka-imbento ng sistema ng pagsulat.

https://rmhalife.wordpress.com/2018/10/15/araling-panlipunan-2nd-grading/

4
Pamprosesong mga Tanong:
1. Ano-ano ang mga bagay na makapagpapatunay na nagkaroon ng
kabihasnan ang sinaunang Asyano?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
2. Ano-ano ang mga batayang salik sa pagkakaroon ng kabihasnan?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
3. Naging sapat ba ang kakayahan ng mga sinaunang Asyano upang
mapaunlad ang kanilang kabihasnan? Ipaliwanag ang iyong sagot.
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

Venn Diagram
Matapos mong malaman ang tungkol sa Kabihasnan at Sibilisasyon ay
paghambingin mo ang dalawa sa pamamagitan ng Venn Diagram.

Sa bilang na 1 at 2 – ibigay ang katangian ng Kabihasnan at Sibilisasyon


Sa bilang na 3 – ibigay ang pagkakatulad ng dalawa

5
Slogan Making
Panuto: Gumawa ng islogan tungkol sa mga batayang salik sa pag-usbong ng
kabihasnan.

Tayahin
PANGWAKAS NA PAGTATAYA
Panuto: Basahin at unawain ang mga katanungan. Isulat ang letra ng tamang sagot
sa sagutang papel.

1. Alin sa sumusunod ang sumasaklaw sa kahulugan ng kabihasnan?


a. Mataas na uri ng panirahan sa malalawak na lupain
b. Paninirahan sa malalapit at mauunlad na pamayanan
c. Pamumuhay na tumutugon sa pangangailangan ng mamamayan
d. Pamumuhay na nakagawian at pinauunlad nang maraming pangkat
ng tao

2. Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa batayang salik sa pagkakaroon ng


kabihasnan?
a. Organisado at sentralisadong pamahalaan, relihiyon, gawaing pang-
ekonomiya at uring panlipunan, mataas na antas ng kaalaman sa
teknolohiya, sining at arkitektura at sistema ng pagsusulat
b. Sinaunang pamumuhay, relihiyon, pamahalaan, mga batas at
pagsusulat
c. Pamahalaan, relihiyon, kultura, tradisyon, populasyon at estado
d. Pamahalaan, relihiyon, sining, arkitektura at pagsusulat

Para sa aytem 3-5, suriin kung anong katangian ng kabihasnan ang tumutukoy
sa sumusunod na mga pahayag. Isulat ang letra ng tamang sagot: A-Organisado
at Sentralisadong Pamahalaan; B-Relihiyon; C-Gawaing Pang-ekonomiya at

6
Uring Panlipunan; D-Sining at Arkitektura; E-Teknolohiya; at F-Sistema ng
Pagsulat.

3. Pagpapatayo ng mga templo


4. Pagtatala ng mga kaganapan sa lipunan
5. Pagkakaimbento ng mga kagamitang yari sa metal

Ang kabihasnan ay nakatutulong sa pagkakakilanlan ng isang nasyon. Marahil ay


maraming tanong sa iyong isipan tungkol dito at sa mga pangyayaring naganap nang
sumibol ang kabihasnan sa Asya. Paano nga ba nabuo ang sinaunang kabihasnan
sa Asya?
Makatutulong ang modyul na ito upang lumawak ang iyong kaalaman ukol
sa kabuhayan, mga kagamitan at pamumuhay ng mga tao sa mga sinaunang
kabihasnang nabuo. Matututuhan mo rin ang mga katangian ng kabihasnang
Sumer, Indus at Tsina, maging ang mga kontribusyon ng mga ito.

Pamantayan sa Pagkatuto: Napaghahambing ang mga sinaunang kabihasnan sa


Asya (Sumer, Indus, Tsina)

Subukin mo ang iyong kakayahan sa pagsagot sa paunang pagsusulit na


siyang magtatakda kung ano ang iyong nalalaman tungkol sa aralin. Basahing
mabuti at unawain ang bawat pahayag. Isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang
papel.

_____1. Dito nagsimula ang mga sinaunang kabihasnan sa Asya.


A. kabundukan B. kapatagan C. karagatan D. lambak-ilog
_____2. Sa kambal-ilog na ito umusbong ang pinakaunang kabihasnan sa daigdig.
A. Tigris at Euphrates C. Huang Ho at Yangtze
B. Indus at Ganges D. Amur at Ob
_____3. Ano ang tawag sa templong dambana na itinayo ng mga Sumerian at kinilala
nila bilang dambana ng kanilang mga diyos at diyosa?
A. Taj Mahal C. Great Wall of China
B. Ziggurat D. Hanging Garden
_____4. Bakit walang gaanong naisulat patungkol sa Kabihasnang Indus?
A. Dahil walang marunong magsulat sa kanila.
B. Dahil wala pang natatagpuan na artifacts mula sa naturang kabihasnan.
C. Dahil hindi lubusang maipaliwanag ang kahulugan ng mga simbolo ng
pagsulat ng mga Indus na tinatawag na pictogram.
D. Dahil natabunan ang lahat ng kasulatan tungkol sa kanila noong
nagkaroon ng pagguho ng lupa dahil sa lindol.
_____5. Bakit tinawag na yellow river ang Ilog Huang Ho?
A. Dahil sa dilaw na banlik na nagsisilbing pataba sa lupa.

7
B. Dahil sa kulay dilaw ang tubig na umaagos dito.
C. Dahil sa mga mineral na nasa katubigan nito.
D. Dahil sa mga halaman na nakapaligid dito.

Ikalawa-
Ikatlong Kabihasnang Sumer, Indus at Tsina
Linggo

Larawan-Suri

Suriin ang mga larawan sa ibaba. Pagkatapos ay sagutin ang mga sumusunod
na katanungan.

https://cdn.britannica.com/00/1 https://caramereuheaven.files.wor https://4.bp.blogspot.com/-


84700-050-0D85D81A/Tigris- dpress.com/2012/10/indus- nrWqjiiUXpM/UIp3u5omdxI/AAAAAAA
River-Ashur-Iraq.jpg river1.png?w=584 AAJM/ekla9tW8oHU/s1600/Yellow+Riv
er+o+Huang+Ho.jpg
Ilog Tigris at
Euphrates Ilog Indus Ilog Huang Ho
Pamprosesong tanong:

1. Ano ang ipinapakita sa bawat larawan?


___________________________________________________________________________
Bakit kaya dito nagsimula ang mga sinaunang kabihasnan sa Asya?
___________________________________________________________________________
2. Ano-ano ang mga nakatulong upang mabuo ang kabihasnan?
___________________________________________________________________________

Sa mga lambak-ilog nagsimula ang mga sinaunang kabihasnan sa Asya. Ang


ganitong uri ng lupain ay angkop sa pagsasaka upang ang mga sinaunang Asyano
ay makapagtanim at makapagtayo ng permanenteng panirahan. Sa mga ilog na ito
hinarap ng mga sinaunang tao ang hamon ng kalikasan upang mabuhay. Nalinang
din ang mga kasanayan sa iba’t ibang larangan na nagpaunlad sa kanilang
pamumuhay.

8
Ang Kabihasnang Sumer
Ang Mesopotamia ang kinilala bilang "cradle of civilization" dahil dito
umusbong ang unang sibilisadong lipunan ng tao. Matatagpuan ito sa Gitnang
Silangan na tinawag na Fertile Crescent (Iraq), isang arko ng matabang lupa. Sa
lugar na ito matatagpuan ang Ilog ng Tigris at Euphrates kung saan umusbong
ang kabihasnan. Ang mga mahahalagang lungsod ng Sumer ay ang Ur, Uruk,
Eridu, Lagash, Nippur at Kish.

https://www.thoughtco.com/thmb/UlvIqo0xTbghoCwo6A-
MofeYIAo=/3500x2299/filters:no_upscale():max_bytes(150000):strip_icc()/map_of_mesopotamia-
d2d7dc5ab7dd4e7f8cc7ed183642e5ce.jpg

Pinakamahalagang gusali na itinayo ay ang tinatawag na Ziggurat, na


nagsisilbing panirahan ng kanilang mga diyos, ito ay bilang pagbibigay
karangalan sa mga ito.

https://www.crystalinks.com/ziggurat_ur.jpg

Nagkaroon sila ng sistema ng pagsulat na tinawag na cuneiform, ng mga


scribe na tagatala o tagasulat ng mga pangyayari sa pamamagitan ng pag-ukit
sa mga clay tablet na naging basehan ng mga historyador ng eksaktong petsa
kung kailan naganap ang isang pangyayari. Sa pag-unlad na ito sa sining natala
ang mga mito, mahahalagang tradisyon, epiko na naging katibayan ng kanilang
kabihasnan. Isang patunay nito ang Epiko ng Gilgamesh. Unang natutong
gumamit ng gulong at ginamit ito para sa mga pangangailangang-militar tulad ng
chariot.

Clay tablet

Cuneiform

9
Chariot
https://www.ancient.eu/img/r/p/500x600/2474.jpg?v=1598884204

Subalit sa kabila ng kanilang kaunlaran na ito, hindi naiwasan na may


mga grupo na nainggit sa natamo nilang pag-unlad dahilan upang sakupin ang
kanilang lupain na nakapagpabagsak sa kanilang kabihasnan.

Ang Kabihasnang Indus

Sa Timog Asya makikita ang lambak-ilog ng Indus at Ganges. Tulad din


ng Ilog Tigris at Euphrates ay umaapaw din ito taon-taon dahil sa pagkatunaw
ng yelo sa Himalayas na nag-iiwan din ng banlik na nagpapataba sa lupaing
agrikultural nito. Ang kanilang kabihasnan ay masasabing maunlad. Masasabing
sedentaryo at agrikultural ang pamumuhay ng tao dito batay sa mga nahukay na
ebidensya. May dalawang importanteng lungsod ang umusbong dito, ang
Harappa at Mohenjo-Daro.
Harappa at Mohenjo Daro

https://www.india.com/travel/articles/harap https://en.wikipedia.org/wiki/Mohenjo-
pa-and-mohenjo-daro-amazing-story-of-the- daro#/media/File:Mohenjodaro_-
two-greatest-cities-of-the-ancient-world- _view_of_the_stupa_mound.JPG
3233733/

Pinalagay na ang mga Dravidian ang bumuo ng kabihasnang Indus. Salat


sa likas na yaman ang Indus tulad ng metal at kahoy kaya't pagsasaka ang naging
pangunahing gawain dito. Dahil sa istruktura ng bahay dito na may isa o higit
pang banyo o palikuran na konektado sa sentralisadong sistema ng tubo at
imburnal sa ilalim ng lupa ay masasabing planado at organisado at sentralisado
ang pamahalaan ng mga Dravidian.

May mga artifact din na nahukay, mga laruan na nagpahiwatig na mahilig


maglibang at maglaro ang mga Dravidian. Hindi naging malinaw ang paglaho ng
Kabihasnang Indus dahil walang bakas ng digmaan. Hindi rin malinaw kung may
kinalaman ang Aryan sa paglaho nito. Ipinalagay na maaaring may matinding
kalamidad na nangyari dito.

10
Ang Kabihasnang Tsina (Shang)

Naging tagpuan ng Kabihasnang Shang ang Ilog Huang Ho na tinawag ding


Yellow River dahil pagkatapos ng pagbaha ang tubig nito ay nag-iiwan ng loess o
dilaw na lupa na nagsisilbing pataba sa lupaing agrikultural na malapit dito. Ang
taunang pagbaha sa ilog na ito ay kumikitil ng maraming buhay kung kaya’t ang
mga tao ay nagtatanim ng mga halaman na kokontrol sa tubig pati na ang
paglalagay ng mga dike. Pagtatanim ang pangunahing gawain sa panahong ito.
Ang Longshan ay naging transisyon tungo sa Kabihasnang Shang. May mga
hinalang naunang dinastiya na natatag dito ang Xia o Hsia subalit wala itong
basehan o ebidensyang arkeolohikal.

https://encryptedtbn0.gstatic.com/images?q=tbn%3AANd9GcR59eExZl8yZrUhS8AoKgQExBjSa0dOYCvcEw&
usqp=CAU

Calligraphy ang sistema ng kanilang pagsulat. Ginamit na simbolo ng


pagsulat ang mga oracle bones. Ipinalagay ng mga Tsino na ang kanilang
kabihasnang umusbong sa Huang Ho ang isa sa mga sinaunang kabihasnan at
pinakamatandang nabubuhay na kabihasnan sa daigdig. Ang pananaw nilang
ito ay nagpatuloy tungo sa pagtatatag ng mga imperyo.

https://en.wikipedia.org/wiki/Oracle_ https://www.shine.cn/feature/art-
bone_script culture/2103085603/

Oracle Bone Calligraphy

11
Tukuyin ang sumusunod na paglalarawan kung ito ay kabilang sa
Kabihasnang Sumer, Indus at Tsina. Lagyan ng tsek (√) ang tamang hanay na
kinabibilangan nito.

SUMER INDUS TSINA


1. Nagtayo sila ng Ziggurat bilang pagbibigay
karangalan sa kanilang mga Diyos na nagsisilbing
panirahan nito.
2. Calligraphy ang sistema ng kanilang pagsulat.
3. Ang mga bahay ay karaniwang yari sa bato at
binubuo ng dalawa o tatlong palapag.
4. Ang mga scribe na tagatala o tagasulat ng mga
pangyayari ay sumusulat sa pamamagitan ng pag-
ukit sa mga clay tablet.
5. Kabihasnan na umusbong sa lambak ng Ilog
Huang Ho batay sa mga nahukay na labi at
kagamitang malapit sa ilog.

Paghambingin natin

Punan ng tamang kasagutan ang talahanayan sa ibaba.

Ano ang Bakit Paano ito


Sinaunang Lugar na Katangian kanilang mga mahalaga ginagamit
Kabihasnan Pinagmulan Ambag/ ang ambag/ sa
sa Asya Kontribusyon? kontribusyon makabagong
na ito? panahon?

1. Sumer

2. Indus

12
3. Shang

Tayahin

Panuto: Basahin nang mabuti ang sumusunod na katanungan. Isulat ang letra ng
tamang sagot sa sagutang papel.
_____1. Sa kambal-ilog na ito umusbong ang pinakaunang kabihasnan sa daigdig.
A. Tigris at Euphrates C. Huang Ho at Yangtze
B. Indus at Ganges D. Amur at Ob
_____2. Dito nagsimula ang mga sinaunang kabihasnan sa Asya.
A. kabundukan B. kapatagan C. karagatan D. lambak-ilog
_____3. Bakit tinawag na yellow river ang Ilog Huang Ho?
A. Dahil sa dilaw na banlik na nagsisilbing pataba sa lupa.
B. Dahil sa kulay dilaw ang tubig na umaagos dito.
C. Dahil sa mga mineral na nasa katubigan nito.
D. Dahil sa mga halaman na nakapaligid dito.
_____4. Ano ang tawag sa templong dambana na itinayo ng mga Sumerian at kinilala
nila bilang dambana ng kanilang mga diyos at diyosa?
A. Taj Mahal C. Great Wall of China
B. Ziggurat D. Hanging Garden
_____5. Bakit walang gaanong naisulat patungkol sa Kabihasnang Indus?
A. Dahil walang marunong magsulat sa kanila.
B. Dahil wala pang natatagpuan na artifacts mula sa naturang kabihasnan.
C. Dahil hindi lubusang maipaliwanag ang kahulugan ng mga simbolo ng
pagsulat ng mga Indus na tinatawag na pictogram.
D. Dahil natabunan ang lahat ng kasulatan tungkol sa kanila noong
nagkaroon ng pagguho ng lupa dahil sa lindol.

PANIMULA

Ang mga paniniwala ng mga Asyano, mapa-relihiyon man o pamumuno, ang


nagtulak sa kanila sa pagpapalawig ng kanilang kabihasnan. Ayon sa mga Tsino,
Barbaro ang mga tao sa labas ng kanilang teritoryo. Sa sinaunang Japan, sinasamba
ng mga Hapones ang kanilang Emperador. Sa sinaunang India, itinuturing ng mga
tao na “Hari ng Daigdig” ang kanilang hari. Saan galing ang mga kaisipang ito? Ano
ang pinagbatayan ng mga kaisipang ito?

Sa modyul na ito, iyong matutuklasan ang mga Kaisipang Asyano na gumabay


sa mga sinaunang kabihasnan sa Asya.

13
Pamantayan sa Pagkatuto: Natataya ang impluwensiya ng mga kaisipang Asyano
kalagayang Panlipunan at Kultura sa Asya.

PANIMULANG PAGTATAYA
Panuto: Piliin sa Hanay B ang tinutukoy sa Hanay A. Isulat ang letra ng tamang
sagot sa patlang.

HANAY A HANAY B
______ 1. Deva a. Sinaunang relihiyon ng

Timog-Silangang Asya

______ 2. Sinocentrism b. Anak ng Diyos ng Kalangitan ng Korea

______ 3. Confucius c. Tanyag na pilosopo ng Tsina

______ 4. Hwanin d. Nangangahulugang “Diyos”

______ 5. Paganismo e. Pananaw ng mga Tsino na sila ay

superyor sa lahat ng tao

Ika-apat
Mga Kaisipang Asyano na Gumabay
na
sa Sinaunang Kabihasnan
Linggo

WRIGGLE WORDS

Buoin ang mga salitang makikita sa loob ng kahon. Ang mga salitang
mabubuo ay tungkol sa mga bagay at isipang pinagbatayan sa pagkilala sa
Sinaunang Kabihasnan.

AAAEDVRJ GGOOUZHN OMSIDUB

_____________ ____________ ___________

14
MATERASUA KACARRAVNI
A T

_____________ ______________

Ang pundasyon ng pagkabuo ng mga sinaunang kabihasnan o imperyo ay ang


mga Asyanong kaisipan na uminog sa relihiyon at uri ng pamumuno. Ito rin ang
naging pundasyon sa paghubog ng iba’t ibang tradisyon, paniniwala, batas at mga
kaugalian. Ano-anong mga bagay at kaisipang Asyano kaya ang naging pundasyon
ng sinaunang kabihasnan?

MGA KAISIPANG ASYANO SA SILANGANG ASYA

ANG CHINA BILANG GITNANG KAHARIAN

• Ipinagmamalaki ng mga Tsino ang kanilang nasyon sapagkat ang kabihasnan


nilang umusbong sa Huang Ho ay isa sa mga sinauna at pinakamatandang
nabubuhay na kabihasnan sa daigdig.
• Ang sinaunang kabihasnang Tsino ay ayon o hango sa mga turo ng tanyag na
pilosopo na si Confucius.
• Ang mataas na pagtingin ng mga Tsino sa kanilang sarili ay bunga ng ‘di
matatawarang ambag sa larangan ng pilosopiya, kaisipan at imbensyon.

Zhongguo (Middle Kingdom o Gitnang Kaharian)

• Naniniwala ang mga Tsino na ang kanilang imperyo ang sentro ng daigdig at
kaganapan.
• Ang katagang Sino ay ginagamit upang tukuyin ang mga Tsino, kung kaya’t
ang kanilang pananaw na sila ay superyor sa lahat ay
tinaguriang Sinocentrism.
• Ang emperador ng mga Tsino ay Anak ng Langit (Son of Heaven) na
namumuno dahil sa kapahintulutan o Basbas ng Langit (Mandate of Heaven)
na may taglay na virtue (birtud o kabutihan).
Kowtow - ang pagyuko sa emperador ng 3 beses kung saan ang noo ay humahalik
sa semento. Dapat din mag-alay ng Tributo (regalo) ang sinomang dayuhang
haharap sa Emperador.

15
https://www.chinasage.info/kowtow.htm

ANG BANAL NA PINAGMULAN NG KOREA AT JAPAN

• Sa Korea, naniniwala sila na nagmula kay Hwanin (ANAK NG DIYOS NG


KALANGITAN) ang kanilang pinuno.
• Sa Japan, sagrado ang kanilang Emperador na nagsimula kay AMATERASU,
ang Diyos ng Araw. Ito ay paniniwala sa banal na pinagmulan o Divine
Origin.

https://www.ancientpages.com/2019/01/25/amaterasu-shinto-goddess-of-the-sun-and-priestess-
queen-sister-to-controversial-susanoo-god-of-storms/
https://unsplash.com/photos/wfY8RiVhq2U

MGA KAISIPANG ASYANO SA TIMOG ASYA


Ayon sa Alamat, Si Manu ang itinuturing na unang hari ng India. Devaraja
kung siya ay ituring. Ang ibig sabihin ng salitang Deva ay Diyos at ang Raja ay Hari.
Itinuturing na mataas at walang kapantay. Ang relihiyong Budismo at Hinduismo
ay naniniwalang ang Bundok Meru ay tahanan ng Diyos. Ang hari ay kinikilalang
Cakravartin o Hari ng Daigdig. Inaasahan na ang mga tao ay maging tapat sa hari,
kaya naman dapat siyang mamuno nang makatwiran at mapagkalinga. Tungkulin
niya rin ang mamuno sa mga ritwal para sa Diyos.

16
MGA KAISIPANG ASYANO SA TIMOG-SILANGANG ASYA

Sa Timog Silangang Asya noong unang siglo, pinaniniwalaang paganismo ang


relihiyon gaya sa Pilipinas, kung saan umaayon sila sa kapaligiran. Ang pagpili ng
mamumuno ay naaayon dapat sa katapangan, kagalingan at katalinuhan.
Nakarating din dito ang relihiyong Budismo at Hinduismo. Kagaya ng Imperyong
Khmer sa Cambodia, naniniwala sila na pinangangalagaan ni Shiva (Diyos) ang mga
Haring Khmer. Sa Vietnam, ang mga hari ay kinatawan at imahe ng Diyos sa
kalupaan.

Shiva
https://mythus.fandom.com/wiki/%C5%9Aiva

Radial Venn Lagyan ng tamang impormasyon ang bawat konsepto na nasa loob ng
Radial Venn.

SINOCENTRISM

CAKRAVARTIN DIVINE ORIGIN

MGA KAISIPANG ASYANO


MANDATE OF HEAVEN
PAGANISMO

SON OF HEAVEN

17
Sumulat ng isang maikling sanaysay tungkol sa kahalagahan ng
mga Kaisipang Asyano bilang pundasyon ng mga Sinaunang Kabihasnan sa Asya.

Tayahin

PANGWAKAS NA PAGTATAYA

Panuto: Piliin sa Hanay B ang tinutukoy sa Hanay A. Isulat ang letra ng tamang
sagot sa patlang.

HANAY A HANAY B
______ 1. Hwanin a. Sinaunang relihiyon ng

Timog-Silangang Asya

______ 2. Paganismo b. Anak ng Diyos ng Kalangitan ng Korea

______ 3. Sinocentrism c. Tanyag na Pilosopo ng Tsina

______ 4. Confucius d. Nangangahulugang “Diyos”

______ 5. Deva e. Pananaw ng mga Tsino na sila ay

superyor sa lahat ng tao

18
Maraming kaisipan at pananaw ang nagmula at lumaganap sa Asya. Malaki
ang impluwensiya ng mga kaisipang ito dahil ito ay nakakaapekto sa pamumuhay
ng mga tao sa aspetong politikal, panlipunan at paghubog sa sinaunang kabihasnan
sa Asya.
Sa araling ito, iyong malalaman ang mahahalagang aral at mga paniniwala ng
mga kaisipang Asyano.

Pamantayan sa Pagkatuto: Napahahalagahan ang mga kaisipang Asyano na


nagbigay-daan sa paghubog ng sinaunang kabihasnan sa Asya at sa pagbuo ng
pagkakakilanlang Asyano.

Data Retrieval Chart

Panuto: Ipaliwanag ang mga mahahalagang kaisipan o aral ng mga relihiyon o


pilosopiya.

Relihiyon/Pilosopiya/Kaisipan Mahalagang Aral o Konsepto

Buddhismo

Divine Origin

Hinduismo

Sinocentrismo

Confucianismo

19
Ikalimang Mga Kaisipang Pinagbatayan sa
Linggo Pagkilala sa Sinaunang Kabihasnan

Picture Analysis

Panuto: Tukuyin ang relihiyon sa Asya na makikita sa mga larawan. Isulat ang
inyong sagot sa ilalim ng bawat larawan. Pagkatapos, sagutin ang mga
katanungan. Gawin sa sagutang papel.

https://simbahan.net/2009/10/07/the-seculars-the-churches-they-built/
https://en.wikipedia.org/wiki/Holiest_sites_in_Sunni_Islam#/media/File:Kaaba

Pamprosesong Tanong:
1. Anong kaisipan ang pinagbatayan at nakaimpluwensya sa paghubog ng
sinaunang kabihasnan sa Tsina, Hapon at India?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
2. Aling turo o aral ng iyong relihiyon ang higit na nakakaapekto sa iyong
buhay? Bakit?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

20
Basa-Suri-Unawa
Panuto: Basahin, suriin at unawain mo ang nilalaman ng teksto tungkol sa mga
relihiyon o pilosopiya ng Asya. Pagkatapos mong basahin ay sagutin ang
mga susunod na gawain.
Mga Kaisipang Asyano sa Pagbuo ng Imperyo
Sinocentrism- paniniwala ng mga Tsino na ang China ang sentro ng daigdig.
Pinaniniwalaan din nila na ang kanilang kultura at kabihasnan ang natatangi sa
lahat. Dahil sa paniniwalang ito, para sa mga Tsino, ang iba pang lahi ay tinatawag
nilang barbaro.

Anak ng Langit- ito ang pagkilala ng mga Tsino sa kanilang emperador na


pinaniniwalang pinili siya ng langit upang pamunuan ang buong kapuluan.

Mandate of Heaven- pahintulot o basbas ng langit.

Divine Origin- paniniwalang banal ang kanilang mga pinuno. Si Izanagi at Izanami
ang pinaniniwalaang Diyos at Diyosa ng Hapon.

Amaterasu Omikami- kinikilalang Diyos ng mga Hapones.

Devaraja- kinikilala siya bilang pinakamataas at walang kapantay dahil hindi


lamang iisang diyos ang kaniyang taglay.

Mga Relihiyon sa Asya


Hinduismo- naniniwala sila sa mga diyos-diyosan na mula sa iba’t ibang likha ng
kalikasan. Ang Veda ay banal na kasulatan ng mga Hindu. Itinuturo ng Veda kung
paaano magkaroon ng mahaba at mabuting buhay ng tao.
Mga Paniniwala ng mga Hindu
• Sumasamba sa iba’t ibang uri at anyo ng Diyos na tinatawag na Polytheism.
• Reinkarnasyon- kung saan ang namatay na katawan ng tao ay isisilang muli sa
iba’t ibang anyo, paraan o nilalang.
• Karma- ang pagkakaroon ng gantimpala kung kabutihan ang ginawa sa kapwa
at pagdurusa naman kung hindi mabuti.

Polytheism
https://chinnajeeyar.org/is-hinduism-polytheism-monotheism/

21
Buddhism- ito ay nangangahulugang “Ang Naliwanagan”. Itinatag ni Siddharta
Gautama.
• Apat na Dakilang Katotohanan
1. Ang buhay at pagdurusa ay hindi mapaghihiwalay.
2. Pagnanasa ang sanhi ng pagdurusa.
3. Mawawala lamang ang pagdurusa kung aalisin ang pagnanasa.
4. Maaalis ang pagnanasa kung susunod sa walong landas at matatamo ang
tunay na kaligayahan o “Nirvana”.
• Walong Dakilang Landas o Daan
1. Tamang Pag-iisip 5. Tamang Pagsasalita
2. Tamang Aspirasyon 6. Tamang Pagkilos
3. Tamang Pananaw 7. Tamang Hanapbuhay
4. Tamang Intensiyon 8. Tamang Pagkaunawa

Siddharta Gautama
“Bhudda”

https://myhero.com/Buddha_dnhs_US_2010

Judaismo- isa sa pinakamatandang relihiyon sa daigdig. Ang paniniwala ng mga


Hudyo sa iisang Diyos (Monotheism) ay nagpapatunay na naging batayan ito ng
Kristiyanismo at Islam. Ang Torah na ibig sabihin ay batas at aral, ay naglalaman
ng limang aklat ni Moses.
Kristiyanismo- pinakamalaking bilang sa lahat ng mga relihiyon sa mundo batay
sa dami ng mga tagasunod at kasapi nito. Ito ay batay sa buhay at turo ni Kristo
Hesus. Ang Kristiyanismo ay mula sa relihiyong Judaismo. Mula sa lumang tipan
na kinapalooban ng mga aral ni Moses hanggang sa Bagong Tipan ng kanilang
Banal na Aklat o Bibliya. Si Kristo Hesus ay ang ipinangakong Mesiyas at
manunubos.

Kristo Hesus
https://twitter.com/jesus25th

22
Islam- relihiyon ng mga Muslim na sinasabing pangalawa sa pinakamalaking
relihiyon sa daigdig. Ito ay salitang Arabic na Salam na ang ibig sabihin ay
kapayapaan, pagsunod at pagsuko sa propetang Muhammad.

Limang Haligi ng Islam


1. Iman (Pananampalataya)
2. Salah (Pagdarasal)
3. Zakah (Pag-aabuloy)
4. Sawm (Pag-aayuno)
5. Hajj (Paglalakbay)

Muhammad
https://historyancientphilsophy.wordpress.com

Mga Pilosopiya sa Asya

Confucianism- itinatag ni Confucius. Ang mga turo niya ay makikita sa kaniyang


mga isinulat na libro na Four Books at Five Classics. Ang paniniwala niya ay ang
mabuting paraan ng pamumuhay ng isang tao ay magdadala ng kapayapaan. Ito ay
hindi itinuturing na relihiyon sapagkat hindi lahat ng elemento ng isang relihiyon ay
taglay ng Confucianism. Nakapokus sa paraan ng pamumuhay at ethical
teachings.

Confucius
https://www.britannica.com/topic/Confucianism

Taoism- itinatag ni Lao Tzu, isinulat niya ang Tao Te Ching, naglalaman ng mga
aral ng Taoismo. Lahat ng tao ay may pagkakapantay-pantay.

23
Mga Turo
• Lahat ng bagay ay iisa.
• Naniniwala sila na kapag gumawa ng masama, katumbas ay dapat gumawa
ng kabutihan.
• Ang buhay at kamatayan ay magkasama. Ito ay isang realidad.
• Mga birtud, pagpigil sa sarili, pagpasensiya at pagpapakumbaba.
• Ang Estado ay nararapat na primitibo, pasibo at mapayapa.

Lao Tzu
https://www.thefamouspeople.com/profiles/lao-tzu-226.php

Legalismo- nakabatay sa makabuluhan at malakas na puwersa na dala ng estado.


Naniniwala na dapat palawakin, patibayin at patatagin ang estado. Higit na
mahalaga ang istriktong batas ng pamahalaan at estado upang ang lahat ay kumilos
at gumawa nang mabuti at wasto. Ang sinomang lalabag sa mga batas ay
makakatikim ng mabigat na parusa.

HALO-LETRA

Panuto: Tukuyin kung sa anong relihiyon o pilosopiya nakapaloob ang sumusunod


na pahayag. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. SHIMDDUB _____________ Ang relihiyong pinasimulan ni Siddharta Gautama.


2. SHIMUDONI______________ Ang katuruan ukol sa pagkakamit ng mahabang
buhay at mabuting pamumuhay ay nakapaloob sa Veda.

3. SILAM _______________ Ang relihiyong nakabatay sa pangaral ng Propetang si


Muhammad.
4. MISODAJU _______________ Itinuring na pinakamatandang relihiyon sa daigdig.

5. SIKRIYANTOMSI _______________ Ang relihiyong nakabatay sa pangaral ni Hesu


Kristo.

24
Itala ang iyong mga magagandang katangian o gawi na natutuhan at isinasabuhay
mo buhat sa mga pangaral na nagmula sa iyong kinabibilangang relihiyon. Isulat sa
papel ang iyong sagot.

Pangalan: ___________________________ Antas/Seksyon: ____________________

Relihiyon: ___________________________

Ang Aking Mabubuting Katangian

Tayahin

Hanapin sa puzzle ang mga salitang naunawaan sa paksang itinuro ng guro.

K A R M A O S M T

O H E I H L S E A

R I D S P I C S O

A H V M H M A I I

N D N D A S N J S

E O D I R I B K M

C U R D O U Z L N

B A G M T G E U F

Mga Tanong:
1. Ang bawat aksyon ay may katumbas na reaksyon sa hinaharap.
2. Banal na aklat ng mga Muslim.
3. Nangangahulugang “Ang Naliwanagan”.
4. Itinatag ni Lao Tzu at may akda ng Tao Te Ching.
5. Nangangahulugang batas at aral na naglalaman ng limang aklat ni Moses.

25
Mga pamantayan sa pagkatuto:
MELC: Nasusuri ang kalagayan at bahaging ginampanan ng kababaihan
mula sa sinaunang kabihasnan sa ika-16 na siglo

1. Nailalarawan ang papel at katayuan ng mga tradisyunal na kababaihan sa


sinaunang lipunang Asyano;
2. Napaghahambing ang papel at katayuan ng mga tradisyunal at modernong
kababaihang Asyano;
3. Napapahalagahan ang papel at mga ambag ng mga kababaihang Asyano
sa iba’t ibang larangan sa kasalukuyang panahon.

Panuto: Piliin ang tamang sagot. Isulat sa hiwalay na papel ang iyong sagot.
1. Ang tawag sa belo na ginagamit ng mga kababaihang Muslim.
a. Abaya c. Purdah
b. Niqab d. Turban
2. Ang pagtalon sa apoy ng sinusunog na labi ng asawang lalaki ng kanyang
nabiyudang asawa.
a. Funeral Pyre c. Sati
b. Funeral Rights d. Suttee
3. Ang proseso ng pagpigil sa paglaki ng mga paa ng mga kababaihang Tsino.
a. Foot Binding c. Lily Feet
b. Foot Folding d. Lotus Feet
4. Ito ay tinatawag ding Bigay-Kaya, ito ay ang pagbibigay o paghahandog ng
salapi o ari-arian ng isang lalaki sa kanyang mapapangasawa.
a. Alay c. Dowry
b. Dote d. Panunuluyan
5. Ang sinaunang tradisyon ng pagkuha ng mga lalaking Tsino ng iba pang
asawa maliban pa sa kanyang tunay na kabiyak.
a. Adultery c. Immorality
b. Concubinage d. Infidel

26
Ika-anim-
Ika-pitong Mga Sinaunang Kababaihan sa
Linggo Asya

Panuto: Isulat ang TKA kung sa iyong pananaw ang pahayag ay nagpapahiwatig ng
tradisyunal na gawain ng kababaihang Asyano o MKA kung ang
pahayag ay nagpapakita ng makabagong gawain ng mga kababaihang
Asyano.

_____ 1. Pagpasok sa sandatahang lakas.

_____ 2. Pangangasiwa ng negosyo at pakikilahok sa pang-ekonomiyang gawain.


_____ 3. Pagsunod sa mga payo ng magulang ukol sa mga personal na pagpapasya
kagaya ng pag-aaral at pag-aasawa.

_____ 4. Pagsusuot ng mahahabang damit o saya.


_____ 5. Paglahok sa pampolitikang gawain.

Pamprosesong mga Tanong:


1. Paano mo maihahambing ang pamumuhay ng mga kababaihang Asyano sa
tradisyunal at makabagong panahon?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
2. Ikaw bilang modernong kabataang Asyano, paano mo ipapakita ang mahalaga
mong papel sa ating lipunan babae ka man o lalaki?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Basa-Suri-Unawa:
Panuto: Basahin, suriin at unawain mo ang nilalaman ng teksto tungkol sa mga
tradisyunal na kababaihan sa Asya. Pagkatapos mong basahin ay sagutin
ang mga gawain.

27
Ang mga Sinaunang Kababaihan sa Asya

May mga pagkakahawig ang tadhana ng


kababaihan sa tradisyunal na Asya. Itinuturing na
iisa lamang ang maaaring tunguhin ng babae sa
tradisyunal na Asya. Ito ay ang maging asawa at
maging ina. Bilang asawa, ang babae ay dapat niyang
pagsilbihan ang kaniyang asawa.

Ang mga bansang Asyano ay may kaniya-kaniyang


itinakdang gawain ng mga kababaihan sa kanilang
lipunan, tulad na lamang sa bansang India, ang
itinuturing na huwaran ng babaeng asawa ay si Sita,
kabiyak ni Prinsipe Rama sa epikong Ramayana.

Si Sita ay naging tapat kay Prinsipe Rama


maging nang siya ay mapasakamay ng hari ng mga
unggoy. Sumailalim siya sa pagsubok sa apoy upang
patunayan ang kanyang katapatan at kalinisan sa
asawa. Sa Hinduism, bilang patunay ng pagmamahal
sa asawang lalaki, ang asawang babae ay inaasahang tumalon sa funeral pyre o
apoy na sumusunog sa labi ng kanyang asawa. Ang tawag sa kaugalian na ito ay
sati o suttee.

Sa India kung mag-aasawa ang babae, siya ay nagiging bahagi ng pamilya ng


lalaki. Sa ganitong sitwasyon ang babae ay napapasailalim sa kanyang biyenan na
babae. Bilang paggalang sa asawang lalaki, ang babaeng asawa ay kakain lamang
pagkatapos kumain ng kanyang asawa. Wala o kaunti ang karapatang legal ng
asawang babae. Ipinagkakait din sa kanya ang mag-impok ng sariling ari-arian.
Ang dote o (bigay-kaya) na ibinibigay ng pamilya ng lalaki ay nagiging pag-aari ng
babae at ito ay maaari niyang ipamana sa mga anak niyang babae.

Isa sa relihiyong lumaganap sa India ay ang Buddhism, sinasabi na


pagkaraan ng limang taon na nakamit ni Buddha ang kaliwanagan, isa sa kanyang
disipulo ang naghikayat sa kanya na payagan ang mga kababaihan na maging
mongha. Bunga nito, nagkaroon ng pagkakataon ang mga kababaihan na
ipaliwanag ang turo ni Buddha sa kapwa nila kababaihan. Gayonpaman, ipinagkait
ng Buddhism ang pagtatamo ng nirvana (walang hanggang kaluwalhatian) sa mga
kababaihan. Ang tanging pag-asa lamang nila ay muling isilang.

28
Sa mga lipunang Muslim, may mga kaugalian na
sumasalamin sa mababang antas ng kababaihan. Ito ang
kaugalian ng purdah na ang ibig sabihin ay belo sa salitang
Persian. Inaasahan ang asawang babae na itago ang kanyang
sarili sa pamamagitan ng pagsusuot ng burqa (burka), isang
damit na maluwag na may kasamang belo. Layunin ng
kaugaliang ito na ipaalala na tanging ang kanyang asawa
lamang ang tanging may karapatan na makakita sa kanya.
Maaari ring makapag-asawa ang mga lalaking Muslim ng higit
sa isa, ngunit kinakailangan niya itong itrato ng pantay-pantay.

Sinalamin din sa China ang mababang antas ng


babae sa kaugalian ng footbinding. Ito ay sadyang
pagbabali ng arko ng paa upang hindi ito lumaki ng normal.
Tinawag ang ganitong klase ng mga paa na lotus feet o lily
feet. Ito ay ginagawa habang bata pa ang babae.
Sinasabing ang ganitong klase ang pamantayan ng
kagandahan para sa mga sinaunang Tsino, isang pananaw
na sinimulan ng Dinastiyang Sung. Humahanap ang isang
lalaking Tsino ng isang babaing Tsino na may ganitong klase
ng paa upang mapangasawa. Ito rin ay naging daan upang
manatili ang mga kababaihan sa kanilang mga tahanan
lamang kung saan sila ay inaasahan.

Isa pang kaugalian sa China na nagpababa sa antas ng kababaihan ay ang


concubinage o pagkuha ng isang lalaki ng isa pang babae liban sa kanyang asawa.
Ang concubine ay itinitira ng asawang lalaki sa kanilang bahay. May karapatan ang
asawang lalaki na magkaroon ng maraming concubine.

Sa Japan, bago umiral ang piyudalismo, may karapatan ang parehong anak
na babae at lalaki na magmana ng ari-arian ng kanilang mga magulang. Ngunit
naglaho ang kaugalian na ito noong panahon ng Kamakura at Ashikaga Shogunate.
Negatibo ang tingin ng lipunan sa babae. Pinaniniwalaan sa Japan na may limang
kahinaan ang babae. Ito ay ang pagiging hindi masunurin, madaling magalit,
masama ang bibig, madaling magselos at mahina ang ulo.

29
Panuto: Piliin sa kahon ang tamang sagot at isulat ito sa sagutang papel.
___________ 1. Ang sinaunang tradisyon ng mga kababaihang Hindu na pagtalon sa
apoy na kung saan sinusunog ang bangkay ng kanyang kabiyak o
asawa.
___________ 2. Tradisyong pagbibigay-kaya ng mga kalalakihan sa babaeng nais
nilang pakasalan.
___________ 3. Ang kasuotang tradisyunal ng mga kababaihang Muslim.
___________ 4. Ang sinaunang tradisyon sa Tsina na pagpapaliit ng mga paa ng
kanilang mga kababaihan.
____________ 5. Ang tawag sa mga kababaihang iniukol ang panahon sa paglilingkod
sa Diyos o pinaniniwalaang relihiyon.

DDote Foot Binding Mongha Purdah Suttee

Panuto: Magsaliksik ng istorya ng isang babaeng Asyano na nagpakita ng


kakaibang katangian na tumatak sa kasaysayan. Isalaysay ang kanilang
natatanging kontribusyon sa kasaysayan at itala ang mga hinangaan ninyong
katangian niya at mga inspirasyong natutuhan mula sa kanyang kasaysayan.

30
Tayahin

Panuto: Isulat sa patlang ang T kung tama ang isinasaad sa pangungusap o M kung
hindi tama ang isinasaad sa pangungusap.
_____ 1. Ang purdah ay isinusuot ng mga kababaihang Muslim upang ang kanilang
mga asawa lamang ang makasilay ng kanilang mga mukha.

_____ 2. Ang makabagong kababaihan ay handang ipakita at ibahagi ang kanyang


mga kakayahan sa mundo.
_____ 3. Ang tradisyunal na sati o suttee ay patuloy pa rin isinasagawa ng mga
kababaihang Hindu sa India.

_____ 4. Ang pagpapaliit ng mga paa ng mga kababaihang Tsino ay naging


pamantayan ng kanilang kagandahan noong sinaunang panahon sa Tsina.
_____ 5. Dahil sa dote na ibinigay ng isang lalaki sa kanyang babaeng pakakasalan,
ay nagiging pag-aari na niya ang kanyang kabiyak na babae.

Sa araling ito ay matutuhan ninyo ang mga Kontribusyong Asyano na


nagbigay daan sa paghubog ng sinaunang kabihasnan at pagkakakilanlang Asyano.
Higit sa lahat ay lubos nating mapapahalagahan ang mga kontribusyon ng mga
sinaunang lipunan at komunidad na ipinamana sa atin at magpahanggang sa
kasalukuyan ay napakikinabangan pa rin natin.

Pamantayan sa Pagkatuto: Napahahalagahan ang mga kontribusyon ng mga


sinaunang lipunan at komunidad sa Asya.

Panuto: Isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel.


1. Paano naiiba ang sistemang panrelihiyon ng Kabihasnang Shang sa Kabihasnang
Indus at Sumer?
A. Nagsasagawa ang hari ng Shang ng tungkuling panrelihiyon.
B. Tumupad ang hari ng Shang ng lampas sa itinadhana ng simbahan.
C. Naniniwala ang Shang sa pag-oorakulo o panghuhula.
D. Batay ang pananampalataya ng Shang sa maraming diyos.
2. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mahahalagang ambag ng
kabihasnang Sumer?
A. Cuneiform B. Gulong C. Perang Ginto D. Ziggurat
3. Bakit naging mahalaga ang Calligraphy o sistema ng pagsulat sa mga Tsino?
A. Dahil ito ang mahalagang ambag ng kabihasnang Shang.
B. Dahil ito ang pinagbatayan ng kanilang pamumuhay.

31
C. Dahil ito ang nagsilbing tagapag-isa sa mga Tsino sa kabila ng iba’t ibang
wika.
D. Dahil ito ang nagsilbing simbulo ng karakter ng mga Tsino.
4. Sa Tsina ang footbinding ay ginagawa habang bata pa ang babae ay tatanggalin
na ang kuko, babaliin ang buto sa daliri ng paa at ibabalot sa bondage. Ano ang
implikasyon nito sa kanilang kultura?
A. Naging pamantayan ito ng kagandahan sa lipunan.
B. Naging batas ng lipunan ang ganitong gawain.
C. Nakabubuti sa tingin ng kalalakihan ang ganitong tradisyon.
D. Tataas ang kalidad ng pamumuhay kung gagawin ito.
5. Habang nasa canteen, ay nakita ni Aries ang isang bagong modelo ng cellphone
na naiwan ng guro. Agad niya itong kinuha at ibinigay sa guro. Alin sa 8 dakilang
daan ng budismo ang kanyang ipinamalas?
A. Tamang Pag-iisip B. Tamang Pananaw
C. Tamang Intensiyon D. Tamang Pagkilos

Mga Kontribusyon ng mga


Ikawalong
Sinaunang Lipunan at Komunidad
Linggo
sa Asya

Panuto: Alamin kung saan nagmulang mga kabihasnan ang mga sumusunod na
nakalista sa kaliwang hanay. Isulat ang iyong sagot sa kanang hanay.

MGA KONTRIBUSYON O AMBAG PINAGMULANG KABIHASNAN

1. Ziggurat, Gulong, Cuneiform

2. Calligraphy, Seda, Great Wall

3. Sanskrit, Vedas, Sistemang Caste

Pamprosesong Tanong:
1. Alin sa mga ambag ng mga bansang Asyano ang naisasabuhay mo pa rin at
nagagamit hanggang ngayon?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
2. Paano nakatulong ang mga ambag na ito sa pagbuo at paghubog ng
pagkakakilanlang Asyano?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

32
BASA-SURI-UNAWA

Panuto: Basahin ang teksto at sagutin ang mga kasunod na gawain.

MGA PAMANA NG SINAUNANG ASYANO SA DAIGDIG


Pamana ng Kanlurang Asya

Sa Mesopotamia umusbong ang kauna-unahang kabihasnan ng Sumer na


matatagpuan sa Kanlurang Asya.
Hatid ng sibilisasyong ito ang mga mahahalagang ambag sa iba’t ibang
larangan at aspeto. Kabilang dito ang ziggurat (tore ng templo) na nagsilbing
tahanan at templo ng patron ng isang lungsod sa larangan ng arkitektura. Ang
sistematikong pamamaraan ng pagsulat na tinawag na cuneiform (clay tablet) na
pinag-aralan sa mga paaralang tinatawag na edubba. Noong 1847 ay natuklasan ni
Henry Rawlinson ang Behistun Rock na nagbigay daan upang mabasa ng mga
eksperto ang iba pang naiwang luwad na lapida. Kahit na hindi na ginagamit ang
sistemang ito ng pagsulat ito naman ang nagsilbing daan upang magkaroon ng iba
pang model ng pagsulat sa iba’t ibang panig ng daigdig.
Ang ilan pa sa mga ambag mula sa Kanlurang Asya na patuloy nating
ginagamit ay katulad ng gulong ito ay napakahalaga sa kasalukuyang pamumuhay
ng mga tao sa mundo. Nariyan din ang layag, araro, orasang tubig (water clock),
kalendaryong nakabatay sa siklo ng buwan, geometry, sexagesimal system,
astrology, horoscope, cartography (paggawa ng mapa), paggamit ng tanso, batas
(Batas ni Ur-Nammu at Kodigo ni Hammurabi). Sa larangan naman ng literatura
ay ang Epiko ni Gilgamesh. Ang pag-usbong ng unang imperyo sa daigdig na
itinatag ni Sargon I ang Imperyong Akkadian. Paggamit ng bakal na natuklasan ng
Hittite. Paggamit ng salapi ng mga Lydian. Phonetic Alphabet ng Phoenicia kung
saan hinalaw ang ating kasalukuyang alpabeto.

https://www.slideshare.net/marydelle/sinaunanag-kabihasnan1

https://quizizz.com/admin/quiz/5f58a64c101f86001b539133/epiko-ni-gilgamesh

33
Pamana ng Timog Asya

Ang mga lungsod ng Mohenjo Daro at Harappa ay natagpuan sa lambak ng


Indus. Ito ay itinuring na pinakabago at pinakahuling tuklas na sentrong
pangkabihasnan na natuklasan noong 1920.
Gumawa din sila ng mga dike upang makontrol ang baha sa kanilang mga
komunidad. Sinimulan ang sistemang alkantarilya (sewerage system), at grid
pattern upang isaayos ang mga gusali ng kanilang mga kabahayan at mapanatili
ang kalinisan. Ginamit ang pictogram bilang sistema ng pagsulat na
magpasahanggang ngayon ay di pa rin nauunawaan ng mga eksperto. Naghabi ng
telang mula sa bulak (cotton). Di naglaon ito ay naglaho ngunit di nawala ang
kanilang mga natatanging ambag.
Ang sumunod na panahong Vedic ay nag-iwan din ng mga natatanging
pamana sa daigdig. Ito ay pinasimulan ng mga lahing Aryan matapos itaboy ang mga
Dravidian sa katimugang India. Dinala nila ang wikang sanskrit na ginamit sa mga
aklat ng Vedas at mga panitikang Mahabharata, Ramayana at Panchatantra. Sa
larangan din naman ng medisina ay ipinamalas nila sa kauna-unahang pagkakataon
ang mga paraan ng surgery, amputation, ceasarian operation at cranial
surgery. Sa larangan ng matematika pinasimulan ang geometry, trigonometry, pi,
decimal, zero. Sa arkitektura ay bantog ang Taj Mahal na ipinatayo ni Emperador
Shah Jahan para sa kanyang asawang si Mumtaz Mahal. Nagmula rin sa India ang
ilan sa pinakamatandang relihiyon sa mundo ang Hinduismo, Buddhism, Sikhism
at Jainism ang mga relihiyong patuloy pa ring humuhubog sa pamumuhay at gawi
ng mga Asyano.

Pictogram Ramayana & Mahabharat


https://www.facebook.com/1468513010104268/photos https://www.barnesandnoble.com/

Taj Mahal
https://www.britannica.com/topic/Taj-Mahal

34
Pamana ng Silangang Asya

Ang kabihasnan sa Silangang Asya ay nagsimula sa lambak ng ilog ng


Huang Ho (Yellow River) sa silangan ng Tsina. Ang makasaysayang kabihasnan ng
Tsina ay uminog sa mga dinastiyang pinamunuan ng mga emperor at nag-iwan ng
mga natatanging ambag sa pagbuo ng pamumuhay ng mga Asyano.
Isa sa mga impluwensyang iniwan ng sinaunang Tsina ay ang mga kaisipan
at pilosopiya na nagmula kina Confucius, Lao Tzu, Mencius at Xunzi. Gumamit
sila ng mga kasangkapang yari sa bronse, sistema ng pagsulat na tinawag na
calligraphy. Pinasimulan din ni Emperador Shih Huang Ti ang Great Wall
(Dakilang Pader) na ngayon ay sentro ng turismo sa Tsina. Gumamit sila ng kaolin
(luwad na puti) sa kanilang mga porselana na itinuturing na isa sa pinakamamahalin
sa buong mundo. Gumawa ng tela mula sa uod ng tinatawag na silkworm. Nagtayo
ng daang pangkalakalan patungong kanluran na tinawag na Silk Road. Naimbento
ang abacus bilang unang kagamitan sa pagbilang. Sa larangan ng teknolohiya
ginawa nila ang compass, wheelborrow, mill wheel, water clock at sundial. Sa
larangan ng medisina ay pinasimulan ang acupuncture. Pinasimulan din ang
pagbibigay ng civil service examination para sa mga nais maging empleyado ng
pamahalaan. Naimbento rin ang gun powder at fireworks, gayundin ang
woodblock printing para sa paglilimbag ng mga aklat. Pinasimulan din ang feng
shui (geomancy) na may kinalaman sa pagbabalanse ng yin at yang na
makapagdudulot ng magandang hinaharap o swerte.

Great Wall of China


https://www.britannica.com/topic/Great-Wall-of-China

Woodblock printing
https://storymaps.arcgis.com/stories/96780ec4dddf47c786dfac1154a3f196

35
Ilan lamang iyan sa napakarami pang mga kaalaman na ibinahagi sa atin ng
mga sinaunang kabihasnan na hanggang sa kasalukuyan nating panahon ay
patuloy pa rin nating pinakikinabangan at pinauunlad.

Fill-up the Chart:

Panuto: Pumili ng limang ambag mula sa mga kabihasnan. Itala ang kahalagahan
ng bawat ambag na iyong napili.

KABIHASNAN AMBAG KAHALAGAHAN

Panuto: Humanap ng isang bagay, gamit o mga gawain sa araw-araw na nagmula


sa kontribusyon o impluwensya na nagmula sa mga pinag-aralang
kabihasnan. Maaari itong kuhanan ng larawan at ipost ito sa iyong social
media account na may kalakip na paliwanag ng pinagmulan nitong
kabihasnan at kahalagahan nito sa kasalukuyan.

Tayahin

Panuto: Isulat ang KA kung ang ambag ay nagmula sa Kanlurang Asya, TA kung
nagmula sa Timog Asya at SA kung nagmula sa Silangang Asya.
_____ 1. gulong 6. _____ Grid Patterned
_____ 2. telang seda 7. _____ Ziggurat
_____ 3. Decimal 8. _____ Calligraphy
_____ 4. Sewerage System 9. _____ Feng Shui
_____ 5. Geometry 10.____ Phonetic Alpha

36
Sanggunian
• Blando, Rosemarie C., et al., ASYA: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba, (Modyul para sa Mag-aaral),
Eduresources Publishing, Inc., 2014.
• Mateo, Grace Estela C., et al., Asya Pag-usbong ng Kabihasnan (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan),
Vibal Publishing House, 2008.
• Department of Education, PROJECT EASE Effective Alternative Secondary Education) Araling Panlipunan
II Modyul 3: Sinaunang Kabihasnan sa Asya
• Bustamante, Eliza D., Sulyap sa Kasaysayan ng Asya (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan), St.
Bernadette Publishing House Corporation, 2015.
• https://www.google.com/search?q=judaism+TEMPLE+SYNANOQUE
• https://www.google.com/search?q=ISLAM
• https://www.google.com/search?q=buddhist+temple
• https://www.google.com/search?q=simbahan+ng+katoliko
• https://www.slideshare.net/EvalynLlanera/modyul-7-mga-kaisipang-asyano-sa-pagbuo-ng-
imperyo?qid=30c021c3-7bb8-4079-9894-7c283891df50&v=&b=&from_search=2
• https://www.mrdowling.com/wpcontent/uploads/2018/04/612suttee.png
• https://i1.pngguru.com/preview/88/934/335/hijab-purdah-burqa-chiffon-abaya-headscarf-glove-
muslim-png-clipart-thumbnail.jpg
• https://windhorsetour.com/sites/default/files/three-inch-golden-lotus-feet.jpg

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – NCR, SDO Valenzuela City


Office Address: Pio, Valenzuela St., Marulas Valenzuela City
Telefax: 02-292-3247
Email Address: sdovalenzuela@deped.gov.ph

37

You might also like