You are on page 1of 40

School: Diffun Central School-ISC Grade Level: 7-Hyacinth

GRADES 1 to 12 Teacher: LOREFEL B. PADILLA Learning Area: ESP


DAILY LESSON LOG Teaching Dates and
Time: December 5-9 2022 (Week 6) Quarter: 2nd QUARTER

UNANG ARAW
I. Layunin

A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa kalayaan.

B. Pamantayan sa Pagganap Naisasagawa ng mag-aaral ang pagbuo ng mga hakbang upang baguhin o paunlarin ang kanyang paggamit ng
kalayaan.

C. Mga kasanayan sa Pagkatuto. 1. Nakikilala ang mga indikasyon/palatandaan ng pagkakaroon o kawalan ng kalayaan.
Isulat ang code ng bawat 2. Napangangatuwiranan kung bakit hindi tunay na malaya ang mga taong nakapiit sa sariling bisyo,
kasanayan maling pananaw, magulong buhay.
3. Naibabahagi ang sariling karanasan sa paggamit ng kalayaan. EsP7PTIIe-7.1

II. Nilalaman Modyul 7: Kalayaan


A. Sanggunian

1. Mga pahina sa Gabay ng Guro Gabay sa Edukasyon sa Pagpapakatao 7 TG p. 79-94

2. Mga Pahina sa Kagamitang Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 7 LM p. 161-181


Pang-Mag-aaral

3. Mga pahina sa Teksbuk


4. Karagdagang Kagamitan mula sa http://lrmds.deped.gov.ph/list/kto12/subject/883
portal ng Learning Resource

B. Iba pang Kagamitang Panturo Panturong Biswal: LCD projector, laptop, lapel/speaker
III. Pamamaraan

A. Balik-Aral sa nakaraang aralin at A. Sagutan ang mga tanong tungkol sa kaugnayan ng konsensya sa Likas na Batas Moral.
pagsisimula ng bagong aralin. (gawin sa loob ng 3 minuto) (Reflective Approach)
1. Ano ang pinagbatayan mo para sabihing tama o mali ang isang kilos?
2. Paano ka ginabayan ng konsensiya sa mga pasya at kilos mo?
B. Sagutan ang Paunang Pagtataya para sa pagsisimula ng aralin. (gawin sa loob ng 10 minuto)
(Reflective Approach)
Paunang Pagtataya
Panuto: Isulat sa sagutang papel ang titik ng tamang sagot sa sumusunod na katanungan.
1. Ang sumusunod na kilos ay nagpapakita nang mapanagutang paggamit ng kalayaan
maliban sa:
a. Inilaan ni Anthony ang malaking bahagi ng kanyang buhay upang mapalawak ang kanyang
kaalaman at karunungan, alam niyang malaking bagay ang magagawa nito upang maiahon
niya ang kanyang pamilya sa kahirapan at upang maibahagi niya sa lahat ang kanyang mga
kakayahan.
b. Nasaktan ni Rebecca ang kanyang ina dahil sa kanyang pagsisinungaling dito. Inihanda niya
ang kanyang sarili sa magiging reaksyon ng kanyang mga kapatid sa kanyang ginawa. Dahil
dito, siya na mismo ang gumawa ng paraan upang itama ang kanyang pagkakamali kahit pa ito
ay nangangahulugang siya ay mapapahiya at masasaktan.
c. Nasaksihan ni Rupert ang ginawang panloloko ng kanyang kapatid sa kanyang mga magulang.
Ang alam nila, pumapasok siya araw-araw sa paaralan ngunit sa
halip, pumupunta siya sa computer shop kasama ang mga barkada. Dahi alam niyang labis na
mapagagalitan ang kanyang kapatid, hindi niya sinabi ito sa kanyang magulang dahil ayaw
niyang ito ay mapagalitan o masaktan.
d. Hindi lingid sa kaalaman ni Rachelle ang katiwaliang nagaganap sa loob ng kanilang
kompanya. Saksi siya sa pandarayang ginagawa ng kanyang matalik na kaibigan sa report ng
kinita ng kompanya. Sa kabila ng pakiusap nitong manahimik na lamang siya ay sinabi pa rin
niya ito sa kanyang boss na naging dahilan ng pagkatanggal ng kanyang kaibigan sa trabaho
at pakakaroon ng kaso sa hukuman.

2. Ang sumusunod ay palatandaan ng mapanagutang paggamit ng kalayaan


maliban sa:
a. Nakahandang harapin ang anumang kahihinatnan ng mga pagpapasya
b. Naisasaalang-alang ang kabutihang pansarili at kabutihang panlahat
c. Hindi sumasalungat ang kilos sa likas na batas moral
d. Naibabatay ang pagkilos sa kahihinatnan nito

3. Ayon kay Sto. Tomas de Aquino ang kalayaan ay katangian ng kilos-loob na itakda ng tao ang
kanyang kilos tungo sa maaaring hantungan at ang paraan upang makamit ito. Ito ay
nangangahulugang:
a. Ang kalayaan ng tao katulad ng kilos-loob ay nakabatay sa dikta ng isip.
b. Malaya ang taong gamitin ang kanyang kilos-loob upang pumili ng partikular na bagay o kilos.
c. Ang hantungan ng kilos ay itinatakda ng tao batay sa kanyang pagiging mapanagutan sa
paggamit ng kanyang kalayaan
d. Lahat ng nabanggit

4. Ang kalayaan ng tao ay nakasalalay sa kanyang .


a. Isip b. dignidad c. Kilos-loob d. Konsensya
5. Nakilahok sa isang pag-aalsa laban sa pamunuan ng kompanyang kanyang pinagtratrabahuhan.
Nangyari ito dahil sa hindi makataong pagtrato ng may-ari ng kompanya sa lahat ng mga
empleyado. Dahil dito, siya at ang ilan pang mga kasamang itinuturing na pinuno ng mga
manggagawa ay hinuli at ikinulong. Sa sitwasyong ito, nawala ang kanyang .
a. Karapatang pantao c. Panloob na kalayaan
b. Dignidad bilang tao d. Panlabas na kalayaan

6. Bakit mahalagang hayaan ng isang magulang ang kanyang anak na sumubok, pumili at
magpasya para sa kanyang sarili?
a. Ito ang magbibigay sa kanila ng mga karanasang maaari nilang gamiting gabay sa mga
isasagawang pagpapasya sa hinaharap
b. Ang pagkakataong ibinibigay ng magulang ang magtuturo sa mga anak na sumunod mula sa
pag-unawa at pagmamahal at hindi sa pamimilit.
c. Maiiwasan ang pagrerebelde ng isang anak dahil sa labis na pagnanais ng
magulang na magabayan ang kanyang anak patungo sa tamang landas.
d. Ang pagiging malaya sa pagpapasya ng isang anak ay maaaring magdulot ng sakit dahil sa
pagkakamali ngunit dito sila natututo ng mahalagang aral.

7. “Ang tunay na kalayaan ay ang paggawa ng mabuti.” Ang pangungusap ay: a.Tama,
dahil ang tao ay nilikha ng Diyos na taglay ang likas na kabutihan. b.Tama, dahil ang
tunay na kalayaan ay mapanagutan kaya’t inaasahang ito ay
gagamitin sa paggawa nang naaayon sa kabutihan.
c. Mali, dahil ang tunay na kalayaan ay ang paggawa ng mabuti ayon sa paghuhusga ng tao.
d. Mali, dahil magkakaroon lamang ng kabuluhan ang kalayaan kung malayang magagawa ng
tao ang mabuti at masama.

8. Ano ang nagbibigay hugis o direksyon sa kalayaan?


a. Isip b. konsensya c. batas moral d. dignidad
9. Ang kalayaan ng tao ay hindi lubos. Ang pangungusap na ito ay nangangahulugang:
a. Magiging malaya lamang ang tao kung ang kanyang ginawa ay kabutihan.
b. Ang kalayaan ng tao ay nagtatapos sa kanyang paglabag sa likas na batas moral
c. Hindi ganap na malaya ang tao, hindi siya maaaring mamili batay lamang sa kanyang nais.
d. Lahat ng nabanggit
10. Ayon kay Fr. De Torre, ang tao ay walang kakayahang gawin palagi ang anumang
kanyang naisin. Ang pangungusap ay:
a. Tama, dahil hindi ganap ang tao.
b. Tama, dahil maraming bagay ang nais mangyari at gawin ang tao subalit hindi niya
magawa ang mga ito.
c. Mali, dahil taliwas ito sa tunay na kahulugan ng kalayaan.
d. Mali, dahil magagawa ng tao ang maraming bagay dahil mayroon siyang isip at kilos- loob.

B. Paghahabi sa layunin ng A. Gamit ang objective board, babasahin ng guro ang mga layunin ng aralin.
aralin at pagganyak a. Nakikilala ang mga indikasyon/palatandaan ng pagkakaroon o kawalan ng kalayaan.
b. Napangangatuwiranan kung bakit hindi tunay na malaya ang mga taong nakapiit sa sariling
bisyo, maling pananaw at magulong buhay.
c. Naibabahagi ang sariling karanasan sa paggamit ng kalayaan.

B. Panoorin ang video presentation ng Once upon A Time


(https://www.youtube.com/watch?v=m6sdrLsyH1Q) tungkol sa mga telepantasya at
sagutan ang katanungan sa susunod na pahina. (gawin sa loob ng 5 minuto)
(Integrative/Reflective Approach)

1. Ano ang taglay ng mga tauhan upang makamit ang kanilang naisin?
2. Paano nila hinaharap ang kanilang mga suliranin?
3. Kung wala ba silang taglay na kapangyarihan makakamit ba nila ang kanilang nais?

C. Pag-uugnay ng mga Gamit ang PowerPoint Presentation, ipabasa sa mga mag-aaral ang maikling kuwento at magkaroon ng
halimbawa sa bagong aralin talakayan sa mga katanungan sa ibaba. (gawin sa loob ng 7 minuto) (Reflective Approach)

Isang hindi pangkaraniwang nilalang na bahagi ng alamat ng mga Arabo ang Genie. Sa mga
palabas ngayon, ipinakikita na ang Genie ay gumaganap bilang isang nilalang na may taglay na
kapangyarihang magbigay ng tatlong kahilingan. Halimbawa, nagkaroon ka ng pagkakataong
humiling, ano ang iyong hihilingin? Ano ang magiging tugon mo sa tanong ng Genie?

Mga tanong :
1. Isulat ang dahilan bakit ang mga ito ang iyong hiling.
2. Ang hiling mo ba ay maisasakatuparan kahit walang magic?
3. Paano ito mangyayari? Ano ang gagawin mo upang makamit ito?
4. Ano ang hindi mo gagawin upang makamit ito?
5. Ano ang taglay mo upang makamit ang iyong hiling kahit walang magic?
6. Ang nangyayari ba sa buhay ng tao ay magic?
7. Kabilang ba sa inyong kakayahang taglay ang kalayaang piliin ang kilos na gagawin upang
makamit ang iyong ninanais?
8. Sa paanong paraan mo ba ginagamit ang iyong kalayaan?
D. Pagtalakay ng bagong Gamit ang mga larawang nakapaskil sa pisara, idikit sa T-tsart ang larawang nagpapakita ng pagkakaroon
konsepto at paglalahad ng ng kalayaan at walang kalayaan. Sagutan ang sumusunod na tanong at ibahagi sa klase ang naging
bagong kasanayan #1 kasagutan. (gawin sa loob ng 10 minuto) (Reflective Approach)

Paggawa ng gawaing bahay Pag-inom ng alak Bayanihan

Pakikipagrelasyon Pakikipag-away sa katapat Pag-aaral


na kasarian

Masayang Pamiya Paninigarilyo Kahirapan


Nagpapakita ng Kalayaan Nagpapakita ng Kawalan ng Kalayaan

1. Bakit mo nasabing may kalayaan sa mga larawan sa unang hanay?


2. Bakit mo nasabing walang kalayaan sa mga larawan sa ikalawang hanay?
3. Ano ang ipinapakita nitong kahulugan ng kalayaan?

E. Pagtalakay ng bagong Pangkatin ang klase sa 5 at atasang pag-aralan ang mga sitwasyong nasa tsart. Pag-usapan ng bawat pangkat
konsepto at paglalahad ng kung may kalayaan o wala ang bawat sitwasyon. Gamit ang Manila paper, punan ang format sa ibaba at
bagong kasanayan #2 pumili ng isang mag-uulat. Itanong sa mag-aaral ang nahinuhang kahulugan ng kalayaan batay sa gawain.
(gawin sa loob ng 10 minuto) (Collaborative/ Constructivist Approach)

May Kalayaan/ Walang Patunay na Malaya/ Hindi


Sitwasyon
Kalayaan Malaya
1. Pagbibisyo (pagsugal,
pagsigarilyo, pag-inom ng
alak, pagkalulong sa
droga)
2. Maagang pag-aasawa o
pagbubuntis
3. Pagpapabaya sa pag-aaral (Hindi
gumagawa ng project, o hindi
gumagawa ng takdang aralin,at
iba pa.)
4. Pagrebelde sa magulang
5. Pagsama sa maling barkada

F. Paglinang sa Kabihasahan Punan ang Concept Map ng mga salitang may kaugnayan sa kalayaan. (gawin sa loob ng 5 minuto)
(Tungo sa Formative (Constructivist/Reflective Approach)
Assessment)

Kalayaan
G.Paglalapat sa aralin sa pang Bumuo ng isang sanaysay na may 5 o higit pang pangungusap tungkol sa pagkaunawa mo sa tunay na
araw-araw na buhay kahulugan ng kalayaang ipinagkaloob sa iyo at kung paano mo ito gamitin. (gawin sa loob ng 5
minuto) (Constructivist Approach)
Kraytirya:
a. Binanggit ang pagkaunawa sa pakahulugan sa kalayaan. 30%
b. Malinaw ang mga paraan ng paggamit ng kalayaan. . 40%
c. Natukoy ang tama at maling pagkaunawa at paraan ng kalayaan. 30%
Kabuuan 100%

H. Paglalahat sa aralin Ang nangyayari sa buhay ng tao ay hindi magic. Ito ay dulot ng mga pagpapasyang ginagawa ng tao
sa kanyang buhay at kanyang pagsisikap na makamit ito. Kabilang sa kakayahan ng tao ang kalayaang piliin
ang kilos na gagawin upang makamit ang ninanais sa buhay.

I. Pagtataya ng Aralin Tukuyin kung tama o mali ang bawat pangungusap at palitan ng tamang pahayag kung
mali. (gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective Approach)
1. Ang bawat tao ay may kalayaan.
2. Walang hangganan ang kalayaang taglay ng tao.
3. Dahil sa kalayaang taglay ng tao, nagagawa niyang pumili, magpasya at
magtakda ng sariling buhay.
4. Ang bawat kalayaan ay walang katumbas na pananagutan.
5. Dahil sa kalayaan, nagagawa kong lahat ang naiisin ko.

J. Karagdagang gawain para sa Sumulat ng mapagpalaya mong payo para kay Rose.
takdang aralin at remediation
Gustong-gusto ni Rose Ann na magpabili ng bagong sapatos na panlaro. Nang magkapera na ang kanyang
tatay, humingi ng pambayad sa matrikula ang kapatid niyang nag-aaral sa kolehiyo.
IV. MgaTala
V. Pagninilay

A. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa
pagtataya.

B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba pang
gawain para sa remediation

C. Nakatulong ba ang remedial?


Bilang ng mag-aaral na
nakaunawa sa aralin?

D. Bilang ng mga mag-aaral na


magpapatuloy sa remediation?

E. Alin sa mga istratehiyang


pagtuturo ang nakatulong nang
lubos? Paano ito nakatulong?

F. Anong suliranin ang aking


naranasang solusyunan sa tulong
ng aking punungguro at
superbisor?
G. Anong kagamitang panturo ang
aking nadibuhong nais kong
ibahagi sa mga kapwa ko guro?
DAILY LESSON LOG Paaralan Baitang/Antas 7
(Pang-araw-araw na Guro Asignatura Edukasyon sa Pagpapakatao
Tala sa Pagtuturo) Petsa/Oras Markahan Ikalawa
IKALAWANG ARAW
I. Layunin

A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa kalayaan.

B. Pamantayan sa Pagganap Naisasagawa ng mag-aaral ang pagbuo ng mga hakbang upang baguhin o paunlarin ang kanyang paggamit ng
kalayaan.

C. Mga kasanayan sa Pagkatuto. 1. Nasusuri kung nakikita sa mga gawi ng kabataan ang kalayaan.
Isulat ang code ng bawat 2. Nalilinang ang kaalaman, kakayahan at pag-unawa sa sariling kalayaan.
kasanayan 3. Nakapagbibigay-puna sa sariling mga gawi na nakaaapekto sa paggamit ng
Kalayaan. EsP7PTIIe

II. Nilalaman Modyul 7: Kalayaan


A. Sanggunian

1. Mga pahina sa Gabay ng Gabay sa Edukasyon sa Pagpapakatao 7 TG p.


Guro

2. Mga Pahina sa Kagamitang Modyul sa Edukasyon sa PAgpapakatao 7 LM p.


Pang-Mag-aaral

3. Mga pahina sa Teksbuk Edukasyon sa Pagpapahalaga I, p.36


4. Karagdagang Kagamitan mula sa http://lrmds.deped.gov.ph/list/kto12/subject/883
portal ng Learning Resource

B. Iba pang Kagamitang Panturo Manila paper, laptop, LCD projector, graphic organizer and PowerPoint Presentation
III.Pamamaraan

A. Balik-Aral sa nakaraang aralin at Ipakita ng guro ang Concept Map na nasa Manila paper at ipasulat sa mga mag-aaral sa loob ng kahon
pagsisimula ng bagong aralin. ang pagkaunawa at paaran ng paggamit ng kanilang kalayaan. Tumawag ng ilang mag-aaral na magbabahagi
ng kasagutan. (gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective/ Contructivist Approach)

Pagkaunawa sa

paggamit ng
Paraan ng
Kalayaan

kalayaan
B. Paghahabi sa layunin ng aralin A. Gamit ang objective board, babasahin ng guro ang mga layunin ng aralin.
at pagganyak 1. Nasusuri kung nakikita sa mga gawi ng kabataan ang kalayaan.
2. Nalilinang ang kaalaman, kakayahan at pag-unawa sa sariling kalayaan.
3. Nakapagbibigay-puna sa sariling mga gawi na nakaaapekto sa paggamit ng
kalayaan.
B. Ipamahagi sa mag-aaral ang kopya ng tula, ipabasa nang sabayan at sagutan ang tanong.
(gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective/Collaborative Approach)

Malaya Ka Pa Ba?
ni Noel P. Sulay

Noong isang Lunes Kaya’t sa kaklase At kwarto’y iniwan


Ikaw ay nagpasya Ikaw ay tumabi Lumabas ng bahay
Kasama ng barkada Sinabi sa kanyang Sa mall ay namasyal
Sa sinehan ay pumunta “Pakopya nga pre” Natupad din ang gusto
Nanood ng komedya Ililibre na kita mo
Iniwan ang eskwela Doon sa Jollibee Ang maglayas at
Alam na alam mong Sa loob ng kwarto maglibang
Pagsusulit ay bukas na Pumunta ka Nakamit mo ito Di
ito pinansin Nakita mong bukas Sa tulong ng “isang
Mas inuna ang barkada Wallet sa lamesa daan”
Kinabukasan, kabado ka Sa kulay pa lamang Nais ko pa sana
Pagsusulit nag-umpisa Agad nakilla Magkwento’t magsabi
Ang ‘yong paghahanda Kay daddy mo ito Sa haba ng tulang ito
Alam mong kulang pa Hindi ka nagduda Di na yata maaari
Di mo napigilan Ang tanong ko lamang
Kinuha ang isang daan Saguting mabuti
Isinilid mo sa bulsa Malaya ka pa ba
Mahal kong kumpare?
Sagutan ang sumusunod na katanungan:
a. Kung ikaw ang susulat ng tulang ito, ganito rin ba ng maiisip mong pamagat? Bakit?
b. Ano para sa iyo ang kahulugan ng kalayaan? Kailan mo masasabing malaya ang isang
tao? Ipaliwanag.
c. Sumasang-ayon ka ba sa sinasabi ng pahayag na ito?: “Malaya ang taong
nakagagawa ng lahat ng bagay na gusto niyang gawin.” Pangatuwiranan.

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa Pangkatin ang klase sa apat na grupo. Atasan ang bawat pangkat ng limang gawi ng kabataang
bagong aralin nakaaapekto sa paggamit ng kalayaan. (gawin sa loob ng 10 minuto) (Collaborative/Constructivist
Approach)

Bilang Gawi ng Kabataang Nakaaapekto sa Paggamit ng Kalayaan


1
2
3
4
5

D. Pagtalakay ng bagong Ipaskil ang ginawa ng pangkat at pumili ng isang mag-uulat. Pagkatapos ng pag-uulat, ipahambing ang
konsepto at paglalahad ng sagot ng bawat pangkat. Sagutan ang tanong sa ibaba. (gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective
bagong kasanayan #1 Approach)
1. Ano ang kahalagahan ng kalayaan?
2. Paano magiging tunay na malaya ang isang tao?
E. Pagtalakay ng bagong Gamit ang dating pangkat, ipakita ang gawi ng tao sa paggamit ng kalayaan sa pamamagitan ng dula-
konsepto at paglalahad ng dulaan. (gawin sa loob ng 15 minuto) (Collaborative Approach)
bagong kasanayan #2 Kraytirya:
Presentasyon- 30
Nilalaman - 30
Kooperasyon- 20
Pagkamalikhain 20
Kabuuaan 100 puntos

F. Paglinang sa Kabihasahan Sagutan ang sumusunod na tanong at isulat sa notbuk ang kasagutan. Tumawag ng ilang
(Tungo sa Formative mag-aaral na magbabahagi ng kasagutan. (gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective Approach)
Assessment) 1. Sa dula-dulaang ipinakita, ano ang posibleng mangyari kung aabusuhin ang iyong
kalayaan?
2. Kung may kalayaan ang bawat isa, paano niya ito dapat gamitin?
3. Bakit kailangang may hangganan ang paggamit ng kalayaan?

G. Paglalapat sa aralin sa Gumawa ng islogan na binubuo ng 10-15 salita tungkol sa kaalaman, kakayahan at pag-unawa sa sariling
pangaraw-araw na buhay kalayaan. (gawin sa loob ng 10 minuto) (Constructivist Approach)

Kraytirya:
NIlalaman- 40%
Kaayusan- 30%
Kaangkupan- 20%
Oras- 10%
Kabuuan- 100%
H. Paglalahat sa aralin Ang bawat tao ay malaya. Dahil sa kalayaang taglay, nagagawa niyang pumili, magpasya at magtakda
ng sariling buhay. May hangganan ang kalayaang taglay ng tao. Ang bawat kalayaan ay
may katumbas na pananagutan na siyang nagtatakda at kumokontrol dito.

I. Pagtataya ng Aralin Buuin nang may kalayaan ang sumusunod na pahayag. Limang puntos bawat bilang. (gawin sa loob ng
5 minuto) (Constructivist Approach)

1. Ang bawat tao ay nagtataglay ng

2. Sa pagpapalaya ko sa aking sarili, kailangan kong

3. Dahil sa kalayaan, nagagawa kong

J. Karagdagang gawain para sa Magsaliksik tungkol sa uri ng kalayaan, suriin ito at humanda sa pagbabahagi sa klase.
takdang aralin at remediation
IV. MgaTala
V. Pagninilay

A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng


80% sa pagtataya.

B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba pang
gawain para sa remediation

C. Nakatulong ba ang remedial?


Bilang ng mag-aaral na
nakaunawa sa aralin?
D. Bilang ng mga mag-aaral na
magpapatuloy sa remediation?

E. Alin sa mga istratehiyang


pagtuturo ang nakatulong nang
lubos? Paano ito nakatulong?

F. Anong suliranin ang aking


naranasang solusyunan sa tulong ng
aking punungguro at superbisor?

G. Anong kagamitang panturo ang


aking nadibuhong nais kong
ibahagi sa mga kapwa ko guro?
DAILY LESSON LOG Paaralan Baitang/ Antas 7
(Pang-araw-araw na Guro Asignatura Edukasyon sa Pagpapakatao
Tala sa Pagtuturo) Petsa/Oras Markahan Ikaapat
IKATLONG ARAW
I. Layunin

A. Pamantayang Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa kalayaan.


Pangnilalaman

B. Pamantayan sa Pagganap Naisasagawa ng mag-aaral ang pagbuo ng mga hakbang upang baguhin o paunlarin ang kanyang paggamit ng
kalayaan.

C. Mga kasanayan sa Pagkatuto. 1. Nahihinuhang likas sa tao ang malayang pagpili sa mabuti o sa masama; ngunit ang kalayaan ay may
Isulat ang code ng bawat kakambal na pananagutan para sa kabutihan
kasanayan 2. Nakapaninindigan sa sariling posisyon tungkol sa pananagutan bunga ng paggamit ng kalayaang pumili sa
mabuti o masama.
3. Nakabubuo ng sanaysay na nagpapakita ng malayang pagpapasyang hindi naging maganda ang bunga at
napanagutan ang pagpili sa kilos. EsP7PTIIf-7.3

II. Nilalaman Modyul 7: Kalayaan


A. Sanggunian

1. Mga pahina sa Gabay ng Guro Gabay sa Edukasyon sa Pagpapakatao 7 TG p. 58-61

2. Mga Pahina sa Kagamitang Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 7 LM p. 75-89


Pang-Mag-aaral
3. Mga pahina sa Teksbuk
4. Karagdagang Kagamitan mula sa http://lrmds.deped.gov.ph/list/kto12/subject/883
portal ng Learning
Resource

B. Iba pang Kagamitang Panturo Panturong Biswal: LCD projector, laptop

III. Pamamaraan

A. Balik-Aral sa nakaraang aralin Ipaskil ang ginawang islogan at ibahagi sa klase ang kaisipang nabuo. (gawin sa loob ng 5 minuto)
at pagsisimula ng bagong (Reflective Approach)
aralin.

B. Paghahabi sa layunin ng aralin at A. Gamit ang objective board, babasahin ng guro ang mga layunin ng aralin.
pagganyak 1. Nahihinuha na likas sa tao ang malayang pagpili sa mabuti o sa masama; ngunit ang kalayaan ay may
kakambal na pananagutan para sa kabutihan
2. Nakapaninindigan sa sariling posisyon tungkol sa pananagutan bunga ng paggamit ng
kalayaang pumili sa mabuti o masama.
3. Nakabubuo ng sanaysay na nagpapakita ng malayang pagpapasyang hindi naging maganda ang bunga
at napanagutan ang pagpili sa kilos

B. Ipagawa ang larong Word Hunt. Hanapin at tukuyin ang mga salitang may kaugnayan sa kalayaang
nakasulat sa ibaba ng worksheets. Ito ay maaaring pahalang, pababa, pahilis o pabaliktad. Bigyan ng
premyo ang mga mag-aaral na naunang makakuha ng tamang kasagutan. (gawin ito sa loob ng 5
minuto.) (Constructivist Approach)
A W D R B F Z L Q J O F N L U
Y S F U L A W X X J P X M J K
R K O E T Z T Y U Y L T S N T
A C G Y S A C A B R T L A C I
Y K M Y P N L K S S V T E C N
S F F Z B Z C I A - U B B U J
A M Y Z D L G S O G M O T G R
P N A H I T U B A K U O W S Z
A S B H L I P N J H O L R S C
P Z R A X X A Y Z B U - S A J
G K T B T N L T H N E S B U L
A K U V A A V P D S E O M U P
P R N P W T S P C H Q L L V U
A G C Y Q Z J I Y M Q I O Q T
J V N A A Y A L A K R K T S X

Batas-Moral Pananagutan Kabutihan


Kilos-Loob Pagpapasya Kalayaan
C.Pag-uugnay ng mga halimbawa sa Ipaskil ang tsart na inihanda ng guro. Pag-aralan ang sumusunod na sitwasyong nakasulat dito.
bagong aralin Tumawag ng piling mag-aaral na magbabahagi. Isulat ng guro ang kasagutan ng mag-aaral.
Magkaroon ng talakayan sa natapos na gawain. (gawin sa loob ng 10 minuto)
(Constructivist/Integrative Approach)

SITWASYON RESULTA PANANAGUTAN


1. Pagbibisyo (pagsugal,
pagsigarilyo, pag-inom
ng alak, pagkalulong
sa droga)
2. Maagang pag-aasawa o
pagbubuntis

3. Pagpapabaya sa pag- aaral


(hindi gumagawa ng
project, o naghahanda ng
takdang aralin at iba pa.)
4. Pagrebelde sa magulang
5. Pagsama sa maling
barkada
D. Pagtalakay ng bagong Pangkatin ang klase sa apat na grupo. Ipabasa ang bahagi ng sanaysay na nakatakda sa bawat pangkat at
konsepto at paglalahad ng iulat ito sa klase gamit ang graphic organizer. (gawin sa loob ng 10 minuto) (Collaborative
bagong kasanayan #1 Approach)

Unang Pangkat - Bubble Web

Konsepto ng Kalayaan
May mga kabataang nag-aakalang ang kalayaan ay kapangyarihan na gawin ang anumang naisin
ng tao. Kung susuriin ayon kay de Torre, ang tao ay walang kakayahang gawin palagi ang anumang
kanyang naisin. Maraming bagay ang nais niyang mangyari at gawin subalit hindi niya magawa ang mga
ito. Nais ng taong hindi magkasakit, hindi tumanda, manatiling buhay, malaman ang lahat ng bagay
ngunit wala siyang kalayaan upang magawa ang mga ito. Kung ganoon, ano nga ba ang tinutukoy na
kalayaan ng tao?
Sa kabila ng limitasyong ito ng kalayaan ng tao, ang tao ay tunay na malaya sa kanyang
pagpili o pagpapasya. Binigyang kahulugan ni Santo Tomas de Aquino ang kalayaan bilang
“katangian ng kilos-loob na itakda ng tao ang kanyang kilos tungo sa kanyang maaaring hantungan
at ang paraan upang makamit ito”. Nangangahulugan ito na malaya ang taong gamitin ang kanyang
kilos-loob upang pumili ng partikular na bagay o kilos. Ang tao ay nagtatakda ng kanyang kilos para
sa kanyang sarili. Walang anumang puwersa sa labas ng tao ang maaaring magtakda nito para sa
kanya. Maaari siyang mahikayat, maganyak o maakit subalit hindi maaaring puwersahin o pilitin.
Subalit ang kalayaang ito ay hindi tumutukoy sa kalayaan upang piliin ng tao ang kahihinatnan ng
kanyang pagpili. Hindi sakop ng kanyang kalayaan ang likhain ang kahihinatnan ng kanyang
piniling kilos. Halimbawa, malaya ang isang mag-aaral na piliing magbarkada kaysa mag-aral ng
leksyon, subalit hindi siya malaya sa maaaring kahihinatnan nito. Hindi
maaaring mataas pa rin ang kanyang marka sa kabila ng kanyang piniling gawin. Hindi malaya ang
taong piliin ang kahihinatnan ng kilos na kanyang pinili. Samakatuwid, ang
kalayaan ay hindi lubos at ito ay may limitasyon. Ang limitasyong ito ay itinakda ng Likas na Batas
Moral. Ipinaliwanag ni Sr. Felicidad C. Lipio ang kaugnayan ng kalayaan sa batas na ito katulad ng
kaugnayan ng dalampasigan sa baybay dagat. Ang dalampasigan ang nagbibigay hugis sa tubig at ang
siyang nagbibigay hangganan dito. Gayundin, ang Likas na Batas Moral ang nagbibigay hugis sa
paggamit ng tunay na kalayaan at nagtatakda ng hangganan nito. Ang batas moral kung gayon ay
alituntuning kailangang sundin na nagbibigay hugis at direksiyon sa kalayaan.

Ikalawang Pangkat - Concept Cluster

Uri Ng Kalayaan
Mayroong dalawang uri ng kalayaan:
1. Panloob na Kalayaan. Ayon sa obserbasyon ni Santo Tomas de Aquino, nakasalalay sa kilos-loob ng
tao ang kanyang kalayaan. Tinutukoy ng Panloob na Kalayaan ng kilos- loob ang:
a. Kalayaang Gumusto (freedom of exercise) - ito ang kalayaang magnais o hindi magnais
b. Kalayaang Tumukoy (freedom of specification) - ito naman ang kalayaan upang tukuyin
kung alin ang nanaisin
Sa babalang ito halimbawa, “Bawal ang Maligo Rito”. Ang iyong kilos-loob ay malayang
magnais o hindi magnais na sundin o kaya balewalain ang babala. Sakaling nagpasya ang kilos-loob
na sundin ang sinasabi ng babala, malaya nitong tukuyin kung ano ang nanaising gawin bilang
kapalit sa planong paliligo. Nanaisin niya marahil ang magpiknik na lamang sa dalampasigan,
lumipat ng ibang lugar o umuwi na lang.
Walang maaaring magtanggal ng panloob na kalayaan ng tao. Hindi ito maipagkakait, makukuha o
maaalis sa kanya.
2. Panlabas na Kalayaan. Ito ang kalayaan upang isakatuparan ang gawaing ninais ng kilos- loob.
Naiimpluwensiyahan ng mga panlabas na salik ang kalayaang ito. Maaaring
mabawasan o maalis ang kalayaang ito sa pamamagitan ng puwersa sa labas ng tao. Kapag ang tao ay
ikinulong, mawawala ang kanyang panlabas na kalayaan. Halimbawa ng panlabas na kalayaan ay ang
politikal, propesyonal at pang-akademikong kalayaan. Nakapaloob sa politikal na kalayaan ang
kalayaang pumili ng sasalihang samahang politikal, bumoto o pumili ng taong mamumuno. Ang pang-
akademikong kalayaan halimbawa ay ang kalayaang pumili ng paaralang papasukan at kursong
kukunin sa kolehiyo. May kalayaan ang mga propesyonal na gampanan ang kanilang tungkulin ayon sa
sariling pamamaraan subalit hindi taliwas sa mga panuntunan.
Ayon kay Esther Esteban (1990), ang konsepto ng kalayaan ay nangangahulugang nagagawa o
nakakayang gawin ng tao ang nararapat upang makamit ang pinakamataas at pinakadakilang layunin ng
kanyang pagkatao. Malaya ang taong linangin ang kanyang sarili at paunlarin ito.

Ikatlong Pangkat - Word Map


Ang kalayaan ng tao ay nakabatay sa pagsunod sa Likas na Batas Moral. Ang tunay na kalayaan ay
masusumpungan sa pagsunod sa batas na ito. Sa bawat batas na nauunawaan at sinusunod ng tao, mas
nadaragdagan ang kanyang kalayaan. Bakit nga ba pinayagan ng Diyos na maging malaya ang taong
tanggapin o suwayin ang Kanyang batas? Bakit hinahayaan ng isang magulang ang kanyang anak na
sumubok, pumili at magpasya para sa kanyang sarili? Ito ay sa dahilang umaasa ang Diyos o maging ang
magulang ng pagsunod mula sa pag-unawa at pagmamahal hindi dahil sa pinilit at pagsunod na may
takot. Dahil dito, ang kalayaan ng tao ay palaging may kakambal na pananagutan.

Ikaapat na Pangkat - Spider Web

Palatandaan ng Taong Mapanagutan sa Paggamit ng Kalayaan


Ang tao ay kailangang maging mapanagutan sa anumang kilos at pagpapasyang gagawin. Paano
mo malalaman kung naging mapanagutan ka sa paggamit ng kalayaan? Narito ang ilang palatandaan
ayon kay Esteban (1990):
1. Kung naisaalang-alang mo ang kabutihang pansarili (personal good) at ang kabutihang panlahat
(common good). Halimbawa, ginagamit mo ang kalayaan upang malampasan ang mga balakid sa pag-
unlad ng ating pagkatao. Ang maging malaya sa kamangmangan, kahirapan, katamaran, kasamaan ay
ilan sa mga ito. Itinatalaga rin ang kalayaan para sa ikabubuti ng kapwa katulad ng pakikilahok sa mga
proyektong pampamayanan o maging sa pagtatanggol sa mabubuting adhikain.
2. Kung handa kang harapin ang anumang kahihinatnan ng iyong pagpapasya. Ang bawat kilos o
pagpapasya ay may katumbas na epekto, mabuti man o masama. Hindi lamang sapat na harapin ang
kahihinatnan ng pasya o kilos kundi ang gamitin ang kalayaan upang itama ang anumang
pagkakamali.
3. Kung ang iyong pagkilos ay hindi sumasalungat sa Likas na Batas Moral. Ang Likas na Batas Moral
ay ibinigay sa tao noong siya’y likhain. Nakasaad sa mga batas na ito ang dapat gawin at di dapat
gawin ng tao. Ang mga batas na ito ang siyang batayan sa pagsasaalang-alang sa pagkilala ng
kabutihang pansarili at kabutihang panlahat.

Bagamat may kalayaang pumili ang tao dahil sa kanyang kilos-loob, ang tao ay may kamalayan,
kaya siya ay may kakayahang magsuri at pumili ng nararapat. Siya ay may moral na tungkulin na piliin
ang ayon sa moral na batayan. Ang kalayaan ng kilos-loob ay bahagi ng ating ispirituwal na aspekto ng
ating pagkatao. Bigay ito ng Diyos sa tao upang malaya niyang mahubog ang kanyang pagkatao. Ang
tunay na kalayaan ay mapanagutan kaya’t inaasahang ito ay gagamitin sa paggawa nang naaayon sa
kabutihan. Ang tunay na kalayaan ay ang paggawa ng mabuti.
Bubble Web Concept Cluster

Spider map Word Map

E. Pagtalakay ng bagong Magsagawa ng pag-uulat ang bawat pangkat. Pumili ng tagapag-ulat at itanong sa mag-aaral ang
konsepto at paglalahad ng sumusunod. (gawin sa loob ng 10 minuto) (Reflective Approach)
bagong kasanayan #2
1. Paano maipamamalas ang tunay na kalayaan?
2. Bakit kailangang may hangganan ang kalayaan ng tao?
3. Paano naging malaya ang taong gumagawa ng mabuti?
F. Paglinang sa Kabihasahan Buuin ang pahayag sa pamamagitan ng pagsulat sa patlang ng tamang kasagutan. (gawin sa loob ng 5
(Tungo sa Formative minuto) (Reflective/Constructivist Approach)
Assessment)
Likas sa tao ang sa o ngunit ang ay
may kakambal na para sa kabutihan.
Sagot: 1. Malaya 2. Pagpili 3. Pagpapasya 4. Kalayaan 5. Pananagutan

G. Paglalapat sa aralin sa pang- Sumulat ng maikling sanaysay na binubuo ng 5 o higit pang pangungusap na nagpapahayag ng isang
araw-araw na buhay panawagan sa kapwa mag-aaral na maging mapanagutan sa paggamit ng kalayaan (gawin
sa loob ng 5 minuto) (Constructivist Approach)
Kraytirya:
a. Nilalaman 40%
b. Kaugnayan sa Tema . 35%
c. Paggamit ng Salita 25%
Kabuuan 100%

H. Paglalahat sa Aralin May kalayaang pumili ang tao dahil sa kanyang kilos-loob. Ang tao ay may kamalayan kaya siya
ay may kakayahang magsuri at pumili ng nararapat. Siya ay may moral na tungkuling piliin ang ayon sa
moral na batayan. Ang kalayaan ng kilos-loob ay bahagi ng ispirituwal na aspekto ng ating pagkatao.
Bigay ito ng Diyos sa tao upang malaya niyang mahubog ang kanyang pagkatao. Ang tunay na kalayaan
ay mapanagutan kaya’t inaasahang ito ay gagamitin sa paggawa nang naaayon sa kabutihan. Ang tunay na
kalayaan ay ang paggawa ng mabuti.
I. Pagtataya ng Aralin Isulat sa notbuk at punan ng tamang sagot ang sumusunod: (gawin sa loob ng 5 minuto)
(Contructivist Approach)
Panuto: Piliin ang tamang sa sagot sa Hanay B para sa Hanay A. Isulat sa patlang ang titik ng iyong napiling
sagot.
Hanay A Hanay B

1. KALAYAAN A. Ito ay kalayaang nakasalalay sa kilos-loob ng tao


2. LIKAS NA BATAS MORAL B. Ito ang kalayaan upang isakatuparan ang gawaing
ninais ng kilos-loob.
3. PANLABAS NA KALAYAAN C. Ito ang nagbibigay-hugis sa paggamit ng tunay
na kalayaan at nagtatakda ng hangganan nito
4. PANLOOB NA KALAYAAN D. Ito ay kapag nagagawa ng isang taong gamitin
ang kanyang kilos-loob upang pumili ng partikular na
bagay o kilos.
5.PANANAGUTAN E. Ito ang kakambal ng kalayaan.

J. Karagdagang gawain para sa Sagutan ang sumusunod na tanong. Isulat ito sa inyong notbuk at humanda sa pagbabahagi.
takdang aralin at remediation 1. Ano ang konsepto ng tunay na kalayaan?
2. Paano mo malalaman kung naging mapanagutan ka sa paggamit ng kalayaan?
IV. MgaTala
V. Pagninilay

A. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa
pagtataya.
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba pang
gawain para sa remediation

C. Nakatulong ba ang remedial?


Bilang ng magaaral na
nakaunawa sa aralin?

D. Bilang ng mga mag-aaral


na magpapatuloy sa
remediation

E. Alin sa mga istratehiyang


pagtuturo ang nakatulong
nang lubos? Paano ito
nakatulong?

F. Anong suliranin ang aking


naranasang solusyunan sa
tulong ng aking punungguro at
superbisor?

G. Anong kagamitang panturo ang


aking nadibuhong nais
kong ibahagi sa mga kapwa ko
guro?
DAILY LESSON LOG Paaralan Baitang/ Antas 7
(Pang-araw-araw na Guro Asignatura Edukasyon sa Pagpapakatao
Tala sa Pagtuturo) Petsa/Oras Markahan Ikaapat
IKAAPAT NA ARAW
I. Layunin

A. Pamantayang Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa kalayaan.


Pangnilalaman

B. Pamantayan sa Pagganap Naisasagawa ng mag-aaral ang pagbuo ng mga hakbang upang baguhin o paunlarin ang kanyang paggamit
ng kalayaan

C. Mga kasanayan sa Pagkatuto. 1. Naisasagawa ang pagbuo ng mga hakbang upang baguhin o paunlarin ang kanyang paggamit ng kalayaan.
Isulat ang code ng bawat 2. Naipamamalas ang paggamit ng kalayaan sa pagpili ng mabuti at napananagutan ang pagpili sa
kasanayan masama
3. Naipapahayag ang paggamit ng kalayaan sa pagpili ng mabuti at napananagutan ang pagpili sa
masama sa pamamagitan ng panawagan. EsP7PTIIf-7.4

II. Nilalaman Modyul 7: Kalayaan!


A. Sanggunian

1. Mga pahina sa Gabay ng Gabay sa Eduksayon sa Pagpapakatao 7 TG p. 91-


Guro
2. Mga Pahina sa Kagamitang Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 7 LM p. 176-178
Pang-Mag-aaral

3. Mga pahina sa Teksbuk OHSP EP I. Modyul 8, EASE EP I. Modyul 15, EASE EP IV. Modyul 10

4. Karagdagang Kagamitan http://lrmds.deped.gov.ph/list/kto12/subject/883


mula sa portal ng Learning
Resource

B. Iba pang Kagamitang Panturong Biswal: LCD Projector, Laptop https://www.youtube.com/watch?


Panturo v=bvPaNSiiGhA
III.Pamamaraan

A. Balik-Aral sa nakaraang 1. Magbalik-aral hinggil sa mga paksang tinalakay ukol sa kalayaan at itanong sa mag-aaral ang
aralin at pagsisimula ng sumusunod. (gawin sa loob ng 3 minuto) (Reflective Approach)
bagong aralin. a. Ano ang konsepto ng tunay na kalayaan?
b. Bakit kailangang may hangganan ang kalayaan ng tao?
B. Paghahabi sa layunin ng A. Gamit ang objective board, babasahin ng guro ang mga layunin ng aralin.
aralin at pagganyak 1. Naipamamalas ang paggamit ng kalayaan sa pagpili ng mabuti at napananagutan ang pagpili sa
masama
2. Nakabubuo ng mga hakbang upang baguhin o paunlarin ang kanyang paggamit ng kalayaan
3. Naipapahayag ang paggamit ng kalayaan sa pagpili ng mabuti at napananagutan ang pagpili sa
masama sa pamamagitan ng panawagan.

B. Panoorin ang isang short film (https://www.youtube.com/watch?v=bvPaNSiiGhA) na pinamagatang


Mabuti ka bang Tao?/Are you a Good Person? at itanong sa mag-aaral ang sumusunod. (gawin ito sa
loob ng 5 minuto) (Reflective Approach)
1. Sa paanong paraan ipinakita ni Mr. Nice Guy ang kanyang pananagutan sa kanyang ginawa?
2. Paano naging malaya ang taong gumagawa ng mabuti?

C. Pag-uugnay ng mga Punan ang tsart. Suriin ito sa pamamagitan ng pagkilala sa maaaring kahihinatnan ng kilos sa
halimbawa sa bagong bawat sitwasyon. Isulat sa unang kolum ang agarang epekto o kahihinatnan ng kilos. Isulat din sa
aralin ikalawang kolum ang pangmatagalang epekto ng kilos. Gabay mo ang naunang sitwasyon bilang
halimbawa. (gawin sa loob ng 10 minuto) (Integrative/Constructivist Approach)
AGARANG EPEKTO PANGMATAGALANG
SITWASYON
EPEKTO
Halimbawa: Halimbawa: Halimbawa:
Kapag tinanggihan ko ang -Hindi masasayang ang pera ko. -Hindi ako magugumon
alok ng kaibigan kong -Hindi ako matututong magsugal. sa sugal.
sumama sa kanya para -Hindi niya na ako yayain ulit sa -Makakapagtapos ako
magsugal susunod. ng pag-aaral

Kapag tumutulong ako sa


gawaing bahay
Kapag hindi ko ginawa
ang aking mga takdang
aralin
Kapag maaga akong
nakipagrelasyon sa
kabilang kasarian
Kapag nag-aral ako ng
leksiyon araw-araw
Kapag pinagbigyan ko ang
alok ng kaibigan kong
manood ng pornograpiya

D. Pagtalakay ng bagong
konsepto at paglalahad
ng bagong kasanayan #1 Think-Pair-Share. Hayaang pumili ang mag-aaral ng kapareha upang ikumpara ang kanilang sagot sa
ginawang gawain. Atasan silang ipaliwanag ang konseptong kanilang naunawaan mula sa kanilang ginawang tala.
(gawin sa loob ng 5 minuto) (Collaborative Approach)

E. Pagtalakay ng bagong Pangkatin ang klase sa lima. Ang bawat grupo ay gagawa ng headlines o ulo ng mga balita para sa
konsepto at paglalahad ng sumusunod na pahayagang nagpapapahayag ng kinahinatnan ng taong pinanagutan ang pagpili ng masama
bagong kasanayan #2 at paggamit ng kalayaan sa pagpili ng mabuti. (gawin sa loob ng 10 minuto)
(Collaborative/Constructivist Approach)

PILIPINO STARS TEMPO TALIBA


.
Balita Ngayon! Napapanahong Balitang Naiiba!
Isyu!

Kraytirya:
a. Nilalaman 40%
b. Kaugnayan sa Tema 30%
c. Paggamit ng Salita 30%
Kabuuan 100%
F. Paglinang sa Kabihasahan Magsagawa ng pag-uulat ang bawat pangkat. Pumili ng tagapag-ulat at itanong sa mag-aaral ang
(Tungo sa Formative sumusunod. (gawin sa loob ng 10 minuto) (Reflective Approach)
Assessment) 1. Bakit kailangang maging mapanagutan ang bawat isa sa kanyang kilos o pasya?
2. Sa paanong paraan magiging tunay na malaya ang tao?

G. Paglalapat sa aralin sa pang- Sumulat ng pagninilay tungkol sa natuklasan mong tunay na kahulugan ng kalayaan at isulat sa
araw-araw na buhay journal. Sagutan ang sumusunod na tanong (gawin sa loob ng 10 minuto) (Reflective Approach)

Ano ang nabago sa


Paano ko maipakikita
aking pananaw
tungkol sa ang pagpapahalaga
ko sa kalayaang
kalayaan?
taglay ko?

H. Paglalahat sa aralin Ang paggamit ng kalayaan ay may kakambal na pananagutan. Hindi perpekto ang tao kaya’t siya ay
nagkakamali sa ilang pagpapasya. Dahil sa kalayaan, maaari niyang baguhin at paunlarin ang kanyang
pagpapasya at ang kanyang pagkatao.

I. Pagtataya ng Aralin Punan ang bawat patlang upang mabuo ang sanaysay sa ibaba. Tapusin ang pangungusap upang makabuo ng
isang Explanatory Essay. Gawing makatuwiran at mapangganyak ang isusulat. Isang puntos sa bawat
tamang sagot. (gawin sa loob ng 7 minuto) (Constructivist/Reflective Approach)
Ang paggamit ng kalayaan ay may kakambal na . Bagama’t hindi perpekto ang tao
kaya’t siya ay . Subali’t dahil sa kalayaan, maaari niyang baguhin at
paunlarin ang . Ang kalayaan ng tao ay nakabatay sa pagsunod
sa . Ang tunay na kalayaan ay ang paggawa ng .
Sagot: 1. Pananagutan 2. Nagkakamali 3. Pagkatao 4. Likas Batas Moral 5. Mabuti

J. Karagdagang gawain para sa Gawin ang “ Kalayaan Ko, Kabutihan Ko” sa pamamagitan ng pagtala ng mga kilos na nais mong baguhin o
takdang aralin at paunlarin. Banggitin ang naging epekto nito sa iyong pagkatao o sa kapwa. Ano ang gagawin mo upang
remediation mapaunlad o baguhin ang kilos. Itala rin ang mga araw ng pagsasagawa nito at
ang epekto o resulta nito. Humanda sa pagbabahagi.

Naging

Merkules

Huwebes
Kilos na Nais

Biyernes

Sabado
Martes

Linggo
Gagawin kong

Lunes
Epekto sa Epekto sa
Kong Baguhin
Pagkatao/ Pagbabago Pagkatao/Kapwa
/Paunlarin
Kapwa

Halimbawa: Naging Pipiliin ko na ang x   Naging magalang at


Pagsagot walang mga salitang mapagtimpi sa
nang respeto gagamitin ko sa sariling emosyon.
pabalang sa hindi lang pakikipagusap sa
aking mga sa aking magulang.
magulang. magulang Magiging
kundi pati mahinahon ako.
sa ibang
tao.

IV. MgaTala
V. Pagninilay

A. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa
pagtataya.

B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba
pang gawain para sa
remediation

C. Nakatulong ba ang remedial?


Bilang ng magaaral na
nakaunawa sa
aralin?

D. Bilang ng mga mag-aaral


na magpapatuloy sa
remediation?

E. Alin sa mga istratehiyang


pagtuturo ang nakatulong
nang lubos? Paano ito
nakatulong?

F. Anong suliranin ang aking


naranasang solusyunan sa
tulong ng aking punungguro
at superbisor?
G. Anong kagamitang panturo
ang aking nadibuhong nais
kong ibahagi sa mga kapwa ko
guro?

You might also like