You are on page 1of 18

10

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Unang Markahan – Modyul 6:
(Linggo: Ika-Anim)
Edukasyong Pagpapakatao – Ika-sampung Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 6: Ang Tunay na Kalayaan
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng
Modyul Manunulat: Amancio M. Gainsan Jr.
Editor: Amancio M. Gainsan Jr.
Tagasuri: Conchita T. Caballes Cita J. Bulangis
Tagaguhit: Edyl Kris B. Ragay
Tagalapat: Amancio M. Gainsan Jr.
Tagapamahala: Senen Priscillo P. Paulin, CESO V Rosela R.
Abiera Fay C. Luarez, TM, Ed.D., Ph.D. Maricel S. Rasid
Adolf P. Aguilar Elmar L.
Cabrera
Donre B. Mira Nilita L. Ragay
Inilimbag sa Pilipinas ng

Department of Education –Region VII Schools Division of Negros Oriental

Office Address: Kagawasan, Ave., Daro, Dumaguete City, Negros Oriental


Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117
E-mail Address: negros.oriental@deped.gov.ph
10

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Unang Markahan – Modyul 6:
Ang Tunay na Kalyaan
(Linggo: Ika-Anim)
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 10 ng


Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Ang Tunay na Kalayaan!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-


aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

ii
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng
anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit
ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang
gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga
gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang
pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos
nang sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na
ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy.
Maaari ka rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda
mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas
nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!
ANG TUNAY NA KALAYAAN

Napatutunayan na ang tunay nakalayaan ay ang kakayahang tumugon sa tawag ng


pagmamahal at paglilingkod. EsP10MP-lc-3.3

Nakagagawa ng angkop na kilos upang maisabuhay ang paggamitng tunay na


kalayaan: Tumugon sa tawag ng pagmamahal at paglilingkod. EsP10MP-le-3.4

Mga Layunin

Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod na kaalaman, kakayahan, at pag-unawa:

Naisasabuhay ang tunay na diwa at kakayahan ng kalayaan upang tumugon sa tawag ng pagmamahal at paglilingkod
Naisasabuhay ang mga angkop na kilos sa paggamit ng tunay na kalayaan.
Nakapaglalahad ng mga gawain o kakayahang nagpapakita ng tunay na konsepto ng kalayaan
Natutukoy ang mga kilos na tumugon sa tunay na gamit ng kalayaan

1
Panimula

hin ng maging malaya? Sa module na ito mabigyang linaw ang iyong pananaw kung ano ba ng tunay na kahulugan ng magig
minsan nagkakamali ang tao sa kung ano ba talaga ang kalayaan at ano ang kaakibat nito. Sa pagpapatuloy mo sa module na

Panimulang
Pagtataya

Panuto:Basahin at unawaing mabuti ang bawat aytem. Isulat ang mga sagot sa
iyong kuwaderno.
1. Ang pinakamalaking hadlang sa kalayaan ay hindi ang nagmumula sa labas
ng tao kundi ang nagmumula mismo sa loob ng tao. Ano ang nais
ipakahulugan nito?
A. Ang kalayaan ay matatagpuan sa sarili
B. Nakahahadlang ang kapwa sa pagkamit ng kalayaan
C. Niloob ng tao ang antas ng kaniyang pagiging malaya
D. Ang hadlang sa pagiging malaya ay ang sarili niyang pag-uugali.
2. Bakit may kakayahan ang taong kumilos ayon sa sariling kagustuhan at ayon
sa pagdidesisyon kung ano ang gagawin?
A. Dahil ang tao ay malayang kilos-loob
B. Maylikas na batas moral na gumagabay sa kaniya
C. May kakayahan ang taong gamitin ang kaniyang konsensiya
D. Sapagkat ang tao ay may kakayahang pag-isipan ang mga ito
3. Ang responsibilidad ay ang kakayahang tumugon sa tawag ng
pangangailangan ayon sa sitwasyon. Ang pahayag ay:
A. Tama, dahil ang tunay na responsableng kalayaan ay ang pagtulong
sa kapuwa
B. Tama, dahil may kakayahan ang taong magbigay paliwanag sa kilos
na ginawa
C. Mali, dahil ang responsibilidad ay palaging kakambal ng kalayaan na
ginagamit ng tao
D. Mali, dahil ang responsibilidad ay ang pagtanggap sa kahihinatnan ng
kilos na ginawa.
4. Hindi mo maunawaan ang leksiyon ng iyong guro at nakababagot sa
pakiramdam kaya nawalan ka ng interest na makinig sa kaniya. Dahil dito
wala kang natutuhan sa itinuro niya, sinisi mo ang iyong guro. Sang-ayon ka
ba sa kaniya ?
A. Sang-ayon, dahil responsibilidad ng guro ang maipaunawa sa mga
mag-aaral ang leksiyon
B. Sang-ayon, dahil kailangang mapaganda ang leksiyon para hindi
nakababagot sa mag-aaral.
C. Di sang-ayon, dahil may pananagutan ang tao sa kaniyang kilos.
D. Di sang-ayon, dahil may kakayahan kang piliin ang iyong kilos
5. Alin sa mga sumusunod ang Pagpapatunay na ang tunay na kalayaan ay ang
kakayahang tumugon sa tawag ng pagmamahal at paglilingkod?
A. Ang kilos ng isang tao ay hindi isang robot o gadget na sumusunod o
gagawa kung ano ang nais sa gumagamit ng remote control.
B. Ang nasa kalooban mo ang pagpapakatao ang nagpapakilos sa iyo
upang tumugon sa tawag na magmahal ng kapwa
C. Ang letrang a lamang ang tamang sagot
D. Letarng a at b ang tamang sagot.
6. Alin sa sumusunod aspeto ng Kalayaan?
A. Kalayaan mula sa..
B. Kalayaan para sa…
C. Kalayaan sa lahat
D. Tanging letrang a at b lamang
7. Ito ay kilos kung saan dumaraan ang isang tao mula sa pagtataglay nito
patungo sa pagiging isang uri ng taong ninais niyang makamit.
A. Kalayaan
B. Kaalaman
C. Isipan
D. Kilos-loob
8. Ito ay tumutukoy sa pagpili sa kung ano ang tingin ng taong makabubuti sa
kaniya.
A. Malayang pagpili
B. Fundamental option
C. Ensaktong pagpili
D. Horizontal freedom
9. Sino ang nagsabi sa mga salitang “ Ang karanasan sa buhay-piitan ay
nagpapakita na maaring makapamili ang tao ng kilos na kaniyang nanaisin.
A. Nelson Mandela
B. Viktor Frankl
C. Benigno Aquino Jr.
D. Jose Rizal
10. Ano ano ang dalawang uri ng kalayaan?
A. Malayang pagpili at fundamental option
B. Malayang magkilos at fundamental option
C. Malayang pagpili at fundamental choice
D. Wala sa nabanggit

Gawain 1

Gumuhit ng Facial Expression na naayon sa mga salita na nakapaloob sa ulap e


tapat eto sa bawat ulap. Maging malikhain sa paggawa

Galit ako sa kaibigan ko, nagsinungaling siya sa akin kaya sira na ang araw ko dahil sa kanya

Napakaboring naman sa klase! Wala akong natutuhan sa aralin dahil sa aming guro.
Pagsusuri

Basahin at sagutin ang mga tanong.

1. Narinig mo na ba ang mga katagang ito?

2. Tama nga kaya ang katuwiran na binanggit “ sira na ang araw ko dahil sa
ginawa ng kaibigan ko at wala akong natutuhan sa leksiyon dahil sa guro”?

3. Nangangahulugan ba ito na ang nangyayari sa isang tao ay kagagawan ng


kaniyang kapuwa?

4. Paano ba maipapakita ang tunay na pagtugon sa nagpapatunay na ito ay


tawag ng pagmamahal at paglilingkod o paggawa?

Pagpapalalim

Ayon kay Scheler, ang kalayaan ay kilos kung saan dumaraan ang isang tao
mula sa pagtataglay nito patungo sa pagiging isang uri ng taong ninais niyang
makamit. Ang kalayaang likas sa tao ay nauugnay sa pagpapahalaga na ninanais
niyang taglayin bilang tao. Kung paano ito ginagamit ay nagpapakita ng
pagpapahalaga ng isang tao at nagpapakilala ng uri ng kaniyang pagkatao. Makikita
ito sa dalawang uri ng kalayaan: ang malayang pagpili o horizontal freedom na kung
saan sa paliwanag ni Cruz (2012) ang malayang pagpili o horizontal freedom ay
tumutukoy sa kung ano ang tingin ng taong makabubuti sa kanya. Ang pangalawa
ay ang Fundamental option o vertical freedom. Sa pagpili ng pahahalagahan sa
horizontal freedom, naapektuhan nito ang unang pagpiling ginawa (antecedent
choice) na nakabatay sa vertical level o fundamental option na nakabatay sa uri o
istilo ng pamumuhay na pinili ng isang tao. Ang fundamental option ng pagmamahal
ayon kay Johann ay isang panloob na kalayaan. Halimbawa nito ang naging
sitwasiyon ni Viktor Frankl na bagama’t nakakulong sa bilangguan, ay malaya pa rin
dahil sa kanyang pagmamahal sa bayan at sa kapuwa. Ayon sa sariling salita ni
Viktor Frankl: Ang karanasan sa buhay-piitan ay nagpapakita na maaring
makapamili ang tao ng kilos na kaniyang nanaisin.

Pagpapatunay na ang tunay na kalayaan ay ang kakayahang tumugon sa


tawag ng pagmamahal at paglilingkod.
1. Ang kilos ng isang tao ay hindi isang robot o gadget na susunod o gagawa
kung ano ang nais sa gumagamit ng remote control.
2. Ang nasa kalooban mo ang pagpapakatao ang nagpapakilos sa iyo upang
tumugon sa tawag na magmahal ng kapuwa
3. Magiging responsable sa bawat galaw na laging iniisip ang kabutihan ng
nakararami bago ang pansariling kapakanan
4. Huwag ibaling ang pagsisisi sa iba ang mga pagkakamali ng iyong pasya
bagkus ay titingnan ang sariling pagkukulang

Tandaan na kakabit ng pananagutan ang kakayahan ng taong


tumugon sa obhektibong tawag ng pangangailangan. Ang kalayaan ay ang
katangian ng kilos-loob na itakda ng tao ang kaniyang kilos tungo sa kanyang
maaring hantungan at ang itakda ang paraan upang makamit ito. Ang paggawa ng
isang bagay na nais mong gawin o ang karapatang sabihin ang mga bagay na nais
mong sabihin kaakibat ang pananagutang kilos nito. Magiging responsable sa iyong
gagawin na tinitignan ang lampas sa kanyang sarili at huwag magkulong sa sariling
interes. Hindi tunay na malaya ang tao kapag hindi niya nakikita ang lampas sa
kaniyang sarili. Kung ang pagiging mapanagutan ay hindi nakapagbibigay sa akin ng
kakayahang ipaliwanag ang kilos ay hindi masisiguro na ang tao ay malaya.
Naisaaalang-alang ang kabutihang pansarili at kabutihang panlahat.

Ang tunay na diwa ng kalayaan ay ang pagsunod sa batas at


pagsabuhay sa mga aral nito. Kumilos ayon sa kabutihan hindi lamang sa saril kundi
para sa kabutihan ng ibang tao. Hindi magiging malaya ang tao kapag nalulong siya
sa mga gawaing nakakasira sa kaniyang sarili at pagkatao tulad ng maraming bisyo..
Paglalapat

Magbigay ng iyong tugon ukol sa mga sitwasyon na nasa kahon.

Pamatayan sa Pagmamarka
Nilalaman 5
Organisasyon 3
Wika 2
10

Sitwasyon Tugon

May matandang tumawid sa kalsada

May kapitbahay na humingi sa iyo ng


pagkain

Nasunog ang bahay ng iyong kaibigan

Nakita mo ang iyong kaibigan na


nagyoyose

Nakita mo ang bakuran ng iyong mg


kapitbahay na sobrang dumi
Gawain 2

Pumili ng isang negatibong katangiang taglay na nakahahadlang sa paggamit mo ng


tunay na kalayaan na kailangan mong baguhin sa iyong sarili, magtala ng paraang
gagawin upang mapagtagumpayan/malampasan ang negatibong katangiang taglay
na nakahahadlang sa paggamit ng tunay na kalayaan. Isulat ito sa isang buong
papel.

Krayterya sa pagmamarka Nakuha


Nilalaman ng output 25
Paglalahad/kasanayan 15
Kalinisan sa paggawa 10
Kabuuang puntos 50pts

Gawain 3

Sagutin ang sumusunod na gawain bilang pagsasabuhay. Punan ang hinihinging


datos.

Sitwasyon o pagkakataon na nagamit ang tunay na kalayaan


(Pagtugon sa tawag ng pagmamahal at paglilingkod)

Nilalaman 5
Organisasyon 3
Wika 2
10

Unang pagkakataon :
Ikalawang pagkakataon:

Ano ang iyong natutuhan mula sa gawain?

Pagpapayaman/
Pagninilay

Napag-alaman ko na .

Napagtanto ko na

Ang aking gagawin ay

PANGWAKAS NA PAGTATAYA

A. Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Lagyan ng T ang


patlang kung ito ay tama, at M naman kung ito ay mali.
1. Ang tunay na diwa ng kalayaan ay maging sentro sa kanyang buhay
ang makasariling interes.
2. Kailangang malaya ang tao mula sa makasariling interes,
pagmamataas, katamaran, kapritso at iba pa upang hindi magiging
hadlang ito sa pagtupad ng kilos na angkop sa tunay na paggamit ng
kalayaan.
3. Magiging malaya ang tao kapag inuuna ang kapakanan ng sarili bago
ang iba.
4. Ang pagtugon sa pangangailangan ng iyong kapuwa ay pagpapakita ng
pagmamahal at paglilingkod.
5. Ang kalayaan ay hindi lamang nangangahulugan ng pagkakaroon ng
kalayaang kumilos ayon sa kagustuhan kundi kumilos nang rasyonal o
naayon sa katwiran’

B. Sagutin ang sumusunod (10 puntos)

Pamatayan sa Pagmamarka

Nilalaman 5
Organisasyon 3
Wika 2
10
1. Ano ang tunay na diwa ng kalayaan at paano maiuugnay ang pagmamahal sa
paggawa ng tunay na kilos ng kalayaan?
Glossary
Diyos
Ang pinaka mataas na Bathala at Manlilikha ng sanlibutan pati ng
mga hayop.
Kabutihan
Pagiging mabuti
Kalayaan
Laya
Paglilingkod
Paggawa ng anuman para sa iba o kaugnay na tungkulin
SUSI SA PAGWAWASTO
MGA SANGGUNIAN

Mary Jean B. Brinzuela et.al, 2015, Edukasyon sa Pagpapakatao-Ikasampung


Baitang, Unang Edisyon, 5th Floor Mabini Bldg.,DepEd Complex Meralco Avenue,
Pasig City Philippines 1600

Division of Negros Oriental ESP DLP Initiated

Prepared by:

May-akda: Amancio M. Gainsan Jr., nakapagtapos ng Associate in


Information Technology at Bachelor in Secondary Education major in
Mathematics sa Negros Oriental State University-Siaton Campus.
CAR in Master of Arts in Mathematics teaching sa Negros Oriental
State University-Main Campus. Siaton 3 District ESP Subject
Specialist and kasalukuyang nagtuturo sa Maloh Provincial Community High School.

Illustrator: EDYL KRIS B. RAGAY


Teacher III (DepEd) – Maloh Provincial Community High School

Bachelor of Science in Computer Engineering (2009) – Asian


College of Science and Technology-Dumaguete City
Continuing Professional Education; major in Mathematics (2013)
– Colegio de San Francisco Javier – Rizal, Zamboanga del Norte
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Schools Division of Negros Oriental Kagawasan, Avenue, Daro, Dum
Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117
Email Address: Website: lrmds.depednodis.net

You might also like