You are on page 1of 20

7

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikalawang Markahan
Ikalimang Linggo:
KALAYAAN
Edukasyon sa Pagpapakatao Ikapitong Baitang
Ikalawang Markahan Ikalimang Linggo – Week 5: Kalayaan
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Elizabeth P. Corsiga
Editor: Juneva P. Ardepolla, Adelfa Renacia, Pacita H. Andoy
Tagasuri: Catalina Bacalli, Alejandre S. Fernandez Jr.
Tagaguhit: Perzal Abendan at Viergel Villamil
Tagalapat:
Tagagawa ng Template: Neil Edward D. Diaz
Tagapamahala: Reynaldo M. Guillena
Alma C. Cifra
Aris B. Juanillo
Lydia V. Ampo

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Region XI Davao City Division

Office Address : DepEd Davao City Division, E. Quirino Ave.,


Davao City, Davao del Sur, Philippines
Telefax : (082) 224 0100
E-mail Address : info@deped-davaocity.ph
7
Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikalawang Markahan
Ikalimang Linggo:
Kalayaan

ii
Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa


ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t
ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at
malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na


naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga
magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-
aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman


ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi
kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro.
Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat
naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama
o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na
magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan
ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa
pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro


kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at
paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy,


umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

iii
Alamin Natin

Kalayaan! Kalayaan! Ito ang isinisigaw at ipinaglaban hanggang


kamatayan ng ating mga bayani noon at pinangangalagaan natin hanggang
ngayon at sa darating pang mga panahon. Kung hindi tayo malaya, para na
rin tayong patay, ika nga.
Ngunit ano nga ba ang tunay na kalayaan? Ano ang tunay na
kahulugan nito at paano ito nagagamit sa tamang paraan? Tugma ba ito sa
layunin ng Diyos sa kaniyang pagkaloob nito sa tao?
Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod na
kaalaman, kakayahan at pag-unawa:

A. Nakikilala ang mga indikasyon/palatandaan ng pagkakaroon o kawalan


ng kalayaan EsP7PT-IIe- 7.1;

B. Nasusuri kung nakikita sa mga gawi ng mga kabataan ang kalayaan


EsP7PT-IIe- 7.2.

Subukin Natin

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat sa sagutang papel


ang iyong mga sagot.

1. Kung ang konsensiya ay katangian ng ating isip, saan naman


nakasalalay ang ating kalayaan?
a. Sa ating dignidad bilang tao
b. Sa ating isip na nakauunawa
c. Sa ating kilos-loob na pumili at magpasiya
d. Sa ating konsiyensiya na nasa ating isip
2. Alin sa mga sumusunod ay paliwanag o pahayag sa linyang ito: “Ang
tunay na kalayaan ay ang paggawa nang mabuti.”
a. Tama, dahil taglay natin ang likas na kabutihan.
b. Tama, dahil ang tunay na kalayaan ay may kakambal na kabutihan
kaya’t inaasahang ito ay gagamitin sa paggawa ng kabutihan.
c. Mali, dahil ang tao ay may kalayaan sa paggawa nang mabuti
ayon sa kanyang paghuhusga.
d. Mali, dahil ang kalayaan ay may halaga lamang kung magagawa ng
tao lahat na gusto niya.

1
3. Alin sa mga sumusunod ay taliwas sa mapanagutang paggamit ng
kalayaan?

a. Inaako ang resulta ng kanyang kilos at hindi ipinasa sa iba.


b. Naisasaalang-alang ang kabutihan hindi lang para sa sarili
kundi para rin sa lahat.
c. Alinsunod ang mga kilos sa likas na batas-moral.
d. Hindi isinaalang-alang ang kahihinatnan ng kilos.

4. Ang sumusunod na kilos ay nagpapakita ng mapanagutang paggamit


ng kalayaan maliban sa:

a. Nagsikap si Armando sa kaniyang pag-aaral upang makatapos


at makatulong sa mga pangangailangan ng kanilang pamilyang
naghihirap.
b. Kahit pa sa takot na mapagalitan ng kaniyang mga magulang,
inamin pa rin ni Rebecca ang pagkasira ng kaniyang gamit na
ipinahiram niya sa kaniyang kaibigan.
c. Dahil sa labis na pangangailangan at kawalan ng perang
magamit, lihim na kinuha ni Miguel ang pera ng kaniyang ama.
Ipinagbibili niya ito ng gamit niya sa eskwela.
d. Matindi ang pag-aayaw ni Paolo sa imbitasyon ng kaniyang mga
kaibigang sumama sa kanila sa panonood ng pornograpiya, meron
naman daw silang internet na ginagamit sa eskwela.

5. Ang kalayaan ng tao ay hindi lubos, ito ay may limitasyon. Ano ang
nagtatakda sa kilos ng tao upang gawin ang mga dapat gawin at iwasan ang
mga dapat iwasang gawin?
a. Ang kanyang isip
b. Ang kanyang mga magulang
c. Ang Likas Batas Moral
d. Ang kanyang dignidad

Aralin Natin

A. Sang-ayon o Hindi Sang-ayon


Panuto: Basahing mabuti ang bawat pahayag. Lagyan ng tsek ang
hanay na angkop sa iyong paniniwala. Gawin ito sa iyong sagutang
papel.
Pahayag Sang-ayon Di-sang-
ayon
1. Dahil ako ay malaya, magagawa ko anuman
ang gustuhin ko.

2
2. Malaya ako kaya maiiwasan ko ang paggawa ng
masama.
3. Mababawasan ang aking kalayaan kapag
magbibisyo ako.
4. Maaaring piliin ng tao ang kalalabasan ng
kaniyang kilos.
5. Nakababawas ng kalayaan ang mga gawaing
bahay na itinakda sa akin ng aking mga
magulang.
6. Mas madaragdagan ang kalayaan ko kapag
sinunod ko ang batas.
7. Malaya ako, wala akong pakialam sa Likas
Batas Moral.
8. Ang kalayaan ay palaging may katumbas na
pananagutan.
9. Dahil sa mga takdang-aralin at proyektong
ipinagawa nabawasan ang aking kalayaan.
10. Walang epekto sa aking pagkatao ang paraan
ng paggamit ko ng kalayaan.

Nalilito ka ba? Huwag kang mabahala. Sisikapin nating


magkaroon ng kaliwanagan sa usaping ito. Magpatuloy lang
sa mga susunod pang hakbang sa ating talakayan.

Gawin Natin
Isang katangian ng ating pagkatao ang pagkakaroon natin ng mga gusto o ang
kakayahan nating pumili at gawin ang ating mga pinili o ginusto. Ganap ka bang
malayang gawin ang iyong gusto? Tingnan natin. Punan ang mga tsart sa ibaba.
Gawing gabay ang halimbawa.

A. Sa tsart na ito magbigay ng iyong mga kagustuhang natupad na o nakamit, dahilan


bakit ginusto mo ito, at paraang ginawa mo sa pagkamit nito. Gawin ito sa iyong
sagutang papel.

3
Isulat ang iyong mga Dahilan bakit mo ito Ginawa mo sa
kagustohan na natupad o ginusto pagkamit nito
nakamit
Hal. Naging honor sa klase Upang mapasaya ang mga Nag-aral nang mabuti
magulang at gumawa ng mga
takdang gawain.
1.

2.

3.

Ano ang mahihinuha mo sa katotohanang ito? Buuin ang pangungusap.

Malaya akong
________________________________________________________________________________.

B. Sa tsart na ito magbigay ng iyong mga kagustuhang hindi natupad o nakamit,


dahilan bakit ginusto mo ito at dahilan bakit hindi ito natupad o nakamit. Gawing
gabay ang halimbawa. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

Isulat ang iyong mga Dahilan bakit mo ito Dahilan bakit hindi ito
kagustohan na hindi ginusto nakamit
natupad o nakamit
Hal. Hindi ako magkasakit Upang walang gastos sa Hindi ko kayang gawin.
o masaktan pagpapagamot.
1.

2.

3.

Ano ang mahihinuha mo sa katotohanang ito? Buuin ang pangungusap.

4
Malaya akong gumusto pero
__________________________________________________________________________________
________________.

Pamantayan sa pagwawasto

Pamantayan Napakahusay Mahusay Nalilinang Nagsisimula


(10 puntos) (9 puntos) (8 puntos) (7puntos)
Napakahusay Mabuting Matatanggap Kailangang
Kalidad sa ang pagpapaliwa- pagpapaliwanag ang pagpapali- isaayos
paggawa nag (buo at (katamtamang wanag (may (malaki ang
maliwanag) pagpapaliwanag) kaunting kakulangan,
kamalian ang nagpapakita
Pagpapaliwa- ng kaunting
nag) kaalama
n )

Sanayin Natin

Ano ang kalayaan para sa iyo? Suriin ang sumusunod na mga


pangungusap. Tukuyin kung alin sa mga ito ang nagpapahayag ng pagkakaroon
ng kalayaan at alin sa mga ito ang walang kalayaan. Isulat ang letra ng
pangungusap na nagpapakita ng kalayaan sa unang hanay. Isulat din ang letra ng
pangungusap na nagpapakita ng kawalan ng kalayaan sa ikalawang hanay.
Sundan ang pormat sa ibaba. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

Pangungusap na nagpapakita ng Pangungusap nagpapakita ng kawalan


kalayaan (Isulat ang titik) ng kalayaan (Isulat ang titik)

A. Si Darwin ay palaging tumutulong sa mga gawaing bahay kahit hindi na


inuutusan.
B. Gutom na gutom na kinuha ng pulubi ang tirang pagkain at kinain.
C. Pinagsikapan ni Leonora na matapos agad ang pagsagot sa kanyang mga
modyul upang maipasa sa takdang araw.
D. Nakumbinsi si Dario ng kanyang kaibigan na manigarilyo.

5
E. Dahil sa galit ko sa kanilang panunukso, sinampal ko siya.

Sagutin: Kopyahin ang bawat tanong sa iyong sagutang papel at sagutin.

1. Bakit mo nasabing may kalayaan ang mga larawang nasa unang hanay?
Sagot:_____________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
___________________________.
2. Bakit mo nasabing kawalan ng kalayaan ang mga larawang nasa
ikalawang hanay?
Sagot_____________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
____________________________.
3. Ano ang kalayaan para sa iyo?
Sagot:
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
_________________.

Pamantayan sa Pagwawasto
Pamantayan Napakahusay Mahusay Nalilinang Nagsisimula
(10 puntos) (9 puntos) (8 puntos) (7puntos)
Napakahusay Mabuting Matatanggap ang Kailangang
Kalidad sa ang pagpapaliwanag pagpapaliwanag isaayos
paggawa pagpapaliwanag (katamtamang (may kaunting (malaki ang
(buo at pagpapaliwanag) kamalian ang kakulangan,
maliwanag) pagpapaliwanag) nagpapakita
ng kaunting
kaalaman)

Tandaan Natin

Ang ating kalayaan ay biyayang ipinagkaloob ng ating Tagapaglikha sa


atin, kasunod ng ating buhay. Maraming kabataan ngayon na may maling
pakahulugan sa kalayaang ito. Dapat silang magabayan upang magkaroon
ng tamang pamamaraan sa paggamit nito.

6
Ayon kay Santo Tomas de Aquino, ang kalayaan ay “katangian ng
kilos-loob na itakda ng tao ang kaniyang kilos tungo sa kaniyang maaaring
hantungan at ang paraan upang makamit ito”.
Ang kilos-loob na biyaya ng Diyos sa tao ang nagbibigay sa kaniya ng
kakayahang pumili ng isang bagay o kilos. Siya ang nagtakda ng kaniyang
mga gagawin, hindi ang anumang puwersa labas sa kaniya. Maaari siyang
hikayatin, ganyakin o akitin subalit hindi siya maaaring puwersahin o
pilitin. Maaari nga siyang pumili ng kilos ngunit wala naman siyang
kakayahang piliin ang kahahantungan ng kaniyang isakilos. Halimbawa,
hindi niya kayang magkaroon ng mataas na grado kung pipiliin niyang
magbarkada at hindi gagawa sa mga takdang-gawain sa paaralan. Hindi
niya magawang kunin ang gamit ng kanyang kaklase dahil ipinagbabawal
ng kanilang guro at maparusahan siya. Hindi siya maaaring tumawid na
wala sa tamang tawiran dahil pwede siyang hulihin ng pulis. Samakatuwid,
hindi niya pwedeng gawin ang lahat ng kaniyang gusto. Ang kaniyang
kalayaan ay hindi lubos, meron itong limitasyon. Ang limitasyong ito ay
itinakda ng Likas Batas Moral. Ang batas na ito ay alituntuning kailangang
sundin.

Ako ay malaya. Mayroon akong kilos-loob na magtakda ng


aking mga isakilos at walang makakapilit sa akin. Subalit ang
aking kalayaan ay may limitasiyon dahil sa Likas Batas Moral.
Bilang tao, binigyan ako ng kalayaan upang makagawa ng
mabuti at makaiwas sa masama. Ang tunay na kalayaan ay ang
paggawa nang mabuti kahit pa pipilitin akong gumawa nang
masama.

Suriin Natin

A. Tama o Mali
Panuto: Sagutin ng tama kung tama ang bawat pahayag. Punan ng tamang
salita ang salitang nakasalungguhit kung mali ang pahayag upang ito ay

7
maging tama batay sa tamang pakahulugan ng kalayaan na ating
natutunan. Isulat sa patlang ang sagot. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
1. Hindi ako palaging tunay na malaya sa lahat na gugustuhin ko. ________
2. Dahil ako ay malaya maiiwasan ko ang paggawa ng mabuti. _________
3. Kapag nagbisyo ako, mababawasan ang aking kalayaan. __________
4. Maaaring piliin ng tao ang kahihinatnan ng kaniyang kilos. ____________
5. Nakakabawas ng kalayaan ang mga gawaing bahay na itinakda sa akin
ng aking mga magulang. _________________

6. Tunay akong malaya kapag sinunod ko ang Likas Batas Moral. ________
7. May kaugnayan ang kalayaan sa Likas na Batas Moral. ______________
8. Ang kalayaan ay may katumbas na pananagutan. ____________
9. Nababawasan ang pagiging malaya ko dahil sa mga takdang-aralin at
proyektong ipinagawa. _______________

10. Walang epekto sa aking pagkatao ang paraan ng paggamit ko ng


kalayaan. _________

C. Crossword Puzzle
Panuto: Sagutin ang Crossword Puzzle. Kopyahin ang pormat sa inyong
sagutang papel.

1 2

3 4

8
Pababa:
1. Kung walang _____ magulo ang buhay dahil kahit sino ay
makagagawa ng kahit ano, kahit pa masama.
2. Ang kalayaan ng tao ay __________ ng kaniyang kilos-loob
3. Kung iniisip mo ang kahihinatnan ng iyong kilos, ikaw ay
_________________ sa paggamit ng iyong kalayaan

Pahalang:
4. Kung iiwas ka sa gawaing ______, sumusunod ka sa Likas Batas
Moral
5. Ito ang kakambal ng ating kalayaan.
6. Hindi maitatakda ng tao ang lahat na kahihinatnan ng
kaniyang piniling _____.
7. Siya ang nagbigay sa tao ng kalayaan

9
Payabungin Natin

A. Speech Balloon
Panuto: Paano mo maisasabuhay ang tamang paggamit ng iyong kalayaansa
mga situwasiyong ito? Isulat sa speech balloon ang iyong pagtugon.
Maaaring gumawa ng iyong sariling estilo ng speech balloon sa iyong
sagutang papel.

1.

______________________
______________________
anaAnak pagbutihin
______________________
mo ang iyong pag-
______________________
aaral, huwag mong ______________________
sayangin ang iyong ______________________
oras sa paglalaro ng ______________________
computer games.
______________

2.

_____________________
_____________________
Iwanan mo na lang _____________________
‘yang basura diyan, _____________________
total wala namang _____________________
nakatingin sa atin. _____________________
_____________________
_____________________

10
3.
________________________
anaInaaway ka nila?
________________________
Huwag kang mag-
________________________
alala, mamaya sa ________________________
uwian natin, ________________________
abangan natin ang ________________________
dalawang iyan. ________________________

4.

Sino ang ____________________


nakabasag sa ____________________
salamin dito? ____________________
Magsalita ____________________
kayo!!!! ____________________
Nagagalit na ___________________
ako!!!!

Pamantayan sa pagwawasto ng Gawain

Nilalaman 10 puntos
Pagkamalikhain sa Paggawa 5 puntos
Kalinisan at Kaayusan ng gawa 5 puntos
Kabuuang puntos 20 puntos

11
B. Pagsusuri sa mga sitwasyon
Ang pagsuri sa kahihinatnan ng ating kilos ay isang paraan ng
mapanagutang paggamit ng kalayaan. Sa mga sumusunod na sitwasyon,
pag-isipan mo kung ano ang mga posibleng agarang epekto sa sarili at
pangmalakihang epekto ng isang masamang kilos sa pamilya o sa lipunan.
Gabay mo ang naunang halimbawa.

Sitwasyon Agarang epekto Pangmalakihang epekto


(sa sarili) (sa pamilya o lipunan)
Hal. * hindi masasayang ang * makatulong ako sa
Kung tinanggihan ko pera ko at hindi ako pamilya dahil
ang alok ng kaibigan mapagalitan makapagtapos ako sa
kong sumama sa * hindi ako matututong aking pag-aaral
kanya sa pagsusugal. magsugal at hindi * makatulong ako sa
magugumon dito kapayapaan ng lipunan
* hindi na niya ako
yayaing ulit
1. Kapag itinapon ko
ang aking basura
sa tamang lalagyan.

2. Kapag sinusunod
ko ang mga gabay
para makaiwas sa
COVID - 19 katulad
ng hindi paglabas ng
bahay.
3. Kapag nanonood
ako ng pornograpiya
kasabay sa paggamit
ko ng internet sa
aking pag-aaral.

Pamantayan sa pagwawasto

Pamantayan Napakahusay Mahusay Nalilinang Nagsisimula


(10 puntos) (9 puntos) (8 puntos) (7puntos)
Napakahusay Mabuti Matatanggap Kailangang
Kalidad sa (nakapagtala ng (nakapagtala ng ang pagbutihin
paggawa 5 o higit pang 4 mga epekto) pagpapaliwanag (nakapagtala ng
mga epekto (nakapagtala ng 2 mga epekto)
3 mga epekto)

12
Pagnilayan Natin

Hindi madali ang pagsunod sa batas. Hindi madali ang paggawa ng


mabuti at pag-iwas sa masama. Hindi madali ang maging tunay na
malayang tao.
Sa nakuha mong kaalaman ngayon, mas naragdagan ang pagkilala
mo sa iyong pagkatao. Mas luminaw ang mga hamon sa buhay. Paano mo
ito haharapin?
Sa isang maikling sanaysay sa ibaba, sumulat ng isang pagninilay
tungkol sa kung ano ang nagbago sa iyong pananaw tungkol sa iyong
pagkatao batay sa iyong natutunan sa modyul na ito. Tapusin ang
sinimulan.

Aking natutunan _________________________________________


________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_________________

13
14
Suriin Natin (B)
Pababa: Pahalang
1. batas 4. Masama
2. Katangian 5. pananagutan
3.mapanagutang 6. kilos
7. Maykapal
Suriin Natin (A) Sanayin Natin Subukin
1. Tama 1. C
May Kalayaan
2. masama
3. Tama A, C 2. B
4. Hindi maaaring 3. D
5. Hindi Walang Kalayaan 4. C
nakababawas
6. Tama B, D, E 5. C
7. Tama
8. Tama
9. Hindi
nababawasan
10. Mayroong o
Malaking
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

https://www.slideshare.net/lhoralight/k-to-12-grade-7-
learning material-in-edukasyon-sa-pagpapakatao-q1q2.
Retrieved September 10, 2020

https://www.slideshare.net/marizbagunas/edukasyon-sa-
pagpapahalaga-ubd-1st-to-4th-quarter Retrieved September
10, 2020

https://www.google.com/search?q=kalayaan&sxsrf=ALeKk01SO
25MISa_qLY9Y74Ua6dmzdmWmA:1601378431818&source=lnms
&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwj25tDEn47sAhWHvZQKHaHEA
LgQ_AUoAnoECAQQBA&biw=1326&bih=637 September 11,2020

15
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Region XI Davao City Division

DepEd Davao City, Elpidio Quirino Ave., Davao City

Telefax: 224-3274

Email Address: davaocity.division@deped.gov.ph

16

You might also like