You are on page 1of 11

DAILY LESSON LOG Paaralan Baitang/ Antas 7

(Pang-araw-araw na Guro Asignatura Edukasyon sa Pagpapakatao


Tala sa Pagtuturo) Petsa/Oras Markahan Ikalawa
UNANG ARAW
I. Layunin

A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa kaugnayan ng konsensya sa Likas na Batas Moral.

B. Pamantayan sa Pagganap Naisasagawa ng mag-aaral ang paglalapat ng wastong paraan upang itama ang mga maling pasya
o kilos bilang kabataan batay sa tamang konsensya.

C. Mga kasanayan sa 1. Nakikilalang natatangi sa tao ang Likas na Batas Moral dahil ang pagtungo sa kabutihan ay
Pagkatuto. Isulat ang code ng may kamalayan at kalayaan. Ang unang prinsipyo nito ay likas sa taong dapat gawin ang
bawat kasanayan mabuti at iwasan ang masama. EsP7PS-IC-6.1
2. Nakagagawa ng graphic organizer na may kasingkahulugan o ideya sa salitang konsensya.
3. Nakapagpapahayag ng kahalagahan ng konsensya sa pamamagitan ng pagbabahagi ng
karanasang may kinalaman sa gamit ng konsensya.

II. Nilalaman Modyul 6 : Ang Kaugnayan ng Konsensya sa Likas na Batas Moral


A. Sanggunian

1. Mga pahina sa Gabay ng Gabay sa Edukasyon sa Pagpapakatao 7 TG p.63-69


Guro

2. Mga Pahina sa Kagamitang Modyul saEdukasyon sa Pagpapakatao 7LM p. 137-144


Pang-Mag-aaral

45
3. Mga pahina sa Teksbuk

4. Karagdagang Kagamitan mula


sa portal ng Learning
Resource

B. Iba pang Kagamitang Panturo Mga larawan mula sa internet


http://definitelyfilipino.com/blog/isa-pang-kuwento-ng-tagumpay/
Panturong Biswal: LCD projector, laptop
III. Pamamaraan

A. Balik-Aral sa nakaraang aralin A. Tumawag ng 3 mag-aaral at sagutan ang tanong:


at pagsisimula ng bagong 1. Ibigay ang mga katangian, gamit at tunguhin ng isip at kilos mula sa nakaraang aralin.
aralin. B. Pasagutan ang Paunang Pagtataya para sa pagsisimula ng aralin. (gawin sa loob ng 10
minuto) (Reflective Approach)

Paunang Pagtataya
Isulat sa notbuk ang titik ng tamang sagot.
1. Lumaki si John Llyod sa isang pamilyang relihiyoso. Habang siya ay lumalaki at
nagkakaisip, nakikita niya ang maraming mga pagkakataon na kailangan niyang maging
matatag laban sa tuksong gumawa ng masama. Dahil dito, madalas siyang sumasangguni
sa maraming mga mahahalagang aklat na magtuturo sa kanya ng mga batayan sa
pamimili ng tama at mabuti. Anong pamamaraan sa paglinang ng konsensya ang
inilalapat ni John Lloyd.
a. Sanayin ang sarili na pinakikinggan at sinusunod ang konsensya
b. Ipagpaliban muna ang pasya o kilos kung may pag-aalinlangan at agam-agam.
c. Isabuhay ang mga moral na alituntunin. Nalilinang ang konsensya sa pamamagitan ng
pagsasabuhay ayon sa tamang alituntunin
d. Pag-aralan ang mga moral na alituntunin upang maging sensitibo ang konsensya sa

46
pagkilala sa mabuti at masama.

2. Ano ang maitutulong ng pag-iwas ng tao sa paggamit ng maling konsensya?


a. Maiiwasan ang landas na walang katiyakan
b. Masusugpo ang paglaganap ng kasamaan
c. Makakamit ng tao ang kabanalan
d. Wala sa nabanggit

3. Hindi pare-pareho ang dikta ng konsensya ng bawat tao. Ang pahayag ay:
a. Tama, dahil nakabatay ito sa edad at kakayahan ng isip ng tao
b. Mali, dahil iisa lamang ang pamantayang nararapat na sinusunod ng lahat ng tao.
c. Mali, dahil pare-pareho tayong tao na nakaaalam ng tama at mali, mabuti o masama
d. Tama, dahil nagkakaiba-iba ang karanasan, kinalakihan, kultura at kapaligiran ng tao.

4. Sobra ang sukling natanggap ni Melody nang bumili siya ng pagkain sa isang restawran.
Alam niyang kulang na ang kanyang pamasahe pauwi sa kanilang bahay ngunit isinauli pa
rin niya ang sobrang pera. Anong uri ng konsensya ang ginamit ni Melody?
a. Tamang konsensya
b. Maling konsensya
c. Purong konsensya
d. Mabuting konsensya

5. Ang likas na batas moral ay hindi imbensyon ng tao, ito ay natutuklasan lamang. Ito ay
pangkalahatang katotohanan na may makatuwirang pundasyon. Anong katangian ng likas na
batas moral ang tinutukoy sa pangungusap?
a. Obhektibo
b. Walang hanggan
c. Unibersal
d. Di nagbabago

47
6. Maaaring maging manhid ang konsensya ng tao. Ang pahayag ay:
a. Mali, dahil hindi ito ang kalikasan ng tao.
b. Mali, dahil kusang gumagana ang konsensya ng tao sa pagkakataon na ito ay kailangan
c. Tama, dahil maihahalintulad ito sa damdamin ng tao na maaaring maging manhid dahil
sa patuloy na pagsasanay
d. Tama, dahil kung patuloy na babalewalain ng tao ang dikta ng konsensya magiging manhid
na ito sa pagkilala ng tama.

7. Ano ang bunga ng pagsunod sa tamang konsensya?


a. Mapalalaganap ang kabutihan
b. Makakamit ng tao ang tagumpay
c. Maaabot ng tao ang kanyang kaganapan
d. Mabubuhay ang tao nang walang hanggan

8. Ang likas na batas moral ay nakapangyayari sa lahat ng lahi, kultura sa lahat ng lugar at sa
lahat ng pagkakataon. Ito ay nangangahulugang ang likas na batas moral ay:
a. Obhektibo
b. Walang hanggan
c. Unibersal
d. Di nagbabago

9. Ang sumusunod ay katangian ng konsensya maliban sa:


a. Sa pamamagitan ng konsensya, nakikilala ng tao na may mga bagay siyang ginawa o hindi
ginawa.
b. Sa pamamagitan ng konsensya, nakikilala ng tao ang tamang bagay na dapat gawin at
masamang dapat iwasan.
c. Sa pamamagitan ng konsensya, nahuhusgahan kung ang bagay na ginawa ay nagawa
nang maayos at tama o nagawa nang di-maayos o mali.
d. Sa pamamagitan ng konsensya, nahuhusgahan ng tao kung may bagay na dapat siyang
ginawa subalit hindi niya ginawa o hindi niya dapat isagawa subalit ginawa.
48
10. Ang pagbebenta ng pirated na CD sa mga bangketa ay malaki ang naitutulong sa mga tao
dahil mas nakatitipid kaysa bumili ng orihinal na kopya. Halos lahat ng tao ay ito na ang
hinahanap sa kasalukuyan kung kaya lumalaki na ang negosyong ito at marami ang
natutulungan. Ang sitwasyong ito ay nagpapatunay na:
a. May mga pagkakataong ang paghuhusga ay nararapat na ibatay sa benepisyo o tulong sa
taong nagsasagawa ng kilos.
b. Ang masamang pamamaraan sa pagkamit ng layunin ay mababalewala kung ang layunin
ay mabuti at tama.
c. Ang isang bagay na mali ay maaaring maging tama kung ito ay nakatutulong sa mas
nakararami.
d. May mga kilos na nagmumukhang tama at normal dahil sa dami ng gumagawa nito .

B. Paghahabi sa layunin ng A. Gamit ang objective board, babasahin ng guro ang mga layunin ng aralin.
aralin at pagganyak 1. Nakikilala na natatangi sa tao ang Likas na Batas Moral dahil ang pagtungo sa kabutihan
ay may kamalayan at kalayaan. Ang unang prinsipyo nito ay likas sa tao na dapat gawin
ang mabuti at iwasan ang masama.
2. Nakagagawa ng graphic organizer na may may kasingkahulugan o ideya sa salitang
konsensya.
3. Nakapagpapahayag ng kahalagahan ng konsensya sa pamamagitan ng pagbabahagi ng
karanasang may kinalaman sa gamit ng konsensya.
B.Tingnan ang larawan at ibigay ang konsepto nito. (gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective
Approach)

49
C. Ihanda ang pagsasatao ng sitwasyong ito. (gawin sa loob ng 10 minuto) (Integrative
Approach
1. Atasan ang 3 mag-aaral na gaganap sa tatlong katauhan: una bilang mag-aaral; ikalawa,
katauhang nasa kanan na may halo sa ulo; ikatlo, katauhang nasa kaliwa na may
sungay; at isatao ang sitwasyon.
2. Kukumbinsihin ng dalawang katauhang nasa kaliwa at kanan ang mag-aaral ng dapat
niyang maging pasya.
3. Gagawa ng pasya ang mag-aaral. Pipili siya kung sino sa dalawang katauhan ang kanyang
pakikinggan.

C. Pag-uugnay ng mga Gamit ang PowerPoint Presentation, pag-aaralan ng mag-aaral ang isang case study. (gawin sa
halimbawa sa bagong aralin loob ng 10 minuto) (Reflective Approach)

Naiwan kang mag-isa sa inyong silid-aralan. May nakita kang pitaka


sa ibabaw ng mesa. Nang tingnan mo, naglalaman ito ng dalawang
libong piso. Naroon din ang I.D. ng may-ari na isa mong
kaklase. May sakit ang tatay mo at kinakapos kayo sa perang pambili
ng kanyang gamot.

Sa apat na pagpipiliang gagawin, tukuyin mo kung ito ay tama o mali. Pangatuwiranan ang iyong
naging sagot, isulat ito sa espasyo para sa paliwanag. Gawing gabay ang ilustrasyon sa ibaba.

50
Hahayaan ko lang ito sa mesa Ibibigay ko ito sa kaklase ko na
tutal hindi naman ito sa akin. nagmamay-ari nito.
( )TAMA ( )MALI ( )TAMA ( )MALI
Paliwanag: Paliwanag:
________________________ _____________________________
__ _
Ituturo ko ito sa kasama
_____________________________
ko para siya ang sasabihin
Kukunin ko ito para may _
kong kumuha
ipambili kami ng gamot para ( )TAMA ( )MALI
sa tatay ko. Paliwanag:
( )TAMA ( )MALI _____________________
Paliwanag: ______
_____________________
__________
______________

D. Pagtalakay ng bagong Sagutin ang sumusunod na tanong sa notbuk. (gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective Approach)
konsepto at paglalahad ng
bagong kasanayan #1 1. Alin sa apat na sitwasyon ang sinagutan mong tama? Bakit mo nasabing ito ay tama?
2. Alin sa mga ito ang may sagot kang mali? Bakit mo nasabing ito ay mali?
3. Paano mo nalaman ang tama o mali sa sitwasyong ito?

E. Pagtalakay ng bagong Muling balikan ang sitwasyon at ang apat na pagpipilian sa ilustrasyon sa itaas, ano ang iyong
konsepto at paglalahad ng gagawin kung ikaw ang nasa ganitong kalagayan? Alin sa apat na kilos ang iyong pipiliing gawin?
bagong kasanayan #2 Ipaliwanag. (gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective Approach)
Kung ako ang nasa kalagayan ng mag-aaral na nakakita ng pitakang naglalaman ng
pera, ang gagawin ko ay _______________________________________________
___________________________________________________________________
_____________________________________________________________.
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
51
F. Paglinang sa Kabihasahan Sagutin ang mga sumusunod na tanong. (gawin sa loob ng 10 minuto) (Reflective Approach)
(Tungo sa Formative 1. Ano ang nakatulong sa iyo sa paggawa ng desisyong ito?
Assessment) 2. Ano ang pinagbatayan mo para sabihing tama o mali ang isang kilos?

G. Paglalapat sa aralin sa pang- Magbigay/Magbahagi ng sitwasyon o karanasan kung saan nailapat ang iyong konsensya. (gawin
araw-araw na buhay sa loob ng 3 minuto) (Reflective Approach)

H. Paglalahat sa aralin Araw-araw gumagawa tayo ng maraming pagpapasya mula sa paggising sa umaga.
Magkagayunpaman, sa pagpili o paghugsgang ginagawa ng tao, may kailangan tayong pag-ukulan
ng pansin. Ito ay ang pagpili sa pagitan ng tama at mali na ating gagawin. Sa pagpili, gawing gabay
ang ating konsensya.

I. Pagtataya ng Aralin Ibigay ang kahulugan ng konsensya. Gawin ito sa pamamagitan ng graphic organizer. (gawin sa
loob ng 10 minuto) (Reflective Approach)

KONSENSYA

J. Karagdagang gawain para sa Isagawa ang sumusunod. Maghanap ng isang kaibigan, pinsan o kaya’y kapatid na nakauunawa ng
takdang aralin at remediation tungkol sa konsensya. Alamin kung paano nailapat ng tama ang kanyang konsensya sa isang
sitwasyon. Humanda sa pagbabahagi sa susunod na araw.

52
IV. MgaTala
V. Pagninilay

A. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa
pagtataya.

B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba pang
gawain para sa remediation

C. Nakatulong ba ang remedial?


Bilang ng mag-aaral na
nakaunawa sa aralin?

D. Bilang ng mga mag-aaral na


magpapatuloy sa
remediation?

E. Alin sa mga istratehiyang


pagtuturo ang nakatulong
nanang lubos? Paano ito
nakatulong?

F. Anong suliranin ang aking


naranasang solusyunan sa
tulong ng aking punongguro
at superbisor?

53
G. Anong kagamitang panturo
ang aking nadibuhong nais
kong ibahagi sa mga kapwa
ko guro?

54
55

You might also like