You are on page 1of 36

DAILY Paaralan SIFAYAB NATIONAL HIGH S\CHOOL Baitang/ Antas 10

LESSON
Guro LEA E. ROSAL Asignatura Edukasyon sa Pagpapakatao
LOG Petsa/Oras Markahan Una
(Pang-araw-araw na
Tala sa Pagtuturo)

I. Layunin

A. Pamantayang Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa tunay na gamit ng kalayaan.


Pangnilalaman

B. Pamantayan sa Pagganap Nakagagawa ang mag-aaral ng angkop na kilos upang maisabuhay ang paggamit ng tunay na kalayaan;
tumugon sa tawag ng pagmamahal at paglilingkod.

C. Mga kasanayan sa Pagkatuto. 1. Nasusuri ang sariling pakahulugan ng kalayaan.


Isulat ang code ng bawat 2. Natutukoy ang mga pasya at kilos na tumutugon sa tunay na gamit ng kalayaan.
kasanayan 3. Naipakikita at naisasagawa ang wastong pagpili ng mga angkop na kilos o pagpapasya na
tumutugon sa tunay na kalayaan.
EsP10MP-If-4.1

II. Nilalaman Modyul 4 : Ang Mapanagutang Paggamit ng Kalayaan


A. Sanggunian

1. Mga pahina sa Gabay ng Gabay sa Edukasyon sa Pagpapakatao 10 TG p. 39-42


Guro

2. Mga Pahina sa Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 10 LM p. 65-69


Kagamitang Pang-Mag-
aaral
3. Mga pahina sa Teksbuk

1
4. Karagdagang Kagamitan
mula sa portal ng Learning
Resource

B. Iba pang Kagamitang colored paper, Manila paper, pentel pen, laptop, PowerPoint presentation, LCD projector
Panturo
III. Pamamaraan

A. Balik-Aral sa nakaraang A. Ano ang nagiging basehan ng iyong kilos sa mga sitwasyong hindi gaanong mabuti?
aralin at pagsisimula ng B. Sagutan ang Paunang Pagtataya sa pahina 66-68 ng LM. (Gawin sa loob ng 5 minuto)
bagong aralin. (Reflective Approach)

Paunang Pagtataya
1. Ano ang itinuturing na kakambal ng kalayaan?
a. Kilos-loob b. Konsensya c. Pagmamahal d. Responsibilidad
2. Ang pinakamalaking hadlang sa kalayaan ay hindi ang nagmumula sa labas ng tao kundi ang
nagmumula mismo sa loob ng tao. Ano ang nais ipakahulugan nito?
a. Ang kalayaan ay matatagpuan sa sarili.
b. Nakahahadlang ang kapwa sa pagkamit ng kalayaan.
c. Niloob ng tao ang antas ng kanyang pagiging malaya.
d. Ang hadlang sa pagiging malaya ay ang sarili niyang pag-uugali.
3. Bakit may kakayahan ang taong kumilos ayon sa sariling kagustuhan at ayon sa pagdidesisyon kung ano
ang gagawin?
a. Dahil ang tao ay may malayang kilos-loob.
b. May likas na batas moral na gumagabay sa kanya.
c. May kakayahan ang taong gamitin ang kanyang konsensya.
d. Sapagkat ang tao ay may kakayahang pag-isipan ang mga ito.

2
4. Alin sa sitwasyon ang nagpapakita ng tunay na kalayaan?
a. Nagagawa ni Connie ang mamasyal anumang oras niya gustuhin.
b. Inamin ni Lala ang kanyang pagkakamali at humingi ng paumanhin sa ginawa.
c. Hindi mahiyain si Greg kaya nasasabi niya ang gusto niyang sabihin sa isang tao.
d. Kahit pagod na galing sa trabaho, sinamahan pa rin ni Jake ang kapitbahay na isinugod sa ospital.

5. Ang responsibilidad ay ang kakayahang tumugon sa tawag ng pangangailangan ayon sa


sitwasyon. Ang pahayag ay:
a. Tama, dahil ang tunay na responsableng kalayaan ay ang pagtulong sa kapwa.
b. Tama, dahil may kakayahan ang taong magbigay paliwanag sa kilos na ginawa.
c. Mali, dahil ang responsibilidad ay palaging kakambal ng kalayaang ginagamit ng tao.
d. Mali, dahil ang responsibilidad ay ang pagtanggap sa kahihinatnan ng kilos na ginawa.

“Higit na nagiging malaya ang tao kapag ginagawa niya ang mabuti. Walang tunay na
kalayaan kundi sa pagmamahal at paglilingkod.”

6. Ano ang mensahe nito?


a. Ang kalayaan ay ang paggawa ng mabuti.
b. Ang pagiging malaya ay nakabatay sa kilos ng tao.
c. Makabubuti sa bawat tao ang pagkamit ng kalayaan.
d. Ikaw ay malaya kapag naipakita ang pagmamahal at paglilingkod.
7. Ano ang tinutukoy na mabuti?
a. Ang pagkakaroon ng kalayaan.
b. Ang pagmamahal at paglilingkod sa kapwa.
c. Ang kakayahan ng taong pumili ng mabuti.
d. Ang magamit ang kalayaan sa tama at ayon sa inaasahan.

3
8. Bakit kailangang lumaya ang tao mula sa makasariling interes, pagmamataas, katamaran at iba pang
negatibong pag-uugali?
a. Nakasentro lamang siya sa kanyang sarili kaya hindi makakamit ang kalayaan.
b. Magkakaroon ng kabuluhan ang buhay kung walang ganitong katangian.
c. Nag-iiwan ito ng hindi magandang imahe sa pagkatao ng tao.
d. Nilalayuan ng ibang tao ang may ganitong mga pag-uugali.
9. Para saan ang pagkakaroon ng kalayaan ng tao?
a. Dahil kailangang malinang ang pagkatao ng tao sa pamamagitan nito upang matamo ang layunin
ng kanyang buhay sa mundo.
b. Para maging malaya ang tao sa pansariling kahinaan at maging malayang tumugon sa
pangangailangan ng sitwasyon.
c. Para maging masaya ang tao sa buhay niya dahil nagagawa niya ang kanyang nais na walang
nakahahadlang dito.
d. Mahalaga ito upang malinang ang kakayahan ng taong piliin ang mabuti kaya ibinigay sa kanya
ang kalayaan.
10. Hindi mo maunawaan ang leksiyon ng inyong guro at nakababagot sa pakiramdam kaya nawalan ka
ng interes na makinig sa kanya. Dahil dito, wala kang natutuhan sa itinuro niya, sinisi mo ang iyong
guro. Sang-ayon ka ba sa kanya?
a. Sang-ayon, dahil responsibilidad ng guro ang maipaunawa sa mga mag-aaral ang leksiyon.
b. Sang-ayon, dahil kailangang mapaganda ang leksiyon para hindi nakababagot sa mag- aaral.
c. Di sang-ayon, dahil may pananagutan ang tao sa kanyang kilos.
d. Di sang-ayon, dahil may kakayahan kang piliin ang iyong kilos.

B. Paghahabi sa layunin ng A. Gamit ang objective board, babasahin ng guro ang mga layunin ng aralin.
aralin at pagganyak
1. Nasusuri ang sariling pakahulugan ng kalayaan.
2. Natutukoy ang mga pasya at kilos na tumutugon sa tunay na gamit ng kalayaan.
3. Naisasagawa ang mga angkop na kilos na tumutugon sa tunay na kalayaan.

4
B. Balikan ang mga kaisipan at konseptong natanim sa iyo tungkol sa kahulugan ng kalayaan. Gamit ang
gabay na pormat ng word web sa pahina 68 ng modyul, isulat ang iyong mga sagot. (Gawin sa loob
ng 5 minuto) (Reflective/Integrative Approach)

KALAYAAN

C. Pag-uugnay ng mga Magkaroon ng maikling talakayan sa mga sagot ng mag-aaral. (Gawin sa loob ng 10 minuto)
halimbawa sa bagong (Collaborative Approach)
aralin a. Ano-ano ang mga pakinabang na natatamasa mo dahil ikaw ay nilikhang malaya?
b. Ano-ano ang mga nagiging hadlang sa paggamit mo ng kalayaan?
c. Ano-ano ang mga tungkulin mo dahil ikaw ay malaya?

D. Pagtalakay ng bagong Balikan ang iyong mga sagot sa naunang gawain at tukuyin kung alin ang tama at maling pananaw tungkol sa
konsepto at paglalahad ng tunay na kahulugan ng kalayaan. (Gawin sa loob ng 3 minuto) (Reflective Approach)
bagong kasanayan #1

E. Pagtalakay ng bagong Magbahagi ang ilang mag-aaral ng kanilang sariling pananaw ukol sa tunay na kahulugan ng kalayaan.
konsepto at paglalahad ng (Gawin sa loob ng 7 minuto) (Reflective Approach)
bagong kasanayan #2

5
F. Paglinang sa Kabihasahan
(Tungo sa Formative Gamit ang tsart sa ibaba, punan ang kolum ng kinakailangang datus. (Gawin sa loob ng 10)
Assessment) (Constructivist Approach)

Tamang Pananaw tungkol sa Kalayaan Maling Pananaw tungkol sa Kalayaan

1.

2.

3.

G. Paglalapat sa aralin sa pang- Sa iyong notbuk, isulat ang sagot sa tanong sa ibaba. (Gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective
araw-araw na buhay Approach)

Alin sa iyong mga kilos o gawi ang nagpapakita ng tunay na kalayaan? Pangatuwiranan.

H. Paglalahat sa aralin Ang tunay na kalayaan ay ang kakayahan ng taong pumili at gumawa ng desisyon kung saan
tumutugon sa kabutihan di lamang ng sarili ngunit maging ng kapwa. Ito ay pagpiling gawin ang mabuti sa
kahit anumang sitwasyong kinasusuungan.

I. Pagtataya ng Aralin Basahing mabuti ang mga sitwasyon. Piliin kung alin ang tama. Kung ang pahayag ay mali, salungguhitan
ang bahaging nagpamali at isulat sa tapat nito ang nararapat na kasagutan. (Gawin sa loob ng 10
minuto) (Integrative Approach)

1. Dahil ako ay may kalayaan, maaari akong umuwi sa aming bahay kahit anong
oras ko gusto.

6
2. Sa aking mga libreng oras, maaari ko itong gamitin kasama ng aking mga
kaibigan kung may permiso ng aking mga magulang.
3. Ginagawa ko pa rin ang pumasok at sinisikap na makinig sa guro upang matuto
kahit na hindi ko gusto ang kanyang paraan.
4. Kapag wala ang aking mga magulang sa aming tahanan, ipinagagawa ko ang
lahat ng ayaw kong gawain sa aking nakababatang kapatid.
5. Dahil galit ako sa aking kaibigang nagkasala sa akin, hinding-hindi ako
gagawa ng unang hakbang upang kami ay magkabati.

J. Karagdagang gawain para sa Sa isang buong papel, sumulat ng isang sanaysay na binubuo ng 10 o higit pang pangungusap tungkol sa
takdang-aralin at iyong mga kilos at pagpapasyang nagpapakita ng maling pananaw tungkol sa kalayaan at kung ano ang
remediation nararapat mong gawin upang maitama ang mga ito.
IV. MgaTala
V. Pagninilay

A. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa
pagtataya.

B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba
pang gawain para sa
remediation

C. Nakatulong ba ang
remedial? Bilang ng mag-
aaral na nakaunawa sa
aralin?

7
D. Bilang ng mga mag-aaral
na magpapatuloy sa
remediation?

E. Alin sa mga istratehiyang


pagtuturo ang nakatulong
nang lubos? Paano ito
nakatulong?

F. Anong suliranin ang aking


naranasang solusyunan sa
tulong ng aking punong- guro
at superbisor?

G. Anong kagamitang panturo


ang aking nadibuhong nais
kong ibahagi sa mga kapwa
ko guro?

Prepared by: Checked by: Reviewed by:

LEA E. ROSAL RANIE MAE V. PIÑERO GINA O. REGAÑON EdD


SST III/Subject Teacher - ESP SST- III/Coordinator – ESP Principal II

8
DAILY LESSON LOG Paaralan SICAYAB NATIONAL HIGH SCHOOL Baitang/ Antas 10
(Pang-araw-araw Guro LEA E . ROSAL Asignatura Edukasyon sa Pagpapakatao
na Tala sa Petsa/Oras Markahan Una
Pagtuturo)

I. Layunin

A. Pamantayang Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa tunay na gamit ng kalayaan.


Pangnilalaman

B. Pamantayan sa Pagganap Nakagagawa ang mag-aaral ng angkop na kilos upang maisabuhay ang paggamit ng tunay na kalayaan;
tumugon sa tawag ng pagmamahal at paglilingkod.

C. Mga kasanayan sa Pagkatuto. 1. Nasusuri ang tunay na kahulugan ng kalayaan.


Isulat ang code ng bawat 2. Nakapagbibigay ng kahulugan ng tunay na kalayaan.
kasanayan 3. Napagninilayan na ang tunay na kalayaan ay may kaakibat na pananagutan.
EsP10MP -If-4.2

II. Nilalaman Modyul 4: Ang Mapanagutang Paggamit ng Kalayaan


A. Sanggunian

1. Mga pahina sa Gabay ng Gabay sa Edukasyon sa Pagpapakatao 10 TG p. 43-44


Guro

2. Mga Pahina sa Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 10 LM p. 70-71


Kagamitang Pang-Mag-
aaral

3. Mga pahina sa Teksbuk

9
4. Karagdagang Kagamitan
mula sa portal ng Learning
Resource

B. Iba pang Kagamitang Manila paper, pentel pen, colored paper, metastrips, gamit pangguhit, laptop, PowerPoint
Panturo presentation, LCD projector
III. Pamamaraan

A. Balik-Aral sa nakaraang Magbigay ng 3 kilos at pagpapasyang nagpapakita ng tunay na kalayaan. (Gawin sa loob 3
aralin at pagsisimula ng minuto) (Reflective Approach)
bagong aralin.

B. Paghahabi sa layunin ng A. Gamit ang objective board, babasahin ng guro ang mga layunin ng aralin.
aralin at pagganyak 1. Nasusuri ang tunay na kahulugan ng kalayaan.
2. Nakapagbibigay ng kahulugan ng tunay na kalayaan.
3. Napagninilayan na ang tunay na kalayaan ay may kaakibat na pananagutan.
B. Ipagpalagay na ikaw ay binigyan ng libreng limang oras upang gawin ang iyong gustong gawin, saan at
paano mo ito gugugulin. Isulat ang sagot sa metastrip at idikit sa pisara ang sagot. (Gawin
sa loob ng 5 minuto) (Reflective Approach)

C. Pag-uugnay ng mga Magkaroon ng maikling talakayan sa mga sagot ng mga mag-aaral. (Gawin sa loob ng 7 minuto)
halimbawa sa bagong (Reflective Approach)
aralin a. Ano ang resulta ng gawain?
b. Bakit ito ang naisip mong gawin sa libreng oras na ibibigay sa iyo?

D. Pagtalakay ng bagong Mula sa naunang gawain, ano ang mensaheng nakuha mo tungkol sa kalayaan sa naging sagot mo at ng
konsepto at paglalahad ng iyong mga kamag-aral sa gawaing ito? (Gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective
bagong kasanayan #1 Approach)

10
E. Pagtalakay ng bagong Pangkatin ang mga mag-aaral base sa bilang ng kategorya na nabuo mula sa mga ibinigay na sagot sa
konsepto at paglalahad ng naunang gawain (pag-aaral, kaibigan, kasiyahan, gadget, sarili, pamilya, bayan, pagtulong sa kapwa).
bagong kasanayan #2
Bawat pangkat ay guguhit ng isang larawan ng batang kumakatawan sa sarili. Idikit ang metastrip na
nakapaloob sa katergoryang magiging anyong tulay gamit ang Manila paper. Sa kanang dulo ng tulay ay
isusulat ang inaasahang makakamit pagkatapos gawin ang mga gawaing nakatala.
Humandang ibahagi ang ginawa sa klase. (Gawin sa loob ng 15 minuto) (Collaborative
Approach)

Halimbawa:

http://www.slideshare.net/daniholic/esp-grade-10-learners-module

11
Ang bawat grupo ay mag-uulat ng resulta ng gawain sa klase.

F. Paglinang sa Kabihasahan Magkaroon ng maikling talakayan. (Gawin sa loob ng 10 minuto) (Reflective Approach)
(Tungo sa Formative a. Kung ang gawaing pinili mo ay ipagpapalagay na kumakatawan sa tulay na iyong tatahakin o
Assessment) tinatahak, ano ang katangian ng tulay na iyong itinatayo?
b. Saan ito patungo?
c. Kontento ba kayo sa pinatunguhan ng tulay na inyong nabuo? Kung oo, hanggang kailan ang
kasiyanhang dulot ng resultang inyong nabuo?
d. Nagamit mo ba nang tama ang kalayaang mayroon ka?
e. Alin sa mga kategorya ang nagpapakita ng tunay na kalayaan? Bakit?

G. Paglalapat sa aralin sa pang- Sagutin ang tanong:


araw-araw na buhay Bilang isang kabataan, ano ang kahalagahan sa iyong buhay ng kalayaan? Ipaliwanag. (Reflective
Approach) (Gawin sa loob ng 5 minuto)

H. Paglalahat sa aralin Sa bawat pagpili na gagawin, kinakailangang isaalang-alang hindi lamang ang sariling
kagustuhan kundi maging ang kapakanan ng mga taong maaaring maapektuhan ng ating mga desisyon.
Hindi dahil tayo ay malaya, maaari na nating gawin ang kahit anong naisin natin. Ang tunay na kalayaan
ay ang pagkakaroon din ng pananagutan sa ating bawat kilos-loob.

I. Pagtataya ng Aralin Basahin ang sitwasyon sa ibaba at suriin kung ito ay nagpapakita ng tunay na kalayaan. Ipaliwanag ang iyong
sagot.

Si Clara ay isang kabataang masayahin at palakaibigan. Dahil marami siyang kaibigan, madalas siyang
mamasyal at makipagkuwentuhan sa kanila anumang oras niya gustuhin. (Gawin sa loob ng 5 minuto)
(Reflective Approach)
Kraytirya:
Nilalaman – 40%
Kaugnayan sa Paksa – 40%

12
Paggamit ng wastong salita - 20%

J. Karagdagang gawain para sa Basahin at unawain ang “Ang Mapanagutang Paggamit ng Kalayaan” sa pahina 71-77 ng modyul. Isulat sa
takdang-aralin at iyong notbuk ang mensahe nito sa iyo bilang isang kabataan. Humanda sa pagbabahagi sa klase.
remediation
IV. MgaTala
V. Pagninilay

A. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa
pagtataya.

B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba
pang gawain para sa
remediation

C. Nakatulong ba ang
remedial? Bilang ng mag-
aaral na nakaunawa sa
aralin?

D. Bilang ng mga mag-aaral


na magpapatuloy sa
remediation?

E. Alin sa mga istratehiyang


pagtuturo ang nakatulong

13
nang lubos? Paano ito
nakatulong?

F. Anong suliranin ang aking


naranasang solusyunan sa
tulong ng aking punong-
guro at
superbisor?

G. Anong kagamitang panturo


ang aking nadibuhong nais
kong ibahagi sa mga kapwa
ko guro?

Prepared by: Checked by: Reviewed by:

LEA E. ROSAL RANIE MAE V. PIÑERO GINA O. REGAÑON EdD


SST III/Subject Teacher - ESP SST- III/Coordinator – ESP Principal II

14
DAILY LESSON LOG Paaralan SICAYAB NATIONAL HIGH SCHOOL Baitang/ Antas 10
(Pang-araw-araw na Guro LEA E. ROSAL Asignatura Edukasyon sa Pagpapakatao
Tala sa Pagtuturo Petsa/Oras Markahan Una

I. Layunin

A. Pamantayang Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa tunay na gamit ng kalayaan.


Pangnilalaman
Nakagagawa ang mag-aaral ng angkop na kilos upang maisabuhay ang paggamit ng tunay na kalayaan;
B. Pamantayan sa
tumugon sa tawag ng pagmamahal at paglilingkod.
Pagganap

C. Mga kasanayan sa 1. Naipaliliwanag na ang tunay na kahulugan ng kalayaan ay ang kakayahang tumugon sa tawag ng
Pagkatuto. Isulat ang code pagmamahal at paglilingkod.
ng bawat kasanayan 2. Nakapagbabahagi ng iba’t ibang konsepto hinggil sa usapin ng kalayaan at pananagutan.
3. Naipakikita ang kahalagahan ng pagpili ng tamang kilos-loob sa lahat ng pagkakataon.
EsP10MP -Ig-4.3

II. Nilalaman Modyul 4: Ang Mapanagutang Paggamit n g Kalayaan


A. Sanggunian

1. Mga pahina sa Gabay ng Gabay sa Edukasyon sa Pagpapakatao 10 TG p. 44-47


Guro

2. Mga Pahina sa Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 10 LM p. 71-78


Kagamitang Pang-Mag-

15
aaral
3. Mga pahina sa Teksbuk

4. Karagdagang Kagamitan
mula sa portal ng
Learning Resource

B. Iba pang Kagamitang Manila paper, colored paper, metastrips, voice recorder, speaker, worksheets,
Panturo PowerPoint presentation, LCD projector
III.Pamamaraan

A. Balik-Aral sa nakaraang Magbigay ng 3 salitang iyong natandaan mula sa nakaraang aralin at ipaliwanag ang kaugnayan nito sa
aralin at pagsisimula ng tunay na kahulugan ng kalayaan. (Gawin sa loob ng 3 minuto) (Reflective Approach)
bagong aralin.

B. Paghahabi sa layunin ng A. Gamit ang objective board, babasahin ng guro ang mga layunin ng aralin.
aralin at pagganyak 1. Naipaliliwanag na ang tunay na kahulugan ng kalayaan ay ang kakayahang tumugon sa tawag ng
pagmamahal at paglilingkod.
2. Nakapagbabahagi ng iba’t ibang konsepto hinggil sa usapin ng kalayaan at pananagutan.
3. Naipakikita ang kahalagahan ng pagpili ng tamang kilos-loob sa lahat ng pagkakataon.

B. Basahin ang mga nakatala sa Conversation Bubbles gamit ang PowerPoint presentation at piliin
mula sa mga metastrips ang tugon ayon sa kung sino ang may pananagutan. (Gawin sa loob ng 5
minuto) (Reflective Approach)

HINDI AKO AKO ANG MAY


KASALANAN NIYA
PANANAGUTA
N

16
1.
Napaka-boring naman sa
klase! Wala akong natutuhan sa
aralin dahil sa aming guro.”

Galit ako sa kaibigan ko.


2.
Nagsinungaling siya sa akin
kaya nasira na ang araw ko

Hindi ako nakapag-aral,


maaari bang pakopyahin mo
3.
ako ng iyong assignment?

C. Pag-uugnay ng mga Magkaroon ng maikling talakayan at pag-usapan ang mga kasagutan sa mga tanong. (Gawin sa loob ng
halimbawa sa bagong 5 minuto) (Reflective Approach)
aralin 1. Ano ang ipinakikita ng mga tugon sa bawat sitwasyon?

17
2. Paano nito sinasalamin ang mapanagutang paggamit ng kalayaan?

D. Pagtalakay ng bagong Pangkatin ang klase sa apat na grupo. Iparinig sa kanila ang sanaysay mula sa pahina 71-77 ng modyul
konsepto at paglalahad ng gamit ang isang voice recorder na hinati sa apat na serye. Bigyan ang bawat pangkat ng panahon upang
bagong kasanayan #1 talakayin ang mga napakinggan. Gamit ang metastrips, ilagay sa pisara ang mga nabuong konsepto.
Humandang ibahagi sa klase ng napiling mag-uulat ang natapos na gawain. (Gawin sa loob ng 10
minuto) (Collaborative/Reflective/Integrative Approach)

Pangkat 1- Unang Serye: Mapanagutang Paggamit ng Kalayaan Pangkat 2 -


Ikalawang Serye: Pakahulugan sa Kalayaan at Pananagutan Pangkat 3 - Ikatlong
Serye: Aspekto ng Kalayaan
Pangkat 4 - Ikaapat na Serye: Uri ng Kalayaan

Unang Serye: Mapanagutang Paggamit ng Kalayaan


Narinig mo na ba ang mga katagang ito? O di kaya nasambit mo na rin ang mga ito? Tama nga kaya
ang mga katuwirang binanggit – “Sira na ang araw ko dahil sa ginawa ng kaibigan at nakababagot ang klase,
wala akong natutuhan sa leksiyon dahil sa guro?” Nangangahulugan ba ito na ang nangyayari sa isang tao ay
kagagawan ng kanyang kapwa? Para bang ibinibigay mo ang remote control ng iyong buhay sa ibang tao at
sinabing: “Heto, palitan mo ang aking damdamin at kilos kung kailan mo gusto.” (John Bytheway sa kanyang
aklat na “What I Wish I’d Known in High School.”)
Noong nasa Baitang 7 ka, naipaliwanag sa iyo na ang tao ay may taglay na kalayaan mula pa sa kanyang
kapanganakan. Ayon nga sa kahulugang ibinigay ni Santo Tomas de Aquino, “ang kalayaan ay katangian ng
kilos-loob na itakda ng tao ang kanyang kilos tungo sa maaari niyang hantungan at itakda ang paraan upang
makamit ito.” Ibig sabihin, ang tao ang nagtatakda ng kanyang kilos para sa kanyang sarili. Walang anumang
puwersa sa labas ng tao ang maaaring magtakda nito para sa kaniya. Nangangahulugan lamang na ang remote
control ng kanyang buhay ay hawak ng sarili niyang mga kamay, siya ang pumipili ng estasyon ng gawain na
kanyang nais
gawin, sapagkat ang kapangyarihan ng kilos-loob ay hindi maaaring ibigay sa iba. Kaya nga, kung

18
sakaling nagalit ka at nasira ang araw mo, iyon ay dahil pinili mong magpaapekto at masira ang araw mo.
Gayundin kung wala kang natutuhan sa leksiyon, may paraan na puwede mong gawin upang maunawaan ang
inyong aralin. Ito ay dahil may kakayahan ang taong isipin kung ano ang nararanasan niya sapagkat mayroon
siyang kamalayan. Dahil sa pagiging malaya, may kakayahan ang taong piliin kung paano siya kikilos o
tutugon sa nararanasan. Maaari mong piliing magalit at masira ang iyong araw dahil sa kilos ng isang
kaibigan o kaya’y unawain ang kanyang kalagayan, patawarin siya at manatiling maayos ang inyong
ugnayan. Maaari mong piliin ang mabagot at walang matutuhan sa leksiyon o kaya’y humingi ng tulong sa
guro sa bagay na hindi naunawaan at magkaroon ng pokus upang maunawaan ito. May kakayahan ang taong
magtimpi at may dahilan siya upang gawin ito. “
Bagama’t may kalayaan ang taong piliin at gawin ang isang kilos, hindi sakop ng kalayaang ito ang
piliin ang kahihinatnan ng kilos na pinili niyang gawin. Binigyang-linaw ito sa talakayan sa EsP sa Baitang 7.
Palaging may pananagutan ang tao sa kahihinatnan ng kanyang piniling kilos.

Ikalawang Serye: Pakahulugan sa Kalayaan at Pananagutan


Ano kung gayon ang kalayaan? Ano ang kaugnayan nito sa iba pang pakultad ng tao? May
kaugnayan kaya ito sa pagpapakatao ng tao? Naririto ang paliwanag ni Johann tungkol sa tunay na kalayaan.
Ang salitang kalayaan ay karaniwang gumigising sa puso ng bawat tao. Ipinaglalaban ng bawat tao
ang kanyang karapatang mabuhay at magpasya ayon sa kanyang nais, sa pangangatuwirang walang panlabas
na hadlang na sisirain sa paggawa niya nito. Ito ang madalas na iniisip ng tao tungkol sa kalayaan – ang
paggawa ng isang bagay na nais niyang gawin o ang karapatang sabihin ang anumang bagay na nais niyang
sabihin. Karaniwang sa pag-asam at pagsisikap na makamit ang kalayaan, nakaliligtaan ang mahalagang
hakbang sa pagkamit nito.
Karaniwang tinitingnan ang kalayaan bilang kawalan ng panlabas na hadlang sa pagkamit ng ninanais ng tao.
Bibihirang kinikilala na ang pinakamalaking hadlang sa kalayaan ay hindi ang nagmumula sa labas kundi ang
nagmumula mismo sa loob ng tao. Ito ay hiwalay sa ginagawa o kilos ng iba kaya’t kailangan ng tao ng
“higit” pa sa malayang kilos-loob upang maging malaya. Ang tinutukoy na “higit” ay makikita kung titingnan
ang kalayaan sa aspektong mayroon itong kakambal

19
na responsibilidad o sa madaling sabi, ang kalayaan ay may kasunod na responsibilidad.

Narito ang paliwanag ni Johann sa dalawang pakahulugan sa pananagutan na nakaaapekto sa ideya ng


kalayaan.
1. Simulan natin sa pagsasabing ang malayang kilos ay kilos na “mananagot ako.” Ito ay kilos na nagmula sa
akin. Sa puntong ito, ang kalayaan ay nakakabit sa aking sarili (sa pagiging ako), sa aking kakayahang
kumilos, sa aking sariling kagustuhan, sa pagsasabi ng oo o hindi sa mga nakapalibot sa akin, sa
pagpapasya ko kung ano ang aking gagawin. Ito ang kalayaang kaugnay ng malayang kilos-loob at
mayroon ako nito dahil ako ay tao, likas ito sa akin. Sapagkat ang tao ay tao, siya ang pinagmumulan ng
kanyang kilos. Kaya may pananagutan siya sa kalalabasan ng kanyang ginawa. Nangangahulugan itong
kailangan niyang harapin ang kahihinatnan ng kanyang ginawa. Halimbawa, maaaring bumagsak ang
marka ng isang mag-aaral na hindi pumapasok sa klase. Hindi niya maiiwasang harapin ang resulta ng
pagliban niyang ito. Ang tao ay karaniwang pinananagot sa paggawa ng isang bagay na hindi niya
mabigyan ng mapangangatuwiranang dahilan (justifiable reason). Siya ay dapat managot (be
accountable) sa mga kilos na ito.
2. Subalit, bagama’t ako ay responsable sa aking ginawa, hindi ito nangangahulugan na ang kilos ko ay
mapanagutang kilos. Bilang tao, ako ay responsable sa aking mga kilos, subalit hindi ito
nangangahulugang ako ay isang responsableng tao. Ang responsibilidad sa sukdulang kahulugan nito ay
hindi lamang pananagutan kundi ito ay kakayahan o abilidad na magbigay paliwanag (give account).
Ibig sabihin, may kakayahan akong bigyang dahilan kung bakit kailangan kong gawin ang aking kilos
ayon sa hinihingi ng pagkakataon o sitwasyon. Ibig sabihin, kakabit ng pananagutan ang kakayahan ng
taong tumugon sa obhektibong tawag ng pangangailangan ng sitwasyon. Ang responsableng tao kung
gayon ay ang taong tinutuon ang kanyang kilos bilang tugon sa obhektibong tawag ng pangangailangan.
Kaya nga kapag isinaalang-alang niya ang mga salik sa konteksto ng sitwasyon bago ang pagsasagawa
ng kanyang kilos, may pagsisikap siyang tumugon ayon sa mga salik na ito at hindi ang
pagpapairal ng sariling kagustuhan; kaya hindi siya mahihirapang ipaliwanag at bigyang- katuwiran
ang kanyang ginawang kilos.

20
Kung ang pagiging mapanagutan ay hindi makapagbibigay sa akin ng kakayahang ipaliwanag ang
aking kilos, gayundin ang pagkakaroon ng malayang kilos-loob, hindi masisigurong ako ay totoong malaya.
Ang kalayaan ay hindi lamang nangangahulugan ng pagkakaroon ng kakayahang kumilos ayon sa aking
kagustuhan, ang pagiging malaya ay nangangahulugang mayroon akong kakayahang kumilos nang rasyonal
o naaayon sa katuwiran. Kaugnay ng tunay na kalayaan, ang malayang kilos-loob ay paraan lamang upang
makamit ito, sapagkat ang makatuwirang kilos ay humihingi ng pagiging malaya sa pagiging makasarili
(egoism).
Ang kakayahang kumilos nang may katuwiran ay nangangailangan o humihingi ng pagpapalit ng
pokus sa buhay. Ang pokus na ito ay ang pagpapahalaga sa kapwa at paglalagay sa kanila na una bago ang
sarili; ang tumugon sa kung ano ang kailangan ng sitwasyon kaysa sa magpaalipin sa sariling pagnanais at
kapritso.
Sinang-ayunan ito ni Lipio (2004) sa kanyang paliwanag na ang tunay na kalayaan ay hindi sariling
kalayaan ng tao na hiwalay sa sambayanan kundi isang kalayaang kabahagi ang kanyang kapwa sa
sambayanan. Dahil nabubuhay ang tao sa isang sambayanan, ginagamit ang kalayaan sa pakikipagkapwa-
tao sapagkat ang tunay na kalayaan ay ang pagpapahalaga sa kapwa: ang magmahal at maglingkod.

Ikatlong Serye: Aspekto ng Kalayaan


Mula sa mga naunang paliwanag, makikitang may dalawang aspekto ng kalayaan: ang kalayaan
mula sa (freedom from) at kalayaan para sa (freedom for).
1. Kalayaan mula sa (freedom from). Karaniwang binibigyang katuturan ang kalayaan bilang kawalan ng
hadlang sa labas ng tao sa pagkamit ng kanyang ninanais. Sa ganitong pag-unawa ng kalayaan,
masasabing malaya ang tao kapag walang nakahahadlang sa kaniya upang kumilos o gumawa ng mga
bagay-bagay. Subalit kailangang kilalanin na ang tunay na nakahahadlang sa kalayaan ng tao ay hindi ang
nagaganap sa labas niya o sa kanyang paligid kundi ang nagmumula sa kanyang loob. Ang nagaganap sa
labas ng kanyang sarili ay pangyayaring wala siyang kontrol at wala siyang kalayaan upang pigilan ito.
Samantalang ang
nagaganap sa loob ng tao ay kaya niyang pigilin at pamahalaan upang maging ganap siyang malaya. Ano
kung gayon ang nakahahadlang sa kalayaan mula sa loob ng tao? Ito ay ang mga

21
negatibong katangian at pag-uugaling ipinaiiral ng tao kaya’t kahit mayroon siyang kilos-loob, pumipigil
ito sa kaniya sa pagkamit at paggamit ng tunay na diwa ng kalayaan. Kailangang maging malaya ang tao
mula sa makasariling interes, pagmamataas, katamaran, kapritso at iba pang nagiging hadlang upang
magawa niya ang ikalawang uri ng kalayaan.
2. Kalayaan para sa (freedom for). Ang tunay na kalayaan ayon kay Johann ay ang makita ang kapwa at
mailagay siyang una bago ang sarili. Kung malaya ang tao mula sa pagiging makasarili at maiwasang
gawing sentro ng kanyang buhay ang kanyang sarili lamang, magkakaroon ng puwang ang kanyang kapwa
sa buhay niya. Gagamitin niya ang kanyang kalayaan para tumugon sa hinihingi ng sitwasyon at
pagkakataon. Ito ang diwa ng pagmamahal sa kapwa. Samakatuwid, kailangang maging malaya ang tao
mula sa mga pansariling hadlang upang maging malaya siya para sa pagtugon sa pangangailangan ng
kanyang kapwa - ang magmahal at maglingkod.
Narito ang halimbawa ng paliwanag tungkol sa dalawang aspekto ng kalayaan:
Isang matanda ang nakatayo sa kanto at naghihintay ng tutulong sa kaniya upang
makatawid. Maaari ko siyang tulungang tumawid o kaya’y huwag pansinin. Ngunit mayroon siyang
pangangailangang nagsusumiksik sa aking kamalayan at humihimok sa akin na siya’y tulungan.
Hindi ko siya tinutulungan para pasalamatan niya ako o kaya’y sa magandang pakiramdam na nagmumula sa
pagtulong sa kapwa. Bagkus nakikita ko ang kanyang pangangailangan at kung hindi ko ito papansinin ay
alam kong hindi ako karapat-dapat bilang ako. Ngunit hindi ko rin makikita ang kanyang pangangailangan at
hindi ako makatutugon kung sarili ko lang ang iniintindi ko. Kung paiiralin ko ang aking katamaran hindi ko
nanaising gambalain ako ng iba.
Ang nasa kalooban kong pagpapakatao ang nagpapakilos sa akin upang tumugon sa tawag na
magmahal ng kapwa. Sa pagtugon ko ng “oo” rito, inakay ko at tinutulungang tumawid ang matanda sa
kalsada. Sa pagtulong sa kaniya, ipinakikita ko ang aking pananagutan sa kaniya, lumalaya at naliligtas ako
mula sa aking makasariling mga interes, pagmamataas, katamaran at iba pang hindi kaayaayang ugali.
Binubuksan nito ang aking kamalayan na gamitin ang aking kalayaan para maglingkod sa kapwa at palalimin
ang aking pagkatao. (Lipio,F, 2004 ph.14.)

Ikaapat na Serye: Uri ng Kalayaan


Ayon kay Scheler, ang kalayaan ay kilos kung saan dumaraan ang isang tao mula sa

22
pagtataglay nito patungo sa pagiging isang uri ng taong ninais niyang makamit. Higit sa pagkakaroon ng
kalayaan, tinatawag tayo na maging malaya bilang tao. Ang kalayaang likas sa tao ay nauugnay sa
pagpapahalaga na ninanais niyang taglayin bilang tao. Kung paano ito ginagamit ay nagpapakita ng
pagpapahalaga ng isang tao at nagpapakilala ng uri ng kanyang pagkatao.
Makikita ito sa dalawang uri ng kalayaan: ang malayang pagpili o horizontal freedom at ang
fundamental option o vertical freedom.
Sa paliwanag ni Cruz (2012), ang malayang pagpili (free choice) o horizontal freedom ay
tumutukoy sa pagpili sa kung ano ang tingin ng taong makabubuti sa kaniya (goods). Pinipili natin ang isang
bagay dahil nakikita natin ang halaga nito sa atin. Halimbawa: Kailangan mong bumili ng bagong sapatos
dahil sira na ang iyong ginagamit. Sa pagpunta mo sa isang department store marami ang pagpipiliang
sapatos kaya’t naghanap ka ng komportable sa iyong paa, bagay o angkop sa iyong personalidad, istilo at
pamantayan ng pananamit na inaasahan ng iyong mga kaibigan sa iyo at kung saan ito gawa.
Sa pagpili ng pahahalagahan sa horizontal freedom, naaapektuhan nito ang unang pagpiling ginawa
(antecedent choice) na nakabatay sa vertical level o fundamental option na nakabatay sa uri o istilo ng
pamumuhay na pinili ng isang tao. Ipagpatuloy natin ang halimbawa sa pagpili ng sapatos na bibilhin. Nang
tanungin mo ang saleslady kung magkano ang sapatos na napili mo, ito ay nagkakahalaga ng isang libong
piso. Eksaktong isang libo ang dala mong pera pero anim na raan lang ang budget na nakalaan para sa
sapatos dahil ang dalawang daan ay pambili ng kailangang-kailangan mong gamit sa eskuwela at ang
dalawang daan, allowance mo sa isang buong linggo. Kung bibilhin mo ang sapatos sa ganoong halaga,
maaapektuhan nito ang unang desisyon o pagpili na iyong ginawa na pagkasyahin ang perang mayroon ka at
mamuhay ayon lamang sa iyong kakayahan. Ipinakikita mo rin na mas pinahahalagahan mo ang pansarili
mong kasiyahan kaysa sa iyong pag-aaral at ito ang sinisimulang linangin sa sarili. Mas ninanais ang kaaya-
ayang pakiramdam kaysa sa unahin ang mas mahalaga sa buhay - sa sitwasyong ito, ang pag-aaral.
Sa kabuuan, kaugnay ng pagiging moral na indibidwal, may dalawang fundamental option na bukas
sa tao, pataas tungo sa mas mataas na halaga o ang fundamental option ng pagmamahal at pababa tungo sa
mas mababang halaga o ang fundamental option ng pagkamakasarili (egoism).

23
Tumutukoy ang mga ito sa pangunahing pagpili na ginagawa ng tao: kung ilalaan ba niya ang kanyang sarili
na mabuhay kasama ang kanyang kapwa at ang Diyos, o ang mabuhay para lamang sa kanyang sarili. Ang
fundamental option ng pagmamahal ayon kay Johann ay isang panloob na kalayaan (inner freedom).
Halimbawa nito ay ang naging sitwasyon nina Nelson Mandela, Benigno Aquino Jr. at Viktor Frankl na
bagama’t nakakulong sa bilangguan, ay malaya pa rin dahil sa kanilang pagmamahal sa bayan at sa kapwa.
Ayon sa sariling salita ni Viktor Frankl: Ang karanasan sa buhay-piitan ay nagpapakita na maaaring
makapamili ang tao ng kilos na kanyang nanaisin. Ang ilan sa kapwa naming bihag ay inaalo ang aming mga
kasamahan o ibinibigay ang huling piraso ng kanilang tinapay. Maraming mga halimbawa akong nasaksihan
na nagpapakita ng kadakilaan na nagpapatunay na ang kawalan ng pakikialam o pagiging manhid ay
maaaring masupil, ang pagiging magagalitin ay maaaring pigilin. Ilan ito sa patunay na maaaring makuha ang
lahat sa tao maliban sa isa …ang kanyang kalayaan – ang piliin ang magiging kilos o ugali sa anumang uri ng
kalagayan o sitwasyon ng buhay. (Frankl, Viktor Emil, year, ph.)
Ngayong naunawaan mo na ang tunay na kahulugan ng kalayaan, suriin mo ang iyong kilos at
ang dahilan mo sa paggawa nito … tunay ka bang malaya?

E. Pagtalakay ng bagong Magkaroon ng talakayan gamit ang mga gabay na katanungan. (Gawin sa loob ng 5 minuto)
konsepto at paglalahad ng (Reflective Approach)
bagong kasanayan #2 1. Ano ang karaniwang katuturan ng kalayaan?
2. Ano ang responsibilidad at pananagutan?
3. Paano nauugnay ang kalayaan sa pananagutan?
4. Ano ang tinatawag na tunay na kalayaan?

F. Paglinang sa Kabihasahan Gamit ang graphic organizer, buuin ang mahalagang konseptong nahinuha mula sa mga nagdaang gawain at
(Tungo sa Formative sanaysay na binasa. (Gawin sa loob ng 5 minuto) (Constructivist Approach)
Assessment)

24
Ang tunay na kahalagahan ng kalayaan ay ang
kakayahang tumugon sa tawag ng
at .

http://www.slideshare.net/daniholic/esp-grade-10-learners-module

25
G. Paglalapat sa aralin sa pang- Gamit ang parehong grupo, ipakita sa klase sa pamamagitan ng isang maikling dula ang mapanagutang
araw-araw na buhay paggamit ng kalayaan. (Gawin sa loob ng 15 minuto) (Collaborative/integrative Approach)

Kraytirya:
Husay ng Pagganap – 30%
Kooperasyon at Disiplina – 20%
Pagkamalikhain – 10% Kaugnayan
sa Paksa – 40%

H. Paglalahat sa aralin Ang tunay na kalayaan ay ang kakayahang tumugon sa tawag ng pagmamahal at paglilingkod. Hindi
tunay na malaya ang tao kapag hindi niya makita ang lampas sa kanyang sarili; kapag wala siyang pakialam sa
nakapalibot sa kanya; kapag wala siyang kakayahang
magmalasakit nang tunay at kapag siya ay nakakulong sa pansarili lamang niyang interes.

I. Pagtataya ng Aralin
Piliin sa kahon ang mga tamang sagot upang mabuo ang mga pahayag. (Gawin sa loob ng 5
minuto) (Reflective Approach)

Pananagutan Fundamental option kalayaan horizontal


freedom freedom for Freedom from egoism

1. Ang ng pagmamahal ay isang panloob na kalayaan.


2. Ang ay tumutukoy sa kung ano ang tingin ng taong makabubuti sa kanya.
3. Ang ay karaniwang gumigising sa puso ng bawat tao.
4. Kakabit ng ang kakayahan ng taong tumugon sa obhektibong tawag ng
pangangailangan.
5. Ang dalawang aspekto ng kalayaan ay ang at .

26
J. Karagdagang gawain para sa Sumulat ng sanaysay na binubuo ng sampu o higit pang pangungusap na nagpaliliwanag tungkol sa
takdang-aralin at kahalagahan ng kalayaan at ng mapanagutang paggamit nito.
remediation
Kraytirya:
a. Nilalaman -50%
b. Kaugnayan sa Paksa -30%
c. Paggamit ng Angkop na Salita-20%
IV. MgaTala
V. Pagninilay

A. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa
pagtataya.

B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba
pang gawain para sa
remediation

C. Nakatulong ba ang
remedial? Bilang ng mag-
aaral na nakaunawa sa
aralin?

D. Bilang ng mga mag-aaral


na magpapatuloy sa
remediation?

27
E. Alin sa mga istratehiyang
pagtuturo ang nakatulong
nang lubos? Paano ito
nakatulong?

F. Anong suliranin ang aking


naranasang solusyunan sa
tulong ng aking punong-
guro at superbisor?

G. Anong kagamitang panturo


ang aking nadibuhong nais
kong
ibahagi sa mga kapwa ko
guro?

Prepared by: Checked by: Reviewed by:

LEA E. ROSAL RANIE MAE V. PIÑERO GINA O. REGAÑON EdD


SST III/Subject Teacher - ESP SST- III/Coordinator – ESP Principal II

28
DAILY LESSON LOG Paaralan SICAYAB NATIONAL HIGH SCHOOL Baitang/ Antas 10
(Pang-araw-araw na Guro LEA E .ROSAL Asignatura Edukasyon sa Pagpapakatao
Tala sa Pagtuturo Petsa/Oras Markahan Una

I. Layunin

A. Pamantayang Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa tunay na gamit ng kalayaan.


Pangnilalaman

B. Pamantayan sa Pagganap Nakagagawa ang mag-aaral ng angkop na kilos upang maisabuhay ang paggamit ng tunay na kalayaan;
tumugon sa tawag ng pagmamahal at paglilingkod.

C. Mga kasanayan sa Pagkatuto. 1. Nakagagawa ng mga angkop na kilos upang maisabuhay ang paggamit ng tunay na kalayaan: tumugon
Isulat ang code ng bawat sa tawag ng pagmamahal at paglilingkod.
kasanayan 2. Natutukoy ang mga negatibong katangiang naging hadlang sa paggamit ng tunay na kalayaan.
3. Nahihinuha na ang bawat kilos na isinasagawa ay maaring makaapekto sa kapwa.
EsP10MP -Ig-4.4

II. Nilalaman Modyul 4: Ang Mapanagutang Paggamit ng Kalayaan


A. Sanggunian

1. Mga pahina sa Gabay ng Gabay sa Edukasyon sa Pagpapakatao 10 TG p. 47-49


Guro

2. Mga Pahina sa
Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 10 LM p. 79-82
Kagamitang Pang-Mag-
aaral
3. Mga pahina sa Teksbuk

29
4. Karagdagang Kagamitan
mula sa portal ng Learning
Resource

B. Iba pang Kagamitang metastrips, PowerPoint presentation, laptop, LCD projector, Manila paper, Mga Gamit Pangguhit
Panturo at Pangkulay
III.Pamamaraan

A. Balik-Aral sa nakaraang Isagawa ang larong Bring Me. Ipahanap sa mga mag-aaral ang mga salita at pariralang tumutugon sa tunay
aralin at pagsisimula ng na kalayaang nakasulat sa makulay na papel na itinago ng guro sa iba’t ibang bahagi ng silid-aralan. Idikit sa
bagong aralin. board at ipabasa sa klase. (Gawin sa loob ng 3 minuto) (Integrative
Approach)

B. Paghahabi sa layunin ng A. Gamit ang objective board, babasahin ng guro ang mga layunin ng aralin.
aralin at pagganyak 1. Nakagagawa ng mga angkop na kilos upang maisabuhay ang paggamit ng tunay na
kalayaan; tumugon sa tawag ng pagmamahal at paglilingkod.
2. Natutukoy ang mga negatibong katangiang naging hadlang sa paggamit ng tunay na
kalayaan.
3. Nahihinuha na ang bawat kilos na isinasagawa ay maaring makaapekto sa kapwa.

B. Ipabasa sa mga mag-aaral ang pahayag sa ibaba at hingin ang opinyon nila hinggil sa
kaugnayan nito sa kalayaan. (Gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective Approach)

Ako ay may pananagutan.

30
C. Pag-uugnay ng mga
halimbawa sa bagong Gamit ang tsart na nakasulat sa Manila paper, magtala ng mga angkop na kilos at pasya ayon sa
aralin sumusunod na sitwasyon. Tumawag ng mag-aaral na magbabahagi ng kasagutan. Ipabasa sa klase ang
nabuong gawain. (Gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective Approach)

Sitwasyon Angkop na Kilos


1. Nakakita ng isang batang hirap na hirap na
nagbubuhat ng isang timbang tubig.
2. Habang ikaw ay naglalaro sa cellphone,
tinawag ka ng iyong ina upang tulungan
ang iyong nakababatang kapatid sa kanyang
aralin.
D. Pagtalakay ng bagong Balikan at suriin ang iyong naging pasya at kilos nitong mga nagdaang araw, magbigay ng mga
konsepto at paglalahad ng negatibong katangiang naipamalas mo na maaring naging hadlang sa iyong paggamit ng tunay na kalayaan.
bagong kasanayan #1 (Gawin sa loob ng 10 minuto) (Reflective Approach)
Mga Negatibong Katangiang Mga Sitwasyong naipakita Ano ang naging epekto sa akin at
naging Hadlang sa Aking ko ito sa aking kapwa?
Paggamit ng Tunay na
Kalayaan

Halimbawa:

Pagiging mapagmataas Nagkatampuhan kami ng Isang taon kaming hindi


kaibigan ko, hindi ko siya nagkabati, nag-iiwasan, at hindi
binabati at hindi ako hihingi komportable sa presensya ng

31
ng paumanhin kasi para sa isa’t isa. Nabagabag ako, kaya
akin, siya ang may kasalanan naapektuhan ang aking pag-
kaya siya dapat ang maunang aaral.
gumawa ng hakbang para
magbati kami.

1.

2.

3.

E. Pagtalakay ng bagong Pumili ng isang negatibong katangiang taglay na nakahahadlang sa paggamit mo ng tunay na kalayaang
konsepto at paglalahad ng kailangan mong baguhin sa iyong sarili. Magtala ng paraang gagawin upang mapagtagumpayan ang
bagong kasanayan #2 negatibong katangian, at isulat ang mga sitwasyong nagagamit ang tunay na kalayaan. (Gawin sa loob ng
10 minuto) (Reflective Approach)

Unang pagkakataon

Taong Sangkot: Lagda:


Petsa:

32
Ikalawang pagkakataon

Taong Sangkot: Lagda:


Petsa:

Ikatlong pagkakataon:

Taong Sangkot: Lagda:


Petsa:

Ang aking natutuhan mula sa Gawain

F. Paglinang sa Kabihasahan Pangkatin ang klase sa 4. Bumuo ng isang comic strip, ipahayag ang mga kasagutan sa sumusunod na
(Tungo sa Formative tanong. (Gawin sa loob 7 minuto) (Collaborative/Constructivist Approach)
Assessment) a. Ano ang iyong naramdaman nang balikan at suriin mo ang pagpapasya at pagkilos na
isinagawa mo ng mga nagdaang araw.
b. Ano-ano ang iyong natuklasan sa pagtala mo ng iyong mga pasya at kilos na nagpakita ng
negatibong katangian?
c. Ano ang nakahadlang sa paggamit mo ng iyong kalayaan sa mapanagutang paraan?
d. Bilang isang kabataan, paano mo magagamit nang mapanagutan ang kalayaang
ipinagkaloob sa iyo?

Kraytirya:
a. Nilalaman -50%
b. Pagkamalikhain -30%
c. Paggamit ng Angkop na Salita-20%

G. Paglalapat sa aralin sa Ipakita ang natapos na comic strip sa pamamagitan ng role playing. Pumili ng ilang miyembrong

33
pang-araw-araw na buhay gaganap sa mga tauhan. (Gawin sa loob 10 minuto) (Collaborative/Constructivist Approach)

Kraytirya:
Husay sa Pagganap – 30%
Kooperasyon at Disiplina – 20%
Pagkamalikhain – 10%
Kaugnayan sa paksa – 40%

H. Paglalahat sa aralin Ang kalayaan ay ninanais ng tao dahil sa pananaw na ito nagmumula ang pagkilos upang makamit ang
ninanais nang walang iniisip na hadlang. Subalit pakatatandaan na ang bawat kilos- loob na itakda ng tao ay
palagi nang tungo sa maaari niyang kahantungan. Kung kaya’t nararapat na sa tuwina ay maging maingat at
mapanagutan sa anumang pagpili.

I. Pagtataya ng Aralin Pagnilayan ang sumusunod. Isulat sa sagutang papel ang iyong sagot. Limang puntos sa bawat katanungan.
(Gawin sa loob 10 minuto) (Reflective Approach)
1. Ano ang kahulugan ng tunay na kalayaan?
2. Paano nakaapekto sa kapwa ang di tamang paggamit ng kalayaan?
3. Bilang isang kabataan, paano mo magagamit nang mapanagutan ang kalayaan?

J. Karagdagang gawain para sa Humanda para sa Pagsusulit tungkol sa Modyul na ito.


takdang-aralin at Ihanda rin ang sumusunod:
remediation a. Envelope
b. Notbuk
IV. MgaTala
V. Pagninilay

A. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa
pagtataya.

34
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba
pang gawain para sa
remediation

C. Nakatulong ba ang
remedial? Bilang ng mag-
aaral na nakaunawa sa
aralin?

D. Bilang ng mga mag-aaral


na magpapatuloy sa
remediation?

E. Alin sa mga istratehiyang


pagtuturo ang nakatulong
nang lubos? Paano ito
nakatulong?

F. Anong suliraninang aking


naranasan na solusyunan sa
tulong ng aking punong-
guro at superbisor?

G. Anong kagamitang panturo


ang aking nadibuhongnais
kong ibahagi sa mga kapwa
ko guro?

Prepared by: Checked by: Reviewed by:

LEA E. ROSAL RANIE MAE V. PIÑERO GINA O. REGAÑON EdD


SST III/Subject Teacher – ESP SST- III/Coordinator – ESP Principal II
35
36

You might also like